00:00...nakapagtala po ng pagtaas sa mga kaso ng influenza-like illness
00:04sa nakalipas na dalawang linggo ang Epidemiology Bureau ng Department of Health.
00:10At inaasahan po natataas pa ang bilang na ito habang papalapit ang holidays
00:15pero wala naman daw pong dapat ikabahala.
00:17Narito po ang aking unang balita.
00:24Alalang-alala si Mommy Rhea nang biglang makaranas ng hingal
00:28at hirap sa paghinga ang pitong buwang gulang niyang sanggol na si Baby Gia.
00:32Kaya agad niya itinakbo sa Philippine Children's Medical Center.
00:36Hiningal po siya tapos may retraction siya.
00:40Kaya ho naisipan ho namin na ipacheck up na lang siya.
00:43Yung impression po is pneumonia sa viral po.
00:47Siguro sa mga nakasalamuan ng baby ko na siguro may trangkaso, parang ganun, eh nahawa siya.
00:54May influenza-like illness na pala si Baby Gia na usong-uso sa mga panahon ito.
01:00Sabi ng Epidemiology Bureau ng Department of Health,
01:03nakapagtala na sila ng 10,269 na kaso ng influenza-like illness sa nakalipas sa dalawang linggo.
01:09Mas mataas ng 16% kumpara sa 8,853 na kasong naitala mula August 30 hanggang September 12.
01:16Yung pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness na naitatalaan natin ay actually expected natin.
01:26Dahil nakikita natin base sa historical data na kapag nagsimula na yung pag-uulan,
01:32tapos patungo na tayo sa malamit na panahon,
01:35meron talaga tayong ine-expect na pagtaas ng mga kaso.
01:39Kabilang sa mga rehiyong nakapagtala ng pagtaas ng mga kaso ay sa Central Luzon,
01:44Mimaropa, Western Visayas at Central Visayas.
01:47Maging ang lokal na pamahalaan ng Quezon City,
01:50nakapagtala rin ng mas mataas na kaso ng influenza-like illness.
01:54Umabot na sa 1,578 ang kanilang kaso mula January 1 hanggang October 15, 2026.
02:00Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division,
02:04tumaas na 13% ang mga kaso noong September 27 hanggang October 10 sa 221,
02:11mula sa 195 na kaso sa naon ng dalawang linggo.
02:14Sa Philippine Children's Medical Center, ramdam ang pagtaas na ito.
02:18For the past two weeks, we have been getting patients na may influenza-like symptoms,
02:23like fever, cough and cold.
02:25Pag hindi natin nababakunahan yung mga bata, mas prone din sila na magkaroon ng flu.
02:31And pag kunyari may isang bata ka na nagkaroon ng flu,
02:34ang bilis kasi niyan maghawa-hawa.
02:36Ang influenza-like illness ay isang syndrome o pangkat na mga sintomas
02:40gaya ng lagnat na may kasamang ubo at sipon.
02:43Inaasahan posibleng tumaas pa raw ang mga kaso sa papalapit na holidays.
02:47Pero wala naman daw dapat ikabahala.
02:49Nakikita din natin na yung pagtaas ay within the expected numbers pa rin.
02:53Wala tayong tinatawag na mga alert or epidemic threshold na nagbe-breach sa ngayon.
03:01Para makaiwas sa sakit, payo ng mga doktor, laging maghugas ng kamay.
03:06Magtakip ng bibig at ilong kapag uubo o babahing.
03:09Panatilihing maayos ang ventilation, mag-mask.
03:13At magpakonsulta na rin daw agad sa doktor kapag may maranasang sintomas.
03:17Ito ang unang balita.
03:19Mariz Omali, GMA News.
03:24Mariz Omali, GMA News.
Comments