00:021,300 beneficiary sa lungsod ng Ligaw sa Albay ang nakatanggap ng P2,000 tulong pinansyal sa ilalim ng ikalawang
00:12tranche ng Unified Package for Livelihood, Industry, Food and Transportation o Uplift Program ng Department of Social Welfare and Development
00:21o DSWD Field Office 5 o Bicol Region noong ikalawa ng Oktubre.
00:27Isinagawa ang distribusyon sa Ligaw City Gymnasium para sa mahigit siyam na raang beneficiaryo.
00:33Nasa 200 naman ang nasa Paulba Covered Court at mahigit 100 naman sa Kabaryan Covered Court.
00:40Ayon sa kagawaran, umabot sa mahigit 2 milyong piso ang kabuang tulong na ipinamahagi sa mga pamilyang kabilang sa mahihirap
00:48at malapit sa poverty threshold.
00:50Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matulungan ang mga pamilyang apektado sa pagtaas ng
00:58presyo ng mga pangunahing bilihin.
01:01Ang Uplift ay isang programa na layuning protektahan ang kapakanan ng mga Pilipino upang mabawasan ang epekto ng presyo ng
01:09langis at iba pang pangangailangan.
01:12Pinananatili ng DSWD na maghatid ng tulong at suporta sa mga mamamayang higit na nangangailangan lalo na sa panahon ng
01:20hamon sa kabukayan.
01:23Azir Roberto, Para sa Bayang!