00:00Mga kapuso, pasintabi po, sensitibo ang mapapanood ninyo.
00:06Natagpuan po ang bangkay ng isang babae sa abandonadong septic tank sa Panglaubo Hall.
00:11Ayon sa polisya, pinukpuk po ng martilyo ang biktima ng 15 taong gulang niyang anak.
00:18Umamin daw sa krimen ang binatilyo.
00:21Apat na beses daw niyang hinampas sa ulong kanyang nanay gamit ang martilyo
00:26sa kakinaladkad para dalin sa septic tank na tinakpan pa ng bato.
00:31Sa investigasyon, bago raw ang insidente, pinagalitan ng nanay ang anak dahil sa pag-aabsent sa mga klase.
00:39Pag-usapan natin yan, naku, ask me, ask Atty. Gabby.
00:47Atty, ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:51Well, una, anak ang mismong gumawa ng krimen sa nanay.
00:55Pangalawa, 15 years old lang siya.
00:59So, legally speaking, tatlong bagay ang talagang kapansin-pansin sa kasong to.
01:05Dito, ang heinousness or gravity ng krimen.
01:09Karumal-dumal po talaga ang nangyari kaya't marami talaga ang nagre-react dito.
01:14Pangalawa, ang relasyon ng biktima sa alleged killer.
01:18At pangatlo, ang edad ng gumawa ng krimen dahil 15 years old lamang siya.
01:23Dahil ang pumatay ay anak ng biktima, ang tamang designation ng krimen ay hindi homicide or murder,
01:31na usually yan ang naririnig natin tuwing merong nangyayaring pagpatay.
01:36Pero dito, ang correct na tawag ay parricide sa ilalim ng revised penal code.
01:41Sa mga kaso po kasi ng pagpatay, kapag ang pumatay ng biktima ay ang anak, tatay, nanay o asawa,
01:49ang krimen ay tinatawag na parricide at reclusion perpetua to death ang parusa although wala tayong death penalty sa ngayon.
01:57Sasabihin ninyo ngayon, e ganun din naman ang parusa sa kaso ng murder, di po ba?
02:03Pero kailangan pa ipakita para ito ay maging murder na merong mga special circumstance para maging murder ang kaso.
02:11Sa kaso ng parricide, hindi na kailangan pang ipakita at patunayan ang ibang special circumstance
02:19dahil yung relasyon ng akusado at biktima ang importante.
02:24At ang relasyon na yan ang qualifying circumstance na mag-e-elevate sa krimen na yan
02:29para maibigay ang pinakamabagsik na penalty
02:33dahil hindi talaga dapat mangyari na ang pinakamalapit natin na kaanak ang siyang papatay pa sa atin.
02:40Pero dahil nga ang perpetrator ay isang minor de edad,
02:44ang iiral na batas sa kanyang kaso ay ang Republic Act 9344
02:49or ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006.
02:53Sa kasong ito though, siya ay more than 15 years old na kahit na hindi pa siya 16 years old.
03:00Medyo iba ang pagtrato sa kanya dahil lampas na siya sa age of exemption from criminal liability.
03:07Dahil siya ay between 15 to 18 years old, ibig sabihin 15 years and one day.
03:13So more than 15 na siya, titignan ng korte kung siya ay umakto ng with or without discernment.
03:20Ibig sabihin, alam ba niya na mali ang ginawa niya o hindi?
03:25Maaari kasing mas matanda in terms of age pero isip bata pa rin talaga.
03:30Kung makikita na ito ay umakto with discernment at dahil seryoso o karumaldumal nga ang nangyaring krimen,
03:38talagang magkakaroon ng paglilitis pero kahit na magkaroon ng paglilitis at magkaroon ng sentensya,
03:45suspendido ang sentence until he is of age.
03:49Kasi baka naman ma-rehab o maipatreat pa ang bata in the meantime,
03:53kaya hindi pa kailangan ikulong sa bilibid or kung saan-saan pa.
03:58Ilalagay siya sa isang youth facility.
04:01Pero of course, kung talagang incorrigible, talagang walang pag-asa,
04:06ayaw sumunod sa mga rehab conditions,
04:08eh talagang siya ay magsaserve ng kanyang sentensya.
04:12Maaaring suspendido ang sentence ng maximum hanggang 21 years old siya.
04:17So paano naman malalaman ng korte kung with discernment ang batang ito?
04:22Sa isang kaso na umabot sa Korte Suprema, ito ang ilang mga naging batayan ng korte
04:27para sabihin na with discernment at alam ng bata ang ginagawa niya,
04:32kaya't dapat na sumarilalim sa paglilitis.
04:35Una, kung paano ba makipag-usap ang minorde edad before, during, and after the commission of the crime.
04:43Pangalawa, yung kalupitan o degree of heinousness ng krimen.
04:48Pangatlo, ang pagtatago ng ebidensya at yung pagdidispatsya ng tinatawag nating corpus delicti o body of the crime.
04:57Ilan ito sa tinitingnan ng korte para ma-assess ang iyong bata kung ito ay dadaan sa paglilitis o hindi.
05:04Well, sana nga ay magkaroon ng hustisya para sa biktima,
05:08but at the same time, sana hindi po tayo mawala ng pag-asa na ang hustisya ay maaaring restorative in
05:16nature.
05:16So, hindi punishment agad, titingnan natin kung maibabalik natin sa tamang landas ang ating kabataan.
05:25Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
05:27Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip, ask me, ask a turnigat.
05:35Wait! Bago ka umalis dyan, mag-subscribe ka muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
05:40para sa latest happenings ng unang hirit.
05:42Ba-bye!