- 32 minutes ago
Narito ang maiinit na balita ngayong November 10, 2026
-Mag-ama, natagpuang patay at tadtad ng saksak sa kanilang bahay; Ama ang sumaksak sa sarili at sa kanyang anak, batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya
-PAGASA: Bagyong Samuel, patuloy ang paglayo matapos lumabas sa PAR;
-COMELEC: Voter registration, nagsimula na ngayong araw hanggang July 30, 2027
-2 CAFGU members at 1 sibilyan, patay sa pamamaril; person of interest, miyembro ng armadong grupo
-Tangkang panloloob ng lalaki sa isang bahay, nabulilyaso matapos mahuli ng nagdadasal na may-ari
-Ilang tsuper, masayang may mega oil price rollback dahil dagdag-kita; umaasang masusundan pa ang bawas-presyo; DOE: Hindi pa tiyak kung masusundan ang rollback lalo't nakaapekto sa presyuhan ang palitan ng piso vs. dolyar
-Dingdong Dantes at Marian Rivera, proud parents sa stage performance ng mga anak na sina Zia at Sixto
-Pagbiyahe sa China ng testigong si Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin, inusisa sa impeachment trial; Pagsagot ni Engr. Jaime Adalin sa impeachment trial, hindi nagustuhan ng ilang senator-judge
-Mahigit 300 flights, posibleng maapektuhan ng pagdating ng mga world leader para sa ASEAN Summit;
Mga pasahero na maaapektuhan ang flight, entitled sa free booking; maaaring mag-full refund o ilagay sa travel fund
-Babaeng 77-anyos, patay matapos masagi ng side mirror ng SUV at nabagok
-State of Calamity dahil sa Super El Niño, ipinadedeklara ng Senado kay PBBM
-Inang 82-anyos, patay matapos bugbugin ng sariling anak
-Taxi driver, sugatan matapos saksakin ng pasaherong nangholdap sa kanya; suspek, arestado
-Sandiganbayan justices, nag-inspeksyon sa New Quezon City Jail kabilang sa selda ni Rep. Martin Romualdez
-Alex Eala, world number 15 na sa Women's Tennis Association rankings mula sa number 17
-Michelle Dee, nagpapagaling na matapos ang kanyang emergency appendectomy
-Mahigit P500M halaga ng smuggled umanong agricultural products, nasabat ng BOC at NBI sa isang warehouse
-Dept. of Agriculture: Presyo ng lowland vegetables, tumaas
-Ginang Filipinas International 2026 coronation night, sa November 14 na; Reygin Tan ng Cebu City, waging Ginang Filipinas Philippines 2026
-Defense Team ni FPRRD, hiniling na tanggalin ang 2 witness laban kay Sen. Dela Rosa
-Presiding Officer Escudero: Mga magsisinungaling na witness, maaaring ma-contempt
-Angelina Jolie, nasa Pilipinas na para sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit
-Kapuso stars at personalities, tampok sa GMA Christmas Station ID 2026: "Liwanag Natin ang Isa't Isa"
-Fruit salad-inspired Christmas tree na gawa sa recycled materials, dedicated sa mga magsasaka
Category
🗞
NewsTranscript
00:07Good night!
00:30Kabi po sa aming ibabalita, patay at paddad ng saksak ng matagpuan ang isang lalaki at kanyang anak na babae
00:37sa kanilang bahay sa General Mariano Alvarez sa Cavite.
00:41Sa inisyal na investigasyon ng polisya, ang ama mismo ang inihinalang sumaksak sa anak niya.
00:47Balitang hatid, di ba malegre?
00:51Duguan at wala ng buhay ng matagpuan ng mag-amang ito malapit sa banyo sa loob ng kanilang bahay sa
00:56General Mariano Alvarez Cavite nitong linggo ng hapon.
01:00Nagtamo ng mga saksak sa katawan ng mag-ama.
01:02Nakuha rin sa tabi ng ama ang isang kitchen knife na hinihinalang ginamit sa krimen.
01:07Ito yung residential property kung saan natagpuan ng mag-ama.
01:10May nagpunta kasi silang kaanak dito para i-check kung bakit hindi na raw nagre-reply yung anak na babae
01:15sa kanyang ina.
01:16Kinatok nila yung bahay, walang sumasagot.
01:18Tinignan nila yung bintana at dito sila nakakita na merong signs ng foul play.
01:23Kaya persahan na nila itong binuksan kaya makikita ninyo may takip yung bintana na kanilang sinira.
01:28Dito na nagtagpuan sa loob ang mga labi ng mag-ama na isinailalim na rin sa otopsy.
01:33Yung anak po na babae ay nasa panan po ng tatay.
01:41May mga blood splatter po dun sa bandang abdomen po ng tatay at saka mukha ng batang babae.
01:49Pati po sa kamay ng batang babae.
01:51Meron din pong sugat sa kamay ng batang babae.
01:57Parang indicator na defensive wound.
02:03And may kitchen knife.
02:04Sa resulta ng otopsy, hindi bababa sa labing isang saksakan tinamon ng 22 years old na anak na babae.
02:09Habang hindi bababa sa labing tatlong tinamon ng kanyang ama na 48 years old.
02:13Sa investigasyon ng pulisya, walang indikasyon ng persahan pagpasok sa bahay.
02:17Wala rin daw nawawalang gamit.
02:19May nakuha rin sa Laisay ang pulisya sa kapitbahay na may narinig umano silang komosyon sa loob ng bahay.
02:24Hindi pa po makonklud o hindi pa po ma-sure po ang reason talaga.
02:30May witness po kasi tayong nakadinig po sa pangyayari. Kapitbahay po ito.
02:35Katabi mismo po ng bahay, nung narinig niya yung salita po ng bata, pasigaw po yun na narinig niya.
02:42Ang pinaka-word po doon is papatama na. Kasunod po doon is yung busis po ng lalaki pero hindi po
02:51clear yung pagkakarinig po ng witness.
02:56Batay sa inisyal na investigasyon, ang tatay ang suspect sa krimen.
03:00Kung susundan po yung mga evidence gathered, yung tatay po ang may gawa at dumidipinsa na lang yung...
03:08Parang dating po is ina-assault yung anak. Parang ganun po ang dating.
03:12Ng tatay po ang may ano po.
03:15Then isama pa po natin yung sitwasyon ng tatay na sabi nga po ay may depression.
03:21Malaki po ang posibilidad na tatay po ang may gawa.
03:24Nakaburon ngayon ang bae habang nakaremate na ang kanyang ama.
03:27Labis ang hinagpis ng ina ng babae.
03:29Huli niya nakausap ang kanyang mag-ama noong Sabado ng gabi at wala raw indikasyon na may problema.
03:34Matapos sa mahigit isang dekadong trabaho sa Taiwan bilang OFW,
03:38nitong Abril lang siya naka-uwi ng Pilipinas para makasama ang anak.
03:41Wala raw siya sa kanilang tahanan na mangyari ang krimen dahil kakatanggap niya lang ng trabaho sa Metro Manila.
03:47Sabang nagulat ako eh kasi ako kasi ang naging nanoko eh sa tagal kong OFW.
03:5312 years. Wala namang kanyang mangyayari eh.
03:57Iiwan ko yung anak ko.
03:58Hindi mo nabas maisip.
04:00Sobrong bigad kasi agal lang kiniisip ko na.
04:03Ngayon lang kami nagkaroon ng pagkakataon.
04:06Wala ang pangarap niyo eh.
04:08Hinihintay pa ng pulisya ang kumpletong forensic report.
04:10Bama Legre, nagbabalita para sa GMA News.
04:19Mga kapuso, nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Samuel.
04:23Huli ang namata ng pag-asa mahigit sa 1000 km ang layo sa northern Luzon.
04:28Kasabay niyan ay ang pagkakaroon ng surge o bugso ng hanging amihan.
04:32Apektado din ito ang buong Luzon kasama na ang Metro Manila,
04:35habang Easterlies ang umiiral sa Visayas at Mindanao.
04:38Nakapagtala ang pag-asa ng 10 degrees Celsius na pinakamababang temperatura sa La Trinidad, Benguet.
04:4515.8 degrees Celsius sa Baguio City, 20 degrees Celsius naman sa Malay-Balay, Bukidnon,
04:5120.2 degrees Celsius sa Basco Batanes,
04:54habang 24.3 degrees Celsius ang minimum temperature ngayong Martes dito sa Metro Manila.
05:00Sa kabila ng amihan surge, ilang lugar pa rin sa bansa ang magiging mainit at maalinsangan.
05:06Pusibling umakyat sa danger level na 42 degrees Celsius ang heat index sa Coron Palawan,
05:11habang 35 degrees Celsius sa Pasay City.
05:15Isinailaling naman sa Thunderstorm Watch ngayong hanggang mamayang alas 10 ng gabi ang Palawan,
05:19halos buong Visayas, northern Mindanao at Davao region.
05:24Muli umarangkada ang voter registration para sa eleksyon 2028.
05:29Sa Lunata Park sa Maynila, may pwesto ang COMELEG hanggang November 12 para sa mga magpaparehistro sa Special Registration Anywhere
05:36Program o SRAP.
05:39Bukas ito simula 8 a.m. hanggang 6 p.m.
05:42Sa November 19, magkakaroon din ng SRAP sa Chino Rosas Avenue sa Makati na magsisimula ng 8 a.m. hanggang
05:505 p.m.
05:51Parehong oras ang voter registration sa November 24 sa FEU Manila Campus.
05:57Welcome lahat mula sa first-time voters, magpapareactivate at magpapalit ng voting precinct.
06:04May libreng issuance din ng voter certificate.
06:06Kailangan magdala ng one valid government ID at photocopy nito, pati na rin po ang ibang supporting documents na kailangan
06:14para sa ipafile na application.
06:21Tatlo ang patay sa pamamaril sa Mama Sapano, Maguindanao, Dalsur.
06:25Dalawa sa mga biktima ay membro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit o CAFGO habang sibilyan naman ang isa.
06:32Isang sibilyan pa ang sugatan sa pamamaril.
06:35Ayon sa Philippine Army, posibleng may kinalaman sa trabaho ng CAFGO members ang krimen.
06:39May person of interest na ang polisya, membro ng isang armadong grupo.
06:43Patuloy ang embestigasyon.
06:48Huli kam sa Dagupan, Pangasinan.
06:51Dahan-dahang bumaba ang lalaking yan mula sa maliit na bintana ng isang bahay sa barangay Bunawan, Binlok.
06:56Makikita ang binuksan niya ang pinto sa likod ng bahay.
06:59Sunod niyang pinuntahan ng pinto malapit sa sala pero hindi niya iyon mabuksan.
07:03Nang lumapit siya sa isa pang pinto at akmang papasok sa loob, nagulat siya at mabilis na lumabas ng bahay.
07:10Gising pa pala ang may-ari ng bahay na nagdadasal noon.
07:14Kwento ng may-ari, nakarinig siya ng kalusko sa kusina sa pagkakalang kapatid ang naroon.
07:19Nagulat daw siya ng pinit binuksan ng lalaki na kabonet ang pinto ng kanyang kwarto.
07:24Buti na lang at walang natangay ang suspect.
07:27Hindi pa nila inireport sa polis siya ang insidente.
07:41Pumaasa ang ilang chipper na masusundan pa ang mega oil price rollback na epektibo ngayong araw.
07:46E magkano na ba?
07:48Ang mainit na balita hatid ni EJ Gomez.
07:5316 pesos at 80 centavos ang bawas presyo sa kada litro ng gasolina.
07:584 pesos at 10 centavos naman sa diesel.
08:01At 3 pesos at 70 centavos ang rollback sa kada litro ng kerosene.
08:05Sa monitory ng GMA News Research, pinakamalaking rollback yan sa gasolina simula February 2026.
08:12Kung kailan nagsimula ang kiera ng Amerika at Iran at pagsirit ng presyo ng petrolyo.
08:18Inaasahan umano kasing huhupa ang tensyon sa Middle East.
08:22This is one of the reactions of the market in view of the results of the US midterm elections.
08:32It merely shows na the control or yung pag-decide kung ano yung presyo is not within the powers of
08:42the Philippine government nor of the Philippines.
08:45Malaki man ang bagsag presyo lalo sa gasolina,
08:48mismong DOE ang umaming malayo pa ang presyo sa estado nito bago ang tensyon sa Middle East.
08:54Ang 64-anyos na taxi driver na si Jojo, nasa 2,000 pesos daw ang tipikal na kita mula sa
09:01lapindalawang oras na pamamasada sa loob ng isang araw.
09:04Kung imabawas ang 900 pesos na boundary at 800 pesos na ikinakagang gasolina,
09:10may mga araw na 300 pesos hanggang 500 pesos na lang ang naiuuwi niyang kita.
09:15Kaya masaya siya sa mega oil price rollback ngayong linggo.
09:19Ngayon na malaki ang rollback sa natuloy-tuloy dagdagan pa uli ng rollback na para ang mga tao hindi na
09:27maghihirap pasyado.
09:29200 pesos hanggang 300 pesos naman daw ang posibleng madagdag sa kita ng part-time motorcycle taxi rider na si
09:36Jun D na mas ganado ngayon bumiyahe.
09:39Malaking tulong po talaga yan ma'am. Sobrang laking tulong po lalo po sa mga full-time.
09:44Ako nga part-time. Sobrang saya po namin na nabalitaan namin na yun nga bumaba nga ng 16 pesos.
09:50Nadatnan namin kumakain ng instant noodles at biskuit ang 61-anyos na jeepney driver na si Romeo.
09:56Good news aniya ang rollback sa diesel pero kulang pa raw yun para makabawi sa pagkalugi ang mga super.
10:04Nakamangkadagdag naman siya kung may rollback. Kaya lang magtaas sila, sobra-sobra. Pagka magbaba, wala nga na nga lahat eh.
10:17Yung patro, minsan makano ka lang, save ka lang ng isang daan. Dagdag kita.
10:24Hindi wala yung solusyon tatas ang pamasahe. Solusyon baba ka ng diesel.
10:31Sabi ng DOE, wala pang katiyakan kung masusunan pa ang rollback. Lalo't nakakaapekto rin sa presyo ang palitan ng piso
10:40kontra dolyar.
10:41Even the international literature experts, consultants, are unsure of how everything will pan out for the rest of the year.
10:55It will take time for everything to settle down.
10:57And with the prices of the dollar right now, the exchange rate,
11:01it will likely not go back to the pre-war prices kung hindi rin babalik yung dollar sa pre-war
11:09exchange rate.
11:11EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
11:20Tuesday latest, One Proud Daddy, si The Master Cutter Ding Dong Dantes,
11:25sa stage performance ng mga anak nila ni Marian Rivera, na sina Zia at Sixto nitong weekend.
11:38Yan ang pangmalakasang solo song performance ni Zia.
11:42Si Sixto nagpapakitang gilas naman sa drums.
11:46Personal na panood yan ni na Ding Dong at Marian.
11:49Kwento ni Dong, first time niyang makita ang mga anak on stage.
11:54Kita niya rin ang saya at husay ng dalawa sa kanilang performance.
11:57Grateful din siya sa misis na si Marian dahil sa kanyang love and support sa kanilang mga anak.
12:04Natanong si Ding Dong kung kanino nagmana ng talent ang mga anak.
12:10Ay hindi, mana sa ina, mana sa ina.
12:13Wala ibang pagkukula ko din sa ina.
12:15Lahat ng talent sa mga anak ay galing sa ina.
12:24Sa impeachment trial kahapon, hindi nagustuhan ng ilang senator judge
12:29ang pagsagot ng unang testigo ng depensa.
12:32Nang tanungin tungkol sa biyahe niya sa China,
12:34pinistyon din sa impeachment trial ang mga hindi pagkakatugma ng records
12:38tungkol sa ari-arian na iniugnay kay Vice President Sara Duterte.
12:43Balitang hati, Di Sandra Aguinaldo.
12:47Pagsalang ng unang testigo ng depensa na si Engineer Jaime Adalin,
12:53ng City Assessor ng Davao, sinubok ng prosecution ng kanyang kredibilidad.
12:58Ambinado si Adalin na si Vice President Duterte
13:01ang nagtalaga sa kanya sa pwesto nung alkalde pa ng Davao City,
13:06ang vicepresidente.
13:07Na tanong din si Adalin tungkol sa umano'y biyahe niya sa China nung isang taon.
13:13You would also admit that sometime in November 2025,
13:17you're one of the LGU officials of Davao
13:21who went to China in an all-expense paid tour.
13:25I think that's irrelevant.
13:27Your Honor, may the witness.
13:33Funny ka doon, ah. Funny ka doon, Engineer Jimmy, ah.
13:37Pero...
13:37Actually, hindi ko talaga ma-recall.
13:39Ano po, hindi nyo naalala?
13:40Yung pecha o yung biyahe?
13:42Ah, siguro ang pecha, sir.
13:45Pero nagbiyahe po kayo.
13:47Sa China, mga ganung pecha.
13:50Mga ganung panahon.
13:52Ah, siguro?
13:53Ah, hindi ka.
13:55Again, I don't have the record.
13:57Ah, hindi mo naman ma-memorize yung mga lakad mo, no?
14:00Kalaunay inamin niyang bumiyahe nga sa China nitong taong ito.
14:04Hindi nagustuhan ng ilang senator judge na tila mailap daw sa pagsagot si Adalin.
14:09Mr. Presiding Officer, para ho tayo niluloko na testigo na ito.
14:15Sir, may I remind you that you're under oath?
14:17Yes, sir.
14:18Yung ginagawa niyong kengkoy ang inyong testimonya, bawal po yan.
14:25We can cite you for contempt.
14:27Yes, sir.
14:27Just to remind you, sir. Just to remind you, okay?
14:30Kinonsulta ni Adalin ang kanyang tanggapan pero may mga hindi pa rin siya nasagot tungkol sa biyahe sa China.
14:37Nang-ingwire po ako dun sa aming admin, parang January 25 onwards.
14:41Itong taon po?
14:43Yes.
14:43Saan-saan po sa China kayo pumunta ngayong January 2026?
14:48Hindi ko po ma-memorize, pero kasama po namin mga department center.
14:52There's nothing wrong for anybody to go to China, pero kung anong sponsor is Chinese government, then may problema.
15:00Personal travel po namin yun.
15:02Alam mo, engineer, kaya kita tinatanong tungkol sa China travel.
15:07Dahil si BP, yung Kale 88, na kung saan, partner dito si Tony Carpio na asba ni Sarah Dertet, isa
15:22sa mga co-owners.
15:22Nakatanggap ng 319 million pesos, yung Kale 88.
15:30Inward remittance from China and Hong Kong.
15:35So, hindi maganda pakinggan at malaman ng mga Pilipino na tumatanggap ang isang government official, especially napakataas yung katungkulan sa
15:45ating gobyerno,
15:46tumanggap ng salapi mula sa China na kung saan ay nagkakaroon tayo ng hidwaan sa West Philippine Sea.
15:53Ang prosekusyon, ipinaliwanag ang pagbanggit ng China trip ni Adeline.
15:58May lalim siya sapagkat walang sapat na explanation yung inward remittances na yun.
16:06It was an all expenses paid trip, shouldered by the Chinese embassy.
16:12Hininga namin ang reaksyon si Adeline.
16:14Ang defense panel naman sinabing hindi alam ang tukos na China trip ng city assessor.
16:19Hindi namin in-expect, to be honest, na matatanong yun. Hindi din namin alam na may ganung trip.
16:25But the witness already mentioned na it was personal. But again, it's up to the appreciation of the court.
16:36Nauna nang itinanggi ng kampo ni Vice President Sara Duterte na tumanggap ito ng pondo mula sa China.
16:42Sinabi rin po ng embassy ng China dito sa bansa na hindi ito nagbigay ng pondo sa isang political faction
16:50sa bansa.
16:52Para sa tagapagsalita ni VP Duterte, nakakainsulto ang tanong tungkol sa pagbiyahe ni Adeline sa China.
16:58Gayong pinapunta siya sa paglilitis bilang testigo kaugnay sa property ng Vice sa Matina, Davao City.
17:06I think it was unfair. I think it was badgering the witness already.
17:10Porke pumunta lang siyang China, hindi na siya nagsasabi ng totoo.
17:13Ang sinasabing property ay nasa Matina Crossing at may lawak na 379 square meters na ayon sa prosecution,
17:22ay hindi in-deklara ng bise sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth o SAL-EN.
17:28Pero sa testimonya ni Adeline, nakadeklara o mano ang property sa SAL-EN ng bise noong 2024
17:34kung pagbabasehan ng halaga mula sa dokumentong hawak niya.
17:38Sa SAL-EN ng bise, mayroong property na may assessed value na mahigit 82,000 pesos
17:44at current fair market value na mahigit 2 million pesos.
17:48Matatagpuan daw ang pareho mga halaga sa tax declaration para sa Matina property na hawak ni Adeline.
17:54Engineer Jimmy, posibleng po na yung titulo ending in 000775 ay ito po yung binabanggit ng vice president sa kanyang
18:07SAL-EN.
18:07Posibleng po yun?
18:08Yes, posibleng po.
18:11Posibleng po rin hindi?
18:14I'm not quite sure of that, sir.
18:16Natalakay rin ang ilang hindi pagtutugma.
18:18Sa heat of sale kasi na naunang ipiniresenta sa impeachment court, nakalagay na nabili ang property sa halagang 6 million
18:26pesos.
18:27Pero 10 million pesos ang halagang nakalagay sa SAL-EN.
18:30Sa SAL-EN din, lote ang nakalagay.
18:33Pero meron o manong nakatayong gusali roon.
18:37Kaya sa cross-examination, pinunto ng prosecution na hindi masasabing nakadeklara talaga sa SAL-EN ang Matina property.
18:44So is this the same property now? Since you're familiar with the area, is it the property which is now
18:50called the Vau's Prime Bistro?
18:56Again, hindi po ako, sir. Hindi ko naman alam kung yan ba yung subject property.
19:01Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA News.
19:06Inulong ng Department of Transportation ang mga airline bilang paghahanda sa ASEAN Summit sa susunod na linggo.
19:12May payo rin ang DOTR sa mga pasahero ang maapektuhan ang flights.
19:17May ulot on the spot si Bernadette Reyes.
19:21Bernadette?
19:23Connie, may git tatlong daang mga flights ang maaaring maapektuhan sa pagdating ng mga world leaders para sa 49th ASEAN
19:31Summit.
19:34Para sa mga maaaring maapektuhan na pasahero, entitled po sila sa free na rebooking.
19:39Ibig sabihin, i-we-waive po ang lahat ng mga associated na penalties.
19:44Maaari rin silang mag-full refund o maaari nilang ilagay sa travel fund sa pamagitan ng isang travel credit na
19:51maaari nilang gamitin sa mga hinaharap na transactions.
19:54Ayon kay DOTR Secretary Vince Dizon, kahit na mag-host ang Pilipinas ng isang global event, ay hindi raw dapat
20:02anya mabigat ang epekto nito sa mga pasahero.
20:05Payo rin ang DOTR sa mga pasahero na agaha ng pagpunta sa airport.
20:10Maglaan raw ng dagdag na oras para sa mga babiyahe para maiwasang ma-stress sa inyong biyahe.
20:15I-check din daw ang mga website para sa mga abiso at tawagan ng mga airlines para ma-check kung
20:21may pagbabago sa kanilang mga flights.
20:24Connie, sa ngayon dito sa palibot ng Terminal 3 ay may bahagyang pagbibigat ng daliw ng trapiko para doon sa
20:32mga sasakyan na patungo sa direksyon ng Skyway.
20:35Samantala ngayong araw naman ay inaasang ilalabas na ng DOTR sa kanilang website ang mga maaaring maapektuhang flights.
20:41Connie?
20:42Maraming salamat, Bernadette Reyes.
20:46Huli kam sa Cebu City.
20:48Papalikaw ang puting SUV sa isang kalsada sa barangay San Nicolás Proper nang masagi ang tumatawid na babaeng senior citizen.
20:55O masagi, ang tumatawid na babaeng senior citizen.
20:58Tumigil ang sasakyan at bumaba ang mga sakyan nito para tumulong.
21:01Patay.
21:02Ang 77-anyos na biktima matapos matumba at mabagok matapos mahagip ng side mirror ng SUV.
21:09Ayon sa kapitan ng barangay, nagpunta sa lugar ang biktima dahil hindi raw sumunod sa utos ang kanyang anak.
21:14Sa pinabibiling piso-pisong tubig.
21:17Hindi rin daw mabilis ang takbo ng SUV.
21:20Wala pang pahayag ang pamilya ng biktima at driver ng SUV.
21:31Inimok ng Senado si Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng State of Calamity sa mga lugar na apektado o may
21:38banta ng Super El Niño.
21:40Sa resolusyon firmado ng lahat ng dalawampung senador na pumapasok,
21:44panawagan nila ang agarang paglalabas ng pondo para sa ayuda at irigasyon para sa mga magsasaka at manginisda.
21:51Kabilang na riyan ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund at Quick Response Fund sa 2026 budget.
21:58Sa datos ng Department of Agriculture, as of October 21, 8.57 billion pesos na ang halaga ng pinsala sa
22:07agrikultura dahil sa El Niño.
22:09Pinabibilisan ng mga senador ang pagbibigay ng suporta sa mga apektado.
22:14As of October 6, 2.53 million o katumbas ng 22.8% na mga target na benepisyaryo sa ilalim
22:21ng DA El Niño Action Plan ang naabutan ng tulong.
22:26Kailangan din daw i-monitor at magpatupad ng price ceiling sa presyo ng mga pangunahing bilihin para maiwasan ang overpricing,
22:34hoarding at pananamantala sa merkado.
22:36Sinusubukan pang kunin ang pahayag ng malakanyang kaugnay sa panawagan ng mga senador.
22:47Patay ang isang babaeng senior citizen sa Pilar Sorsogon matapos bugbugin ng kanyang sariling anak.
22:52Bahayang sa salaysay ng anak, nagtaro sila ng kanyang ina dahil sa hinihingi sa kanyang susi ng kanilang bahay.
22:58Ilang beses sumano siyang itinulak ng inang 82 anyos kaya gumanti siya ng mga suntok sa mukha at ulo.
23:06Agad namang naaresto ng Pilar Municipal Police ang 46 anyos na suspect na mahaarap sa reklamong parasite.
23:17Sugata ng isang taxi driver sa Cebu City matapos saksakin ang pasaherong ng hold-up sa kanya.
23:23Basta sa embisikasyon ng pulis siya, nagdeklara ng hold-up ang pasahero sa gitna ng biyahe.
23:29Nanlaban daw ang 60 anyo sa driver at hindi ibinigay ang kanyang kita.
23:33Nang sumukang lumabas ng suspect sa taxi, nilak ng driver ang pinto.
23:38Doon na siya sinaksak ng suspect gamit ang kutsilyo.
23:42Nahuli ang 29 anyos na suspect matapos sumingi ng tulong ang biktima sa isang gwardya.
23:48Umamin sa pulis siya ang suspect at sinabing nagawa niya ang krimen dahil sa problema sa pera.
23:54Dinala sa ospital ang taxi driver dahil sa mga sugat sa braso.
24:01Hindi raw 24 oras na nanatiray sa kulungan ang personal assistant,
24:06Congressman Martin Romualdez, ayon sa warden ng New Quezon City Jail.
24:10Kahapon, kabilang sa mga ininspeksyoan ng mga mahistrado ng Sandigan Bayan,
24:14ang kulungan ni Romualdez.
24:17Balitang hatid ni Maki Polino.
24:21Para matiyak kung nasusunod ang initial commitment order ng Sandigan Bayan
24:26na hindi maaaring ilabas ng kulungan si dating Speaker Martin Romualdez
24:30nang wala nitong utos,
24:32mismong mga mahistrado ng Graft Court ang nag-inspeksyon sa New Quezon City Jail.
24:37Gusto rin nilang matiyak kung nasusunod ang mga regulasyon
24:40sa nasabing detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.
24:45Selda ni Romualdez ang isa sa mga ininspeksyon ng mga mahistrado,
24:49pero di na ito pinakuhanan sa media.
24:52Tinignan rin nila ang CCTV recording system.
24:56Nang muling humarap sa korte si Jail Superintendent Maria Lourdes Passion.
25:00Inamin niyang hindi kumpleto ang recording ng movement ni Romualdez
25:03dahil napatungan na umano ang ibang bahagi.
25:07Nataranta rin lang daw siya nang sabihin itong Huwebe sa korte
25:10na may personal assistant o PA ang dating speaker sa loob ng kulungan.
25:15Nakalistang bisita raw ang nabanggit niyang PA.
25:17Nasa visitors area lang at umaalis umano pagtapos na ang oras ng bisita.
25:22Sumasalang din daw ito sa security screening.
25:25Paglilinaw pa niya, hindi ito 24 oras sa kulungan pero 24-7 na on-call.
25:31Nagihintay lang umano ito sa labas ng kulungan kung tapos na ang visiting hours.
25:35Gingit ng jail warden, wala siyang nilabag na regulasyon ng BJMP.
25:39Inaprobahan niya ang request ng mga abogado ni Romualdez na ilistang bisita si De Guzman
25:44dahil sa epekto ng mga iniinom na gamot ng kongresista.
25:48Matagal ng personal assistant ni speaker so siya nakakaalam talaga ng mga medicines and all of that.
25:56Kaya and of course yung diet ni speaker siya rin ang nakakaalam.
26:01Matagal na niyang katulog yan.
26:03So yun ang logical sa amin, sa akin no, na pasamahan si speaker at that time.
26:10Sa pahayag ng korte na binasa ni Atty. Dennis Pulma, Executive Clerk of Court,
26:16sinabi nitong wala pang kontlusyon ang korte.
26:19At this stage, we would like to clarify that it's premature to announce any findings or conclusions.
26:26Mackie Pulido nagbabalita para sa GMA News.
26:34Bagong career high ranking para kay Pinay tennis star Alex Iyala.
26:38Mula sa Rank 17, umakyat ng dalawang spot si Alex at ngayong World No. 15 na sa Women's Tennis Association
26:44Rankings.
26:45Kasunod yan na naging laban niya sa Hong Kong Tennis Open kung saan nakakuha siya ng 163 ranking points.
26:51Nagsimula ngayong taon si Alex sa World No. 53 bago makapasok sa Top 20 at umabot sa World No. 15.
27:03My Health Update sa Miss Universe Philippines 2023, Michelle D.
27:08Sumailalim siya sa emergency surgery matapos niyang makaramdam ng severe abdominal discomfort habang papunta sa isang photoshoot.
27:17Ayon sa report ng GMA Entertainment.
27:19Nang dalhin sa ospital, nakitaan siya ng multiple stones na nakabara sa kanyang appendix.
27:25Kaya isinailalim siya sa appendectomy.
27:28Tagumpay ang naging procedure at patuloy na nagpapagaling si Michelle.
27:32Sa Instagram, nag-share siya ng photos habang nasa ospital at nagpasalamat sa well wishes sa kanyang operation.
27:39Get well soon, MMD!
27:46Sakusakong agricultural products na walang kaukulang dokumento ang nasa bat sa Valenzuela.
27:51May ulat on the spot si Oscar Oida.
27:53Oscar?
27:54Yes, Tony, may gitnamang daang milyong pisong halaga ng pinaniwala ang smuggled agricultural products ang nasa bat ng Bureau of
28:02Customs at NBI sa isang warehouse dito sa Valenzuela.
28:06May mga munggo, mani, luya, pero ang pinakamarami ay pulang sibuyas na aabot umano sa 99,000 na sako.
28:14Natunto ng nasabing warehouse base informasyong nakalap ng NBI na may hinukord na mga produkto sa nasabing imbakan at nang
28:22siya sa atin ay wala umanong may pakitang kaukulang dokumento at permits.
28:26Hindi pa malinaw kung paano at kung kailan na ipasok sa bansa ang mga nasabing produkto na galing umanong China,
28:33Argentina, Australia, Indonesia, Myanmar at Egypt.
28:37Hindi pa tinutukoy ang mga personel na nasa likod nito, pero ayon sa BOC ay naharap sila sa kasong paglabag
28:44sa Anti-Agricultural Economic Stabotage Act.
28:47Connie?
28:48Maraming salamat, Oscar Oida.
28:54Umaasa ang Department of Economy Planning and Development na magpapatuloy ang pagbaba ng presyo ng petrolyo, pati ang pagsigla ng
29:01ekonomiya ngayong magpapasko dahil sa mataas na consumer spending at remittances ng mga OFW.
29:07Balita ng atin ni Ivan Mayrina.
29:11Sa monitoring ng Department of Agriculture o DA, nagmahal na ng 20% ang mga lowland vegetables o yung mga
29:18hindi galing sa kordilyera.
29:20Nagmahal din ang karat sa tripolyo, pero normal lang daw yan ayon sa DA.
29:25Seasonal po, usually historically po talaga medyo ang ating mga presyo talaga ng gula, medyo may mga ganyan po talagang
29:35alahon.
29:35Na medyo may pagtaas, may pagbaba. Depende po kasi kung parahon po niya o hindi.
29:42At the same time po, of course, yan, papalapit na po ang Pasko.
29:45May mga talagang minomonitor po talaga tayo dahil mga ingredients usual yan ng Noche Verne.
29:50So nakakamonitor po tayo ng medyo pagtaas dyan.
29:54Ngunit sinasabi po namin na ito ay normal po ito.
29:57Dito Oktobre pa lang, bumilis na sa 7.8% ang pagmahal ng mga bilihin at serbisyo sa pinakahuling datos
30:04ang Philippine Statistics Authority o PSA.
30:07Ang pangunahing dahilan ayon sa Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev,
30:11ang mga pangyayari sa labas sa bansa at hindi lang Pilipinas ang apektado.
30:15Ang pinakamataas po na contributor to this inflation is really yung transport cost.
30:23Tapos itong Oktobre kasi pumalo na rin po yung mga fair hike natin.
30:28This is also related to yung sa fewer prices dyan.
30:32Tapos yun sa electricity.
30:33Sa lahat po ng mga bansa na tawag natin yung oil-importing countries,
30:39na nandun po talaga yung negative na effect.
30:43Kasabay ng paglobo ng inflation, ang pagbagal sa Gross Domestic Product o GDP sa 2.1%.
30:51Yan po ang kabuan ng halaga ng mga produkto at serbisyo sa bansa noong third quarter ng 2026
30:57at mas mabagal yan sa 2.4% na naitala noong second quarter.
31:03Pero bumagal man, positive pa rin naman daw yan.
31:06Ayon sa Dep-Dev.
31:07Ang halaga ng piso noong 2018, katumbas na lang ng 75 centavos ngayon ayon sa Dep-Dev.
31:14Pero bumilis din naman umano ang kita ng mga Pilipino.
31:17Ang isa po kasing titinan din natin is kung nagkaroon ng pagtaas naman sa income ng mga tao.
31:25Kasi kung dapat kasi mas mataas yung pagtaas, mas mabilis yung pagtaas ng income,
31:32kesa iso yung pagbilis ng pagangat ng mga presyuhan.
31:38Nakita na natin 2.1% at slowdown tayo, but it's still positive.
31:42And ito po, in real terms po ito eh, kasi ibig sabihin nun,
31:48kinonsider na natin yung pagtaas ng mga presyuhan doon.
31:53So nagkakaroon pa rin naman po ng real.
31:57Umaasa ang Dep-Dev na magpapatuloy ang trend na pababa ang presyo ng produktong petrolyo sa world market
32:02at masundan ang mga rollback.
32:04Inaasahan ding mabubuhayan na ekonomiya ngayong magpapasko sa pagdating ng mga padala ng mga OFW
32:09at mas mataas na consumer spending o paggaso sa mga Pilipino dahil sa Pasko.
32:15Ivan Mayre na nagbabalita para sa GMA News.
32:19Sa November 14 na ang Coronation Night ng Gingang Filipinas International 2026
32:25na gagawin si Las Vegas, Nevada sa Amerika.
32:29Maglalaban-laban ang Pinay na ina, missis, solo parent at caregivers
32:34mula sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas at Amerika.
32:38Isa sa mga lalahok si Ray Jinta ng Cebu City,
32:41ang grand winner ng Gingang Filipinas Philippines 2026 nitong Oktubre.
32:46Big winners din ng Gingang Filipinas Philippines pageant,
32:49si Jodeline Damaso na tubong San Marcelino Sambales bilang Gingang Filipinas World.
32:55Si Rose-Anne Caneda Dumlao mula Olongapo City, ang Gingang Filipinas Globe.
33:01Si Andrea Gutierrez mula Zambales na Gingang Filipinas Tourism.
33:06Si Caroline Seco mula Abra, ang Gingang Filipinas Supranational.
33:10Si Maylene Fell Fernig ng Quezon City, ang Gingang Filipinas Transcontinental.
33:16Si Armory Abrigo mula Bulacan, ang Gingang Filipinas Elite.
33:20At si Jacqueline Pascual Jensen mula Ilocos Norte, ang Gingang Filipinas-Philippines Ambassador 2026.
33:27Kabilang sa judges ng Gingang Filipinas-Philippines,
33:30si na GMA Vice President for Corporate Affairs and Communications, Angela Javier Cruz.
33:36At Miss Universe Philippines 2019 at Red Crown star, Gazzini Ganados.
33:41Official media partner ng Gingang Filipinas, ang GMA Pinoy TV, GMA Live TV at GMA News TV.
33:55Iniling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court,
34:00natanggalin ang dalawang witness laban kay Sen. Ronald Bato de la Rosa.
34:05Ayon sa depensa, walang direct knowledge ang dalawang testigo sa pagdesisyon tungkol sa drug war,
34:11maging isa kung papaano ginawa ang mga desisyon.
34:13Naka-angkla lang daw ang ilang alam ng dalawang testigo sa hearsay, press articles at espekulasyon.
34:20Itong October 26, hiniling ng prosekusyon na isama ang mga testimonya ng dalawa laban kay de la Rosa.
34:27Lamand daw ng kanilang testimonya tungkol sa listahan umano ng drug personalities at killing quotas at financial rewards.
34:36November 30, nakatakdang simula ng ICC ang pagliliti sa kasong crimes against humanity laban sa dating Pangulo.
34:50Sa day 41 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
34:55iniharap na ng defense team ang ikalawang witness nila ngayong umaga.
34:58May ulat on the spot si Ian Cruz.
35:01Ian?
35:04Yes, Rafi, bago nga sumalang yung ikalawang witness ng defense team ay nagmanifest muna si Sen. Judge Tito Soto
35:12na maaaring magkaroon ng penalties at sanctions ang mga tao na magsisinungaling sa impeachment court.
35:21At ayon nga kay presiding officer, Jesus Scudero, maaaring masubject to contempt ng impeachment court ang magsisinungaling dahil ang testimonya
35:30ng mga witness ay under oath.
35:33Tinawag naman na not a good day ni Sen. Judge Ping Lakson ang day 40 ng impeachment trial.
35:39Kaisa raw siya sa manifestation ni Sen. Judge Soto.
35:42Sabi ni Lakson, sana raw ay hindi na maulit ang klase ng testimonya ni Engineer Jaime Adalin, ang Davao City
35:48Assessor sa office kahapon.
35:50Mumisi at tumama daw kasi si Adalin at tila kinut siya pa nga ang impeachment trial matapos nga ang ilang
35:56tanong sa kanya.
35:57Sabi ni Lakson, dapat hindi maulit ang mga ganitong demeanor ng testigo.
36:02Sabi rin niyang presiding officer na wala pang naisusumite ng list of property sa pag-aari ni na Atty. Manasi
36:08Scarpio at VP Sara Duterte si Engineer Adalin.
36:11Batay ito sa request kahapon ni na Sen. Judge Bam Aquino at Sen. Judge Risa Ontiveros.
36:17Hindi pa rin na ibigay ni Adalin ang travel agency na binabanggit niya patungkol sa biyahe sa China na nirequest
36:23naman ni Sen. Judge Rafi Tulfo.
36:25Inatasan ni Escudero na makapag-ugnayan ang Cleric Court, ka Engineer Adalin at kapag hanggang bukas ay hindi pa ito
36:32nakumplay,
36:33magkakaroon na raw ng karampatang aksyon ang impeachment court.
36:37Ang ikalawang witness ng depensa ay si Engineer John Kenneth Enumerables ng Samal Island sa Davao.
36:43Dala niya ang mga transfer certificate of title sa lupa ni Atty. Manasi Scarpio sa Matano, Samal,
36:48na mahigit P270,000 ang assessed value at nasa P2.7 million ang market value.
36:55Pati na ang property ng Mr. Nambise sa barangay San Isidro, Kaputian, Samal,
36:59na mahigit P346,000 ang assessed value at market value na P4.9 million.
37:06Sinabi naman ni Atty. Benjamin Tolosa ng prosecution,
37:08handa nga sila magstipulate na nasa Sal Nambise noong 2019 ang property sa Matanos, Kaputian, District Samal,
37:15sa ilalim ng pangalan ni Atty. Manasi Scarpio at ang assessed value nga nito ay mahigit P270,000,
37:20maygit P4 million ang acquisition cost at may P2.7 million na fair market value.
37:27Nasa 2020, 2021 at 2022 sa Al-Indi daw ito ng vice presidente.
37:33Nagstipulate din ang prosecution na nasa 2023, 2024 at 2025 sa Al-Indi ng vice.
37:38Ang property sa barangay Matanos ng assessed value ay mahigit P349,000,
37:44acquisition cost na P4 million, mahigit at mahigit P4.9 million ang market value.
37:51Nang tanongin ni Atty. Lindon Bacuel ng Depensa,
37:54sinabi ni Inumerables na base sa assessed at market value,
37:57ay tumutugma naman daw ang mga property na nakalista sa Sal Nambise.
38:01Pero sa cross-examination ni Tolosa,
38:02sinabi naman ni Inumerables na hindi siya certain kung ang mga property nga na nabanggit
38:08ay ang nakalagay sa sali ng vice presidente.
38:11Isa pa sa mahabang ang pinag-usapan ay ang address ng isa sa mga property sa barangay Matanos
38:16kayong wala naman daw gano'ng barangay sa Samal Island.
38:19Sa isang ambush interview naman, bago ang day 41 ng impeachment trial,
38:23inihayag ni presiding officer Chief Escudero na hindi pa niya masabi
38:26kung kailan eksakto matatapos ang impeachment trial laban kay VP Sara Duterte.
38:31Depende daw ito sa ibedensya na iaharap ng kampo ng vice
38:36at sa magiging haba ng mga pagdinig.
38:40Kung si presiding officer Escudero raw ang tatanungin,
38:42mas nais nga niya na matapos na ang impeachment trial
38:47bago ang Pasko o bago nga ang New Year
38:50para makatawid na raw sa bagong yugto ang bansa bago ang bagong taon.
38:56Yan ang latest mula rito sa gumugulong pa rin na impeachment trial
39:01ni Vice President Sara Duterte. Balik sa iyo, Rafi.
39:05Maraming salamat, Ian Cruz.
39:11Nasa Pilipinas ang Hollywood actress at director na si Angelina Jolie.
39:17Kabilang siya sa mga pagsasalita sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit na gaganapin bukas.
39:24Kilala si Angelina sa pagsusulong ng mga karapatang pantao,
39:28kabilang ang proteksyon sa kababaihan at kabataan.
39:32Nag-silberin siyang Goodwill Ambassador ng United Nations High Commissioner for Refugees
39:37mula 2001 hanggang 2012, bago maging Special Envoy nito hanggang taong 2022.
39:52LSS na ba ang lahat sa bagong Christmas Station ID ng GMA?
39:57Star Studded!
39:59Present ang inyong favorite kapuso stars and personalities.
40:12Spotted dyan si Marian Rivera at Ding Dong Dantes,
40:17Jessica Soho, Michael V, Alden Richards, Mel Chanko, Heart Evangelista,
40:25Dennis Trillo, Jeneline Mercado, Barbie Forteza,
40:30Miguel Tan Felix, Gabby Garcia at Julian San Jose.
40:34Present din sa Christmas Station ID ang personalities ng GMA News,
40:38pati ang mga host ng GMA Public Affairs Programs.
40:42Spotted din ang It's Showtime Family sa Station ID,
40:46pati ang GMA Regional TV anchors at reporters.
40:50Tampok din sa Christmas Station ID ang iba pang sparkle stars,
40:54bida ng iba't-ibang series at hosts ng iba't-ibang entertainment shows.
41:01Mga kapuso, 45 days na lang, Pasko na.
41:05May Christmas tree sa Tanay Rizal na hindi lang higante,
41:09nakakatakam pa.
41:10Ang disenyo kasi nito, staple na handan mga Pinoy sa Pasko.
41:19Saging-saging manga, papaya at 40-foot Christmas tree.
41:24Pagsamasamahin at ayusin ang resulta,
41:27fruit salad na Christmas tree.
41:30Delicated ang disenyo nito sa mga magsasaka ng Tanay sa kanilang sipag at syaga
41:34para sa masaga ng alin ng mga pruta sa kanilang bayan.
41:38Ang dessert-inspired na Christmas tree na yan,
41:40mas yummy pa dahil sa pagiging environmental-friendly.
41:44Gawa po ang giant fruit ornaments mula sa recycled materials
41:48gaya ng mga gulong, plastic bottles at lumang tarpaulines.
41:53Ang galing.
41:54Cute.
41:54Nakakaguto.
41:55Ang ganda.
41:56At saka, galing talaga.
41:57Very artistic, ano.
41:58At yan po ang may init na balita ngayong tanghali.
42:01Ako po si Connie Cison.
42:02Rafi Tima po.
42:03Huwag bibitiyo dito sa GTV at sa GMA News livestream
42:06para sa special coverage ng impeachment prior.
42:09Kasama niyo rin po ako, Aubrey Caramper.
42:11Ito po ang GMA News.
42:12Walang kinikilingan, walang pinaprotektahan.
42:14Noon at ngayon, serbisyong totoo.