00:00Thank you so much for watching.
00:30Sarap makichika pero hindi biro ang topic na yan.
00:33Kaya naman, ask me. Ask Atty. Gabby.
00:39Atty, ano ba ang sinasabi ng batas tungkol sa sustento?
00:42Pwede nga bang itigil ito kung walang komunikasyon o hindi na nakikita ang anak?
00:48Well, ano ba ang support o sustento?
00:50Sa ilalim po ng batas natin, ito ang lahat ng kailangan para mabuhay.
00:55Pagkain, tirahan, kasuotan, edukasyon, transportasyon, lahat-lahat na ng ito.
01:03At take note, sa ilalim po ng Article 194 ng Family Code, ito ay in keeping with the financial capacity
01:10of the family.
01:11Although generally, hindi naman dapat kasama ang mga luho dito.
01:15So, ano ba ang general characteristics of support?
01:18Una, ito ay mandatory.
01:21Kailangan magbigay ng suporta kung ito ay kasama sa mga relasyon na nakalagay sa batas.
01:26So, may obligasyon na magbigay ng suporta ang mga sumusunod.
01:30Unang-una, ang mga mag-asawa.
01:33Pangalawa, mga ascendants and descendants, ibig sabihin, ang mga magulang at anak, mga maglolo at lola at ang kanilang mga
01:41apo, at mga apo sa tuhod, and so on and so forth.
01:46At whether legitimate o illegitimate ang bata, may karapatan pa rin ito na masuportahan ng kanyang nanay at tatay, lolo
01:54at lola.
01:55Ngayon, pangatlo, mga magkakapatid ay dapat din magbigay ng suporta sa isa't isa.
02:01At dahil ito ay mandatory, pang hindi ibinibigay, maaari siyang i-require.
02:06Ibig sabihin, maaaring magpunta sa korte at mag-file ng action para humingi ng support or sustento.
02:13At uusad po ang kaso niyan.
02:15In fact, maaaring magkaroon ng judgment ang korte na kaltasan ang sahod ng taong obligado magbigay ng sustento
02:23at i-remit ito directly sa dapat bigyan nito.
02:27Pangalawa, ang support o sustento ay reciprocal.
02:30Ibig sabihin, hindi lamang ang anak ang pwede humingi ng suporta sa magulang.
02:35Pwede rin the other way around.
02:37Pag kinakailangan o pagdating ng panahon,
02:40ang magulang naman ang pwede humingi ng suporta sa anak.
02:44So hindi ito one-way relationship lamang.
02:47Pangatlo, ang sustento o support ay variable and proportional.
02:51Depende ito sa pangangailangan at sa kakayahan na magbibigay.
02:55So pag hihingi kayo ng sustento,
02:57kailangan ipaliwanag kung bakit at para saan.
03:01Hindi pwedeng, oh, I need one million pesos this month nang walang explanation.
03:06Dapat nakalagay halimbawa kung magkano ang gastos pang tuition.
03:10Magkano bang renta?
03:12Anong gamot ang kinakailangan?
03:14At kung magkano ito?
03:15Hindi rin pwedeng mag-demand at mag-expect ng one million pesos a month.
03:20Eh kung ang sahod na pala nang hinihinga ninyo ng sustento,
03:24eh one hundred thousand pesos a month lang.
03:27So, at wala siyang ibang property.
03:30So kung ano lamang ang kayang ibigay,
03:32ang pwedeng hingin.
03:34At kung ano lang ang kailangan,
03:35yun lang ang dapat hingin.
03:37So usually, hindi naman issue ang pagay ng support
03:39kung ang pamilya ay buo at masaya.
03:42Typical na pamilya, nagtatrabaho ang mga magulang,
03:45naka-enroll ang mga bata,
03:46binabayaran ng tuition,
03:48nagsya-shopping para sa mga damit at sapatos from time to time.
03:52Usually, nagkakaroon ng issue
03:54na actually hindi dapat maging issue
03:56kung naghiwalay na ang mag-asawa
03:58o hindi ka sa lang nanay o tatay nung isang bata
04:02o hindi na sila nagsasama,
04:05may ibang pamilya na pala yung isa sa kanila.
04:08Pwede nga bang itigil ito kung walang komunikasyon
04:10o hindi na nakikita ang anak,
04:12actually, hindi.
04:14Yung karapatan ng bata na makatanggap ng suporta
04:17ay karapatan ng bata.
04:19Hindi ito karapatan na depende
04:21kung nag-aaway ba o hindi
04:22o kung magkasundo ba o hindi
04:24o kung nag-uusap ba o hindi
04:26ang kanyang nanay at tatay.
04:28Hiwalay ang relasyon ng mga magulang
04:31sa relasyon ng isang magulang
04:32at ang kanyang anak
04:33na dapat niyang suportahan.
04:35Kung ayaw ipakita ang bata sa inyo,
04:38ang inyong remedy ay mag-file ng kaso
04:40for custody or visitation rights.
04:43Actually, sa punot-dulo nito,
04:45hindi katanggap-tanggap ang attitude
04:47ng ibang tao
04:48na magkakaroon ng isang anak
04:50pero tatalikuran at kakalimutan ito
04:52once na iluwal na at lumaki na ang bata.
04:55Obligasyon ninyong suportahan
04:57ang inyong anak
04:58hanggang sa kanyang paglaki.
05:00Usually, sinasabing
05:01ang karapatan na mabigyan
05:03at mabigyan ng tamang obligasyon
05:05ay magbigay ng support
05:07ay masasabing
05:08the most sacred of all obligations.
05:12So,
05:13akuin ninyo ang inyong responsibilidad
05:15at panindigan ito.
05:18Ang mga usaping batas
05:20bibigyan po nating linaw
05:21para sa kapayapaan ng pag-iisip.
05:24Huwag magdalawang isip.
05:25Huwag magdalawang isip
05:27magbigay ng support.
05:28Ask me.
05:29Ask Attorney Gabby.
Comments