Skip to playerSkip to main content
- Lasing na pulis na nanutok ng baril sa van, arestado


- Lalaking nagbebenta umano ng murang alak na peke pala, arestado


- Cabinet Swap: Dizon balik-DOTr; Lopez kapalit niya sa DPWH


- Solane LPG rollback (Oct. 27): P4.55/kg or P50/tank


- Japanese dive instructor, nasawi sa dagat sa Lapu-Lapu City


- Mandatory display ng seal badge ng online sellers, content creators sinuspende muna ng BIR


- Digital forensic warrant para sa 4 na kahon ng gadgets ni Thomas Markle, pinoproseso ng PNP


- SF.260 fleet ng PAF, grounded muna habang iniimbestigahan ang Batangas plane collision


- Ilang bus na may mga paglabag, sinita sa inspeksyon ng LTO; 1 driver, nagpositibo sa droga


- Entertainment Spotlight (Oct. 26, 2026) | SONA


- Michelle Dee, lalaban sa Miss Grand International All Stars


- Apo Whang-od at bagong henerasyon, binubuhay ang pagbabatok sa Buscalan


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Come on in!
00:05Oh my God!
00:18Bit-beat ng baril, inikot-ikutan ng lalaking niya ng isang nagpapag-gasulinang van na may sakay pa naman ding
00:25bata.
00:25Ilang beses pa niyang itinaas ang baril na tila akmang magpapaputok.
00:30Ang lalaki, pagewang-gewang habang naglalakad.
00:33Ayon sa mga pasero ng van, tinutukan din daw nito ng baril ng isa pang lalaki.
00:39Isinumbong ang lalaki at nadiskubring polis pasig pala na may rangong polis staff sergeant.
00:45Ayon sa pasig polis, lasing at hindi nakaduty noon ang polis na sinabing may pinagdaraan ang problema sa pamilya.
00:52Inaresto siya at kinumpis ka ang baril niyang in-issue ng pasig polis.
00:56Tumagi siyang magbigay ng pahaya.
00:59Hindi lang drink responsibly, kundi check your liquor.
01:03Baka kasi peke ang mabili niyong alak na dalikado sa kalusugan.
01:07Ang isang nagwebenta niya ng mura, inaresto ng NBI.
01:09Yan ang exclusive report ni John Consulta.
01:22Walang palag sa NBI ang lalaking ito sa isang parking lot sa Pasay.
01:27Nasa bat sa kanya ang walong kahon na puno ng 55 bote na ibibenta niyang branded na alak.
01:33Nasa 600,000 pesos ang presyo ng lahat ng yan.
01:36Pero lahat din, peke.
01:39Ang platform na ginamit niya ay Facebook.
01:42Gumagamit siya ng original na pictures, pati yung bote.
01:47Pero yung laman niya, fake.
01:49Naging red flag sa NBI ang bagsak presyong benta sa mga yan.
01:53Pag sobrang mura, pag duda na tayo.
01:56Kaduda-duda rin daw kung saan at paano ginawa ang alak na laman nito.
02:01Delikado yan dahil pwede magdulot ng pagkalason sa methanol.
02:05Pagkahilo, pag-usoka, patalakitan siya, malabong paningin o kaya'y kamatayan.
02:11Hindi tayo tiyak kung anong ginamit na ingredients dito.
02:16Pwedeng methanol na pwedeng ikasama ng kalusugan ng tao.
02:20Kung hindi rin maingat sa paggawa ng mga inuming may alkohol,
02:24maaaring lumabi sa normal ang nakahalong methanol sa alak.
02:28Sa mga nagdaang taon nga, may mga namatay dahil sa methanol poisoning sa iniinom na lang banog.
02:34Malaking piligro yan.
02:35Lalo't magiging panay na naman ang laklakan sa mga party ngayong bear mats.
02:41More than protecting the rights of the brand owner,
02:45ang pinoprotektahan natin dito yung public health and safety.
02:49Naharap sa reklamang paglabag sa intellectual property code ang suspect na sinusubukan pang kunan ng reaksyon.
02:55Paalala ng mga otoridad.
02:56Bumili lang sa mga authorized dealer o manufacturer.
03:00Suriin ang label at packaging.
03:02Magduda at umiwas sa produkto kung walang maayos na label,
03:05kung masyadong mura o tampered o nagalaw na.
03:09Pwede rin i-check sa verification portal ng Food and Drug Administration kung legit ang alak.
03:14John Consulta, GMA News.
03:17May balasahan sa gabinete.
03:19Balik sa Transportation Department si Secretary Vince Dizon.
03:23Pero bago yan, nag-inspeksyon pa siya ng tulay sa Daraga Albay bilang kalihim ng DPWH.
03:29Sinuri ni Dizon ang Kilikaw-Binitayan Bridge na 400 milyong piso ang halaga at 15 taon ang ginagawa.
03:37Pansamantalang mubuksan sa Bernes ang dalawang lane ng tulay para maibsan ang bigat ng trapiko sa Undas.
03:45Matapos ang ilang oras, inanunsyo ng Malacanang na Transport Secretary ulit si Dizon.
03:50Pinagpalit sila ng pwesto ni Secretary Giovanni Lopez na siya ng bagong kalihim ng DPWH.
03:56Ayon sa Malacanang, inatasan si Dizon na gumaan ang pasanin ng mga commuter, tanggalin ng fixers at pabilisin ang pagtapos
04:04sa mga kinakailangang mass transportation project.
04:07Ang direktiba naman kay Lopez ay ipagpatuloy ang reforma sa DPWH na nagsusulong ng transparency at accountability sa mga proyekto.
04:19Bago ngayong gabi, may rollback sa LPG.
04:22Inanunsyo ng Kumpanyang Soleil ng rollback sa presyo ng LPG bukas.
04:264 pesos and 55 centavos kada kilo o 50 peso sa kanilang 11 kilogram tank.
04:45Nasaway ang isang Japanese dive instructor habang sumisisid sa dagat sa Lapu-Lapu City, Cebu.
04:50May report si Luan Mayrondina ng GMA Regional TV.
04:57Bihas sa pagsisid, hindi nakaligtas sa piligro ng dagat ang 45-anyos na Japanese dive instructor sa Lapu-Lapu City,
05:05Cebu.
05:05Natagpo ang palutang-lutang sa dagat ang kanyang bangkay noong biyernes.
05:09Batay sa investigasyon, nagda-dive ang biktima kasama ang tatlong Japanese diving students
05:14nang biglang lumakas ang current papunta sa isang underwater cave sa barangay Marigondon.
05:20Nakita raw ng mga estudyante na mabilis na umahon ang kanilang diving instructor kaya inakalang bumalik na siya sa bangka.
05:27Pero nang umahon din ang mga diving student, hindi na nila nakita ang kanilang instructor.
05:33Doon na sila nagbasak lolo.
05:35At matapos ang mahigit isang oras, nakita ng isang Pilipinong diver ang bangkay ng Japanese dive instructor.
05:42Tinangka nilang i-revive ang biktima pero bigo sila.
05:45Dinala muna sa puneraryan ng Mandawis City ang bangkay ng biktima.
05:49Nakikipag-ugnayan ang polisya sa Japanese consulate sa Cebu habang hinihintay ang request para i-autopsy.
05:56Hindi patakay ngun ang katungyahan ko sa iyang kamatayan kay failure ba ito niya?
06:02O kung ano ba ito sa iyang equipment?
06:05Na ba ito ay iyang equipment?
06:08Na ba ito ay something wrong ba?
06:10Pinaghahandaan ang pag-uwi ng kanyang labi sa Tokyo, Japan.
06:14Mula sa GMA Regional TV, Luan Merondina, GMA News.
06:18Inihinto muna ang mandatory na pagdidisplay ng sealed badge ng Bureau of Internal Revenue para sa mga online seller at
06:26content creator.
06:27Itong Mayo, ipinatupad ng BIR ang naturang utos sa mga online seller at content creator, freelancers at professionals na dapat
06:35ipakita nila ang kanilang registration sealed badge.
06:38Sa kanilang mga digital platform bilang pamalit sa pagpaskil ng kanilang certificate of registration.
06:45Malmarito ang ilang online business.
06:47Bagging si Sen. Bam Aquino sinabing hindi tama na pahirapan ng online seller sa propesyong o sa prosesong anyay, wala
06:55namang pakinabang sa kanila.
06:57Dapat daw kinonsulta muna ng BIR ang publiko.
07:00Bago ang anunsyo ng BIR, hiniling ng National Privacy Commission na ipaliwanag ng BIR ang rason sa pagpapatisplay ng sealed
07:09badge dahil sa isyo ng data privacy at identity theft.
07:13Ayon sa BIR, batid nila ang pagkabahala ng mga online seller at iba pa tungkol sa data privacy, isyong teknikal
07:20at saklaw ng implementasyon nito.
07:23Kaya i-review muna nila ang polisya.
07:28Susunin ng PNP ang apat akaho ng gadgets na pag-aari ng ama ni Meghan Duchess of Sussex na si
07:35Thomas Markle.
07:36Pag na yan, sa aligasyong nagmamayari siya ng mga litratong nagpapakita ng child sexual abuse.
07:42Sabi ng PNP, pinaproseso na nila ang warrant para isalang sa Digital Forensic Investigation ang mga gamit ni Markle.
07:51Ibinigay raw ito sa polisya ng isa pang anak ni Markle na naiwan sa Pilipinas.
07:56Nadiscovery raw ang mga ito ng anak habang hinahanap ang isang cellphone sa mga gamit ng ama na naiwan sa
08:03bahay ng kaibigan sa Cordova, Cebu.
08:05Tumating daw sa bansa si Markle noong January 2025 pero umalis pa Amerika noong Mayo para magpagamot.
08:13Wala pang komento si Markle batay sa ulat ng Reuters.
08:16Ang anak niyang si Meghan, sinabing 2018 pa nila alam ang mga aligasyon laban sa ama at hindi na raw
08:23pinalalapit sa dalawang anak kay Prince Harry.
08:28Sa gitna ng pagluluksa ng Philippine Air Force sa pagkamatay ng apat na piloto nila sa plane collision sa Batangas,
08:35rounded muna o bawal lumipad ang fleet ng kanilang aircraft na nasangkot sa disgrasya.
08:40Mariport yung Chino Gaston.
08:45Kuha ito noong biyernes sa labas ng Fernando Air Base sa Lipa Batangas.
08:49Sa gitna ng training sa himpabawid ng mga aircraft ng Philippine Air Force, dalawa sa mga ito ang napadikit sa
08:55isa't isa at nagbanggaan hanggang tuluyang bumagsak.
08:59Nasawi ang apat na pilotong sakay ng dalawang Marchetti SF-260 aircraft.
09:05Habang sinisiyasat ngayon ang sanhinang disgrasya, grounded muna o bawal lumipad ang fleet ng Marchetti SF-260 planes ng Air
09:13Force.
09:14Nitong May 26, isang Marchetti SF-260 plane din ang bumagsak sa mga bundok ng Benguet na iginamatay ng dalawang
09:21piloto nito.
09:22Brand new binili ang Marchetti SF-260 aircraft mula 2010 hanggang 2011.
09:29Pinaiimbestigahan natin yung insidente dahil pangatlo na ito na nangyari.
09:33So baka systemic na yung problema.
09:36Kaumpisa pa lang kasi ito i-preservation ng mga pyesa ng aeroplano na masasalvage.
09:45Hahalughugin pa yung mga records.
09:48Titignan yung mga past performances ng mga piloto na involved.
09:54Nakaburol ang mga labi ng ilan sa mga piloto sa Villamor Air Base sa Pasay.
09:58Nagbigay pugay si Philippine Air Force Commanding General Lutera General Arthur Cordura
10:03sa apat na pilotong namatay at nakiramay sa kanilang mga naulila.
10:08Ayon sa Cagayan Provincial Information Office,
10:11ang isa sa mga nasawi ay ang tubong igig na si 1st Lutera Angelio Adrian Peñaflor.
10:17Nakatakdang iuwi sa Cagayan ang kanyang labi.
10:20Nagpaabot din ng pakikiramay ang Philippine Military Academy kung saan graduate ng ilan sa mga nasawing piloto.
10:27Chino Gaston, GMA News.
10:42Nag-inspeksyon ang Land Transportation Office o LTO sa ilang terminal,
10:466 na araw bago ang undas.
10:48Sa isang terminal sa Cubao, Quezon City, isang bus ang tinanggalan ng plaka
10:53dahil sa paggamit ng hindi otorisadong improvised na plaka.
10:56Biguring makabiyay ang isa pang bus matapos makita ang kulang ang turnilyo ng isang gulong nito.
11:02Early warning device at fire extinguisher naman ang hinanap ng inspection team sa iba pang bus stations.
11:08Nagsagawa rin ng alcohol breath analyzer, pati drug test kung saan may driver na nagpositibo.
11:15May ilan ding kolorum na sasakyan na nabista sa likod ng bus station.
11:20Sa Ninoy Aquino International Airport,
11:22pinaghahandaan naman ang dagsanang nasa 1.25 million passengers mula October 27 hanggang November 4.
11:37Asia's multimedia star Alden Richards may heartfelt message sa mga natatanging individual
11:43na kinilala sa isang event kagabi.
11:45Do good without expectations of it returning to you kasi one way or another it will find its way back
11:52to you.
11:53You do bad and you know what will happen.
11:56Sabi ni Alden, hindi kailangang maging mayaman, sikat o makapangyarihan para makagawa ng kabutihan.
12:03If there's one thing I'm proud of, sabihin nyo nang mayabang ako.
12:07Pero alam ko, at the end of the day, I am a good person.
12:12No one can take that away.
12:14And I'm sure gusto ko ganun din yung maging mindset ng mga heroes natin.
12:19Na you can be proud to tell the world that you're a good person.
12:24Born to shine stars Zephanie at Michael Sager, nagpakilig sa kanilang duet.
12:30Isa si Michael sa ilang artists na nagperform sa fan meet at concert ni Zephanie.
12:36Kapuso primetime queen Marian Rivera, in-unlock ang padlock issue after so many years.
12:44Sa latest episode ng Gandang Gabi Vice, nilinaw ni Yan Yan na okay at maayos na sila
12:50ng hindi pinangalan ng aktres na ipinadlock o manon niya.
12:54Kung ang tanong mo ay nangyari ba talaga?
12:57Hindi.
12:57Hindi siya nangyari.
12:59Paano mo gagawin yun na ilalock mo na nasa loob yung lock?
13:05Ibig sabihin kaming dalawa ang naglock.
13:06So the padlock thing never happened?
13:09Never.
13:10Ito din ang mahalaga kami ng tao maayos kami.
13:14Task Force Firewall stars Kylie Padilla at Luis Ontiveros.
13:18May millions of views na ang kanika nalang sweet entries sa isang social media trend.
13:24Aubrey Carampel, GMA News.
13:27From Miss World to Miss Universe and now to Miss Grand International.
13:32Nakatakdang lumaban si Kapuso Actors Beauty Queen Michelle D.
13:36sa Miss Grand International All Stars sa Disyembre.
13:40Ang MGI All Stars ay bukas sa mga dati ng lumahok sa iba pang mga beauty pageant.
13:46Bago ang announcement, nagbahagi si Michelle sa kanyang social media ng isang reel
13:50na may caption na hashtag D patapos at hashtag WMMMO
13:57or walang mag-move on.
13:59Bukod sa MGI Crown, isa rin si Michelle sa makikipaglaban sa corona
14:04at cash prize sa GMA Pictures satirical comedy thriller na Red Crown.
14:11Present si Michelle sa movie premiere kasamang iba pang cast at guests.
14:17Pilipinas!
14:20Hindi pa tayo tapos!
14:23Back in 2023, I'm so grateful na kahit hindi ko nauwi yung corona po,
14:28tinanggap niyo ako na parang winner.
14:30Pero I feel like may ibubuga pa po talaga tayo.
14:33And I'm so so happy for all of the support that you've been continuously giving me
14:38and it's time to give back and show them that we are better, brighter, and stronger
14:43on the MGI All-Star stage.
14:49All tradition meets new generation sa Buscalan Village sa Kalinga
14:53kung saan nakatira ang mambabatok na si Apo Wang Od.
14:56At may mas matanda pa pala sa kanya.
14:59Ji tayo dyan kasama si Marie Zumali.
15:07Sa dulo ng 137 meter long footbridge na ito, mararating ang pamayanan ng Buscalan.
15:14Welcome to Buscalan Village!
15:17Isang nayong napalilibutan ng luntiang kabundukan sa Tinglayang Kalinga.
15:23Dinarayo ang Buscalan dahil sa kanilang patok na tradisyon ng pagbabatok.
15:27Mas sugid na isinasabuhay ng bagong henerasyon ang kanilang sinaunang sining
15:32ng pagtatatu gamit ang tinik ng suha bilang karayo, pamukpok na gawa sa kahoy at tintang mula sa uling.
15:40Masasabing mukha ng Buscalan at alagad ng pagbabatok si Apo Wang Od,
15:45ang kinikilalang pinakamatandang mambabatok sa bansa.
15:49Hindi maitatanggin siya ang sadya ng mga nais kumasya sa Buscalan
15:52para matataka ng kanyang ambag sa kultura.
15:55Pero ang kanilang pamana hindi lang daw makikita sa mga disenyo ng kanilang balak,
16:00kundi pati na rin sa mga taong nagsisilbing dalubahasa sa kasaysayan ng kanilang pamayanan.
16:05Kabilang sa kanila si Apo Pasaad, na sa edad na 119 ay kinikilalang isa sa pinakamatandang residente ng komunidad.
16:13Isang pamayanan sa puso ng kabundukan na sinisikap mapanatili ang payak na pamumuhay
16:19at sining nahitik sa kasaysayan para malaman at ikamangha ng mga turista.
16:25Mariz Umali, GMA News.
16:2860 days na lang, Pasko na!
16:32At yan ang mga balitan ang dapat niyong malaman.
16:34Ito ang GMA News.
16:36Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
16:38Noon at ngayon, serbisyong totoo.
16:40Ako po si Atom Raulio at ito ang State of the Nation.

Recommended