Skip to playerSkip to main content
Aired (September 27, 2026): BABAE, MINARTILYO AT TINAGA NG DATI NIYANG KINAKASAMA, SAPUL SA CCTV! ISA PANG BABAE, KINAGAT SA ILONG NG LIVE-IN PARTNER DAHIL UMANO SA SELOS?!

Paalala: Sensitibong paksa at video ang inyong mapapanood.

Sa CCTV, makikita sa tapat ng kanilang bahay sa Tanauan City, Batangas ang isang babaeng tumatakbo. Sa kanyang likuran kasi, may isang lalaking may dalang itak at martilyo!

Duguan at halos wala nang malay, napahandusay siya sa kalsada. Pero sa halip na saklolohan, iniwan lang siya roon ng lalaki.

Sa kamay ng lalaking minsan niyang minahal, buhay niya ang nalagay sa bingit.

Makaliligtas pa kaya siya? Paano naging bangungot ang relasyong minsan niyang inakalang ligtas? Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:01Sabi nila, ang selos, tanda raw ng pagmamahal, pero paano kung nauwi ito sa kagatan, sa ilong?
00:16Green flag at ideal guy raw ang dating kay Mary Ann ng kanyang kinakasamang si Rodel.
00:23Pamilya silang magandang binubuo.
00:25Sila'y sweet.
00:30Pero isang gabi nitong Hunyo, ang lalaking minsan niyang minahal.
00:37Siya rin nakuhanan sa CCTV na humahabol sa kanya.
00:44Makikita ang pagdating ni Mary Ann sakay ng motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay sa Tanawan City sa Batangas.
00:53Ilang sandali lang.
00:57Mapapasabak na siya sa pagtakbo.
01:00Sa kanyang likuran kasi, si Rodel may dalang ita at martilyo.
01:05At nang naabutan si Mary Ann,
01:11sunod-sunod na pananaga
01:13at pagpupukpok ang ginawa sa kanya.
01:24Duguan at halos wala ng malay na pahandusay si Mary Ann sa kalsada.
01:32Makaliligtas pa kaya siya?
01:34Paano naging bangungot ang relasyong?
01:38Minsan niyang inakalang ligtas.
01:43Sa tulong ng kanyang mga kaibigan, si Mary Ann na isugod sa ospital halos maligo sa sariling dugo dahil sa
01:52tinamu niyang sugat sa ulo at kaliwang mata.
01:55Habang ang kanyaraw kanang kamay, halos maputol na.
02:00Sa kabila ng kanyang sinapit, si Mary Ann, himalang nakaligtas at buhay na ikukwento ang malupit niya pinagdaanan.
02:11Sa itsura ko po niyan, parang hindi na po talaga ako mabubuhay.
02:15Labing walong taga.
02:19Pinakamadami daw ang tagay sa ulo ko.
02:21Ang kanan niyang kamay, halos naputol na.
02:24Dilugtong po yung litig niya.
02:26Tapos binakalan po, nandiretso po hanggang siko.
02:29Nagpasalamat na lang ako kay Lord.
02:30Tapos binigyan pa po niya ako ng second life.
02:33Tatlong buwan mula ng pagtangkaan ni Rodel ang kanyang buhay, hindi pa rin daw naghihilom ang kanyang mga sugat.
02:41Ito po sa braso.
02:43Sa mukha ito po nataga din.
02:45Dito sa talokap.
02:47Tapos dito sa ulo, mga limayata ito ang ano po kayong teklat.
02:51Labis pa rin niyang ikinagugulat na ang lalaking minsan niyang minahal.
02:59Ang siya ring muntik pumatay sa kanya.
03:05Halos isang dekada na raw nagsasama si na Mary Anna Trudel.
03:10Dati silang magkatrabaho sa isang garment manufacturing company.
03:14Sweet naman po siya.
03:15Usagsama naman po kami noon 2018.
03:19Kalaunan, nabiyayaan sila ng anak.
03:23Pero habang tumatagal, unti-unti raw nagbago si Rodel.
03:27Oh, bagayin ka lang. Anong oros na iyo?
03:30Halimbawa po, may kausap nakatrabaho.
03:32Maalala mo ko na lang, galit na. Hindi ko po alam kung bakit po galit na.
03:35Tapos pag isimula na po ng away, hindi nga po seloso po talaga.
03:41Hanggang si Mary Ann napagbubuhatan na raw nito ng kamay.
03:45Nyayahan nga po ako ng katrabaho ko ng birthday po kasi niya.
03:48May inisip na po agad siguro na hindi maganda.
03:51Pinakal po niya ako.
03:54Minsan na rin daw siya nitong sinuntok.
04:06Ang pananakit na saksihan daw ng kanyang mga anak.
04:10Papatayin daw po niya yung daddy niya. Sinasabi ko naman, kahit anong ano mangyari, daddy mo pa rin yun.
04:16Nang hindi na raw matiis ni Mary Ann ang pangmamaltrato ni Rodel,
04:21inireport pa niya ito sa barangay at ni Tulanghunyo, kiniwalayan niya na ito.
04:26Pasto na po kami nag-usap na ayoko na po talaga. Umalis na po siya. Pumunta na po ng masbate.
04:31Kaya nagulat na lang daw siya nang nakalipas lang ang dalawang linggo pag-uwi ni Mary Ann sa kanilang bahay.
04:42Biglang sumulpot si Rodel.
04:51Ang hinala ni Mary Ann, kaya raw nagawayo ni Rodel dahil sa selos.
04:56Talaga pong sahit na po niya yung selos. Siguro nakita niya na wala ako sa bahay. Baka inisip ko kung
05:01saan saan ako nagpunta.
05:03Nagsampana ng kasong frustrated murder si Mary Ann laban kay Rodel.
05:07Nakipag-ugnayan ang aming team sa Tanawan City Police Station.
05:12Kinumpirma nilang may warrant of arrest na ang suspect na si Rodel Cantoria.
05:18Sinubukan ang aming team na kapanayamin ang kanyang pamilya pero hindi sila sumasagot.
05:24Takot ako. Baka po kasi mamaya balikan nil ako. Kaya niya akong patayin. Gawa nang siyempre po na gawa niya
05:29mga po kong pagtatagain.
05:30Sa sobrang natatakot na nga ako sa kanya, halos ang aga ko na magserado ng bahay.
05:34Dinodobli ko pa pong lak yung pinto para hindi siya makapasok.
05:37Sa ngayon, dalawang beses kada linggo, sumasa ilalim sa therapy si Mary Ann.
05:42Marami pong litig na naputol. Umabot po sa buto yung tama niya.
05:46Kung makikita po natin doon sa kanyang maliit na buto, hindi pa po naghihilom yung isang side.
05:51Lagi naman po yung posibilidad na pwede pong mapalitan ng bakal na nasa loob na po.
05:55Hindi ko po talaga siya mapapatawa dahil ang iniisip ko na nga lang po talaga yung galit ko po saan
05:59niya.
06:00Tsaka po yung ginawa niya nga po sa akin.
06:02Gusto ko pong mangyari eh, yung bayaran lang po niya yung ginawa niya at makulong siya.
06:05Kasi hindi naman po biro itong ginawa niya sa akin na halos hindi naman po ako makatarabaho na.
06:09Sa datos na inilabas ng Philippine National Police noong nakaraang taon,
06:15higit walong libong kaso ng paglabag sa Republic Act 9262
06:20o ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act ang naitala.
06:25Pero hindi lahat ng pang-aabuso.
06:27Nag-iiwan agad ng sugat na nakikita.
06:30Sa 2025 National Demographic and Health Survey,
06:3415% ng mga babaeng nagkaroon ng asawa o intimate partner o mahigit isa sa kada sampu
06:42ang nakararanas ng emotional, physical o sexual violence sa kanilang asawa o partner.
06:49Pangkaraniwan ang emotional abuse na maaring hindi nakikita pero nag-iiwan din ng sugat na malalim.
06:58Bababa na yung self-confidence niya. Bababa na yung self-esteem niya.
07:01Lahat na ng desisyon na gagawin niya sa buhay niya, kino-question niya na.
07:05Additionally, yung taong yun makaka-experience niya ng anxiety, depressive or trauma-like symptoms.
07:11Ang pang-aabuso, hindi rin laging natatapos sa unang pagsumbong o pakikipaghiwalay.
07:17Sa kaso ng 24 anyos na si Patricia ng Quezon City,
07:22ilang beses daw siyang bumalik sa relasyong umasa siyang magbabago pa.
07:31Pero ang pananakit, umabot sa puntong kinagat na siya ng kanyang kinakasama sa ilong.
07:40Taong 2020, nang naging magkarelasyon si Patricia Arruel, hindi niya tunay na pangalan.
07:46Malambing naman po siya sa akin. Malambing rin ako sa kanya.
07:49Bibigayin naman po kami sa isa't isa.
07:51Ngunit laking gulat niya nang nadiskubre na ang kanyang nobyo nagloko kahit pa si Patricia nagdadalang taon noon.
08:01Ang sabi niya po kasi sa akin, uuwi siya sa bahay nila.
08:04Kahit ako may kasama siyang babae.
08:07Nagalit ako, nagwala po ako.
08:10At sa halip na humingi ng tawad.
08:14Sinuntok niya po ko sa tiyan.
08:16Ano tamaan po ribs ko? He fracture po.
08:18Nang minsan naman daw na nagselo si Arruel.
08:24May mga nagchat-chat po sa akin na hi, hello, kamusta ka?
08:28Hindi ko naman sila kilala.
08:30Nababasan na.
08:31Kumuha siyang etak, ginano niya sa hulo ko, buti balikad.
08:33Wala naman dugo.
08:35Minsan na raw binalak hiwalayan ni Patricia si Arruel.
08:38Pero alang-alang sa kanilang anak.
08:40Pinatawad niya ito at binalikan.
08:42May anak kami.
08:43Ayoko po ng broken family.
08:45Pero isa raw itong malaking pagkakamali.
08:49Si Arruel kasi hindi pa rin daw nagbago.
08:52At sa birthday pa ni Patricia Kamakailan,
08:55pinagbuhatan daw niya ulit ito ng kamay.
08:59May mga bisita po pumunta sa akin.
09:00Nagselos po siya.
09:02Bigla niya ako tinulak.
09:03Ay, bumang doon na!
09:04Walang bumang lalaki yun!
09:06Kaluod na po ako.
09:07Kaya sinasakan niya ako.
09:08Kanangina na po ako.
09:09Pero ang ikinagbulat niya ng gusto,
09:12nang bigla raw siya nitong kagatin sa ilong.
09:16Doon na po ako sobrang nanghina na gusto ko sumigaw.
09:19Noon na rin po ako nakalaban.
09:20Nakita na lang po nila ako ng duguan na.
09:22Sabi sa akin, baka may chance na pwedeng mabulok yung ilong ko.
09:25Dagi pong pupasok sa yusip ko na,
09:27bakit dinawa mo sa akin?
09:29Ba't mo okay na gato?
09:34Pagpapasok lang po sa isip ko,
09:36ba't niya ako kinagat sa ilong?
09:38Nang mismo birthday ko,
09:39na minsan lang ako maging masaya.
09:42Sa ginawang ito ni Ruel,
09:44ipinakulong siya ni Patricia.
09:46Pero hindi niya itinuloy
09:48ang pagsampa ng kaso laban sa kanya.
09:51Ang mama ko po naawa po sa kanya.
09:53Nanak, huwag mo nang ipakulong kasi.
09:55Yanak kayo, walang sasagot ng gamot mo.
09:58Walang mag-aano sa bata.
09:59Parang natatauhan ako,
10:00naawa din ako sa kanya.
10:02Diyan po, nagsama po kami ulit ng pagkakagat niya.
10:05Kasi para sa bata.
10:08Kasi ayaw ko na rin pong paibay-bay yung lalaki.
10:11Ayaw ko rin naman pong mabuntis ulit ng iba.
10:14Gusto ko sa kanya lang po ulit.
10:15Kaso yung ginawa niya po,
10:18nawala na po ako ng gana.
10:21Naghiwalay na po kami.
10:22Pinatawad na nga siya,
10:23tapos di na nga siya nakulong.
10:26Hindi pa siya nanginginang tawad sa akin.
10:31Sinubukan naming hanapin si Ruel,
10:33pero wala kaming nadatnan.
10:35Nakakandado ang bahay na tinutuluyan niya raw ngayon.
10:38Gusto ko lang po mangyari ngayon,
10:40magsustento po siya ng sapat.
10:41Dalawang buwan,
10:42makalipas ang insidente.
10:44Hindi pa rin tuluyang naghihilom
10:46ang tinamong sugat sa ilong ni Patricia.
10:48Kaya kahapon lang,
10:51sinamahan siya ng aming team
10:53na magpakonsulta sa isang ENT
10:55o ears, nose, and throat doctor.
10:58Masakit po ito?
11:00Hindi naman.
11:01Ongoing healing pa rin yan even after two months.
11:03It's more of self-cleaning nala,
11:06maintenance already,
11:07and then prepare herself
11:08for the eventual na definitive management,
11:11which is reconstruction.
11:12Wala namang signs of infection.
11:14Kung may green flag,
11:15ano naman ang red flags
11:17o warning signs
11:19sa isang relasyon
11:20para hindi ito tuluyang mauwi
11:23sa karahasan o pananakit?
11:25Meron kasing abuser ngayon
11:27na hindi nagsasalita.
11:28Palalabas eh na ikaw yung victim,
11:31yung subtle lang yung paninisig.
11:33Meron din naman mga abuser
11:34na blatantly ay nananakit talaga.
11:36Pag nakaramdam tayo
11:37ng hindi tayo komportable,
11:38hindi na tayo safety,
11:40isa yung siguro
11:40sa mga red flags
11:41na kailangan nating bantayan.
11:43What we should look out for
11:45is the pattern of behavior
11:46ng partner natin.
11:47Kapag paulit-ulit
11:48na yung pagkontrol
11:49o yung pag-disrespect
11:51sa boundaries mo.
11:52Pangalawa,
11:53kapag yung partner mo
11:54napapansin mo
11:55gusto ka niyang ilayo sa lahat.
11:56Pangatlo,
11:57pag paulit-ulit na yung
11:58intimidation and violence.
12:00Hindi raw talaga
12:01madaling makaalis
12:02o kumawala
12:03sa problemadong relasyon.
12:05Pero paalala
12:06ng mga eksperto,
12:08may mga pagkakamaling
12:09maaaring itama.
12:10Pero,
12:12ang pananakit,
12:13pagbabanta
12:14at pagkontrol,
12:15hindi simpleng pagkakamali,
12:17kundi
12:18senyales
12:19ng
12:20pang-aabuso.
12:21Yung battered-wise syndrome,
12:23yun yung psychological effect
12:25after multiple
12:26or repeated exposure
12:27to abuse.
12:28May takot,
12:29may hiya.
12:30Maaaring may mga batang
12:32involved,
12:32may financial dependency,
12:34at lalong-lalo na yung
12:35sinasabi natin,
12:36yung pag-asa na
12:37ay hindi magbabago
12:38tong taong to.
12:39In an abusive relationship
12:40kasi,
12:41hindi naman yan
12:41everyday abusive eh.
12:42Pag unang beses na
12:44sinaktan ka,
12:45dapat umalis ka na.
12:46Unang attempt pa lang
12:47ng pananakit,
12:48kailangan aware na tayo
12:50at hindi tayo papayag
12:51na maulit at mangyari
12:52yung ganitong mga klase
12:53ng pananakit.
12:54First sign pa lang,
12:56i-report natin agad.
12:57They can proceed directly
12:58sa police stations
12:59para po sila ay ma-assist
13:00at matulungan.
13:01Pwede rin po silang tumawag,
13:03meron din po kaming
13:03Facebook page
13:04na pwede silang mag-message.
13:06So, 24 hours
13:08in a day,
13:087 days a week,
13:09meron po tayong
13:10nakaman na personnel
13:12sa ating
13:13WCPC helpline.
13:15Ang pag-ibig,
13:16hindi dapat make
13:18kapalit na takot,
13:19sugat o buhay.
13:21Kapag ang kamay
13:22na dapat kumakalinga
13:24ay nananakit,
13:28hindi pagsuko
13:30ang paghingi
13:31ng tulong,
13:32pagliligtas ito
13:34sa sarili.
13:35Siguro kaya ko naman po
13:36kahit mag-isa po
13:37na palaking ko po
13:39yung anak niya
13:39kahit wala siya.
13:51Thank you for watching,
13:54mga kapuso.
13:55Kung nagustuhan niyo po
13:56ang video ito,
13:57subscribe na
13:59sa GMA Public Affairs
14:00YouTube channel.
14:01And don't forget
14:03to hit the bell button
14:04for our latest updates.
14:06Never do
14:06no
14:06o
14:06investi
14:06hell chatting
14:06You
14:06Now

Recommended