- 5 days ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong July 28, 2026
-Pulis na galing sa SONA duty, patay matapos magulungan ng 10-wheeler sa C3 Road;
-Lalaki, nasawi nang tangayin ng rumaragasang tubig sa creek sa Brgy. Talandang;
Ilang residenteng binaha sa Brgy. Poblacion, nailigtas
-PAGASA: Mahinang Habagat, magpapaulan pa rin sa Metro Manila at ilan pang panig ng Luzon
-Big-time oil price hike, epektibo ngayong araw
-PHIVOLCS: Davao Oriental, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
-7 pasahero, sugatan matapos mabangga ng dump truck ang sinasakyang van
-Flood control scandal at isyu sa West Philippine Sea, kabilang sa mga binanggit ni PBBM sa kanyang SONA;
-Dating House Speaker Romualdez, iginagalang ang napipintong paghahain ng mga kaso laban sa kanya ng Ombudsman
-INTERVIEW: ATTY. FRANCIS SATURNINO JUAN, CHAIRPERSON, ERC
-Barbie Forteza, nag-organize ng charity event para sa kanyang 29th birthday; "Different" Barbie Forteza, mapapanood sa kanyang upcoming projects
-Foreman sa construction site, sugatan matapos masaksak ng trabahador; Trabahador, sinabing hindi niya sinasadyang masaksak ang foreman
-85-anyos na babae, patay matapos hampasin ng kahoy sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Poblacion
-PBBM: "Filipinos are a noble, kind, gracious and great race... we are not racists."; PBBM: 2016 Arbitral ruling at karapatan ng Pilipinas sa West Ph Sea, patuloy na isusulong;
-VP Duterte, hindi nanood sa SONA ni PBBM; tinawag niyang "waste of time"
-INTERVIEW: KAROL MARK YEE, EXECUTIVE DIRECTOR, EDCOM2
-Lalaking may dalang 2 patalim, nanaksak ng 3 babae sa Paris
-4-anyos na bata, patay matapos ma-trap sa nasusunog na kuwarto; tiyuhin, sugatan
-Performance at trust ratings nina PBBM at VPSD, parehong bumaba sa Tugon ng Masa second quarter 2026 survey ng OCTA Research Group
-12 minors na inilagay sa police custody mula sa mga pagkilos kahapon, nai-turnover na sa DSWD; 9 na ibang hinuli sa pagkilos kahapon, sasampahan ng reklamo;
-13, arestado sa ilegal na pagsasalin ng petrolyo at LPG; P16M halaga ng petroleum at LPG products, nasabat
-VP Duterte: "Hindi ako magre-resign; kung gusto ni PBBM, tanggalin niya ako, gawin niya ang lahat"
-2 sugatang tauhan ng WESCOM sa insidente sa Ayungin Shoal, pinarangalan ng AFP
-Kobie Brown, sinorpresa ang "Born to Shine" co-star na si Olive May sa kanyang fan meet; Olive May, extra grateful sa natatanggap na feedback sa kanyang karakter na si "Megan"; Kobie Brown, mas na-appreciate ang kanilang ginagawa sa series para makapaghatid ng saya sa mga manonood
-Pagsundo ng isang tatay sa kanyang mga kaanak gamit ang malaking payong, kinagigiliwan online
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
Category
🗞
NewsTranscript
00:00To be continued...
00:30Balita ng atin ni James Agustin.
00:36Nakakuna sa CCTV ang pagdaan ng 10-wheeler sa C3 Road, Calocan, pasado alas dos na madaling araw kanina.
00:42Ang sumunod na nakita, isang motorcycle rider na nakatumba sa kalsada.
00:47Nagulungan pala ng truck ang rider.
00:49Isinugod ang rider sa ospital pero diniklarang dead on arrival.
00:53Ayon sa isang saksi sa 5th Avenue pala ng inakasabay na niya ang rider.
00:56Ang napansin ko na gumigiwanggi, ano na siya, nagpaling-paling na.
01:00Ang saunahan namin may trailer.
01:03Pagdating doon sa trailer, gusto niyang umu-vertake.
01:08Pagpaling niyang ganun, pumalo siya doon sa driver's side.
01:12Pagpalo niya sa driver's side, gumaskas na siya doon.
01:14Pagkaskas, doon na siya na tumba sa may gitna.
01:18At doon na siya kinain ng dalawang gulong.
01:21Kinumpirma ng mga kaanak na isang polis, ang 33-anyos na nasa wing rider.
01:26Pauwi na raw ang polis sa kanyang bahay sa kalookan mula sa kanyang duty sa Sona na mangyari ang aksidente.
01:31Galing po siya sa Sona kasi naka-duty siya 24 hours po.
01:36Siguro yung paggiwang-giwang na yun sa sobrang antok niya na,
01:40eh ikaw ba naman mag-duty ng ganung oras tapos nakamotor ka, diba?
01:44Halos magpo-four years lang siyang naging polis eh.
01:49Siyempre, napakasakit naman po.
01:50Nasa ko sa diyan ng kalookan pulisan, 37-anyos sa truck driver.
01:54Galing daw siyang pampangkat magde-deliver sana ng mga kargang hollow blocks sa Malabon.
01:58Nagulat na lang po ako nung biglang bumanga sa ano ko, sa truck.
02:03Eh pagtingin ko eh, naka-duty na yung tao.
02:06Nangingin po ako naman yung pasinsasakal na sa hindi naman po namin kagustuhan nyo.
02:12Marapan truck driver sa reklamang reckless imprudence result ng in homicide and damage to property.
02:17James Agusti, nagbabalita para sa GMA News.
02:22Isa ang nasawi sa kasagsagan ng masamang panahon sa barangay Tulandang o Talandang, Davao City.
02:27Ayon sa Office of the Civil Defense, Davao Region, tinangay ng rumaragas ang tubig sa creek sa Purokpisa,
02:32ang lalaking 54 na taong gulang.
02:36Mahigit tatlong dang pamilya ang apektado ng baha sa anim na barangay sa lungsod.
02:40Napinsala ang maraming bahay at mga pananim dahil sa matinding baha.
02:44Nabalot din ang putik ang maraming kalsada at naapektuhan ang supply ng tubig.
02:49Sa barangay Budas, stranded ang maraming motorista kasunod ng pagguho ng bahagi ng Davao-Bukidnon Road.
02:56Ayon sa Department of Public Works and Highways, isang lane na lang ang maaaring madaanan.
03:03Sa Kolombyo, Sultan Kudarat naman, nagpatupad ng forced evacuation sa barangay poblasyon dahil sa baha.
03:08Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office,
03:12sampung residente na natrap sa kanika nilang bahay ang nirescue ng mga otoridad.
03:17Nananatili sa evacuation center ang mga apektadong residente.
03:20Ayon sa pag-asa, dulot ng localized thunderstorms ang pagulan sa Mindanao.
03:25Mga kapuso, asahan pa rin po ang mga pag-ulan ngayong araw.
03:29Yan ay kahit mahina ang pag-iral ng habagat ayon sa pag-asa.
03:33Apektado pa rin po ng habagat ang western section ng Luzon kasama ang Metro Manila.
03:38May itinaas na thunderstorm watch dito sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
03:45Posible ang mga biglaang ulan na may pagkulog at pagkidlat sa mga nasabing lugar na hanggang mamayang alas 10 po
03:51ng gabi.
03:52Mas makakaasa naman sa maaraw at maayos sa panahon ang Visayas, Mindanao at mga natitirang bahagi ng Luzon.
03:58Pero, posible pa rin po eh ang mga local thunderstorm o biglaang pag-ulan.
04:04Base naman po sa rainfall forecast ng Metro Weather,
04:06posible ang light to moderate rains ngayong umaga sa ilang bahagi ng southern Luzon, Visayas at Mindanao.
04:13Magiging malawakan ang ulan pagsapit naman ng hapon at ng gabi.
04:18Maging alerto po sa heavy to intense rains na maaaring magdulot ng baha o landslide.
04:28Abiso sa mga motorista, efektibo na ngayong araw ang big time na taas presyo sa ilang produktong petrolyo.
04:34Base sa anunsyo ng ilang kumpanya ng langis,
04:377 pesos and 30 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel,
04:406 pesos and 80 centavos naman ang taas presyo sa kada litro ng gasolina,
04:46habang 4 pesos and 20 centavos naman ang dagdag sa kada litro ng kerosene.
04:52Ikalimang magkakasunod na linggo na iyang taas presyo sa mga produktong petrolyo.
04:56Ayon sa Department of Energy, efekto yan ang nagpapatuloy na gulo sa Middle East.
05:03Nianig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao Oriental.
05:07Natuntun po ng Feebox ang epicenter, 15 km timog silangan ng bayan ng Baganga.
05:14Pasado alas 7 ngayong umaga.
05:17Naramdaman ang intensity 3 na pagyanig sa Taragona, Davao Oriental.
05:21Napunturan, Davao de Oro, Digos, Davao del Sur, Bislig, Surigao del Sur at sa Talacogon, Agusan del Sur.
05:31Intensity 2 naman sa mga bayan ng Mako, Compostela, Monte Vista at Mawab sa Davao de Oro.
05:38Habang intensity 1 sa Tandag, Surigao del Sur.
05:42Tinaalerto pa rin po ng Feebox ang mga residente sa mga posibleng aftershocks.
05:53Nabangga ng dump truck ang puting van na yan sa intersection papuntang Bacolod Silay Airport sa Silay Negros Occidental.
06:00Sa lakas ng pagbangga, muntik nang tumagilid ang van.
06:03Sugatan ang pitong magkakaanak na pasahero ng sasakyan.
06:06Ayon sa pulisya, posibleng nawala ng preno ang truck.
06:10Paliwanag naman ng truck driver sa mga otoridad, nag-blockout siya habang nagmamaneho.
06:15Hindi nagbigay ng pahayag ang nangangasiwa sa dump truck.
06:19Pinalaya muna ang truck driver habang hinihintay maisampah ang reklamong reckless imprudence resulting in physical injury and damage to property.
06:35Kabilang sa mga ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikalimang zona,
06:39ang naging tugon ng gobyerno sa krisis sa langis dahil sa gulo sa Middle East.
06:44Tinalakay rin po ang flood control scandal at West Philippine Sea,
06:48pati ang ilang usaping malapit sa ordinaryong Pilipino,
06:51gaya po ng buwis, kuryente, transportasyon at kalusugan.
06:56Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
07:01Sa isang oras at 26 na minutong talumpati,
07:05ilang beses pinilakpakan si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikalimang State of the Nation address.
07:10Mula sa pagpapanagot sa kanyang sariling pinsan dahil sa flood control scandal na sentro na kanyang zona noong nakarantaon.
07:17At dumating na tayo sa punto na ayon sa ombudsman,
07:22ay malapit na ang paghain ng patong-patong na kaso labang sa dating speaker.
07:27Hindi ako pangulo ng aking pamilya.
07:30Hindi ako pangulo ng aking kaibigan.
07:39Ako ay pangulo ng Pilipinas at ang tungkulin ko ay sa inyo,
07:46ang aking mga kapwa Pilipino.
07:48Hanggang sa matapang na pagtindig sa ating karapatan sa West Philippine Sea.
07:53We are not greedy, we are not racist, we are not liars.
07:58Pinalakpakan din ang mga usaping malapit sa sigmura ng ordinaryong mamamayan,
08:01gaya ng pagpapalawak ng tax exemption.
08:04Hindi natin kaliligtaan ang ating mga manggagawang Pilipino,
08:09lalo na ang mga middle class, pati na ang mga maliliit na negosyo.
08:14Ang naisang pangulo.
08:15Isama sa exemption ang kumikita na hindi lalagpas sa P350,000 kada taon.
08:21Sa ngayon, exempted ang mga kumikita na hindi lalagpas sa P250,000.
08:25Kaya bilang natatangin proteksyon sa kanila at para mas mapakinabangan nila
08:31ang pinaghirapan nilang kita, nananawagan ako sa Kongreso
08:36upang maipasa ang batas na magbibigay ng bahagyang ginawa para sa ating bayaring buwis.
08:44Dagdagan natin ang mga manggagawang malilibre sa buwis sa kanilang kita.
08:49Isasama na natin ang mga kumikita ng hindi lalagpas sa P350,000 kada taon.
09:02Kasabay nito, ang karampatang pagbaba ng income tops na iba parang manggagawa.
09:09Pangalawa, ang mga maliliit na negosyo ay hindi napapatawan ng minimum corporate income tops.
09:16Ipinanukala niya ang pagbibigay ng amnesi sa buwis.
09:20Pangatlo, para mapanatag ang loob ng taong bayan,
09:25ang pagbigay ng amnesty para sa mga hindi nabayarang buwis
09:29tulad ng income tax, estate at donor's tax at value-added tax.
09:40Kasama na rin dyan ang mga multa na kaakibat ng mga ito.
09:45Nanawagan din ang pangulo sa Kongreso na amyandahan ang Electric Power Industry Reform Act o IPIRA
09:51para matanggal na ang system loss charges.
09:54Ito ang binabayaran ng mga consumer para sa mga ninanakaw na kuryente
09:58at nawawalang kuryente hamang dumadaloy sa kable.
10:01Hindi naman kasalanan ng consumer kung bakit nagkaroon ng systems loss.
10:10Kaya hindi naman tama na kailangan sila pa ang pagbabayarin dito.
10:14So, therefore, we, the people, request, no, we demand for the immediate amendment of the IPIRA
10:28and to prohibit charging systems loss against consumers including the value-added tax thereon.
10:35Hinibok din ang pangulo ang mga mababata sa ipasa ang sariling kuryente act
10:40para mas maging abot kaya mga rooftop solar panels at battery storage systems.
10:45Nangako ang pangulo na sa nalalabing dalawang taon ng kanyang administrasyon
10:50ay tatapusin ang mga nasimulan at tutuparin ang mga pangako.
10:54Kabilang na riyan ang mga proyektong pang-imprastruktura.
10:58Sa susunod na taon, ang mga tren ng North-South Commuter Railway
11:02ay tatakbo na sa pagitan ng Valenzuela at Malolos.
11:06Sisikapin ang DOTR.
11:11Sisikapin ang DOTR na sa pagtapos ng administrasyon ito,
11:15tapos na rin ang railway hanggang sa Clark.
11:18Sa susunod na taon, bubuksan na rin ang labindalawang stasyon ng MRT-7.
11:24Pati ang mas pinalawak na benepisyong pang kalusugan.
11:27Para mapaganda pa ang suporta natin sa mga batang may developmental disabilities,
11:33dodoblehin natin ang PhilHealth Package para sa pagpapatingin sa therapy.
11:41Mas madali na rin daw ang pag-access sa tulong medikal.
11:44Sa paumagitan ng EMIFE program para mapabilis sa pagkuhan ng servisyo medikal para sa mga Pilipino.
11:50Ibinida rin ang pangulo na naging maagap sila sa pagtugon na magkakrisis tayo sa gulo sa Middle East.
11:56Libuang buwan mula sumiklab ang digmaan,
11:59ramdam pa rin natin ang bigat ng mga epekto nito sa ating bansa.
12:04Hanggang kailangan, asahan ninyo,
12:06na hindi titigil ang pagsuporta ng pamahalaan.
12:09Naglaan tayo ng mahigit 60 bilyong piso para dito hanggang sa katapusan ng taon.
12:17Ilang beses ding sinabi ng pangulo,
12:19ang mga pondong na iiwas sa mga tiwali ay ibinuhos ng pamahalaan sa mga proyektong pakikinabangan.
12:26Ang pondo na naisalba natin na balak ibulsa ng mga tiwaling opisyal ay sa taong bayan natin ibinubuhos.
12:35Ngayon, ngayon ipipihit natin ang mga programa sa mas nangangailangan nating kapwa Pilipino
12:41para naman mas malawak at mas marami ang maaabot ng tulong.
12:47Ivan Mayre na nagbabalita para sa GMA News.
12:52Iginagalang daw ni dating House Speaker at late First Representative Martin Romualdez
12:57ang napipintong paghahain ng mga kaso laban sa kanya ng Ombudsman
13:01na binanggit sa Sona ng Pangulo kahapon.
13:06Dumating na tayo sa punto na ayon sa Ombudsman
13:10ay malapit na ang paghahain ng patong-patong na kaso labang sa dating Speaker.
13:16Masakit man sa akin ito,
13:19ngunit kailangan natin gawin ang tama.
13:23Hindi ako pangulo ng aking pamilya.
13:26Hindi ako pangulo ng aking kaibigan.
13:35Ako ay pangulo ng Pilipinas
13:38at ang tungkulin ko ay sa inyo,
13:41ang aking mga kapwa Pilipino.
13:45Hindi dumalo si Romualdez sa Sona ng kanyang pinsang pangulo.
13:49Sa isang pahayag,
13:50sinabi ni Romualdez na hindi siya kailanman humingi ng pabor
13:53o espesyal na pagtrato.
13:55Naniniwala raw siya na dapat sumunod sa proseso
13:58at hayaan ang ebidensya
13:59na magpatunay kung ano ang totoo.
14:02Handa rin daw si Romualdez
14:03sa patunayang wala siyang nalabag na batas.
14:06Kailanman,
14:07kamakailan po ay inirekomenda
14:09ng Special Panel of Investigators
14:11ng Ombudsman na kasuhan si Romualdez
14:13kaugnay sa mga kwestiyonabling
14:15flood control project ng gobyerno.
14:17Dati nang itinanggi ni Romualdez
14:19na sangkot siya sa flood control scandal.
14:24Kaugnay sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos
14:26na amyandahan ang Electric Power Industry Reform Act
14:29o EPIRA
14:29para matanggalan niya ang system loss charges.
14:33Makakakapanayim natin si Energy Regulatory Commission
14:35Chairperson Atty. Francis Attonino Juan.
14:37Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
14:40Magandang umaga, Rafi,
14:42at sa lahat ng mga kikinig.
14:44Ano pong posisyon ng ERC
14:45sa panawagan ng Pangulo sa kanyang zona
14:47na alisin na yung system loss charges?
14:50Bukas ang komisyon at sumusuporta ito dito.
14:53Ang kakailanganin na nga lang ay yung pag-amienda
14:56ng EPIRA.
14:58Specifically, yung Section 43F.
15:01Dahil dito nakabata yung umiiral nating
15:03regulasyon patungkol sa pangungulekta
15:06ng system loss charges.
15:08Very briefly po,
15:09pakipaliwanag nga po,
15:10ano ba itong system loss charges
15:11at bakit ito sinisingil sa mga consumer?
15:15Sa kasalukuyan kasi,
15:16ito ay inaalaw ng batas.
15:19Ito ay igastusin doon sa kuryenting
15:21isinusupply sa atin.
15:23Halimbawa na lang,
15:24sa isang kaban ng palay,
15:28kung ikaw ay magsusupply
15:30ng isang kaban ng pakalay
15:31ng 50 kilos,
15:33at ito ay nabili mo
15:35ng sa halagang 50 kada isang kilo,
15:39ito ay 2,500.
15:40Pero kung itong palay na ito ay natuyo
15:43at ang naibenta mo lamang
15:44ay 40 kilos na lang,
15:46siyempre kung ibebenta mo pa rin ito
15:49ng 50,
15:50sa halagang 50 kada kilo,
15:52bawas na ang iyong mare-recover.
15:54So kakailanganin talaga
15:55na may karagdagan,
15:57i-go-gross up mo siya,
15:58at nang sa ganun,
15:59ay ma-recover mo pa rin
16:01yung halagang 2,500.
16:02So yan ang analogy natin
16:04pagdating sa system loss.
16:06Yung mga utilities kasi,
16:09yung dami o yung quantity
16:11ng kuryente na yan
16:12na dumating sa kanila,
16:14kapag ito ay isusupply na
16:16sa kanyang mga customer,
16:17bawas na dahil nga
16:18may mga technical
16:19at non-technical na losses
16:21na siyang nagpapababa
16:23doon sa kantidad
16:24o yung quantity
16:24na naibibenta niya
16:25actually sa kanyang mga customers.
16:27Tama po ba
16:28na ginawa ito
16:29para mainganyo
16:30yung mga negosyating
16:31mag-invest
16:32sa energy sector?
16:35Ito naman ay
16:36para lang mabawi.
16:37Merong mekanismo
16:39na kung saan
16:40nababawi
16:40itong costs
16:42associated
16:42with these system losses.
16:45Dahil nga
16:45ito ay
16:46pupwedeng
16:47may kapabayaan din
16:48ang mga utilities
16:49kaya't mayroon siyang
16:51cap
16:51na pinatutupad namin.
16:53Pero
16:53meron talagang
16:55porsyento
16:56ng mga system losses
16:57na talagang
16:58kahit ano pa
16:59ang gawin
16:59ng mga utilities natin
17:01ay hindi talaga
17:02nila ito
17:03may iwasan
17:03dahil talagang
17:04nangangawala yung kuryente
17:06kapag ito'y dumaloy
17:07sa linya niya.
17:08At sakaling may sa batas po
17:10itong pag-amyanda
17:11sa Epiralo
17:12gaano po kaya ito
17:13kabilis matanggal
17:14itong sinisingil
17:16sa mga consumers?
17:17Immediate naman
17:18po pwede natin
17:19na talagang
17:20ipahinto na
17:21ang pangungulekta
17:21ng system loss charge.
17:23Of course
17:23umaasa tayo
17:24na doon sa konsultasyon
17:26kapagka ito
17:28ay tatalakayin
17:29ay mapag-usapan din
17:30kung ano
17:31ang gagawin
17:32dito sa gastos na ito
17:33kung paano na ito
17:34mababawi
17:35ng kung sino man
17:36ang nag-incur nito.
17:38At sa ganon
17:39ay hindi naman din
17:40malagay sa alangan
17:42yung ating mga utilities
17:43at yung kanilang
17:44viability
17:45long term.
17:46Ayun nga po
17:47ano po magiging
17:47implication kaya nito
17:48dito sa ating
17:49mga operations
17:50and sustainability
17:51ng distribution facilities?
17:55Kung sila
17:56ang mag-absorb
17:58nung gastusin na ito
17:59una
18:00kakailanganin talaga
18:01na mapababaan nila
18:02ang kanilang
18:03aktual na system loss
18:04to the barest minimum
18:06ng sa ganon
18:07ay hindi naman
18:08napakalaking
18:09gastusin nito
18:09na sila
18:10ang mag-aabsorb
18:12dahil hindi na nila
18:12maaaring ipasa ito
18:14sa kanilang consumers.
18:15Yung pagpapasa naman po
18:17ng sariling
18:17kuryente act
18:18para mas maging
18:18abot kaya
18:19ang mga rooftop
18:20solar panels
18:20at battery storage
18:21na systems,
18:22gaano po ito
18:23ka-feasible
18:23at kabilis
18:24magagawa?
18:25Oo,
18:26ang komisyon naman
18:28ay nahanda
18:29na gawin
18:30kung ano
18:31ang
18:33tutukuyin
18:33na dapat niyang gawin
18:34pagdating sa
18:35pagpasaan
18:36ng mga batas na ito.
18:37But I understand
18:39ang mga batas na ito
18:41ay tumudukoy
18:41sa pagpapababa pa
18:43at pagpapabilis
18:44ng pag-install
18:46ng mga sariling
18:47generation
18:48facilities
18:49tulad ng solar
18:50at kung mayroon
18:52mang magagawa pa
18:52ang komisyon
18:53sa lalong
18:54pagpapa-streamline
18:55ng proseso
18:56ng pagkuhan
18:57ng permit
18:58sa aming tanggapan
19:00ay gagawin namin.
19:01Pero yung mga
19:02solar rooftop
19:03naman talaga
19:03na purely
19:04for household
19:05ito naman
19:06ay exempted
19:07na rin talaga
19:08sa pagkuhan
19:09ng certificate
19:09of compliance
19:10mula sa komisyon.
19:11So hindi na po
19:12kailangan
19:13ng mga permits
19:14kahit sino
19:15po pwede
19:15mag-install
19:15ng kanilang
19:16sariling
19:17rooftop panel?
19:19Oo,
19:19para sa amin
19:20ang mga
19:21self-generation
19:22facilities na ito
19:23for household
19:24for hospital
19:25for clinics
19:25nasasaklaw na siya
19:27nung exemption
19:28na nasa
19:29EPIRA IRR
19:30na hindi na sila
19:32kailangan
19:33pang kumuha
19:33ng certificate
19:34of compliance
19:35sa amin.
19:36Pero of course
19:36kung sila naman
19:37ay papasok
19:38sa mga
19:38arrangement
19:39tulad ng
19:40net metering
19:40mayroon naman tayong
19:42mga streamlined
19:44procedures
19:44nang sa ganun
19:46ay mapabilis din
19:47ang pagkuhan nila
19:47ng lisensya
19:48mula sa amin.
19:49Nabagit din po
19:50ng Pangulo
19:51yung paggamit
19:51ng nuclear power plant
19:52at napapanahon ba ito
19:53at gano'n po
19:54kahanda rito
19:54ang Pilipinas?
19:57Nagkaroon na naman tayo
19:58ng batas
19:59tungkol dito
20:00at ang komisyon
20:01ay nakikiparticipate
20:03doon sa mga
20:04pag-aaral
20:05na ginagawa
20:06kung ano
20:07ang magiging
20:08role
20:08ng aming tanggapan
20:10tungkol sa
20:10pagtatakda
20:11ng singil
20:12at sa pagpasok
20:14ng nuclear energy
20:15dito sa ating
20:16generation mix.
20:18Pakipaliwanag nga po
20:19mas nagbago na
20:19yung teknolohiya
20:20pagdating sa
20:20nuclear energy
20:21mas safe na ho ba
20:22ito ngayon?
20:23Paano natin
20:23ipapaliwanag
20:24sa taong bayan
20:25kung ipupursungan
20:26natin yung
20:26paggamit
20:27ng nuclear energy?
20:30Pagdating naman
20:31sa safety
20:31and other concerns
20:33ito naman
20:34ay nasasaklaw
20:36ng batas
20:36at mayroong
20:37mga pamantayan.
20:38Of course
20:38ito ay
20:39nasa ibang
20:40ahensya
20:41ang pangalaga
20:42tungkol sa
20:43mga ganitong
20:43usapin.
20:45Ang sa amin
20:45ay pagdating
20:46sa usapin
20:47kung magkano
20:48ang dapat
20:49na ipasisingil
20:50sa kanila
20:51kung sila
20:52ay makapagtatayunan
20:53ng mga planta
20:54at makapagsusupply sa ating grid.
20:58Okay, maraming salamat po sa oras na ibinahagi nyo sa Balitang Hali.
21:01Maraming salamat din, Rafi.
21:03Yan po si Energy Regulatory Commission Chairperson ator ni Francis Satornino Juan.
21:13Heto na ang latest ngayong Tuesday.
21:16Share your blessings ang eksena ni Barbie Forteza
21:19sa pagdiriwang ng kanyang 29th birthday.
21:24May advance birthday bash si Barbie sa isang orphanage sa Antipolis City.
21:29Sa tulong ng kanyang fans, ipinagdiwang ni Barbie ang kanyang kaarawan
21:33kasama ang ilang abandoned and abused children and teens.
21:37Masaya raw ang kapuso star na napasaya niya ang mga bata roon
21:40at isa raw yan sa mga motivation niya para ipagpatuloy ang pag-aartista.
21:45Chika niya sa akin dahil 29 na siya this Friday,
21:49expect a different Barbie daw sa kanyang upcoming projects.
21:52Kabilang ang Honor Thy Mother series na pagbibidahan nila ni megastar Sharon Conetta
21:57at ang pelikulang Saving Cherry kung saan may sexy version daw ni Barbie na mapapanood.
22:07A liberating experience for me.
22:10It's definitely a different Barbie, a wild Barbie that you have to watch out for
22:16as in medyo may mga sexy-sexy tayong magaganap.
22:23Sugata ng isang forma ng isang construction site sa Pasig matapos masaksak ng isang trabahador.
22:28Ang paliwanag ng naarestong trabahador sa Balitang Hatid ni E.J. Gomez.
22:34Dugo ang nakaupo ang isang lalaki sa labas ng isang construction site sa barangay Ugong, Pasig City nitong linggo.
22:42Ang 41-anyos na biktima, 4-man sa construction site na sinaksak-umano ng isa niyang trabahador ayon sa pulisya.
22:50Base sa investigasyon, nagiinuma ng mga construction worker at 4-man nang magkainitan ang dalawa sa mga trabahador kabilang ang
22:59pamangkin ng 4-man.
23:01Noong gina silang magkainindihan, yung suspect natin bumalik sa kanilang barhacks,
23:06pumuha ng kutilyo at yun saanang pagagamitin panaksak doon sa pamangkin ng biktima.
23:13Kaya lang itong pamangkin nakaiwas, kaya itong biktima natin na nasaksak, hirang tinamaan.
23:19Noong pagdating po namin, bali po nagkalat na rin po yung dugo.
23:24Meron na po siyang dressing, meaning meron na po nag-alalay sa kanya ng sugat malapit po sa kilikili po,
23:32sa kanang bahagi po ng dibdib. Approximately 3 inches yung pinaka-open wood.
23:39Isinugod sa ospital ang biktima na nalagay sa kritikal na kondisyon ayon sa kanyang kaanak.
23:45Kwento ng anak ng biktima, base raw sa pahayag ng ama.
23:49Napatayo po sila pa pa sa alabas ng pinto.
23:53Iba po dapat ang sasaksakin. Bigla po si Papa ang sinaksak at pinaghahabol po din yung mga katrabaho ni Papa
24:01ng saksak.
24:03Aawat lang po talaga dapat ang tatay ko kung sakali man pong may rambulan.
24:08Inaresto ng pulis siya ang 22-anyos na sospek.
24:12Na-recover sa kanya ang ginamit na patalim.
24:15Ayon sa sospek, hindi niya intensyon na saksakin ang kanilang foreman.
24:20Dume-pensa lang daw siya sa nag-amok na pamangkin ng biktima.
24:25Depends lang po ma'am. Yung nagampas ng bote, yun talaga una kumuha ng kutsilyo.
24:29Tinulak siya kasi ng pamangkin niya.
24:32Kaya napunta sa akin nun, kaya natamaan ng kutsilyo.
24:36Pasensya po. Saan nangyari po na ganun, na nasaksak po siya.
24:40Pero wala po akong balak na saksakin po talaga siya.
24:43Sa Pasig City Police Custodial Facility, nakadetain ang sospek na maaharap sa reklamong frustrated homicide.
24:51EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
25:00Patay ang isang senior citizen matapos hampasin ang kahoy sa barangay poblasyon sa Mangaldan, Pangasinan.
25:07Ayon po sa kaanak ng biktima, mag-isa lamang noon ang 85 anyos niyang hipag sa loob ng kanyang bahay.
25:14Na-recover ng mga otoridad sa crime scene ang ginamit ng kahoy sa krimen.
25:19Ayon sa polis siya, posibleng may kinalaman ang motibo sa pamamaslang sa natanggap ng biktima na cash gift bilang senior
25:26citizen.
25:27Mayroon na silang person of interest pero tumangging magbigay ng kanagdagang detalye habang nag-iimbestiga.
25:42Kinalakay ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang Sona ang binipisyong makukuha sa usap-usapang Artificial Intelligence Hub na itatayo sa
25:49Tarlac.
25:50May ambag daw ito sa ekonomiya at mga trabaho sa bansa.
25:54Iginitin ang Pangulo na patuloy na ipaglalaban ng gobyerno ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
26:00Balitang atin ni Tina Panganiban Perez.
26:05Pilipinos are a noble, kind, gracious, and great race.
26:11We are not greedy, we are not racists, we are not liars.
26:17Matapang ang mga huling salita ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikalimang State of the Nation address.
26:23Binigyan siya ng standing ovation sa kanyang tinuran.
26:27Hindi tinukoy ng Pangulo ang pinatutungkulan niya pero binanggit ang anyay banta sa dignidad at respeto sa sarili ng mga
26:36Pilipino.
26:36We are respectful and we are dignified.
26:42We are Filipinos and we do not yield.
26:51Kasunod niyan, iginiit ng Pangulo na patuloy na isusulong ng gobyerno ang 2016 Arbitral Award na nagpatibay sa mga karapatan
27:00ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
27:07Patuloy ang niyang gagamitin ang anumang mapayapa at legal na paraan laban sa mga magtatangkang sirain ang tagumpay na ito.
27:16We give honor to our armed forces, the Coast Guard, even our fisherfolk who all continue to patrol and plow
27:24our seas in the face of great risk.
27:27To them, we owe collective gratitude and appreciation for it is they who give life to the letter and spirit
27:35of the Arbitral Award.
27:37Bago iyan, itinampok ng Pangulo ang maayos na pakihipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa na magandaan niya ang
27:46bunga sa ekonomiya.
27:48Because of these international engagements, the Philippines now has 23 free trade agreements in force or under active negotiations with
27:57other countries.
27:58We have also maintained export competitiveness for our indigenous farm products such as ube, coconut, bananas, other tropical fruits.
28:07And we have now ventured into new and valuable ones like enoke mushrooms.
28:13Over the past three years, more than 6 trillion pesos in investments have been facilitated through our green lanes.
28:22These are estimated to create over 400,000 jobs for our fellow Filipinos.
28:29Isa sa ipinagmalaki ng Pangulo ang pakikibahagi sa Pax Silica Initiative na pinangungunahan ng Amerika.
28:36The Pax Silica Industrial Hub will create an ecosystem that will have AI at its core.
28:44It will bring quality jobs to our people, accelerate our industrial competitiveness and revitalize our economy.
28:51Pero patuloy ang pagpuna ng iba't ibang grupo saan nila'y hindi binabanggit na magiging epekto ng proyektong ito
28:59at maaaring idulot na pinsala sa mga lupain, kalikasan at kabuhaya ng mga magsasaka.
29:06Sa sektor ng edukasyon, sabi ng Pangulo, patuloy ang pagpapalakas sa senior high school curriculum.
29:14Patunayan niya ang tumataas na kalidad ng kolehyo sa bansa.
29:17Ngayon, 140 kolehyo ang pumasok na sa World University Rankings.
29:26At lagpas kalahati sa kanila ay state at local universities and colleges kung saan libre ang matrikula.
29:34Para mahikayat ang kabataan na magtapos ng kolehyo,
29:38ang tanggapan ng Pangulo ay naglaan ng 100,000 piso para si limang estudyante sa bawat barangay sa buong bansa.
29:45Sila ngayon ang ating presidential scholar.
29:50Sa mga mas batang mag-aaral, mabisang suporta, sabi ng Pangulo,
29:55ang nagpapatuloy na school-based feeding program.
29:58Sa programang ito, mapapakain natin ang mahigit apat at kalahating milyong kinder at grade 1
30:05at mga mag-aaral na grade 2 at pataas na mga lubos na nangangailangan ng nutrisyon.
30:14Higit pa sa maayos na edukasyon na nawagan ng Pangulo sa pagpapaiigting ng proteksyon sa mga bata.
30:21We must protect them from the harmful influences and forces that exploit their vulnerability.
30:29The corrosive influence of fake news,
30:33the unfettered exposure to pornography, even to minors,
30:37the constant depiction of casual violence,
30:41and the toxicity and hate culture pervasive in social media.
30:45These pernicious influences lead to issues of their mental health,
30:50rise in teenage pregnancies and HIV-AIDS cases,
30:54and other extremely harmful consequences.
30:56Nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulo sa mga magulang at kaanak na mga mag-aaral na nasawi sa karahasan.
31:04Kabilang dito ang mga biktima ng pamamaril sa isang high school sa Tacloban City.
31:09To the parents of Chris Lawrence Fabian, Joyancy Separa, and Ayesa Nicol Dazzo,
31:18we are all so very proud of the unflinching bravery and heroic virtue that you have instilled in your children.
31:25They are an inspiration to us all.
31:28Their courage and their selflessness,
31:31true Filipino qualities, are the virtues that these trying times call for.
31:36Binigyang diin ng Pangulo na ang pagtutulungan ng pamahalaan, law enforcement, komunidad,
31:43at Department of Education para sa siguridad ng mga paaralan.
31:48Siniguro ng Deped na nakahanda, gumagana, at alam ng lahat ang mga mekanismo at proseso
31:55sa pag-ulat, sa pagtugon sa mga insidente ng bullying,
31:59pati na sa mga iba't ibang emergency, sa tulong ng unang batch ng 10,000 school counselor associates
32:07na ipapasok natin sa mga pampublikong paaralan,
32:11ang mga anak natin ay meron ng malalapitan para sa angkop na payo sa anumang mabigat na pinagdadaanan sa kanilang
32:19isipan.
32:19Pinuri ng Pangulo ang kadakilaan ng mga guro at ibinida ang binuksang mahigit 30,000 posisyon para sa kanila.
32:27Pinangako ko noong nakalipas na SONA na walang magre-retirong guro na Teacher 1.
32:34Ngayon, mahigit 80,000 guro at school head sa pampublikong paaralan
32:40ang napromote gawa ng ating expanded career progression.
32:48To dramatically increase the traditional annual production output of Deped,
32:53we have activated force multipliers in addressing classroom storage.
32:57Tapping the DPWH, PAGCOR and the LGUs as additional production arms.
33:04Sa pagtatapos ng kanyang kalumpati, binigyang diindi ng Pangulo ang pagkakapit-bisig
33:10sa gitna ng anyay mga banta sa siguridad sa loob at labas ng bansa.
33:15Sa mga pang-aalipusta, hindi tayo matitinag.
33:20Sa manlulupig, hindi tayo pasisiil.
33:23Tina Panginiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
33:29Hindi raw nanood si Vice President Sara Duterte sa State Catenation Address
33:33ni Pangulong Bongbong Marcos kahapon.
33:36Hindi ako nanowork na ang zona like last year.
33:42And wala akong planong basahin ang nilalaman ng zona o kahit man lang summary
33:49dahil I truly believe it is a waste of time about the Filipino people.
33:57Sinabi yan ng Vice sa Dahig, Netherlands matapos bisitahin ng amang si dating Pangulong
34:01Rodrigo Duterte na nakakulong sa detention center ng International Criminal Court.
34:05Sabi pa ng Vice, hindi siya umaasang makukulong ang pinsa ng Pangulong
34:09si dating House Speaker Martin Romualdez.
34:11Binalik ka ni VP Sara ang sinabi ng Pangulo noong 2025 na may makukulong daw
34:16kaugnay sa flood control scandal bago magpasko.
34:19Bagay na hindi yan, yan ang nangyari.
34:21Kinukuha pa ang reaksyon dito ng Malacanang.
34:26Sinabi ng Pangulo kahapon na ang edukasyon ang nangunguna sa kanyang administrasyon.
34:30Taugnay niyan, makakapanayin po natin si 2nd Congressional Commission on Education
34:34o EDCOM 2 Executive Director, Carol Marquis.
34:38Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halid.
34:41Good morning Ms. Connie.
34:42Thank you for having us to talk about the zone of the President yesterday.
34:45Yes sir.
34:46Ito nga po nga, satisfied po ba kayo sa mga nabanggit ng Pangulo sa kanyang zona
34:50pagdating po sa education sector naman?
34:53Of course we are glad na sinabi pa rin ang Pangulo, inulit niya,
34:56na priority niya, pinakamataas na priority niya ang education
35:00tulad ng sinabi niya last year sa SONA.
35:02Tapos welcome din naman yung expanded career progression
35:05na napromote na yung mga teachers natin finally,
35:07na dati ay 12 years.
35:09Tapos sinabi din niya yung importance ng TVET
35:11at ang kalagahan ng skills development.
35:13Kasi magandang pag-enlighten yan sa ating kabataan.
35:16Pero syempre, may mga hinahanap tayong sagot.
35:19Yes, na-expand po natin ang school-based feeding program.
35:23Ang ugat po nito ay stunting sa first 1,000 days.
35:27So 0 to 2 years old.
35:28At doon po medyo kulang pa yung atensyon at talagang trabaho natin.
35:32Nakita po natin for the first time in decades,
35:34umakyat ulit ang stunting rate natin to 25%.
35:37Ang mahirap po sa stunting, irreversible ito pagdating sa damage,
35:41sa cognitive development.
35:42So maganda na lumalawak yung mga feeding programs.
35:46Pero yung first 1,000 days, ito po ang pinakamahalaga pagdating sa nutrition.
35:50Ikalawa, hinahanap din po natin.
35:52And we were looking forward to hearing more of the President's directions
35:55when it comes to illiteracy.
35:56Kasi we are still in a learning crisis.
35:59Lumabas po sa datos ng DepEd na yung grade 11 noong February,
36:0388% of them are struggling readers, still cannot read for their grade level.
36:08So ano yung plano, direksyon, ano yung urgency natin para maiayos ito
36:12at matulungan ang ating mga studyante.
36:14Doon po medyo naghahanap pa po tayo ng sagot.
36:17Oo. You've mentioned yung first 1,000 days ng isang bata ay napakahalaga
36:21para hindi magkaroon ng stunting doon sa growth nila.
36:24Yes.
36:25And this is a whole government approach.
36:27Ano ang tulong na ibinibigay naman sa inyo ng DOH patungkol po dito?
36:33Yung DOH po, kausap natin for several months.
36:36Actually, halos isang taon na tayo nag-uusap.
36:38Pero sa totoo lang, kailangang umupo ng sama-sama
36:41ng DOH, NNC, DILG at ng DSWD at DepEd
36:45para talagang kumpunihin yung iba't-ibang aspeto nito.
36:48Kasi malaki nito ang bahagi sa DOH at NNC
36:51tapos yung mga LGUs.
36:53Pero nung kausap po natin sila,
36:55marami pa rin confusion.
36:56Sino ba ang bibili?
36:57Sino ba ang gagastos?
36:59Sino ang magpo-procure?
37:00Sino ang magbibigay sa mga bata at mga magulang?
37:04Paano hahanapin yung mga magulang?
37:06Marami pang question mark sa implementation ng batas.
37:09Kaya marami pang kailangan gawin ang DOH para tutukan ito
37:12bilang chair ng National Nutrition Pantil.
37:15O nga po, itong checklist po ninyo kasama sa
37:17hindi ho nabanggit yung konkretong aksyon
37:19para mabawasan ang admin work ho ng mga guro.
37:22Hindi pa rin ho ba yun nare-resolve ba?
37:24Kasi apart from this issue with DOH din
37:27and then ito pa ho yung sa guro naman.
37:29Opo.
37:30Yes ma'am.
37:31To be fair, marami na pong nagawa yung administration
37:34na sa ngayon, sa taong ito,
37:37bawat school, may isa ng admin officer
37:39na tutulong sa mga teachers at principals.
37:42Pero isa lang po yun per school.
37:43So kulang na kulang pa yan,
37:45lalo na sa mga malalaking schools
37:46na talaga maraming estudyante, maraming paperwork.
37:49So yung mga teachers na kausap po natin,
37:51hinihintay pa talaga nila
37:53na maramdaman yung buong ginhawa
37:55sa pamamagitan ng pagdulot ng admin officers
37:58o pagpapadala ng admin officers.
38:00Tapos yung pagbabawas ng school forms
38:02mula 174 school forms,
38:05naging 75.
38:06Pero ang sabi ng mga guro,
38:08medyo madami pa rin daw.
38:09So yung mga kailangan natin siya sa atin,
38:12aling bang mga forms ang talagang medyo mabigat gawin
38:14ang mga guro.
38:15Kasi sinasabi nila,
38:16hirap pa rin sila
38:17at hindi pa rin makapag-focus sa pagtuturo.
38:20Okay.
38:20So sa nalalaming dalawang taon po
38:22ng Pangulo sa pwesto,
38:23nakikita ho ba natin na talagang
38:26mapapatupad pa kaya any of these programs po
38:29na nakakakaroon po kayo ng challenges?
38:31Yes, yes.
38:32We are hopeful
38:33because obviously with the hard work
38:34of DepEd, Chad, TESDA
38:36and the commitment of the President
38:37and also the strong support for education
38:40in both houses of Congress,
38:41talagang pinakamataas na budget
38:43para sa edukasyon this year.
38:45Tapos wala pong tikil yung trabaho
38:46ng maraming leaders natin
38:48tungkol sa edukasyon.
38:49Ang sana lang po,
38:50talagang tanggapin natin,
38:51hindi business as usual.
38:53We need to work with urgency.
38:55Kailangan mas bumilis pa po
38:57sa implementation
38:57kasi napakarami po natin hinahabol.
39:00Dekadang mga problema
39:01ang hinahabol natin
39:02pagdating sa stunting,
39:03pagdating sa illiteracy,
39:05pagdating sa pagde-deliver ng textbooks
39:07para sa bawat estudyante
39:08na hinahanap pa rin po
39:10ng ating mga teachers
39:11at ng mga mag-aaral
39:12yung Inclusive Education Act
39:14tsaka yung Anti-Bullying.
39:15Lalo na po doon sa balita nga po
39:17na pinakita kanina
39:18about yung school violence
39:20tsaka yung bullying
39:21na nangyayari sa schools.
39:22Hindi pa rin po fully na-implement
39:24yung revised guidelines
39:25ng Anti-Bullying Act.
39:26So inaasahan po natin
39:28na sana mas lumalim
39:29at talagang maging efektibo
39:31yung implementation nito
39:32para magiging ligtas
39:34ng mga lugar
39:34ang ating paaralan.
39:35Alright, marami pong salamat
39:37sa inyong oras
39:37na ibinahagi sa amin.
39:39Thank you, Ma'am Connie.
39:40Salamat din po
39:40sa lahat ng nakikinig
39:41at champions ng edukasyon.
39:42Yan po naman si Edcom 2,
39:44Executive Director
39:45Carol Marquis.
39:51Pagalagalang lalaking yan
39:52na may dalang dalawang patalim
39:53sa isang intersection
39:54sa Paris, France.
39:56May nakasaksi sa kanya
39:57umanong pananaksaks sa isang babae
39:59kaya agad natawag ang pansin
40:00at binalaan
40:01ang maraming pedestrian.
40:03Ang ilang bystander sa lugar,
40:04lakas loob na kinuyog
40:06at kinuli ang lalaki.
40:08Isa rin na ka-off-duty na polis
40:10ang rumisponde.
40:11Ayon sa polis siya,
40:12may dalawang iba pang babaeng
40:13na saksak ang nasabing lalaki.
40:15Patuloy pang inaalam
40:16ang pagkakakilala ng suspect
40:17at ang motibo sa krimen.
40:25Patayang isang batang
40:27apat na taong gulang
40:28matapos matrap sa nasusunog
40:29nilang kwarto sa Talisay, Cebu.
40:31Ayon sa Talisay Fire Office,
40:33natutulog ang biktima
40:34kasama ang kanyang batang Kyuhin
40:35nang magsimula ang apoy
40:37sa hinihinalang
40:38nag-overheat na clip fan
40:40sa loob ng kwarto.
40:41Napansin ang isang kapitbahay
40:43ang sunog.
40:44Nang saklulohan,
40:45hirap silang buksan
40:46ang kwarto dahil
40:47nakalak yun sa loob.
40:49Nasawi po ang biktima
40:50dahil sa matinding lapnos
40:52sa halos buong katawan.
40:54Sukata naman
40:55ang kasama niyang Kyuhin
40:56na anim na taong gulang.
41:01Parehong bumaba
41:02ang performance at trust rating
41:03si na Pangulong Bongbong Marcos
41:05at Vice President Sara Duterte.
41:07Batay sa pinakabagong tugon
41:08ng masa survey
41:09ng Okta Research Group.
41:11Sa survey
41:12na isinagawa nitong
41:12July 4 hanggang 11,
41:14bumaba ng walong puntos
41:15ang performance rating
41:16ng Pangulo.
41:1747% itong mula sa 55%
41:20noong March 2026.
41:23Bumaba naman
41:24ng limang puntos
41:24ang performance rating
41:25ng Vice,
41:2645% mula sa dating 50%.
41:29Sa trust rating naman,
41:31limang puntos
41:32ang ibinabaan
41:33ng Pangulo
41:33na nasa 49%
41:34mula sa 54%
41:36noong Marso.
41:37Ang trust rating naman
41:38ng Vice,
41:39bumaba ng walong puntos
41:41na nasa 47%
41:42mula sa 55%.
41:44Ayon sa Okta Research Group,
41:46ginawa ang survey
41:47sa panahon na sinimulan
41:48ang impeachment trial
41:49sa Vice,
41:50inaresto
41:50si Sen.
41:51Rodante Marcoleta,
41:52tumaas ang presyo
41:53ng mga produktong
41:54petrolyo at kuryente,
41:56mataas ang inflation rate
41:57at may bagyong inday.
41:59Ang survey ay may
42:001,200 respondents
42:02at may plus-minus 3%
42:03margin of error
42:04at non-commissioned
42:06o walang nag-commission
42:07para gawin ang survey.
42:09Ayon sa Malacanang,
42:10lumalabas ang totoo
42:11sa mga survey
42:12at dapat makita
42:13ng mga Pilipino
42:13kung sino
42:14ang tunay
42:15na nagtatrabaho.
42:16Wala pang pahayag
42:17ang Office of the Vice President
42:18tungkol sa resulta
42:19ng Okta Research Survey.
42:23Update po tayo
42:24kaugnay sa mga hinuli
42:25sa mga kilos petesa
42:26sa Sona kahapon.
42:28May ulit on the spot
42:29si June Veneracion.
42:30June?
42:32Connie,
42:32nai-turnover na sa BSWD
42:34ang labing dalawang
42:35individual
42:35nakasama sa mga inilagay
42:37sa police custody
42:38matapos ang mga
42:39isidente kahapon
42:40na may kaugnayan
42:41sa Sona.
42:42Ito'y matapos
42:43mapatunayan
42:43ng mga minority edad
42:44ang mga ito.
42:45Ang tatlong puta
42:47siyam na iba pang
42:47naaresto
42:48ay hawak pa rin
42:49ng pulisya.
42:50Siyam sa kanilang
42:51inaasahang
42:51sasampahan
42:52ng mga reklamo
42:53gaya ng
42:53obstruction of justice
42:54at malicious mischief.
42:57Sabi ng
42:57Quezon City Police District,
42:59ipapaubayan na lang nila
43:00sa prosecutor's office
43:01ang pagtimbang
43:03sa mga ebidensya.
43:04May mga nakita na raw
43:05o may mga nakita raw
43:07ng paglabag sa batas
43:08kaya nagsagawa sila
43:09ng pag-aresto.
43:10Sabi ni QCPD Chief,
43:11Brigitte General,
43:12Randy Glenn Silvio.
43:14Samantala,
43:15patuloy naman
43:15ang pag-iimbestiga
43:16ng PNP
43:17sa mga
43:17o sa pagsabog
43:19ng improvised explosive
43:20device
43:20sa labas ng main entrance
43:21ng Department of Justice
43:22at pagkakarecover
43:24ng isa pang IED
43:25malapis sa Senado
43:26kahapon.
43:27Sabi ni Colonel
43:28Alan Reiko,
43:29Acting Chief
43:29ng Public Information
43:30Office ng PNP,
43:32wala na silang
43:32nakikitang
43:33ano pang banta
43:35sa DOJ
43:36at sa Senado.
43:37Parangakot pa rin
43:38ang nakikitang motibo
43:39sa talawang insidente
43:40sabi ng PNP.
43:41Nakot na ng sinabi
43:42ni PNP Chief
43:43Jose Medencion
43:43Artates Jr.
43:45na walang shrapnel
43:46ang mga ginamit
43:47na IED.
43:48Balik Sir Tony.
43:49Marami salamat
43:50June Veneracion.
43:53Bistado ang iligal
43:54na operasyon
43:55ng pagsasali
43:56ng ilang produktong
43:56petrolyo
43:57sa Lucena,
43:58Quezon.
43:58Nahuli sa akto
44:00ng pulisya
44:00ang labing tatlong tao
44:01na isinasali
44:02ng petroleum products
44:03mula sa tanker trucks
44:04papunta sa
44:05plastic containers.
44:07Isinasali naman
44:08ng LPG
44:08sa mga tangke.
44:09Nasa bat sa compound
44:11ang nasa
44:11labing anin
44:12na milyong pisong
44:12halaga ng petrolyo
44:13at LPG products.
44:15Arestado naman
44:16ng mga suspect
44:17na nasa
44:17kustudiya na
44:18ng mga pulis.
44:19Wala silang
44:20pahayag.
44:22Sa gitna naman
44:24ng impeachment trial,
44:25nanindigan si Vice President
44:26Sara Duterte
44:27na hindi siya
44:27magbibitiw
44:28sa pwesto.
44:31Never gonna happen.
44:34Hindi ako mag-re-resign
44:38dahil yun ay
44:40parang
44:41betrayal
44:41sa 32.2 million
44:44na mga
44:46kababayan natin
44:47na bumodo sa akin.
44:49Kung gusto ni BBM,
44:50tanggalin niya ako.
44:51Gawin niya ang lahat.
44:52Tanggalin niya ako.
44:53Sinabi yan ng Vice
44:55nang dumalo siya
44:55sa programa
44:56para sa Filipino
44:57community sa London
44:58itong Sabado.
44:59Sinisika pang
45:00makuha ang reaksyon
45:01diyan ng Pangulo
45:02at ng Malacanang.
45:06Binisita ni Armed Forces
45:07of the Philippines
45:08Chief of Staff
45:09General Antonio
45:09Nafarete
45:10ang Western Command.
45:11Yan ay para alamin
45:12ang kasalukuyang sitwasyon
45:14at kahandaan
45:14ng mga tauhan
45:15at kilalanin
45:16ang kanilang serbisyo
45:17sa pagbabantay
45:18sa West Philippine Sea.
45:20Iginawad ni Nafarete
45:21ang Wounded Personal Medal
45:22sa dalawang tauhan
45:23ng Westcom
45:24na nasugatan
45:25sa insidente
45:25sa Ayungin Shoal
45:26sa West Philippine Sea.
45:28Ginawaran din niya
45:29ng Meritorious Achievement Medal
45:30ang Westcom Team
45:31bilang pagkilala
45:32sa matagumpay
45:33na operasyon
45:34at mahusay
45:35na koordinasyon
45:36ng command.
45:43Si non-presah
45:44ni Born to Shine
45:45star Kobe Brown
45:46ang co-star niyang
45:47si Olive May
45:48sa kanyang
45:48recent fan meet.
45:50Napuno ng hiyawan
45:52at kilig
45:52ang venue
45:53ng mag-duet
45:54ang sparkle artists.
45:55Layag na layag
45:56ang tambalang
45:57JC at Megan
45:58na kinakikiligan
46:00sa serye.
46:01Chika ni Olive
46:02well-appreciated
46:03ang pagpunta
46:03ni Kobe
46:04pati na
46:04ang effort
46:05ng fans
46:05para makapag-bonding
46:07sila
46:07even just for a day.
46:09Extra grateful siya
46:10sa feedback
46:10na natatanggap
46:12para sa kanyang karakter
46:13na hindi lang daw
46:14basta kontrabida.
46:15Si Kobe naman
46:16mas na-appreciate rao
46:17ang kanilang nagagawa
46:19sa series
46:19para makapaghatid
46:21ng saya
46:21sa mga manonood.
46:24I felt so grateful
46:25na
46:27I get to do this job
46:28and I get to make
46:29people happy.
46:31You know,
46:32people don't really
46:32get this opportunity
46:33and you just need
46:35to make the most
46:36out of it
46:36and you always
46:37have to give back
46:38to the people
46:38who support you po.
46:39I am happy
46:40na they do understand
46:41my character
46:42kasi I
46:43can say na
46:44Megan is a really
46:45beautiful character.
46:46With floss,
46:47she's trying naman
46:48her best
46:48to really
46:50achieve her dream.
46:52Speaking of fan meets,
46:54isang fun-filled
46:54afternoon din
46:55ang pinagsaluhan
46:56ng Miyako Cuties
46:58at ni Jing
46:59ng Born to Shine
47:00na si Ralph Miyako.
47:01Game na kumasa
47:02si Ralph
47:02sa exciting games
47:03at hatawan
47:04sa dance floor.
47:06Naka-selfie rin
47:06ng lucky fans
47:07ang kanilang idolo.
47:09Abangan si na Kobe,
47:10Olive at Ralph
47:11sa mas tumitindi pang
47:12mga eksena
47:13sa Born to Shine
47:142.30pm
47:15sa GMA
47:16Afternoon Prime.
47:23Abay,
47:24dahil tag-ulan po
47:25importanteng maging
47:26handa anytime,
47:27anywhere.
47:28Payong,
47:29kaibigan lang,
47:29abay,
47:30gawing ugali
47:30ang pagdadala
47:31ng payong.
47:32Kung takot mabasa,
47:33gayahin nyo
47:34ang mga bida namin
47:35from Kaloocan.
47:38Ulan ka nga,
47:39may mabisang panangga
47:40naman ng tatay,
47:41New Super Joey May
47:43T. Reyes.
47:44May dalang nga
47:45payong si Papa
47:46na hindi
47:47papatalo
47:48sa laki.
47:49Galing dinner noon
47:50si U.
47:50Scooper Joey,
47:51isang kapatid,
47:51isang pinsan
47:52at isang kaibigan.
47:53Dahil inabutan ang ulan,
47:55to the rescue si Papa,
47:57dala ang giant umbrella.
48:00Silong na silong
48:01si friend
48:02at ang pamilya
48:03at may space pa yata
48:04para sa lima.
48:06Ang extra large na payong
48:08simbolo
48:08ng extra-extra
48:10pagmamahal
48:11ng isang haligan
48:12ng haligi ng tahanan.
48:13Deserve ang spotlight
48:15bilang
48:17main character.
48:18Ay, gagawin ko rin yan
48:19kung ayaw ko mabasa.
48:20Oh, laki lang pa yan.
48:22Ganyang kalaki din
48:23ang pagmamahal
48:23ni tatay.
48:24Yan po ang may
48:25init na balita.
48:26Ngayong tanghali,
48:26ako po si Connie Cison.
48:28Rafi Tima po.
48:28Saman nyo rin po ako,
48:29Aubrey Caramper.
48:30Ito po ang GMA News.
48:31Walang kinikilingan,
48:32walang pinoprotektahan.
48:33Noon at ngayon,
48:34serbisyong totoo.
Comments