00:00Samantala, hindi sagot ang pagbiyahe para solusyonan ang problema ng bansa.
00:06Yan ang buwelta ng palasyo kay Vice President Sara Duterte
00:10ng depensahan nito ang mga puna sa madalas niyang pag-aabroad.
00:15May kumasarin sa hamon ng bisi na ilabas ang travel list ng mga kongresista.
00:22Nakatutok si Mari Zumari.
00:24Nagta-travel ako, lumalabas ako ng bansa dahil frustrated na ang Pilipino communities abroad sa nangyayari nito sa ating bayan.
00:38Sa sinabing ito ni Vice President Sara Duterte bilang paliwanag sa batikos kung bakit siya nagbabiyahe abroad,
00:45bumwelta si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
00:48Ma po-frustrate yung mga kababayan natin abroad dahil ang Pangulo po ay nasa Pilipinas, nagtatrabaho.
00:55Samantalang ang Vice Presidente ay madalas na nasa personal trip at hindi po sagot ang pagbabiyahe para masolusyonan kung may problema man ang bansa.
01:09May patutsada pa siya sa kung ano ba talaga ang layo ng bisi sa kanyang ginagawa.
01:13Dahil pag pinatanggal po ang Pangulo sa kanyang pwesto, ang makikinabang po dyan ay ang vice Presidente.
01:19At siguro dapat mas maging maliwanag lamang na ang personal trip ay pang personal agenda.
01:27Paglilinaw din ni Castro, hindi niya sinabing nagpunta ang bisi sa Kuwait noon nang walang travel authority.
01:32Inedit lang daw ang video, kaya nagmukhang gano'n ang kanyang sinabi.
01:37Si Duterte naman naglabas ng hamon sa mga bumabatikos sa kanyang madalas na pagbiyahe.
01:41Ilabas din siguro ni, sino yan siya? Is that person? Kung kinsama na siya.
01:48Ilabas din siguro nila yung travels ng mga members of the House of Representatives bago sila magtuturo ng mga tao na constant travel.
02:00Kumasa rito si Deputy Speaker Ronaldo Puno.
02:03Agree ako, lahat tayo, maglabasan tayo ng travel. May dalawang klaseng travel ha, official travel at personal travel.
02:11Yung personal travel, hindi binabayaran ng gobyerno. Official travel, binabayaran ng gobyerno.
02:17At ako, mauna ako, magpapail ako. Wala naman siguro yung natatakot yan dito sa Congress.
02:23Kinukuhaanan pa namin ng panibagong reaksyon dito ang Vice Presidente.
02:27Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Tutok, 24 Horas.
Comments