Skip to playerSkip to main content
-Mark Allan Arevalo ng Wawao Builders, sinampahan ng reklamo ng BIR kaugnay sa tax deficiency mula sa isang ghost flood control project sa Bulacan


-PHIVOLCS: Bulkang Mayon, muling nagbuga ng usok kaninang bandang 7am/Ilang turista, bumisita sa Shrine of Nuestra Señora de Salvacion Rotonda para masilayan ang Bulkang Mayon/ PHIVOLCS: Nagkaroon ng 162 rockfall events, 50 pyroclastic density currents, at 1 volcanic earthquake ang Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras


-PHIVOLCS: Bulkang Kanlaon, dalawang beses nagbuga ng abo sa nakalipas na 24 oras


-Libo-libong deboto ng Poong Jesus Nazareno, dumating sa Quirino Grandstand para sa pahalik/Paalala ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno: Huwag sumampa sa andas/ Ilang deboto na nasa Quirino Grandstand na, hihintayin na rin daw ang pagsisimula ng Traslacion bukas


-Thunderstorm Watch, nakataas ngayon sa Metro Manila at ilang karatig-lugar hanggang mamayang 10pm


-Motorcycle rider, patay nang makabanggaan ang isang pickup; 3, sugatan


-Lalaki, patay sa pamamaril at pananaga; isa sa mga suspek, nasawi rin matapos mabaril ng pulis na nakasaksi sa krimen/Pulis na nakapatay sa hinabol na suspek, posibleng maharap sa reklamong homicide; wala pa siyang pahayag/Kaanak ng mga suspek, iginiit na may dala ring itak ang napatay na biktima; itinanggi ito ng live-in partner ng biktima


-Motorcycle rider, patay matapos sumalpok sa poste at makaladkad ng kasunod na sasakyan


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May init na balita, nagsampan ng reklamo ang Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice laban sa may-ari ng Wawo Builders na si Mark Alan Arevalo.
00:10Ayon sa BIR, may kaugnayan niyan sa estimated tax deficiency ng Wawo Builders na umabot sa mahigit 48 million pesos mula sa isang ghost flood control project sa Malolos, Bulacan.
00:21Nilabag daw ng construction company ang ilang probisyon ng National Internal Revenue Code dahil hindi nagbayad ng tamang WIS at hindi nagpasa ng tamang impormasyon tungkol sa paghahain ng income tax at VAT returns sa una at ikalawang quarters ng 2024.
00:37Abangan, agay po pang detalye, maya-maya lang.
00:42Samantala nagpapatuloy ang aktibidad ng Bulkang Mayon na nakataas pa rin sa Alert Level 3.
00:47Kanina umaga, naglabas ito ng Fire Classic Density Current o Ozone.
00:52Latest sa sitwasyon sa Albay sa ulat on the spot ni Ian Cruz.
00:56Ian?
00:59Rafi, kumpara kahapon ay talagang mas maganda na ang panahon dito sa Albay.
01:04Kaya naman sa makasandaling ito, Rafi, ikitang-kita nga natin yung magayon na Bulkang Mayon.
01:09At kanina, ang alas 7 nga ng Umagarapi, ay napansin natin ang pag-usok ng bulkan sa bahagi ng Tabaco City.
01:18Ayon kay VBOX Director Teresito Bacolcol, Pyroclastic Density Current o Ozone pa rin ang nagaganap ngayon,
01:24ang PDCA, ang pagdaloy ng Ozone o yung pinaghalo-halong maiinit na bato, lava at gas.
01:30Kagabi naman, nasaksihan natin mismo mag-aalas 8 ng gabi ang pagdaloy ng Pyroclastic Density Current o Ozone mula sa crater ng bulkan.
01:37Maraming puntong malalakas kaya tila nga gumuguhit pababa nitong bulkan.
01:43At may punto na parang mga nagbabagang ugat ng puno.
01:46Kapag nagkakasabay-sabay ng bumulusok, pababa sa bunga ng mayon ang mga baga.
01:52Mas kitang aktividad kapag maayos ang panahon.
01:56At dito naman, Rafi, sa Shrine of Nuestra Senora de Salvation Rotonda sa Legazpi City, Albay,
02:02mas marami naman ang namamasyal kahit panganaga-alboroto ang bulkan.
02:05Marami ang nagpapakuha ng larawan habang safe pa ang napagpunta rito na malayo sa 6-kilometer permanent danger zone.
02:14Yung iba nga ay inaabangan talaga ang pagbuga ng usok ng bulkan.
02:17Marami rin daw nagtungo rito kapag gabi.
02:19At sa huling update ng Feebox na natili sa Alert Level 3 status ng bulkang mayon,
02:24ibig sabihin bawal ang pagpasok sa 6-kilometer permanent danger zone.
02:28Kabila nga sa mga naitala na aktividad ng bulkan ng isang volcanic earthquake, 162 rockfall events,
02:3450 pyroclastic density currents o uzon,
02:37at naglabas din ito ng sulfur dioxide o asupre na tinatayang 702 na tonelada.
02:42May steaming din na 200 metro ang taas at ang pagsingaw nito ay napapadpad sa hilagang silangan.
02:48Mayroon din ground deformation o pamamaga ng bulkan.
02:52Raffi, ang talagang goal ng mga otoridad ay masigpitan pa yung pagpasok nga doon sa 6-kilometer permanent danger zone
02:59at doon sa tabako ang sinasabi ng kanilang alkalde.
03:02May inilaan silang isang pasilidad doon sa isang evacuation center para paglagakan ng mga alagang hayo
03:08para hindi na nga mapipilitang bumalik doon sa kanilang mga tahanan,
03:14yung mga padre de familia para iwas na rin sila sa piligro.
03:18So inaasahan, sa araw na ito, Raffi, ay bibisita si Sekretary Gatchalian ng DSWD
03:23para nga sa dagdag na ayuda para sa ating mga evacuees doon sa iba't ibang bayan at syudad
03:29na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
03:32Raffi.
03:33Ian, meron ba tayong informasyon kung hanggang saan umabot yung uzon
03:36at meron na bang pangamba sa pagbuga naman ng abo at kung aabot ito sa mga kabayanan dyan na Ian?
03:42Well, Raffi, doon sa mga nakikita natin at napagtatanungan din natin ay
03:50hindi pa naman talaga ito umaabot doon sa mga area na maraming populasyon
03:55pero kasi hindi na tayo nakakapasok doon sa 6km permanent danger zone
04:00kaya hindi natin makita visually kung ano yung naabot nito
04:04pero so far, wala namang mga reported na mga casualty or injuries
04:09kaugnay nga nitong nakita natin na aktividad nitong bulkan
04:13mula kagabi at hanggang kanina umaga
04:16at kanina, Raffi, around 9.25am ay may mga alert pa rin
04:20hukul nga dito sa pagdausdos ng uzon
04:22mula nga doon sa bunganga nitong Bulkang Mayon, Raffi.
04:26At Ian, abanggit mo nga maraming mga nagpapapicture dyan sa may mayon
04:30lalo ngayon na nakikita na itong kanyang tuktok
04:33marami pa rin ba yung dumadagsa dyan para magpapakuha ng litrato
04:37at ano yung warning dito ng mga otoridad, Ian?
04:44Actually, Raffi, dito sa area na ito
04:47kung makikita mo, mapapakita ni Julius
04:49may mga tao na nagpapapicture
04:52gumigit na pa yung iba sa kalsada
04:54talagang sabi nga, kanya-kanya silang aura
04:57sa paligid nitong Salvation Rotonda
04:59marami ang nagpapapicture, Raffi
05:01ang kagandahan lang, Raffi, sa ngayon nga
05:04ay labas ito, itong kinatatayuan natin
05:06doon sa sinasabing 6km permanent danger zone
05:09kaya pwede pa sila dito
05:11pero ang napansin din natin
05:12maraming polis na nakapaligid dito
05:15at nagbabantay sila
05:17so anytime, Raffi, na itaas ang alert level
05:20itaas ito, ay maaaring
05:22sabi nga ng mga residente, baka hindi na sila makapunta dito
05:24kaya sinasamantala nila
05:26yung pagpunta dito
05:27at kanina, ang dami natin nakita dito
05:29yung iba, taga Cam Norte
05:31yung iba naman, taga
05:32as far as Nueva Ecija pa
05:34yung magkakaibigan na mga high school
05:36mula pa nung high school
05:37ay dito raw sila nag-reunion
05:38at talagang banghang-mangha sila
05:40na kahit nga nag-alboroto
05:42ay talagang napakaganda raw
05:43nitong, hinasabi nga, na parang perfect cone
05:47nitong bulkan, Raffi
05:48At iyan, siguro sa mga nanonood na nangangamba
05:51at paraan, lapit mo kasi
05:52dyan sa vulkan
05:53ay optical effect po yan
05:54ang malayo si iyan dyan sa vulkan
05:56pero nagbumukang malapit lang
05:57dahil sa lente at malayo talaga
06:00yung kanilang lugar
06:00dyan naman sa bungangan ng vulkan
06:02Maraming salamat sa iyo
06:03Ian Cruz
06:05Dalawang beses naman nagbuga ng abo
06:08ang vulkan Kanlaon
06:08sa nakalipas na 24 oras
06:11Ayon sa FIVOX
06:12ang una, nagtagal ng mahigit isang oras
06:14habang mahigit anim na oras naman
06:16ang pangalawang ash emission
06:17Bukod sa abo
06:18naglabas din ang vulkan
06:20ng mahigit 800 toneladang asupre
06:22o sulfur dioxide
06:23na itala rin ang apat na volcanic earthquakes
06:25sa Kanlaon
06:26Nananatili sa alert level 2 ang vulkan
06:29Bawal pasukin ang 4 km radius
06:32permanent danger zone
06:33ng Kanlaon
06:47Libong-libong deboto
06:49ang dumating sa Quirino Grandstand
06:50sa pagsisimula ng pahalik
06:51sa Poong Jesus Nazareno
06:52kasabay ng pagdami ng tao
06:54ang pagwabantay sa siguridad sa lugar
06:56Balita ng atin ni na James Agustin
06:59at Bam Alegre
07:00Sa crowd estimate ng Manila Police District
07:05alas 9 kagabi
07:06nasa 4,000 na mga deboto
07:08ang foot traffic sa Quirino Grandstand
07:10para sa pahalik
07:11sa imahen ng Poong Jesus Nazareno
07:13sa magnamag hanggang ngayong umaga
07:15ang estimate ng mga organizer
07:17posibleng 12,000 na ang bilang
07:19ng mga deboto na dumaan dito
07:20Ito ang pinipilahan
07:22ng ilang oras
07:23ng mga deboto
07:24diyalintana ang kanilang pagod
07:26at puyat
07:26para lang sa kanilang panata
07:28Ito ang pahalik
07:29dito sa Quirino Grandstand
07:31Hindi biro maghintay
07:32para sa pahalik
07:33Karamihan may araw pa
07:35na magsimula
07:35sa kanilang mga pila
07:36Sa monitoring ng mga organizer
07:38may 10 medical case
07:39na silang naitala
07:40sa kanilang mga emergency tent
07:42Karamihan may kinalaman
07:43sa hypertension
07:44o kaya fatigue
07:45Nanatili ang police visibility
07:47May paalala rin
07:48ng mga organizer
07:48ng pahalik
07:49sa bagong sistema sa pila
07:51Katigbak Drive
07:52was closed
07:54So the entrance
07:56is coming from
07:58the southbound
07:59and the exit also
08:00will be on the same area
08:02Just to clear out lang
08:03itong ating Katigbak Drive
08:05So once na umandar na
08:08ang prosesyon
08:08makikita natin
08:10ang smooth
08:10magiging freely
08:12ang paglabas
08:13ng ating senior
08:14Hapon pa narito
08:15ang tagalas piñas
08:16na si Angela Beltran
08:17kasama ang anak
08:18na si Rexwell
08:18na may sakit na epilapsi
08:20Pinaguhugutan niya
08:21ng pananampalataya
08:22at lakas
08:23ang Jesus Nazareno
08:24para tuluyang mawala
08:25ang karamdaman ng anak
08:26Para gumaling po
08:28kaya nagtiis kami po dito
08:30Napunta lang na lang kami dito
08:32kasi may hirap
08:32ibiyay siya
08:33Kailangan may
08:35may mga kasama
08:36ako sa labas
08:36Alas otso pa kagabi
08:39dumating sa
08:40Kirino Granstan
08:40si Efren
08:41galing sa
08:41Los Baños, Laguna
08:42May gitsyam na oras
08:44na siya
08:44naghihintay
08:44sa pila
08:45para sa pahali
08:45Daladala niya
08:47ang dalawang panyo
08:47na ipinahid din niya
08:48sa imahe
08:49noong nakaraang taon
08:49Labing dalawang taon
08:59ng deboto ng
09:00Puong Jesus Nazareno
09:01si Efren
09:02Unang beses siya
09:03nakasampa sa
09:03andas noong nakaraang taon
09:05Susubukan daw niya
09:06ulit sa traslasyon
09:07bukas
09:19May paalala naman
09:24ng simbahan sa publiko
09:25huwag sumampas sa andas
09:27Ang dulo ng pila
09:28para sa pahalik
09:29umabot na sa
09:30Rojas Boulevard
09:30Corner
09:31Katigbak Drive
09:31pasado alas 5
09:32ng umaga
09:33Apat na linya na yan
09:34kahit mahigit
09:35300 metro pa
09:36ang layo
09:36sa Kalaw Extension
09:37kung saan
09:38nakapuesto
09:38ang mga steel fence
09:39para sa pahalik
09:40Kaya ang mga deboto
09:41may dalidalang
09:42mahaupuan
09:42Gaya ni Angel
09:44na siyam na oras
09:44na nakapila
09:45Mula sa pahalik
09:46hihintay na rin daw niya
09:47ang pagsisimulan
09:48ng traslasyon
09:48bukas
09:49sa madaling araw
09:50Maalaga kasi
09:51para sa
09:52mga
09:53nais natin
09:55sa buhay
09:55na matupad
09:56nihiling natin
09:58matupad
09:58lalo na na
09:59sa pamilya
10:01na maging
10:02maayos lahat
10:03ang kalusugan
10:04yun lang
10:05maging
10:06wala lang sakit
10:07Panata naman
10:09ng mag-asawang
10:09Roswell at Janelle
10:10na isama sa pahalik
10:11ang limang taong gulang
10:12nilang anak na si Kirby
10:13Labing dalawang oras
10:14na sila
10:15nagtyatsaga sa pila
10:16Titiisim po namin lahat po
10:18kasi po nainiwala po kami
10:19sa poong Jesus
10:20na sareno po
10:21wala po kaming sakit
10:22ganon
10:23masagana po yung buhay namin
10:24Mabenta ang mga tuwalya
10:25na may imahe ng Jesus
10:26na sareno
10:27na mabibili sa 25 pesos
10:28kada peraso
10:29ang mga nagtitinda
10:30gaya ni Mark Angelo
10:31deboto rin
10:32na labing apat na taon
10:33na nakikisa sa
10:34traslasyon
10:35Sa ako naman boss
10:36medyo malakas naman po
10:37taon-taon naman yung boss
10:38iba kasi yung
10:39pahiramdam
10:39pag nakakahalik kayo
10:40sa krus eh
10:41pag nakasampahan niyo
10:42siya ame
10:43ang baga
10:44ang sarap niya
10:44sa pahiramdam boss
10:45Ano yung mga pinapapasalamat
10:48natin?
10:49Yung
10:49mabuhay tayo
10:50araw-araw
10:51gaya nun
10:52tsaka yung
10:53makaraos tayo
10:54sa isalob na isang araw
10:55James Agustin
10:56Bam Alegre
10:57Nagbabalita para sa
10:58GMA Integrated News
11:00Nakataas po ngayon
11:06ang thunderstorm watch
11:07dito sa Metro Manila
11:08kasabay ng pahalik
11:09sa poong Nazareno
11:10Ayon sa pag-asa
11:12apektado rin
11:12ang Bulacan
11:13Rizal
11:14Laguna
11:14at Cavite
11:15Posible ang thunderstorm
11:17sa mga nasabing lugar
11:18hanggang mamayang
11:19alas gis ng gabi
11:20Wala pong bagyo
11:21o low pressure area
11:23Hanging amihan
11:24shear line
11:24at isteris pa rin
11:25ang magpapaulan
11:26sa bansa
11:27ngayong Huwebes
11:28Base sa rainfall forecast
11:30ng Metro Weather
11:31uulanin sa mga susunod na oras
11:33ang ilang bahagi ng
11:34Northern at Southern Luzon
11:35kasama na po
11:36ang NCR
11:37May ulan din
11:38sa ilang panig
11:39ng Eastern Visayas
11:40at Mindanao
11:41Maging alerto
11:42sa heavy to intense rains
11:43sa ilang lugar
11:44na maaaring magdulot
11:46ng baha
11:46o landslide
11:47Ngayong Huwebes
11:48naitala ang
11:4913.2 degrees Celsius
11:51na minimum temperature
11:52sa Baguio City
11:53habang
11:5422.9 degrees Celsius
11:56dito sa Quezon City
11:57Mag-aalas 12
12:02ng hating gabi
12:03nitong lunes
12:03kita ang isang sasakyan
12:05mula sa malayo
12:05na paparating
12:06sa isang intersection
12:07sa New Lucena
12:08Maya-maya lang
12:10Mabilis na nagdirediretso
12:11ang pickup
12:12habang hanggang
12:12nakabanggaan nito
12:13ang motorsiklong
12:14tumatawid din
12:15sa intersection
12:16Tumila po
12:17ng rider
12:18sa lakas ng impact
12:19habang ang pickup
12:20nagpaikot-ikot
12:21bago bumanga
12:22sa ilang poste
12:23Patay
12:24ang motorcycle rider
12:26Sugata naman
12:27ang pickup driver
12:28at ang kanyang nanay
12:28at kaibigan
12:29na sakay niya
12:30Nakatakdang kausapin
12:32ng mga kaanak
12:32ng rider
12:33ang driver
12:33kapag nakalabas na siya
12:34sa ospital
12:35Patay naman
12:38sa pamamaril
12:39at pananaga
12:39ang isang lalaki
12:40sa Tondo, Maynila
12:41na aktuhan
12:42ng krimen
12:43ng isang napadaang
12:43polis
12:44na napatay naman
12:45ang isa
12:45sa mga hinahabol
12:46niyang suspect
12:47Balita
12:48ang hatid
12:48ni Jomera Presto
12:49Dalawa ang patay
12:54sa nangyaring gulo
12:55sa Velasquez
12:56Tondo, Maynila
12:57pasado alas 7
12:57kagabi
12:58Isa sa kanila
12:59suspek
13:00sa isang krimen
13:01na napatay
13:01ng isang polis
13:02na napadaan lang
13:03sa lugar
13:03sa kuha ng CCTV
13:05maririnig
13:06ang isang putok
13:07ng baril
13:07Ang sumunod na tagpo
13:10may kita na
13:11ang dalawang lalaki
13:11na sina
13:12alias Eugene
13:13at Edmund
13:13na tila may
13:14pinagtutulungan
13:15Sakto naman
13:16na dumating
13:17ang polis
13:17na bumunot
13:18ng kanyang service
13:19firearm
13:19Sa kuhang ito
13:20maririnig
13:21ang dalawang
13:22magkasunod
13:22na putok
13:23ng baril
13:23Pagkatapos
13:27may kita na
13:27ang polis
13:28na pumunta
13:28sa gilid
13:29bago bumalik
13:29sa kanyang
13:30motorsiklo
13:30na baril
13:31na pala niya
13:31sa bandang
13:32tagiliran
13:32si alias Edmund
13:33Base sa kwento
13:34ng mga saksi
13:35sa barangay
13:36naaktuhan
13:36ng polis
13:37ang isa
13:37sa kanila
13:38na may hinahataw
13:39ng itak
13:39habang ang isa
13:40may hawak
13:41na baril
13:42Nabaril muna
13:43at the same time
13:45pagkabaril
13:46tsaka inunda
13:47ng taga
13:48nakita niyang
13:49may hawak
13:50ng baril
13:50may hawak
13:51ng panaga
13:52siya naman po
13:54tumugol lang
13:55sa kanyang
13:56trabaho
13:57Mismo ngang
13:58nakabaril
13:59na polis
13:59ang nagsugod
14:00sa pagamutan
14:00kay alias Edmund
14:01pero hindi na siya
14:02umabot ng buhay
14:03Ang biktimang
14:04si alias Marlo
14:05na unang nabaril
14:05at nataga
14:06ni alias Edmund
14:07at Eugene
14:07dead on arrival din
14:09Narecover naman
14:10sa crime scene
14:11ang itak
14:11na ginamit
14:12sa biktima
14:12Hinahanap pa
14:13ang baril
14:14na ginamit
14:14ng dalawa
14:15Sabi pa ng barangay
14:16una nang nag-away
14:18noong isang gabi
14:18ang biktima
14:19at si alias Eugene
14:20Inakala raw kasi
14:21ng biktima
14:22na siya
14:22ang pinagtatawa
14:23na ng grupo
14:23ng suspect
14:24habang nag-aaway
14:25sila
14:25ng dati niyang kinakasama
14:27Nagkasalubong rin daw
14:37ang dalawa
14:37noong madaling araw
14:38at nagtalo
14:39dahil naman
14:39sa unahan
14:40ng pila sa tricycle
14:41Pagdating ng gabi
14:42dito na umanumuling
14:43nagtagpo si alias Marlo
14:44at Eugene
14:45kasamang kanyang kapatid
14:46na si alias Edmund
14:47na pinaniniwala
14:48ang bumaril sa biktima
14:49base sa investigasyon
14:50ng polisya
14:51May taga po siya
14:52sa bato
14:53tapos
14:53meron po siyang
14:55taga sa kamay
14:57tapos yung ngayon
14:58may baril daw po siya
15:00sa ulo
15:01Malam ko po kasi dyan
15:02may matagal na rin po
15:03silang alitan
15:04hindi lang naman din po
15:05ngayon
15:06Nasa custodianan
15:07ng homicide section
15:08ng MPD
15:09ang responding police
15:10Kahit ginampanan lang
15:11umano niya
15:12ang trabaho
15:12bilang polis
15:13posibleng maharap pa rin siya
15:14sa reklamong homicide
15:15Nagpasalamat naman sa kanya
15:17ang nanay ng biktima
15:18Nagpapasalamat po
15:19kung nabing niya
15:20ng katarawungan po
15:21yung anak ko
15:22na respondihan niya po
15:24Ayon naman sa mga kaanak
15:26ni alias Edmund at Eugene
15:27mayroon din dalang
15:28itak noon
15:28ang biktima
15:29itinang ito
15:30ng kanyang live-in partner
15:31patuloy na hinahanap
15:32ng polisya
15:33ang suspect
15:33na si alias Eugene
15:35Jomer Apresto
15:36nagbabalita
15:37para sa GMA Integrated News
15:39Ito ang GMA
15:41Regional TV News
15:43Mainit na balita
15:46mula sa Luzon
15:47hatid ng GMA Regional TV
15:48Patay ang isang polis
15:50matapos madisgrasya
15:51sa Cordon Isabela
15:53Chris
15:54Anong nangyari?
15:55Rafi
15:59Ito bilapon sa kalsada
16:00ang rider
16:00matapos siyang sumalpok
16:02sa poste
16:02Sa kuha ng dashcam video
16:04kita ang pagbagtas
16:06ng motorsiklo
16:07sa National Highway
16:08sa Barangay
16:08Kakilangan
16:09Maya-maya
16:10bumanga ang rider
16:11sa poste
16:12Hindi agad
16:13nakapagpreno
16:14ang kasunod na sasakyan
16:15na maikuhan
16:16ng dashcam video
16:17kaya nabangga
16:18ang biktima
16:18at nakaladkad
16:20ng ilang metro
16:21Dead on arrival
16:22sa hospital
16:22ang rider
16:23Wala pang pahayag
16:24ang kaanak
16:25ng biktima
16:25maging ang driver
16:27ng kasunod niyang sasakyan
Comments

Recommended