Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong October 19, 2026


-PAGASA: Typhoon Champi, posible ulit maging Super Typhoon pagpasok ng PAR bukas

-PHIVOLCS: Bulkang Taal, dalawang beses nagka-minor phreatic eruption kagabi

-Lalaking nakitang may dalang rifle, huli; armas na dala niya, natukoy na replica lang

-Oil price adjustment, epektibo bukas

-Lalaki, gumapang sa loob ng kainan para nakawin ang cellphone ng isang crew

-Lalaki, nanloob sa isang laundry shop; pera, ilang pabango, at iba pang gamit, tinangay

-"Pinoy Big Brother: Collab Edition 3.0," may pasilip sa bagong housemates; new look ng bahay ni Kuya, dapat abangan

-Lalaki, patay matapos madamay sa pamamaril ng kaaway ng kanyang kapatid

-2 katutubong magsasaka, nalunod sa rituwal na magreresolba sana sa kanilang alitan sa lupa

-DOH: Mga pagkain, mas mabilis na nasisira ngayong mainit ang panahon

-Magsasaka, patay sa pananaga; suspek na kainuman niya, sumuko

-59-anyos na Ameican national, arestado matapos ireklamo ng pang-aabuso sa ilang babae kabilang ang ilang menor de edad

-Suspek sa pagnanakaw sa bahay ng food influencer na si Chef Tatung Sarthou, arestado; itinanggi ang paratang

-INTERVIEW: CHARMAGNE VARILLA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA

-Carlos Yulo, pasok sa floor exercise at vault finals ng World Gymnastics Championships

-Pagdalo ni Pope Leo XIV sa Sunday Angelus, ikinatuwa ng mga dumalo

-Sen. JV Ejercito: Resolusyon vs. Chinese Amb. Jing Quan, pinag-aaralan ng majority senators

-VP Duterte, itinangging mayroong siyang pagmamay-aring fast food restaurant franchise

-Babaeng ginawang drug den umano ang kanyang bahay, arestado; itinanggi ang paratang

-Heart Evangelista, masaya at nagpapasalamat sa hosting experience sa "The People Have Spoken"

-"Delivery Boi," mapapanood na simula mamaya sa GMA Afternoon Prime, 3:20 pm

-Ilang magasasaka, nagkilos-protesta sa Camp Aguinaldo laban sa military operations umano sa mga nayon

-Babaeng 111-anyos, nakaligtas matapos masunog ang kanyang bahay; isa pang bahay, natupok din

-Ilang dadalaw sa mga yumaong kaanak, naglinis at nagpintura na ng mga puntod mahigit isang linggo bago ang Undas

-Iba't ibang klase ng zombiesm pumarada sa taunang Zombie Walk

-Stroke survivor na bride, pinilit maglakad patungong altar sa 25th Wedding Anniversary nila ng mister

CBB




For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good night!
00:44Super Typhoon
01:00Tumbukin ito ang Taiwan pero maaaring mahagip at madamay ang Extreme Northern Luzon.
01:05Sa ngayon, wala pang epekto sa lagay ng ating panahon ang nasabing bagyo.
01:09Namataan yan, mahigit sa 1000 km silangan ng South Eastern Luzon.
01:13Intertropical Converger Zone ang magpapaulan sa Palawan, Sambuanga Peninsula, Basilan at Tawi-Tawi.
01:20Easter list naman dito sa Metro Manila, ilan pang bahagi ng Luzon kasama ang Visayas
01:25habang mas maka-aasa sa maayos na panahon ang natitirang lugar sa Mindanao pero posibli pa rin ang mga local
01:31thunderstorm.
01:34Isinailanin naman sa Thundersome Watch hanggang alas G's mamayang gabi ang Ilocos Norte,
01:38Cagayan, Aurora, Mindoro Provinces, Palawan, Halos Buong Visayas, Northern Mindanao at Davao Region.
01:48Dalawang beses nagkaroon ng minor phreatic eruption ng Bulkang Taal.
01:52Naitalayan ng FIVOX pasado alas 7.30 kagabi.
01:56Nagbuga ang Bulkang ng Usok at Singaw na aabot sa 300 metrong taas mula sa crater nito.
02:03Tumagal ito ng 7 minuto.
02:04Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala rin ang Bulkang Taal ng mahigit 40 volcanic earthquakes
02:11at nagbuga ng mahigit 400 tonelad ng asupre o sulfur dioxide.
02:17Nananatili sa Alert Level 1 ang Taal.
02:19Bawal pong pumasok sa Taal Volcano Island lalo sa main crater ng bulkan.
02:26Uli kam sa Quezon City, nabulabog ang ilang motorista matapos tumawid sa kalsada
02:31ang isang lalaking may hawak na mahabang baril.
02:35Ang daladala niya, replika lang.
02:37Balitang hati di James Agustin.
02:42Tuloy-tuloy ang usad ng mga sasakyan sa bahaging ito ng IBP Road sa Quezon City
02:46bandang alauna ng hapon nitong Sabado.
02:49Mayang-maya pa nakunan sa dashcam video.
02:51Ang isang lalaking tumatakbo sa gitna ng kalsada na tila may hawak na rifle.
02:56Sa likurang kamera ng sasakyan, mas kita ang lalaki.
02:59Napahinto pa nga ang ibang motorista hanggang makarating siya sa Center Island.
03:04Natunto ng Batasan Police ang 45 anyo sa lalaki
03:07sa basketball court ng Barangay Batasan Hills.
03:10Hawak pa niya ang rifle na napagalamang replika.
03:13Nang siya po ay aming kausapin ay lumalabas po na wala siya sa tamang pag-iisip.
03:19Ang baril po na kanyang hawak noong nakita ng isang citizens natin ay replika at toy gun lamang po.
03:27Binala po namin sa barangay para sa interpensyon ng kanyang help.
03:32Gayun din na mabigyan ng tamang pag-aasikaso.
03:35Inaalampan ang polisya kung saan niya nakuha ang gun replika.
03:38Kasama ang mga taga-barangay, pinuntahan namin ang mga kaanak na nalaki na residente rin sa lugar.
03:44Nasa trabaho ang kanyang dating asawa kagabi.
03:47Ayon sa mga anak, ilang taon na raw hiwalay ang kanilang mga magulang.
03:50Wala pang pahayag ang mga kaanak kaugnay sa insidente.
03:54James Agusti, nagbabalita para sa GMA News.
04:02Abiso sa mga motorista, may dagdagbawa sa presyo ng ilang produktong petrolyo simula bukas.
04:08Ayon sa Department of Energy, may 2 pesos and 60 centavos na taas presyo sa kada litro ng diesel.
04:15May rollback naman ng 4 pesos and 30 centavos ang kada litro ng gasolina.
04:20Habang may bawas namang 1 peso sa kada litro ng kerosene.
04:23Ayon sa DOE, nakakapekto pa rin sa presyo ang napatuloy na krisis sa Middle East.
04:34Ulikam sa Padre Garcia Batangas, patingin-tingin sa paligid ng Kainan ang lalaking niyan.
04:39Nang makachempo, yumuku siya at nakita sa isa pang CCTV ang paggapang niya hanggang makalapit sa lamesa kung saan niya
04:47kinuha ang isang cellphone.
04:49Pag-aarito ng tauhan ng Kainan na no-ayabala sa paghugas ng mga plato.
04:53In-report na ang insidente sa pulisya para matukoy ang salari.
04:59Sa Tondo, Maynila naman, arestado ang isang lalaking ng loob sa isang laundry shop.
05:04Natukoy ang suspect dahil sa kanyang tattoo ng mareso siya dahil sa iligal na droga.
05:09Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
05:14Gulo-gulo ang mga gamit sa loob ng isang laundry shop sa Tondo, Maynila.
05:18Nadatna ng mga staff nito umaga nitong Sabado, October 17.
05:23Sira ang kisame at bubong ng likurang bahagi ng shop.
05:27Nang suriin ang mga kuha ng CCTV, nakitang pinasok pala sila ng kawatan.
05:32Sa kuha ng CCTV mag-aalas 8 ng gabi nitong biyernes, biglang sumulpot ang isang lalaking nakatakipang muka at nakasumbrero
05:40mula sa kisame ng laundry shop.
05:43Nang makita niya ang CCTV, kinuha niya ang hagdan.
05:46At inilihis ito para hindi makita ang kanyang pakay.
05:50Dumaan dun sa dating opisina. Ngayon, bakante na yun. Siguro dun ang naging way ng mga nagnanakaw kasi hindi halata.
06:04Tinungkab nila yung bubong, yero. Dun sila dumaan.
06:09Natangay ng sospek ang perang nakatago sa laundry shop, ilang pabango at iba pang gamit.
06:16Nagtungo naman sa barangay ang may-ari ng laundry shop para i-report ang insidente.
06:21Nakipag-ugnayan naman ang barangay sa pulisya para matunggis ang sospek.
06:25Hapo naman itong linggo, namataan ng mga rumorondang pulisang naturang lalaki sa Fernandez Street.
06:32Nakuhanan siya ng umanoy iligal na droga, kaya't agad siyang inaresto.
06:36Ang trabaho kasi ng mga yan, paikot-iikot lang. Dito sa lugar namin, alam kasi lang, lugar namin tahimik.
06:45Madaling pasukin.
06:46Ayon sa pulisya, ang tato ng lalaking inaresto dahil sa umanoy droga ay pareho sa tato ng lalaking na hulikam
06:54na nanloob sa laundry shop.
06:56Nakakulong sa Rahabago Police Station 1 ang sospek na maaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
07:05Hindi na raw magsasampan ang hiwalay na reklamo ang may-ari ng laundry shop.
07:09Tumanggi naman magbigay ng pahayag ang lalaki.
07:13Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
07:25Monday Latest, may pasilip na sa bagong housemates ng Pinoy Big Brother Colab Edition 3.0.
07:32Lagi kapas na rin sila.
07:35Mare di nang pumasok sa bahay ni Kuya ang bagong batch ng housemates.
07:40Bagong kwento at bagong pangarap ang kanilang baon.
07:44Dapat ding abangan ang bagong look ng bahay ni Kuya.
07:48Lahat yan marireveal sa October 24, Saturday, pagkatapos ng 24 oras weekend.
08:00Patay matapos madamay sa paumaril ang isang lalaki sa Malasike, Pangasinan.
08:04Suspek sa krimen ang isang Barangay Civilian Volunteer Officer na nakaalitan ng nakababatang kapatid ng biktima.
08:11Naguusap ang magkapatid ng barilin sila ng barangay CVO.
08:15Patay ang 30-anyos na lalaki habang sugatan ang 27-anyos niyang kapatid.
08:21Kustisya ang panawagan ng kanilang mga kaanang.
08:23Patuloy na tinutugis ang tumakas na suspect.
08:30Dalawang katutubong magsasaka sa Alabel Saranggane ang nalunod habang nagsasagawa ng isang ritual para resolvahin sana ang alitan sa lupa.
08:38Babala, sensitibo ang video na inyong mapapanood.
08:41Sa Balitang Hatid ni John Consulta.
08:52Sa bait na lumubog sa glamang river sa Alabel Saranggane, ang dalawang nalaking itong nagpatagalan sila sa magpigil ng hininga
09:00sa ilalim ng tubig.
09:01Marami ang nalunod at nagabang sa unang aahon.
09:05Tabla! Tabla! Tabla! Tabla!
09:08Pero nang iahon sila.
09:14Sinubukan silang buhati ng mga residente.
09:17Ang isa sa mga biktima, kinalong na ng babaeng di mapigil sa pag-iyak.
09:22Isinugod sila sa ospital pero iniklarang dead on arrival ang biktimang senior citizen.
09:27Nasa huwi rin kalaunan ang isa pa.
09:30Ayon sa pulisya, magkasakang katutubo ang mga biktima na kabilang sa grupong taga-kaulo.
09:35May alitan umuro ang dalawa sa lupa pero dahil hindi ito naayos sa barangay,
09:40iibdinaan na lang nila ito sa kanilang ritual na sulif o trial by ordeal.
09:45Sa ilalim ng ritual, nagpatagalan sila na magpigil ng hininga sa ilalim ng tubig.
09:50Tinatayang labing dalawa minuto silang nakalubog sa ilog.
09:53Nagsasagawa na ng imisigasyon ang pulisya.
09:55Ayon sa isang pag-aaral, ang ritual ng sulif ay nagpapakita.
09:59Nang paniniwalang ang kalikasan mismo, tubig o dagat, ang nagpapasya kung sino ang tunay na nagkasala.
10:06Sa isang pahayag, nakiramay ang presidente ng Sarangani IB Professionals Association sa pamilya ng mga nasawi.
10:12Anya, ang sulif ay parte ng tradisyon ng mga nasa Blaan Indigenous Community
10:17para maayos ang mga dipagkakaunawaan at magkaroon ng kapayapaan.
10:21Ang mga Blaan ay may kaparehang kultura at tradisyon ng mga taga-kaulo.
10:26Nire-respete rao nila ang tradisyon pero nawawala rao ang kabuluhan nito kapag may binawian ng buhay.
10:32Naniniwala rao siya na dapat umayon pa rin ang kultura sa batas.
10:37Nananawagan naman ang isang municipal councillor ng bayan ng Alabel sa mga tribal chifteen
10:41at iba pang ahensyang may kinalaman sa IPs na masuri ang mga kaugaliang posibleng ikapahamak ng mga katutubo.
10:49John Consulta, nagbabalita para sa GMA News.
10:56Pinag-iingat ang Department of Health ng publiko sa paghahanda ng pagkain ngayong tumitindi ang init dahil sa El Niño.
11:02Ayon sa DBA, mas mabilis masira o mapanis ang lutong pagkain dahil sa init ng panahon.
11:07Bukod sa matinding init, nagpapabilis din sa pagkasira ng pagkain ang mga posibleng brownout.
11:14Payo ng ahensya hanggang maaari ubusin agad ang lutong pagkain.
11:18Kung may natera, takpan nyo na't huwag iiwan ang nakabilad lalo sa init para maiwasan ang pagdami ng mikrobyo o
11:24bakterya.
11:26Gumamit ng malinis na tubig sa paghuhugas ng pagkain, kamay at mga kagamitan sa pagluluto.
11:32Nasa sanda ang syudad at bayan na ang isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsala ng umiinit na panahon.
11:44Matay sa pananaga ang isang magsasaka sa Lebak Sultan Kudarat.
11:48Base sa tulip report, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang kapwa magsasaka kahapon ng tanghali sa barangay Kitodak nang magsimula
11:55silang magtalo.
11:56Naging mainit daw ang pangbangayan ng dalawang magsasaka hanggang sa kinaga ng suspect sa lieg ang biktima.
12:03Kusang sumuko ang suspect sa barangay hall.
12:08Arestado ang isang American National sa Cebu City matapos ireklamo dahil sa umunit pang-aabuso sa mga babae kabilang ang
12:14ilang minor de edad.
12:16Ayon sa pulit ka, dalawang minor de edad na babae ang nagsumbong kaugnay sa pang-aabuso mano sa kamila sa
12:21mismong kondominium unit ng suspect.
12:24Nasa git sa loob ng unit ng 59 anyos na dayuhan ang apat na babae kabilang ang dalawang minor de
12:31edad.
12:31Bukod sa laptop, mga cellphone at digital recorder, may nasabating drag paraternerya sa unit ng suspect.
12:38Tumanggi magbigay ng payag ang suspect na mahaharap sa kaukulang reklamo.
12:43Nasa DSW din na ang dalawang minor de edad.
12:49Inaimbestigahan ng National Police Commission ang reklamo ng food influencer na si Chef Tatong Sarto na hindi umano tinulungan ng
12:56pulisya nang i-report niyang ang panaloob sa kanyang residential property sa Rizal noong Setyembre.
13:01Kahapon, nahuli ng pulisya ang suspect sa pagnanakaw sa bahay ng chef.
13:07Balita ng atin ni Bam Alegre.
13:14Inaresto ng Antipolo Police ang lalaking yan matapos maaktuhan sa loob mismo ng residential property ng influencer na si Chef
13:21Tatong sa barangay San Jose sa Antipolo Rizal kahapon.
13:24Bit-bit ng lalaki ang ilang gamit sa pagluluto na nakalagay sa isang luggage na may litrato ng chef.
13:29Ayon sa Antipolo Police, nagsasagawa sila na follow-up operation kaungtay sa nangyaring pagnanakaw sa parehong residential property noong September
13:3625.
13:37Itong na-arresto, tumaan sa may bandang likod ng property ni Chef Tatong.
13:49Tata na itong balay. Tata na. At itong tatakbo ba eh.
13:53Noong ola, pati ka mga halakalang po itong panindang.
13:57Mayroong picture ng Chef Tatong. May mga gamit balay yung possible tinakaw.
14:04Itong larawan ni Chef Tatong ang nakapaskil sa harapan ng maleta na ito na naglalaman ng sari-sari mga gamit
14:10sa pagluluto.
14:11Ito ang narecover ng mga polis sa suspect at dinala na ngayon dito sa istasyon ng polis.
14:17Sinampahan ng reklamong robbery ang suspect.
14:20Walang katotuan nyo sir. Kalakan lang ang kinuha ko sir. Kalakan lang kalakan ko eh.
14:25Hindi ko nga alam kung anong kaso ko ngayon eh.
14:27Matatanda ang naging viral ang social media post ni Chef Tatong tungkol sa hinahin niya na hindi siya umano tinulungan
14:33ng polisya sa nangyaring panluloob sa kanyang residential property sa Rizal.
14:37Aabot sa 4 na milyon piso ang halaga ng mga gamit na natangay at nasira.
14:40Yung mga kapitbahay namin doon, nagsusumbog na sa amin na parang, uy, narinay namin nabasag yung mga bintana.
14:49So true enough, nung umaga, pinunta na kaagad ng tao ko. Yun nga, nagsimula na magkakaw.
14:56Yung mga wiring, yung mga tubo ng aircon.
15:01Ilang aircon yan lahat? Siguro mga 7 aircons yan lahat.
15:05Aircon pa lang.
15:06Reklamo ni Chef Tatong, pinagpasapasahan daw siya.
15:09Kasi ang police station mismo, hindi nga, hindi nga tinatanggap yung report.
15:15As in, yung sakit nila, ayaw nilang, parang, hindi sa amin yan, hindi sa amin.
15:19Pinagpapasapasahan kami.
15:21So, balipat-lipat kami ng estasyon, balipat-lipat kami, pabalik-balik kami.
15:25Yung gano'n. So, parang, parang, ayaw, ayaw, umaksyon, ayaw, hincheck, ayaw. Diba?
15:32So, sa amin, sobrang namin yemple.
15:35Ayon kay Chef, may nahuling suspect ang barangay pero dahil wala umanong karampatang aksyon mula sa pulisya,
15:41pinakawala na suspect, makalipas sa magdamag.
15:43Sa isang statement, nilinaw ng Baras Police Station na nirespondihan nila ang hinaiing ni Chef Tatong
15:48at nagpadala sila ng personnel para i-check ang nangyaring pagnanakaw.
15:51Bilang bahagi ng initial police response.
15:54Dito nila natuklasan na nasa territorial jurisdiction daw ito ng barangay San Jose, Antipolo City.
15:59Inabisuhan daw nila ang kampo ni Chef Tatong ng tamang procedure para ipagpatuloy ang imbesigasyon.
16:04Sa isang statement naman, sinabi na Antipolo City Police Station na patuloy ang kanilang imbesigasyon
16:08at tinutukoy pa nila kung may iba pang sangkot sa krimen.
16:11Nagsisikap daw sila na mapanagot ang mga lumabag sa batas.
16:15Tinanggal muna sa pwesto ang mga sangkot na polis sa pagtugon sa reklamo ni Chef Tatong
16:19habang gumugulong ang imbesigasyon.
16:21Ang napulkom, nag-iimbestiga na rin.
16:23Nakapagtaka talaga eh.
16:25Hindi ito ang SOP ng polis, ang polis natin.
16:29Usapin ka natin na mayroong mas nakararapat ng opisina na kumawak nung usapin na yun.
16:35Ano pa naman yung tulungan mo siya at dalhin sa tamang polis office habang sinusubuhan mo ng pakistihan?
16:43Naintindihan ko naman yung issue ng jurisdiksyon.
16:46Pero dapat kasi mas may malasakit sila at nag-coordinate sila even among themselves.
16:51Kasi parang napaka-crazy kasi pasa-pasa na dun, pasa-pasa na dun.
16:56Sinisika pa natin makuha ang pahayag ni Chef Tatong sa naaresong suspect sa kanyang pamamahay kagabi.
17:01Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA News.
17:09Hingin tayo ng updates sa bagyo at sa lagay ng ating panahon mula kay Charmaine Barilla, weather specialist sa pag
17:14-asa.
17:15Magandang araw Charmaine.
17:16Yes Sir Rafi, magandang araw din po sa inyo maging sa ating mga ating pakinig at naritong ulat sa lagay
17:21ng panahon.
17:22Sa kasalukuyan nga si Typhoon Champi ay nananatili pa rin ang kanyang lakas habang kumikilos sa karagatan.
17:29Kanlurang bahagi o western part ng Guam.
17:32Hulingang namataan si Bagyong Champi.
17:34Sa layang 1,600 kilometers sila nga ng southeastern Luzon.
17:38May taglay na lakas ng hangin na maabot ng 175 kilometers per hour.
17:43Malapit sa centro nito at pagbugso na maabot hanggang 215 kilometers per hour.
17:48Kumikilos yan pa west-northwestward o kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
17:55Inaasahan na nga yung pagpasok nito sa loob ng ating par bukas ng umaga o hapon at papangalanan natin na
18:02si Bagyong Rosal.
18:03At posible nga na bago yung pumasok ng ating par ay mas lumakas at umabot ng Super Typhoon category.
18:10Sa nakikita nga natin na track nito ay hindi natin inaalis yung posibilidad na maaaring lumapit yan dito sa may
18:16bahagi ng Batanes.
18:18Kaya naman ay anticipate na po natin yung pagtataas ng wind signal lalong-lalo na nga dito sa Bicol region
18:24at portions ng northern Luzon.
18:27At isahan po natin na ang closest approach po nito sa ating kalupaan ay sa pagitan ng Merkoles o kaya
18:33naman sa Huwebes.
18:34So ito po yung mga critical time na dapat bantayin natin yung pagkilos ng ating bagyo.
18:39Sa kasalukuyan nga yung Intertropical Convergence Zone o ITCJ pa rin yung nagdadala ng mga pagulan sa Palawan at Kanlurang
18:47Bahagi ng Mindanao.
18:48Asahan natin yung matataas na tsyansa na mga pagulan sa Samuaga Peninsula, Basilan, Tawi-Tawi at Palawan na dala ng
18:55ITCJ.
18:56Samantalang East Previs naman, yes po sir?
18:59Ano magiging epekto nitong bagyo lalo na pag lumakas sa pagpumasok na ito sa PAR?
19:04Yes po. Ang nakikita po natin, yung mas maapektuhan po na areas ay dito sa may Bahagi ng Bicol Region
19:10at northern Luzon.
19:12For the rest of the country, more on trough lang po nitong bagyo and wala pa naman tayong nakikita na
19:17significant rainfall for the rest of Luzon except dito sa northern Luzon.
19:21Doon sa malapit po nadadaanan itong bagyo.
19:24May epekto ba sa bagyo ngayon? Nasa transition tayo papuntang Amihan?
19:29Yes po. Ang nakikita po lang po natin so far, wala naman itong, yung kasi wala pa naman po tayong
19:35Amihan, more on easterly.
19:37So wala naman po direct effect pa itong northeasterly winds or yung Amihan dito sa bagyo.
19:42However, yung track nito, since meron tayong high pressure dito sa may Bahagi, northern part nitong bagyo,
19:49kaya yung pagkilos nito, more on west-northwestward ngayon.
19:53Tapos sa mga succeeding days kung saan malapit na ito sa northern Luzon, mas hihilaga yung pagkilos nito.
20:00Okay, abangan po natin. Maraming salamat sa oras na binahagin nyo sa Balitang Hali.
20:04Yes po, maraming salamat.
20:05Yan po si Charmaine Varilla, weather specialist sa pag-asa.
20:13Pasok si Carlos Yulo sa floor exercise at vault finals ng World Gymnastic Championships sa Rotterdam, Netherlands.
20:2014.500 ang score ni Yulo at nakuha ang second place sa floor exercise qualifiers.
20:26Sa vault qualifiers naman, nagtapos siya sa sixth place sa score na 14.266.
20:32Sa sabado ang floor exercise finals, habang sa linggo naman ang vault final.
20:42Ikinatua at nagpalakpakan ang mga dumalo sa San Diego sa Vatican City,
20:46nang muli nilang makita si Pope Leo XIV.
20:51Cari fratele sorelle, buona domenica!
20:59I-dinaos siya sa St. Peter's Square isang araw matapos siyang lumabas mula sa ospital kasunod ng operasyon dahil sa
21:05lung cancer.
21:06Pagkatapos ng public prayer, pinasalamatan ng Santo Papa ang mga taong nagdasal para sa kanya.
21:12Unti-unti rin daw siyang babalik sa kanyang duties.
21:15Noong Martes, inoperahan si Pope Leo para tanggalin ang lower lobe ng kanyang kanang baga.
21:20Ayon sa kanyang mga doktor, malusog si Pope Leo kaya pinayagan siya makauwi at kaya niyang gumawa ng daily activities.
21:27Na-diagnose ang Santo Papa ng Lung Adenocarcinoma na isang uri ng Lung Cancer.
21:35Sa iba pang balita, pinag-aaralan ng ilang senador ang pagkahay ng resolusyon laban kay Chinese Ambassador J. Chong Nguyen
21:41bilang pagkundi na
21:42sa sinabi niyang madaling mananalo ang China sa Pilipinas kung gugustuhin itong gumamit ng puwersa.
21:49Balita ng atin ni Mav Gonzalez.
21:53Ang pahayag na ito ni Senador J. V. Ejercito laban kay Chinese Ambassador to the Philippines, Jing Chuan,
22:05binuweltahan ang Chinese Embassy at tinawag na bluff lang at tipikalaan nilang political performance ng isang Pilipinong politiko
22:13na mayabang umano at gusto lang ma-headline.
22:15Binatikos din ang embahada si na Senador Kiko Pangilinan at iba pang mga mambabatas na gustong ideklarang persona non grata
22:23si Jing Chuan.
22:24Sabi ni Ejercito, nababastusan ang karamihan sa mga senador kaya pinagdinilayan nilang magpasa ng resolusyon laban sa ambasador.
22:32Di Chinese ambasador? Eh, dapat ka bastos, very hostile, very undiplomatic.
22:40Ano na siya eh? Tretening na eh. May pananakot na eh.
22:43Hindi naman niya sa pisan gusto na, gusto na i-test natin.
22:46Diba?
22:47Kung sa akin, kung talagang gusto na mag-ayos sa relation natin, dapat diplomatic tayo.
22:56Sa pinag-uusapan na kung magpasa kami ng solusyon tungkol dito sa kanya pong mga pananalita.
23:01So, abangalala po, pagbalik po namin na.
23:04Nauna ng sinabi ni Senate President Nguyen Gachalian na dapat mag-sorry si Jing sa naging pahayag nitong madaling matatalo
23:11ng China ang Pilipinas kung gagamit ito ng pwersa.
23:14Pero hindi raw pinipili ng China ang paggamit ang pwersa.
23:18Dapat siyang mag-apologize dahil hindi tama binabantaan tayo eh.
23:23Nasa sarili tayong, sarili nating bansa siya at diplomat siya.
23:29Paalala naman ni Sen. Jingoy Estrada, dapat mag-protesta tayo nang hindi sinasara ang dayalogo sa pagitan ng dalawang bansa.
23:37Wala raw magandang idudulot ang padalos-dalos na tugon sa mga sinabi ng Chinese envoy.
23:43Hirit ni ML Partylist Representative Laila de Lima, obvious naman ang ginagawa ng China na magbabanta.
23:49Tapos kapag pinalagan natin, babalik na rin aniya ang naratibo at mga Pilipino pa ang palalabasing ng gugulo.
23:56Sa gitna ng patutsyadahan, sabi ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry,
24:01nais nilang pagbutihin at palakasin pa ang ugday ng China at Pilipinas.
24:06Umaasa raw silang nauunawaan ito ng Pilipinas.
24:09Hinihingan pa namin ng pahayag ang Malacanang at Department of Foreign Affairs.
24:13Mav Gonzalez nagbabalita para sa GMA News.
24:23Sinabi ni Vice President Sara Ducerte na wala siyang pabamayaring franchise ng fast food restaurant
24:28o franchise ng kahit anong negosyo.
24:32Paglilinaw ng bise, dati siyang namuhunan sa isang kumpanyang partea niya
24:35na isang lehitimong business organization na pagmamayari na mga taong maganda raw ang reputasyon.
24:41Hindi naman daw otomatik kung kapag nag-invest sa isang kumpanya
24:44ay pagmamayari, minamanage o inooperate na niya ang mga negosyo o prangkisa sa ilalim nito.
24:51Nababahala raw ang bise sa tila pagtarget sa mga lehitimong negosyo
24:54na maaari daw na makasira sa reputasyon at komersyo ng mga ito.
24:59Naglabas ng pahayag ang bise matapos talakayin sa impeachment trial
25:02na merong ilang fast food franchise ang Gencorp Industries
25:05at may mga resibo raw na magpapatunay nito.
25:09Idiniklara ng bise sa kanyang statement of assets, liability sa net worth o sell-end
25:13na stockholder siya ng Gencorp.
25:16Bukod sa pagmamayari umanong fast food franchise,
25:20lumabas din sa impeachment trial na nakakuha ang Gencorp
25:23ng mahigit 30 milyon pesos na halaga na mga proyekto sa Davao City Government.
25:30Arestado sa Quezon City ang isang babae dahil sa pagbibenta umanong iligal na droga.
25:34Ang kanyang bahay ang ginaga umanong drug den.
25:38Balita ng atin ni James Agusti.
25:43Nangyari ang transaksyon sa pagitan ng polis sa nagpanggap na buyer
25:47at babaeng tulak umanong ang droga sa pintuan ng isang bahay sa barangay Commonwealth, Quezon City.
25:52Nang matanggap ang hudya, doon na pumasok ang ibang operatiba.
25:56Nakuha mula sa wallet ng babae ang buy-bus money at ilang sashean ng shabu.
26:01Inaresto ang 42 anyo sa babae.
26:03Ang operasyon nila ay maabot hanggang Holy Spirit, Kulyat at Commonwealth.
26:10Ang karaniwang mga parokyano nila yung mga tricycle driver.
26:16At meron din kaming natuklasan ba sa aming investigasyon na may mga ibang estudyante.
26:23Sa kabuan na sa bata mahigit 53 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 365,000 pesos.
26:30Ayon sa polisya, ginagawang drug din ang bahay ng sospek.
26:34Doon na mismo binibili sa bahay nila tapos ay pinapayagan niya na doon mismo gamitin sa loob ng bahay yung
26:41nabili nila.
26:415 gramo ang kadalasan na pakipakete na binibigay niya.
26:48Itinanggi ng sospek na nagbebenta siya ng droga.
26:50Hindi po ako yung asawa ko po pero konti lang naman po ang ano niya binibenta.
26:56Hindi po, hindi po.
26:57Doon po yung mga anak ko eh.
26:59Sinampahan na ang sospek na reklamong paglabag sa Comprehensive Diaryous Drugs.
27:03James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
27:11Grateful sa experience bilang host, si Kapuso yung global fashion icon Heart Evangelista sa game show na The People Have
27:19Spoken.
27:21Masaya ako kasi parang feeling ko nakilala din nila ako as who I am.
27:26Na nagagalit din ako, na nabubwisit ako or everything.
27:31And I like being that.
27:32I like being very myself.
27:34And I've also gained a really good friend which is Sean.
27:37So, happy ako.
27:38Sa last episode ng The People Have Spoken,
27:41celebrity contestant si star of the new gen Jillian Ward.
27:45Katim niya si Keisel Kinucci.
27:48Nakalaban naman nila si Katrina Halili at Chris Lawrence na nag-uwi ng jackpot prize.
27:53Hoping si Heart na magkaroon ng bagong season ng game show
27:57dahil na enjoy niya ang pagiging host.
27:59Bukod dyan, busy rin.
28:01Sa international commitments, kabilang dyan ang kalatapos niya lang na trip sa Japan.
28:06Kung saan in-enjoy niya ang Japanese food, streets at culture.
28:11In a few days, magiging abala na si Heart sa sunod-sunod na out-of-the-country trips.
28:20On the way na para sa premier mamaya ang GMA Afnon Prime series na Delivery Boy.
28:28Makikilala na ng viewers si Robert Ragazza aka Boy played by Will Ashley.
28:34Isang delivery rider na handang bumiyahe para sa pamilya, pag-ibig at pangarap.
28:40Real life chemistry ang ipamamalas nila ng kanyang co-star na si Mika Salamangka
28:44na gumaganap naman bilang isang dispatcher.
28:47May patikim yan kanina sa set na visit ng unang hirit.
28:52G sa Budel Fight, sina Will at Mika kasama ang co-stars sa comedy drama series na sina Mikoy Morales,
28:58Yasser Marta, Vince Maristela with Gio Alvarez and Eric Kizon.
29:03Nakipagkulitan din sila at pinag-usapan ang mga ganap habang nasa taping.
29:12Nagkilos protesta ang ilang grupo ng mga magsasaka sa harap ng tanggapan ng Department of National Defense
29:17sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
29:20Kinundin nilang anilipaturi ng military operations sa mga komunidad sanayon
29:24at nanawagang tuldukan ang mga paglabag-umano sa karapatang pantao.
29:29Sa halip daw na kapayapan at kaunlaran,
29:32nagdudulot-umano ng sapititang paglikas at pangabuso ang deployment ng mga sundalo sa mga naturang lugar.
29:39Wala pang komento ang D&D kaugnay sa Kilos protesta.
29:45Nakaligtas ang isang babaeng sentenarian matapos matupok ang kanyang bahay
29:49sa barangay Philam, Quezon City, kaninang umaga.
29:53Ayon sa babae, humingi siya ng saklolo matapos makitang nasusunog ang isang kwarto sa bahay.
29:58May naiwan daw na nakasingling kandila sa altar.
30:02Iniimbestigan nito ng Bureau of Fire Protection.
30:04Bukot sa bahay ng sentenarian, may isa pang bahay na nasunog.
30:08Kinabot na isang oras bago na apula ang apoy.
30:18Halos dalawang linggo bago ang undas, may mga naglilinis na ng mga puntol sa ilang sementeryo sa bansa,
30:23gaya sa Manila North Cemetery.
30:26May mga nagpipintunan na rin ng nicho.
30:29Paalala ng pamunuan ng nasabing sementeryo hanggang October 27,
30:33pinapayagan ng paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura sa Manila North Cemetery.
30:39October 28 naman ang huling araw ng libing.
30:42At simula sa October 29 hanggang November 2,
30:45bukas ang sementeryo mula alas 5 ng umaga hanggang alas 8 ng gabi.
30:51Sa Manila South Cemetery naman hanggang October 26,
30:54pwedeng maglinis at magpintura ng mga puntol.
30:57So October 31 hanggang November 2,
30:59bukas ang Manila South Cemetery mula alas 5 ng umaga hanggang alas 9 ng gabi.
31:06Inilabas naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board
31:09ang mahigit sanlibong special permits
31:11para sa iba't ibang public utility vehicles
31:13gaya ng bus, minibuses at passenger vans.
31:19Feel na feel na ang Halloween vibe sa Santiago, Chile
31:23sa paradang mga zombie.
31:26Yan ang tao unang zombie walk na nilahukan ng mga cosplayer at mga residente.
31:32Nagsama-sama sa kalsada ang iba't ibang klase ng zombie
31:35tulad ng clowns, anime, cartoon, movie at series-inspired characters
31:42at marami pang iba.
31:44Nagsimula ang tao unang zombie walk noong 2001 sa California.
31:48Ginagawa na rin ang zombie walk sa iba pang bansa
31:51gaya ng Amerika, Argentina, Zincapor, Brazil at Germany.
32:04Inspirasyon online ang hatid ng isang ikinasal sa Marilao, Bulacan.
32:08Here comes the bride na palaban at determinado.
32:14Stroke survivor, ang lovely bride na si Irish Buluran Pepito.
32:19Nilakad niya ang altar na walang gamit na tungkod
32:22sa silver anniversary at renewal of vows nila ng asawang si Toy.
32:26Paran daw niya yan para may pamalas ang pagmamahal nila sa isa't isa.
32:34Sinilit ko po talaga na makalakad ng walang tungkod.
32:38Parang mahano ko sa asawa ko na ako din, nag-i-effort din ako.
32:4425 years ago, inulan kasi ang unang kasal ng mag-asawa
32:48kaya nasira daw ang kanilang moment.
32:51Matapos mabihayaan ng anak at pagdaanan ng maraming pagsubok sa buhay,
32:56may take two ang inaasam nilang kasal.
33:00Hashtag owning the moment si bride na...
33:03Main character!
33:06Sweet naman. Nakabawi.
33:09At yan pong may init na balita ngayong tanghali.
33:1267 araw na lang, Pasko na.
33:15Rafi Tima po.
33:16Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampel.
33:18Ito ang GMA News.
33:19Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
33:22Noon at ngayon, serbisyong totoo.

Recommended