Skip to playerSkip to main content
Inflation na pumalo pa sa 7.2% 3 yr-high nitong Abril, kabilang sa mga inaabangang matugunan sa SONA 


Taun-taong hindi nawawala sa listahan ng mga isyung dapat tugunan ng gobyerno ang mataas na presyo ng mga bilihin.


Pero lalo ngayong taon dahil sa epekto ng giyera ng Amerika at Iran.


Kaya sa pagpapatuloy ng serye ng GMA News bago ang State of the Nation Address, alamin natin kung paano iyan tinutugunan at kung ano pang dapat gawin ng pamahalaan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:30Alamin natin kung paano niyang tinutugunan at kung ano pang dapat gawin ng pamahalaan.
00:35Ang special report sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:42Lalong damah ngayong Abril ang pagmahal ng mga bilhin.
00:46Bumilis pa lalo ang inflation.
00:487.2% ang inflation rate.
00:51Sa mahal ng mga bilhin, kaya pa ba?
00:55Hindi na po. Kasi sa dami po ng gastusin, kailangan po kakayanin eh. Ganoon po talaga.
01:01Ngirap ng buhay po ngayon. Talaga, kailangan ng lakas na katawag.
01:05Wala namang choice, sabi ni Rosemary, kundi kayanin.
01:09Kaya kahit 65 years old na, 12 oras siyang nagbebenta ng prutas kada araw sa bangketa.
01:16Ang 500 pisong kita kada araw, kasha lang para sa bigas, kalahating ulam at pamasahe.
01:21Kaya dalawang buwan na siyang dibayad sa upa at putol na ang kuryente.
01:26Hihirap mag-cash yan.
01:27Sige, testless lang tayo. Wala mabili sa ulam yung mga anak.
01:31Kahit ninsan, nag-aulam sila mantika at saka tuyo.
01:36Taon-taon namang reklamo ng marami na hirap na sila sa panggastos.
01:40Pero may dagdag kalbaryo ngayong taon.
01:46Dahil sa pag-atake ng Amerika, isinara ng ira nitong Pebrero ang Strait of Hormuz,
01:51na daanan ng barkong may kargang langis mula Middle East.
01:55Sumirit ang presyo ng petrolyo sa buong mundo.
01:59At dito sa atin, sumipa ang diesel mula 48 pesos kada litro noon
02:03sa hanggang mahigit 160 pesos na pinakamataas nitong Abril.
02:09Nagmahal din ang gasolin at kerosene.
02:12More than 90% ng ating oil, ng ating energy, ay imported.
02:19At ang karamihan yan ay nagagaling dun sa Strait of Hormuz.
02:22Lahat halos ay gumagamit ng langis.
02:26Ang ating agrikultura, ang ating industriya, ang transportasyon natin, paglulutog.
02:33Unang tinamaan ang sektor ng transportasyon, na kahit nagka-rollback na,
02:37ay hirap pa rin sa higit 77 pesos na presyohan ng litro ng diesel ngayon.
02:42Kaya 500 pesos lang ang naiuuwi ni Jerry mula sa pamamasada,
02:47alas 3 ng madaling araw hanggang alas 10 ng gabi.
02:50Nung mga 55 pa po ang krudo, umuwi po ako ng aras 4 ma'am.
02:53Mayroon lang akong 1, 2, 1, 5, mga ganon.
02:56At dahil halos lahat gumagamit ng langis,
02:59nag-domino effect na ito sa presyo ng servisyo at produkto.
03:02Ang dati ng mahal, nagmahal pang lalo.
03:05Noong Enero, nasa 2% ang inflation o bilis ng pagmahal ng servisyo at produkto.
03:11Pero simula ng magkagera, ay bumilis ito hanggang pumalo sa 7.2% nitong Abril.
03:17Di nakamataas yan sa loob ng tatlong taon.
03:21Pahagyalan niyang bumagal sa 6.4% nitong Hunyo.
03:25Kaya si Rosemary, di na regular na nakakainom ng maintenance medicine sa high blood.
03:30Minsan, diinom lang akong yung mga daon-daon pag ano talaga.
03:33Mahirbar-hirbar.
03:35Dahil dolyar kung bilhin ang petrolyo at maraming iba pang produkto,
03:39bumaba lalo ang halaga ng pisok kontra dolyar.
03:42Sumadsad ang pisok sa record low na 61 pesos at 75 centavos nitong May 19.
03:49Nasa 61 peso level pa rin ito ngayon.
03:52Eh kasi doon sa dami ng ating importation,
03:55yung demand natin para sa dolyar ay napakalaki.
03:58Tumaas ang presyo ng petrolyo, natural,
04:02kailangan din natin ng mas maraming dolyar.
04:04At dahil sad-sad ang halaga ng piso,
04:07nagmahal ang mga hindi gawa sa Pilipinas.
04:09Kung mamimili ka sa grocery halimbawa, marami sa mga produkto dito imported.
04:14Ultimo asin, inaangkat mula China o Australia.
04:18Kung gawa man dito sa Pilipinas, marami sa mga raw material na ginamit imported.
04:25Kaya babalik ang epekto nito sa presyo ng bilhin na lalo pang tataas.
04:30Mas konti ang bibili, hihina ang benta ng mga negosyo,
04:34at babagal ang paglago ng ekonomiya, na isa sa mga sukatan ng pamamalakad ng gobyerno
04:39at binabantayan kada State of the Nation Address o SONA.
04:43Pero ganito na ang taunang galaw ng ekonomiya sa nakaraang apat na taon.
04:48At yung target ng gobyerno na makikita sa pulang linya,
04:51hindi na naabot sa huling tatlong taon.
04:54Para hindi matenga ang takbo ng ekonomiya,
04:57kailangan tuloy na may panggastos ang mga mamamayan.
04:59Kaya ang mga driver na apektadong kita ng mega oil price hike,
05:04binigyan ng 5,000 pesos na ayuda bagaman di na nasundan.
05:08Laking bagay po, nakabili po ng isang kabambigas,
05:12baon ng anak na mga apo,
05:14tsaka ulam po,
05:16tsaka bayaran po ang mga bil, kuryente, tubig po.
05:19Pero panandali ang tulong lang ang ganito,
05:22ayon sa isang ekonomista.
05:24Kailangan anya na mga pulisi at programang magpapalakas
05:27ng ating industriya at agrikultura
05:29para di laging apektado ng nangyayari sa ibang bansa.
05:33Kailangan magkaroon tayo ng mas malayong pananaw,
05:36magkaroon tayo ng long-term view, plano,
05:40na palakasin natin ang ating sariling industriya
05:42para hindi lahat ng pangangailangan natin
05:45ay lagi na lang natin inaangkat.
05:49Dahil nakadepende rin sa ekonomiya
05:51ang pampondo sa mga programa,
05:53nangungutang pa ang gobyerno
05:55na sa taong ito ay pumalo na sa 18.55 trillion pesos
06:00nitong Mayo.
06:01Mas malaki ang utang,
06:02mas malaking kailangang bayaran.
06:05Kaya lalong kumukonti ang panggastos ng gobyerno.
06:08Ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas
06:10as of first quarter,
06:12nasukatan kung kayang bayaran ng utang,
06:14lagpa 65% na.
06:16Actually, ang pamantayan niyan
06:18ay 60% ng ating GDP
06:20ang cap o ang maximum,
06:22ang ceiling ng ating pagkakautang.
06:25Lumampas na.
06:26Para yung vicious cycle.
06:29Utang tayo ng utang,
06:31pero para makabayad,
06:32uutang ulit tayo.
06:34Tatlong kagawaran na may kinalaman sa ekonomiya
06:37ang sinubukan naming makapanayam,
06:39pero walang paunlak o pahayad.
06:41Pero giit ng palasyo,
06:43may mga programa ang Marcos Administration
06:45para mapalakas ang mga lokal na industriya
06:47tulad ng enerhiya at agrikultura
06:49para mapalagupa ang ekonomiya.
06:52Medyo lumili pata tayo sa mga renewable energy.
06:55Pati yung solar,
06:57pinapalakas ito.
06:58Pati yung agrikultura natin.
07:00Talagang gusto ng Pangulo ay ma-modernize
07:02para hindi na lang yung mga ngailangan
07:05na mag-import ng bigas.
07:06Long term ito.
07:07Hindi ito pangayon lang ito.
07:09May dalawang taon na lang
07:10sa termino ni Pangulong Bongbong Marcos.
07:13Habang hinihintay,
07:14ang sinasabing magiging epekto
07:16ng kanyang mga programa,
07:17ang sidewalk vendor na si Ramil
07:20itinatawid ang buhay sa pangungutang.
07:22Hindi ko talaga yung pagkakaila yun.
07:24Kung ilan ang utang ko ngayon
07:26is dalawang bumbay,
07:28may isang inutangan ko,
07:30tapos lima,
07:32dalawang linding ko.
07:33Kaya kami nagkahanap buhay para makakain.
07:35Kaya yun talaga,
07:36in-importante na lang namin.
07:37Wala kaming ipon,
07:39utang lang ang naipon.
07:40Basta makakain lang kami sa araw-araw
07:42ng tatlong bisis man lang.
07:44Makipulido na katuto,
07:4524 oras.

Recommended