Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita ngayong October 1, 2026




-Lalaki, nagnakaw ng P20,000 cash, e-bike, at iba pang mamahaling gamit sa isang bahay


-PAGASA: Bagyo sa Pacific Ocean, lumakas bilang Tropical Storm; walang direktang epekto sa bansa


-Ilang residente at negosyo, dumidiskarte sa pagtitipid ng tubig dahil sa posibleng bawas-supply ngayong Oktubre; 


-Mga patay na baboy, natagpuan sa tabing-ilog; hog trader na nagtambak, sasampahan ng reklamo ng LGU


-P20.4M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa buy-bust sa Brgy. Pababag; isa, arestado


-Truck na nawalan umano ng preno, humambalang sa kalsada at nagdulot ng matinding traffic


-Lalaking nanampal umano ng kapitbahay, kinuyog; Malabon Police: Lalaki at kapitbahay niya, nag-away dahil sa parking ng tricycle; 


-Carlo Paalam, panalo sa world champion na si Makhmud Sabyrkhan; pasok na sa gold medal round;

-3 petisyon na kumuwestyon sa pagbabago sa botong kailangan para ma-convict si VPSD, ibinasura ng Korte Suprema; Ilang petitioner, posibleng iapela ang desisyon


-20-anyos na lalaking nagnakaw umano ng mga piyesa ng sasakyan, patay matapos barilin ng kanya umanong biniktima


-LTO: Memo para bawian ng lisensya ang mga motoristang makaka-aksidente sa pedestrian lanes, ipinababalangkas na


-Lalaki, patay matapos maanod at malunod sa ilog


-Babae, hinoldap ng 4 na menor de edad na lalaki; natangayan ng cellphone at ATM cards;
3 sa apat na menor de edad na nangholdap sa isang babae, nasa kustodiya na ng pulisya


-Rodulfo Gracioso, Jr.: Perang ipinahatid ni dating Speaker Velasco sa ilang politiko, galing kina Zaldy Co at Rep. Miro Quimbo; 

-Talent manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila, bumuwelta sa mga pahayag ni Patrick Garcia


-Sari-Sari Store, nakatanggap ng pekeng P1,000 mula sa isa nilang customer;
Paalala ng BSP sa publiko ngayong Ber months: Tandaan ang "Feel, Look, at Tilt" method para iwas-pekeng pera


-DTI, humihingi ng dagdag-pondo para matugunan ang mga reklamo sa mga substandard na paninda online


-Alex Eala, kabilang sa 2026 Most Influential Rising Stars ng Time Magazine; Fil-Am actress na si Isa Briones, kabilang din sa 2026 Most Influential Rising Stars ng Time Magazine


-INTERVIEW: EJ OBIENA, POLE VAULTER


-Camarines Sur, isinailalim sa State of Calamity dahil sa dengue cases


-"Mono No Aware," Big winner sa CinePanalo Film Festival Awards Night 2026; Mala-beauty pageant moment nina Xyriel Manabat at Sassa Gurl sa awards night, kinaaaliwan



For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Category

🗞
News
Transcript
01:00Nagpabalik-balik daw ang lalaki sa loob ng dalawang oras.
01:04Una niyang kinuha yung isang bike tapos inilabas niya.
01:09Dinlagay niya dun sa bakanting lote sa harap na madilim.
01:11Tapos pumasok uli siya.
01:13Nilabas niya uli yung isang bike.
01:15Dinala niya uli dun.
01:16Muling pumasok ang lalaki, nasuot na ang isang itin na branded jacket na kanya rin ninakaw ayon sa biktima.
01:24Kinuha pa niya ang iba pang gamit sa garahe, kabilang isang trolley ng assorted tools na nagkakahalaga ng 20,000
01:32pesos.
01:33Nakaakyat din ang lalaki sa second floor at pinasok ang ilang kwarto.
01:37Yung kwarto na yun, ginulugulo niya talaga lahat.
01:41Kinuha niya yung wallet ng mother ko.
01:46Pero iniwanan din niya, kinuha lang niya yung cash worth 15,700.
01:50At dinala rin yung laman ng alkansya ng pamangking ko, around 5,000 pesos.
01:56Pati bariya, kinuha eh.
01:57Hindi pinalampas pati t-shirt at rosario.
02:01Kinuha rin ng lalaki ang apat na pares ng branded shoes, damit at pabango na nasa 80,000 pesos ang
02:08halaga.
02:09Tumakas siya sakay ng tinangay na e-bike na nagkakahalaga naman ng 100,000 pesos.
02:16Ayon sa biktima, ang 73 anyos niyang ina at tatlong pamangkinang nasa bahay nang mangyari ang insidente.
02:23Inireport na nila sa barangay at pulisya ang pagdanakaw.
02:26Anong kinik po namin sa CCTV na yung tao eh, hindi namin masyado talagang mamukaan.
02:35Kaya posibleng dayo po siya para makapaggawa ng ganun.
02:40Kasi hindi po natakot sa CCTV eh.
02:43Eh, ang dami CCTV po eh. Palibot.
02:45Na-recover ang dalawang folding bike na iniwan ang sospek sa bakanting lote na tapat ng ninakawang bahay.
02:52Patuloy ang investigasyon ng binangon ng polis sa insidente.
02:56E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
03:07Lumakas bilang tropical storm ang binabantayang bagyo sa Pacific Ocean.
03:11Ayon sa pag-asa, Choi Wan ang international name ng bagyo.
03:15Huling namantaan niyan, mahigit 2,000 kilometro silangan ng Central Luzon.
03:19Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour.
03:24Base sa pinakahuling forecast, hindi papasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
03:29Sabi ng pag-asa, wala rin itong direktang epekto sa lagay ng ating panahon sa mga susunod na araw,
03:34maliban sa trough o extension nito na magpapaulan na sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao,
03:40particular sa Eastern Visayas, Caraga Region, Davao Region at Northern Mindanao.
03:45Sa mga tagarihan, maging alerto po sa bantaan ang Bajao Landslide.
03:50Local thunderstorm naman ang aasahan sa iba pang bahagi ng bansa, kasama na ang Metro Manila.
03:55Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa ilang panreg ng Cebu, Bohol at Eastern Samar.
04:01Asahan ng bigla ang ulan na may pagkulog at pagkidlat hanggang 11.34 ngayong tanghali.
04:08Bilang paghahanda sa El Niño, tipid-tipid muna ang ilang residente at negosyo dahil sa posibleng bawas supply ng tubig
04:15sa Metro Manila.
04:17Ang isang kalenderiya sa Caloocan sa halip na pa isa-isang paghugas ng pinggan iniipon at pinagsasabay-sabay na ito.
04:23Reusing ng tubig naman ang diskarte ng isang residente.
04:28Ginagamit inang pambuhon sa CR ang tubig na ginamit sa paglaba.
04:32Todo-ipon na rin sila ng tubig sa mga drum.
04:34Ayon sa National Water Resources Board, posibleng ibaba ngayong buwan ang alokasyon ng tubig ng Metropolitan Water Works and Sewerage
04:41System o MWSS sa 44 cubic meters per second.
04:46Mas mababa ito kumpara sa normal na 50 hanggang 53 cubic meters per second.
04:51Umaasa po ang MWSS sa tubig na isinusupply ng Anggat Dam na pangunahing pinagkukuna ng tubig ng mga taga Metro
04:57Manila.
04:58Pakiusap ng NWRB sa publiko maging responsable sa paggamit ng tubig.
05:05Sa parte ng publiko at mga industries na rin po, ay mas maganda pong pagtulungan natin ito at gumamit ng
05:16mga maging responsable sa paggamit ng tubig.
05:20Ayusin po yung mga tagas natin sa mga kabahayan o ating mga opisina.
05:31Pasintabi po sa mga kumakain. May mga patay na baboy na nadeskubre yung itinambak sa tabing ilog sa Pozo Rubio,
05:37Pangasinan.
05:38Ayot sa Pozo Rubio Municipal Veterinary Office, nasa tatlo hanggang apat na araw ng patay ang mga baboy, kaya naaagnas
05:45at nangangamoy na.
05:47May mga nakita rin tinaptad na karne na itinapon din malapit sa ilog.
05:51Sabi naman ng lokal na pamahalaan, hindi nagmula sa kanilang bayan ang mga itinapon na patay na baboy na galing
05:56daw sa hog trader sa ibang lugar.
05:59Sasampahan daw ng LGU ng reklamo ang hindi pinangala ng trader.
06:03Ipinagbawal na rin ang lokal na pamahalaan ang pagpapapasok ng mga karning baboy mula sa ibang lugar para protektahan ang
06:09kabuhayan ng hog racers sa naturang bayan.
06:14Mahigit 20 milyong pisong halaga ng hinihinalang siyabuang nasabat sa by-basta operasyon sa Bunggaw, Tawi-Tawi.
06:20Ayon sa mga otoridad, nakatunog ang mga target na mga pulis ang kanilang katransaksyon itong lunes sa barangay pababag.
06:26Nagkaroon ng barilan at tumakas ang mga suspect.
06:30Naaresto kalauna ng isang lalaking alias Bradel dahil sa iligal na pagmamayari ng baril.
06:35Sharib ang itinuro nag-abot ng iligal na droga sa operatibang Pusurbayer.
06:40Nahaharap ang suspect sa mga reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
06:47Sinusubukan pa siyang makuhanan ng pahayag patuloy ang pagtugis sa kanyang mga kasama.
06:55Huli kam sa Antipolo City.
06:57Nawala ng kontrol ang truck na yan sa pakurbang bahagi ng kalsada sa barangay San Jose.
07:03Lumihis ito at muntik pang tamaan ng isang motorsiklo at isang tricycle.
07:07Tumigil naman ang truck pero humambalang sa kalsada kaya nagdulot ng matinding traffic.
07:12Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
07:14Ayon sa Public Information Office ng Antipolo City, nawala ng preno ang truck.
07:20Natikita ng driver dahil sa reckless driving.
07:22Wala siyang pahayag.
07:24Agad namang naiali sa lugar ang truck.
07:28Huli kam sa Malabon ang pagkuyog sa isang lalaki.
07:32Nagpaputok kasi siya ng baril na nagawa lang daw niya para ipagtanggol ang anak.
07:36Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
07:42Kinuyog ng mga residente ang isang lalaki sa University Avenue sa barangay Potrero Malabon, Martes ng gabi.
07:49Bukod sa mga lalaki, may mga babae ring sangkot.
07:52May isa pang may hawak na bata.
07:55Pinagtulong ang bugbugin ang 48 anyos na si Alias Ediboy dahil sinampal umano niya ang lalaking kapitbahay na si Alias
08:02Patrick.
08:03Ayon sa pulis, bago ang nahulikam na rambulan, nag-away muna si Alias Ediboy at Alias Patrick dahil sa parking
08:10ng tricycle.
08:12Nakaparada po rito yung tricycle ng biktima.
08:15Dumating daw po yung anak ng sospek at pilit pong pinaabante yung nakaparadang tricycle ng biktima.
08:22Pero hindi po pumayag yung biktima kasi dito naman daw talaga siya pumaparada.
08:27Isinumbong ni Alias Patrick sa amaang pananampal umano ni Alias Ediboy.
08:31Kaya kinumpronta ng kanyang amaang nanakit.
08:34Naglabas din siya ng baril.
08:36Sa Potrero, kinumpronta niya yung Ediboy.
08:39Akala niya, kukuyugin siya dun.
08:41Ngayon, bumunot yung sospek natin ng baril para paputukan si Ediboy.
08:46Kaso ang ginawa, tinutok yung baril sa itaas lang.
08:50Pagdating dito, gumit-git siya dun sa gilid.
08:53Dun siya may hawak palang baril.
08:56Ngayon, tinutukan na kami isa-isa.
08:58Ano, sige, lapit kayo, lapit kayo.
09:00Ayon sa pulis, matapos magpaputok ng baril, kinuyog siya ng mga residente bago tumakas.
09:06Kalaunay sumuko siya sa pulis.
09:08Siya.
09:08Siya mismo sumuko para iaminin yung mga ginawa niyang kasalanan.
09:15Aminado ang sospek sa nagawa pero iginiit na hindi niya intensyong mamaril.
09:20Siyempre bilang ama lang.
09:21Ganon, galit.
09:23Okay na, hindi ko intention.
09:24Na-recover ang isang basyo ng bala sa crime scene pero hindi na na-recover ang baril na ginamit ng
09:30sospek.
09:31Nung tinanong namin yung sospek kung saan yung baril, hindi niya na daw alam kasi nga inagaw daw sa kanya
09:36nung time na pinagkuyog siya ng mga tao doon.
09:41Nakakulong sa Malabon City Police Station ang sospek na maaharap sa mga reklamong illegal discharge of firearms, grave threat at
09:48physical injury.
09:49Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
09:59Iyak nang madadagdagan pa ang medalya ng Pilipinas sa 2026 Asian Games.
10:04Pasok na kasi bilang finalist ng men's 55kg division ng boxing si Tokyo Olympic silver medalist Carlo Paalam.
10:11Kasunod yan ang pagkapalanan niya laban sa world champion na si Mahmud Sabir Khan mula sa Kazakhstan.
10:16Nanalo si Paalam via split decision.
10:20Bukas, makakatapat niya si Rui Yamaguchi ng Japan.
10:41Tiyak na rin na makakakuha ng medalya si Pinay tennis star Alex Yala matapos manalo contra Chinese Taipei sa quarterfinals
10:48kahapon.
10:48Ang final score, 7-5, 6-0.
10:53Sa semifinals, makakatapat ni Yala ngayong araw ang pambato ng China.
10:58Naon na nang sinabi ni Yala na ang goal niya ay maiuwi ang ginto para sa Pilipinas.
11:04You never know what's gonna happen and you can't let your guard down.
11:08So, you know, I think that also contributes to my pursuit for excellence and my pursuit for the best version
11:16of myself.
11:17Sa Women's Beach Volleyball, bigong natamatalo ng Team Pilipinas ang pambato ng Thailand sa laban ngayong araw.
11:24Makakatapat nila bukas sa bronze medal match ang pambato ng China.
11:29Kanin-kanina lang, nakakuha ng silver medal si Amaya Kuhangko sa Women's Compound Individual Finals ng Archery.
11:35Nakatapat niya ang pambato ng Indonesia.
11:38Ang final score, 1-3-7, 1-3-9.
11:42Sa ngayon, nasa 17th place pa rin ang Pilipinas na may labin siyam na medalya sa 2026 Asian Games.
11:48Tatlo ang gold medal ng bansa, apat na silver at labindalawa ang bronze.
12:00Ibinasura ng Korte Suprema ang tatlong petisyong kontra sa pagbabago sa botong kailangan para makonvict si Vice President Sara Duterte.
12:08Pinag-aaralan ng ilang petitioner ang paghahain ng motion for reconsideration kaugnay niyan.
12:13Balitang hatid ni Darlene Cai.
12:17Sa isang unanimous desisyon, ibinasura ng Korte Suprema ang tatlong petisyon laban sa interpretasyon ng Senate Impeachment Court,
12:24kaugnay sa bilang ng botong kailangan para makonvict si Vice President Sara Duterte sa kinahaharap na impeachment case.
12:32Dinismiss ng kataas-taasang hukuman ng mga petisyon ni na Atty. Vic Rodriguez, Atty. Ernesto Francisco at Berteni Causing
12:39dahil sa procedural grounds kabilang na ang lack of standing and prematurity.
12:44September 23, nagdesisyon ng Senado na umuupo bilang impeachment court.
12:48Nabalik na rin ang naon ng ruling ni Presiding Officer Cheese Escudero na nagsasabing 16 votes ang kailangan para makonvict
12:54si Vice President Duterte.
12:56Sa bagong ruling ng impeachment court, ang isasama lang sa pagkwenta ng two-thirds vote
13:01ay ang mga senador na makalalahok sa impeachment proceedings sa mismong oras ng botohan.
13:05Kailangan kasi mayroong direct injury yung tao na nagdadala ng kaso sa korte
13:10para malinaw kung ano ba talaga yung issue na pinag-aawayan at yung mga karapatan na pwedeng maviolate.
13:18Dahil yung naghain mismo nung petisyon na tatlo ay hindi si VP Sara,
13:24mukhang nakita ng Korte Suprema na hindi nga or wala nga standing.
13:28Yung prematurity naman, bagaman hindi pa natin nakikita yung resolution,
13:34mukhang ang hula ng mga akademiko doon ay dahil yung threshold vote ng Senado ay uko lang doon sa kung
13:43paano nila bibilangin.
13:44Pero hindi pa actually sila bumuboto at this point.
13:48Hindi pa rin natin alam kung sino talaga yung i-exclude nila mula doon sa boto kung mangyayari man yung
13:55boto sa araw na ito.
13:56So dahil doon sa dalawang bagay na iyon, basically, hilaw pa yung kaso o hilaw pa yung issue ng threshold.
14:04Sa ngayon, walang nakikitang balakid ng ilang Sen. Judges na bumoto pabor sa mosyo noong September 23.
14:09It's very important. So we just follow the highest court of the land.
14:15So siguro they gave report of the Facebook for it.
14:22I don't see any legal impediment with regard to the resolution.
14:26of the Supreme Court. It is what it is. I take it as it is yung naging desisyon nila.
14:35Si Rodriguez nanindigang unconstitutional ang ruling ng impeachment court dahil inaamiendahan nito ang probisyon ng saligang batas.
14:42Si Francisco naman, sinabing kailangan muna raw niyang mabasa ang desisyon para matukoy kung maghahain siya ng motion for reconsideration.
14:48Sa isang pahayag, sinabi ni Sen. Impeachment Court Spokesperson Attorney Reggie Tonggol na kinikilala nila ang desisyon ng Korte Suprema.
14:56Ang agarang pagbasura sa mga petisyon kontra sa ruling ng impeachment court ay nagkukumpirma lang na constitutionally bulletproof ang Sen.
15:04Impeachment Court proceedings.
15:05Patuloy naming hinihinga ng pahayag ang kampo ng vicepresidente. Darlene Kai nagbabalita para sa Jimmy Luz.
15:13Patay ang isang lalaking nagnakaumuno ng mga piyasa ng sasakyan matapos bariliin ng kanyang umunong biniktima sa Tondo, Maynila.
15:20Balita ng ating di Jomra Presto.
15:25Dahagip sa CCTV ang dalawang lalaking naglalakad sa kalsada at lumiko sa paradahan ng mga truck sa Jose Abad Santos
15:32Avenue sa Tondo, Maynila, madaling araw nitong martes.
15:35Maya-maya, may kita na ang isa sa kanila na mag-isang lumabas mula sa garahe.
15:39Sumenyas pa siya sa pahinante ng truck bago tuloy ang lumayo.
15:43Binaril na pala ng lalaking sumenyas ang kasama niyang naglakad papunta ng paradahan.
15:48Dead on the spot ang 20-anyos na biktima na isang tricycle driver.
15:52Nagulat na lang kami.
15:53Nung bandang alas 4-15 ng madaling araw may pumutok, narinig ng isang kagawad namin.
16:01Binuntahan nila.
16:03Nakakita nga ng ano, may nakaundusay na doon.
16:06Tinamaan daw po, bad na dito.
16:09Sa parang pisngi, ganun.
16:11Ayon pa sa barangay, hindi nila residente ang biktima.
16:15Ang gunman, taga-kabilang barangay daw at nagtatrabaho sa isang aircon repair shop.
16:20Yun sospek, wala na dyan.
16:22Kasi natrace ka agad ng mga kapulisan natin kung sino yung tao na yun.
16:26Napagtanong-tanungan dyan, nakilala siya.
16:29Itong lalaki ito nung namaril, namimili na mga kalakal, mga second-hand aircon, ref, yun ang nga nabuhay noon.
16:38So, limit siya ang natin nanakawan yung mga wiring sa ilalim ng sasakyan.
16:42Ito yung mag-istart siya ng sasakyan.
16:44Wala na mga wiring, battery.
16:46So, may nakapagsabi sa kanya na itong tao na ito, yung madalas malimit, nagnanakaw talaga.
16:51Ang binaril na lalaki, kalalaya lang daw matapos makulong dahil sa pagnanakaw.
16:56Sinisikap pa namin kunin ang pahayag ang pamilya ng nabaril na lalaki.
17:00Hanggan ma naman, patuloy pang hinahanap.
17:03Jomer Apresto, nagbabalita para sa GMA News.
17:08Maglalabas ng memorandum ang Land Transportation Office para paigtingin ang parusa sa mga motoristang masasangkot sa mga aksidente sa pedestrian
17:16lanes.
17:17Pinababalangkas na raw ni LTO Chief Marcos Lacanilaw.
17:20Ang kautosang kaunay niyan.
17:22Dumarami kasi anya ang mga insidente na nangyayari sa mismong pedestrian lane at yung ibang biktima na mamatay pa.
17:28Sa ngayon, otomatiko ang license revocation o pagbawi ng lisensya sa mga ganyang insidente.
17:34Pinag-aaralan daw na ipataw ang parehong parusa kahit nakabundol o nakasagi lang sa pedestrian lane anuman ang sinapit ng
17:41biktima.
17:42Pagtitiyak ng LTO, idadaan pa rin sa due process at bibigyan ng chance ang magpaliwanag ang mga sangkot na motorista.
17:54Natagpo ang walang buhay ang isang lalaking na anod sa ilog sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.
17:58Ayon sa pulis siya, pawinan noon mula sa inuman ang 52 anyos na lalaki kasama ang kanyang mga pinsan.
18:05Habang tumatawid sa ilog, natangay raw siya ng agos.
18:09Sinubukan siyang sagipin at hanapin ng mga pinsan pero bigo sila.
18:12Natuntun ang katawan ng biktima makalipas ang mahigit isang oras, 300 metrong layo kung saan siya inanod.
18:22Hinoold up ng apat na minor na edad na lalaki ang isang babae sa Pavia, Iloilo.
18:27Base sa investigasyon, pauwi sa kanyang boarding house ang babae ng lapitan at tutukan ng kutsilyo ng dalawang binatilyo.
18:34Kinuha nila at ng dalawa pa nilang kasama ang bag ng biktima na may lamang cellphone at ATM cards.
18:41Ayon sa mga pulis, una nang nasangkot sa isang gulo ang mga nang hold up.
18:45Nasa kustodiyan na ng mga pulis siya ang tatlo sa kanila na mga edad 14 at 15.
18:50Inahanap pa ang isa na 16 anyos naman.
18:53Itinuturing sila mga Children in Conflict of the Law o CICL.
18:57Tumaging humarap sa media ang mga magulang nila.
19:00Magsasamparaw ng reklamong robbery ang biktima.
19:05Kid in Italian, ang nagpakilalang dating tauhan ni dating house speaker Lord Alan Velasco,
19:10na si Rodulfo Gracioso Jr. ang pinanggalingan umano ng mali-maletang pera na i-diniliver niya sa ilang politiko.
19:16Ilan sa mga i-dinadawit niya ay mga dati at kasalukuyang kongresista at mga kontraktor ng BPWH.
19:23Balitang hatid ni Darlene Kai.
19:30Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation ng mga aligasyon ni Rodulfo Gracioso Jr. sa kanyang sinumpaang salaysay.
19:37Sa kanyang sworn affidavit na ibinigay ng NBI sa GMA News,
19:41sinabi ni Gracioso ang nagpakilalang dating head security ni dating house speaker Lord Alan Velasco,
19:46na ilang ulit daw siyang inutusan ng kanyang boss Alan na mag-deliver ng mga maleta ng pera sa ilang
19:52politiko.
19:52Sa isang bahagi, pinanggit ni Gracioso na noong 2020 kabilang sa pinanggagalingan ng perang hawak ni Velasco
19:59ay mula kina dating Congressman Zaldico at Marikina 2nd District Representative Miro Kimbo.
20:05Narinig daw niya kay Kimbo na ang pera galing umano sa mga kontratista ng DPWH kabilang sina Curly at Sara
20:11Diskaya.
20:12Minsan daw nang mag-pick up siya ng pera mula kay Kimbo,
20:15nakita niyang kasama nito ang yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
20:20May pagkakataon din umano na nang mag-pick up siya ng pera sa bahay ni Ko,
20:24nakita niya roon si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara.
20:29Noong 2021 din daw,
20:31nagpa-approve sila ng isang General Pipino ng mga proyekto sa Region 8 sa tanggapan ng DPWH at Budget Department.
20:37Tinanong daw siya ni General Pipino ng rate ng SOP.
20:40Ang sabi raw ni Velasco kay Gracioso, 25% ang all-in na porsyento para sa tinatawag na SOP at
20:48babayaran ito in advance.
20:50Sinisikap ng GME News na makuha ang pahayag ni Nako, Kimbo, Alcantara, mga Diskaya at iba pang nabanggit ni Gracioso.
20:58Nauna nang itinanggi ng kampo ni Velasco ang mga aligasyon ni Gracioso at sinabing wala itong basihan.
21:04Darlene Kai, nagbabalita para sa GME News.
21:13Webes Latest
21:14May Buelta
21:16Kay Patrick Garcia ang talent manager ni Jeneline Mercado na si Becky Aguila.
21:22Sabi ni Patrick sa isang latest interview, hindi niya iniwan si Jen at kagustuhan niya ng aktres na wala siya
21:30noong panahong ipinagbubuntis ang anak nila.
21:33Nagkalabuan niya sila ng aktres mula pa noong ikalawang buwan ng pagbubuntis ni Jen.
21:38Bilang pangalawang ina ni Jen, nasaktan daw si Aguila sa anya'y mga pasabog ni Patrick tungkol sa mga nangyari
21:46sa relationship nila ni Jen.
21:48Marami raw pagkukulang si Patrick sa kanilang anak ni Jen.
21:51Marami rin anyang ginawang pananakit si Patrick kay Jen na hindi na ikunwento ni Jen bilang respeto.
21:58Sabi pa ni Patrick sa naturang interview, unfair na nakatatanggap ng hate ang kanyang pamilya dahil sa past relationship nila
22:06ni Jen.
22:06Sabi naman ni Aguila and I quote,
22:09All I can say is that you never deserved Jen's love in the first place and you will never earn
22:15my respect.
22:16End of quote.
22:18Nagpost din ang mister ni Jen na si Dennis Trillo matapos ang interview kay Patrick.
22:23Hindi anya siya paboro sa bashing pero salamat daw at naalala ni Patrick si Jazz.
22:29Wala pang bagong pahayag si Patrick sa mga pahayag ni Becky Aguila at Dennis Trillo.
22:35Ayon naman sa talent agency ni Jen na Aguila Entertainment,
22:39hindi na magkokomento kaugnay niya ng aktres o kahit ikwento ang versyon ng aktres
22:45para na rin sa privacy at peace of mind ng pamilya nila ni Patrick.
22:50Nananawagan daw si Jen sa publiko na itigil ang pambaba sa pamilya ni Patrick lalo na sa kanyang anak na
22:57babae.
23:01Mga kapuso, maging mapanuri sa ibinibayad o sinusukli sa inyong pera para huwag maging biktima ng fake money.
23:07Isang tindahan ang nabiktima dyan sa Dagupan, Pangasinan.
23:11Kwento ng isa sa mga nagtitinda roon,
23:12may isang customer na namili sa kanilang sari-sari store nitong Sabado ng hapon
23:16at nagbayad ng tinuping 1,000 peso paper bill.
23:20Kinagabihan ni nilunapan si Napeke pala ang ibinayad ng customer.
23:24May nakasulot pang fake sa perang tila prinit lang sa bond paper.
23:28Agad nilang ipinigbigay alam sa barangay ang insidente.
23:31Ngayon, todo kilatis na sa mga ibinabayad na pera mga tauhan ng nasabing tindahan.
23:39Ngayong Bermans, muling nagpaalala ang Banko Sentral ng Pilipinas na maging mapanuri sa pagtanggap ng mga pera.
23:44Tandaan lang ang feel, look at tilt method.
23:48Feel o kapain ang texture ng papel at nakalitaw o raised print sa pera.
23:53Look, tingnan ang watermark, security thread at iba pang security features na itinapat sa liwanag.
24:00At tilt upang masuri ang mga elementong nagbabago ang itsura o kulay depende sa anggulo.
24:09Nagpaalala sa publiko ang Department of Trade and Industry kaugnay sa pagbili ng mga peke o substandard na mga produkto
24:15online.
24:15Kasunod yan ang dumaraming reklamo mula sa mga customers sa online platforms.
24:20Dahil din dyan, humihiling ang DTI ng dagdag budget para tugunan ang mga reklamo.
24:24Narito ang aking report.
24:29Sa pagdilig ng Senate Finance Subcommittee, nagpapasaklolo na ang Department of Trade and Industry para sa dagdag na budget.
24:35Dumarami na raw kasi ang customers sa online platforms at dumarami rin ang mga natatanggap nilang reklamo.
24:41We need more budget actually to upgrade our technology for market monitoring, enforcement and consumer assistance.
24:50Kasi po, there's a surge now of products being sold in the e-commerce platform.
24:54And then there's also a surge of substandard products din.
24:5821.6 million pesos daw ang kanilang kailangan para matugunan ang dumaraming reklamong kanilang natatanggap kaugnay ng e-commerce transaction.
25:06Inaasang dadami pa raw ito ngayong magpapasko.
25:08Bahagi rin daw ng Consumer Protection Drive ng Kagawaran ang information campaign dahil batid nilang maraming consumer ang hindi nakakaalam
25:16kung saan magre-reklamo.
25:17Tulad ng negosyanteng si Baby Ruth, nitong Mayo lang, nawalan daw siya ng 11,000 piso matapos makakaltasan ang kanyang
25:23e-wallet.
25:24Dahil sa isang transaksyong hindi naman daw niya ginawa.
25:26Sa polis at sa e-commerce platform daw siya lumapit pero kung saan-saan siya itinuturo.
25:31Eh wala, hindi ko na nahabol po yung 11,000. Sikat na lang para mapabalik.
25:37Pati mga nabibili online na peke o kay substandard.
25:40Pinalalagpas na lang daw ni Baby Ruth.
25:42Abala lang daw kasi sa oras.
25:44Palagay niyo marami kayo katulad mo na hindi alam kung saan magre-reklamo pag may ganitong nangyayari?
25:49Sigurado po ako na marami kasi dito nga po sa amin, sa lugar namin, dami na po dito na-scam.
25:55Halos lahat po kami sa harap ng Agham Road. Na-scam na po kami dito lahat.
26:01Payo ng DTI kahit online binibili ang mga produkto, tiyaki na may Philippine Standard o PS Marks sa mga ito.
26:07At kung imported, siguro yung meron itong imported commodity clearance o ICC stickers.
26:12Kung may reklamo sa mga nabiling produkto, huwag daw itong palagpasin at agad tumawag sa DTI hotline na 1DTI o
26:201384
26:21o kaya ipuntahan ang kanilang DTI consumer care portal.
26:24Rafi Tima, nagbabalita para sa GMA News.
26:33Kinilala si Pinay tennis star Alex Ayala bilang isa sa 2026 Most Influential Rising Stars ng Time Magazine.
26:42Sa Time 100 Next 2026, kabilang si Ayala sa sandaang Most Influential Rising Stars at nasa category na Innovators.
26:51Sa profile ni Ayala sa magazine, na isinulat ng kanyang mentor na si tennis icon Rafael Nadal,
26:57ikinuwento ang journey ng Pinay tennis star bago mapunta sa number 18 world ranking.
27:03Sabi ni Nadal, marami pang dapat abangan kay Ayala dahil sa kanyang husay.
27:08Bukod kay Ayala, kinilala rin na 2026 Most Influential Rising Star,
27:13ang Filipino-American actress na si Isa Briones na nasa category na Artists.
27:23Balikbansana si Pinoy Paul Volter E. G. Obiana matapos maka-gold medal sa 2026 Asian Games.
27:28At ngayong umaga, makakausap natin siya.
27:31Congratulations, EJet. Welcome sa Balitang Hali.
27:34Maraming salamat po, Sir Rafi.
27:36Una po sa lahat, yun nga, congratulations sa pagkapanalo mo at sa pagbasag sa Asian Games record.
27:42Bagamat favorite ka na manalo dito, isa ba yun sa mga aim mo?
27:45Nabasagin yung sarili mong record?
27:49Siguro po, secondary. The first thing, of course, siguraduhin po muna na manalo, take home the gold.
27:56Yun po yung priority number one.
27:58And then secondary po, if the opportunity presents, try to break the Games record for sure.
28:05Pakikwento nga sa amin, kasi umuulan eh.
28:07Nung tumalun ka, gaano na katagal ba yung ulan noon at may concern ka ba noon?
28:11Anong makuha mo yung record?
28:15Um, nung simula po, medyo maulan po kasi nung warm-up.
28:19So yung sport po namin na requires gripping sports equipment, yun po medyo challenging from time to time.
28:28So sometimes I need to retape yung pole, sometimes I need to cover a towel.
28:32So if you can see yung last attempt, I had the towel on my pole just to make sure that
28:37it doesn't get wet from the rain po.
28:39Kasi pag minsan po na, huwag naman minsan nangyayari, pero nadudulas po.
28:45And that can lead to some unwanted injuries.
28:50Pero isa ka sa mga inabangan doon eh, kahit doon sa stadium, may mga Pinoy doon.
28:54I would assume, kumusta yung naging reaction ng crowd?
28:57Amazing, amazing. So very, very exhilarating.
29:02You know, super, these moments, this is where we live as athletes, you know.
29:07This is, I think I had also a good time because there's nothing much happening.
29:12It's only pole vault, the whole stadium was clapping.
29:15Yeah, just try to get that energy from the crowd and give them a good show.
29:21Yun ba ang dahilan? Kaya na-break mo yung record at pwede bang tumaas pa sana noong gabing yun, yung
29:26record mo, kung hindi umuulan?
29:29Probably po, kasi pag maulan po, it's ideally, it won't be.
29:33It's a little bit cold, you know.
29:35Ideally, you want a dry, maybe a little bit of tailwind, good weather, sunny and warm.
29:41But it's gloomy, rainy and wet.
29:43So, yeah, I think physically I could have jumped higher if conditions were a little bit better.
29:49But to be honest, I couldn't care less.
29:54I'm happy with what I've achieved under the circumstances and the conditions that were there in the stadium on that
30:01day.
30:01And I'm just happy to be able to win and makaambag dun sa medal hall ng Philippine team.
30:09Ayun na nga, kahit na ganun yung kondisyon, talagang na-break mo pa yung Asian record.
30:12After ng Asian Games, ano na yung mga susunod mong sasalihan na tournament?
30:16For this year po, I'm done. No more tournaments this year.
30:20I'm planning to start my off-season training, prepare for the indoors po.
30:26Because I have probably around January, late January, I'll have my first indoor competition.
30:31Then that's gonna extend until the summer season which is gonna end with Southeast Asian Games.
30:38Ngayon pa lang, iniisip mo na ba yung Olympics at ang qualifying para rito?
30:42Um, yes and no. I'm aware. I'm aware of it.
30:46But hindi naman po yung parang primary target for now.
30:50Next year, I have a couple of championships that I need to focus on and hopefully win and bring home
30:57a medal.
30:58So, that's where my focus is more. But right now, to be honest, I don't even want to think about
31:04it.
31:04I'm just enjoying life, living a little bit, learning how to enjoy the wins and spend some time with family,
31:14with the people I care for and the people that care for me as well.
31:18Of course, deserve mo yan. Ngayong off-season, dapat mag-vacation ka rin.
31:23Pero may mga activities ka ba para naman tulungan yung mga local athletes or looking up to you na sana
31:31naman ma-achieve yung achievement mo?
31:34Um, for now, I'm not sure yet because my schedule is still very hectic.
31:40I'm still trying to actually figure out what I'm supposed to do.
31:44I need to fly back.
31:46I have certain commitments in Japan that I need to fulfill.
31:50Then, uh, supposed to be back in Manila.
31:53So, hopefully, in the coming days, I'll know what exactly is my schedule.
32:00Then, um, for sure, there's, um, yeah, I can't say yet because I'm not sure.
32:07So, I don't want to get people's hopes up.
32:09But we'll see. We'll see.
32:12Siyempre, ayaw ka dapat ma-pressure dahil nagbabakasyon ka.
32:15So, mahalaga yun para sa isang atleta.
32:17Pero napansin mo ba yung interest ng mga athletes sa pole vaulting mula nung manalokat
32:22maging isa sa mga top pole vaulter sa buong mundo?
32:26Um, yes po.
32:27Sa ngayon po, mas mataas na kuwin yung level ng pole vaulting sa Pilipinas.
32:31And I think I'm very happy and very proud of that.
32:33There's more and more athletes trying pole vaulting.
32:36I just hope, and if there's one wish that I could say,
32:39I hope there's more facilities that could cater for the sport.
32:43Unfortunately, it's still very limited.
32:46There's not a lot of place where you can train, you can jump, you can, you know, do the sport.
32:52And that limits, that kind of hampers the possibility of Filipino athletes to excel in this sport.
32:59You need to train, you need to be able to do it so that you can excel in this sport.
33:04So hopefully, in the next couple of months or coming years, we'll have more and more training facilities available for
33:13our kids to train in.
33:15Yun na nga, baka may pakiusap ka rin sa gobyerno dahil ang isa sa mga pinakamigpit mong kalaban,
33:20si Duplantis, bata pa lang, ginagawa na yung sport na ito.
33:23So ano po pwede mong mahiling kung meron man para ma-develop talaga yung pole vaulting dito sa bansa?
33:30I hope accessibility po.
33:32I think that's number one.
33:33If we have more facilities, there's going to be more kids.
33:36The more kids we have, the more talent pool we have.
33:38The more probability that there's going to be good pole vaulters in the future.
33:42It's really that simple.
33:44So I hope that infrastructure-wise, we'll have more stadiums that have pole vaulting facilities
33:50and hopefully we'll have an indoor pole vaulting facility.
33:54Yeah, accessibility is key.
33:57That's why we're good at basketball and other sports because it's accessible.
34:01Lahat kada kanto may basketball court.
34:03So every kid can play.
34:06But unfortunately, that's not the case yet for Philippine pole vaulting.
34:12It's very few, even in Manila, very few.
34:15So we actually started a program a couple of years ago.
34:20We have one in Luzon, north of Luzon, in Ilocos.
34:24And then we also donated one in Mindanao.
34:27And with that, the goal is to give an accessible place for these kids to train.
34:34And with that, I'm very proud to say in Ilocos,
34:37I think there's 21 more pole vaulters than now.
34:43And I think seven or eight of them are women.
34:46And that's, for me, a feat.
34:48That's an achievement for that little project of mine.
34:51And it's just me.
34:53So I know the government can do much more impactful projects on these things.
34:59Okay.
34:59Maraming maraming salamat sa oras na binagi mo sa Balitanghali.
35:01Balitanghali at, again, congratulations at happy vacation sa iyo, EJ.
35:07Maraming salamat po, Sir Rafi.
35:09Yan po si Two-Time Asian Games Gold Medalist EJ Obiana.
35:18E diniklara ang state of calamity sa Kamarinosur dahil sa dumaraming kaso ng dengue.
35:23Ayon sa kanilang provincial government, as of September 24,
35:261,233 na ang nagkadengge sa laluwigan simula noong Enero.
35:31Eighty naman ang naitalang namatay dahil sa sakit.
35:34Nagsagawa na ng synchronized prevention at control activities sa maopisyal
35:38para malabanan ang dengue outbreak.
35:41Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health,
35:44168,060 ang naitalang dengue cases sa bansa.
35:49Mas mababa yan ng 30% kumpara sa 239,001
35:53na naitala noong 2025 sa parehong panahon.
35:57Paalala ng DOH, gawing araw-araw ang 4Ts para iwas dengue.
36:02Itaob ang mga lalagyang maaring maimbakan ng tubig.
36:05Itaktak ang mga ito para siguraduhin walang naiwang tubig sa loob.
36:10Tuyuin ang mga lalagyang gamit ang tuwalya o pamunas.
36:13At takpan at siguraduhin walang butas sa mga lalagyan ng iniigib na tubig.
36:25Big winner ang pelikulang Monono Awares sa Sine Panalo Film Festival Awards Night 2026.
36:32Nakuha ng pelikula ang pinakapanalong pelikula award para sa full-length film category,
36:37pati ang panalong ensemble, panalong cinematography at panalong editing.
36:43Nakuha ni Direct BC Amparado ang panalong director award.
36:46Panalong actor award si J.K. Labajo.
36:49At panalong pangalawang aktres si Momoko Kobayashi.
36:53Winner din ang Apple of My Eye film kung saan nominado para sa pangalawang aktres si Kapuso star Rochelle Pangilinan.
37:01Iginawad sa pelikulang ang panalong karangalan mula sa horado, panalong musical scoring at nakuha.
37:08Ni Zion Cruz ang panalong child performer award.
37:11Nominado naman si Sparkle actor Khalil Ramos para sa panalong pangunahing actor para sa pelikula nilang Patay Gutong.
37:19Directed yan ni 58th director Carl Joseph Papa.
37:23Nakuha nila ang panalong visual effects award at nakatay ang multwa.
37:28Film sa Pure Gold Always Panalo Award.
37:32Pinakapanalong maikling pelikula naman ang Lilin.
37:35Isa sa host ng event si Joy Barcoma.
37:41At ang panalong aktres award for the full-length film category goes to...
37:50Congratulations!
37:52Sayreel Manabat!
37:56Speaking of winners, nilaro ni former PBB housemate Sayreel Manabat at co-nominin niyang si multwa star sa Sasa Girl
38:04ang announcement para sa Best Actress Award.
38:07Mala beauty pageant ang katake ng dalawa na may matching holding hands pa.
38:11Sa huli si Sayreel ang itinanghal na panalong aktres para sa pinagbibidahan niyang pelikulang Stock on You.
38:21At yan ang maiinit na balita ngayong tanghali, 85 araw na lang, Pasko na.
38:26Rafi Tima po.
38:27Kasapan niyo rin po ako, Aubrey Garampel.
38:29Ito ang GMA News.
38:30Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
38:33Noon at ngayon, servisyong totoo.
38:35Ari you, man.
38:35Ano-ho.
38:36Edda.
38:36Gim.
38:37Gim.
38:37Gim.
38:38Gim.
38:38Gim.
38:39Gim.
38:41.
38:43Gim.
38:44Kau va-a-ho.
38:46Gim.
38:47Gim.

Recommended