- 7 weeks ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong August 28, 2026
-Metro Manila at ilang panig ng Luzon, nakararanas muli ng maulang panahon dahil sa Habagat
-Motorcycle riders, kaniya-kaniyang silong nang biglang umulan sa Quezon City; mga pasahero, nahirapang sumakay
-6, patay matapos tumaob at lumubog ang isang bangka sa Mapanuepe Lake; 3, hinahanap pa
-Mahigit 200 bahay sa Brgy. Poblacion Oeste, binaha dahil sa high tide, Habagat at mga nagdaang bagyo
-Lalaking senior citizen at 2 niyang anak, nalapnos ang katawan sa pagsabog ng LPG sa kanilang bahay
-Tips para makaiwas sa sakuna mula sa pagsabog ng LPG
-25-anyos na babae, patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Brgy. Damayang Lagi
-Senior citizen na street sweeper, nakaladkad ng kable na sumabit sa delivery truck
-Heavy Rainfall Warnings, pinalawig sa Metro Manila at ilang karatig-lugar hanggang 2pm
-Kelvin Miranda, mapapanood bilang bagong karakter sa "The Master Cutter"
-Senate Pres. Gatchalian, gustong paharapin sa impeachment trial si dating VPSPG Head Col. Raymund Dante Lachica
-Jeepney driver na bistadong pumapasada kahit lasing, binawian ng lisensya ng LTO
-Ulat na may Pinoy na kabilang sa mahigit 1,000 na nawawala sa flash floods sa Nepal, patuloy ang verification ng DFA
-"Debris flow" o pagragasa ng bato at putik sa Nepal, nangyari na rin dati sa Pilipinas, ayon sa eksperto
-Dengue outbreak, idineklara na sa Bohol
-INTERVIEW: PAGASA WEATHER SPECIALIST BENISON ESTAREJA
-Ilang taga-Thai Trade Center Manila at Dept. of International Trade Promotion ng Thailand, bumisita sa GMA Network
-2 lalaki, nanloob sa isang bahay
-Lalaking wanted sa pagpatay noong 2023 sa Quezon City, naaresto sa Bulacan; Akusado, aminado sa pagpatay pero hindi raw alam na may kaso
-Kampo ni Rep. Martin Romualdez, iginiit na walang credible witness na mag-uugnay sa kongresista sa flood control scandal
-8-anyos na bata, patay matapos mabangga ng truck; lola niya, sugatan
-Mag-asawa, natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay; suspek na nagnakaw rin umano, arestado
-Pusang nagdala sa kanyang fur parent ng isang supot ng uling, kinagigiliwan ng netizens
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
-Metro Manila at ilang panig ng Luzon, nakararanas muli ng maulang panahon dahil sa Habagat
-Motorcycle riders, kaniya-kaniyang silong nang biglang umulan sa Quezon City; mga pasahero, nahirapang sumakay
-6, patay matapos tumaob at lumubog ang isang bangka sa Mapanuepe Lake; 3, hinahanap pa
-Mahigit 200 bahay sa Brgy. Poblacion Oeste, binaha dahil sa high tide, Habagat at mga nagdaang bagyo
-Lalaking senior citizen at 2 niyang anak, nalapnos ang katawan sa pagsabog ng LPG sa kanilang bahay
-Tips para makaiwas sa sakuna mula sa pagsabog ng LPG
-25-anyos na babae, patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay sa Brgy. Damayang Lagi
-Senior citizen na street sweeper, nakaladkad ng kable na sumabit sa delivery truck
-Heavy Rainfall Warnings, pinalawig sa Metro Manila at ilang karatig-lugar hanggang 2pm
-Kelvin Miranda, mapapanood bilang bagong karakter sa "The Master Cutter"
-Senate Pres. Gatchalian, gustong paharapin sa impeachment trial si dating VPSPG Head Col. Raymund Dante Lachica
-Jeepney driver na bistadong pumapasada kahit lasing, binawian ng lisensya ng LTO
-Ulat na may Pinoy na kabilang sa mahigit 1,000 na nawawala sa flash floods sa Nepal, patuloy ang verification ng DFA
-"Debris flow" o pagragasa ng bato at putik sa Nepal, nangyari na rin dati sa Pilipinas, ayon sa eksperto
-Dengue outbreak, idineklara na sa Bohol
-INTERVIEW: PAGASA WEATHER SPECIALIST BENISON ESTAREJA
-Ilang taga-Thai Trade Center Manila at Dept. of International Trade Promotion ng Thailand, bumisita sa GMA Network
-2 lalaki, nanloob sa isang bahay
-Lalaking wanted sa pagpatay noong 2023 sa Quezon City, naaresto sa Bulacan; Akusado, aminado sa pagpatay pero hindi raw alam na may kaso
-Kampo ni Rep. Martin Romualdez, iginiit na walang credible witness na mag-uugnay sa kongresista sa flood control scandal
-8-anyos na bata, patay matapos mabangga ng truck; lola niya, sugatan
-Mag-asawa, natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay; suspek na nagnakaw rin umano, arestado
-Pusang nagdala sa kanyang fur parent ng isang supot ng uling, kinagigiliwan ng netizens
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Category
🗞
NewsTranscript
01:00Dahil po yan sa lumalakas muling hanging habagat.
01:03Ayon sa pag-asa, umiiral po ito sa Luzon at Lisayas.
01:07Nahahata kasi ang habagat ng binabantayang low pressure area sa silangan, hilagang silangan ng Batanes.
01:14Nananatili ang medium chance itong maging bagyo o tropical depression sa mga susunod na oras.
01:20Base sa rainfall forecast ng metro weather, posibleng light to moderate rain sa malaking bahagi ng Luzon kasama na ang
01:26Metro Manila hanggang sa weekend.
01:29May chance ng heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
01:34Unti-unting huhupang ulan sa lunes, National Heroes Day.
01:40Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa Zamboanga City at sa ilang parig ng kamigin.
01:45Lanao del Norte, Surigao del Norte, Basilan, Zamboanga, Cebuay.
01:50Zamboanga del Sur at Misamis Occidental.
01:53Tatagal ang nasabing babala hanggang alas 12 ngayong tanghali.
01:58Isinalalim naman sa thunderstorm watch ang malaking bahagi ng Visayas, Occidental Mindoro at Palawan.
02:04Ayon sa pag-asa, posibleng magkaroon ng bigla ang ulan na may kasamang pagkulog pagkidlat sa mga nasabing lugar hanggang
02:11mamayang alas 10 ng gabi.
02:14Kanya-kanyang silong ang maraming motorista at commuter.
02:18Matapos nga po ang biglang pag-ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila kaninang umaga.
02:23Sa Edsa Camuning, hanggang Cubao, hanos mag-zero visibility na.
02:28Kaya ang ilang motorcycle rider sumilong na muna para hindi mabasa.
02:33Pabugsubugsong ulan din po ang naranasan sa ilang bahagi ng Commonwealth Avenue.
02:37Ang ilang commuter, nahirapang makahanap ng masasakyan dahil punuan ang mga jeep.
02:43Ganyan ang naranasan ng maraming motorista sa Maynila.
02:46Ang ilang commuter, sinuong ang ulan para makasakay ng jeep.
02:52Malakas na ulan din ang naranasan ng mga motorista sa Marcos Highway at Aurora Boulevard.
02:58Gutter deep ang tubig na nagpabagal sa mga motorista na papuntang katipunan sa Quezon City.
03:10Patay ang 6 na tao matapos tumaob at lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa Mapanuepe Lake sa San Marcelino, Zambales.
03:17Ayon sa mautoridad, mga katutubong ay tangsakay ng bangka.
03:21Base sa embestigasyon, pauwi ang mga biktima ng makaranas ng malakas na hangin at alon sa lawa na nagpataob sa
03:27bangka.
03:28Galing sa health center ang mga biktima para magpabakuna at kumuha ng libreng pagkain at gamot.
03:33Sa labing tatlong sakay ng bangka, apat ang nakaligtas habang tatlo naman ang pinagahanap pa.
03:39Nagpapahirap sa search and rescue operations ang masamang panahon.
03:43Nagpabot na pakikiramay ang lokal na pamahalaan ng San Marcelino sa mga pamilya ng 6 na nasawi.
03:51Mahigit dalawang daang bahay ang binaha sa barangay Poblasyon, Oeste, sa Dagupan, Pangasinan.
03:57Ay sa kapitan ng barangay, bunsod yan ng umapaw na creek.
04:01At ang tuloy-tuloy na pagulan bunsod naman ng mga nagdaang bagyo at habagat.
04:06Karaniwang tumataas po ang baha sa kanilang lugar tuwing umaga hanggang hapon kapag high tide.
04:11Humuhupa rin naman daw ang tubig pagsapit ng gabi.
04:14Nakikipag-ugnayan na rao ang barangay sa City LGU at DPWH para maisaayos ang creek at mabawasan ang pagbaharoon.
04:27Huli kami sa Valenzuela ang pagsabog ng liquefied petroleum gas sa isang residential area.
04:32Tatlo ang sugatan kabilang ang isang senior citizen.
04:35Balita natin ni Gabriel Gonzalez.
04:39Magdang alas 9 ng umaga kahapon, binulabog ng pagsabog ang residential area sa Santol Street sa barangay Pagbagin, Valenzuela.
04:47Sa lakas ng pagsabog, natumba ang motorsiglo sa tapat ng bahay at tumilapo naman ang maraming gamit.
04:55Maya-maya, marilinig ang sigawan at naglabasa naman ang ilang residente.
04:59Ang sanhinang malakas sa pagsabog, LPG, nalapnos ang iba't ibang bahagi ng katawa ng magkapatid na residente sa apartment at
05:08kanilang senior citizen na tatay na may sakit sa puso.
05:12Nakita ko po yung bayaw ko. Lumabas po ng pinto at sabi niya sa akin, hindi. Tulungan mo si tatay.
05:19Pero ngayon po, tatlo na po sila nasa East Avenue. Nakaano po sila.
05:27Dahil kailangan daw pong i-injuvite dahil sana lang nga po.
05:33Sumikla ba nga po ay matapos ang pagsabog?
05:36Rumes Ponte ang mga tauhan ng barangay at bumbero.
05:39Nabutan namin doon mga nagpapanik na tao.
05:41Pinasok ko lang po kahit malakas ang muso. Tapos ako binubamba.
05:46Damay ang appliances at iba pang gamit sa bahay.
05:50Kinukwento po sa atin ng kaanak ng mga biktima na yung LPG daw po ay nakalagay doon banda sa may
05:56lababo.
05:57Pusibleng nagluluto raw po yung kanilang kaanak nung bigla po itong sumabog.
06:01Sa lakas po ng pagsabog, pati po yung katapat na bahay ng apartment ay nadamay.
06:07Ito pong grills na ito na originally nakalagay dito, natanggal.
06:11Yung bintana, kisami ito. Tapos yung mga bubog pumasok sa loob.
06:17Siguro ko, isa rin akong, ano, pigsabing may injured.
06:22Hinala ng mga otoridad. Pusibleng may leak sa LPG na siyang naging mitya ng apoy at pagsabog.
06:30Patuloy ang investigasyon ng mga otoridad habang nagpapagaling sa ospital ang mga biktima.
06:35Humingi naman ng tulong ang mga kaanak ng mga biktima.
06:39Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
06:44Mga kapuso, narito po ang ilang tips para maiwasan ang sakuna mula sa pagsabog ng LPG.
06:50Ayon sa Department of Energy, ugaliin i-check kung may butas o sira ang rubber tube ng tangke.
06:56Dapat rin daw itong palitan kahit isang beses kada dalawang taon.
07:00Para masuri kung may tagas ang hose at mga koneksyon,
07:05pahiran po ito ng tubig na may sabon o liquid detergent.
07:09Tingnan kung may bumubula, nasinyalas nga po ang pagtagas ng gas.
07:14Huwag itagilid, ibalibag o pagulungin ang LPG tank.
07:18Dapat ay laging patayo ang posisyon po nito.
07:21Huwag ilagay ang LPG tank sa closed compartment o saradong lagayan.
07:26Well-ventilated dapat.
07:28Hindi rin dapat nito kasing taas ang pinaglalagyan ng kalan.
07:33Huwag din pong ilagay ang tangke sa lugar kung saan may expose ito sa araw, ulan, alikabok o init.
07:40Ugalian din na i-off ang regulator ng LPG kapag hindi ito ginagamit para iwas tagas.
07:49Patay ang isang babae sa sunog sa isang residential area sa Quezon City kaninang umaga.
07:53May ulat on the spot si Alan Gatos ng Super Radio DZBB.
07:58Alan?
07:59Ralphie patay ang isang babae ng 25 anyos matapos na matrap sa sunog sa 13th Street sa barangay Damayang Lagi,
08:07Quezon City kaninang umaga.
08:09Patay sa initial informasyon mula sa mga arson investigator ng Bureau of Fire Protection, Quezon City,
08:14nakitang labi ng babae sa loob ng isa sa mga nasunog na bahay.
08:17Ayon sa laraking kasama ng biktima, may pagkakataon pa sana na makalabas na ang babae,
08:22pero bumalik pa siya sa loob ng nasusunog na bahay.
08:25Sa ngayon, inaalam pa ang dahilan ng pagsiklab ng apoy at ang bilang ng mga nasunog na bahay.
08:31Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na naapula kaninang alas 8.44 ng umaga.
08:38Maraming salamat, Alan Gatos ng Super Radio DZ WB.
08:43Hulikam sa Valenzuela, ang street sweeper na nakaladkad ng kable na sumabit po sa isang delivery truck.
08:50Handa raw makipagtulungan ang kumpanya ng truck.
08:52Gayun din ang Meralco.
08:54Balitang hatid ni Darlene Kai.
08:59Abalang maglinis ang street sweeper na si Cora sa Valenzuela noong Martes
09:03nang dumaan ng isang delivery truck at bigla siyang nakaladkad.
09:08Sa bilis ng pangyayari, humampas si Cora sa katabing poste
09:12at nakaladkad hanggang mapahiga na lang siya sa kalsada.
09:15Hindi malinaw sa video, pero sumabit pala ang truck sa kable
09:18na siyang humila kay Cora na isa pa namang senior citizen.
09:22Agad isinugod sa ospital si Cora.
09:24Kinailangan siyang operahan sa malikat at naghihintay rin ng operasyon sa paa.
09:28Agad namang naglunsad ng investigasyon ng LGU.
09:31We're waiting for the full investigation kung paano po napulupot sa katawan po ng victim
09:36yung wire na ho yun at paano rin po na-hook up sa bumper ng JNT without human intervention.
09:45Ang sabi ng driver, dumaan lang ho siya tapos parang nasabit at nahila.
09:50Ang malinaw daw sa ngayon?
09:52For me, it's negligence din ho ang pag-iwan ng mga wires na nakakalat lang ba, nakasabit o nakakalat po.
10:02Bawal ho yan sa Valenzuela actually po.
10:05This is also the reason why, darling, in Valenzuela, we have an ordinance actually
10:09charging maintenance costs per poll sa mga utilities companies natin
10:18because we want them to be responsible.
10:21Pinatawag na ng LGU ang mga kinatawa ng JNT at Meralco.
10:25Sinisikap naming makuha ang kanilang pahayag pero ayon kay Gatchalian,
10:29aakuin o mano ng delivery company ang anumang responsibilidad sa insidente.
10:32Nakatakda sila magbigay ng paunang 200,000 piso sa pamilya ni Cora para sa kanyang medical expenses.
10:37JT Express of course is saying na this is an accident talaga, no?
10:44Kasi yung the driver that was driving the truck is an experienced driver in that area, no?
10:50In Marulas.
10:51Kapisado niya naman po yung kalya niyon and hindi niya rin alam pa paano po yung alambre
10:55nag-hook up, nag-hook sa likod ng bumper ng truck.
11:00Ang Meralco po ay kanina in-investigate ko rin ho.
11:03What we found out is number one, the pole is owned by Meralco.
11:08But the cable which they even brought a sample, talagang Darlene medyo makapal yung cable,
11:17talagang matiga solid yung cable neto.
11:20So, their statement kanina during the meeting is they don't own the cable.
11:27Hiniimbisigan pa kung aling utility company ang may-ari ng sumabit na kawad.
11:30Bukod sa tulong medikal at pinansyal, nangako rin ng LGU ng legal assistance kay Cora.
11:35Patuloy raw mag-iikot sa siyudad ang mga tauhan ng Valenzuela LGU
11:39para siguruhin na wala ng nakalaylay na kable para hindi na maulit itong insidente.
11:44Darlene Kay, nagbabalita para sa GME News.
11:47Sa isang pahayag, muling iginiit ng Meralco na hindi kable ng kuryente
11:52ang sumabit sa truck at kumalagad sa street sweeper.
11:55Patuloy raw nakikipag-ugnayan ng Meralco sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela.
12:00Tumutulong din daw sila para matukoy ang may-ari ng kawad na nagdulot ng aksidente.
12:09Mainit na balita.
12:11Pinalawig ng Yellow Warnfall Warning dito sa Metro Manila.
12:14Ayon sa pag-asa, posible ang pagbaha sa mabababang lugar
12:17at malapit sa daluyo ng tubig sa gitna ng malalakas na ulan.
12:21Bukod sa NCR, apektado rin ng Yellow Warnfall Warning ang Rizal
12:25at ilang panig ng Cavite, Batangas at Nueva Ecija.
12:30Mas malakas na Orange Warnfall Warning naman sa Pampanga,
12:33Tarlac, Bulacan at ilang bahagi ng Bataan at ng Nueva Ecija.
12:38Nagbabadya o patuloy ang pagbaha sa mabababang lugar at malapit sa daluyo ng tubig.
12:42May bantahan ng pag-uho ng lupa.
12:45Isinailalim naman sa pinakamatinding Red Rainfall Warning ang Zambales at ilang panig ng Bataan.
12:51Asahan po ang matinding pagbaha.
12:53May matinding bantari ng pag-uho ng lupa sa gitna ng matitinding ulan.
12:57Tatagal ang Red, Orange at Yellow Rainfall Warnings hanggang mamayang alas 2 ng hapon.
13:07Friday latest, balik action scene si Sparkle star Kelvin Miranda
13:13na mapapanood bilang bagong karakter sa GMA Prime series na The Master Cutter.
13:19Gaganap siya sa serye bilang si Uno Alcaraz.
13:23Level up daw ang mga eksena ni Kelvin na baon pa rin ang stunt routine
13:27mula sa paghanap niya bilang Adamo sa Encantadia Chronicles Sangre.
13:31Dream come true raw ito para kay Kelvin dahil makakatrabaho niya si Ding Dong Dantes.
13:37Sa pagpasok ni Kelvin sa The Master Cutter,
13:40paano kaya maaapektuhan si Atoy at iba pang mga tauhan sa Barangay Tabang Lupa?
13:46Subay ba yan ang The Master Cutter sa GMA Prime pagkatapos ng 24 oras?
13:54Hindi natin alam kung isa ba siyang kalaban o kakampe.
13:59Abangan na lang natin yan sa mga susunod na episode
14:02kung talaga nga bang sa panig siya ni Atoy o sa panig siya ng kalaban.
14:12Nais ni Senate President Sherwin Gatchalian na humarap sa impeachment trial
14:16ang dating head ng Vice Presidential Security and Protection Group na si Colonel Raymond Dante Lachica.
14:22Sabi ni dating OVP Special Disbursing Officer Gina Acosta,
14:27kay Lachica niya ibinigay ang confidential funds matapos i-encash.
14:31Ayon naman kay OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio,
14:35si Lachica at si Vice President Duterte ang nakakaalam kung paano ginastos ang confidential funds.
14:42Para kay Gatchalian, mahalaga ang testimonya ni Lachica
14:45dahil siya ang itinuro ni Naacosta at Ortonio.
14:48Nauna nang sinabi ni Lachica na handa siyang humarap sa impeachment trial
14:52kung ipatatawag siya.
14:58Tingnan natin kung talangan i-compel ng court na pagpuntahin siya dito.
15:04She followed the money trail at pinakinggan mo yung mga testimonies ni Acosta, ni Ortonio.
15:13So, sa kanya talaga huminto i-manig kayo.
15:17Nauna nang sinabi ng prosekusyon na hindi na nila kailangang ipatawag si Lachica sa impeachment trial
15:22dahil sapat naan nila ang pahayag ng mga naunang testigo para ipakitang mali ang paggamit ng confidential funds.
15:30Pumalag din ang prosekusyon sa pahayag ni Vice President Duterte na idinadaan sa theatrics o pagdadrama
15:37ang impeachment case na anya'y walang ni isang hibla ng ebidensya.
15:42Ayon kay House Prosecution Spokesperson Zia Alonto Adyong,
15:46tila minamaliit daw ng Vice ang mga hinihimay na issue sa impeachment trial.
15:56Umiinom ng alak habang pumapasada ang jeepney driver na yan sa bahagi ng Taft Avenue sa Pasay.
16:01Mabilis at delikado ang magmanewang chuper.
16:04Agad natuntun ng Land Transportation Office ang chuper sa viral video
16:08na ipinow sa Facebook page ni MMDA Special Operations Group Head Gabriel Go.
16:13Bukod sa lasing, inamin din daw ng chuper sa LTO na gumagamit siya ng droga.
16:18May tatlong traffic violations din daw ang chuper na hindi pa rin nare-resolba.
16:23Inimpound na ng LTO ang jeep.
16:26Pinagpapaliwanag nila ang chuper sa viral video at ang jeepney operator.
16:35Patuloy pang biniverify na Department of Foreign Affairs ang ulat na may isang Pinoy na kabilang
16:40sa mahigit sang libong nawawala sa matinding flash flood sa Nepal-China border nito pong miyerkoles.
16:46Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan sila sa Nepali authorities.
16:50Base po sa datos ng ahensya, mayroong sang daant at talongputwalong Pinoy sa Nepal.
16:56Bukod sa Honorary Consulate General of the Philippines sa Kathmandu,
16:59nakikipag-ugnayan din ang Embahada ng Pilipinas sa New Delhi Nepali Authorities,
17:05kaugnay sa kalagayan ng ating mga kababayan.
17:08Ayon naman sa Malacanang, patuloy ang pakikipagtulungan ng pamahalaan
17:12sa Nepali authorities at Filipino community roon.
17:16Nagpahatid po ng pakikiramay si Pangulong Bongbong Marcos sa mga pamilya ng mga nasawi
17:20at naapektuhan ng flash floods.
17:24Sa pinakahuling ulat ng Nepali police,
17:27nasa tatlong daan at limampus siyam ang nasawi sa flash floods.
17:31Mahigit anim na raan naman ang nawawala.
17:34Batay naman po sa ulat ng Chinese state media,
17:36tatlo ang nasawi sa flash floods at mahigit limang daan ang nawawala.
17:41Patuloy pa ang rescue operations.
17:44Nagbabala rin po ang mga otoridad na posibleng magkaroon ng palibagong flash flood
17:48dahil sa tubig na naipon sa dalawang lawa.
17:53Ayon sa isa eksperto, ilang beses na rin naranasan sa Pilipinas
17:57ang tinatawag na debris flow o pagragasan ng malasementong tubig,
18:01bato at buhangin tulad ng nangyari sa Nepal.
18:03Sa dami ng banta ng bagyo, baha, lindol at landslide sa bansa,
18:08mahalaga raw ang maagang pagtukoy sa mga posibleng pangyarihan ng sakuna.
18:13Balitang hatid ni Maki Ipulido.
18:19Nang rumagasa ang toneto nila ng bato at putik na inagos mula sa bundok ng Nepal.
18:24Sa border checkpoint na ito ng China at Nepal,
18:27parang tidal wave na nilamon ang mga gusali at pinangay ang mga nagtatakbuhang tao.
18:33Pinag-aaralan pa ng mga scientist kung ano ang naging sanhin nito.
18:38Pero sabi ni Waharlagmay, executive director ng UP Resilience Institute,
18:42ito raw ay isang debris flow.
18:44Parang baha na pero may laman na mga bato, graba, buhangin,
18:50na pagka umagos ay parang wet concrete.
18:53Debris flow ang tawag dyan.
18:55Boulders na tangay-tangay ng baha na more than 50% ang bato,
19:01ang graba doon sa marami pa sa tubig.
19:04Ang trahedya sa Nepal nangyari na raw sa Pilipinas at hindi malayong mangyari uli,
19:09ayon kay Lagmay.
19:10Noong 2012, nagkaroon ng debris flow sa Compostela Valley.
19:14Mahigit limang daang katao ang namatay.
19:17Taong 2015, nang natabunan rin ang bahagi ng ilang barangay ng Baco Oriental Mindoro
19:22ng mga naglalakihang bato mula sa debris flow.
19:27Sa Pilipinas, ang trigger down ng debris flow ay matinding ulan sa bundok na nagdudulot ng landslide.
19:33Marami tayong bundok.
19:34Pag nagkaroon ng landslide because of a storm,
19:38na thousands of landslides doon sa mountains,
19:40meron tayong source material.
19:42And when they get remobilized, they turn into what we call as debris flows.
19:48And they exit at the mouth of the drainage network.
19:53Sa ating bansa, babagsak daw ang debris flow sa mga komunidad na nasa mga gilid ng ilog.
19:58There are more than 1,000 places that we've identified na merong communities na nandoon.
20:04And we need to put them out of harm's way.
20:07And if we cannot get them to leave that place, at least we need to get them prepared.
20:13Dito papasok ang kahalagahan ng pag-aaral ng UP Resilience Institute
20:17ng mga maaring pagmula ng mga natural hazards sa bansa.
20:21Nitong taon, nakatanggap ng 1 bilyong piso ang UP Resilience Institute
20:24na magagamit na pambili ng equipment para sa hazard mapping ng buong bansa.
20:29Pero para sa isang bansang may lindol, baha, landslide at pumuputok na bulkan,
20:34dapat daw hindi lang minsanan ang pagpupondo para rito.
20:38What creates disaster or tragedy is our lack of preparation.
20:45Hindi talaga mapigilan ang lindol.
20:47Ang purpose natin dito is to prepare to build a resilient society
20:51para mamanos-menos ang damage to number one life.
20:56Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA News.
21:04Isinailanin po sa dengue outbreak ang probinsya ng Bohol.
21:07Ayon sa provincial government, mahigit sang 1,800 ang mga kaso ng dengue sa lalawigan
21:12mula January 4 hanggang nito pong August 22.
21:1621 ang nasawi.
21:18Kabilang po sa mga lugar na may pinakamaraming kaso ang Talibon, Tagbilaran, Getafe, Tubigon at Ubay.
21:27Inatasan po ang lahat ng LGU na paigtingin ang paghahanap at pagpuksa sa mga pinamumugaran ng lamok
21:33at maglinis ng kapaligiran.
21:35Maglalagay din daw ng dengue fast lanes sa mga ospital at health center
21:39at maglalaan ng pondo para sa mga gamot at kagamitan.
21:43Hindi lamang po mga tagabuhol, kundi lahat tayo ay dapat makiisa sa kampanya kontra dengue.
21:48Sundin ang 4T strategy ng Department of Health.
21:52Gawin ang taob, taktak, tuyo at takip sa mga lalagyan na posibleng pamugaran ng itlog ng lamok.
22:02Weather update po tayo ngayong long weekend.
22:04Makakapanem natin si pag-asa weather specialist, Benison Estreja.
22:08Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
22:15Nasaan na po yung eksaktong lokasyon na binabantayang low pressure area sa loob ng PIR?
22:21Hello Sir Raffi, magandat ang hali po.
22:23Gayun din sa ating mga tagasubaybay.
22:25Sa ngayon po yung low pressure area na ating monomonitor ay huling namataan
22:28at 655 kilometers east-northeast of Itbayat Patanes.
22:33At meron po itong katamtamang tsansa na ma-develop bilang isang tropical depression
22:37o mahiging bagyo sa susunod po na dalawa hanggang tatlong araw.
22:41At papangalanan po natin ito na pilandok kung sakasakali.
22:44At yung track nitong low pressure area is mananatili lamang ito
22:48sa hilagang bahagi ng Philippine Sea approaching po dito sa may Taiwan.
22:52So less likely po ito na maglalaan po.
22:54So ngayong weekend, talagang uulanin pa rin po ang malaking bahagi ng at least sa Northern Luzon?
23:00Yes. Ang Luzon po ang pinaka-maapektoan po nitong hangi habagat or Southwest Monsoon
23:05na positinga mas tumakas pa pagsapit po ng Sabado hanggang Lunes.
23:09At pinaka-uulanin itong mga nasa Western sections pa rin.
23:13Gabi lang na po dyan ang Ilocos region, Cordillera region,
23:16halos buong Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, and Mindoro, Palabinses.
23:20Gano'ng kadaming ulan po ang dala nitong hangi habagat?
23:25Merong mga lugar po kagaya dito sa Maisampales, Bataan, La Union, Benquet,
23:30and Pangasina na hanggang 200mm po ang pusibong maranasang ulan
23:34in a 24-hour period.
23:36Pero ito ay for a day lamang po.
23:38At pusibong magtagal nga ito ng 2 hanggang 3 araw pa.
23:41Kaya yung mga pagpulan na mararanasan po nila ay pari magtulot pa rin
23:44ang palawak ng mga pagbaha, pag-apong ng mga kailugan, at pagbubo ng lupa.
23:49Ano naman pong lagay ng panahon sa malaking bahagi ng Visayas,
23:51lalo na po sa Mindanao?
23:55For Visayas, affected din po ng habagat, lalo na itong Western sections.
23:59So yung Western Visayas and Neclos Island region,
24:01may aasahan po ng mga light to moderate rains at times heavy rains
24:05over the province of Antique.
24:07Habang dito naman po sa Mindanao, magpapatuloy pa rin po yung maaraw,
24:11na panahon in general hanggang sa matapos pong long weekend.
24:14Kaya ibig sabihin niyan, magiging mainit din po at maalinsangan,
24:18lalo na from 10 a.m. to 4 p.m. in many cities
24:21at yung mga nasa tabing dagat po ng mga lugar
24:24at isolated na ulan lamang po ang pusibong.
24:26May ibang sama pa po ba ng panahon kayo yung may amin na monitor?
24:31Bukod dun sa low pressure area, may mga nakapalibot din po
24:34ng mga cloud clusters dito sa may Philippine Sea
24:37and even dito sa may West Philippine Sea
24:39at wala naman pong indicator na alin sa mga ito ay magiging isang bagyo.
24:43But for the month of September po,
24:45ang forecast po natin ay dalawa hanggang tatlo
24:47at yung kanyang general direction ay heading towards northern Luzon
24:51at yung ibang bahagi po ng Luzon and Gesayas maaaring maapektuhan pa rin po
24:56ng hanging habagat.
24:57Baka may babala po kayo sa ating mga kababayan,
24:59lalo na saturated na yung lupa.
25:01At ito pa, paparating na naman itong malalakas na ulan.
25:04At sa inyo pong pagkakataon?
25:06Yes po, sa ating mga kababayan dito sa Luzon,
25:09lalo na dito sa may northern and central portions,
25:11yung mga nagpapalak po na magpakasyon
25:13during this long weekend,
25:15hindi po magiging ideal yung ating panahon.
25:18At we're seeing na magkakaroon nga na pabugsubugsong malakas na ulan at hangin,
25:22so mataas ang chance na mga pagbaha
25:25dun sa mga low-lying areas natin dito sa may central Luzon.
25:27Yung mga mountainous areas dito sa may Cordillera regions,
25:31mataas po ang chance na na-saturated na nga yung lupa
25:34dahil sa mga previous na mga rainfall.
25:36Kaya tumataas po yung chance na mga landslides natin
25:39at yung mga nasa tabing ilog naman po.
25:41We're still giving them warnings
25:43regarding po sa pag-aabaw ng mga kailugan dito.
25:46So baka staycation na lang muna.
25:48Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
25:52Salamat din, Sir Raffi.
25:53Yan po si pag-asa weather specialist, Benison Estareja.
26:01Open makipag-collaborate ang GMA Network
26:04sa mga counterpart nito sa Thailand
26:06para makapaghatid ng mas marami
26:08at mas magagandang media content.
26:12Pinag-usapan niyan sa pag-bisita sa Kapuso Network
26:15ng ilang taga Department of International Trade Promotion
26:18na nasa ilalim ng Thai Ministry of Commerce.
26:21Meron ding representatives mula sa Thai Trade Center, Manila
26:25sa pangunguna ng kanilang director na si Soutini Watana.
26:29Bumisita rin ang ilang Thai actors at kinatawa ng ilang production companies sa Thailand.
26:34Sinalubong sila ni GMA Network Senior Vice President for Programming,
26:38Talent Management, Worldwide and Support Group,
26:41Atty. Anette Gozon Valdez,
26:43at iba pang opisyal ng GMA Network.
26:45Ang goal ng pag-bisita ng Thai officials dito
26:48ay para palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Thailand
26:52pagdating sa pelikula, TV shows at digital content.
27:03Huli ka, mga dalawang lalaki nga na dahan-dahang pumasok sa isang bahay sa Barangay Post,
27:08proper south side sa Taguig.
27:09Walang tao sa nasabing bahay ng mga sandaling yun.
27:12Parehos na kasombrero ang dalawang lalaki.
27:15Naghalughog sila ng mga gamit sa bahay.
27:18Sa kabila niyan, walang nakuha ang mga magdanakaw maliban sa mga bariya,
27:22ayon sa may-ari ng bahay.
27:24Bago umalis, ginalaw ng isa sa kanilang CCTV sa bahay
27:28hanggang sa mawala ang video nito.
27:31Na-recover pa rin ng may-ari ang footage.
27:33Agad isinumbong ang insidente sa Barangay Officials.
27:37Pinaiigting na ang pagroronda ng mauturidad sa lugar.
27:43Arestado sa Bulacan ang isang lalaking akusado sa pagpatay sa Quezon City noong 2023.
27:48Anya, hindi niya alam na may kinakaharap pala siyang kaso
27:51pero aminado siya sa nagawang krimen.
27:54Balitang hatid di James Agustin.
28:00Matapos ang halos atlong taong pagkatago sa North Sagaray, Bulacan,
28:03natunto ng mga operatiba ng Noloma Police
28:06ang 27-anyo sa lalaki na wanted sa kasong murder.
28:09Subject ang akusado ng bit-bit na arestwarang tamang otoridad.
28:12May mga tips sa amin na nagtatago daw ito sa North Sagaray.
28:17At sa tulong ng North Sagaray Municipal Police Station,
28:21natunto namin yung suspect at doon na namin na serve yung warrant of arrest niya.
28:27Ayon sa pulisya, nangyari ang krimen sa Barangay Manres sa Quezon City noong 2023.
28:32Nasawi ang 57-anyo sa lalaking biktima na kakilala ng akusado.
28:36Itong suspect at yung biktima ay nag-uusap sa may sari-sari store.
28:41Hindi malamang dahilan, e biglaan na lang sinuntok nitong suspect, yung biktima,
28:46at pinukpok ng pinukpok ng kahoy sa ulo.
28:50Nakatakbo itong biktima at doon natumba siya sa may construction site
28:55at dinala na rin siya sa hospital at doon na siya binawian ng buhay.
29:00Sabi ng akusado, hindi raw niya alam na may kinakarap siyang kaso.
29:04Pero aminado siya sa nagawang krimen.
29:06Nagawa ko po kasi may nagawa rin po siya sa aking kasalanan.
29:12Kinawa niya po yung gamit ko.
29:13Sa record ng pulisya, dati nang nakulong sa Valenzuela ang akusado
29:17dahil sa mga kasong direct assault at frustrated homicide.
29:21James Agusti, nagbabalita para sa GMA News.
29:29Iginit ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez
29:32na walang credible o kapanipaniwalang witness
29:34na mag-uugnay sa kanya sa issue sa flood control projects.
29:37Kaya panawagan nila huwag nang ituloy ng Office of the Ombudsman
29:41ang pagsasampa ng mga kasong plunder, graft, direct at indirect bribery
29:45at money laundering laban kay Romualdez.
29:47Ito'y matapos magbawinan sa Laisay ang ilang nagpakilalang dating tauhan ni Zaldico
29:51tulad ni Orly Gatesa at apat sa mga tinaguriang
29:55Maleta Boys.
29:56Hindi pa rin daw alam ng kampo ni Romualdez
29:58kung sino-sino ang sinabi ng Ombudsman na 28 pa
30:01ang handang tumistigo sa embistigasyon sa dating speaker.
30:05Sagot ni Assistant Ombudsman, Miko Clavano,
30:08hindi eraser ang recantation o pagbawi ng testimonya.
30:11Lalo pero dapat palalimin ang embistigasyon
30:13para malaman kung bakit may mga nagbawi ng testimonya
30:17at kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.
30:25Patayang isang batang walong taong gulang
30:27matapos mabangga na isang truck sa Balamban, Cebu.
30:30Sa embistigasyon ng Balamban Police,
30:33pinapaanda ng truck driver ang sasakyan
30:35pero hindi ito umandang.
30:37Bumaba ang driver at tinignan ang baterya
30:39nang biglang umabante ang truck.
30:42Tinamaan po ang maglolang biktima
30:44na nooy patawid ng kalsada
30:45at pauwi na galing eskwelahan.
30:48Sugatan ang lola ng biktima.
30:51Nasa kustodian na ng polis siya ang driver.
30:54Sinuspindi rin ang kanyang driver's license
30:56at inisyohan din ang show cost order.
30:58Inihahanda na ang kaukulang reklamo
31:00na isasang palaban sa kanya.
31:02Kinukuha pa ng GMA Regional TV
31:04ang pahayag ng driver
31:05at maging mga kaanak ng biktima.
31:09Pinatay na, pinaniniwalaang,
31:11pinagnakawan pa ang isang mag-asawa
31:14sa Mauban, Quezon.
31:16Natagpuan ng katulong na walang buhay
31:18ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay.
31:21Sa isinagawang embistigasyon,
31:22napag-alaman na nawawala
31:24ang ilan nilang gamit
31:25kabilang ang cellphone at wallet
31:27sa tulong ng isang witness
31:29na aresto ang itinuturong suspect.
31:32Nabawi sa kanya
31:33ang isang singsing na pagmamayari
31:35daw ng isa sa mga biktima.
31:38Narecover din ang kutsilyo
31:39na pinaniniwalaang ginamit niya sa krimen.
31:42Walang pahayag ang suspect.
31:44Patuloy ang imbistigasyon
31:45ng mga otoridad.
31:52May isang alaga sa Marikina
31:54na Certified Suite
31:55dahil madalas na may
31:58pasalubong.
31:59Nago'y ko d'yan.
32:01Saan mo kinuwi ang uling?
32:05Napatawa na lang
32:06ang fur mom
32:06ng pusang si Lily.
32:08Galing sa stroll,
32:09may inuwi kasi ito
32:11na isang plastic bag
32:12ng uling.
32:14Malamang sa malamang,
32:15isang kamag-anak na naman daw
32:17sa kanilang compound
32:18ang nabiktima ng cute na katuatan.
32:21Ayon kay U-Scooper Cathy,
32:23isa lang yan
32:24sa sari-saring abubot
32:26na nantake home
32:26ng kanyang alaga.
32:28Wala pa naman daw
32:29nagsasampa ng rekla.
32:31Meow!
32:32Kaya safe pa ang pusang
32:35main character.
32:39Patay ang isang lalaki
32:40matapos makuryente
32:41sa Himamaylan Negros Occidental.
32:44Sa investigasyon ng pulisya,
32:46magiinit sana ng tubig
32:47ang 22 anyos na biktima
32:48sa loob ng kanilang bahay
32:50sa barangay Aguisan.
32:51Kwento ng ina sa pulisya,
32:53tumilapon ang anak niya
32:54sa sahig ng kusina
32:55nang isaksakang palyado
32:56o manon nilang electric heater.
33:00Samantala,
33:01isinailalim sa state of calamity
33:02ang probinsya
33:03ng Dinagat Islands
33:04dahil sa kakulangan
33:05sa supply ng tubig
33:06bunsod
33:07ng mainit na panahon.
33:09Ayon sa lokal na pamahalaan,
33:10humigit kumulang
33:11labing walong libong residente
33:13ang apektado
33:14ng krisis sa tubig.
33:15Kabilang sa mga yan
33:16ay magsasaka
33:17at mangingista.
33:18Sa pamamagitan po
33:19ng deklarasyon,
33:20magagamit ng probinsya
33:22ang 17 million pesos
33:23na quick response fund
33:24para matugunan
33:26ang kakulangan sa tubig
33:27at pagbilih
33:28na mga kailangang gamit.
33:30Pinag-aaralan na rin po
33:31ang paghahanap
33:31ng alternatibong
33:32pagkukunan ng tubig.
33:34Ayon sa pag-asa,
33:35naranasan sa probinsya
33:36ang moderate
33:37hanggang strong
33:38El Niño
33:39at inaasahang
33:40magpapatuloy
33:41hanggang sa unang
33:41semestre
33:42ng susunod na taon.
33:46May seryosong sakit daw
33:48ang naka-medical leave
33:50na si Senadora
33:50Loren Legarda.
33:52Ayon po niya
33:53kay Senate President
33:53Sherwin Gatchalian
33:54na hindi idinetang
33:55ang kalagayan
33:56ni Legarda.
33:57O gusto umalis
33:58ng bansa si Legarda.
33:59Ilang araw
34:00matapos sabihin
34:01ng ombudsman
34:01na pinaimbestigahan siya
34:03at anak niyang
34:04si Batangas,
34:05First District Representative
34:06Leandro Leviste
34:07kaugnay sa plunder.
34:09Dati nang sinabi
34:10ni Legarda
34:11na huwag bigyang mali siya
34:12ang kanyang pag-alis
34:13at huwag ding daw
34:14iugnay sa mga lumabas
34:16na anya'y mali
34:17at walang basihang aligasyon.
34:19August 3,
34:20nagsimula
34:20ang kanyang medical leave.
34:22Ilang beses na siyang
34:23humiling na i-extend ito
34:24hanggang mapalawig
34:25sa Mierkules,
34:26September 2.
34:28Mula noon
34:28ay hindi na raw
34:29kinukuha
34:30ng Senadora
34:30ang kanyang sweldo.
34:32Ngayon din,
34:33ang nagtatagong
34:34si Senador Bato
34:35de la Rosa
34:35at mga nakakulong
34:37na sina Senador
34:38Jingo Estrada
34:38at Rodante
34:39Marculeta.
34:40Ayon kay Gatchalian,
34:42naging savings
34:42ang sweldo
34:43ng apat na senador.
34:50May dapat ulit abangan
34:52sa hit GMA
34:53Afternoon Prime
34:54series na
34:55Born to Shine.
34:57After several
34:58crossovers,
34:59mapapanood next
35:00sa series
35:01si First Yaya
35:02turned First Lady
35:03na si Melody Acosta
35:05played by
35:06Sparkle actress
35:06Sanya Lopez.
35:08Chika ni Sanya,
35:09looking forward
35:09na siyang maka-eksena
35:11si Zephanie
35:12playing Jenny Sikat.
35:14Na-miss din daw niyang
35:15gampanan
35:15ang role ni Melody.
35:17Kaya in preparation,
35:18pinanood niya ulit
35:19ang First Lady
35:20to refresh her memory.
35:25Pinanood ko lang ulit
35:26yung First Lady
35:27para ano ba yung
35:28atake ko doon
35:28kasi syempre
35:29sa dami na mga
35:30teleserye
35:30na dumaan sa atin,
35:32kailangan mong
35:34balikan kung sino.
35:35Yes,
35:36refresh lang.
35:41Sa Brisbane,
35:43Australia,
35:43may mga ipis
35:44na pupurihin
35:45at hindi pa
35:45didirihan.
35:47Sa halip kasi
35:47na peste,
35:48paramedics
35:49ang eksena
35:50ng mga ito.
35:51Ipis to the
35:52rescue yard?
35:53Hmm,
35:54meet paraborgs
35:56o ang paramedic
35:57cyborg
35:57cockroaches.
35:58Mga totoong ipis
36:00yan na may
36:00camera at
36:01syringe devices
36:02para sa kanilang
36:03role sa search
36:04and rescue
36:05operations.
36:05North Queensland
36:06ang species
36:07na gamit
36:07sa pag-aaral.
36:09Pinakamabigat
36:09na ipis man,
36:10sakto pa rin
36:11ang size
36:11na mga ito
36:11para marating
36:12ang challenging
36:13at makikipot
36:14na terrain.
36:15Halimbawa,
36:16sa mga lugar
36:16na nilindol
36:17o may guho,
36:18umaasa kasi
36:19ang mga scientist
36:19na kakayanin
36:21ang mga ipis
36:22na maghatid
36:22ng gamot
36:23sa mga biktima
36:24ng sakuna.
36:25Wow!
36:26Wow!
36:27Ang laki!
36:28Ang ipis!
36:31Samantala,
36:32paalala lamang
36:32po muli mga kapuso,
36:33asahan po ang ulan
36:34sa ilang lugar
36:35hanggang mamayang hapon.
36:37Dito po sa Metro Manila,
36:38nakataas ang
36:39yellow heavy
36:40rainfall warning.
36:41Bukod sa NCR,
36:42apektado din
36:42ng Rizal
36:43at ilang panin
36:44ng Cavite,
36:44Batangas
36:45at Nueva Ecija.
36:46Ayon sa pag-asa,
36:47posibli ang pagbaha
36:49sa mabababang lugar
36:50at malapit
36:51sa daluyan
36:52ng tubig.
36:52Kaya sa mga
36:53lalabas pa lang,
36:54huwag kalimutang
36:55magdala ng payong
36:57o di kaya po
36:58ay kaputi.
36:58Mas malakas na
36:59orange rainfall
37:00warning naman
37:01sa Pampanga,
37:02Tarlac,
37:03Bulacan
37:04at ilang bahagi
37:05ng Bataan
37:05at ng Nueva Ecija.
37:07Nasa pinakamatinding
37:08red rainfall
37:09warning naman
37:10ang Zambales
37:11at ilang panig
37:12ng Bataan.
37:13Hagang 2 p.m.
37:14po yung mga
37:15heavy rainfall warning.
37:16Tutok po sa weather
37:17updates dahil posibli
37:18maglabas ng panibagong
37:19round ng rainfall warning
37:20ang pag-asa.
37:23Yan po ang
37:24may init na balita
37:25ngayong tanghali.
37:26Ako po si Connie Sison.
37:27Rafi Tima po.
37:28Kasama nyo rin po ako
37:29Aubrey Caramper.
37:30Ito po ang GMA News.
37:31Walang kinikilingan,
37:32walang pinaprotektahan.
37:33Noon at ngayon,
37:34serbisyong totoo.
37:43Sorry,ä½ çœ‹
37:43when t felÃl. panikiativiri.
37:43I think when, you know
37:44in Oregon go and there's
37:44Guess what they're