Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Patong-patong na pananakit ang inabot ng isang 15-anyos na binatilyo sa Sampaloc, Maynila matapos kuyugin at saksakin ng kapwa menor de edad, at mabundol pa ng motorsiklo habang tinatakas ang sarili. Ano ang maaaring kaharapin na kaso ng mga sangkot? Panoorin ang talakayan.

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories. Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Mga kapuso, kinduyog, sinaksak, nabundol.
00:05Ganyan ang patong-patong na pasakit na inabot na isang 15 anyos na binatilyo.
00:11Sa cellphone video, makikita ang biktima habang kinokompronta ng tatlong lalaki na kapwa minor de edad.
00:20Maya-maya, bigla siyang tinadyakan at ilang beses sinuntok ng lalaking nakasandong puti.
00:26Sa isa pang video, makikita ang nakapulang hoodie na may hawak na patalim na siyang sumaksak sa biktima.
00:34Hinabol pa ng mga lalaki ang biktima pero bigla na siyang nabundol ng motorsiklo.
00:41Sinagot ng motorcycle rider na nakabundol ang pagpapagamot sa biktima na nakalabas na ng ospital.
00:48Ang insidente niyan, ang ating pag-uusapan, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
01:00Atty, sa pangyayaring ito, yung nakabangga ang nagpa-ospital sa biktima na naunang nabugbog at sinaksa.
01:09Sa ganitong kaso, sino ba ang dapat managot?
01:14Well, parang napakamalas at nakakaawa naman ang motorcycle driver na nakabangga sa biktima.
01:19Assuming na hindi naman siya over-speeding o pabaya habang nagmumotor sa kalsada.
01:25Kung pagmamas na ng video, parang kasama lamang siya sa normal na agos ng trapiko,
01:32nambiglang tumambad ang binata na hinahabol at nasaksak pa ng kanyang makakaaway.
01:40Pero in fairness sa kanya, siya rin di umano ang nagdala at nagbayad ng pampa-ospital sa biktima.
01:46Kung ito ay isang tunay na aksidente at wala talagang bahid ng pagpapabaya sa kanyang parte,
01:52usually ay masasabing walang obligasyon na bayaran ng actual damages na nangyari.
01:59Sino ba usually ang may pananagutan dyan?
02:02Sa law school, merong tinuturo dyan,
02:05el que es causa de la causa es causa del mal calzado.
02:10O diba?
02:11Sa Ingles, he who is the cause of the cause is the cause of the evil cause.
02:16Sa Tagalog, kung sino ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng injury yung isang tao,
02:22siya ang dapat mahatulan na dapat managot dahil siya ang may kasalanan.
02:28Ito ang tinatawag natin na proximate cause.
02:31Sa legalese, sa ilang mga kaso na umabot sa Korte Suprema,
02:35yung proximate cause o tunay na dahilan kung bakit eventually ay nasakta na isang tao,
02:41kailangan mong tingnan ang train or sequence of events.
02:45Bakit ba nasagasan isang tao?
02:47Dahil hinahabol siya ng mga nananakit sa kanya.
02:50Natural instinct ng tao yan, yung tumakbo.
02:53Self-preservation.
02:54Sa pagtakbo naman, ay nabundol.
02:58Sasabihin ng mga nambugbog ng una,
03:00bakit kami? Bakit kami?
03:02Hindi naman kami ang nakabundol.
03:05Eh hindi naman yan tatakbo in a panic
03:07kung hindi nyo naman hinabol ng saksak.
03:10Diba?
03:11Eh yung driver nakabundol,
03:13kung hindi rin siya pabaya,
03:14parang biktima din lang siya.
03:16Ang tawag sa kanya isang intervening cause,
03:19pero hindi siya ang proximate cause.
03:21Hindi siya ang tunay na ugat ng pangyayari.
03:24That dapat panagutin.
03:26So, ang dapat managot ay yung tao o mga tao
03:29na tunay na dahilan kung bakit nagkaroon ng problema
03:33in the first place.
03:34Eh yun na nga, di alam na natin kung sino.
03:37Eh paano nga kung mga minorde-edad ang involved.
03:40Of course, covered sila ng juvenile justice law,
03:43walang criminal liability,
03:45pero sa usaping danos,
03:47maaaring panagutin ang mga magulang nila.
03:49Well, that's the short answer.
03:51Of course, maraming nga posibleng mga depensa at circumstances
03:55na kailangan pag-aralan.
03:57But, that's the short answer for our question for today.
04:02Ang mga usaping batas,
04:03bibigyan po nating linaw.
04:04Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:07huwag magdalawang isip,
04:09Ask Me, Ask Attorney Gabby.
Comments

Recommended