- 5 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- Pickup, nahulog sa ginagawang drainage
- Thunderstorm, nagpabaha sa ilang bahagi ng Metro Manila
- Guro, binugbog ng magkapatid na estudyante
- DEPED: Guidance counselors at coordinators sa public schools, mahigit 1,000 lang
- Fuel surcharge sa mga flight, tataas sa Aug. 1–15
- Mw 5.1 na lindol, niyanig ang Davao region; ramdam hanggang Agusan Del Sur at Surigao Del Sur
- Corruption at selective justice, ipinunto sa kontra-SONA ng Senate minority
- System loss, binabayaran kahit 'di kinokunsumo at may patong pang 12% VAT
- Appreciation post ni Dingdong kay Shuvee
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Thunderstorm, nagpabaha sa ilang bahagi ng Metro Manila
- Guro, binugbog ng magkapatid na estudyante
- DEPED: Guidance counselors at coordinators sa public schools, mahigit 1,000 lang
- Fuel surcharge sa mga flight, tataas sa Aug. 1–15
- Mw 5.1 na lindol, niyanig ang Davao region; ramdam hanggang Agusan Del Sur at Surigao Del Sur
- Corruption at selective justice, ipinunto sa kontra-SONA ng Senate minority
- System loss, binabayaran kahit 'di kinokunsumo at may patong pang 12% VAT
- Appreciation post ni Dingdong kay Shuvee
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:02Come on in!
00:05Oh my God!
00:19Magpa-park lang ang pickup truck na ito sa Lapu-Lapu City, Cebu,
00:23nang mahulog ang harapan nito sa butas.
00:26Ginagawang drainage pala ang nasa unahan ng kotse,
00:29pero di napansin ang driver dahil may tubig baha.
00:33Walang nasaktan sa mga sakay ng pickup.
00:35Ayon sa isa sa mga trabahador,
00:38nilagyan nila ng signage na ginagawang proyekto
00:40pero sinisira umano ito ng mga bata.
00:43Nilagyan na ng harang ang drainage.
00:47Sa Dagupan City,
00:49sugata ng sampung seminaristang sakay ng isang utility van
00:52na tumama sa concrete barriers at tumagilid.
00:55Base sa embesigasyon,
00:57mag-o-overtake ang utility van sa sinusundang bus.
01:00Ayon naman sa driver ng utility van,
01:02hindi nagsignal ang bus na palikuna pala noon papasok sa terminal.
01:10Umula na naman sa ilang panig ng Metro Manila nitong hapon hanggang gabi.
01:15Bumahan ng hanggang gutter sa ilang bahagi ng barangay pinagbuhatan sa Pasig
01:19na nagpabagal ng trapiko.
01:22Napilitan namang lumusong ang ilang residente at motorista.
01:26Umagal din ang trapiko sa Ortigas Avenue.
01:28Sa Maynila,
01:29nabuwal ang isang puno sa bahagi ng Rojas Boulevard at Teocampo Street.
01:34May puno rin nabuwal sa CP Garcia Avenue sa Quezon City.
01:38Ramdam din ang malakas na ulan sa bahagi ng Makati City.
01:42Umulan din sa ilang bahagi ng Talabar Zone at Central Zone ngayong gabi.
01:48Ayon sa pag-asa, localized thunderstorm ang sanhi ng pag-ulan.
01:53Isang guro sa Davao de Oro ang binubog ng lalaking estudyanteng sineta dahil nakahikaw.
01:59Promeswa ka pa ang kapatid ng estudyante.
02:02May report si Marie Zumal.
02:06Kuha ito kahapon sa covered court ng Elizalde National High School sa Mako Davao de Oro.
02:12Kinumpronta ng guro ang isang lalaking estudyante hanggang nagsuntukan ng dalawa.
02:19Promesbak ang isa pang estudyante.
02:22Kapatid pala siya ng sinita ni teacher.
02:25Ayon sa kulisya, sinabi ng guro na sinita niya ang estudyante
02:28dahil may suot na hikaw na niya'y labag sa kulisya ng paaralan.
02:32Pero nagalit ang estudyante at nanuntok.
02:35Ang matutunlo, submitted himself for a medical intervention because of what transpired.
02:44Hawak na ng Municipal Social Welfare and Development Office sa magkapatid.
02:49Nag-iimbestiga ang DepEd Davao de Oro.
02:51Pinaa-aksyonan din ito ng DepEd Davao Region sa School Guidance Office.
02:56Pumunta ang GMA Regional TV sa paaralan.
02:59Hindi sila pinapasok at hindi nagpaunlak ng panayam ang prinsipo.
03:05Viral din ang video nito sa Mexico, Pampanga.
03:08Isang estudyante ng 17 anyos na may takipang mukha at binago ang boses
03:12ang nagbanta sa ilang kaklase at kabarangay niya.
03:16Napanood ng pulis siyang video at tinuntun ang barangay.
03:19Pagdating sa barangay hall, nadatnan nila ang minor de edad
03:23at ang nagvideo na 16 anyos kasama ang kanilang mga magulang.
03:27Ang napagalaman natin sa pag-imbestiga is yung mga bata parang trip-trip lang nila.
03:32Ginaya lang nila yung nakita nilang video.
03:36Nakita ko lang po yung video sa GC namin sa school.
03:40Ginaya ko lang po.
03:41Hindi ko rin po alam na ganyan yung mangyayari na sikat.
03:45Sumailalim ang dalawang estudyante sa intervention ng Women and Children Protection Desk
03:49at Municipal Social Welfare and Development Office.
03:52Sa Cagayan de Oro City, nakatakdang sampahan ng reklamong grave threats
03:57in relation to cybercrime, ang 17 anyos na nagbiro mamamaril sa iba't ibang paaralan sa lungsod.
04:03Ayon sa pulis siya, itunurn over na nila sa CSWD ang binatilong suspect
04:08matapos sumuko kasama ang mga magulang.
04:10Minomonitor ng PNP kung may kasama pa siya sa pagwabanta.
04:14May pasok na sa ilang paaralang nagsuspindi ng klase kasunod ng banta sa seguridad.
04:19Mariz Omali, GMA News.
04:22Mahalaga ang papel ng mga guidance counselor at coordinator sa pagdisiptina.
04:27At paggabay sa mga mag-aaral.
04:29Pero ayon mismo sa Department of Education, ilang paaralan ng walang guidance counselor.
04:34Ang hakbang ng DEPED para tugunan niyan, alamin sa report ni Katrina Son.
04:41Dalawa sa mga anak ni Marina Lopez ay biktima ng bullying.
04:45Kwento niya, nasuntok sa muka sa labas ng paaralan ang anak niyang grade 1.
04:51Pag labas niya ng school, nakita ko na mumula na yung dito niya.
04:54Tinanong ko, sinuntok daw siya.
04:57Kasi gusto niya makipagpalit ng sapatos.
05:00Ayaw pumayag ng anak ko.
05:01Habang ang isa pang anak, tampulan ng panunukso ng kamag-aral.
05:05Kaya nagpapasalamat daw siyang may guidance counselor sa eskwelahan ng mga anak.
05:10Sino ba ng magulang hindi kakabahan kapag binubuli ang anak ko, diba?
05:14Ang kaso, sabi mismo ng Department of Education,
05:18mahigit isan libo lang ang guidance counselors at guidance coordinators ngayon sa mga public school.
05:24Ang mga di pa napupunang posisyon, mahigit apat na libo.
05:28Kung tutuusin, as of January 2025, may mahigit liman libong lisensyadong guidance counselors sa bansa,
05:36batay sa datos ng Professional Regulation Commission.
05:38Pero ayon sa DepEd, kailangan ng mahigit apat na pong libong guidance counselor
05:43kung nilalayong magkaroon nito ang mahigit apat na putlimang libong public school sa Pilipinas.
05:50Sana meron po guidance counselor kasi kailangan nila to.
05:54Lahat ng school kailangan may guidance para lahat ng nabubuli, may masusumbukan.
06:00Proteksyon po yun sa kanila eh.
06:01Ang kaarasan ngayon, sa mga kabataan na po, hindi na po sa mga matatanda eh.
06:05Sa plantilya ng pamahalaan, may limang antas ng school counselor associates na nasa P30,000 pesos ang entry-level salary.
06:15Apat naman sa school counselors na nasa P43,000 pesos ang entry-level salary.
06:21Si Father Chris Mardaguno, guro at registered guidance counselor.
06:26Anya, hindi biro ang naturang posisyon.
06:30Kinakailangan mo ng master's degree in guidance and counseling.
06:35Pagkatapos ng iyong mahabang pagsusulit at mahirap na pag-aaral,
06:42eh medyo hindi pa ganun kakomensurate ang trabaho at ang natatanggap ng isang guidance counselor.
06:51Kaya yung iba, pumapasok sa mga industrial o pumapasok sa corporate.
06:56Pumupunta si Father Chris Mardaguno sa iba't ibang Catholic schools sa probinsya para matulungan ang mga paaralang walang guidance counselor.
07:04May mongkahe rin siya sa DepEd.
07:06Magkaroon ng partnership ng mga private schools at public schools upang maisaayos natin ang overall wellness ng mga bata.
07:16At upang ma-maximize natin ang learning using the holistic approach.
07:22Kinukunan pa namin ang reaksyon ng DepEd.
07:25Pero naunang sinabi ni Education Secretary Sunny Angara na tinutugunan nila ang kakulangan.
07:30DepEd will speed up the hiring of these guidance counselor associates para may talagang makakausap ang mga bata
07:36at makikilala talaga ano yung mga problema nila.
07:40And make sure there is a very positive environment sa mga schools.
07:44Sa Senate hearing noong July 9, sinabi ng DepEd na inaayos na nila ng budget department ang pag-hire
07:51ng nasa 10,000 school counselor associates ngayong taon.
07:56Katrinason, Gemay News.
07:58Sa muling pagmahal ng langis, saan ulit ang pagmahal ng mga flight?
08:02Sabi mismo ng Civil Aeronautics Board, akiat sa level 13,
08:06ang fuel surcharge sa August 1 to 15 mula sa level 8 ngayong July 16 to 31.
08:12Ibig sabihin, depende sa layan ng destinasyon,
08:15maglalaro sa P423 to P1,237 ang babayarang fuel surcharge sa domestic flight.
08:23Wala pang P1,000 ang pinakamahal na surcharge ngayong level 8.
08:28Sa international passengers naman,
08:30aabot sa mahigit P10,000 ang pinakamahal na binabayaran sa level 13.
08:37Ang fuel surcharge ay opsyonal na singil para sa akit babang presyuhan ng jet fuel
08:42o langis pang aeroplano.
08:44Pinapasa yan ng mga airline sa mga pasahero.
08:48Nagdulot ng takot sa ilang mag-aaral ang lindol nitong umaga sa Davao Region.
08:53Nagsilabasan ng mga estudyante ng isang paalalaan sa Davao City kaninang umaga
08:57nang maramdaman ang magnitude 5.1 na lindol.
09:01Sa Bagangga, Davao Oriental, kung saan naitala ang epicenter ng lindol,
09:05nagsuspend din ng klase ang lokal na pamahalaan.
09:09Intensity 4 o pinakamalakas na naramdaman ang lindol sa mga bayan ng Bagangga,
09:16Lupon at Katiil sa Davao Oriental.
09:19Ramdam hanggang Surigao del Sur ang pagyanig.
09:22Wala pang naiulat na pinsala sa mga infrastruktura.
09:26Sa kanyang state of the nation address kahapon,
09:28sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na isa sa mga pinatututukan niya
09:32ang pag-amienda sa National Building Code
09:35para mas maging ligtas kontra kalamidad ang mga gusay.
09:40Epekto ng korupsyon at pagpapakulong sa mga senador.
09:44Ilan ito sa mga idinaing ng Senate Minority sa kanilang kontrasona
09:48o tugon sa state of the nation address ng Pangulo.
09:51Hindi lang daw dapat presidente ng administrasyon si Pangulong Marcos,
09:55kundi presidente rin ng oposisyon.
09:57Pinasyon din ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayatano
10:00ang umanoy selective justice
10:02nang makulong ang mga anyay political prisoner
10:06na sina Sen. Gingoy Estrada at Rodante Marculeta.
10:10Resulta rin umanoy ng katiwalaan o kawalan ng hostisya
10:14ang pagtatago ni Sen. Bato de la Rosa.
10:17Nanawagan din si Cayatano ng tunay na reforma
10:20dahil anya na pag-iwanan ng Pilipinas
10:22dahil sa katiwalian na dapat umanong marisol ba
10:25gaya ng flood control skanda.
10:28Nabanggit din ang napabayan umanong sektor ng agrikultura sa bansa,
10:32kawalan ng maayos sa trabaho,
10:34kahirapan sa probinsya,
10:36na nangangailangan umanon ng tunay na rural development project
10:39at ang anya inaantalang Mindanao Railway Project.
10:45Pagdating sa bill sa kuryente,
10:47ang utos si Pangulong Marcos alisin ang singil sa system laws.
10:50Pero para sa ilang electricity distributor,
10:53normal sa kanilang operasyon ang pagkawala ng kuryente
10:56kaya kailangang pag-isipan ang pag-alis sa singil.
10:59May report to Jonathan Anda.
11:04Sa pagpapadaloy o transmisyon ng kuryente
11:06mula sa mga planta patungo sa mga bahay at establishmento,
11:10merong kuryente ang nawawala.
11:12Pwedeng dahil sa teknikal o natural na dahilan.
11:14Halimbawa, luma na ang mga kawad
11:16o kaya'y minanakaw gaya ng mga jumper.
11:20System laws ang tawag dyan.
11:22At kahit hindi mo kinunsumo, binabayaran mo.
11:25Nasa 5% yan sa bill ng Meralco
11:28at 8 to 12% sa mga rural cooperative.
11:31May patong pa yung 12% na VAT.
11:35Siria, 127 kWh ang nakunsumo noong Mayo.
11:391,800 pesos ang bill niya.
11:42Kasama sa kwenta ang 101 pesos sa system laws.
11:46Parang hindi mo naman ma-feel yung 100 pesos na matatanggal sa yung system laws.
11:54So dapat siguro, medyo lakihan pa ng konti.
11:58Dapat ang mag-absorb niya ay yung utilities.
12:01Diyan dapat nila maipakita yung kanilang efficiency o kagandahan ng kanilang operasyon.
12:08Sa ikalimang zona ng Pangulo, siya mismo ang tila may sumbat sa mga utility.
12:13Panahon na para tanggalin na natin ang systems laws na pinapasa sa consumer.
12:25Hindi naman kasalanan ng consumer kung bakit nagkaroon ng systems laws.
12:35Paliwanag ng Energy Regulatory Commission dahil sa EPIRA o Electric Power Industry Reform Act.
12:41May basbas ang mga distributor na singiling ng system laws para makabawi sila sa gastos.
12:46Nagtakda lang ang ERC ng cap sa paniningil na hanggang 6.5%.
12:52Meron talagang porsyento ng mga system losses na talagang kahit ano pa ang gawin ng mga utilities natin
12:59ay hindi talaga nila ito maiiwasan dahil talagang nangangawala yung kuryente kapag ito'y dumaloy sa alinya niya.
13:06Para maalis ang system loss charges gaya ng gusto ng Pangulo,
13:10sabi ng ERC, dapat amyendahan ang EPIRA.
13:13Therefore, we, the people, request, no, we demand for the immediate amendment of the EPIRA.
13:22Dinidinig na yan sa Senado.
13:24Naka-first hearing na tayo, so second, third, and then ibababalan po natin for sponsorship.
13:29Ang Meralco, sinabing handa silang makipagdiskusyon para makonsidera ang epekto ng EPIRA amendment
13:35sa operasyon ng mga gaya nilang power distributor.
13:38Gate nila. Ang systems loss ay karaniwan sa operasyon ng pagdeliver ng kuryente.
13:43Namumuhunan daw sila para makontrol ang system loss.
13:46Kaya ang sinyo nila ay mas mababa sa 6.5% cap ng ERC.
13:51Ang Philippine Rural Electric Cooperative Association may 121 member cooperatives sa buong bansa.
13:58Kakayanin daw nila kung alisin ang system loss charges.
14:01Basta may subsidy ng gobyerno.
14:04Bilang mga electric cooperatives non-stock, non-profit, wala kong provision o wala kong pondo na nakalaan
14:10para saluhin ang mga gastusin na ito.
14:14Pero ayon sa Power for People Coalition na dati pang pinatatanggal ang system loss,
14:18mas makakameno sa mga customer kung tatapyasan ang generation charge
14:23o singil sa nilikhang kuryente ng mga planta.
14:25Karaniwang pinatatakbo ng coal o uling at liquefied natural gas o LNG ang ating mga planta.
14:32Mga imported na panggatong na nagmahal pa dahil sa gyera sa Middle East.
14:37Sa panahon ng Ukraine war, tumaas ang presyo ng kuryente.
14:40Hanggang ngayon, tumama yung Iran war.
14:43Pataas ng pataas yung kuryente natin.
14:45Kailangan mong palitan yung source na yun.
14:47Mungkahi nila, mas gumamit ng renewable energy.
14:50Nakapagdagdag tayo ng mahigit anim na pong plantang pinapatakbo naman ng geothermal, solar, hydro at wind at saka ng biomass.
15:00Jonathan Andal, GMA News.
15:09Kung ayaw mo na sa bata, sabihin mo, hindi yung pinaparangdam mong wala siyang kwenta sa'yo.
15:15Maging fair ka naman atoy.
15:16Ding Dong Dantes, may appreciation post kay Shuvie Etrata.
15:21Una raw silang nagkasama sa Amazing Earth, pero mas nakilala raw niya si Shuvie sa The Master Cutter.
15:27Labis ang paghanga niya kay Shuvie.
15:29Patunay ang mahusay niyang pagganap bilang si Tonette.
15:33Payo ni Dong sa Rising Star, never lose that spark because it's her superpower.
15:38Grateful naman si Shuvie sa appreciation post ng Kapuso Primetime King.
15:45Rob Ginto, may heartfelt birthday message sa boyfriend na si Yasser Marta.
15:50Sa Tanay Rizal, nag-celebrate ang couple.
15:56Hello po.
15:57Ako po si B.
15:58Get to know more of Bianca Umali sa first ever podcast.
16:03Ihahatid ng Kapuso Prime Gem ang walang scripts, raw and full of substance discussions sa kanyang intimate and deeply personal
16:11space.
16:12Tara, kuntuhan tayo.
16:15Athena Imperial, GMA News.
16:20At yun ang mga balitang dapat niyong malaman.
16:22Ito ang GMA News.
16:23Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
16:26Noon at ngayon, servisyong totoo.
16:28Ako po si Atom Raulio at ito ang State of the Nation.
16:33Ako po si Atom Raulio at ito ang mga balitang dapat niyong malaman.
16:36Ako po si Atom Raulio at ito ang mga balitang dapat niyong malaman.
16:38Ako po si Atom Raulio at ito ang mga balitang dapat niyong malaman.
16:38Ako po si Atom Raulio at ito ang mga balitang dapat niyong malaman.
16:38Ako po si Atom Raulio at ito ang mga balitang dapat niyong malaman.
Comments