Skip to playerSkip to main content
Aired (August 21, 2026): Dalawang suspek ang naaresto sa umano’y sangla-kolekta scam sa Pasay matapos mabiktima ang isang taong nagbayad ng ₱300,000 para sa isang condominium unit. Alamin kung ano ang sinasabi ng batas tungkol sa ganitong modus. 

Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.


Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.


#GMAPublicAffairs #GMANetwork


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang.


#GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork


Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv


Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Good morning mga kapuso!
00:02Sa dami ng hinaharap natin ngayon, marami ang gipit.
00:06Kaya kanya-kanyang diskarte ang mga kapuso natin para sa araw-araw.
00:11Minsan, umaabot pa sa pagsasangla ng gamit para may panggastos.
00:16Pero ingat po dahil may nabistong sangla-collect scam.
00:21Ako, dahan-dahan.
00:22Sa Pasay, arestado ang dalawang suspect na umunoy sangla-collect scam.
00:27Ang modus nila, magkakaroon ng loan agreement sa isang kondominium unit.
00:31Ang biktima, nagbayad na raw ng 300,000 pesos.
00:35Pero nang i-double-check niya ang mismong property, di pala rehistrado ang may-ari ang mga suspect.
00:41Ang mga suspect, gumagamit din daw ng mga peking ID at alias para makapanloko.
00:47Ano nga ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:50Ask me, ask Atty. Gabby.
00:59Attorney Uso ang pagsasangla, hindi lang ng property.
01:02Minsan, mga gamit sa bahay, alahas at gadgets pa.
01:05Ano ba dapat ang mga kasulatan at ano bang dapat gawin kapag nagsasanla ng gamit sa iba't ibang tao para
01:12hindi ma-scam?
01:13Well, hindi naman yung kasulatan na nagiging problema.
01:16Ang problema ay kung peke o hindi ang sinasangla na bagay sa inyo na pinagkakatiwala ninyo bago iabot ang inyong
01:26hard-earned money.
01:27Para hindi ma-scam, lalo na nga kung mga condo unit o lupa ang sinasangla sa inyo,
01:33pumunta kayo mismo sa Register of Deeds kung saan nakarehistro ang property
01:37at humingi ng Certified True Copy ng titulo ng lupa o ng condominium unit.
01:43Huwag kayong aasa sa kopya na ipinapakita sa inyo na magsasanla
01:48kasi malamang ang mga ito ay peke at falsified na.
01:52Kung ito naman ay condo unit, pumunta at i-verify ang pagmamay-ari sa Building Administration or sa Homeowners Association.
02:01Balita ko actually, meron ng online verification system ngayon ng LRA or ang Land Registration Authority,
02:08ang e-Servisio Portal.
02:10Dito nyo pwede i-verify ang land titles na binibigay sa inyo.
02:15Kaya lang nung ina-attempt kong subukan kagabi,
02:18ay undergoing maintenance daw ang site kaya hindi ko siya na-test and try for myself.
02:23Pero siguro bukas pwede na.
02:26Pero papaano nga kung mga alahas naman ang sinasangla sa inyo?
02:29Mas mahirap yan i-verify kung tunay nga o hindi.
02:32Pero pwede nyo dalin sa mga reputable pawn shop at i-appraise ninyo dun.
02:37Malamang masasabi nila kung tunay o hindi ang mga alahas na yan.
02:41As for other things like yung mga gamit sa bahay,
02:44naku, e, i-plug nyo na lang at tingnan nyo akong gumagana.
02:47Di po ba?
02:48Medyo mahirap i-peke ang mga yan.
02:51Pero ano pa ang ibang indicator na baka scam ang pinapasukan ninyong transaction?
02:56Siyempre kung masyadong mataas.
02:58Unang-una, kung masyadong mataas ang ino-offer na interest rate na ibabayad sa inyo,
03:04ay malamang scam po yan.
03:05Dahil nga ang kanilang motibo ay mainganyo kayong mag-invest ng pera.
03:10At kung masyadong mataas ang interest rate,
03:13siguro kung mga 5 to 10% monthly,
03:16ay malamang po scam na yan.
03:18Hindi ko po sinasabi na lahat scam,
03:20pero it's a red flag at isang indicator.
03:23Tandaan ang mga modus na ito ay labag sa batas.
03:26Usually, yung mga ito ay mapafayla ng kasong estafa o swindling
03:30by pretending to possess property na ginagamit para maloko kayo.
03:35Property na hindi naman nila talaga pagmamay-ari.
03:38Malamang ay gumagamit din sila ng peking pangalan na violation din ang batas natin.
03:42Alam nyo po ba na meron tayong anti-alias law
03:45na ay pinagbabawal ang paggamit ng pangalan na ibasan na kalagay sa inyong birth certificate.
03:50Of course, mayroong mga exceptions. Pwede natin yan i-research or i-google.
03:55In any case, buyer or lender, beware.
03:59Huwag maging biktima ng scam, lalo na sa panahon ngayon,
04:02na napakreative na po talaga ng mga scammer na yan,
04:06dahil na rin nga sa napakadami ng nangangailangan ngayon.
04:10Kaya huwag po maging biktima,
04:12huwag mabulag sa pangako ng mataas na interest na babayaran.
04:16Mag-check ng mga dokumento at mga titulo.
04:19So, tandaan ng kasabihan,
04:21if it's too good to be true,
04:23it probably is.
04:25Ang mga usaping batas,
04:27bibigyan po natin ilinaw.
04:28Para sa kapayapaan ng pag-iisip,
04:31huwag magdalawang isip,
04:33ask me,
04:34ask Attorney Gatti.
04:38Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
04:42Bakit?
04:43Pagsubscribe ka na,
04:44dali na,
04:45para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
04:48I-follow mo na rin ang official social media pages ng unang hirit.
04:52Salamat ka puso!
04:53Pag-a p spir –

Recommended