Skip to playerSkip to main content
- SUV driver at rider, nagkainitan at naghabulan; SUV, muntik makasagasa


- Mary Jane Veloso, nakalaya na matapos bigyan ng absolute pardon ni PBBM


- Naudlot na taas-pasahe, tuloy na sa Lunes; fuel excise tax, suspendido maliban sa diesel at gasolina


- Nagpakilalang tauhan ni ex-Speaker Velasco, naghatid umano ng pera kina VPSD, FPRRD at Rep. Duterte


- 17-anyos na lalaki, binugbog ng 12 lalaki na posibleng nag-ugat sa babae


- Carlos Yulo, kampeon sa men's vault; Eldrew Yulo, naka-bronze sa men's horizontal bar


- Baninay Bautista, "delete at block" ang ruling sa mga negative comment


- Drone, ginamit panghatid ng tagay sa kainumang tropa


- Mga parol, nagmahal dahil sa taas-presyo ng materyales ayon sa mga nagtitinda

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:02Come on in!
00:05Oh my God!
00:19Biglang humarurot ang SUV na yan para habulin ang nakain ng riders sa Quezon City.
00:25Ilang pedestrian pa ang muntik mahagit.
00:28Nag-ugat ang habulaan ng umatrasang SUV at tamaan ang motorsiklong nasa likod.
00:34Nang magkausap, hinampas ng rider ang side mirror ng SUV.
00:38At doon na neto hinabol ang motorsiklo.
00:41Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
00:46Ang matagal na inaasam na paglaya nakamit na ni Mary Jane Veloso matapos bigyan ng absolute pardon ng Pangulo.
00:53Anong oras ay naasahang makakapiling na niya ang kanyang pamilya.
00:58May live report si Jamie Santos.
01:00Jamie?
01:05Atom lumaya mula sa Women's Correctional Facility dito sa Mandaluyong si Mary Jane Veloso.
01:11Halos dalawang taon siyang nakulong dito matapos payagan ng Indonesian government ang kanyang pag-uwi.
01:18Sumalubong kay Mary Jane ang mga abogado ng lamigrante at National Union of People's Lawyers.
01:23Sila ang tumulong sa kanya mula ng nakulong noong 2010 dahil sa kasong drug trafficking sa Indonesia.
01:30May kinatawan din ng DMW na nangakong patuloy na sisikapin ang ahensya na protektahan ng mga katulad ni na Mary
01:37Jane mula sa mga sindikato ng human trafficking.
01:40Labis ang pasasalamat ni Veloso kay Pangulong Bongbong Marcos.
01:44Tuwang-tuwa siya habang hawak ang kopya ng absolute pardon na iginawad ng Pangulo.
01:49Alas 5 ng hapon, natanggap ng Bureau of Corrections ang order mula sa Department of Justice kaya agad prinoseso ang
01:57kanyang paglaya.
01:58Naiyak si Veloso nang maalala ang halos dalawang taong paghihintay ng makalaya mula ng umuwi noong 2024 galing Indonesia.
02:07Una niyang nabalita ang ibinigay na pardon sa loob ng piitan.
02:11Nagbuniraw ang kanyang mga kapwa PDL.
02:16Gusto ko, ano ko siyang makasama na po talaga ang pamilya ko.
02:20At eto na po yung araw na pinakahihintay ko na sobrang mapasalamat talaga ako kay President.
02:28So, skip dasin po kung Marcos nito kasi alam ko naman na hindi mangyayari ni Kulti dahil sa kanya.
02:35At alam ko din na ginamit siya ng Pangulo ng Diyos para malinis yung pangalan ko.
02:40Kasi yun lang talaga gusto ko, malinis ang pangalan ko, makapalik ako sa pamilya ko.
02:44Wala na po mo, hinihinig ko din yung labo talaga.
02:47Aray sa lawan ko.
02:53Atom, sinundu na sa Nueva Ecija ang pamilya ni Mary Jane
02:56at hinihintay na yung kanilang pagdating dito sa Mandaluyong para muli siyang makapiling.
03:01At yan ang latest mula rito. Balik sa'yo Atom.
03:04Maraming salamat, Jamie Santos.
03:06Tuloy na sa lunes ang taas pasahe.
03:09Ipatutupad na ang fair increase sa mga jeepney, bus, UV express, pati taxi at TNVS.
03:15Ipinatigil din muna ng Pangulo ang XI stock sa LPG at kerosene.
03:20Yan ang report ni Ivan Mayrina.
03:25Noong unang kumagat ang krisis sa langis dahil sa pagpatok ng gera sa Middle East sa umpisa ng taon,
03:30sabay na sumipa ang presyo ng petrolyo.
03:33Ang busina noon ng mga chuper, taas pasahe.
03:37Aprobado na dapat yan noong Marso.
03:38Pero pinapreno ito ni Pangulong Bongbong Marcos bilang konsiderasyon sa mga commuter.
03:43Dahil nga, may problema pa rin tayo dahil sa gera sa Middle East, ay sabi ko siguro hindi ito ang
03:52panahon para magtaas ng pamasahe.
03:54Sa halip, nagbigay ng mga ayuda ang gobyerno para sa mga chuper.
03:58Pero hindi tumigil sa apela ang mga chuper.
04:01Pareho naman ang tono rito ng DOTR gaya noong Marso.
04:03Sana ho, ang pag-impose natin ng fare hike ay maging last resort.
04:11Ngayon, ang last resort ng gobyerno, wala nang atrasan.
04:15Inutusan po tayo ni Secretary Banoy na i-ease na po natin yung ating suspension ng March decision po natin
04:21na fare increase at i-implement na po ito.
04:24Ibig sabihin, aarangkada na sa lunes, September 28, ang naodlot na taas pasahe.
04:30Sa ordinary jeepney, ang 13 pesos sa minimum fare sa first 4 kilometers, magiging 14 pesos.
04:37Aakit din sa 2 pesos ang singil, kada sulod na kilometro.
04:41Sa modern jeepney, magiging 17 pesos ng minimum fare at 2 pesos and 40 centavos ang kada sulod na kilometro.
04:48Tataas din ang pamasahe sa mga city bus.
04:5115 pesos ng singil sa first 5 kilometers sa ordinary bus at 2 pesos and 49 centavos sa kada sulod
04:57na kilometro.
04:57Sa air-conditioned city bus, magiging 18 pesos na ang minimum at halos 3 pesos sa kada sulod na kilometro.
05:05Gagalaw na rin ang pamasahe ng mga provincial bus na marami na nga nagbawas ang biyahe dahil sa mahal ng
05:10langis gaya sa Paranaque Integrated Terminal Exchange.
05:13Mula 2 pesos hanggang 3 pesos ang taas sigil, kada sulod na kilometro.
05:17Depende sa uri ng bus.
05:18At bukod pa po rito, yung mga wala po tayong disisyon noong March, like UV Express and taxi, meron po
05:26tayong inutusan po tayo na maglabas din ng provisional increase.
05:31Mula 2 pesos and 6 centavos hanggang 3 pesos ang magiging taas sigil per kilometer ng UV Express.
05:38Sa taxi, depende sa uri, magiging 65 to 90 pesos na ang flagdown rate.
05:44Walang dagdag sa kada kilometro.
05:47Magiging 115 pesos sa manang singil sa airport taxi mula 75 pesos.
05:52Pero walang galaw sa kada patak na metro.
05:55Tataas din ang singil sa TNVS depende sa uri ng unit.
05:59Aprobado rin ang 15 pesos per kilometer na pickup fare.
06:02May dagdagdamang 15% sa mga P2P o point-to-point.
06:06Utos ng DOTR, dapat maglabas ang fare matrix sa mga operator at manatili ang discount sa mga estudyante, senior citizen
06:14at PWD.
06:15Wala rin kwinta yan sa taas ng diesel.
06:18Okay lang siya. Maganda yung mataas kung din pamasahe.
06:21Pero ang tanong niya, yung mga commuter natin kung okay ba sila yan.
06:26May hihirapan po ako din kahit nasabihin po natin na piso lang po yung increase.
06:31Mabigat din yun para sa mga commuter.
06:34Pero naiintindihan at naunawa naman natin din ang sitwasyon ng mga driver.
06:38Bukod sa fare hike, iniutos naman ni Pangulong Bongbong Marcos na suspindihin ang excise tax sa LPG at kerosene.
06:44Matapos lumampas ng $80 per barrel ang krudo sa world market.
06:48Magkakaroon ng review kada buwan kung kailangan ituloy ang suspensyon.
06:52Hindi isakop ng utos ang diesel at gasolina na siyang ipinapanawagan ng transport sector.
06:58Ivan Mayrina, GMA News.
07:01Mga maletang may pera ang inihatid umano sa mga Duterte
07:04ng nagpakilalang Head of Security ni dating Speaker Lord Velasco
07:08na si Police Corporal Rudolfo Gracioso Jr.
07:12Sa eksklusibong panayan ng GMA News kay Gracioso,
07:15sinabi niyang batay sa utos umano ni Velasco,
07:17naghatid siya ng pera kina Vice President Sara Duterte,
07:21dating Pangulong Rodrigo Duterte,
07:23at Davao City First District Representative Paulo Duterte.
07:28Meron ka bang estimate kung sa tingin mo kahit yung cash,
07:33kahit yung cash lang, magkano yung naabot kay Vice President Sara
07:38mula sa mga Velasco?
07:40Mababa siguro, mga dalawang bilyon, lampas pa yan,
07:44sa lahat-lahat na inabot ka mga tubi patas.
07:48Kay former President Duterte?
07:51Mga isang bilyon siguro, mahigit.
07:55Itinitalya ni Gracioso sa affidavit na isinumit din niya sa National Bureau of Investigation,
08:00ang mga maletang inihatid umano niya noon sa Vice
08:03na naglalaman ng TIG 20 million hanggang 50 million pesos.
08:07Unang beses daw niyang maghatid ng pera sa mga Duterte noong 2018.
08:12Ang utos galing umano sa asao ni Velasco na si Rowena.
08:16Wala sa kanyang affidavit pero nagpakita rin siya sa GMA News
08:20na mga larawan ng mga maleta at kahon
08:22na pinuno niya paraon noon ng kalahating bilyong piso
08:26para i-deliver kay Duterte.
08:30Anong instruction sa iyo dito?
08:32Daling mam pa puntang Davao.
08:35So lahat-lahat to, mga magkano to?
08:38Mga nasa ano yun, ma'am?
08:39500 yun.
08:42Nakaharap din daw niya si Ramin Madriaga
08:44na nagpakilalang bagman at aid ni VP Sara.
08:48Kwento pa ni Gracioso na wala sa kanyang affidavit,
08:51iniabot niya kay Sen. Bong Goh ang cash
08:54na para kay dating Pangulong Duterte.
08:59Pagdating namin doon, ma'am,
09:00sasalubungin naman ng mga security ni Sen. Bong, ma'am.
09:03Tapos yung paper bag yan, ma'am, dalawa,
09:05meron sa kanya, meron din kay Pangulo, ma'am.
09:09Nakita mo ba ever si...
09:11Pangulo?
09:12Si former President Duterte.
09:13Oo, ma'am, kakapi ko, ma'am.
09:15Minsan kakapihan namin dyan, ma'am.
09:17Kalina mo mismo ilabod kay Sen. Bong Goh?
09:19Yes, ma'am.
09:20Pero nakikita ni Pangulo?
09:22Yes, ma'am nakikita.
09:24Nag-hatin din daw siya ng perang may lamang 50 million pesos
09:28kay Congressman Paulo Duterte.
09:30Kasama rin daw si dating Congressman Zaldico
09:32sa nagbibigay ng pera kay Velasco
09:34kaya kilala raw niya ang ilan sa mga nagpakilalang ex-bodyguards ni Ko.
09:40Aminado si Gracioso na may hininakit siya kay Velasco
09:42nang hindi raw siya tulungan nito.
09:45Wala pa kahapon na yung sinusubok pa namin makuha
09:47ang pahayag na mga idinadawit ni Gracioso
09:50ngunit wala pa silang tugon.
09:52Ang NBI naman sinabing lumapit sa kanila si Gracioso
09:55sa tulong ni Father Flavie Villanueva.
09:59Kinumpirma naman ni Justice Secretary Frederick Vida
10:02na hawak na ng DOJ ang affidavit ni Gracioso
10:05at under evaluation na.
10:07Kinumpirma naman ang PNP na naging miyembro nila
10:10si Gracioso
10:11at nadismay siya sa servisyo ngayong buwan.
10:18Isa laban sa isang dosena,
10:20pinagbubugbog ng grupo ng mga kabataan
10:22ang isang lalaking minor de edad sa Cebu City.
10:25Habang sa Iloilo City,
10:27isang college student ang nabiktima
10:28ng robbery hold-up.
10:30May spot report si Katrina Zohn.
10:36Nakaupo sa isang eskinita sa Cebu City
10:38ang isang binatiryo
10:39nang dumating ang labindalawang minor de edad
10:42at paligiran siya.
10:50Pagtayo ng biktima,
10:52bigla siyang pinaulanan ng suntok.
10:54Isa sa kanila,
10:55ilang beses tinadyakan ang biktima.
10:58Nahinto ang pangbubugbog
11:00nang awatin sila ng mga residente.
11:03Ang lungog lang kung sasaba kayo guubot ba.
11:05Kung toro kong igawas,
11:06pagawas na kung lumban mong panagan dito,
11:08waka kung mong badlong,
11:09usama mo na yan.
11:10Lumban ang panagan.
11:12Ayon sa nanay ng kasintahan ng biktima,
11:15dumayo lang ang biktima para sa nobya.
11:18Pusible umanong may kinalaman
11:19sa babae ang away.
11:21Iniimbestigahan na ng polisya
11:23at ng Department of Social Welfare Services
11:25ng LGU ang insidente.
11:27Sa inisyal na impormasyon,
11:29nagkasundo na ang mga sangkot.
11:31Maghapon sir,
11:32mga alas dos,
11:34nagsitor na,
11:35nag-atobang na ang lima
11:37o ang pito,
11:39pero ang lima wala pa nag-atobang.
11:41Sa Iloilo City,
11:43tinangayang cellphone,
11:44pagkain at inumin
11:45ng isang college student
11:47ng apat na lalaking kanyang nakasalubong.
11:50Natulala at napaupo na lang
11:52ang biktima pag-alis ng mga sospek.
11:54Nagambal, sinas lang,
11:56hindi ko na mag-ahalat,
11:57kagintotok sa akin
11:58ang isa kapatali yung gagamay,
11:59pala mo ka na ang pocket knife.
12:01Amo natulogin,
12:02kuha na nila ang phone ko,
12:04basta nga natumba na ako sa lupa.
12:06Kagintotok ka,
12:07panilalawas ko kung may arap ako walid.
12:09Sa tulong ng CCTV at panod,
12:12naaresto ang dalawa sa mga sospek.
12:14Isa sa kanila,
12:15menor de edad,
12:16na recover din ang cellphone ng biktima.
12:19Hinahanap pa ang dalawa nilang kasamahan.
12:21Ano lang statement sa inyo?
12:24May not.
12:25Paliwanag ng mga inaresto sa polisya.
12:27Wala silang pera,
12:29kaya napagtripan nila ang biktima.
12:31Naharap ang mga sospek sa reklamong robbery hold-up.
12:35Katrina Son, Jimmy News.
12:38May siyam na medalya na ang Team Philippines
12:40sa 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.
12:43Dalawa dyan ay gold
12:44dahatid ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
12:48Si Carlos ang nanaig sa men's vault final
12:51sa score na 14.599.
12:53Ang tagumpay ni Yulo,
12:55lalo pang pinatamis na makakuha ng bronze,
12:58ang kapatid niyang si Eldrew
12:59sa men's horizontal bar finals.
13:02Full support si Carlos sa laban ng kapatid.
13:05Ito ang kauna-una
13:06ang podium finish ni Eldrew sa Asian Games.
13:10Sobrang, sobrang pasalamat kay Lord po
13:14na naisi-share po namin
13:16yung mga ganong moments and blessings po
13:18sa kapatid ko.
13:21Yung effort na binigay niya para dito,
13:24so nakaka-proud po.
13:25Hindi ko po ma-explain
13:26kasi sobrang mixed emotion ko that time.
13:29Sobrang sayo ko po dahil
13:31hinabol niya pa po talaga yung routine ko.
13:34Sobrang nakakaiyak.
13:35Si kuya sumisigaw,
13:37sa'yo na yan!
13:39Huwagi naman ng silver
13:41ang gilas Pilipinas women's team
13:43sa championship match
13:44sa 3x3 women's basketball.
13:47Ito ang unang beses na nagpadala
13:48ang Pilipinas sa kategory na yan
13:50sa Asian Games.
13:58Content creator Baninay Bautista
14:01ibinahagi kung paano hinahandle
14:03ang bashing online.
14:04Delete na raw agad
14:06kapag nakakita siya
14:07ng negative comments.
14:08Para kay Baninay,
14:10mabilis makahawa ang negativity
14:11at sayang lang daw ang oras
14:13kung papatulan ito.
14:15Sa kabila nito,
14:16grateful si Baninay sa blessings.
14:18Mapapanood si Baninay
14:19sa upcoming GTV live selling show
14:21na Chica Cart
14:22na magbibida rin
14:24ang latest showbiz topics
14:25at iwabang kulitan.
14:31Kapatid ng Actress TV host
14:33na si Kim Chiu,
14:34pansamantalang nakalaya
14:35matapos magpiansa.
14:37Ayon sa Bureau of Jail Management
14:39and Penology,
14:40pasado ala 5 ng hapon kahapon,
14:42lumabas ang kapatid ni Chiu
14:43sa Kazon City Female Dormitory.
14:46Mahigit 5 milyong piso
14:47ang itinakdang piansa ng korte
14:49laban sa kanya
14:50para sa 124 counts
14:52ng kasong qualified theft.
14:54Sa pahayag naman ni Chiu,
14:55sinabi niyang hindi ito
14:57tungkol sa personal niyang pera.
14:59Tungkol daw ito
15:00sa kanyang negosyo
15:01na kanyang pinaghirapang buuin.
15:03Athena Imperial,
15:05GMA News.
15:10Long distance na inuman?
15:13No problem.
15:14Dahil ng tagay,
15:15pwede niya atin sa tulong ng drone?
15:17Yan ang pakulon
15:18ng magkakaibigang nagbabakasyon
15:20sa Davao de Oro.
15:21Dahil malayo si tropa,
15:23ang shot
15:24ipinatong ni
15:25Hugh Scooper Michael
15:26sa drone
15:27na kanyang pinalipad
15:28at inihatid
15:29sa naparabang parcel.
15:31Talagang mapapatampay
15:34sa literal
15:34na drone shot.
15:36Masado yan
15:37sa netizens.
15:38Ang tanong lang ng ilan,
15:40paano ibabalik ang baso?
15:42Kung may tagay,
15:43paano naman daw
15:44ang pulutan?
15:4991 days na lang,
15:51Pasko na.
15:52Kaya pa ba?
15:53Kahit ang ilang Christmas decoration,
15:55eh medyo may taas presyo na rin.
15:57Sa barangay Karangalaan
15:59sa Dagupan City,
16:01ilihilera na ang
16:02nagtitinda ng mga parol
16:03at pailaw
16:04na may iba't-ibang hugis,
16:06kulay,
16:06at disenyo.
16:07Hindi bababa sa 1,000 pesos
16:09ang presyo
16:10ng maliliit
16:10at simpleng parol.
16:12Nasa 2,800
16:13to 3,800 pesos
16:15ang average price
16:17ng medium-sized parol.
16:18Habang nasa 6,000 pesos
16:20ang presyuhan
16:21sa malalaking parol.
16:23Sabi ng mga nagtitinda,
16:25nagmahalang benta nila
16:26sa mga parol
16:27dahil sa pagtaas
16:28ng presyo
16:28ng mga materyales.
16:30Kayon pa man,
16:31sabi ng ilang nagtitinda,
16:32pwede pa rin namang
16:34mangarap
16:34este tumawad.
16:39At yan ang mga baritang
16:40dapat niyong malaman.
16:41Ito ang GMA News.
16:43Walang kinikilingan,
16:44walang pinoprotektahan.
16:46Noon at ngayon,
16:46servisyong totoo.
16:48Ako po si Atom Araulio
16:49at ito ang
16:50State of the Nation.

Recommended