00:00Target, sisimula ng pamahalaang ngayon Nobyembre,
00:03ang rehabilitasyon ng C5 Road.
00:04Gaya ng ginawa sa EDSA,
00:06palalawaking din daw ang banketa para sa mga pedestrian
00:08at mga siklista.
00:10May unang balita live si EJ Gomez.
00:13EJ.
00:18Susan, good morning.
00:20Binuksan na o nadaraanan na muli ng mga motorista
00:23itong Passic Boulevard C5 Flyover
00:27kasunod ng retrofitting na ginawa ng pamahalaan.
00:30At ngayong araw, inanunsyo nga ng DOTR at DPWH
00:35na sisimulan na rin ngayong buwan ang C5 Rehabilitation.
00:42Alas 12 ng madaling araw kahapon,
00:45binuksan sa mga motorista ang southbound lane
00:48ng Passic Boulevard C5 Flyover.
00:51Kahapon ng tanghali naman,
00:53muling nadaanan ang inayos na northbound lane ng kalsada.
00:58Pinaalalahanan naman ang mga motorista
00:59ang dadaan sa Passic Boulevard C5 Flyover
01:02na mag-ingat at sumunod sa speed limit,
01:05traffic signage at lane markings
01:08habang patuloy ang finishing works sa flyover.
01:11Kanina, binisita din na DPWH Secretary Giovanni Banoy Lopez,
01:15DOTR Secretary Vince Dizon
01:17at iba pang opisyal na mga ahensya
01:19ang Passic Boulevard C5 Flyover.
01:22Dito, inanunsyo nila na sa huling linggo ng Nobyembre,
01:25sisimulan na ang C5 Rehabilitation
01:28mula Kalayaan Interchange sa Makati
01:31hanggang sa Capitol Hill Drive sa Quezon City.
01:34Nasa more or less 23 kilometers daw ang haba niya
01:37na sakop ng mga lungsod ng Taguig, Pasig at Quezon City.
01:41Target daw na matapos ang C5 Rehabilitation
01:43sa loob ng 420 days o hanggang January o February 2028.
01:49Tinatayang 2.5 billion pesos ang pondong nakalaan sa C5 Rehab.
01:57Kaya na po natin simulan yung ating C5 Rehab
02:00itong last week noong November.
02:03Ongoing na po yung post-qualification po
02:06ng bidding dito.
02:07Ang kagandaan po dito sa proyektong ito,
02:09kung ano po yung template ng EDSA Rehab,
02:12yun din po yung gagawin natin dito sa C5 Rehab.
02:16Papalawakin natin yung banketa,
02:19hindi lang po para sa mga sinasabi natin yung pedestrian,
02:22pati po sa mga siklista.
02:24Sa EDSA,
02:27ating gabi hanggang madaling araw lang tayo
02:29and then passable na kagad the next day.
02:32So ganun din sistema.
02:33Minimal yung disruption talaga.
02:35Siyempre ngayon, holiday season,
02:37kailangan namin makipag-coordinate sa MMDA
02:39para pasigurado na minimal.
02:47Susan, ito yung lagay ng trapiko ngayon.
02:51Dito yan sa flyover.
02:52Diyan sa mga parteng yan na nasa taas na,
02:55yung mga sasakyan dyan,
02:56nagkakaroon na ng kabigatan ng trapiko.
02:59Pero dito sa baba,
03:00bago umakyat ng flyover,
03:02eh dire-diretsyo pa naman yung takbo ng mga sasakyan.
03:06Sa mga puntong ito,
03:06medyo makulimli mata,
03:08parang bubuhos ang malakas na ulan.
03:11Susana, sabi ng DOTR at DPWH,
03:14gagamitin pondo para sa C5 Rehabilitation,
03:17yung natirang pondo mula doon sa EDSA Rehabilitation.
03:21Ang proposed budget dyan,
03:22noong una, ay 17 billion pesos.
03:26Pero in actual,
03:26ang nagastos lang ay 6 billion pesos.
03:29So yung natitirang 11 billion pesos,
03:32dyan kukuha ninyo yung sinasabing budget
03:34for C5 Rehab na 2.5 billion pesos.
03:38At yan, ang unang malita,
03:39mula po dito sa Pasig City.
03:42EJ Gomez, GMA News.