Skip to playerSkip to main content
  • 22 minutes ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong September 25, 2026


-Lalaki, buwis-buhay na sinagip ang mag-iinang kapitbahay niya na inanod ng baha; Nalunod siya sa creek; Mag-iinang sinagip ng lalaki, malalaki ang pasasalamat sa bayaning kapitbahay

-Lalaking ilang araw nang nawawala matapos maligo sa ilog sa Q.C., natagpuang patay sa Marikina river

-DOE-OIMB: Oil price rollback, inaasahan sa susunod na linggo

-Energy Regulatory Commission: Secondary price cap sa kuryente, ipinatutupad na sa Iloilo/ MORE POWER: 3 centavos ang ibababa ng singil sa kuryente sa September billing/NGCP: Hindi pa rin nag-o-operate ang 3 coal fired power plants sa Visayas; Supply ng kuryente, hindi pa rin stable

-Libreng rhinoplasty at blepharoplasty, handog sa isang medical mission; Layong bigyan ng bagong pag-asa at self-confidence ang kanilang mga pasyente/ PHL Academy of Aesthetic Surgery, sinabing ligtas ang kanilang operasyon; Hindi rin pinagpraktisan ang mga pasyente

-Sen. Marcos kaugnay sa botong "yes" ni Sen. Mark Villar: May pinagdadaanan siya/ Senate Pres. Gatchalian: Boto ni Sen. Mark Villar sa mosyon kaugnay sa voting threshold, walang kinalaman sa pagsali sa mayorya/Defense team ni VP Duterte, pinag-aaralan pa rin ang susunod na hakbang/ TRO vs. desisyon ng impeachment court sa basehan ng 2/3 na boto para ma-convict si VPSD, hiniling ni Atty. Vic Rodriguez sa Korte Suprema

-Dating House Speaker Martin Romualdez, nakatakdang dumalo sa pre-trial ng kasong plunder via video conference

-Fur baby na tila may trust issue sa glass door, kinaaliwan online/ Kambing, nagtatalon sa isang motosiklo/ Alagang pusa, nakitang may katabing daga

-Chinese warship, namataan habang may pagsasanay na pinangunahan ng Pilipinas sa dagat sakop ng EEZ

-Kapatid ni Kim Chiu, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa, ayon sa BJMP/ Kapatid ni Kim Chiu, naghain ng not guilty plea para sa 124 counts ng kasong qualified theft

- "Love, Siargao," mapapanood na sa GMA Prime, 9:35PM; 11:25PM sa GTV



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
Transcript
00:26Transcription by CastingWords
00:30Transcription by CastingWords
01:00Sa barangay Damayan, Quezon City kahapon ng umaga, nakilala ang 41 anyo sa lalaki na si Jordan Enriquez.
01:07Ayon sa mga taga-barangay, isang residente na nakatira sa tabing ilog ang nakakita sa bangkay.
01:12Ito naman kagad po ay nirespondihan ng ating mga BPSO.
01:15At nung nalaman po nila, na-validate po nila na ito ay isang tao nga,
01:19at agad-agad naman po silang humingi na tulong sa ating kapulisan at sa ating BDRRM ng Quezon City.
01:26Ang biktima mahigit at noong araw nang hinahanap ng mga kaanak.
01:30Matapos malunod sa isang creek sa barangay unang sigaw noong linggo ng gabi, saksagsagan ng ulat.
01:36Bago ang insidente, sinagip pa ni Gerland na kanya mga kapitbahay na nakita niyang nalulunod.
01:41Parang binaha po yung kanyang bahay na tinitirhan.
01:44So dun sa pagbahang yun, medyo nakita niya na yung may dalawang bata na naaanod po nung tubig,
01:51kaya naman kanyang sinagip.
01:53Actually tatlo po sila, isang dalawang bata at saka isang babae.
01:58Natunto namin na magiinang sinagip ni Gerland.
02:00Trauma ang inabot ni Jean Ropes.
02:02May mga galos naman sa katawan ng dalawa niyang anak.
02:05Bayani nilang itinuturing si Gerland na ilang taon na nilang kapitbahay.
02:09Sobrang salamat kuya Gerland.
02:11Kung naririnig mo kami ngayon, lahat kami dito.
02:14Namimiss ka namin.
02:18Walang, hindi ko alam paano masasabi yung salamat, pero salamat talaga.
02:24Sinacrifice mo yung sarili mo, maligtas mo lang kami dito.
02:29Ayon kay Jean Rose, nang pasukin ng tubig ang kanilang bahay.
02:32Biglang may nabaling kahoy.
02:34Unti-unti na raw bumigay ang bayat inanod sa creek.
02:37Wala nga raw silang naisalbang mga gamit.
02:40Yung ibang bahay, pagano'n yung bagsak niya, yung iba naman sa amin.
02:44Sabang nalulunod po kami, nakukuryente kami.
02:46Hindi ko nga po alam nun kung mamubuhay kami.
02:49At that time, wala na akong hangin na nakukuha eh.
02:53Nakakainom na rin ako ng tubig eh.
02:55Nung nakuha na yung dalawang anak ko, nakasabit pa po ako sa balete nun.
03:00Hirap para sa mga naulilan na tanggapin ang sinapit ni Jerland na tubong meba isiha.
03:05Nagtungo lang siya sa Metro Manila para makipagsapala rin sa trabaho.
03:09Bilang kargador ng mga prutas.
03:11Sir, masyado pong masakit na sa pamilya namin, namatay yung kapatid namin.
03:15Umiiyak po sila, yung anak.
03:17Sobra po ng lungkot po ang nangyayari sa amin lahat.
03:22Sa kabila ng pagluluksan ng mga kaanak, hindi matatawaran ang sakripisyo at pagmamalasakit ay pinamala si Jerland sa kanyang kapwa.
03:30Sir, mapay po talaga yung kapatid nyo na yan.
03:32Hindi po, matulong ko yung ipo talaga yan.
03:35Ito ang unang balita.
03:37James Agustin, Jemay News.
03:42Ang labing walong taong gulang namang lalaki na ilang araw nang nawawala,
03:46matas maligo sa ilog sa Quezon City, natagpo ang patay sa Marikina River.
03:52Ito ang unang balita ni Gabriel Gonzalez.
03:58Dito Martes ng hapon, napaulat na nalunod sa ilog sa Sitcho Bacal,
04:03sa parangay Bagong Silangan, Quezon City, ang 18-anyos na si John Carlo Diaz.
04:08Pumunta raw ang biktima at kanyang mga kapatid sa ilog para sana ang tabayanan ng dram na itatawid sa ilog.
04:15Pero nagpaiwan daw si John Carlo para maligo at ang mga kapatid lang ang sumakay sa bangka.
04:20Ayon sa kanyang ina.
04:22Ditong Merkules ng gabi, may namata ang palutang-lutang na katawan ng lalaki sa Marikina River sa barangay Barangka.
04:30Nakasot daw ito ng basketball shorts at silver na kwintas at walang suot na pangitaas.
04:35Dahil hindi makilala ang bangkay, nagpunta sa mga karatig na lugar ang mga polis para ipagtanong kung kilala ba ng
04:43mga residente ang lalaki.
04:44Walang nakakinala sa kanya.
04:47Ang maganda lang po doon sir, is napanod po na yung kwan, napanod nung investigador natin,
04:52na mayroong napalabas po sa balita na may nawawalang lalaki noong September 22.
05:03So nakuha sir natin yung kontak po ng family.
05:09Then nakipag-ugnayan po tayo sir, baka yung hinahanap po nila is yung nakita nga po dito sa Marikina.
05:15Pumunta sa punerarya ang mga magulang ng biktima.
05:18At doon nila nakumpirmang si John Carlo ang napadpad na bangkay sa Marikina River.
05:24Lumalabas sa inisyal na investigasyon ng pulisya, nabagok ang biktima dahilan para malunod siya.
05:30Sabi naman po yung tatay na siya na po yun kasi nakita nga daw po niya.
05:35Nung time na lumangoy po siya na nauntok siya, napumalo po yung kanyang noo doon sa bato.
05:42And naniwala po sila na yun ang isa rin kung bakit nalunod din siya dahil baka nahihilog na po sa
05:49doon.
05:49Maliban sa malakas po yung karin.
05:52Sinusubukan pa namin hingan ulit ng pahayag ang mga magulang ni John Carlo?
05:56Ito ang unang balita.
05:58Gabriel Gonzalez, GMA News.
06:03Nakaamba ang rollback sa susunod na linggo ayon sa Department of Energy.
06:07Batay sa 4-day trading, posible ang rollback na hanggang 8 piso sa kada litro ng diesel.
06:13Nasa 90 centapos naman daw ang tapya sa gasolina.
06:15At hanggang 6 piso kada litro ang nakaambang rollback sa kerosene.
06:20Nangangailangan ang Visayas ng dagdag na base low tower plant para maging stable ang supply ng kuryente roon ayon sa
06:28NGCT.
06:29Nagpapatupad naman ang ERC ng secondary price cap sa kuryente sa Iloilo.
06:34May unang balita live si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
06:38Kim, ayong aga.
06:40Marie, sa gitna ng mataas na singil ng kuryente, malaking bagay para sa mga consumer sa Visayas ang pagpapatupad ng
06:49regional secondary price cap para mabawasan ang kanilang mga bayarin sa kuryente.
06:57Sa halip na 16 pesos and 56 centavos per kilowatt hour ang ipatutupad sana na singil sa kuryente sa residential
07:04rate ng More Power sa Iloilo City,
07:06magiging 14 pesos and 42 centavos per kilowatt hour na lang ito.
07:10Pinatupad na ng Energy Regulatory Commission ang regional secondary price cap sa kuryente.
07:15Ayon sa More Power, 3 centimos ang ibababa ng September billing kung iahambing sa Agosto na 14 pesos and 45
07:23centavos per kilowatt hour.
07:25Nauna ng inutos ng ehensya sa Independent Electricity Market Operator of the Philippines na i-recalculate ang presyo ng kuryente
07:33sa Wholesale Electricity Spot Market o Wasam para sa buwan ng Agosto.
07:37Base sa IEMOP sa Visayas, bumaba sa 54% ang presyo ng kuryente.
07:42Mula sa 18 pesos and 59 centavos per kilowatt hour na generation cost, bumaba ito sa 8 pesos and 47
07:49centavos per kilowatt hour.
07:51As long as we are experiencing this MLD, these spikes on the spot market, Wasam price, I think that mitigation
07:59strategy will still be true.
08:04Sa pamamagitan ng secondary price cap, matutulungan ang mga consumer.
08:08Ngunit ang ilan, nakukulangan raw dito dahil hindi naman nila maramdaman ang epekto.
08:13Hindi man na epektibo ang sinintimos, dapat mga taga 5 pesos.
08:19Si Manang Ami, tinitiis na lang raw ang epekto ng manual load dropping.
08:34Ayon sa NGCP, hindi pa rin nag-ooperate ang tatlong coal-fired power plant sa Visayas.
08:39Aminado ang NGCP na pawang luma na ang nasaming mga planta.
08:43Nangangailangan ang Visayas ng gagdag na base load power plant na makapag-operate ng kapasidad na 150 megawatts upang maging
08:51estable ang power supply,
08:52lalo na't mataas ang demand na kuryente ng ngayon, 2,495 megawatts.
08:57Hopefully within the next few weeks, there will be solid action from the whole of government
09:05to support the immediate, immediate, immediate, immediate process of installing base load plants.
09:15Ayon sa NGCP, hanggang hindi nadaragdaga ng mga planta, asahan pa rin ang yellow at red alerts sa Visayas grid.
09:23Kabilang naman sa long-term measures ng NGCP ay ang pag-upgrade ng substations at mga pasalidad nila upang mapabuti
09:29ang kalidad ng servisyo.
09:32Maris?
09:32Damang nga salamat at kayong Salinas ng GMA Regional TV.
09:38Bagong pag-asa at self-confidence, yan ang glow-up na handog na isang medical mission sa Lamarie, Batangas,
09:43kung saan libre ang pagpapatangos ng ilong at eyelid surgery.
09:47May ilang grupo ng surgeons naman ang tutol dito.
09:50Narito po ang aking unang balita.
09:55Libre ang tuli, lalo kung bakasyon at Operation Smile para sa mga may bingot at left lip at left palate.
10:02Hindi na lang ganyan ang mga medical mission ngayon.
10:05Dahil dito sa Lemarie, Batangas, ang mission kamakailan, libreng rhinoplasty o pagpapatangos ng ilong, at blepharoplasty o eyelid surgery.
10:14Bakit namin ito ginagawa ng libre?
10:17Ang slogan nga namin ay ang kagandahan para sa lahat.
10:21Hindi lahat naman ng Pilipino ay nakaka-afford ng magpaganda.
10:25Bilang isang cosmetic surgeon, ano pa ba ba ang aming may tutulong sa aming mga kapwa bilang doktor?
10:33Siyempre ang specialty namin ay magpaganda.
10:36Pero may higit pa raw silang dahilan para gawin ito.
10:39Bagong pag-asa sa ating mga kababayan.
10:41Siyempre it will boost their confidence.
10:44Alam po ninyo, yung mental health is very important.
10:47At kita naman ang epekto ng rhinoplasty, pati blepharoplasty, at eye bag removal.
10:54Wala pang isang linggo ay kita na agad ang magandang resulta.
10:57They're all very happy.
11:00Sobrang tuwa po ng mga pasyente.
11:02Sabi nila, maraming maraming salamat at nag-offer kami ng gano'n.
11:09Sabi niya, kung hindi ko po kayang magbayad ng ganyan.
11:16Pero natupad po yung kanyang pangarap.
11:19Bukod sa pagpapaganda, ang iba raw, kailangan talagang operahan para kuminhawa ang paghinga.
11:24Meron sa isang na medyo meron konting medical condition, which is still difficulty of breathing.
11:31Now when you lift up the nose, mag-improve ang breathing.
11:37Dito po sa Batangas Provincial Hospital, Salamary, Batangas, isa na gawa ang mga procedure noong September 18.
11:44Mula sa 6 na raang nagpalista, 38 lang ang tumuloy.
11:48Matapos hindi raw pumasang iba sa pre-operative evaluation.
11:52Ayon sa grupo, 10 taon na silang nagmi-mission sa iba't ibang probinsya kabilang ang Ilocos, Palawan, Bataan, Bulacan at
11:59Davao.
12:00Bago nito ay nagpahayag na ng pagtuto ng Philippine College of Surgeons at Philippine Association of Plastic, Reconstructive and Aesthetic
12:07Surgeons
12:07sa mga surgical mission lalo sa mga pasilidad ng gobyerno.
12:11Dahil yan sa mga pangamba umano sa kaligtasan.
12:14Pero sabi ng Philippine Academy of Aesthetic Surgery na nagkasan ang misyon,
12:18Wala po kaming bina-violate and ano ba yung safe?
12:24All of the procedures that we've made are all under local anesthesia.
12:30So pag local anesthesia lang, it's a minor procedure.
12:35So yung safety, when we talk about safety of the patient,
12:40siyempre yung well-being, hindi namin ino-operin pag may hypertension,
12:45pag may have the pre-operative assessment.
12:49Hindi rin umano pinag-practice-an lang ang mga pasyente dahil libre.
12:53All of the surgeons where there are senior training fellows,
12:59the direct version of the consultant, kami po yun.
13:04So lahat po yan ay safe and palagi ko pong sinasabi is safety is our priority.
13:12Ito ang unang balita. Mariz Umali, GMA News.
13:23Pumiling ng temporary restraining order sa Court of Suprema
13:26si dating Executive Secretary-Attorney Vic Rodriguez
13:29laban sa naging desisyon ng Impeachment Court
13:32kaugnay sa voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
13:37Isa sa mga pumabor sa disisyon ay si Senator Judge Mark Villar
13:41na kabilang sa minority.
13:43May unang balita si Sandra Aguinaldo.
13:49Sa labing tatlong bumoto pabor sa bosyon kaugnay sa voting threshold
13:54ng impeachment trial, isang Senator Judge ang mula sa minoriya,
13:58si Senator Judge Mark Villar.
14:00Ang iba pang taga minoriya, hindi lumahok sa pagboto.
14:04Sa naon ng mosyon ni Senator Judge Alan Peter Cayetano
14:07na huwag ituloy ang butuhan ng mga Senator Judge sa isyo ng voting threshold,
14:12nag-abstain naman si Villar.
14:14Noong sesyon ng Senado kinahaponan,
14:17magkatabi si Senator Mark at kapatid niyang si Senadora Camille Villar
14:21sa panig ng minoriya.
14:22Sinubukan ng GMA News na kunin ang panig ni Senador Mark Villar
14:26kaugnay sa kanyang botok pero hindi siya humarap sa media.
14:30Sabi ni Senadora ay ni Marcos.
14:32Well, alam naman natin pinagdadaanan nila.
14:35So, tignan natin kung anong disisyon.
14:37Maman na ibig sabihin ng pinagdadaanan.
14:40Alam mo naman yung nangyayari sa minority, talagang inuupak-upakan kami lahat.
14:45Ayon kay Sen. President Sherwin Gatchalian,
14:48ang boto ni Senador Mark Villar, wala raw kinalaman sa pagsali sa mayuriya.
14:53Yung kanyang boto is to overturn the ruling ng presiding officer.
15:05So, yun lang. Yun lang yung kanyang boto.
15:09Dagdag ni Gatchalian, hindi rin daw sinasalamin ng kanilang botok
15:12ang magiging boto ng mga Sen. Judge sa pag-ahatol kay Vice President Sara Duterte.
15:18Makakaboto rin daw sina Senador Jingo Estrada,
15:21Rodante Marculeta, Bato de la Rosa at Loren Legarda
15:25kung makakarating sila bago ang botohan.
15:27Kung dadating ang panahon, magkakaroon tayo ng botohan
15:30at present sila dito, factual, walang legal impediment, then they can vote.
15:36They're assuming, ako, I'm assuming na when the time comes na nandito sila,
15:41there'll be a possibility na binasa nila yung transcript,
15:45nanood sila ng YouTube.
15:47Kung ikaw ay nandito, assuming yung ibang mga Senators
15:50ay present during the voting, then makaka-vote sila.
15:55Ang depensa naman, pinag-aaralan pa rin ang susunod na hakbang,
15:59kabilang ang posibleng pagdulog sa Korte Suprema.
16:01Isang opsyon ng kampo ni VP Sara ay umakit nga sa Supreme Court
16:07dahil sa pananaw namin ay merong grave abuse of discretion.
16:13Ngayon pa lang, naghainan ang petisyon sa Korte Suprema
16:17si dating Executive Secretary Attorney Vic Rodriguez.
16:20Sa petition for certiorari and prohibition with urgent application
16:25for temporary restraining order and writ of preliminary injunction,
16:30iginiit niyang walang kapangyarihan ng Senado bilang impeachment court man
16:34o isang legislative body na amyendahan ang salingang batas.
16:38Wala pang bagong pahayag ang Senate impeachment court,
16:41pero nauna nang sinabi ng tagapagsalita ng impeachment court
16:45na sa kanyang pananaw, walang grave abuse na nangyari.
16:48If you look at the actions of the impeachment court,
16:52nag-ami-chicure, nag-oral arguments, tapos nag-deliberations,
16:59so itong mga proseso na ito ensures that the impeachment court
17:02came up with this decision with due diligence.
17:05This decision by the impeachment court is constitutionally bulletproof.
17:09Dagdag ni Attorney Reggie Tongol,
17:11kapag mangyari yun, may mag-akyat anytime soon,
17:14the impeachment court will move on as an ordinary proceeding,
17:20walang matitigil dito unless ang Supreme Court
17:23ay mag-issue ng temporary restraining order.
17:25Sabi naman ni Senate President Gachalian,
17:28As long as merong kaming quorum, tuloy ang trial.
17:31Para naman sa prosecution, maaari lang itong idulog sa Supreme Court
17:34kung nahatulan na ang vice-presidente.
17:37We adhere to the position of our colleague,
17:41Congressman Chell Jokno,
17:43na for it to become a proper subject matter
17:46of a petition for certiorari in the Supreme Court,
17:49dapat justiciable na,
17:52hinug na,
17:53ripe na.
17:54We believe that this actual injury
17:57will be sustained only when
17:59the vote will be casted first.
18:02Ito ang unang balita.
18:04Sandra Aguinaldo, GMA News.
18:10Ngayong araw, nakatakda ang pre-trial hearing
18:12ni Leyte First District Representative Martin Romualdez
18:16para sa Kasumplander.
18:18Paunay yan sa umano yung maigit 7 billion pisong kickback niya
18:20sa flood control projects
18:21noong Chey House Speaker mula 2022 hanggang 2025.
18:26Sa pamagitan ng video conference,
18:29dadalo si Romualdez na ngayon nakakulong
18:31sa New Quezon City Jail.
18:33Inaasang lalagda si Romualdez sa pre-trial agreement
18:36na resulta ng napang-usapan sa preliminary conference.
18:40Kapag napirmahan na,
18:42mag-i-issue ang korte ng pre-trial order.
18:45Dati na itinagin ni Romualdez
18:47na kumita siya sa flood control projects.
18:54Caught on cam ang isang kambing
18:56na nagtatalon sa isang motorsiklo sa Cavite.
18:58Sa Isabela naman,
19:00kinakaaliwana isang fur baby na tila may trust issues.
19:03Narito ang unang balita.
19:13Tila may trust issues ang fur baby na si Champagne.
19:16Kahit ilang beses kasi siyang tawagin na kanyang fur parent,
19:19ayaw niyang lumapit.
19:20Ang dahilan,
19:22ang sliding glass door sa bahay ng kanyang in-law
19:24sa San Isidro, Isabela.
19:26Kwento ni youth cooper Raymarie John Gersin-Navalta
19:29ilang beses na bunggo si Champagne
19:31sa nakasarang glass door noong araw na yon.
19:33Kaya kalaunan,
19:34hindi na siya dumaan.
19:35Nang may dumaan ng ibang aso,
19:37doon na napanatay si Champagne
19:38at successful
19:39na nakatawid.
19:41Ang video may mahigit 2.5 million views na online.
19:45Kung swerte raw ang dala ng pusa
19:47na umakyat sa motorsiklo,
19:48ano naman daw ang dalang swerte ng kambing na yan?
19:51Na for the jump ang eksena
19:52sa isang motorsiklo sa 13 Martires Cavite.
19:55Kwento ni youth cooper Nino James Tappel,
19:58nag-ahanda sila noon para sa Palarong Pinoy
20:00na mapansin ang mga kambing.
20:02Ang isa sa mga kambing umakyat sa motorsiklo
20:04at nagtatalon.
20:06Umalis din naman ang kambing matapos sa wayin.
20:08May 11 million views na yan online.
20:11Pasintabi naman po sa mga nag-aalmusal.
20:13Tila nagtagumpay kasi sa kanyang misyon
20:15ang pusang si Coco.
20:16Nabuto ng kanyang fair parent si Coco
20:18na may katabing daga sa kanilang bahay
20:20sa San Andres, Bukin, sa Maynila.
20:22Sabi ni youth cooper Jeng,
20:24mukhang gumana ang natural instinct
20:25ng kanyang pusa sa panguhuli.
20:27Ang successful catch ni Coco
20:28may 11 million views na online.
20:31Ito ang unang balita,
20:32Bamalegra, GMA News.
20:37Namataan ang isang Chinese warship
20:39sa pagsasanay ng Pilipinas
20:40at anim na iba pang bansa
20:42sa dagat sa Zambales
20:44na sakot na Exclusive Economic Zone
20:45ng Pilipinas.
20:47Pinangunahan ang Guided Missile Frigate
20:49na BRP Jose Rizal
20:50ang pagsasanay.
20:51Layon itong hasain
20:53ang interoperability sailing tactics,
20:55communication,
20:56refueling,
20:57at resupply,
20:58search and rescue,
20:59at pagtugon sa mga oil spill
21:01at iba pang maritime incidents.
21:02Ginawa ang pagsasanay 45 nautical miles
21:05mula sa Bajo de Masinlok
21:06na inaangkin ng China.
21:08Kabilang ito sa mga aktibidad
21:10ng ASEAN Defense Ministers Meeting Plus
21:12ang nakitan Chinese warship
21:14hindi raw lumapit.
21:16Hindi na sumagot ang mga Chinese
21:17na imbitado naman
21:18bilang miyembro
21:19ng ADMM Plus
21:22pero piniling hindi magpadala
21:23ng mga barko
21:24o dumalo sa opening ceremony.
21:28This is not more of a challenge
21:30but rather asking them
21:32to continue participating
21:34in our exercise
21:35because we know from the start
21:36that they are part of the ASEAN
21:39and the PLUS countries
21:40for this particular ADMM.
21:44Kinumpirma ng Bureau of Jail Management
21:46na Pinology
21:47na pansamantalang
21:48nakalaya ang kapatid ni Kim Chiu
21:50matapos magpiansa.
21:52Ayon kay BJMP spokesperson
21:53J. Rex Bustinera
21:55nakaalis ang kapatid na aktres
21:56o actress-TV host
21:58sa Quezon City Female Dormitory
21:59pasado alas 5 ng hapon kahapon.
22:02Bago yan,
22:03naghain kahapon
22:03ng not guilty plea
22:05ang kapatid ni Kim
22:06sa Quezon City Regional Trial Court
22:08para sa 124 counts
22:09ng kasong qualified theft.
22:11Sa pamagitan ng teleconference,
22:13dumalo ang kapatid ni Kim
22:14sa kanyang arraignment
22:15ayon sa kanyang abogado.
22:17Dumalo rin sa arraignment si Kim
22:19na hindi na paunlak ng panayam.
22:20Sa kanyang official Facebook page,
22:22sinabi ng actress-TV host
22:23na nasasaktan siya
22:25sa ibang-ibang komento
22:26sa kanyang desisyon.
22:27Git niya,
22:27ang kaso ay hindi tungkol
22:28sa kanyang personal na pera.
22:30Tungkol daw ito sa negosyo
22:31na pinaghirapan niyang itayo
22:33para maging sandigan niya sana
22:35sa panahong wala na siya
22:36sa showbiz.
22:37Karapatan daw ng kumpanya
22:39na maghain ang kaso
22:40para ilaban ang katotohanan,
22:42protektahan ang mga naipundar nila
22:43at panaguti ng sinuang dapat managot.
22:46Nagitiwala raw si Kim
22:47sa proseso
22:48at kampante siyang lalabas
22:50ang katotohanan.
22:57Simula naman next week,
22:58magpapakilig na sa GMA Prime
23:00at GTV
23:01ang Long Siargao
23:02na pinagbibidahan
23:03ni Naeldin Richards
23:04at Nadine Lustre.
23:06Binda, di ba?
23:08Parang di natatapos
23:09yung magic ng luwerno ko.
23:10And you'll always have a home here.
23:14Tampok sa series,
23:15ang kwento ng Siargao Curse
23:16at ang search for love
23:18ni Nadjao at Cara
23:19na mga karakter ni Naeldin at Nadine.
23:21Mapapanood na yan
23:22sa GMA Prime,
23:239.35pm,
23:24habang 11.25pm naman sa GTV.
23:27Mapapanood din sa series
23:29si Kailin Alcantara
23:30at Kim Jisoo
23:31na dagdag sa Island Kilig.
23:34Chika ni Kailin
23:35exciting ang story
23:36ng Love Siargao.
23:38Abangan namin yan.
23:40Mag-back to back kasi
23:41Firewall
23:42and then Love Siargao.
23:43I feel so happy kasi
23:45mas maraming tao
23:47yung makakita
23:48kung gaano
23:48naganda
23:49yung Love Siargao.

Recommended