- 2 hours ago
-Batang babae, tinangka umanong dukutin ng isang lalaking nagpakilalang kakilala ng nanay niya
-PISTON Metro Manila South: Pang-dalawang araw na diesel lang ang P5,000 cash aid
-Mga tricycle driver sa Caloocan, maagang pumila para sa pamamahagi ng P5,000 cash aid
-DSWD: Tricycle drivers na wala sa mga listahan ng mga dapat mabigyan ng cash aid, maaaring lumapit sa kanilang TODA officer at DSWD help desk sa mga payout site para maisama sa listahan
-Buhawi, namataan sa loob ng eskwelahan
-PAGASA: Amihan, nakaaapekto sa extreme northern Luzon; Easterlies naman sa iba pang panig ng Luzon at Visayas
-2, patay sa salpukan ng tricycle at motorsiklo sa Brgy. Bari; isa, sugatan
-PHIVOLCS: 14 na PDC o uson, 271 volcanic earthquakes at 412 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
-Caprice Cayetano, binisita at pinasaya ang mga bata sa isang foundation
-Mag-ama, sugatan matapos masagi ang motorsiklo nila ng nag-overtake na ambulansiya
-Bahay na ginagawa umanong katayan ng mga aso sa Brgy. Bagumbayan South, bistado
-Full-group comeback ng BTS ngayong araw, inaabangan ng Armys worldwide
-P60.10 = $1 na palitan kahapon, pinakamahinang halaga ng piso sa kasaysayan
-INTERVIEW: MEGA MANILA CONSORTIUM CORPORATION SPOKESPERSON JULIET DE JESUS
-Ilang mamimili at negosyante, nangangamba sa kanilang budget at kita dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin
-Isa sa mga nawawalang sakay ng lumubog na M/V Trisha Kerstn 3, natagpuan
-Rider na sinita sa checkpoint dahil walang side mirror, arestado nang malaman na nakaw ang motorsiklo at may ilegal na droga
-Herlene Budol, bibida sa real-life story episode ng kanyang mommy sa "Magpakailanman" bukas, 8:15pm sa GMA
-Ph tennis star Alex Eala, pasok sa round of 32 ng Miami Open
-Isa, sugatan sa sunog sa residential area sa Brgy. Tumana
-2 lalaking nagtakip sa CCTV ng isang tindahan, nagnakaw raw sa lugar ng P6,000 cash at 2 cellphone
-Ground rules para sa hearing proper ng impeachment complaints, pinaghahandaan na ng House Justice Committee
-Vernal Equinox ngayong Biyernes: Araw at gabi, magpapantay
-Ph Women's National Football Team, nag-qualify sa 2027 FIFA Women's World Cup
-Megan Young, excited na sa comeback concert ng BTS; kasama sina Mikael at Leon sa Seoul/Ph Embassy in Seoul, nagpaalala sa Filo-Armys na dadalo sa event na mag-ingat at maging alerto
-Presyo ng langis, kontrolado ng gobyerno ng Pilipinas bago isabatas ang downstream Oil Industry Deregulation Act
-Matumal na dating ng mga turista, ramdam sa strawberry farm
-LRTA, inilabas ang fare matrix na ipapatupad sa LRT-2 kasunod ng utos ni PBBM na fare discount
-PBBM, iniutos ang agarang pag-release ng P21.47B para sa infrastructure projects at fuel subsidy program
-Estudyanteng hinanap ang salamin na nakasuot lang sa kanyang ulo, kinaaaliwan online
-PISTON Metro Manila South: Pang-dalawang araw na diesel lang ang P5,000 cash aid
-Mga tricycle driver sa Caloocan, maagang pumila para sa pamamahagi ng P5,000 cash aid
-DSWD: Tricycle drivers na wala sa mga listahan ng mga dapat mabigyan ng cash aid, maaaring lumapit sa kanilang TODA officer at DSWD help desk sa mga payout site para maisama sa listahan
-Buhawi, namataan sa loob ng eskwelahan
-PAGASA: Amihan, nakaaapekto sa extreme northern Luzon; Easterlies naman sa iba pang panig ng Luzon at Visayas
-2, patay sa salpukan ng tricycle at motorsiklo sa Brgy. Bari; isa, sugatan
-PHIVOLCS: 14 na PDC o uson, 271 volcanic earthquakes at 412 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon
-Caprice Cayetano, binisita at pinasaya ang mga bata sa isang foundation
-Mag-ama, sugatan matapos masagi ang motorsiklo nila ng nag-overtake na ambulansiya
-Bahay na ginagawa umanong katayan ng mga aso sa Brgy. Bagumbayan South, bistado
-Full-group comeback ng BTS ngayong araw, inaabangan ng Armys worldwide
-P60.10 = $1 na palitan kahapon, pinakamahinang halaga ng piso sa kasaysayan
-INTERVIEW: MEGA MANILA CONSORTIUM CORPORATION SPOKESPERSON JULIET DE JESUS
-Ilang mamimili at negosyante, nangangamba sa kanilang budget at kita dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin
-Isa sa mga nawawalang sakay ng lumubog na M/V Trisha Kerstn 3, natagpuan
-Rider na sinita sa checkpoint dahil walang side mirror, arestado nang malaman na nakaw ang motorsiklo at may ilegal na droga
-Herlene Budol, bibida sa real-life story episode ng kanyang mommy sa "Magpakailanman" bukas, 8:15pm sa GMA
-Ph tennis star Alex Eala, pasok sa round of 32 ng Miami Open
-Isa, sugatan sa sunog sa residential area sa Brgy. Tumana
-2 lalaking nagtakip sa CCTV ng isang tindahan, nagnakaw raw sa lugar ng P6,000 cash at 2 cellphone
-Ground rules para sa hearing proper ng impeachment complaints, pinaghahandaan na ng House Justice Committee
-Vernal Equinox ngayong Biyernes: Araw at gabi, magpapantay
-Ph Women's National Football Team, nag-qualify sa 2027 FIFA Women's World Cup
-Megan Young, excited na sa comeback concert ng BTS; kasama sina Mikael at Leon sa Seoul/Ph Embassy in Seoul, nagpaalala sa Filo-Armys na dadalo sa event na mag-ingat at maging alerto
-Presyo ng langis, kontrolado ng gobyerno ng Pilipinas bago isabatas ang downstream Oil Industry Deregulation Act
-Matumal na dating ng mga turista, ramdam sa strawberry farm
-LRTA, inilabas ang fare matrix na ipapatupad sa LRT-2 kasunod ng utos ni PBBM na fare discount
-PBBM, iniutos ang agarang pag-release ng P21.47B para sa infrastructure projects at fuel subsidy program
-Estudyanteng hinanap ang salamin na nakasuot lang sa kanyang ulo, kinaaaliwan online
Category
š
NewsTranscript
00:00Thank you for joining us.
00:30Huli kam sa Maynila, muntik daw makidnap ang isang batang babaeng inutusan lamang na bumili ng ulam.
00:36Ang suspect, nagpakilalang kakilala raw ng nanay ng bata.
00:41Balitang hatid ni Jomer Apreso.
00:48Hindi maikubli ng isang ama sa Maynila ang galit ng mabalitaan na muntik ng madukot ang kanyang labing isang taong
00:55gulang na anak na babae.
00:56Ang biktima, inutusan lang daw bumili ng ulam noon.
01:00Sa kuha ng CCTV sa barangay 905 sa punta sa Santa Ana, Maynila, pasado alas 11 na umaga kahapon,
01:06may kita ang bata na naglalakad papunta sa isang karinderiya.
01:09Sa di kalayuan, may kita naman ang lalaki na kaputi na sinundan ang biktima.
01:14Pero, umalis din kalaunan.
01:16Hinintay pala niya ang biktima sa kanto.
01:18Sa sumunod na video, may kita ang bata na kasama ng naglalakad ng lalaki na may dalang bisikleta.
01:24Naglakad raw sila hanggang sa makarating sa kanto ng Cardinal Street.
01:27Mula rito sa karinderiya, nasa tatlong kilometro raw ang nilakad ng biktima at ng sospek
01:32bago sila tuluyang nakita ng kumpare ng tatay ng biktima na magkaangkas na sa isang bisikleta.
01:38Inabol niya po yung tao.
01:40Tiyanong niya, kilala mo ba yan?
01:41Kilala mo ba yan?
01:42Hindi.
01:43Pinakabaan niya yung anak ko.
01:44Nilagay niya po sa gilid niya, inawaan niya.
01:45Agad daw tumakas ang lalaki.
01:47Ayon sa barangay, nagpanggap ang lalaki na kakilala ng nanay ng biktima at pinangakuan daw siya ng kung ano-ano.
01:54Parang hipnotismo, ay don't know kung ano pong klaseng ginawa doon sa bata.
01:58Sabi ng barangay, naikipagugnay na sila sa ibang mga barangay para matukoy ang pagkakakilanla ng lalaki
02:04at magbigay babala sa mga magulang.
02:06Sabi nga po yung golden rule na don't talk to strangers, na huwag makikipag-usap lalo tigit po pag hindi
02:11kilala.
02:12Nagsasagawa rin ang investigasyon ng pulisya para mahuli ang lalaki.
02:17Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:20Kasunod ng tricycle drivers, makatatanggap na rin po sa susunod na linggo ng 5,000 piso cash aid
02:31mula po sa DSWD ang iba pang PUV driver.
02:35Ayon sa DSWD sa Martes, March 24, ipapamahagi ang ayuda para sa Transport Network Vehicle Service o TNVS drivers.
02:44March 25 naman para sa mga jeepney driver.
02:47Mula March 26 hanggang 27 naman ang para sa Delivery Service drivers.
02:54March 28 naman, sabado po yan, magbibigay ng cash aid sa motorcycle taxi drivers.
03:00Pagkatapos po ng pamimigay ng ayuda sa mga chupel sa Metro Manila,
03:05sisimula na rin ang pamimigay ng cash aid sa mga nasa labas ng rehyon.
03:09Kaninang umaga, maagang pumila ang mga tricycle drivers sa barangay 102 sa Kaloocan para sa pamamahagi ng cash aid.
03:19Kwento ng ilan sa kanila, inagahan na nila dahil matatanggap na pera daw ang ipambabayad nila para sa kuryente at
03:27upa ng bahay
03:28at pamamasada pa o mamamasada pa sila.
03:33Tuloy ang ikalawang araw ng transport strike ng ilang transport groups.
03:37Kontra po yan sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
03:41May ulot on the spot si Romel Balasbas ng Super Radio DZBB.
03:46Romel?
03:47Connie, tuhol lang daw ang P5,000 na ayuda sa pampublikong transportasyon ayon sa piston dito sa Metro Manila South.
03:56Ayon kay Liloy Latoreno, piston coordinator sa Metro Manila South at membro ng transport group para sa Biyaheng Baklaran Divisoria,
04:03maliit ang P5,000 na ayuda na pang dalawang araw lang nilang magagasto sa mataas na presyo ng diesel ngayon.
04:103,000 kada araw na umano ang nawawala sa kanila dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.
04:16Hanggang ngayon naman, walang tugon ng Pangulo.
04:18Sa panawagan nilang ibasura ang Oil Deregulation Law, tanggalin ang excise tax at value-added tax o VAT sa mga
04:24produktong petrolyo.
04:26Alas 7.30 ng umaga nang magsimula ang kanilang programa at balak nilang magmarcha patungong Menjola.
04:32Kahapon, 86 na membro nila ang lumahok sa Tigil Pasada at inaasahang ganitong bilang muli ang lalahok ngayong araw.
04:40Samantala, nagpapatuloy ang pagbibigay ng P5,000 ayuda ng DSWD sa mga tricycle driver sa Palaniag Gym, Barangay San Dionisio
04:48sa Paraniake.
04:49Ayon sa City Social Welfare and Development Office, umabot sa mahigit 2,000 tricycle driver ang nabigyan ng ayuda nitong
04:56Martes at Merkules, hindi pa kasama ang datos kahapon.
05:00Ngayong araw, mahigit 400 naman ang target mabigyan ng ayuda.
05:03Ayon kay Arthur Glenn Pacano, Supervising Administrative Officer ng CSWD Paraniake, walang problema sa pamahagi ng ayuda ngayon.
05:12Lahat kasi ng problema gaya ng kawalan ng pangalan sa master list ay agad namang natutugunan.
05:17Sa entrance pa lang ng Palaniag Gymnasium, naroon na matauhan ng CSWD para i-verify ang pangalan ng tricycle driver.
05:24At kapag naroon nga, diretsyo na sa matauhan ng DSWD na nagbibigay ng ayuda.
05:29Ang isang tricycle driver na si Michael, na 1991 pa na mamasada, gagamitin umano sa pambili ng kanyang gamot ang
05:36ayuda at ang matitira ay pang gasolina.
05:39Umaasa siya na matatapos na ang gulo sa Middle East para bumaba ang presyo ng gasolina.
05:44500 pesos na umano ang nawala sa kanyang kita.
05:47Connie.
05:48Maraming salamat, Romel Balasbas ng Super Radio DZBB.
05:53Handang tubulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga tricycle driver na wala sa mga listahan na mga
06:00dapat mabigyan ng cash aid.
06:02Kasunod po yan ang pag-iikot ng DSWD sa ilang payout centers sa Metro Manila.
06:07Ayon kay Secretary Rex Gatchalian, maaaring pumunta ang isang tricycle driver na wala sa mga listahan sa kanyang TODA officer
06:15o sa DSW help desk sa mga payout site para maisama agad ang pangalan sa payout schedule.
06:22Matapos naman daw ang paminigay ng cash assistance sa mga trike driver sa Metro Manila, isa sa pinal ng DSWD
06:30ang nationwide clean list ng mga tricycle driver para mas mapalawig ang cash relief assistance.
06:45Namataan ang isang buhawi sa loob ng Mangaldan National High School sa Pangasinan.
06:50Maraming estudyante po ang nagulat sa biglang pag-ihip ng malakas na hangin hanggang sa makita ang pamumuo ng buhawi
06:58sa oval ng eskwelahan.
06:59Dahan-dahan din itong nawala, walang naiulat na nasaktan o napinsala.
07:04Ayon po sa pag-asa, karaniwang nabubuo ang buhawi kapag nagtatagbo ang mainit at basang hangin mula po sa itaas
07:12na karaniwang nagbumula sa malalakas na thunderstorm.
07:18Kahit inaasahan ang matinding init at alinsangan sa maghapon, nakaranas pa rin po ng malamig na umaga ang ilang bahagi
07:26ng bansa.
07:26Ayon sa pag-asa, 16 degrees Celsius na minimum temperature ang naitala sa Baguio City, 16.8 degrees Celsius sa
07:35La Trinidad Benguet, habang 20.8 degrees Celsius dito sa Quezon City.
07:41Apektado pa rin po ng hanging amihan ang Extreme Northern Luzon habang Easter Lease ang nakakaapekto sa iba pang bahagi
07:48ng Luzon kasama ang NCR at Visayas.
07:51Posible muli ang mga local thunderstorms sa Mindanao.
07:55Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, iilang bahagi lamang ng bansa, particular po sa Visayas at Mindanao, ang makararanas
08:03ng light to moderate rains ngayong long weekend.
08:07Posible rin po ang ulan sa ilang panig ng Metro Manila ngayong araw.
08:11Pinag-iingat naman ang ilan nating mga kapuso sa banta ng fatigue, heat cramps o heat exhaustion.
08:17Posible kasing pumalo sa 40 degrees Celsius ang heat index o damang init ngayon pong biyernes.
08:23Ayon pa rin po yan sa pag-asa, 38 degrees Celsius sa Davao City, habang 34 degrees Celsius sa Pasay.
08:39Patay ang dalawang tao matapos magsalpukan ng isang motorsiklo at isang tricycle sa Mangaldan, Pangasinan.
08:45Kita sa CCTV video ang pagdaan ng tricycle sa isang kalsada sa barangay Bari.
08:51Dumating ang isang motorsiklo at nagsalpukan ang tricycle.
08:57Sa lakas po ng impact, dumiretsyo papasok sa sidecar ng tricycle ang motorsiklo at rider nito.
09:03Nasa wisya at ang pasahero ng tricycle.
09:06Sugata naman ang driver ng tricycle.
09:09Wala pang pag-uusap ang mga kaanak na mga sangkot sa insidente.
09:13Sinisika pang makuha ang kanilang panig.
09:18Labing apat na pyroclastic density current signals o uson ang naitala ng bulkang mayon sa nakalipas na 24 oras.
09:26Sa pinakahuling bulitin mula sa FIVOX, mahigit dalawang daan at pitongpung volcanic earthquakes.
09:33Isang volcanic tremor at mahigit apat na raang rockfall events ang naitala sa bulkan sa kaparehas na panahon.
09:41Tanaw ang rockfall sa Legazpi kung saan namuo ang abo sa gitnang bahagi ng bulkan.
09:48Mahigit sang libong tonelada naman ng asupre ang ibinugan nito kahapon.
09:53Kasalukuyang nasa alert level 3 ang bulkan.
09:56Ibig sabihin po, bawal ang pagpasok sa 6km radius permanent danger zone
10:02at ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
10:14Happy Friday mga mari at pare!
10:16Pinasaya ni PBB Celebrity Collab 2.0 kapuso big winner Caprice Cayetano
10:22ang mga bata sa isang foundation.
10:28Nakipagbonding siya sa ilang activities gaya ng bracelet making.
10:31Nauna nang sinabi ni Caprice na magdodonate siya ng bahagi ng kanyang prize sa Little Arc Foundation.
10:38Isang NGO na tumutulong sa mga batang may cancer, talasimya at iba pang karamdaman.
10:44Natanong naman ang inyong mare si Caprice sa kanilang meet and greet ni Kapuso Global Fashion Icon,
10:49Heart Evangelista, sa Sparkle On Stronger Together event kamakailan.
10:54Chika ni Caprice kinilig siya na muling makita ang idol niya.
10:59Pagkasama na si Caprice at Heart sa kapuso telephantasya na Mulawin vs Ravenna.
11:04May sagot din si Caprice sa sweet message ng kanyang ate Heart.
11:10So Caprice, call me if you need any clothes or anything you need to wear.
11:14Ate Heart is here.
11:16Yes, definitely.
11:18Siyempre po, sino pong hihinti?
11:20I would love to po.
11:21Grabe, willing po ako at na-excite na po ako na miging little heart kung sakali po.
11:27Gusto ko pong mag-thank you kay Miss Heart.
11:30Tsaka na-appreciate ko po yun.
11:33Thank you, Miss Heart.
11:37Huli kam ang pag-overtake ng ambulansya sa double solid yellow line sa kalsadang iyan sa Araya at Pampanga.
11:44Gumilid para umiwas ang ilang tricycle.
11:46Habang hindi naman nakaiwas ang isa pang motorsiklo kaya nasagi ng ambulansya.
11:52Natumba ang magamang sakay nito.
11:54Bumalik naman ang ambulansya na kasagi sa motor at isinakay ang mga biktima papunta sa ospital.
12:00Ayon sa pulisya, may susunduin saan ang pasyenteng bagong panganak ang ambulansya nang mangyari ang aksidente.
12:07Sa update ng pulisya, nakalabas na ang ama sa ospital habang nagpapagaling pa ang 11 taong gulang niyang anak.
12:14Nangako ang driver ng ambulansya na sasagutin ang gastusin sa pagpapagamot sa mga biktima.
12:19Sa RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code, kailangang magbigay daan sa mga on-duty na emergency vehicles tulad
12:29ng mga truck ng bumbero at ng ambulansya.
12:34Pasintabi po sa susunod na balita.
12:37Bistado ang isang bahay sa navotas na ginagawa umanong katayan ng mga aso.
12:42Ang karne ibinibenta raw sa divisorya sa Maynila.
12:46Balitang hatid ni Bea Pinlak.
12:51Kaawa-awa ang kalagayan ng asong nadatnan ng maotoridad na wala ng buhay at nakasabit sa banyo ng isang bahay
12:58sa barangay Bagong Bayan South Navotas nitong lunes.
13:01Ang katawan ng isa pang aso, duguan at nilalangaw na habang nasa sahig.
13:08Sa sakong ito naman, natagpuan ang ilan pang nakatay na parte ng katawan ng aso.
13:13This has been going on for a while.
13:15Yung report sa akin is hinuhuli nila yung mga dogs from Malabon, Kaloocan, Navotas and may mga contractual na pumupunta
13:28sa bahay nila at kinakakay sa bahay nila.
13:33Ang karaniwang target umano ng mga sospek, mga asong gala.
13:37Ang iba, posibleng alagang aso dahil sa collar sa leeg.
13:42Ilang araw matapos isumbong sa pulisya, nahuli sa aktong nagkakatay ng aso ang 26-anyos na lalaki at kanyang asawa.
13:50Arestado rin ang isa pang babae na tinangkaumanong harangin ang pag-aresto sa mga sospek.
13:56Isa ang pinagahanap pa. Nakuha sa mga sospek ang ilang leash o tali ng aso at mga kutsilyong ginagamit umano
14:04nila sa pagkakatay.
14:06Base sa imbistigasyon ng pulisya, binibenta umano ng mga sospek ang karne ng aso sa Divisoria sa Maynila sa halagang
14:14200 to 250 pesos kada kilo.
14:18Nakakulong ang tatlong sospek sa Navotas City Police Station.
14:21Nakaharap ang mag-asawang sospek sa reklamong paglabag sa Animal Welfare Act, Anti-Rabies Act, Food Safety Act, pati na
14:30rin sa pagpalag-umano sa pag-aresto sa kanila.
14:33Reklamong obstruction of justice naman ang inihain laban sa kanila umanong kasabwat.
14:38Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng mga sospek.
14:41They said, yan na lang yung ano nila, means of livelihood.
14:47Nagbabala rin ang grupo sa banta sa kalusugan ng pagkain ng karni ng aso.
14:52There are health risks because that is not livestock.
14:57Pagtitiyak ng Navotas LGU, paiigtingin nilang pagpapatupad sa mga batas para maproteksyonan ang mga hayop at ang mga residente ng
15:06lungsod.
15:07Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
15:16Shining through the city with a little funk and soul, light it up like dynamite.
15:23Isa ka din ba sa mga nakamiss sa kanila?
15:26Don't worry, ARMY, dahil today is D-Day, ng full group comeback ng global superstars na BTS.
15:44At exactly 12 noon oras dito sa Pilipinas, ang release ng kanilang fifth studio album na Ari Rang, na may
15:5214 track list.
15:53Yan ang first album release ng BTS matapos makompleto ng members ang kanilang mandatory military service last June 2025.
16:02Kasunod ng album drop, magkakaroon bukas ng free concert ng BTS sa historic Gwanghwamun Square sa Seoul, South Korea.
16:11Libo-libong fans all over the world ang inaasahang a-attend sa open air show.
16:16Parte ito ng activities sa kick-off ng kanilang BTS world tour, Ari Rang, sa April 9.
16:22Ang Ari Rang ay isang Korean folk song.
16:25Isa sa stops ng kanilang much-awaited tour ang Pilipinas na gaganapin sa March 13 to 14, 2027.
16:38All time low ang 60 pesos and 10 centavos na halaga ng piso kontra dolyar sa pagsasara po ng palitan
16:46kahapon.
16:46Sa gitna po yan ang nagpapatuloy na gyera sa Middle East.
16:50Balitang hatid ni Jamie Santos.
16:53Sa gitna ng mga pag-atake sa oil facilities sa Middle East, nagsara ang palitan sa 60 pesos and 10
17:00centavos, pinakamahina sa kasaysayan.
17:03Unang beses na sumampa ito sa 60 peso level.
17:06May punto pa sa intraday trading na umabot ito sa 60 pesos and 40 centavos.
17:11Mula ng sumiklabang gulo noong February 28.
17:14Nasa 58 peso level hanggang 59 peso level ang palitan.
17:17Ayon sa profesor at ekonomistang si Emanuel Leico, unang mararamdaman ang epekto nito sa pagtaas ng presyo ng mga inaangkat
17:26na produkto.
17:26Kasi ang mga inaangkat natin, ang ginagalit natin ay dolyar.
17:32So ang tibig sabihin niya ay mas maraming piso ang kailangan para makabili tayo ng mga ini-import natin sa
17:39labas.
17:40Anya, bagaman hindi ang gulo sa Middle East ang rason ng pagsadsad ng piso, ito ang rason sa pagtaas ng
17:46presyo ng petrolyo na binibili natin sa pamamagitan ng dolyar.
17:50Magamag magkaiba, ito po ay magka-related ito. Ang demand natin sa dolyar ay lalong lumalaki kaya pumihina ang piso.
18:02Isa sa direktang apektado ng pagsadsad ng piso ang mga importer. Tumaas rin ang kanilang gastos dahil sa nagbahal na
18:08petrolyo.
18:09Sa ngayon, di pa sila nagtataas ng presyo dahil may dati pa silang stock.
18:13Ngayon, kaya pa. Pero two weeks from now, maraming mga negosyante, kataas ang presyo yan dahil may mga bago na
18:20kami mga inventories at mga stocks na parating na sure po,
18:24nandun po yung effects ng pagtaas ng logistics and importation costs.
18:29Umaasa rin ang mga importer na makakatulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng tax incentives o subsidy,
18:36lalo't masaramdam nila ang epekto ng mahinang piso, bagamat nakikinabang naman dito ang mga exporter.
18:42Ayon kay Philippine Exporters Confederation Inc. President Serio Ortiz Luis, inaasahan na raw nila na aabot sa lagpas 60 pesos
18:50ang foreign exchange rate.
18:52What is important is that it doesn't come very fast, yung depreciation ng peso, and it doesn't create inflation.
19:04In this case, hindi siya mabilis, and I don't think it would create inflation.
19:12May kapangyarihan ang Banko Sentral ng Pilipinas na makontrol ang paggalaw ng halaga ng piso sa pamamagitan ng pagbili ng
19:19dolyar
19:19o pagbenta nito mula sa dollar reserves ng bansa para hindi masyado sumipa ang forex.
19:25Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na batay sa flexible foreign exchange rate policy,
19:30ang iniiwasan lang nila ay ang malakihang paggalaw ng palitan ng piso na maaring makaapekto sa inflation.
19:36Hindi raw nito polisiya na maipako ang piso sa iisang level.
19:40Ang magagawa lang ng Banko Sentral, katulad po nang sinabi ng BSP Governor,
19:47ay pangalagaan yung stability ng ating currency.
19:52Drastic ba ang pagbabago o hindi naman.
19:55Ito naman po yung pagsampan ng piso ko ng dolyar sa 60.
20:01Inaasahan na po natin yan eh.
20:03Psychological threshold ang 60.
20:06Kapag mataas ang halaga ng dolyar, mas malaki ang naiuwi ng mga pamilyang tumatanggap ng dollar remittance.
20:12Pero para sa ilan sa kanila, baliwala ang inilaki ng padala kung mabilis naman ang pagmahal ng bilihin.
20:18Walang kwenta. Mas maganda pa kung ibaba na lang, para bababa din ang mga bilihin.
20:27Nakakawa yung mahirap na, lalong naghihirap.
20:30Jamie Santos, nagbabalita para sa Jimmy Integrated News.
20:35Kaugnay po sa pagsuspindi ni Pangulong Bongbong Marcos sa taas pasahe sa mga pampublikong sasakyan,
20:40kausapin po natin si Mega Manila Consortium Corporation Spokesperson Juliette De Jesus.
20:46Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halit.
20:49Magandang umaga po sa inyong lahat.
20:52Ano po ang reaksyon ng inyong grupo sa pagsuspindi po sa taas pasahe sa mga pampublikong sasakyan?
20:57Siyempre, sa umpisa, nagulat kami. Bakit hindi pa namin na i-implement? Sinususpindi na.
21:06First time po ba ito nangyari sa ganitong pagkakataon na i-announce tapos hindi po napatupad?
21:12Opo, opo, opo.
21:13I see. At gaano naman tindi na yung effect ng pagtaas po ng presyo ng diesel sa inyong hanay?
21:20Ako, malaki na po ang tindi kasi kung kung nakukuha na 52 pesos per liter or nawala pong gera,
21:28and probably po yung time is 2 po yung probably.
21:33I see. At papaano po yung mga ginagawa ninyong adjustment sa inyong pang-araw-araw na pagbiyahe?
21:41Ang ginagawa po na, less deployment po. Less deployment at...
21:47Okay. May mga choper din ho ba kayo na hindi pumapasok muna dahil sinasabi nga na baka nahihirapan po sa
21:56ganitong arrangement o sitwasyon?
21:59Eh, meron po. So po, problema rin namin ng driver.
22:04Mm-hmm. At papaano po yung mga naunanin yung petisyon? Ano ho ba ang inyong update ngayon dyan?
22:10Ah, ang update po namin sa suspended fairs, eh, ako po ang gobyerno, the OTRN, CFRB, na may po other
22:21subsidy na pwede pong ibigay ang gobyerno sa mga transport operator.
22:28I see.
22:29Magaya po sa fuel, driver, tsaka po nagbabalak po silang mag-cert contract for us.
22:37I see. At gaano ho ba karami ngayon ang parte po ng inyong grupo?
22:43Ako sa MMC po, marami po kami, kasi majority po sa city oversight, something like 82, compact, ah, o pa
22:56konsorsiyon.
22:57Sige po, baka may panawagan na lang ho kayo sa ating gobyerno, ukol pa rin ho dito sa inyong pong
23:03petisyon.
23:03Ah, kami po ay nanasagang sa ating mahal na presidente, sa DOT, ah, at sa LTFRB, sana po, ah, kung
23:15meron man po kayong mga plano in replace the fair increase na ng suspinde,
23:20sa makabuhay naman po sa mga, ah, mga, mga, mga driver.
23:26Okay, marami pong salamat sa inyo pong binigay sa aming oras, ma'am.
23:32Yan po naman si Mega Manila Consortium Corporation Spokesperson, Juliette De Jesus.
23:44Mahigit 40% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat unahin ng gobyerno ang gawing abot kaya ang presyo ng mga
23:51pagkain.
23:52Ayon po yan sa isang survey.
23:53Sa pagtaas kasi ng presyo ng mga bilihin, ilang mamimili at negosyante na ang nangangamba para sa kanilang kita at
24:00pagbabudget.
24:01Balitang hatid ni Bea Pinlak.
24:07Kung tuloy-tuloy ang pagsipan ang presyo ng produktong petrolyo bunga ng gera sa Middle East,
24:13hindi maiiwasan na mahahatak din pataas ang presyo ng ibang bilihin gaya ng pagkain.
24:19Kaya nangangamba ang ilang mamimili na baka kahit anong higpit nila ng sinturon,
24:24hindi pa rin sumapat ang budget nila sa pang-araw-araw.
24:27Hindi pa tumatas yung sahod.
24:30Wala na, binabudget na lang namin.
24:32Kunti-kunti na lang ang bibilin para makaraos lang.
24:37Magtipid na lang ha, hindi na tayo kakain.
24:40Pati ang negosyong karindirian ni Dimalin, apektado.
24:44Hindi na raw gaano bumibili ng pagkain ng mga suking taxi driver,
24:48nahirap din sa nakalululang presyo ng gasolina.
24:51Masakit sa bulsa, magbawas na lang sa takal kasi hindi ka na pwede magtaas ng taas ka agad kasi iwanan
25:01ka.
25:01Kabilang sila sa 41% ng mga Pilipino na naniniwalang ang dapat unahin ng gobyerno ay magawang abot kaya ang
25:10presyo ng pagkain.
25:11Basa yan sa Pulse Asia Survey mula February 27 hanggang March 2 kung saan tinanong ang sanlibot dalawandaang Pilipino kung
25:19ano ang unang dapat matugunan ng gobyerno.
25:23Kabilang din sa gustong patutukan ng korupsyon, dagdag na trabaho, edukasyon at healthcare.
25:29Dapat lang kasi lahat tayo, yan ang pinakaimportante pagkain, lalo yung bigas.
25:35Ola, ano, anong maging gawin natin?
25:38Sa Mega Q Mart sa Quezon City, damang-dama rin ang pagtaas ng presyo ng karming baboy at isda.
25:43Ang kada kilo ng Yempo, umaabot na ng 420 pesos. 320 hanggang 340 pesos naman na bibili ang Kasim.
25:54Nasa 200 to 240 pesos naman ang Galunggong. At 220 pesos hanggang 230 pesos naman ang Bangus.
26:03Daing na mga nagtitinda, kasabay ng pagtaas ng presyo, ang pagtumal ng benta.
26:08Kaya pati sila, lugi.
26:11Alam mo, pag tumakas ang kasulina, lahat damay na lahat yan.
26:14Kasi lahat ginagamit ang kasulina eh. Transportation sa lahat.
26:17Ngayon talaga lugi talaga kami ngayon ito.
26:19Kasi tumakas na ang palindahan, kas matumal pa, talaga lugi kami.
26:23Kung dumating yun ang presyo, siyempre, dadagdagan mo yun.
26:26Hindi pwedeng ganun pa din.
26:28Siyempre, kailangan mong kumita. So, mahirap pero sige lang, laban lang.
26:32Pangamba nila, baka maipit din sila sa patuloy na pag-alagwa ng presyo ng langis.
26:37Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
26:42Ito ang GMA Regional TV News.
26:48Isa pang sakay ng lumubog na MV Tricia Kirsten III ang narecover sa Lantawan, Basilan.
26:55Natagpuan ang bangkay sa dagat ng mga manging isda at positibo po itong kinilala ng mga kaanak niya.
27:01Base sa mga suot na damit at sapatos.
27:04Kabilang po siya sa mga sakay ng MV Tricia Kirsten III na lumubog sa Balok-Balok Island noong January 26.
27:12Sa datos po ng Philippine Coast Guard, 66 na ang namatay sa paglubog ng barko.
27:19Labing tatlo pa ang nawawala.
27:21Halos tatlong daan naman ang nailigtas.
27:26Arestado ang isang lalaking motorcycle rider matapos siyang sitahin sa isang checkpoint sa Kabakan, Cotabato.
27:32Base po sa emisigasyon, silita ang rider dahil walang side mirror ang gamit niyang motorsiklo.
27:38Nang hingin ang mga dokumento ng motor, nadiskubrin ang PNP Highway Patrol Group na peke ang mga ito.
27:46Nalaman din na nakaw pala ang motorsiklo.
27:50Ininspeksyon ang motor at nakitaan pa ang lalaki ng limang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
27:57Hawak ngayon ang polisya ang rider na walang pahayag.
28:05Isang kwento ng inspirasyon at katatagan ng kababaihan ang tampok sa episode ng Magpakailanman Bukas.
28:13Timing ngayong Women's Month.
28:17Hindi ka mabubuntis, hindi ka nagpa-ano.
28:19Ano na? Ano?
28:20Ayoko namang pala kayo ng mga anak.
28:23Yan ang kwento ni Mommy Len Timbol, a.k.a. ang Mommy Sugpo na real-life nanay ni Harleen Budol.
28:30Si Harleen mismo ang bibida sa episode.
28:33Makakasama nga rito si Juan Chotribinho.
28:35Bukas na po yan, 8.15pm sa GMA.
28:41Balik teatro, sina Stars on the Floor, celebrity dance star Jasmine Curtis Smith at sparkle star Royce Cabrera.
28:49Magtatambal sila sa stage play adaptation ng Cinemalaya film na Endo.
28:53Kwento ni na Jasmine at Royce sa inyong mare.
28:56Enjoy sila sa kanilang rehearsals.
28:58At marami rin silang learnings.
29:01Sabi pa ni Jasmine na katulong ang exposure niya sa Stars on the Floor sa kanilang mga movements sa stage.
29:07Ibinahagi rin ni na Jasmine at Royce kung ano ang natutuhan nilang difference ng film at teatro.
29:16Pinakauna talaga, wala kang take-two.
29:19Siguro yun ang pinaka...
29:20Kailangan mong i-build na strength na yung tiwala sa sarili and yung relaxation mo pag sampas sa stage.
29:28Sa teatro talaga kailangan mong ibigay 101% ng katawan mo kung anong kayang ilabas ng katawan mo.
29:35Kasi sabi nga ni Jess, walang take-two.
29:38So, simula na umilaw yan, nasa entablado ka, walang lang alisan niya.
29:47Mag-a-advance si Pinay tennis star Alex Ayala sa round of 32 ng Miami Open sa Amerika.
29:55Tinalo niya sa round of 64, si Laura Segment ng Germany.
29:59Si Segment ang nakakuha sa first set, habang parehong 6-3 ang score sa second at third sets pabor kay
30:07Alex.
30:08Halos tatlot kalahating oras nagtagal ang laro ni na Alex at Laura.
30:13Sunod na makakalaban ni Alex si Magda Lynette ng Poland.
30:17Kwento ni Alex, matapos ang laro, masaya siya sa naging improvement ng kanyang laro,
30:22lalot noong nakaraang taon ay number 140 siya sa rankings ng Women's Tennis Association
30:28at ngayon ay number 29 na siya.
30:34I'm really pleased with how I'm handling everything as a whole.
30:38A lot of things have changed for me, especially this year and this season.
30:42So, I think I'm doing a good job of keeping that balance of being hungry and staying happy and still
30:50working hard.
30:52Mga bibilis na balita po tayo.
30:56Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa barangay Tumana sa Marikina, kanina mag-aala sa is ng umaga.
31:02Ayon sa ulat ng Super Radio DG Double B, isa ang sugatan matapos makatapak ng matulis na bagay.
31:08Umabot ang sunog sa unang alarma.
31:11Ibig sabihin, anin na track ng bumbero ang rumisponde.
31:14Pasado alas 7 ng umaga, i-diniklara itong under control.
31:18Ayon sa Marikina Rescue 161 at Bureau of Fire Protection, aabot sa 20 bahay ang nadamay sa sunog.
31:25Nananatili naman sa covered court ng barangay ang mga apektadong residente.
31:30Inaalam pa ang sanhi ng apoy.
31:33Tumaginid sa kalsada ang SUV na yan matapos bumangga sa mga concrete barrier sa Marcas Highway sa barangay de La
31:40Paz, Pasig.
31:42Ayon sa driver, pauwi siya sa Quezon City ng makaidlip habang nagmamaneho.
31:48Limang concrete barriers ang nasira sa insidente.
31:51At nagdulot po din yan ng pagbigat ng daloy ng trapiko.
31:55Ligtas naman ang driver na dinala na sa traffic cure para sa investigasyon.
32:02Puminto ang motorcyklong yan sa Bacolod City at bumaba ang dalawa nitong sakay.
32:06Ilang sandali lamang, isang mesa ang binuhat ng rider.
32:10Tumuntung doon at tinakpan ang CCTV sa lugar.
32:14Hindi na nakunan ang mga sunod na nangyari.
32:17Ayon sa isang residente, niluuban ang dalawang lalaki ang tindahan niya at tinangay ang 6,000 pesos na kita.
32:24Pinasok din daw ng mga kawatan ang katabing bahay at ninakaw naman ang dalawang cellphone.
32:30Tinutugis na ng pulisya ang mga salarin na dati na raw may record sa pagnanakaw.
32:37Ngayong may itinakda ng petsa ang House Justice Committee para sa hearing proper
32:42ng dalawang impeachment complaints labang kay Vice President Sara Duterte,
32:46inilatag ni Committee Chairperson Representative Jerviel Luistro
32:50ang mga aasahan sa pagsisimula nito sa susunod na linggo.
32:54March 25 ang unang araw ng hearing proper.
32:57Yan ay kahit naka-recess ang kongreso.
33:00Ayon kay Luistro, sa panayam sa unang balita ng unang hirit,
33:04pinagahandaan na ng Komite ang ground rules para sa hearing proper.
33:08Magkakaroon daw ng presentasyon, ng mga ebedensya at testigo roon,
33:12pero paglilinaw niya, hindi pa ito ang mismong impeachment trial.
33:17Dahil yan daw ayang mangyayari pa sa Senado kapag naitransmit na ng Kamara
33:22ang Articles of Impeachment kung makakuha ito ng one-third na mga boto sa plenaryo.
33:28Tatalakayin din daw sa pagdinig ng Komite ang mga mosyon na inihain ng ilang miyembro
33:33tulad ng pagsupina sa ilang finance documents ng vice.
33:37Paglipat sa kutsodiyan ng nagpakilalang dating aid ni Duterte na si Ramil Madriaga,
33:44pati ang motion to reject entry of appearance ng ilang abogado ng vice
33:48dahil sa umanoid conflict of interest.
33:51Kahapon, nagpadala na ng imbestasyon ang Komite para sa pagdalo sa pagdinig ni VP Duterte.
33:58Nauno nang sinabi ni Luistro na desisyon ng vice kung dadalo siya sa pagdinig o hindi.
34:05Let us understand na ito pong proceeding before the Justice Committee
34:10is synonymous to a preliminary investigation of a fiscal in a criminal proceedings.
34:18Ito pong mini-trial na ito, we are using this for the better understanding of the Filipino people.
34:31Ngayong araw, mangyayari ang tinatawag na spring o vernal equinox.
34:35Ayon sa pag-asa, hudyat ito ang simula ng spring season o tag-sibol sa ilang bansa sa northern hemisphere.
34:42Taglagas naman yan o autumn season sa mga nasa southern hemisphere.
34:46Tuwing vernal equinox, ang araw ay nakaposisyon sa itaas ng equator ng mundo
34:52na nagre-resulta sa pantay na haba ng daytime at night time.
35:02Qualified na sa Football World Cup ang Philippine Women's National Football Team na Filipinas.
35:10Kasunod yan ang kanilang panalo laban sa Uzbekistan sa AFC Women's Asian Cup play-in sa Australia.
35:17Sa first half, hindi nakaskor ang parehong kuponan.
35:20Sa second half naman, nakadalawang goal ang Filipinas.
35:24Zero ang Uzbekistan.
35:26Ito na ang ikalawang sunod na pag-qualify ng Filipinas sa FIFA Women's World Cup matapos ang kanilang debut noong
35:342023.
35:35Gagawin niyan sa 2027 sa Brazil.
35:38Good job, Filipinas!
35:46Over the moon ang excitement ni Kapuso actress Megan Young para sa comeback concert ng BTS Bukas.
35:53Five siyang manonood sa Seoul, South Korea together with her hubby Mikael Daez at Baby Leon.
36:00Chika ni Megan, dream come true ito dahil first time niyang makikita ang OT7, especially her bias, Jen.
36:07Kaugnay ng highly anticipated comeback ng BTS,
36:11nagpaalala ang Philippine Embassy sa Seoul sa Philo Armies na personal na dadalo sa event na maging alerto at mag
36:18-ingat.
36:19I-secure ang inyong personal belongings.
36:21Magdala ng sapat na pagkain, tubig at gamot.
36:25At tandaan ang emergency contact numbers ng embahada at local authorities doon.
36:31Enjoy and borahe, Armies!
36:37Ang isinusulong na pagbasura sa oil deregulation law hindi lang para mapamura ang presyo ng langis ayon sa Ibon Foundation,
36:45kundi para sa transparency sa nagiging gastos ng oil companies na natatakda naman ang presyo ng mga produktong petrolyo.
36:53Ayon naman sa House Energy Committee at ilang eksperto,
36:56kailangang mangutang para mapamura ang presyo ng langis sa Pilipinas kumpara sa presyo nito sa world market.
37:04Balitang hatid ni Jonathan Andal.
37:10Bago ang 1998, gobyerno ang may kontrol sa presyo ng langis sa Pilipinas.
37:15Ang malakihang paggalaw ng krudo noon sa world market hindi agad ipinapasa sa mga lokal na gasolinahan
37:21at pinupunan muna ng Oil Pride Stabilization Fund o OPSF na itinatag noong 1984.
37:28Pinupondohan niya ng iba-ibang buwi sa langis, sobrang kita at savings ng oil companies.
37:34At kung sobrang mura ng pag-import ng langis, hindi agad ipinababa ang presyo nito sa lokal na merkado
37:39para ipunin at ilagay rin sa OPSF.
37:43Gayunman, lugi ito dahil sobra-sobra ang iminamahal ng langis sa world market
37:48at pinupunan ng subsidy mula sa kaban ng bayan o bulsa ng mga Pilipino.
37:53Na bago yan nang maisabatas ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.
38:00Inalis sa gobyerno at binigay sa mga oil companies ang kontrol sa pagpipresyo.
38:05Dapat nakasunod yan sa world prices.
38:07Pero tingin ng ilan, kagustuhang kumita ng mas malaki ang nagdidikta ng kanilang presyo
38:13imbis na mismong gastos lang.
38:15Panawaga nila, ibasura ang oil deregulation law.
38:19Hindi siya pwedeng iwan sa merkado, lalong-lalong hindi pwedeng iwan sa kamay ng mga negosyante
38:24na gagamitin ang lahat ng kanilang kapangyarihan para kumita.
38:28Ang transportasyon ng Pilipinas, 95.5% na nakadependes sa langis.
38:33Kabilang yan ang mga sinasakyan natin papuntang tarabaho
38:36at yung mga nagde-deliver ng mga produkto.
38:39Hindi siya regular na nakalakal.
38:41Yung langis ay napaka satihikong produkto.
38:45Pero tanong ng House Energy Committee, saan kukuha ng pondong pampuno
38:49sa diferensya ng langis sa world market para mura pa rin ang presyo sa Pilipinas?
38:54Yung ating budget na yun na 6.9 trillion, 2 trillion nun o utangin pa natin.
39:03We are short of funding our national expenditure program.
39:07Para mura pa rin ang langis sa Pilipinas kahit mahal sa buong mundo,
39:11ipangungutang yan at babayaran natin.
39:13Kasi tayo babayad ng tax.
39:15Kung itataas yung tax para lang mabayaran yung mas mahal na langis.
39:20Which means na hindi mapagpatayo ng mga kalye, mga tulay, mga sekwela
39:29dahil napunta dun sa pagbayad ng utang.
39:32Gumaganaan niya ang oil deregulation dahil nagkukumpitensya ang mga kumpanya.
39:37Kaya nga may mga mas murang langis.
39:39Hindi naman daw laging may krisis sa Middle East para alisin ang oil deregulation.
39:44These things na mga extraordinary events like this,
39:47tatanggalin mo just for an extraordinary event like a war.
39:52Parang doesn't make sense.
39:53Ganyang extraordinary event ang bataya ng isinusulong ngayong bigyang kapangyarihan ng Pangulo
39:58na alisin ang excise tax.
40:00Pwede lang yan kung isang buwan ng $80 per barrel ang average na presyo ng langis.
40:05Pero sabi ni Sen. President Tito Soto,
40:07If they do not agree with some of the points that we will be including in the excise tax law,
40:14then we will be forced to push for the repeal of the oil deregulation.
40:21Kung maipapakita nila at mai-influensya nila
40:26sa pamamagitan ng kanilang pagbalangkas ng batas ang ating Pangulo,
40:30lahat po ng ikagaganda ng basa, hindi naman po tututulan ng Pangulo.
40:35Pinare-repaso na rin ang Energy Secretary ang oil deregulation loop.
40:39Not a full regulation, but to a certain extent, hybrid siya.
40:46In times like this, there has to be a certain control.
40:49But we want also to protect the interest of the public.
40:54Transparency rin lang naman ang gusto ng Ibon Foundation
40:56para makita talaga ang gastos ng oil companies mula sa pagbili ng krudo
41:00hanggang sa pagproseso nito papunta sa mga gas station.
41:04Nirequest na namin yan sa gobyerno.
41:06Nirequest na nila ang action namin sa oil companies dati pa.
41:09Hindi nila nireveal ang pricing nila kasi proprietary.
41:13At under the oil deregulation law,
41:15tinanggal ng gobyerno ang kanyang otoridad na i-demand na isa publiko yun.
41:20Maling akalaan nila na isipin ang deregulation ay tungkol lang sa pagpako sa halaga ng langis sa world market.
41:27Pwede rin silipin kung sobra-sobra na pala ang kita ng mga kumpanya.
41:30Kumpara sa totoo nilang gastos, bagay na nawala nang ipasa ang oil deregulation law.
41:35Ang laki ng epekto sa presyo ng bilihin, sa hanap buhay na napakaraming Pilipino.
41:40Para may transparency tayo lahat.
41:44Because I do believe if people understand the pricing and they are confident about the pricing,
41:50then they will accept the price.
41:53Kung mahal man yan, eh mahal talaga siya.
41:55Kung mura, mura siya.
41:57But we need to revisit.
41:59Jonathan Nandal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
42:04Dahil sa mahal na presyo ng mga produktong petrolyo,
42:07matumal daw ang dating ng mga turista sa Strawberry Farm
42:10dyan po sa La Trinidad, Benguet.
42:12At may ulot on the spot si James Agustin.
42:15James?
42:17Honey, kahit holiday ngayong araw,
42:19hindi ganun karami mga turista na nagtungo dito sa La Trinidad, sa Benguet.
42:24Ramdam nga yan ang mga magsasaka sa Strawberry Farm
42:26maging na mga nagtitinda ng mga pasalubong item.
42:29Halos dalawang linggo na raw, nakakaunti ang mga turista.
42:31Aminado ang lokal na pamahalaan na nababasan talaga ang bilang ng mga turista
42:35na epekto raw na mahal na presyo ng mga produktong petrolyo.
42:37Umaasa sila na nalalakas kahit papaano sa weekend
42:41na may float parade, street dancing at drum and lark competition
42:44na bahagi ng Strawberry Festival.
42:46Ang ilang turista na amin nakausap na galing sa malalayong lugar,
42:50susuliting na raw ang long holiday weekend.
42:52Dumidiscarte na rin sila para makatipid sa gasolina at diesel.
43:00Nag-carpooling po kami papuntang Baguio sa Pasalubong.
43:04Instead na 1 kilo ang strawberry, half kilo na lang.
43:08Bali, nag-ambaga kami sa gasolina, tapos sa pool, sa ginawa namin.
43:12Nagdala na na kami sa atrances ng mga pagkainan na pwede namin dalin
43:17at doon na namin sila niluto.
43:19So, samantala, Connie, 16.8 degrees Celsius yung pinangmababang temperatura
43:25na naitala dito sa Trinidad Benguet kanina.
43:29Baka ito na raw yung huling weekend na malamig, yung simoy ng amihan.
43:33Dahil sabi ng pag-asa, baka maideklara na yung termination
43:36o yung pagkatapos ng amihan season sa mga susunod na araw
43:39na magiging hudyat na magtatag-init na.
43:41Yung manilitas, wala po dito sa Benguet. Balik sa'yo, Connie.
43:44Marami salamat, James Agustin.
43:47Samantala, inilabas ng Light Rail Transit Authority
43:50ang fare matrix na ipatutupad simula po sa lunes.
43:53Kasabay po yan ang implementasyon ng 50% discount
43:56sa pamasahe sa train line.
43:59Kung single journey card ang bibilhin mula rekto sa Maynila
44:02hanggang antipolo sa Rizal,
44:0418 pesos na lamang ang pamasahe.
44:07Kung may stored value naman ang gamit
44:09at gabiyahe mula rin sa kaparehas na distansya
44:12aabot naman sa 16 pesos and 50 centavos.
44:16Ganyan din ang pamasahe kung pabalik.
44:19Kahapon, inanunsyo ng Department of Transportation
44:22ang diskwento sa pamasahe ng LRT2
44:24maging ng MRT3 bilang pagsunod sa utos
44:28ni Pangulong Marcos na pag-aanin
44:30ang biyahe ng mga commuter
44:31sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo
44:35dahil po yan sa gyera sa Middle East.
44:39Iniutos ni Pangulong Bongo Marcos
44:41ang agarang pag-release ng 21.47 billion pesos na pondo
44:46para sa infrastructure projects at fuel subsidy program.
44:50Ayon sa Department of Budget and Management,
44:53pinabibilis na nila ang proseso ng paglabas ng pondo.
44:562.49 billion pesos ang nakalaan sa fuel subsidy program
45:02ng Department of Transportation.
45:0318.65 billion pesos naman
45:07para sa tuloy-tuloy na infrastructure projects
45:09ng Department of Public Works and Highways.
45:12Tiniyak naman po ng DBM sa publiko
45:15na ang bawat perang inilalabas ng ahensya
45:17ay dumaan sa mahigpit na budgeting,
45:20accounting at auditing
45:22para maprotektahan ang kaban ng bayan.
45:34Aminin, lahat tayo ay nakakaranas ng sabaw moments.
45:37Oo naman, Wars.
45:39For the example, sa ganyan ang isang estudyante sa Taal, Batagas.
46:11Aling kang hinahanap?
46:12Iyak-iyak pa siya hanggang makampanya ito.
46:15Nalinawa naman siya sabay tawa sa nangyari
46:18ang video 1.8 million na ang views.
46:24Trending!
46:25J.Cell, hindi ka nag-iisa.
46:26Relate tayo dyan, maaari.
46:28Mas malala pa kami.
46:29At ito po ang balitang hali.
46:31Happy weekend po sa ating lahat.
46:33Bahagi po kami ng masabalaking mission.
46:35Ako po si Connie Sisson.
46:36Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampel.
46:38Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
46:40Mula po sa GMA Integrated News,
46:42ang News Authority ng Filipino.
Comments