00:00Isang iligal na minahan na hinihinalang pinatatakbo ng dayuhan ang bistado sa Cagayan de Oro City.
00:06Anim ang naaresto. May nasagip ding isang menod de edad.
00:10May report si James Paulo Yap ng GMA Regional TV.
00:16Malaki na ang uka sa lupa pero may mga naghuhukay pang excavator at umaandar na tromil o makinang pansala.
00:23Yan ang nadatna ng pulisya at mga taga Mines and Geosciences Bureau Region 10 nang salakayin nila ang isang minahan
00:31sa barangay Tuburan sa Cagayan de Oro City.
00:34Naabutan doon ang anim na operator ng mga excavator pero wala raw nakapagpakita ng kaukulang dokumento.
00:42Batay sa investigasyon, para sa quarrying lang ang permit ng operasyon na isaumanong dayuhan ang nagpapatakbo.
00:49They have no permit. May moratorium eh. The permit is for the gravel and sand quarrying, not for gold mining.
01:02Kinumpis ka ang aabot sa 45 milyong pisong halaga ng equipment kabilang na ang labindalawang excavator at dalawang tromil.
01:14Nasa git doon ang isang minor de edad.
01:17Sasampahan ng reklamong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 ang anim na operator ng excavator.
01:25Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang operasyon.
01:29Mula sa GMA Regional TV, James Paolo Yap, GMA News.