Skip to playerSkip to main content
Sen.-Judge Raffy Tulfo, sinabing nagpapanggap na walang alam ang testigo kaugnay ng pagbili ng gamot gayong para dapat ito sa peace and order o national security 


Tila naubusan ng pasensya ang ilang mga senator-judge nang kanilang kuwestiyunin ang isang assistant secretary sa Office of the Vice President kaugnay ng paggamit at pag-liquidate ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.


Natalakay din ang paggamit ng alias na iniuugnay sa mga hindi pangkaraniwang pangalan ng mga nasa acknowledgement receipt ng OVP.
 
Sa isang punto, nabanggit pa ang yumaong senador na si Ninoy Aquino.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Sa isang punto, nabanggit pa ang lumaong senador na si Linoy Aquino. Nakatutok live si Sandra Aguinaldo.
00:40Vicky, yung marap nga dito sa impeachment court ang assistant chief of staff ng Office of the Vice President at
00:47sa pagkakataon pong ito, e mga senator judges naman ang nagtanong sa kanya.
00:55Sa pagtatanong ng senator judges kay Linwell Ortonio, ang assistant chief of staff ng Office of the Vice President, kabilang
01:03sa inungkat, ay kung paano tiniyak ng OVP na hindi nalustay ang confidential fund nito.
01:09Tanong ni Sen. Judge Rafi Tulfo, bakit namigay ng confidential fund sa iba't ibang tao ang OVP na para sa
01:17gamot?
01:18Ang confidential fund daw kasi ay ginagamit sa mga aktibidad na may kaugnayan sa peace and order o kaya ay
01:24national security.
01:26Sagot ni Ortonio, wala siyang personal knowledge tungkol dito kahit pakasama siya sa pumirma sa liquidation ng pondo para sa
01:34commission on audit.
01:35Kaya nga Mr. Smart Guy, nung makita mo na ang dami mga informat na binigyan ng mga hundreds of thousands
01:43each para sa gamot,
01:44you could have asked La Chica and said, La Chica, bakit ito ay pumunta sa DOH, maghingi tayo ng gamot?
01:49That I cannot answer, sir.
01:51Ngayon, pinakita mo na nagsasalita ka na para kang, sorry sir, sorry sir, nagtatangatangahan.
02:02Pumalag si Ortonio sa sinabi ni Tulfo.
02:06I personally take offense of that comment, sir. I actually just did my duty, sir. At the time, sir, I
02:17believe na yun po yung kailangan kong gawin bilang isang empleyado po, sir.
02:23Now, you're talking about taking offense. Paano naman po yung mga taong bayan? They're being offended sa paglulustay niyo ng
02:30pera.
02:30Lumilito na parang nilulustay ang pera dito eh. Pera ng taong bayan po ito.
02:36Dahil may naon ang babala na ang presiding officer tungkol sa paggamit ng akmang pananalita sa impeachment court, meron siyang
02:43sugestyon.
02:44With the permission of Senator Judge Tulfo, may the chair replace the word nagtatangatangahan with feigning ignorance on the record.
02:57I see Senator Judge Tulfo nodding.
03:00May napansin naman si Senator Judge Panfilo Lacson sa Physical and Financial Plan ng OVP Confidential Fund noong 2022 at
03:092023 na nagkakahalaga ng 500 million pesos.
03:14Iisa at tila copy-paste lamang umano ang nakasulat sa physical target sa iba't ibang quarter na pinaglaanan ng pondo.
03:23Percentage of activities implemented without untoward security-related incidents.
03:36Paulit-ulit po ito. So sabi ko kanina, kayo naman ay mukhang matalinong tao at matalinong witness. Ano pong analysis
03:45niyo diyan?
03:46These are the activities that will be done, sir.
03:48I know. Hindi ba ito insulto sa common sense? Hindi man lang niyo binago ng konti.
03:54O ako na mag-describe. I think it's stupid. Sana man lang, binago-bago niyo ng konti.
04:01Inusisa naman ni Senator Judge Kiko Pangilinan kung paano tiniyak ni Ortonio na naggasto sa tama ang pondo.
04:08Sagot ni Ortonio, nagtiwala siya sa mga dokumentong sinumite ng security officer ng BC noon na si Colonel Raymond La
04:16Chica.
04:17Mahirap paniwalaan, I'll wrap it up here, na kayo ay gumastos ng 122 milyon para sa gamot na reward dahil
04:30nag-surveillance yung mga informant at nabigyan ng reward at hiningi nila gamot at hindi ninyo binigyan ng gamot, binigyan
04:37ninyo ng pera para sila nang bibili ng gamot.
04:40Sa iniharap sa korte ang mga acknowledgement receipt na pinirmahan ng mga informant o mano mula sa Confidential Fund, may
04:48nakapansing di pangkaramiwan ang mga pangalan.
04:51Tulad ng Mary Grace Piatos, Antonio Pagong, Timon Andrew Pusa, Andy Lim at Suniso Belat.
04:58Minsan ang natanong ng ilang senator judges na baka alias ang mga ito.
05:03Kanina si Sen. Robin Padilla tinanong ang prosecution lawyer tungkol sa paggamit ng alias.
05:09Ang alias po, anong kahalagahan?
05:12I'm not sure of the circumstances surrounding their use of alias.
05:16Under the anti-alias law, sir, inaalaw naman po yung paggamit ng alias, provided kailangan po nakabanggit din, nakadisclose kung
05:26ano yung real name.
05:27That should be a non-issue because even them, they never claimed that in any of their pleading before this
05:32Honorable Court.
05:33Kailangan niyo po ba kung sino si Marisal Bonifacio?
05:37To be candid, Your Honor.
05:39I'm not familiar.
05:40Sino po?
05:41Si Binigno Aquino Jr., si Ninoy.
05:47Siya mismo may alias.
05:49Dahil nabanggit si Ninoy, nag-react si Sen. Judge Bam Aquino, pamangkin ng pinaslang na dating senador.
05:56Tama po, si Ninoy Aquino po ang kanyang alias ay Marshall Bonifacio para makauwi po siya sa Pilipinas nung nasa
06:04Boston siya.
06:05Pero wala naman po siyang confidential funds.
06:07The point of the prosecution is that that was never raised by the defense either in their answer or in
06:14their pre-trial brief, Your Honor.
06:16So to us, that should be a non-issue because even them, they never claimed that in any of their
06:21pleading before this Honorable Court.
06:22Sa cross-examination naman ng abogado ng BICE, pinunto ni Ortonio na hindi pa naman daw pinal ang notice of
06:29disallowance na inilabas ng COA sa OVP at pwede pa itong iapila.
06:34Hindi rin umanog ginamit ang confidential funds sa mga regular na programa ng OVP.
06:44Vicky, natanong naman ni Sen. Erwin Tulfo sa Impeachment Court kung ipapatawag ba nila itong si Colonel Raymond Lachica.
06:51Siya po yung security officer ng Office of the Vice President na pinagbigyan ng confidential fund.
06:57Ito rin ay dahil sinasabi ng prosecution na pinag-aaralan pa nila kung ipapatawag pa ito sa kabila nung naon
07:03ng statement na Manila Lachica na willing naman siya na humara para magbigay ng testimony.
07:08Sabi naman po ni Presiding Officer Sen. Cheese Escudero ay may kapangyarihan naman po ang Senado na ipatawag siya sakaling
07:16hindi ito ihaharap ng both ng defense at ng prosecution.
07:20Vicky?
07:21Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.

Recommended