00:00Nababahala rao si Vice President Sara Duterte sa pahayag ng Pangulo na
00:04pinakamataas na banta kung totoong umanggap siya ng pera mula China.
00:08Parang inamin daw ng Pangulo na threat ang turing sa kanya ng administrasyon,
00:13pati yung may mga negosyo sa China.
00:16Nakatutok si June Generation.
00:21The most disturbing aspect of it is the Chinese money.
00:25That now rises to a national security issue kung totoo.
00:32If it is true, it is a threat at the highest level to the Republic.
00:43Naalarma rao si Pangulong Bongbong Marcos sa aligasyong meron umanong pera mula China
00:49na pumasok sa kumpanyang konektado kay Vice President Sara Duterte.
00:53Kung totoo daw ito, sabi ng Pangulo, may tuturing itong pinakamataas na uri ng banta.
00:58Sagot ng Vice, nakakabahala ang pahayag ng Pangulo.
01:01Parang inamin na rin niya na simula noong 2023 ay itinuring nila akong threat.
01:09Nakakabahala ito dahil sinasabi niya na ang Vice President ay isang threat sa bansa.
01:14At pangalawa, nakakabahala ito dahil parang sinasabi niya na yung mga nagninegosyo na merong trade sa China ay threat din.
01:26Ang issue tungkol sa Chinese money ay naungkat sa impeachment trial ng pangalawang Pangulo.
01:31Makaraang kumpirmahin ng Anti-Money Laundering Council na may pumasok ng mayigit 300 million pesos mula China at Hong Kong
01:39sa kumpanyang pagmamayari ng asawa ni VP Sara na si Atty. Man Scarpio.
01:44Sabi ng pangalawang Pangulo, kung ano-ano na lang ang inilalabas ng prosecution na wala naman daw ebidensya.
01:51Nagsisinungaling, nag-iimbento, kaya bumabagsak yung kaso.
01:56Kaya nag-shift na yung narrative to China-China naman tayo ngayon.
02:01So ano ba talaga? Bawal ba talaga magnegosyo with China?
02:05Sabi pa ni Duterte, bahagi ng kasinungalingan ang umano'y revelasyon ni Dismiss Patzolman Rodolfo Gracioso Jr.
02:13na nag-deliver umano siya ng mali-maletang pera sa mga Duterte sa utos si dating Speaker Lord Alan Velasco.
02:20Dati nang itilanggina na Duterte at Velasco ang aligasyon na nindigan ang bise na ang gobyerno ang may pakanaan ito.
02:27Tinawag na yan ang Pangulo na fake news at sinabing dapat patunayan niya ang pahayag na yan.
02:32Diba ang handler ni Gracioso ay yung National Bureau of Investigation?
02:38The way that the NBI defends Gracioso and lahat ng mga sinasabi ni Gracioso?
02:46Sabi na attorney Melvin Matibag, walang basihan ng paratang na ang NBI ang tumatayong handler ni Gracioso.
02:52Ang dapat daw sagutin ng pangalawang Pangulo ay ang embesigasyon ng NBI na merong 60 milyon pesos na mansyon ang
02:59mga Duterte sa Davao City.
03:00Pero i-diniklara lang na agricultural land na mahigit 800,000 pesos ang halaga.
03:06Alam mo si Vice President Sara, alam naman natin na abogado, mataas ang grade niya sa bar, 80, diba?
03:12So ang tawag niyan kasi sa argument na ganyan, ad hominem yan eh.
03:16Dapat siguro sagutin niya squarely yung issues.
03:19Totoo bang may mansyon? Totoo bang diniklara niyo ito na agricultural?
03:23Just answer the question, huwag yung pagkakaroon tayo sa name calling eh, pangit siya niya.
03:32Napabuntong hininga at napangiti si VP Sara nang itanong ito sa kanya.
03:36Alam niyo, napansin ko lang ha, na lahat na lang ng iligal ay pinapahid nila sa akin.
03:44Lahat din ay gagawin din nila para sinabi ko nga, pabagsakin ako because this is about the 2028 elections.
03:56Ito ay impeachment.
03:57Pangalawa, ito ay charter change.
04:00At pangatlo, ito ay no elections.
04:04Ang dapat o tutukan ng Administrasyong Marcos ay ang problema sa iligal na droga, sabi ng pangalawang Pangulo.
04:10Kung hindi rao mataas ang demand ng droga sa Pilipinas, walang magtatangkang mag-smuggle ng mahigit isang toniladang shabu na
04:18naharang sa Law at Thailand.
04:19Initial reaction, nahiya ako. Nahiya ako sa ating mga kapitbahay dito sa Southeast Asia.
04:31Dahil tayo yung naging sentro pa ng drug trafficking dito sa ating region. Nakakahiya yun.
04:40Wala pang pahayag ang palasyo sa mga naging pahayag ng bise.
04:43June Veneration Nakatutok, 24 Horas.