Skip to playerSkip to main content
- Akyat-bahay, bigong makapagnakaw nang mahuli ng may-aring gising pa't nagdarasal


- 6 arestado sa nabistong ilegal na minahan; menor de edad, sinagip


- Cloud seeding, isinagawa sa Bohol; nakaranas ng light to moderate rains


- Rambulan ng mga kabataan, na-hulicam; mga sangkot, isasailalim sa intervention


- Rollback na hanggang P16.80/L sa gasolina at hanggang P4.10/L sa diesel,iiral bukas


- Pagmahal ng gulay at ilang rekados pang-noche buena, normal sa panahong ito—DA


- Davao City Assessor: Value ng Matina property, pareho ng nasa SALN ng Bise


- Isa sa mga suspek na nangholdap sa kagawad, arestado


- Entertainment spotlight (Nov. 09, 2026)


- Dinagat Islands, perfect na destinasyon sa chill na bakasyon


- Michelle Dee, inoperahan dahil sa mga bato sa appendix


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:04Dahang-dahang pumasok mula sa maliit na bintana ang akit bahay na ito sa Dagupan City.
00:10Nakatakip ang kanyang mukha.
00:12Pero nang buksan niya ang pintu sa isang gilid na may ilaw, napatakbo siya.
00:17Nabukas siya ng may-ari ng bahay na gising pa pala.
00:20Kwento ng biktima, nagdarasal daw siya noon nang maramdaman ang pagbukas ng pintu.
00:25Inakalan niyang kapatid niya ang nagbukas hanggang nagkatitigan sila ng magnanakaw.
00:30Sinubukan nilang habulin ng akit bahay pero di na nila ito inabutan.
00:35Walang natangay ang kawatan.
00:37Ayon naman sa barangay, pinahikpit daw ang pagbabantay ng kanilang mga tanong.
00:45Isang iligal na minahan na hinihinalang pinatatakbo ng dayuhan ang bistado sa Cagayan de Oro City.
00:51Animang naaresto.
00:52May nasagit ding isang menodeedad.
00:54May report si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
01:00Malaki na ang uka sa lupa pero may mga naghuhukay pang excavator at umaandar na tromil o makinang pansala.
01:08Yan ang nadatna ng pulisya at mga taga Mines and Geosciences Bureau Region 10
01:13nang salakayin nila ang isang minahan sa barangay Tuburan sa Cagayan de Oro City.
01:18Naabutan doon ang anim na operator ng mga excavator pero wala raw nakapagpakita ng kaukulang dokumento.
01:26Batay sa investigasyon, para sa quarrying lang ang permit ng operasyon na isaumanong dayuhan ang nagpapatakbo.
01:34They have no permit. May moratorium eh.
01:39The permit is for the gravel and sand quarrying, not for gold mining.
01:47Kinumpis ka ang abot sa 45 milyong pisong halaga ng equipment, kabilang na ang labindalawang excavator at dalawang tromil.
01:59Nasa git doon ang isang minor de edad.
02:02Sasampahan ng reklamong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 ang anim na operator ng excavator.
02:10Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang operasyon.
02:14Mula sa GMA Regional TV, James Paolo Yap, GMA News.
02:19I-pinade-deklara ng Senado kay Pangulong Bongbong Marcos ng State of Calamity sa buong bansa dahil sa Super El
02:26Nino.
02:26Sa gitna ito ng iniulat na bilyong-bilyong pisong pinsala sa agrikultura dahil sa tagtuyon.
02:32Sa Bohol, sinisikap yung agapan ng isinasagawang cloud seeding para umulan.
02:37May report si Ian Cruz.
02:42Nakaranas ng light to moderate rains ang ilang bahagi ng Bohol nitong Sabado.
02:46Dahil yan sa cloud seeding na mga otoridad.
02:48Na ikalawang beses nang isinagawa sa probinsya.
02:52Prioridad ng cloud seeding ng Bohol ang mga agricultural areas para maisalba ang mga pananim.
02:58Layo nitong ibsan ang matinding init sa gitna ng Super El Nino.
03:03Nagbabanta kasi ang drought o matinding tagtuyod sa probinsya bago matapos ang taon.
03:08Tuloy-tuloy ang monitoring ng mga otoridad sa hakbang at rainfall assessment.
03:14Isinusulong din ang cloud seeding sa Negros Occidental.
03:17Apektado na kasi ng Super El Nino ang mahigit 1,000 hectares ng mga pananim sa probinsya.
03:24Partikular ang mga plantasyon ng tubo o sugarcane.
03:27Pati palay, uhaw sa tubig.
03:30Nagkukulang daw kasi ang tubig sa mga irigasyon.
03:32Ang Disasterist Reduction Management Office ng probinsya pinaghahandaan na ang mas lalalapang sitwasyon sa Disyembre hanggang Marso.
03:41Pero problema o mano ang pagkukunan ng pondo sa cloud seeding na abot sa 30 milyon pesos.
03:48Ang mga katulad na sitwasyon ngayong Super El Nino ang nais ng mga senador na maagapan sa lalong madaling panahon.
03:54Ang lahat ng dalawampung senador na pumapasok ngayon, nagkakaisang hinihimok si Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng state of calamity
04:04para sa Super El Nino.
04:06Sa ngayon kasi, nasa 109 na mga lugar sa bansa ang may kanikan niya ng deklarasyon ng kalamidad.
04:12Pero kung buong bansa ang nasa state of calamity, mas mapapabilis daw ang mobilisasyon ng pondong tutugon sa pagkalugi sa
04:20agrikultura na nasa halos 7 bilyong piso na as of September 2026.
04:26Higit umanong kailangan ang mga pondong ngayon kung kailan inaasahang mas tinindi ang panganib ng El Nino.
04:33Ayon kay Sen. Kiko Panglinan, Chairman ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.
04:39Panahon ang pagtatanim ngayon, kaya higit na kailangan ang pondo sa patubig.
04:44Kailangan din umanong magkaroon ng price ceilings para masugpong overpricing at pananamantala sa merkado.
04:51Nang aming subukang kunan ang reaksyon ng Malacanang, sinabi ni Palas Press Officer Claire Castro na buka sila sa sagot
04:59tungkol dito.
05:00Ian Cruz, GMA News.
05:06Tatlong sundalo ang nadamay sa enkwentro ng dalawang magkalabang angkaan sa Lanao del Sur.
05:11Hulikam naman sa Davao City ang rambol ng mga kabataan.
05:15May report si Sarah Hilumen Velasco ng GMA Regional TV.
05:22Hulan ng suntok at mga bato sa nahulikam na rambulang ito na mga kabataan malapit sa isang paralan sa Davao
05:29City.
05:30Nakauniforme pa ang ilang sangkot na menor de edad.
05:33Hindi patukoy ang pinag-ugatan ng rambol.
05:36Ayon sa pulisya, nakipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng paaralan.
05:42Natukoy na rin ang pagkakakilanlan ng mga sangkot na estudyante.
05:45Nakatakdang magpulong ang mga magulang ng mga sangkot na posible umanong managot ayon sa pulisya.
05:51Isa sa ilalim naman sa intervention at diversion ang mga menor de edad.
05:56Sinusubukan pang makuha ang panig ng paaralan at ng DepEd 11.
06:04Rido o Clan War naman ang lumikha ng tensyon sa Picoong Lanao del Sur.
06:09Ayon sa mga otoridad, nagsasagawa sila ng clearing operation sa lugar nang paputukan sila na mga armadong grupo.
06:17Tatlong sundalong kabilang sa 64th Infantry Battalion ang sugatan.
06:21Isinara muna ang kalsada para walang madamay na sibilyan.
06:25Lumalabas na humantong sa enkwentro ang dati ng hidwaan ng dalawang magkalabang pamilya
06:30na nag-ugat sa pagkakapatay sa kaanak ng isa sa mga angkan ilang taon na ang nakalilipas.
06:38Nakausap na rao ng mga otoridad ang dalawang pamilyang sangkot.
06:41Kami po ng kapulisan at inyong Philippine Army ay gumagawa ng paraan na ito ay matapos natin.
06:47However, nasa dalawang pamilya pa rin ang final scene nito.
06:51Ngayon, ang kalabanan nila ang gobyerno.
06:54Mahaharap naman sa reklamo ang namaril sa tatlong sundalo.
06:58Both parties ay papailan namin ng kaso with the 101st Brigade.
07:03Not necessarily doon sa tatlong na tamaan na army, hindi lang yun.
07:09Pati kasi direct assault din dahil sa mga tropa na pinutukan nila.
07:14Mula sa GMA Regional TV, Sarah Hilomen Velasco, GMA News.
07:20Tuesday Mega Rollback.
07:22Sasalubong sa mga motorista bukas ang halos 17 pesos per liter na bawas presyo sa gasolina.
07:28Kumigit kumulang 4 pesos naman ang tapya sa diesel at kerosene.
07:32Batay sa monitoring ng GMA News Research, ito na ang pinakamalaking rollback sa gasolina.
07:37Pula nang sumipa ang presyo ng petrolyo dahil sa gyera ng Amerika at Iran nitong Pebrero.
07:43Sabi ng Department of Energy, nasaan daw nilang uhupa ang tensyon doon.
07:48Pero magkano ang kailangan pang imbawas para bumalik ang presyo sa level bago ang gyera?
07:54Sa computation ng GMA News Research, kung isasama ang magiging rollback bukas,
07:58kailangan ng rollback na halos 19 pesos sa gasolina,
08:02lagpas 28 pesos sa diesel at halos 34 pesos sa kerosene.
08:10Kasabay na ang bumilis na pagmahal ng mga bilihin at serbisyo sa bansa,
08:15ang bumagal na paglagunang ating ekonomiya noong isang buwan.
08:18Pero ang tiniyak ng gobyerno, lumaki raw ang kita ng mga Pilipino
08:22at hindi raw magtataas presyo ang mga pangunahing bilihin ngayon kapaskuhan.
08:27May report si Ivan Mayrina.
08:31Sa monitoring ng Department of Agriculture o DA,
08:34nagmahal na ng 20% ang mga lowland vegetables o yung mga hindi galing sa kordilyera.
08:40Nagmahal din ang carot sa tripolyo.
08:42Pero normal lang daw yan, ayon sa DA.
08:44Seasonal po, usually historically po talaga,
08:49medyo ang ating mga presyo talaga ng gulay,
08:52medyo may mga ganyan po talagang alahon na medyo may pagtaas, may pagbaba.
08:58May mga talagang minomonitor po talaga tayo dahil mga ingredients usual yan ng Noche Buena.
09:03So nakakamonitor po tayo ng medyo pagtaas dyan.
09:07Ngunit sinasabi po namin na ito ay normal po ito.
09:11Dito, Oktobre pa lang, bumilis na sa 7.8% ang pagmahal ng mga bilihin at serbisyo.
09:16Sa pinakahuring datos ang Philippine Statistics Authority o PSA.
09:20Ang pangunahing dahilan, ayon sa Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev,
09:25ang mga pangyayari sa labas ng bansa.
09:27At hindi lang Pilipinas ang apektado.
09:29Ang pinakamataas po na contributor to this inflation is really yung transport cost.
09:36Tapos itong Oktobre kasi pumalo na rin po yung mga fair hike natin.
09:41This is also related to yung sa fuel prices dyan.
09:45Tapos rin sa electricity.
09:46Kasabay ng paglobo ng inflation, ang pagbagal sa Gross Domestic Product o GDP sa 2.1%.
09:55Yan po ang kabuan ng halaga ng mga produkto at serbisyo sa bansa noong third quarter ng 2026.
10:02At mas mabagal yan sa 2.4% na naitala noong second quarter.
10:06Pero bumagal man, positive pa rin naman daw yan, ayon sa Dep-Dev.
10:12Ang halaga ng piso noong 2018, katumbasa lang ng 75 centavos ngayon ayon sa Dep-Dev.
10:18Pero bumilis din naman umano ang kita ng mga Pilipino.
10:21Mas mabilis yung pag-taas ng income, kesa iso yung pag-bilis ng pag-angat ng mga presyohan.
10:30Umaasa ang Dep-Dev na magpapatuloy ang trend na pababa ang presyo ng produktong petrolyo sa world market
10:35at masundan ang mga rollback bukas.
10:38Inaasahan ding mabubuhayan na ekonomiya ngayong magpapasko
10:40sa pagdating ng mga padala ng mga OFW
10:43at mas mataas sa consumer spending o paggaso sa mga Pilipino dahil sa Pasko.
10:48Sa panahong yan, pag-tiyak ng Trade and Industry Department,
10:52walang magiging pag-taas sa basic necessities and prime commodities
10:55na nasa kanilang listahan na makikita sa supermarket at DTI website.
10:59Kabilang dyan ang mga dilata, mantika, kapi at sabon.
11:02Tiyak din daw na walang problema sa supply.
11:05Pero ay mag-usapan ng mga not so buena items.
11:07Kung dati sinabing pwede mapagkasya ang 500 pesos,
11:11mas maingat silang magbigin ang budget ngayong taon.
11:14Ivan Merina, GMA News.
11:22Umpisa na ng presentasyon ng Depensa ngayong Day 14 ng Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.
11:28Una nilang testigo ang City Assessor ng Davao City.
11:32Inusisa si Davao City Assessor Engineer Jaime Adalin,
11:36kaugnay sa 379 square meter property sa Matina Crossing sa Davao City.
11:42Ayon sa prosekusyon, hindi ito umano na i-deklara sa Statement of Assets, Liabilities and Debt Worth o salen ng
11:50vice.
11:50Pero sabi ni Adalin, apareho ng halaga ng Matina Property ang halaga ng isang property na i-deklara ng vice
11:58sa kanyang 2024 salen batay sa hawak niyang tax declaration.
12:02Tanong naman ni Presiding Officer Cheese Escudero kung 6 million pesos ang purchasing price sa deed of sale ng Matina
12:09Property,
12:10bakit 10 million pesos ang nakalagay sa value ng property na nakadeklara sa salen?
12:16Inungkat din ang umano'y biyahe ni Adalin sa China noong isang taon na sponsored ng Chinese Embassy.
12:22Sagot ni Adalin, inelevant at di niya ito maalala.
12:27Binilaan siya ni Sen. Irwin Tulfo na pwede siyang ma-cite in contempt dahil sa anya'y kengkoy na testimonya.
12:34Sabi naman ng depensa, hindi nilalam ang tungkol sa biyahe ni Adalin sa China.
12:41Aristado ang isa sa mga sospek sa pag-hold up sa isang barangay kagawad sa Maynila.
12:50Nakilala ng isang saksi sa CCTV footage ng krimen ang sospek.
12:55October 31, nang sapiletang tangayin ang sospek ang pitaka, relo at kwintas ng kagawad kasama ang iba pang sakay ng
13:03motorsiklo.
13:04Na-recover ang wallet pero bigo nang makuha ang relo at kwintas.
13:08Tumangging magbigay ng pahayag ang sospek na nahaharap sa reklamong robbery.
13:12Tukoy na rin ng iba pang sangkot.
13:14Ayon sa embesikasyon, posibleng ang grupo rin ang nasa likod ng pang-hold up sa isang kuryano sa Paranaque.
13:35Isang adventure sa mundo ng mga halimaw at ang gagabay sa inyo.
13:41Ising na, munting mambabarang.
13:44Boses ni comedy genius Michael V bilang si Mimio, ang pusang sidekick ng magtatanggol sa barangay Masikap.
13:51Alam palampang bata.
13:53Sorry naman, hinagalingan ko naman Mimio.
13:56Para yan sa upcoming animated film na Ella Arcangel, awit ng Pangil at Kuko.
14:04Hindi ka pa natuto. Asan yung balisong?
14:07Pangarap nga maging animator noon. So to be part of anything na ganito ka kalaki and ganito ka importante for
14:16me, at talagang oo-ohan ko.
14:18Kasama ni Bitoy, si Bianca Umali na bibigyang bolses ni Ella Arcangel.
14:22Itong opening film ng Q Cinema International Film Festival at lalaban din sa main competition category na Asian Next Wave
14:31section.
14:31Wala November 13 hanggang November 22 ang Q Cinema.
14:37Hype sa performance ang kapuso at sparkle stars sa isang indoor hybrid race over the weekend.
14:44Led by the master cutter star Ding Dong Dantes with the support of wife Marian Rivera.
14:50Tandem naman sina Max Collins at Gazzini Ganados.
14:54Kitang-kita naman ang pambansang ginoo David Licauco na nahasa siya sa International Indoor Competitions.
15:01Siya ang champion sa men's solo division aged 30 to 39 by finishing the race in less than 30 minutes.
15:10Katrina Son, Jimmy News.
15:15Kung destinasyon para sa chill na bakasyon ng usapan, may ibubugar yan ang Dinagat Islands sa Mindanao.
15:21G tayo dyan kasama si Marie Sumali.
15:27Para sa mga gusto mag-unwind, ito ang sign mo para mag-island escape, Dinagat Islands.
15:33Sa dami ng nagagandahang beaches, lagoons at crystal clear water, parang gusto mo na lang mag-out of office.
15:41Pwede mag-swimming, mag-lub-lub sa malinaw na tubig o mag-relax lang habang inanamnam ang preskong hangi.
15:48Kung adventure ang hanap, pwede rin mag-island hopping at mag-explore ng mga likas na yaman ng kapuluan.
15:54Pero kung pagod ka sa buhay, wala namang masama kung dito ka magpapaka-beach bump.
15:59Sa Dinagat Islands, hindi mo kailangan magmadali.
16:02Bahasyon nga, di ba?
16:04Kaya dapat, chill and stay still.
16:07Mariz Omali, GMA News.
16:18D, ang bato.
16:20Inoperahan sa appendix si Miss Universe Philippines 2023, Michelle Dean.
16:25Isinugod sa hospital si Michelle matapos na makitang kanyang tiyan.
16:29Sa CT scan, nakitang may stones o mga bato sa kanyang appendix.
16:33Kinalangan itong tanggalin para hindi mag-rupture at may impeksyon.
16:38Maayos naman ang kanyang emergency appendectomy.
16:41Stable ang kanyang kondisyon at inoobserbahan ngayon.
16:44Hindi pa malinaw kung makalilipad siya sa Thailand sa November 26
16:48para sa pagsali niya sa Miss Grand International All-Stars.
16:5646 days na lang, pasko na!
17:00At yan ang mga baritang dapat niyong malaman.
17:03Ito ang GMA News.
17:04Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
17:07Noon at ngayon, servisyong totoo.
17:09Ako po si Yato Maraulio at ito ang State of the Nation.

Recommended