Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago


Narito ang maiinit na balita ngayong November 12, 2026








-Rider, sugatan matapos masalpok ng SUV; tumakas na driver ng SUV, pinaghahanap


 


-PAGASA: Danger level na heat index, posibleng maranasan sa 7 lugar sa bansa ngayong araw


 


-LPG price rollback, epektibo ngayong araw


 


-Pharmacy attendant, patay matapos barilin ng dati umanong karelasyon; suspek, tinutugis


 


-Lalaking nagnakaw ng cellphone sa gadget store, hinabol ng ilang sibilyan


 


-Pagnanakaw ng 2 lalaki sa kawad ng kuryente, napurnada nang mag-spark ang kable; Isa sa mga suspek sa pagnanakaw, naaresto kalaunan dahil sa ilegal na pagsusugal; kasabwat, pinaghahanap pa


 


-16 na testtigo sa impeachment trial, iniatras ng depensa


 


-Hindi shareholder ng GenCorp si VP Duterte at wala ring partisipasyon sa Metro City Chow Foods, ayon sa abogado ng 2 kompanya; GenCorp lawyer Atty. Punay: Ang natanggap ni VPSD na mahigit P2M mula sa GenCorp ay "loose investment" niya sa isang fast food branch na hindi natuloy; GenCorp lawyer Atty. Punay: Return of investment ang P2.1M na natanggap ni VPSD; Presiding officer Escudero: Maituturing na return on investment ang P2.1M na natanggap ni VPSD; Prosekusyon: Labag sa Saligang Batas na magkaroon ng ibang pinagkakakitaan ang bise bukod sa suweldo niya sa gobyerno; Hindi shareholder ng GenCorp si VP Sara Duterte at wala ring partisipasyon sa Metro City Chow Foods, ayon sa abogado ng 2 kompanya na si Atty. Balucanag-Punay; Metro City Chow Foods lawyer Atty. Punay: "Honest mistake" ang pagkakalista kay VPSD bilang parte ng compensation committee ng kompanya; Depensa, pinagpapaliwanag ng impeachment court kung para saan ang perang ibinigay ng GenCorp kay VPSD


 


-Driver's license ni Bini Mikha Lim, sinuspinde ng LTO dahil gumamit siya ng cellphone habang nagmamaneho


 


-2 lalaki, arestado matapos maaktuhan ng mga pulis ang pagsisinsil sa mga poste ng kuryente; Mga suspek, umaming nanakawin sana nila ang ilang bakal sa poste para maibenta


 


-8-anyos na babaeng angkas sa motorsiklo, patay matapos mabangga ng police mobile; lolang rider, sugatan


 


-5 alagang aso, namatay matapos umanong lasunin; AKF, kinondena ang insidente; 3 aso at 14 na manok, namatay matapos makakain ng lason para sa daga


 


-Ilang iirigation dam, puwede nang kunan ng dagdag na supply ng tubig ng Maynilad matapos payagan ng MWSS;


MERALCO: Mga mall, pabrika, at iba pang negosyo, gagamit ng sariling generator sets kapag manipis ang supply ng kuryente


 


-Ugnayan ni Angelina Jolie sa Cambodia, ibinahagi niya sa ASEAN Inclusive Growth Summit; US Pres. Donald Trump at Chinese Premier Li Qiang, dadalo sa mga pulong ng ASEAN


 


-Programang "Sure Ka Na Ba?" na makatutulong sa pagtukoy ng cyberscam, inilunsad ng DOJ


 


-DA-PhilRice: Mag-half rice muna para maiwasan ang rice shortage

Category

🗞
News
Transcript
00:01.
00:01.
00:01.
00:01.
00:01.
00:01.
00:09.
00:09.
00:09.
00:09.
00:09.
00:10.
00:10.
00:10.
00:12.
00:13.
00:14It's a water bottle.
00:28Pulley cam sa Binangonan Rizal.
00:31Sugatan ng isang babaeng rider matapos masalpok ng SUV ang minamanehon niyang motorsiklo.
00:37Ang SUV driver pinaghanap na ng otoridad matapos takbuhan ang nabang ng driver o rider.
00:42Balita ng atin ni EJ Gomez.
01:14Sa bahagi ng kalsadang ito nangyari ang insidente.
01:18Ang nakabanggang SUV nakita pang kumaripas ng takbo at nag-overtake sa ilang sasakyan matapos takasan ang nabanggang babaeng rider.
01:36Matapos mag-overtake sa isang van, nag-overtake din ang SUV sa isang jeep.
01:42Sa iba pang mga CCTV, kita ang SUV na pumasok sa kalsada ng munisipyo.
01:47Nag-park ito. Bumaba ang lalaking driver at sinek ang kanyang sasakyan.
02:02Magkalipas ang mahigit isang oras, bumalik ang driver at inayos ang sira sa gilid na bahagi ng sasakyan.
02:09Kwento ng 19-anyos na motorcycle rider.
02:12Hindi ko po maalala kung nag-signal light po ako.
02:16Pero nag-minor naman po ako. Tumingin po ako dun sa side mirror po ng motor.
02:22Tapos malayo pa naman po kaya po niliko ko na.
02:26Ayun po pala, mabilis po pala yung takbo ng kasunuran ka sa likod.
02:30Ayun daw po dun sa mga nakakita po nung pangyayari na po yung aksidente.
02:38Nahimatay po daw yung partner ko.
02:41Then, nangisay po tapos bumula po yung bibig.
02:46Isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng malaking bukol sa ulo,
02:50mga sugat at gasgas sa iba't ibang bahagi ng katawan.
02:54Kailangan po daw siyang isitiskan.
02:56Pero po, nag-waiver po kami na hindi po muna.
03:00Kasi nga po, hindi po kaya ng budget.
03:03Sana po matulungan po kami ng kahit magkano lang po.
03:07Sana man lang hinintoan niya ako nung time na yan.
03:11Kasi imposible naman di niya alam yan.
03:14Kasi after niya mag-park, kinik pa niya yung sasakyan niya kung okay ba o hindi.
03:20Nasira naman ang manibela at fairing ng motorsiklo.
03:23Matapos po ang aksidente, nagreklamo po yung biktima dito sa aming barangay
03:29at dito po ay aming binlater.
03:33At patuloy po ang aming operasyon sa ikakatunto ng driver
03:39at ang aming pakipag-ugnayan sa polisya at sa LTO.
03:45Kitang-kita po ang iyong muka at ang plate number na iyong sasakyan.
03:49Kaya sumuko ka na at panagutan mo ang iyong aksidente yung ginawa.
03:55Patuloy ang imbestigasyon ng binangonan polis.
03:58Sinusubukan pang kuna ng pahayag ang Land Transportation Office.
04:03EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
04:13Mga kapuso, pitong lugar sa bansa ang makararanas ng matinding init at alinsangan ngayong araw.
04:18Ayon sa pag-asa, posibleng umakyat sa danger level na 42 degrees Celsius ang heat index sa Coronpalawan,
04:25Dumangas, Iloilo, La Carlota, Negros Occidental, Dipolog, Sambuanga del Norte,
04:31Sambuanga City, Cotabato City at Butuan, Agusan del Norte.
04:36Dito po sa Metro Manila, posibleng ang extreme caution level na 37 degrees Celsius na heat index,
04:42particular na sa Pasay.
04:44Sa kabila ng init, nakapagtala pa rin ng lamig sa ilang lugar ngayong araw.
04:4812 degrees Celsius ang naitalang minimum temperature sa La Trinidad Benguet,
04:5315.4 degrees Celsius sa Baguio City at 19 degrees Celsius sa Kasiguran Aurora.
04:5819.8 degrees Celsius naman ang naitalang temperature sa Quirino, habang 24.5 degrees Celsius dito sa Quezon City.
05:08Mainit na Easterly isang magdadala ng mainit na panahon sa malaking bahagi ng bansa kasama ang NCR ayon sa pag
05:14-asa.
05:14Hanging-amihan naman ang umiira sa Northern at Central Luzon.
05:19Samantala, ay sinailalim sa Thunderstorm Watch hanggang alas G's mamayang gabi ang Occidental Mindoro, Palawan at halos buong Visayas.
05:27Ibig sabihin, posible ang mga biglang pag-ulan sa mga lugar na yan.
05:36Good news sa mga bibili ng liquefied petroleum gas o LPG, may rollback po sa presyo niyan.
05:42Ang kada 11 kilogram na tangke ng gasul at fiesta gas ng Petron, may 44 pesos na bawas presyo.
05:4944 pesos din na bawas sa presyo ng kada 11 kilogram na tangke ng Solane LPG.
05:54Ayon kay LPG Marketers Association President Arnelti, dahil po yan sa pagbabaan ng contract price ng LPG sa world market.
06:01Munsunod ng paghupa ng tensyon sa Middle East at dahil sa risulta ng midterm election sa Amerika.
06:12Itinuturi na crime of passion ang nahulikam na pamamaril sa isang babaeng pharmacy attendant sa Cebu City.
06:18Sa kuha ng CCTV, makikitang bumaba mula sa pampaseherong jeep ang 42 anyos na babae.
06:24Itong Martes, nag-away sila ng motorcycle rider na nun ay nakatigil sa tabi ng kalsada.
06:30Maya-maya, binaril ng rider ang babae.
06:34Nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg at ulo ang biktima na kanyang ikinamatay.
06:39Agad tumakas ang gunman.
06:41Sa investigasyon ng pulisya, napagalaman na dating magkarelasyon at magkatrabaho sa pharmacy ang biktima at gunman.
06:48Security guard sa pharmacy ang lalaki.
06:51Dahil umano sa hindi pagkakaunawaan, nakipaghiwalay ang biktima sa lalaki.
06:55Doon na raw nakatanggap ng mga pagbabanta ang biktima mula sa dating karelasyon.
07:00Tukoy na ng pulisya ang pagkakakilala ng gunman at patuloy siyang tinutugis.
07:08Makikita ang pagpakbo ng ilang tao na yan sa Kalasyao, Pangasinan.
07:12Hinahabol pala nila ang isang lalaki na nagnakaw-umano ng cellphone.
07:16Nagpanggap daw ang suspect na bibili sa isang gadget store.
07:19Nang magbabayad na siya ay biglang itinakas ang tindang cellphone at tumakbo palabas.
07:24Humingi ng tulong ang tindera at hinabol ng mga tao ang suspect.
07:28Naabutan ng mga humabol ng lalaki at pagdating sa istasyon ng pulis,
07:31ay nabawi ang ninakaw na cellphone na nagkakahalaga ng halos 6,000 piso.
07:36Ayon sa pulisya, dati nang nasangkot sa kaso na may kinalaman sa droga ang suspect.
07:41Kasalukoyan siya nakapiit sa Kalasyao Police Station at nahaharap sa reklamong TET.
07:46Wala siyang pahayag.
07:48Sa Navotas, naonsyami ang tangkang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa mga kawad ng kuryente.
07:54Ang kabli kasing target nila biglang nag-spark.
07:57Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
08:02Alas dos ng madaling araw noong November 3,
08:06nakuha na ng CCTV ang dalawang lalaking ito sa labas ng isang welding shop sa barangay San Jose na Botas.
08:12Maya-maya, nag-spark ang kuryente at nahulog ang isa sa mga sospek.
08:18Ang mismong kable ng kuryente pala ang kanilang punteriya ayon sa barangay.
08:22Hindi alam ng dalawang sospek.
08:24Pinanonood na pala sila ng CCTV operator ng barangay.
08:27Habang nagmamonitor yung ating CCTV operator,
08:31bigla siyang may napansin na nag-spark sa isang angulo ng screen.
08:36Nakita nila may dalawang naka-standby doon na lalaki.
08:40So para masiguro natin, pumunta sa lugar ang mga tanod ng barangay.
08:45Nang makita sila ng mga sospek, agad silang tumakbo.
08:49Hinabol sila ng mga tanod.
08:50Narinig ko yung halaga ko, taol na taol.
08:54Hindi ako pwedeng lumabas eh.
08:56Baka mama, baka manyart sa akin.
09:00Nayaan ko na lang.
09:01Pagka tinin ko, nakalabas yung lati.
09:04Tapos tayo nakalawit.
09:06Natunto ng isa sa mga sospek matapos tahulan ng aso
09:10habang nagtatago sa isang eskinita sa barangay.
09:13Naghaluguguli sila hanggang may napo na siyang kahinahinala
09:16dahil may isang asong tuloy-tuloy lang ang pagtahol.
09:19Ngayon nga, nakita nila, nandoon pala nagtatago yung tao.
09:24Kalaunay, pinakawalan din ang sospek dahil walang tumayong complainant.
09:28Pero noong November 5, naaktuan daw siya na naglalaro ng iligal na sugal
09:32sa barangay Tanzados, kaya muling naaresto.
09:36Nakakulong na sa Navota City Police Station ang wala pang pahayag na sospek.
09:41Naharap siya sa reklamong illegal gambling.
09:43Naka-alerto pa rin ang barangay para mahuli ang kasabot niya sa tangkang pagnanakaw.
09:49Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
10:00Iniatras ng Defense Team ni Vice President Sara Duterte
10:02ang labing-anim sa kanilang mga testigo sa impeachment trial.
10:06Ayon sa tagapagsalita ng Depensa ni si Atty. Michael Powa,
10:09labing-lima sa mga iniatras ay mga opisyal ng iba't-ibang bangko
10:13Pwede naman daw gamitin na lang ang mga dokumentong na ipresenta na sa paglilitis
10:17para hindi na masayang ang oras ng impeachment court
10:20at ng mga opisyal ng iba't-ibang bangko.
10:23Isang opisyal ng bangko na lang ang paharapin nila sa impeachment court
10:26para tumistigo, kaugnay sa bank records ng vice at asawan niyang si Atty. Manz Carpio.
10:32Nauna na rin binawi bilang testigo ang barangay kapten ng Matina Crossing, Davao City.
10:37Ang iba pang testigo ng Depensa ay isang Atty. Anel Martin Antero,
10:41Chadrin Parian at si Casa City Prosecutor Vimar Barceliano.
10:47Sa day 42 na impeachment trial, sinabi ng testigong abogado ng Gen 4 Industries
10:53na hindi shareholder sa kanilang kumpanya, si Vice President Sara Duterte,
10:58kahit nakadeklara ito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-IN.
11:03Kaya tanong ng Prosekusyon at ng Impeachment Court, bakit may natanggap na mahigit 2 million pesos ang vice
11:09sa or mula sa Gen 4?
11:12Ang paliwanag ng testigo sa balitang hatid ni Ian Cruz.
11:18Sa ika-42 araw ng pagliliti sa impeachment, laban kay Vice President Sara Duterte,
11:25pumarap bilang defense witness si Atty. Josette Balukanag-Punay,
11:29ang in-house counsel ng Gencorp Industries Inc. at Metro City Chao Food Corporation.
11:35Ito ang dalawang kumpanya na nakalista sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-IN ni Vice President
11:43Sara Duterte.
11:45Sa direct examination ay sinagawa ng Defense Counsel na si Atty. Justin Goulart.
11:50Inihayag ni Punay na hindi nakalista ang pangalan ni Duterte sa mga General Information Sheet o GIS
11:56ng dalawang kumpanya para sa mga taong 2022 hanggang 2025 kung kailan nakaupo na siya bilang vice-presidente.
12:05Tinanong ni Goulart si Punay kung may sanaunang ulat ng prosecution witness na si Forensic Financial Analyst Atty. Alexander Cabrera.
12:15It states, and I quote, we find it reasonable to attribute 20% as the value of her interest in
12:21Gencorp
12:22similar to her value of her interest in Metro City Chao Foods.
12:26I think it is incorrect.
12:29And why do you say it is incorrect, attorney?
12:31Because you cannot attribute 20% to the vice-president because she has no shareholdings in Gencorp.
12:42Bino Cici Rinigulara ang isa pang bahagi ng forensic report ni Cabrera.
12:46It shows that the vice-president allegedly has 20% ownership in the company and has a paid-up capital
12:54of allegedly 250,000 pesos.
12:57What can you say about the accuracy of those alleged findings?
13:01This is inaccurate, sir.
13:03And why do you say that, attorney Suzette?
13:06It is inconsistent from the records of the corporation.
13:10Ayon kay Punay, 1.25 million pesos ang paid-up capital ng Gencorp.
13:16I do not know what will happen if we add 20% because according to the forensic report, Sarah has
13:2920%,
13:32then the amount paid will be 1.5 million.
13:35So it is, I do not know where to put it, sorry.
13:40It's absurd.
13:41Pinalaga naman ng prosecution ng pahayag.
13:43We move to strike out, Your Honor.
13:47Absurd is again a conclusion.
13:50It is a conclusion of fact, conclusion of law, and more than that, it is an opinion.
13:54I can also say that her testimony is absurd, Your Honor, for the same reason.
14:01Ubalma rin ang depensa.
14:02To call a witness testimony is absurd, without basis.
14:05It's badgering our witness, Your Honor.
14:07Your Honor, please.
14:08Councils, please, please.
14:09I will strike out both the statement of the witness as to absurd.
14:14Inilahad din ni Punay na walang shares o posisyon na hawak ang bisis sa Gencorp mula 2022 hanggang 2025.
14:22Pero kalaunan, sinabi niyang may tinanggap na pera si Duterte mula sa Gencorp na nagkakahalaga ng mahigit 2 milyong piso.
14:32Anya, loose investment ito ng bisi sa kumpanyang Davao Bounty para sa isang fast food branch na hindi na ituloy.
14:40She has a loose investment.
14:42It's not in the corporation, but it is in the store, in the outlet, or in the branch.
14:49There was a corporation, which is Davao Bounty Times Foods Corporation,
14:55which, where vice president was a stockholder.
15:00And this corporation was supposed to be the one to operate Jollibee Times Square branch,
15:06but it did not materialize.
15:09So another corporation commenced the operations of that certain branch.
15:14The same loose investment is now carried over to Gencorp.
15:18Sa cross-examination, lumabas sa mahigit 40,000 piso lang umano ang investment ng bisi sa Davao Bounty.
15:27Kaya tanong ng prosekusyon, bakit umabot sa mahigit 2 milyon pesos ang ibinalik ng Gencorp kay Duterte?
15:34The 2.1 is not investment, but the return of capital.
15:39Ang binayaran lamang ng vice president, ayon sa record, ay 48,000.
15:44Yung binibigay ng Gencorp mula 2022, 45x na, 45 times na,
15:54nung kanyang investment sa Davao Bounty.
16:00Hindi na po ito return of investment.
16:04Return of investment eh.
16:06Binalik yung ininvest.
16:09Binalik yung kapital lang.
16:11Return on investment, may kita na yung kapital.
16:15Kaya tanong ni presiding officer Jesus Correro, may iba pa bang investment si Duterte?
16:20Wala na po.
16:22Wala kayong alam.
16:23Pero posibleng meron, hindi nyo lang alam.
16:25Hindi ko nga po alam kung meron because I could not verify it from other records.
16:32Whether it be return, a return on investment or a return of investment,
16:42Madam Counsel, you are following.
16:44It is still income, correct?
16:49Yes.
16:50Doon ipinundo ng prosekusyon na labag sa saligang batas na magkaroon ng ibang source of income
16:55ang vice-presidente, bukod sa kanyang sweldo sa gobyerno.
16:59Sinabi rin ni Punay na walang anumang posisyon ang vice sa kanilang kumpanya.
17:04Yan ay kahit pa nasa mga dokumentong iprinisinta ng Securities and Exchange Commission
17:10na nakalista si VP Duterte bilang direktor at miyembro ng Compensation Committee ng Metro City Chow Foods.
17:17Dagdag pa ni Punay, walang partisipasyon sa mga pulong at operasyon ng dalawang kumpanya ang vice.
17:24When you said you have not seen the vice president in any of the board of directors' meetings,
17:33what you're saying is you have not seen her in the two meetings per year that you attend?
17:40Yes, ma'am.
17:40Okay. You do not know if there are other meetings of the board of directors that she is there,
17:47but which meetings you don't attend, correct?
17:51That's possible.
17:52Kaugnay naman sa pagkakalista ni Duterte bilang miyembro ng Compensation Committee,
17:56sinabi ni Punay na nailista lang umano si Duterte sa Compensation Committee dahil sa pagkakamali.
18:02It is an honest mistake, ma'am, on the accounting staff that prepared the GIS
18:08and there is no intention to misrepresent that the vice president is a member of the Compensation Committee.
18:15Hiniling ni Escudero na magsumite ang depensa ng mga dokumento ang magpapaliwanag
18:20kung para saan ang perang ibinigay kay Duterte.
18:23This is quite a serious allegation, ma'am, from a different perspective.
18:27The vice president, during different times in her career, was a public officer.
18:32So why would she be receiving monies from a private corporation that she has no interest in?
18:41Hindi po ba?
18:42Yung period na in question, dala niyo po yung sa accountant, yung 22 to 2025,
18:47ay naman sa depensa.
18:49Siyempre limited lang naman yung kaalaman niya, no?
18:51So, meron siyang limits sa kanyang testimonya.
18:55As I manifested earlier, we will present a witness, the appropriate witness,
19:01at the appropriate time para ma-fill in ko anuman yung mga naging tanong
19:07ng ating mga butihing senator judges kanina.
19:11Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA News.
19:17Nahulog ang cellphone ng membro ng P-POP group na binin na si Mika Lim habang nagmamaneho.
19:23Sa kanyang livestream na ngayong burado na,
19:26yumuko si Mika para pulutin ang nahulog na cellphone sa halid na tumigil muna sa ligtas na lugar.
19:32Kita rin sa livestream na hawak ni Mika ang cellphone gamit ang dalawang kamay habang nagmamaneho.
19:38Pino na yan ang Land Transportation Office dahil paglabag yan sa Anti-Distractive Driving Act.
19:44Ipinatawag nila si Mika para magpaliwanag sa katilang tanggapan sa November 20, kahapon.
19:50Pumunta na si Mika sa LTO kasama ang kanyang manager.
19:53Ayon kay LTO Chief Marcos Lacanilaw,
19:56umamin at tahumingi raw ng paumanhin ng singer sa nagawa at isinuko ang kanyang lisensya.
20:02Sa isang post, muling nagsori si Mika kaugnay sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
20:07Inawag niyang pabaya at irresponsable ang ginawa niya at pananagutan daw niya ito.
20:13Malaking aral daw ito sa kanya para maging mas responsable at disiplinado.
20:18Dapat din na niyang seryosohin ang mga batas trapiko.
20:25Napurnada ang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa Quezon City matapos silang maaktuhan ng mga rumuron ng polis.
20:30Ang mga suspect, aminad nung balak sana nilang nakawin ang ilang bakal sa poste para maibenta.
20:38Balitang hatid ni James Agustin.
20:46Nakatalong ko pa ang dalawang lalaki sa base ng poste ng kuryente nang abutan ng mga rumurondang polis.
20:51Sa Congressional Avenue, Quezon City, bandang alas 4 ng hapon nitong Martes.
20:56Ayon sa polisya, malayo pa lang hinapansin na ang dalawa na nagsisinsil sa poste kaya sinita sila.
21:02Nung lumapit sila, medyo tumigil sa ginagawa yung dalawang tao.
21:06Pero nung, syempre, kahit na hinala yung ginagawa, tinanong ng mga tao natin,
21:11bakit kayo nandiyan dyan, anong ginagawa nyo, at bakit nyo sinisinsil yung poste?
21:16So, hindi sila makasagot.
21:18Hinanapan sila ngayon ng job order or authorization.
21:22Kung mayroon ba silang dapat gawin doon, wala rin silang mapakita.
21:26Nang walang may pakita mga dokumento, doon ay inaresto ang dalawa.
21:29Ang pinsalang naidulot sa poste, aabot sa mahigit 117,000 pesos, ayon sa polisya.
21:37Nakuha mula sa mga sospek ang ginamit na pansinsil, martelyo, screwdriver at pliers.
21:43Basis sa investigation natin, ang balak nilang nakawin is yung mga cable nung nando doon sa may poste na yun
21:52na steel.
21:53Kasi mahal kasi yun eh, yun yung talagang paboritong targetin ng mga magnanakaw ng cable.
21:58Maaaring mawalan ng kurente yung neighborhood na nakapalibot doon.
22:02So, napaka-laking perwisyo sa komunidad natin yun.
22:06Sinampahan ng dalawa ng reklamong malicious mischief.
22:09Pag-amin nila na nakawin nila ang ilang bakal para maibenta.
22:13May butas na po talaga yun.
22:15Ngayon, nagdayan po namin.
22:18Pinapalaki lang lang namin.
22:20Ano gagawin niyo?
22:22Punin namin yung bakal sa loob.
22:24Papadala ko po sa anak ko yung pera po sa anak ko po.
22:29Sa record ng polisya, dati nang naaresto ang mga sospek dahil sa pagsusugal.
22:34James Agusti, nagbabalita para sa GMA News.
22:42Pataya ang isang babaeng walong taong gulang na nakaangka sa motorsiklo
22:45matapos mabangga ng polis mobile sa Coronadal, South Cotabato.
22:49Ayon sa polisya, loola ng biktima ang nagmamaneho sa motorsiklo
22:53nang mabangga ng kasalubong na polis mobile sa National Highway.
22:57E diniklarang dead on arrival sa ospital ang bata.
23:00Sugata naman ang lolang rider.
23:03Nasa kustodiyan na ng polisya,
23:05ang polis korporal na driver ng polis mobile at maaharap sa reklamo.
23:09Sinusubukan pa siyang kunan ng pahayag,
23:11gayon din ang pamilya ng mga biktima.
23:16Nasawi ang tatlong alagang aso sa Baknotan, La Union.
23:19Inala na may-ari, may naglason sa mga ito.
23:23Ang kanyang kapitbahay, dalawang alagang aso naman ang nasawi.
23:27May veterinaryong kumunta roon at kinuha ang isang aso
23:29para masuri ang dahilan ng pagkamatay.
23:32Kinundinan ang Animal Kingdom Foundation ang nangyari sa mga alagang aso.
23:37Nanawagan sila sa kulang sa kung sino man
23:39ang nakakita sa nangyari na mag-report sa mga kinauukulan.
23:43Sa Bakara, Ilocos Norte naman,
23:46namatay ang tatlong aso at labing apat na manok
23:48matapos makakain ng lason.
23:50Ayon sa may-ari, nakain ang mga alaga niya ang lason
23:53na para sana sa daga na nakalagay sa bukid malapit sa kanilang bakuran.
23:58Nilagay raw yun ang isang barangay kagawad
24:00dahil pinepeste ng mga daga ang ilang pananim.
24:02Ayon sa may-ari sa mga hayop,
24:05hindi sila nasabihan kaugnay nito.
24:07Nagkaayos naman kalaunan ang magkabilang panik.
24:17Pinaghahandaan na ang posibleng epekto ng Super El Niño
24:20sa supply ng kuryente at tubig.
24:22Ayon sa Metropolitan Water Works and Superage System o MWSS,
24:27pinayagan na ang National Irrigation Administration
24:29na ipagamit ang ilang dam
24:31para mapagkuna ng may nilad ng dagdag na supply ng tubig.
24:35Makikinabang dito ang mahigit 176,000 na customers
24:39sa pamamagitan ng karagdagang 39 million liters per day ng tubig.
24:44Inaasahan naman ng Meralco na tataas ang demand sa kuryente
24:47dahil sa init na dulot ng El Niño
24:50at may epekto raw ito sa spot market.
24:53Hinihikayat ang mga mall, pabrika at ilang negosyo
24:56na gamitin ang kanilang sariling generator set
24:59sakaling maging manipis ang supply ng kuryente.
25:05Pagbibigay ng kakayahang umunlad sa pamamagitan ng edukasyon at kabuhayan.
25:10Kabilang po yan sa mga tinalakay ni Angelina Jolie
25:13sa ASEAN Exclusive Growth Summit sa Taguig kahapon.
25:17Ibinahagi rin niya ang kanyang dalawang dekadang ugnayan sa bansang Kambodya.
25:21Balitang hatid ni Marie Zomali.
25:26Kambodya ang naging paksa ng Hollywood actress, filmmaker
25:30at humanitarian na si Angelina Jolie
25:32sa ASEAN Inclusive Growth Summit sa Taguig.
25:35Nagsalita si Jolie tungkol sa kanyang mahigit dalawangpung taong ugnayan
25:39sa naturang bansa.
25:40Doon din niya nakilala ang anak na si Maddox
25:43na ipinanganak sa Kambodya.
25:45These are not poor cultures.
25:46These are not poor countries.
25:48These are rich countries, strong people,
25:50lonely people, rich resources, nature, capacity.
25:55Ayon kay Jolie,
25:56hindi matatawag na tunay na pagunlad
25:58kung hindi nakikinabang ang mga mahihirap at vulnerable na sektor.
26:01If they had been given the support
26:04and they could trade fairly
26:06and they could produce fairly,
26:08they wouldn't need that much at all
26:11if they had been treated fairly from the start.
26:14Layunin ni Jolie na matulungan
26:16hindi lamang sa pamamagitan ng humanitarian aid,
26:18kundi mabigyan sila ng kakayahang umunlad
26:21sa pamamagitan ng edukasyon, kabuhayan
26:24at pagpapaunlad ng kanilang mga talento.
26:26I really want to, and I think we all probably agree,
26:29you want to find a way where it goes from,
26:32you know, aid relief to really, you know,
26:36just investment so people are taking care of themselves
26:39and don't need you and you're investing in your independence.
26:42Pangulina mensaje.
26:44I want to have an even more simple life
26:46and being of service.
26:47I think, you know, there's,
26:48it's not a, it's not a sacrifice
26:51to live a life for others.
26:55It's a great joy.
26:59Kasama niya sa session,
27:00ang Academy Award-nominated Cambodian filmmaker,
27:03writer at producer na si Rithi Pan.
27:05Sa huli na nawagan ng dalawa
27:07sa mas malawak na pagkakaisa,
27:09paggalang at matutulungan
27:11upang matiyak na hindi may iwan
27:13ang mga mahihirap at vulnerable
27:15ng komunidad sa pagunlad ng rehyon.
27:17Sa paghubukas ng ASEAN Summit,
27:19inaasahan darating ang ibat-ibang
27:21heads of state and government
27:22ng mga ASEAN member at dialogue partner.
27:25Magpapatuloy ang mga related summit
27:27hanggang sa Martes.
27:28Kasama rito ang ASEAN-United States Special Summit
27:31na dadaluhan ni US President Donald Trump.
27:34Ang China naman,
27:35kakatawanin ni Chinese Premier Li Chang.
27:38Mariz Umali,
27:39nagbabalita para sa GMA News.
27:43Para mas maturuan ng mga Pilipino
27:44na matukoy ang mga scam online,
27:47isang kampanya ang inilunsad
27:48ng Department of Justice.
27:50May ulat on the spot si Darlene Cai.
27:52Darlene?
27:57Rafi, sure ka na ba?
27:59Yan daw ang gusto ng DOJ
28:00na itanong natin sa ating mga sarili
28:02tuwing nakakakita tayo
28:03ng mga kahinahinalang mensaheng
28:05posibleng scam pala.
28:07Kanikanina lang inilunsad ng DOJ
28:09ang sure ka na ba
28:09public awareness campaign
28:11kontra cyber scams.
28:15Malaking problema na raw ang cyber scam
28:17sa bumibiktima ng maraming Pilipino,
28:19sabi ni Justice Secretary Frederick Vida.
28:21Base sa 2026 State of Scams
28:23at the Philippines Report
28:24ng Global Anti-Scam Alliance,
28:2684% ng Filipino adults
28:28ang nakaranas na ng tangkampang
28:30sa scam sa nakalipas na taon.
28:32Mas mataas yan kumpara sa 77% lang
28:36noong 2025.
28:37Kaya layon daw ng proyektong ito
28:39na magbigay kaalaman
28:40at himukin ang mga Pilipino
28:42na tukuyin ang mga cyber scam
28:44para hindi na sila mabiktima.
28:46Sure ka na ba ang pangalan ng proyekto
28:48dahil dapat daw maging natural
28:50sa ating lahat
28:51ang itanong yan
28:52bago mag-click ng link,
28:53bago magpadala ng pera
28:55o bago bumigay sa kung anumang modus.
28:58Ang ibig sabihin ng sure ay
29:00S para sa spot o pagtukoy
29:02kung isang mensahe o tawag at link
29:04ay posibleng scam.
29:05U para sa understand o pag-check
29:07kung paano po protektaan ang sarili.
29:09R para sa report
29:10para agad maisuplong
29:12sa kaupulang ahensya ang scam.
29:14At E para sa empower
29:15o pagtulong sa iba
29:17na huwag ding mabiktima.
29:18Dagdag ni Vida
29:19tuloy pa rin naman
29:20ang pagpapaigting ng DOJ
29:22sa pagpapanagot
29:23at pagpapatibay
29:24ng mga kaso laban sa scammers
29:26pero nais din daw nilang palakasin
29:28ang kakayahan ng mga Pilipinong
29:29protektahan ng kanilang mga sarili
29:30laban sa scams.
29:32Mismong si Vida nga raw
29:33ay nagagamit pa sa cyber scam.
29:35Ibinahagi niyang kanina nga lang daw
29:37ay may tumawag sa kanyang kakilala
29:39na nagsabing
29:39may nagpanggap na Vida
29:40na para makahingi ng pera.
29:42Dumalo rin sa programa
29:44si MMDA General Manager
29:45Nicola Story III,
29:46mga opisyal
29:46ng Department of Trade and Industry,
29:48Banko Sentral ng Pilipinas,
29:50Kapisana ng mga Broadcaster
29:51ng Pilipinas,
29:52at mga kinatawa
29:53ng mga banko
29:54at e-wallet companies.
29:55Na rito po ang pahayag
29:56ni Secretary Vida.
29:59We aim to equip every Filipino
30:01with the knowledge and practical skills
30:04to recognize the warning signs
30:06of an online scam.
30:08We want every Filipino
30:09to learn how to spot a scam,
30:12understand how it works,
30:15report suspicious incidents,
30:17and empower others
30:18to protect themselves.
30:21In other words,
30:23I want their sure ka na ba
30:24to be sure na.
30:26This is the preventive approach.
30:33Rafi, kung sakaling meron tayo
30:35mga kapuso na mabibiktima
30:36ng mga scam
30:37o makakakita ng mga kahinahinalang mensahe,
30:39pwede nilang i-report
30:41sa mga otoridad
30:41o doon sa kanilang banko
30:43o e-wallet.
30:44Pwede rin mag-email
30:45sa cybercrime at doj.gov.ph.
30:48Yan ang latest
30:49mula rito sa Maynila.
30:50Balik sa'yo, Rafi.
30:51Maraming salamat, Darlene Kai.
30:54Rice is live
30:56para sa maraming Pinoy
30:57pero isunusulong po
30:58ng Department of Agriculture
30:59Philippine Rice Research Institute
31:01na mag-half rice muna.
31:03Ayon kay DA,
31:04Phil Rice Deputy Executive Director
31:06for Development,
31:07Dr. Karen Eloy Sabaroga.
31:09Bahagi po yan
31:09ng kanilang adbukasiyan
31:10na Be Rice Sponsible.
31:13Ngayong National Rice Awareness Month.
31:15Inihikayat po nila
31:16na kainin
31:17o lutuin lamang
31:18ang sapat na kanin
31:19batay sa pangangailangan.
31:21Naniniwala ang
31:22failed rice
31:23na sa pamamagitan
31:23ng pagsusulong
31:24ng half rice
31:25ay may iwasan
31:26ang rice shortage
31:27o pagsasayang
31:29at pagkatapo ng bigas.
31:30Isinusulong din po nila
31:31ang pagbili ng bigas
31:33mula sa ating
31:33mga magsasaka.
31:35Inihikayat din po nila
31:36ang mga Pinoy
31:37na pumili
31:37ng mas masustansyang
31:39klase ng bigas.
31:48Sumama ang pakiramdam
31:49ng ilang mag-aaral
31:50sa isang paaralan
31:51sa Aklan
31:51dahil sa matinding
31:52init na panahon
31:53dulot ng El Niño.
31:54Ayon sa pamunuan
31:56ng eskwelahan,
31:57nangyari ito
31:57habang nagsasagawa sila
31:58ng safety drill
31:59kasama ang
32:00Municipal Disaster,
32:01Risk Reduction
32:02and Management Office
32:03at Bureau of Fire Protection.
32:05Agad tumulong
32:06ang mga otoridad
32:06sa labing-anim
32:07na mag-aaral
32:08na sumama
32:08ang pakiramdam.
32:09Ayon sa pag-asa
32:11nasa 31-33 degrees Celsius
32:13ang heat index
32:14sa nasabing lugar
32:15noong araw na yon.
32:24Ibinasura ng sandigan bayan
32:25ang mosyon
32:26ni dating Sen. Bong Rebilla
32:27na i-dismiss
32:28ang kasong malversation
32:29laban sa kanya.
32:30Taus na ito
32:31sa 92.8 million pesos
32:32na umunoy
32:33Ghost Flood Control Project
32:34sa Pandi, Bulacan.
32:36Kinumpirma ni Sandigan Bayan
32:373rd Division Clerk of Court
32:39Atty. Dennis Pluma
32:40na hindi kinatigan ng korte
32:41ang leave of court
32:42to file the murder
32:43to evidence
32:43na inihain ni Rebilla.
32:45Ito ay hiling
32:46na isang akusado
32:47na i-basura ang kaso
32:48dahil sa kakulangan
32:50ng ebidensya.
32:51Ayon kay Pluma,
32:52dahil dismissed
32:53ang petisyon,
32:54magpapatuloy
32:55ang presentation
32:56of evidence
32:56ng defense
32:57simula sa November 24.
32:59Sa ngayon,
33:00pansamantalang malaya
33:01sa Rebilla
33:01matapos payagang
33:02magpiyansa
33:03noong July 31.
33:07Patuloy raw
33:08nagagawa ng
33:09legal na hakbang
33:10ang kampo
33:10ni Leyte
33:10Rep. Martin Romualdez
33:12kasunod
33:12ng pagpapataw
33:13sa kanya
33:14ng Sandigan Bayan
33:15ng 70 araw
33:16na suspensyon.
33:17Paglilino
33:18ng kampo
33:19ni Romualdez,
33:19hindi hatol
33:20ang pagkakasala
33:21ang suspensyon
33:22sa kongresista.
33:23Mispong korte raw
33:24ang nagsabing
33:24kailangan pang patunayan
33:26ang mga paratang.
33:27Nahaharap
33:28si Romualdez
33:29sa kasong Plunder
33:29kaugnay sa umunoy
33:30pagtanggap niya
33:31ng 7.44 billion pesos
33:33na kickback
33:34sa flood control projects
33:35noong siya ay house speaker.
33:38Dati na itinanggi
33:38ni Romualdez
33:39ang paratang.
33:4443 days
33:45bago ang Pasko,
33:46bumibida na ang
33:47mga naglalakiang
33:47Christmas tree
33:48sa ilang lugar
33:49sa bansa.
33:56Sa Angono Rizal,
33:58nagliwanag
33:59ang kanilang
33:59giant Christmas tree
34:00na gawa sa kawayan
34:01at iba't-ibang
34:02recycled materials.
34:04Sumisimbol na ro yan
34:05sa pagiging matibay
34:06at determinado.
34:08Tampok din sa
34:08Christmas tree lighting
34:09ang mga naglalakiang
34:10paper puppets
34:11na makikita rin
34:12sa pagdiriwang
34:13ng Gigantes Festival
34:14sa bayan
34:15ngayong Nobyembre.
34:203, 2, and 1!
34:23Look at Christmas magic!
34:25Misturan namang
34:26Carnival
34:26ang animated display
34:27na binuksan
34:28sa Quezon City Hall
34:29kahapon.
34:30Tampok dyan
34:31ang mga gumagalong
34:31display.
34:32Suot ang iba't-ibang
34:33Filipino attire.
34:35Pinailawan din
34:35ang giant Christmas tree.
34:37Meron ding bazar
34:39na pwedeng
34:39bilhan ng iba't-ibang
34:40pagkain.
34:41Kwento sa akin
34:42ng mga dumalo
34:43dati raw
34:43ay inaabangan pa nila
34:45sa Cubao
34:45ang pagbubukas
34:46ng natural
34:46Christmas display
34:47kaya ikinotuan nilang
34:49bagong versyon nito.
34:50Bukas ang animated display
34:52mula alas 6 ng gabi
34:53hanggang alas 10 ng gabi.
34:55Magtatagal yan
34:56hanggang sa January
34:57sa susunod na taon.
35:00Nagkilos protesta
35:01ang grupo
35:02Akbayan
35:02sa harap
35:03ng Trump Tower
35:04sa Makati City.
35:05Suot ang blonde
35:06na wig.
35:07Tinututulan nila
35:08ang pagdating
35:08ni U.S. President
35:09Donald Trump
35:10sa bansa
35:10para sa ASEAN Summit.
35:12Git na grupo
35:13hindi welcome
35:14sa Pilipinas
35:14si Trump
35:15kabilang sa mga
35:16panawagan nila
35:17ang pag-deport
35:18kay Trump
35:18at ibasura
35:19ang Pax Celica
35:20Agreement.
35:21Pumisponde naman
35:22ang polisya
35:23at security personnel
35:24para pigilang
35:25makalapit
35:25sa gusali
35:26ang grupo.
35:27Nag-disperse
35:28sa grupo
35:28matapos
35:29ang labing limang
35:30minuto.
35:37Sa day 43
35:39na impeachment trial
35:40ni Vice President
35:41Sara Duterte
35:41iprinisinta na
35:43ng defense
35:43ang dalawang
35:44bagong witness nila.
35:45May ulot on the spot
35:46si Ian Cruz.
35:48Ian?
35:52Yes, Connie,
35:53pero bago yan
35:53ay iniatras muna
35:54ng defense team
35:56yung nalalabi nilang
35:57witness
35:58na isang
35:59bank official
36:00ang sinabi
36:00ni Attorney
36:01Michael Poa
36:01ay hindi na
36:02nga raw
36:02kailangan
36:03yung pagsalang
36:04sa witness
36:05stand
36:05itong kanilang
36:06witness
36:06mula sa isang
36:07banko
36:07dahil ang gagawin
36:08lamang sana
36:09niya ay
36:09pag-authenticate
36:10ng dokumento
36:11kaya hindi na
36:12kailangan
36:13yung
36:14pag-testigo
36:15niya.
36:16At Connie,
36:18kaya naman
36:18ipresenta
36:19ng
36:19depensa
36:20sa witness
36:20stand.
36:21Ito nga
36:22si
36:22Attorney
36:22Anel
36:23Martin
36:23Antero
36:24at sa
36:24pagtatanungan
36:25ni
36:26Attorney
36:26Lyndon
36:26Bacuel
36:27ng
36:27depensa
36:27lumabas
36:28na kaibigan
36:30si Attorney
36:31Antero
36:31at
36:31nagkakilala
36:32raw sila
36:33sa law
36:33school
36:33noon
36:33pang
36:341998.
36:352004
36:36naman
36:36nang makilala
36:37niya
36:37si
36:37VP
36:37Sara.
36:38Sinabi
36:38ni
36:39Antero
36:39na
36:39kasama
36:40siya
36:40ni
36:40at
36:40si
36:41sa
36:42at
36:42kumain
36:43sa isang
36:43restaurant
36:43sa Ginza
36:44kung saan
36:45nga
36:45umabot
36:45ng
36:45205,000
36:47pesos
36:47ang
36:47kanilang
36:48kinain
36:48doon.
36:49Anya
36:49labing
36:50isang
36:50lahat
36:51doon.
36:52Nang
36:52galing
36:52daw
36:52sila
36:52sa
36:52isang
36:53lakad
36:53kaya
36:53ng
36:53shopping
36:54kaya
36:54walang
36:54kasyang
36:55iba
36:55kaya
36:55naman
36:56ang
36:56naggamit
36:56ay
36:56ang
36:56credit
36:57card
36:57ni
36:57Atty.
36:58Manasas
36:58Carpio
36:58nagpatak
36:59patak
37:00naman
37:00daw
37:00sila
37:00para
37:01rito
37:01siya
37:02ay
37:024,000
37:03daw
37:03o
37:0340,000
37:04yen
37:04ang
37:05ibinigay
37:05niya.
37:06Sa
37:06cross
37:06examination
37:06naman
37:07ni
37:07Atty.
37:07Virgila
37:08Ligutan
37:08na
37:08established
37:09nito
37:09ang
37:10malalim
37:10na
37:10pagkakaibigan
37:11ni
37:11Atty.
37:12Manasas
37:12Carpio
37:12at
37:13nang
37:13testigo
37:14nga
37:14si Atty.
37:15Antero
37:16na meron
37:16din siyang
37:17transaksyon
37:17sa law firm
37:18ni Atty.
37:19Carpio
37:19Sabi
37:19niligutan
37:20may mahigit
37:21kalahating
37:21milyon
37:21na tinanggap
37:22nga
37:22si Atty.
37:24Manasas
37:24Carpio
37:25na
37:25established
37:26din na
37:26sumusuporta
37:26si
37:27Atty.
37:28At may
37:29mga
37:29posts
37:30siya
37:31tungkol
37:31sa
37:31impeachment
37:32trial.
37:33Tinanong
37:33niligutan
37:34si Atty.
37:35Atty.
37:36Atty.
37:37Atty.
37:38Atty.
37:39Atty.
37:41Atty.
37:43Puweba
37:43na nagbayad
37:44at nagpatak-patak
37:44sila
37:45pero wala
37:46rin daw
37:46siyang
37:46maibibigay.
37:47Sa recross
37:48tinanong
37:48ni Atty.
37:49Bacuel
37:49si Antero
37:50kung magsisinungaling
37:51ba siya
37:52para kay
37:52Atty.
37:53Carpio
37:53at VP
37:54Sara
37:54hindi rao.
37:56Samantala
37:56sa simula
37:57ng
37:57Day 43
37:58ng impeachment
37:59trial
37:59ni Vice
37:59President
38:00Sara Duterte
38:00inihayag
38:01ni
38:01Presiding
38:02Officer
38:02Chief
38:02Escudero
38:03ang mga
38:04paalala
38:04sa pagtrato
38:05sa mga
38:06sumasalang
38:06na testigo
38:08sa impeachment
38:08trial.
38:09Paalala
38:09Escudero
38:10ang mga
38:10witness
38:11under
38:11Oudman
38:12ay entitled
38:13pa rin
38:13sa mga
38:13karapatan.
38:14Una,
38:15dapat ang
38:15maprotektahan
38:16ng witness
38:17sa relevant,
38:18improper,
38:19o sa irrelevant,
38:20improper,
38:20o nakakainsultong
38:21tanong,
38:22o harsh
38:22at insulting
38:24demeanor.
38:24Ikalawa,
38:25hindi dapat ikulong
38:26ng matagal
38:26sa interes ng
38:27hostisya.
38:28Ikatlo,
38:28matanong
38:29lamang
38:29sa mga
38:30may kaugnayan
38:31sa issue.
38:32Ikaapat,
38:32huwag magbigay
38:33ng sagot
38:33kung malalagay siya
38:34sa penalty
38:35para sa isang
38:35opensa,
38:36maliba na lang
38:37kung itinatadhana
38:38ito ng batas.
38:39At ikalima,
38:40huwag magbigay
38:41ng sagot
38:42na maaring
38:42ma-degrade
38:43ang kanyang
38:44reputasyon
38:44maliban
38:45kung ito
38:45ay issue
38:46na tinatalakay.
38:48Sumunod naman,
38:48Cori,
38:48na isinalang
38:49sa witness
38:49stand si Chad
38:50Parian
38:51na kasama
38:51ni Atty.
38:52Manassez
38:52Carpio
38:53sa Malaysia
38:53para sa isang
38:54basketball
38:54competition
38:55ng mga
38:55bata.
38:56Isa sa
38:56naging
38:57question
38:57ang paggastos
38:58naman
38:58ng mahigit
38:59250,000
39:01piso
39:01sa tindahan
39:02ng isang
39:03sportswear
39:04brand.
39:04Anyan,
39:04nakunan pa niya
39:05ng larawan
39:06ng pagbubayad
39:06ni Atty.
39:06Manassez
39:07Carpio
39:07na na-flash
39:08nga sa pagdinig.
39:09May larawan
39:10din ng mga
39:10bata
39:11nakasama
39:12sa competition
39:12at nag-champion
39:14sa Malaysia.
39:14Sa cross-examination
39:15naman,
39:16Atty.
39:16Ray Robles
39:17ng prosecution
39:17na-establish
39:18ang pagiging
39:19magkaibigan
39:19ni Parian
39:20at ni Atty.
39:21Carpio
39:21dahil nga
39:22sa ilang
39:23tournament
39:23na magkasama
39:24sila
39:24sa iba't
39:24ibang mga
39:25bansa.
39:25Kaya
39:25tinanong
39:26si Parian
39:27kung
39:27nagtetestigo
39:28robo siya
39:34sa tindahan
39:35sa Kuala Lumpur,
39:36Malaysia.
39:37Na-establish
39:37din na
39:38hindi lang
39:39mga bata
39:40ang nabilhan
39:41at may ibang
39:42parents
39:42at guardians
39:43pa rin daw
39:43na nabilhan
39:44ng mga
39:45sporting goods
39:47doon sa
39:47nasabing tindahan
39:48sa Kuala Lumpur,
39:49Malaysia.
39:50Sa ngayon,
39:50Connie,
39:51ay nagpapatuloy
39:51pa rin
39:52ang pagtatanong
39:53dito nga
39:54kay Ginoong
39:56Parian
39:56at inaasahan
39:58naman
39:58na matapos
39:59yung pagtatanong
40:00sa kanya
40:00sa pumagitan
40:02ng Recross
40:03ay maaring
40:04magkaroon
40:04na ng lunch break
40:05itong
40:07impeachment
40:08court
40:08at may isa na lamang
40:09nalalabi
40:10na witness
40:11na posibleng
40:12isa lang
40:12mamayang hapon.
40:14Yan muna ang latest.
40:15Balik sa'yo, Connie.
40:16Maraming salamat,
40:16Ian Cruz.
40:23Ano kaya mangyayari
40:24kapag naglaro ng pickleball
40:25ng isang dancer?
40:27Ayun,
40:27magaling mag-unling
40:29gaya po ng
40:31isang player
40:32sa Cotabato City.
40:40Kahit wala
40:41sa dance floor
40:41at nasa pickleball court,
40:43ready to make
40:43some moves pa rin.
40:45Si
40:46Yuscooper Moids
40:47Muhammad Pak
40:48sa hampas
40:49at smash
40:49ng kalaban,
40:50split ang sagot niya
40:51kaya
40:51hirap
40:52mabutasan.
40:53Ayun,
40:54ulti pala,
40:55ulti.
40:56Walang buwan pa lamang
40:57daw niyang nilalaro
40:58ang racket sport na ito
40:59at malaking tulong
41:00daw
41:01ang flexibility niya
41:02as a dancer
41:03para dumipensa
41:05sa pickleball.
41:06Yuscooper Moids
41:07Muhammad Pak
41:08ang skills mo
41:09ay pak na pak
41:10at
41:11pang main character.
41:14Ulti,
41:14ultimate.
41:15Ulti,
41:16parang ganun.
41:17Ultimates,
41:17ano ba yan,
41:18nagsisplit, no?
41:19Gila,
41:19na may init na balita
41:20ngayong tanghali.
41:21Ako po si Connie Sison.
41:23Rafi Tima po,
41:24wag pa rin pong bibitiyo
41:25dito sa GTV
41:26at sa GMA News
41:27livestream
41:27para sa special coverage
41:28ng impeachment trial.
41:30Ito po ang GMA News.
41:32Walang kinikilingan,
41:33walang pinoprotektahan.
41:34Noon at ngayon,
41:35serbisyong totoo.
41:38nonon at ngayon.