00:02Formal na nilagdaan ng Social Security System o SSS at Department of Information, Communications and Technology o DICT
00:11ang Memorandum of Understanding upang isulong ang Social Security Protection para sa mga Pilipinong Freelancer at Virtual Assistant o VA.
00:21Pinaunahan ni SSS President at CEO Victor Alfonso Limlingan at DICT's Secretary Joseph DeClaro ang ceremony.
00:30Layunin ang pagtutulungan na palakasin ang industriya ng online freelancing sa bansa at palawakin ang saklaw ng Social Security
00:37para sa tinatayang aabot sa mahigit 1.5 milyon na freelancer at VA sa buong bansa.
00:44Ayon kay DeClaro, malaking tulong ang pamahalaan para makasabay ang mga Pilipino sa modernong pagkahanap buhay.
00:51As technology opens new ways to earn a living, the government must ensure that Filipinos have the skills to compete
01:02and support and sustain their livelihood.
01:06At DICT, we are advancing this through initiatives such as SPARC, which is strengthening the Filipino workforce through adaptive and
01:17responsive digital knowledge.
01:19Pinalalakas ng kolaborasyon ang online freelancing industry sa pamamagitan ng capability building, competency development at pinalawak na saklaw ng Social
01:29Security.
01:30Kinikilala ng pagtutulungan ito ang lumalaking kontribusyon ng mga freelancer at VA sa digital economy.
01:37Layo nitong bigyan sila ng mas malawak na akses sa proteksyong panlipunan habang bumubuo sila ng maunlad at pangmatagalang karera
01:45sa online workspace.
01:47Azi Roberto, para sa bayan!