00:00Nagtitiis pa rin ng ilang residente sa Pangasinan sa hindi pa rin humuhupang baha sa ilang barangay roon.
00:06Ang ilang pamilya nasa evacuation centers pa rin.
00:09Live mula sa Dagupan City, may unang balita si Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
00:15Sandy!
00:21Maris, dito sa Pangasinan ay nararanasan pa rin itong matataas na alon.
00:26Kaya naman, pinag-iingat ng mga otoridad ang mga banging isda na pumapalaot sa ngayon.
00:34Nakamonitor ang Emergency Operations Center ng Pangasinan PDRRMO sa magiging epekto ng nararanasang masamang panahon sa lalawigan.
00:43Hightened monitoring pa rin tayo dito sa, especially dito sa operations center.
00:47Continuous yung monitoring natin sa development ng mga ipag-ibang weather system na makaka-apekto sa province.
00:56Baha pa rin sa ilang barangay sa Linggayan at Binmalay.
00:59Marami pa rin binabahang barangay sa Dagupan City at Kalasyao.
01:02Umabot na sa limang LGU sa Pangasinan ang nagdeklara ng state of calamity.
01:07Bukod sa Dagupan City, Mangaldan, Santa Barbara at Bugalyon, nagdeklara na rin ang mga taram.
01:14Asahan daw ang peak ng habagat sa Huwebes kaya pinag-iingat ang mga residente.
01:19Napa-alalahanan po ang lahat na makinig po if ever ipatupad ng ating LCEs, ng ating BDRRMCs na magsagawa po
01:30ng pre-emptive evacuation.
01:33Patuloy na minomonitor ang Marusay River sa Kalasyao, Pangasinan.
01:36Nasa above critical level pa rin ang ilog.
01:39Limang barangay sa Kalasyao ang patuloy na nakararanas ng pagbaha.
01:43Kabilang ang Talibao, Longos, Lumbang, Lasip at Mancuk.
01:47Ilang linggo na rin na binabaha ang mag-anak ni Nanay Elizabeth sa barangay Lasip.
01:52Pagaba lang ng tubig pero pag uulan ng uulan, babalik na naman yung tubig.
01:58Humuhupa na ang baha sa labing-anim na iba pang barangay.
02:01Unti-unti na pong humuhupa yung tubig sa kanilang area and so far 2.4 feet po yung pinakamalalim nating
02:08naitala.
02:10Nananatili pa rin sa evacuation center ang ilang pamilya.
02:13Bukod sa Marusay River, patuloy rin na minomonitor ang Pantal River sa Dagupan City,
02:18Banyaga River sa Bugalyon, Balinkaging sa Mabini, Kabatuan River sa Alaminos City at Sinukalan River sa Santa Barbara.
02:30Maris, dito naman sa Dagupan City ay may panakanaka pa rin na pag-ulan at humuhupa na rin yung tubig
02:36sa ilang mga barangay.
02:37Hindi lang yan, nararanasan naman yung gutter deep level sa ilang mga kakalsadaan dahil pa rin sa high tide.
02:44Sa latest monitoring ng Public Alert Response and Monitoring Center ay nararanasan itong mahigit tatlong talampakan na peak ng high
02:51tide ngayong umaga.
02:52Patuloy ang paalala ng health authorities sa mga residente na magsuot ng proteksyon sa baha at ulan para makaiwas sa
02:59anumang sakit.
03:00Maris?
03:01Maraming salamat, Sandy Salvation ng GMA Regional TV. Ingat kayo!