00:00Ipinade-deklara ng Senado kay Pangulong Bongbong Marcos ng State of Calamity sa buong bansa dahil sa Super El Niño.
00:07Sa gitna ito ng iniulat na biliyong-biliyong pisong pinsala sa agrikultura dahil sa tagtuyon.
00:12Sa Bohol, sinisikap yung agapan ng isinasagawang cloud seeding para umulan.
00:17May report si Ian Cruz.
00:22Nakaranas ng light to moderate rains ang ilang bahagi ng Bohol nitong Sabado.
00:26Dahil yan sa cloud seeding ng mga otoridad, na ikalawang beses nang isinagawa sa probinsya.
00:32Prioridad ng cloud seeding ng Bohol ang mga agricultural areas para maisalba ang mga pananim.
00:39Layo nitong ibsan ang matinding init sa gitna ng Super El Niño.
00:43Nagbabanta kasi ang drought o matinding tagtuyot sa probinsya bago matapos ang taon.
00:48Tuloy-tuloy ang monitoring ng mga otoridad sa hakbang at rainfall assessment.
00:55Isinusulong din ang cloud seeding sa Negros Occidental.
00:58Apektado na kasi ng Super El Niño ang mahigit 1,000 hectares ng mga pananim sa probinsya.
01:04Partikular ang mga plantasyon ng tubo o sugarcane.
01:08Pati palay, uhaw sa tubig.
01:10Nagkukulang daw kasi ang tubig sa mga irigasyon.
01:13Ang Disasterist Reduction Management Office ng probinsya pinaghahandaan na ang mas lalalapang sitwasyon sa Disyembre hanggang Marso.
01:21Pero problema o mano ang pagkukunan ng pondo sa cloud seeding na abot sa 30 milyon pesos.
01:28Ang mga katulad na sitwasyon ngayong Super El Niño ang nais ng mga senador na maagapan sa lalong madaling panahon.
01:35Ang lahat ng dalawampung senador na pumapasok ngayon, nagkakaisang hinihimok si Pangulong Bongbong Marcos na magdeklara ng state of calamity
01:44para sa Super El Niño.
01:46Sa ngayon kasi, nasa 109 na mga lugar sa bansa ang may kanikan niya ng deklarasyon ng kalamidad.
01:52Pero kung buong bansa ang nasa state of calamity, mas mapapabilis daw ang mobilisasyon ng pondong tutugon sa pagkalugi sa
02:01agrikultura na nasa halos 7 milyong piso na as of September 2026.
02:07Higit umanong kailangan ang mga pondong ngayon kung kailan inaasahang mas tinindi ang panganib ng El Niño.
02:13Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, Chairman ng Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.
02:19Panahon ang pagtatanim ngayon, kaya higit na kailangan ang pondo sa patubig.
02:24Kailangan din umanong magkaroon ng price ceilings para masugpong overpricing at pananamantala sa merkado.
02:32Nang aming subukang kunan ang reaksyon ng Malacanang, sinabi ni Palas Press Officer Claire Castro na buka sila sa sagot
02:39tungkol dito.
02:40Ian Cruz, GMA News.