00:00Mga kapuso, binisita rin po ng ilang mga pamilya ang kanilang mga yumaong alagang hayop ngayong kong Undas.
00:06At may unang balita si Athena Imperial.
00:13Hindi lang yumaong tao ang inaalala ngayong Undas.
00:16Ang mga hayop na itinuring na kaanak at tumawid na sa Rainbow Bridge,
00:21ginugunita rin ang kanilang fur family.
00:23Si Mia dumayo pa mula Cavite sa Pet Memorial Wall ng Philippine Animal Welfare Society sa Quezon City.
00:31Dito kasi ang memorial tile ng kanyang fur baby.
00:35Wala man rito ang labi ng kanyang aso, makabuluhan daw para sa kanya na may espesyal na lugar siyang babalik
00:42-balikan para sa mga alaala ng alaga.
00:45Dito din siya nanggaling sa POS.
00:47In-adopt namin siya so parang binabalik lang din namin siya sa place na nag-rescue sa kanila.
00:54May tangible na bagay na parang nakikita ka, laging mo silang maaalala, tapos pwede mong balik-balikan anytime.
01:03Nag-alay rin ng halaman at mga kandila si Alex sa memorial tile ng kanyang tatlong fur babies.
01:08Very minimum siya for the love that they bring into our lives, to just pay our respects, to serve us
01:17like a physical parang holding place for our memories.
01:23Sa Pet Memorial Garden sa Barangay Fortune Marikina naman, binisita ng ibang fur parents ang kanilang mga yumaong alaga.
01:30Gaya ni Rainier na taga Santaan na Manila pa.
01:44Ang dog lover na si Doris, pitong yumaong aso niya ang dito sa sementeryo in Libing.
01:50Hindi kasi sila pwedeng kalimutan kasi naging parte talaga sila ng buhay namin.
01:55Lalo na ako kasi 50 years na yata ako nag-aalaga ng aso.
01:59Ito ang unang balita, Athena Imperial, GMA News.
Comments