Skip to playerSkip to main content
Aired (September 27, 2026): HALAMAN, SANHI RAW NG PAGKAMATAY NG 65-ANYOS NA PADRE DE PAMILYA SA BULACAN MATAPOS SIYANG MADAGTAAN NITO?!

Hugis-puso at makintab ang malalapad na dahon, makapal ang kumpol-kumpol na tangkay at maaaring humaba nang hanggang isang metro o sinlaki ng isang tatlong taon na bata— ‘yan ang isang pampasuwerteng halaman.

Pero ang pampasuwerteng halaman na ito, trahedya ang idinulot sa isang pamilya sa Meycauayan, Bulacan. Ang dagta kasi nito ang pinaniniwalaan nilang dahilan kung bakit ang kanilang padre de pamilya, bigla na lang… namatay!

Anong halaman ito na pinaniniwalaan nilang siyang kumitil sa buhay ng kanilang ama? Panoorin ang video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS


Category

🎈
Fun
Transcript
00:02Pabala! May ganito ba kayong halaman sa inyong bakuran?
00:07Hugis puso at makintap ang malalapad na dahon.
00:12Makapal ang kumpul-kumpul na tangkay at maaring humaba ng hanggang isang metro.
00:18Mukha itong taro o gabi.
00:20Pero, hindi ito kinakain.
00:23Kalimitan itong dekorasyon sa mga bahay at garden.
00:27Pinaniniwalaan kasing may hatid na swerte at proteksyon sa nag-aalaga nito.
00:32Pero, ang pampaswerteng halamang yan, trahedya ang idinulot sa isang pamilya sa may kawayan bulakan.
00:41Ang dagta kasi nito ang pinaniniwalaan nilang dahilan kung bakit ang kanilang padre de familia bigla na lang namatay.
00:51Hindi po namin nakalain na dahil po doon sa halaman na yun is kukuha niya po yung buhay ng aking
00:59tatay.
01:00Anong halaman ito na pinaniniwalaan nilang siyang kumitil sa buhay ng kanilang ama?
01:09Kwento ni RC, likas na masipag daw ang kanyang 65 anyos na ama na si Tatay Felix.
01:17Kapag wala itong pasok bilang tanod sa isang elementary school, inaasikaso niya ang kanyang halamanan.
01:26Hindi po siya mapakali. Linis po kung saan-saan.
01:28Magana-magaan po ang kamay niya sa halaman. Once na nagtanim po siya, tumutubo po.
01:32Hanggang nitong September 20, may naispatan daw si Tatay Felix na magandang halaman sa kanilang bakuran.
01:40Nung binunot niya po yun, nilipat niya po sa paso. Then may nahawakan po siya na dagta.
01:45Sa CCTV footage, makikita pa ang paglilipat ng paso ni Tatay Felix sa halaman.
01:52After po niya matanggal yung halaman na yun, nahawak niya pa po sa ilong niya.
02:00Lumapit po siya sa amin, umuwi sa bahay.
02:04Sabi niya, may higad niya atay ka yung halaman na yun. Nilagyan po ng gamo. Bumalik siya ulit doon.
02:11Maya-maya pa, kita rin sa CCTV na parang hindi na mapakali si Tatay Felix.
02:18Tayo ng tayo at kamot na ng kamot ng buo niyang katawan.
02:23Ang sabi niya sa akin, buong katawang po, ikaw nangangati na. E di ano po, naligo po siya.
02:29After po niya maligo, nangangati pa rin po siya.
02:31Dahil inakalang simpleng allergy lang ito, lumabas na rao si Tatay Felix para bumili ng gamot.
02:38Pagkainong po niya, nagsabi po sa akin na ano, yun daw po mga palad niya, parang nangangapal.
02:45Pati daw po yung mukha niya, wala po siyang rases o pantal.
02:50Basta po ang katawan po niya, mapula.
02:53Pati daw po yung matay niya, parang lumalabo.
02:56Mamaya-maya po, biglang bumagsak.
02:59Nagsuka na po nung nagsuka.
03:01E nung nagsalita po siya, hindi ko na po maintindihan.
03:06Agad na silang tumawag ng ambulansya.
03:10At dali-daling isinugod si Tatay Felix sa ospital.
03:14Sabi po ng doktor, sir, pasensya na po kasi hindi na po namin na-revive si Tatay.
03:19Ipapasok po namin yung tubo sa kanya, hindi na po may pasok sa lalamunan niya kasi nagsara na po yung
03:23lalamunan niya.
03:24Ayon sa death certificate, ang ikinamatay niya,
03:28Anaphylactic Shock Secondary to Poisonous Plant.
03:35Ang bilis naman, parang hindi ko yata matatanggap eh.
03:40Yung bigla niya pagkawala.
03:51Dito sa bahay nila sa Bulacan, nasa lukuyang nakaburol si Tatay Felix.
03:56Tanaw mula rito ang hinihinala nilang halamang nakadali sa kanya.
04:02Yung halaman na yun, ito mismo.
04:05Ang naka-aalarma rito, marami pala nito sa kanilang bakuran.
04:13Laking pagtataka ni na RC, lalo na't ilang dekada na sa kanilang bakuran,
04:19ang mga halamang ito.
04:21Hindi rin daw nila ito itinanim, kundi kusa lang tumubo.
04:25Siya wala na mga bata po kami, ito na po kami naglalaro ng mga kapatid ko.
04:28Wala naman po ang case na katulad po na nangyari sa Tatay ko.
04:32At dahil hindi pamilyar sa halamang nakadali sa ama,
04:36agad nag-research si na RC.
04:38Noon na nila napagtanto ang pangalan ng halamang hinihinala nilang
04:44ng pahamak sa kanilang ama, ang Alocasia Cuculata.
04:49Halos po lahat nagmatch po dun sa nangyari kay Tatay.
04:52Pag sakit nandiyan, pangate ng buong katawan,
04:55ang paninikip ng libdib o lalamunan, hanggang mawalang ka ng hininga.
04:59Kumbinsedo po kami na dun po talaga.
05:00Since wala po talaga aming makitang rason eh, wala po siyang sakit.
05:04Ang dagta ng Alocasia Cuculata,
05:08nagtataglay daw ng milyon-milyong microscopic
05:12at parang karayom na calcium oxalate crystals.
05:16Napunta halimbawa sa balat mo or sa bibig.
05:20Yung mga karayom na yun, papasok sa balat.
05:24Very irritating siya.
05:25Pero kung halimbawa kasi malambot yung tongue at saka yung gilagid natin,
05:29saka yung cheeks natin sa loob, mamamaga yan.
05:32At minsan sa pamamaga, nagbabara yung dinadaanan ng hangin.
05:37Pagka nagbara yun at hindi ka makahinga,
05:39yun, nagiging very dangerous siya.
05:43Mula noong tumitingin ako ng mga poison patients in 1993,
05:49ngayon lang ako naka-encounter ng ganyan na namatay.
05:52Para kumpirmahin kung ito rin ba ang hinawakang halaman ni Tatay Felix
05:59na nakadisgrasya nga sa kanya,
06:01nagsama kami ng isang botanist o eksperto sa mga halaman sa kanilang lugar.
06:08Ito mismo yung halaman.
06:11Ito po ay ano, ito ay totoong aloquesia cuculata.
06:15Hindi po ito native sa Pilipinas,
06:17pero ginagamit ito as ornamental plant.
06:20Hindi naman po talaga laso na may ituring yung dagtan niyan.
06:24Yung calcium oxalates, nagsisilbi po siyang para skeleton,
06:27para may structural support yung halaman.
06:30Ang pangalawa pong silbi ng calcium oxalates
06:32is para hindi siya kainin ng herbivore.
06:34Meron pang isang kapamilya kasi ito,
06:37itong Diefenbachia.
06:39Ito, notorious naman ito kasi,
06:41kaya siya tinawag na dumb cane,
06:43hindi kayo makapagsalita.
06:44Alimbawa, pag binali mo yung dahon na ganyan,
06:48yan, alimbawa may nawakan mo,
06:49baliwala yan sa balak.
06:51Pero ibang-ibang bagay na ito,
06:53pag pinasok ko na sa ilong o sa bibig,
06:55kaibang usapan na yun.
06:57Pwede naman itong hawakan ng barehands.
07:00Pinakamaganda, mag-gloves.
07:02Ngayon, kung wala kayong gloves,
07:03at na if you come into contact doon sa dagta,
07:06maghugas agad.
07:07Magmumog ka with water.
07:09Kung halimbawa,
07:11feeling mo na mabaga na,
07:12then, diretso sa emergency room.
07:14Gusto po namin tanggalin lahat
07:15para hindi na po maka-disgracia pa ng kung sino man.
07:2039 years na po kami.
07:22Una po kang masabi sa kanya.
07:24Pati po mga bata, mga teacher,
07:26mahal na mahal po siya.
07:28Yung pong mga estudyante na nagkupunta dito,
07:31umiiyak po.
07:39Namimiss kita.
07:40Wala po kaming galit.
07:42Kasi ang halaman po is,
07:43iwa po siya ng Diyos.
07:44Hindi po namin pwedeng sisihin na
07:46bakit tumubo pa.
07:47Titigan pong maigi ang halamang ito.
07:51Dahil ang panganib sa dagta nito,
07:54hindi nakikita ng mata
07:56at hindi rin alam ng marami.
07:59Sana,
08:00ang ulat na ito,
08:01magsilbing babala sa ating lahat
08:04na bago humawak,
08:06pumutol,
08:07o maglipat ng halamang
08:08hindi natin kilala.
08:10Alamin muna kung ano ito
08:12at gumamit ng tamang proteksyon.
08:16Dahil sa paghahalaman,
08:18ang unang dapat itanim,
08:21pag-iingat.
08:23Thank you for watching,
08:31mga kapuso.
08:32Kung nagustuhan niyo po ang video ito,
08:35subscribe na sa GMA Public Affairs
08:37YouTube channel.
08:39And don't forget to hit the bell button
08:41for our latest updates.

Recommended