- 37 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
- 2 menor de edad, nalunod sa ilog
- Mahigit 50, inireklamo ang pet crematorium na dawit sa pagtatapon ng mga namatay na pet
- Nasa 100 bahay sa Cubao, Q.C., nasunog
- Love triangle posibleng motibo sa pagpatay sa working student
- Jeepney na sumabog ang gulong, tumagilid; 2 patay, 32 sugatan
- Kape, sardinas at ilan pang tinda, nagmahal ayon sa grupo ng supermarkets
- Ina, nasawi sa pagmartilyo sa ulo; 15-anyos na anak, dinakip
- 9 na sakay, hindi nakaligtas sa bumulusok na private jet
- Paandar na Halloween costumes
- Nov. 2, tradisyonal na Undas sa Angono
- Entertainment spotlight (Nov. 02, 2026)
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Mahigit 50, inireklamo ang pet crematorium na dawit sa pagtatapon ng mga namatay na pet
- Nasa 100 bahay sa Cubao, Q.C., nasunog
- Love triangle posibleng motibo sa pagpatay sa working student
- Jeepney na sumabog ang gulong, tumagilid; 2 patay, 32 sugatan
- Kape, sardinas at ilan pang tinda, nagmahal ayon sa grupo ng supermarkets
- Ina, nasawi sa pagmartilyo sa ulo; 15-anyos na anak, dinakip
- 9 na sakay, hindi nakaligtas sa bumulusok na private jet
- Paandar na Halloween costumes
- Nov. 2, tradisyonal na Undas sa Angono
- Entertainment spotlight (Nov. 02, 2026)
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:11Two minority people helped in Sagipin after crossing the island in Cagayan de Oro City.
00:17They died in the hospital.
00:20According to Saksin, two people were hearing from home.
00:29It's been a long time since it's been a long time.
00:54at Pusat, na imbis na ipakremate, ay itinapon ng mga bangkay sa San Jose del Monte, Bulacan.
01:00Bukod sa isang loteng na diskubrin noong Merkulis,
01:03dalawa pang lugar doon ang pinagtapunan din ng mga labi.
01:07Inireklamo ang pet crematorium na iniuugnay sa mga dinispat siyang alaga.
01:12Mag-iimbisigan na ang NBI. May report si Ian Cruz.
01:19Doble ang bigat ng pagliloksa ngayon ni Cecilia
01:22para sa dalawang alagang pusa na CAD at Thunder na magkasunod na pumanaw nitong Oktubre.
01:29Ipinagkatiwala niya sa pet crematorium sa Bacorcavite ang cremation ng dalawang alaga.
01:35Pero ang naturang pet crematorium, inireklamo ngayon ni Cecilia at ng iba pang fur parent.
01:42May mga alagang hayop kasing doon pinakremate
01:44pero natagpuan itinapon lang ang mga labi sa San Jose del Monte, Bulacan.
01:49Pangamba ni Cecilia, ang dalawang alagang minahal niyang parang pamilya, baka itinapon lang pala.
01:56Lalo pa siyang nagduda ng amoyin ang ibinigay na aburaw ni AD.
02:00Amoy lemon po.
02:02Siyempre po, sobrang sakit kasi.
02:05Parang kung kapamilya na po namin yan, sila po yung kasama ko.
02:14Dalawang putsyam na patay na aso at pusa ang natagpuan itinapon lang sa gilid ng kalsada sa Barangay Minuyan proper
02:21noong Merkules.
02:23Ayun na.
02:24Ayun na po.
02:25Noong November 13, 2025, natagpuan na sa isang abandonad ng septic tank sa Barangay Minuyan 4
02:31ang nasa walong sakong may tiglimang patay na aso.
02:35Meron din, dito lang May 19.
02:38Hinala ng para vet worker ng City Veterinary Office, magkakaugnay sila.
02:43Binigyan sila ng proper na bibing.
02:45Kaya lang dun sa kalsada na lang din para mabilis.
02:48Kasi yun po pinakabakante na ito.
02:50Ang buong akala namin galing sa residente namin dito.
02:54Kaya nag-ikot kami.
02:55Hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon ng pulisya,
02:58kaugnay sa natagpo ang mga labi na mga alaga sa septic tank.
03:02Ang ilang alaga namang natagpuan itong Merkulis na kilala ng kanilang fur parents.
03:10Galit na galit nilang kinumpronta ang may-ari ng krematorium.
03:14Isa sa tanong nila kung hindi na kremate ang alaga at itinapon lang saan galing ang ibinigay sa kanilang abo.
03:36I-imbestigahan ng NBI ang insidente.
03:40Nauna nang pinasara ng lokal na pamahalaan ang pet krematorium,
03:45magitlimampu na ang naghabla at inaasahang madaragdagan pa ito.
03:50Hindi na nakikipagtulungan sa imbestigasyon ang may-ari.
03:55Nagpasabi na lamang daw na hihintay na lamang niya ang kasong isasampa laban sa kanya.
04:02Possibly, ano, we are eyeing at least 5 to 7.
04:09Sino-sino po yung 5 to 7?
04:11Ayoko po yung pangalanan pa. I'm sorry.
04:13Ano parang sindikato ito?
04:15Hindi, ah...
04:18Yun kasi yung mga impyado na nakaharap na mga pano.
04:24Desidido rin si Marvick na magdemanda para makamit ang ustisya para sa fur baby niyang si Honey na nagbago raw
04:31ng kanyang buhay.
04:32Nakakagalit, malalaman namin, itinapon lang pala.
04:36Ian Cruz, GMA News.
04:38Sa unang araw ng Nobyembre, nasa limang daang bahay sa Zamboanga City ang nasunog.
04:43Tupok din ang nasa isang daang bahay sa Cubao, Quezon City ngayong gabi.
04:47May report si Katrina Son.
04:53Tanaw sa Himpapawid ang lawak ng sunog na ito pandang alas 5 ng hapon sa Barangay E. Rodriguez sa Cubao,
05:00Quezon City, residential area sa panulukan ng New York at Stanford Streets.
05:05Mag-aalas 5.30 ng hapon, itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog sa gitna ng naglalagablab na apoy.
05:12Nag-kumahog ang mga residente sa pagliligtas sa kanilang sarili at pagsalba sa mga ari-arian, kapilang ang mismong executive
05:20officer o XO ng barangay.
05:23Sa sobrang bilis po talaga ng pagkalat ng apoy, mabilis kumalat so wala talaga kaming naisalba.
05:29Wala po akong nailabas, yung PWD ko lang po na anak na bedray din, yun lang po ang inilabas ko
05:34at saka alaga akong pusa.
05:35Masakit, nakakadurog ng puso pero wala po kaming magagawa.
05:39Bandang alas 9.30 ng gabi, naapula ang sunog. Humigit-kumulang, isandaang bahay ang apektado.
05:47Nahirapan ang nasa 60 rumespondeng firetruck dahil dikit-dikit at gawa sa light materials ang mga bahay.
05:53Dagdag pa ang unstable umanong supply ng tubig sa lugar, kaya pati mga residente, kanya-kanyang igip.
06:00Medyo putol-putol yung supply ng tubig. Although may hydrant tayo dito sa New York Street, pero kailangan pang lumabas
06:10ng ating mga firetruck para maghanap pa ng mas malakas na source ng tubig.
06:14Pero dahil sa mga firewalk at maagap na pagdating ng mga bombero, hindi na tumawin sa kabilang bloke at iba
06:20pang gusali ang apoy.
06:22Iniimbestigahan pa ang sanhinang sunog at halaga ng pinsala. Inaayos na ang evacuation center para sa mga nasunugan.
06:29Sa Zamboanga City, nasa limandaang bahay ang natupok. Ayon sa isang residente, kandila sa altar na sinindihan para sa undas
06:38ang mitya ng sunog.
06:39Pero ayon sa BFP, iniimbestigahan pa ang tunay na pinagmula ng apoy, gayon din ang halaga ng tanyos.
06:46Tumutuloy sa evacuation center sa mga nasunugan.
06:50Katrina Son, Jimmy News.
06:52Love Triangle ang nasisilip ng motibo sa pagpatay sa isang working student na musikero sa Batangas.
06:58Anim ang sinampahan ng reklamo kabilang ang nagpatumba umano sa kanya, na ayon sa polisya ay prominenteng tao.
07:04May report si Mark Salazar.
07:09Siya si Charles Uzi, 22 anos, isang busker o musikero at working student sa Batangas.
07:17Pero sa murang edad, namatay siya sa isang krimen.
07:25Dinig sa videong ito ang sunod-sunod na putok ng barel na tumapos sa buhay ni Charles noong October 25
07:32sa San Jose, Batangas.
07:34Batay sa imbistigasyon, inabangan ang sala rin si Charles, nakatatapos lang noong tumugtog sa isang gig.
07:40Dead on arrival si Charles sa ospital.
07:43Dalawang basyo ng caliber .45 pistol at isang slug ang narecover sa crime scene.
07:48Hustisya ang hiling ng mga netizen na tagahanga ni Charles.
07:53Sa pag-usad ng imbistigasyon, anim na personalidad ang lumabas na sangkot.
07:57Ayon sa polisya, prominenteng tao ang utak nito.
08:01Hindi muna siya pinangalanan.
08:04Lumalabas batay sa salaysay ng mga testigong nakausap ng polisya na may anggulong love triangle ang pagpatay.
08:11Tukoy na rin ang gunman, kariding in tandem niya at kasabwat na lookout.
08:15Silang apat, kabilang ang mastermind pati dalawang jandos, sinampahan ng polisya ng reklamong murder sa piskalya.
08:24Pare-pareho silang tinutugis.
08:26Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya ni Charles.
08:29Mark Salazar, GMA News.
08:36Isang jeepney ang nadisgrasya sa tinambak ka Marinis Sur.
08:39Natumba ito at humandusay sa kalsada ang mga sakay.
08:43Dalawang pasahero ang nasawit.
08:45Nasa 32 ang sugatan, kabilang ang konduktor ng jeep na tumalsik sa bangin.
08:50Ayon sa mga otoridad, sumabog ang gulong ng jeep pagdating sa kurbada hanggang nawala na umanoon ng kontrol ang driver.
08:58Hawak ng polisya ang driver na pusibing maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury, and damage to
09:06property.
09:08Magkasalungat ang galaw ng presyuhan ng petrolyo bukas, unang Martes ng Nobyembre.
09:13Ayon sa Department of Energy, tataas ng 3 pesos and 50 centavos ang kada litro ng gasolina.
09:18May bawas namang 1 peso sa diesel at 1 peso and 90 centavos sa kerosene.
09:23Pagdating naman sa mga pangunayang bilhin sa supermarkets,
09:27sinabi ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association na nagmahal na ang maraming produkto,
09:32kabilang ang mga dilatang sa dinas at kape.
09:35Idinahilan ng grupo ang paghina ng iba't ibang aspeto ng ekonomiya gaya ng palitan ng piso,
09:41consumer demand, at kumpiyansa ng mga negosyante.
09:45Problemado rin ang mga supermarket kung paano sila makapagtataas ang presyo
09:49para mahabol ang taasahod ng mga manggagawa ng hindi bibigat ang bulsa ng mga mamimili.
09:55Para makatipid sa nalalapit na kapaskuhan,
09:58pinayuhan nila ang publiko na mamili ng maaga at samantalahi ng mga sale.
10:03Wala pang tunggo ng Department of Trade and Industry ng hinga ng pahayag tungkol sa taas presyo.
10:10Ama sa Iloilo, sinunog umano ang sariling bahay.
10:13Ina naman sa Bohol, pinaslang umano ng sariling anak.
10:17May spot report si Jonathan Andal.
10:22Kalunos-lunos ang sinapit ng ginang na ito sa Panglau, Bohol.
10:26Nakita ang kanyang bangkay sa abandonadong septic tank
10:29nang may makapansin ng masangsang na amoy mula roon.
10:33Nang magsiyasat ang polisya, doon lumitaw kung sino ang sospek
10:36ang kanyang sariling anak na edad labing lima lang.
10:40Batay sa investigasyon, umamin ang binatilyong anak na minartilyo niya ang ulo ng nanay.
10:45Nang hindi na siya gumagalaw ay hinila ng anak
10:48at itinapon sa puso negro.
10:50Sinabi umano ng CICL na nag-away silang mag-ina.
10:54Pinagagalitan daw kasi siya dahil laging nagkakat ng klase.
10:57Na-recover ng polisya ang martilyong ginamit sa pagpatay.
11:00Hawak na ng Municipal Social Welfare and Development o MSWD
11:04ang binatilyo para sa kokulang intervention.
11:09Sa Lambunaw, Iloilo, inaresto ang padre de pamilyang
11:13nagsunog umano sa sariling bahay.
11:16Ayon sa polisya, mismong anak ang nakakita sa ama
11:19na sinilaban ang bahay gamit ang lighter.
11:21Ang sospek umaming laseng nang isigawa ang krimen
11:25matapos ang away nila ng asawa.
11:27Walang nasaktan sa sulog.
11:29Hindi na naghabla ang mga kaanak ng sospek.
11:31Jonathan Andal, GMA News.
11:38Walang nakaligtas sa siyam na sakay ng isang private jet
11:41na nag-crash sa Palm Beach County sa Florida, USA.
11:45Kita sa kuha ng dashcam na bumulusok sa lupa ang jet na parang missile
11:50sa paglalarawan ni Florida Governor Ron DeSantis.
11:54Bukod sa bolang apoy, lumika ito ng malak crater na pinsala sa highway
11:58kung saan ito bumagsak.
12:00Biyaheng Bahamas ang naturang business jet galing Austin, Texas
12:03ayon sa Federal Aviation Administration.
12:07Hindi pa binabanggit ang pagkaakinanla ng mga sakay.
12:10Malabas batay sa audio recording sa flight
12:13na dumanas ng problema sa yellow at turbulence ang aeroplano
12:16hanggang nag-radyo ng May Day ang babae sa cockpit
12:19at malapit na raw silang bumagsak sa lupa.
12:28Sa araw ng mga patay, ang netizens mamatay-matay sa katatawa
12:33dahil sa mga kakaibang Halloween costumes.
12:36May ataol sa mall, may ghost bus rider
12:39at may nag-shape shift sa suot na makeshift.
12:43Pusuwan na yan sa report ni Darling Kai.
12:49Ang mga ostrich na ito mula ni Gaspi Albay, may flock twist.
12:54Limang gym buddies pala sila na in twisted mode.
12:57Kaya dahil sa kakaibang costume,
13:00they put the win in Halloween.
13:03Best in rant na, best in costume pa.
13:08Peg naman ang isang ito, maging nakakatakot.
13:11Pero siya yata ang takot sa sariling multo.
13:14Nag-boost kasi pa-uwi, hayan at nagkukubli.
13:18Bahala na raw ang dignidad para sa premyo sa kanilang Halloween party.
13:23Heto naman sa isang mall sa Bohol,
13:25nagdulot ng kilabot itong kabaong.
13:29May bangkay pang nakahimlay,
13:31pero pag-akyat ng eskalator, nabuhay ang patay.
13:34Siya na ang natakot.
13:36Extreme ride yarn.
13:38At nang umakyat sa langit,
13:40e sa second floor ang patay,
13:42napa-thank you dahil nananatili siyang buhay.
13:49A4, A4 ang mga costume,
13:52pero walang-wala sila sa kalingkingan ng Queen of Halloween.
13:56High five!
13:58Sa nag-iisang Heidi Klum at sa higanteng kamay na ginawa niyang costume.
14:03Left-hand model ito ng sarili niyang kamay.
14:06Creepy, campy, at very Heidi.
14:11Darlene Kai, GMA News.
14:13Gaya ng nakagawian ngayong November 2 o araw ng mga kaluluwa,
14:17ginunitan ng mga taga-angono Rizal ang undas.
14:20Dibu-libu ang dumalaw sa tatlong magkakaibang sementeryo sa angono.
14:24Naging perwisyon naman sa mga dumalaw ang mga tindahang ipinwesto ng munisipyo malapit sa mga nicho.
14:30Humihingi ng tawad si Angono Mayor Gerardo Calderon at tiniyak na aayusin ito sa susunod na undas.
14:39Sa Sagada Mountain Province, kabi-kabilang mga bonfire o siga ang paraan ng pag-alala sa mga yumao.
14:47Ito ang sagradong pinag-apoy o panag-apoy o tradisyon ng pagsisindin ng apoy.
14:53Ayon sa Sagada Tourism Office, sinisimbolo ng apoy ang pag-alala, paggalang at patuloy na ugnayan ng mga buhay at
15:01yumao.
15:05Sa Numancia Aklan, tila nakikipista ang mausoleo ng pamilya Alejado.
15:11Tata dito ng makukulay na dekorasyong bulaklak.
15:15Paraan daw nila ito ng pag-alala sa mga minamahal nilang yumao.
15:29Kelvin Miranda, ginunita ngayong undas ang kanyang ama.
15:34Inalala niya ang masasaya nilang bonding, pero ang pagluluksa, idinadaan ni Kelvin sa pinaghuhusayang trabaho.
15:40First undas na hindi ko kasama yung tatay ko. Yung Christmas, syempre, first Christmas, first birthday, maraming first.
15:51Kailangan ko mag-adapt and kailangan kong matutunan kung paano ko magiging matapang harapin lahat yun.
16:01Inalala naman ni Ara Davao ang mga yumao niyang mahal sa buhay.
16:05Kabilang ang amang si Ricky Davao at lolang si Pilita Corrales na parehong yumao noong nakaraang taon.
16:12Maging ang pinakamamahal niyang alagang aso na si Rogue.
16:16Magluluksa raw siya ng walang hanggan katulad ng kanyang pagmamahal sa kanila.
16:24Pwede din palang ganda ang buhay, carry it on, carry it on, cause tonight, tonight, when to become one.
16:38Kilalang mashup queen si Ati Gay o Hil Adukal Morales sa totoong buhay.
16:43Mabuti pa kaya'ng maging bituwing walang ningning, ang mamatay na ang dahil sa'yo.
16:58O Ati Gay!
16:59Mali ang kanta na naman nila.
17:02I'm gonna swing from the shoulder.
17:07I'm gonna swing from the shoulder.
17:09Kahapon, November 1, tuluyan ng namaalam si Ati Gay sa edad na 55.
17:15Nakipaglaban ng kumedyante sa cancer na nasa stage 4 na.
17:19Sumailalim siya sa operasyon para matanggal ang kanyang parotid tumor at muling nakabalik sa pagtatanghal.
17:25Pero kamakailan, isinugod sa ospital si Ati Gay nang magkaroon ng septic shock at acute respiratory failure, secondary pneumonia.
17:34Nitong mga nakaraang linggo, naging critical siya dahil sa stroke.
17:39Noong isang buwan, nagsagawa siya ng living funeral na tinawag pa niyang celebration of life,
17:44kung saan inalala ng mga kaibigan at mahal sa buhay ang pagiging masiyahin at makulit ni Ati Gay.
17:50O sayang, sayang, sinta ang sinupang at pagiging pinatulang.
18:08Athena Imperial, GMA News.
18:11At yan ang mga balita ang dapat niyong malaman.
18:14Ito ang GMA News.
18:15Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
18:18Noon at ngayon, servisyong totoo.
18:19Ako po si Yato Maraulio at ito ang State of the Nation.