- 28 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 2, 2026
-Ilang bahagi ng busway na isinara para sa Phase 2 ng EDSA Rehabilitation, binuksan na muli
-Presyo ng karneng baboy at ilang gulay sa Blumentritt Market, tumaas
-Mga bakasyunista, sinulit ang bakasyon sa Boracay ngayong Undas
-DPWH: C5 Boni Serrano flyover at northbound lane ng Pasig Blvd-C5 flyover, bubuksan na muli mamayang gabi
-FPRDD, hindi dadalo sa 5th status conference ng kaso niyang crimes against humanity sa International Criminal Court
-Ilang domestic at international flights ng PAL mula Nov.14-18, kinansela o ni-reschedule
-Angono LGU: Nasa 50,000, inaasahang bibisita sa mga sementeryo ng Angono ngayong araw/ Angono Public Safety and Order: Mga droga, alak, maiingay na gadget, sandata at pagsusugal, bawal sa mga sementeryo
-Ilang Kapuso stars, ipinamalas ang creativity sa kanilang Halloween costumes sa isang party/ Heidi Klum, naging higanteng putol na kamay sa pinakabago niyang Halloween costume
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-Ilang bahagi ng busway na isinara para sa Phase 2 ng EDSA Rehabilitation, binuksan na muli
-Presyo ng karneng baboy at ilang gulay sa Blumentritt Market, tumaas
-Mga bakasyunista, sinulit ang bakasyon sa Boracay ngayong Undas
-DPWH: C5 Boni Serrano flyover at northbound lane ng Pasig Blvd-C5 flyover, bubuksan na muli mamayang gabi
-FPRDD, hindi dadalo sa 5th status conference ng kaso niyang crimes against humanity sa International Criminal Court
-Ilang domestic at international flights ng PAL mula Nov.14-18, kinansela o ni-reschedule
-Angono LGU: Nasa 50,000, inaasahang bibisita sa mga sementeryo ng Angono ngayong araw/ Angono Public Safety and Order: Mga droga, alak, maiingay na gadget, sandata at pagsusugal, bawal sa mga sementeryo
-Ilang Kapuso stars, ipinamalas ang creativity sa kanilang Halloween costumes sa isang party/ Heidi Klum, naging higanteng putol na kamay sa pinakabago niyang Halloween costume
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:25Transcription by CastingWords
00:35Pwede na muling daanan ang ilang bahagi ng busway na isinarak ang makailan para sa phase 2 ng EDSA Rehabilitation.
00:41Nag-inspeksyon doon kanina ang Department of Public Works and Highways at Department of Transportation.
00:47May unang balita live si EJ Gomez.
00:49EJ!
00:54Ikan, good morning.
00:55Binuksan na nga ngayong umaga sa mga motorista yung bahagi ng busway mula yan sa southbound lane ng Mega Q
01:05Mart Bus Station patungo sa EDSA Kamuning Flyover hanggang dito sa Guadalupe.
01:11Kasunod yan ng ginawang re-blocking works ng DPWH at DOTR nitong long weekend na bahagi ng phase 2 EDSA
01:20Rehabilitation ng Pamahalaan.
01:26Nag-inspeksyon kaninang alas 4 ng badaling araw ang Department of Public Works and Highways at Department of Transportation sa
01:33Boning Avenue hanggang Guadalupe na parte ng phase 2 ng EDSA Rehabilitation.
01:38Naroon si na DPWH Secretary Giovanni Banoy Lopez, DOTR Secretary Vince Dizon, Presidential Communications Office Secretary Lino Cayetano at iba
01:47pang opisyal na mga ahensya.
01:49Sinaman talaraw ng DPWH at DOTR ang long weekend para sa patuloy na phase 2 EDSA Rehabilitation.
01:55May isinagawang re-blocking work sa southbound lane, partikular sa bahagi mula Mega Q Mart Bus Station paglampas ng EDSA
02:02Kamuning Flyover hanggang Guadalupe.
02:05Nagkaroon ng breaking of pavement at hauling of debris, base preparation, installation of rebars, and concrete pouring operations.
02:12Meron din isinagawang cutting, sealant application, curing and housekeeping activities.
02:18Kailangan talagang ayusin mula sa ilalim para kapag i-asphaltohin po ito, mas suabe ho at hindi po talagang kumbaga
02:26mababagsak yung asphalto natin.
02:28May ginagamit din silang technology ngayon, yung sinasabi nila one day cement lang daw, yung one day curing at matibay
02:35naman talaga.
02:36Nagkaroon ng pansamantalang lane closures sa mga apektadong lugar para bigyang daan ng pagkukumpuni.
02:42At kaninang pasado alas 5 ng madaling araw, binuksan na muli ang dalawang lane ng busway.
02:47Pagkatapos ng re-blocking, gagawan pa ng aayusin pa ito, i-asphalto pa ito para makinis.
02:53I-open namin yung busway sa private vehicles.
02:57So habang hindi pa natatapos mula NEPA Q Mart hanggang dito sa Bonny, makakadaan ang private vehicles dito.
03:06Mga dagawang linggo siguro yan.
03:07Samantala, nagkaroon din ang retrofitting ng St. Tolong Bridge flyover sa C5 sa Pasig na sinimula noong October 30.
03:15Sinamantala po namin yung panahon ng undas.
03:17At talagang minadali namin mamayang gabi, yung northbound magbubukas na po ng 8pm.
03:24Tapos yung southbound naman magbubukas na ngaroon 4am bukas.
03:30Talagang inahabol namin yung pabalik na mga motorista galing probinsya.
03:34Bubuksan na rin mamayang gabi sa mga motorista ang C5 Bonny Serrano flyover kasunod ng repair works dito.
03:41Ininspeksyon din kanina ang Guadalupe Elsa busway station na nagkaroon ng extension para sa mas maluwag at maaniwalas na waiting
03:49area para sa mga commuter.
03:54Igan, ayon pa sa DPWH at DOTR, kasunod ng ginawang re-blocking works ay mas matibay na raw ang structural
04:02integrity ng mga inayos ng kalsada
04:04at hindi na raw magbabaha na posibleng namang magpaibsan ng mabigat na daloy ng trafico dito sa Elsa.
04:11At pakita natin very quickly itong sinasabing extension dito sa Guadalupe bus station.
04:17Itong dating waiting area ng mga tao, ayan yung nasa likod, nakikita natin may bubong, yung may orasan.
04:23Yan lang yung sukat niya dati, na nasa less than 2 meters pero ito na, yung lawak naman ngayon.
04:30Ang sukat niyan, nasa 4.5 meters na.
04:34At ito, nakikita naman natin, meron ng basurahan, may booth para doon sa mga staff na mag-monitor ng lugar.
04:41At ito, nandito nakalagay yung bus fare dito yan sa station.
04:47Ayan, pinapakita nila yung mga announcement, yung before and after ng ginawang repair works.
04:52At ayon pa sa DOTR, dahil papunta na tayo sa pagtatapos ng taon at holiday season,
04:58simula ngayong araw, inanunsyo nila na magdadagdag sila ng tatlong bagon ng trends dyan sa MRT
05:06na posibleng magpaangat ng kanilang daily passenger capacity up to 6,000.
05:11At handa rin daw silang magdadag pa sa susunod na buwan at gayon din ng mga bus dito sa EDSA
05:17busway.
05:18At very quickly rin, pakita natin ang daloy ng trafico dito yan sa northbound lane sa may Guadalupe sa Makati.
05:25Ayan, nakikita nyo naman, onti pa lang ang mga sasakyan, dere-derecho at hindi pa mabigat.
05:31Ganyan din ang sitwasyon dito sa southbound lane.
05:35At yan, ang unang balita mula po dito sa Guadalupe sa Makati.
05:39EJ Gomez, GMA News.
05:48At abiso sa mga mamimili, tumaas po ang presyo ng karning baboy at ilang gulay sa Blooming Treat Market sa
05:55Maynila.
05:56At live mula sa Maynila, may unang balita si Gabriel Gonzalez.
06:01Gabriel.
06:06Ivan, good morning.
06:08Nasa 20 to 30 pesos ang taas presyo sa karuneng baboy.
06:12Habang nasa 10 to up to 200 pesos naman ang taas presyo sa gulay o dun sa ilang gulay dito
06:19sa Blooming Treat sa Maynila.
06:21Pero huwag mag-alala dahil pwedeng-pwede namang mag-ulam ng gulay o ng isda na mas mababa ang presyo.
06:31Abala sa pagkakatay ng mga binagsak na baboy ang maraming meat vendors sa Blooming Treat sa Maynila.
06:37Kumparaan ng mga nakaraang linggo, mas nagmahal ang presyo nito ngayon.
06:41Ayon sa mga nagtitinda dahil ito sa patong ng mga biyahero sa presyo ng baboy.
06:45Dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ang presyo ng produktong petrolyo.
06:49Nasa 2.72, 2.80 pesos per kilo na ang benta ng Kasim at Pigue.
06:53Habang 3.30 naman sa liyempo mula sa dating 300.
06:56Tumans naman ng ilang klase ng gulay.
06:59Gaya ng patatas, repolyo, carrots, pati ng siling labuyo.
07:03Ayon sa mga nagtitinda, dumedepende ngayon ang presyo ng gulay sa delivery.
07:07May mga hindi raw kasi bumibiyahe kapag holiday o kung kaunti lang ang ide-deliver sa Metro Manila.
07:13Dahil malulugi raw sila.
07:15Ang patatas naglalaro sa 140 to 160 ang presyo kada kilo mula 120 to 130.
07:20Ang repolyo, 150 na ang kilo mula 120.
07:24Ang carrots, 160 na ngayon mula 100.
07:27Habang triple naman ang itinas ng siling labuyo na nasa 300 na ngayon mula 100 pesos kada kilo.
07:34May ilang gulay naman na malaking binabasa presyo.
07:37Gaya ng Sayote na 40 na lang ang kilo mula sa 100.
07:40At Pechay Baguio na nasa 80 na lang ang kilo mula sa dating 200.
07:45Bumaba rin ang kaunti ang presyo ng bangus at tilapia.
07:48Nasa 120 to 180 ang kada kilo ng bangus mula sa 150 to 200 dati.
07:53Depende yan sa laki.
07:55Ang tilapia naman bumaba ng 10 to 20 pesos.
07:58Nasa 120 to 130 na ito mula sa dating 130 to 150.
08:02Ayon sa ilang fish vendor, unti-unti nang nakakabawi sa huli ang mga manging isda dahil hindi na masama ang
08:08panahon.
08:09Ang ilang consumer, tila tanggap ng mataas na ang presyo ng ilang bilhin.
08:17Lahat tayo magagawa talagang mataas.
08:19Lalo na yung mga diesel, siyempre tinukuwa rin yan.
08:22May mga gastos nila.
08:24Inaangkat pa sa ibang lugar yan.
08:26Sabi nila, shirt daw sa baboy.
08:27Kaya may taas ang figure.
08:29Sa may biyahe po kung mismo ng baboy.
08:31Bumabaway rin sila sa gas.
08:33Ngayon, medyo mura na.
08:35Compare mo sa mga nakaraang buwan.
08:37Depende po kasi sa volume sa nabotas kung marami o konti.
08:42Minsan po sa biyahe, kulang yung nagbabiyahe po.
08:46Kasi ano nga yun, holiday, maraming hindi nagbabiyahe.
08:56Ivan, kaunting pasilip pa sa presyo ng ilan pang mga gulay.
09:00Meron pa rito na taas baba.
09:03Kagaya na itong talong, nasa 100 na ang kilo nito mula sa dating 80.
09:07Ito na mga ampalaya, kabaligtaran, nasa 80 na ito mula sa dating 100.
09:13Habang yung iba pang mga gulay, kagaya na itong sibuyas, mga recados,
09:19yan ay naglalaro na sa 100 pesos kada kilo mula sa dating 120.
09:26So bumaba ito sa ngayon.
09:28So sa ngayon itong sitwasyon ngayon, hindi pa naman ganun karami yung mga mamimili.
09:32Ivan, nagtanong din tayo sa mga vegetable vendor, maging dun sa mga meat vendor,
09:37kung anong forecast nila para sa darating na holiday season,
09:41kung magtataas na ba at kung magkano'ng itataas.
09:44As of now, wala pa silang idea pero nakikita na nila na medyo magtataas itong darating na mga linggo
09:52habang papalapit ang Pasko.
09:54Yan muna ang latest mula rito sa Maynila.
09:56Gabriel Gonzalez, GMA News.
10:00Samantalang mga kapuso, sinulit po ng mga bakasyonista ang kanilang Boracations ngayon pong undas.
10:07At may unang balita live si Kim Salinas mula sa Malay Aklan.
10:11Magandang umagal sa iyo, Kim.
10:15Maris, ngayong araw, inaasahang uwi na ang karamihan sa mga turistang nagbakason dito sa Boracay nitong Long Undas weekend.
10:28Sinulit na ng ilang turista ang kanilang huling araw ng bakason sa Boracay kahapon.
10:33Gaya ng mag-bestfriend na Lerio at Lourdes na ang goal ay matry ang ilang water activities.
10:38Kahit lagpa 50 anyos na sila, game na game pa rin sa pag-jet ski.
10:42Fun, grabe. Sobrang sarap, masarap ang mag-jet ski.
10:49Galing pa kami ng Cebu. Then from Cebu, six days kami. Then after Cebu, dito kami ngayon sa Boracay.
10:55Unfortunately, I was not able to drive the jet ski kasi mayroon ako antiklish.
11:01So I don't want to be touched. So siya na lang. Pero grabe, adventure talaga.
11:05Na-achieve na rao ni Mattia na isang Italyano ang water sports activities.
11:10Kaya land activities naman ang kanyang trip.
11:13Probably the zip line and the diving in the canyon.
11:17I said to everyone, come. That is like a paradise.
11:20Patok din sa mga turista na gustong magpa-photo-op ang tema ng isang establishmentong ito na alien invasion.
11:27Siyempre, itunuloy ng ilang turista ang pagsulit ng stay sa isla sa pamamagitan ng pagkikinig sa mga banda kagabi.
11:39Maris, ayon sa Malay Tourism Office, hindi bababa sa 24,000 ang naitalang tourist arrivals simula noong Webes, October 29,
11:47hanggang kahapon, November 1.
11:49Nakatutok pa rin ang mga autoridad sa seguridad sa isla ng Boracay at sa pagtitiyak na may sapat na sasakyan,
11:56lalot ngayong araw, inaasahang uuwi na o aalis ang mga turistang dito nagpalipas ng mahaba-habang bakason kasabay ng undas.
12:07Maris?
12:11Maraming salamat, Kim Salinas, ng GMA Regional TV, nag-uulat live mula sa Malay, Aklan.
12:18Samantala mga kapuso, abiso po para sa mga motorista, bubuksan na pong muli ang C5, Bones Serrano Flyover,
12:24pati na rin po yung northbound lane ng Pasig Boulevard C5 Flyover mamayang gabi.
12:30Ayon sa Department of Public Works and Highways, natapos agad ang pagkukumpunin sa mga kalsada.
12:35Bukas naman na umaga, madaraanan na po na ang mga motorista ang southbound lane ng Pasig Boulevard C5.
12:45Ang Rodrigo Roa Lutero.
12:54Hindi dadalo at si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalimang status conference ngayong araw
12:59para sa kaso niyang crimes against humanity sa International Criminal Court.
13:03Batay sa dokumentong inilabas ang kampo ni Duterte,
13:07pinagpaalam na defense noong October 28 sa Trial Chamber 3 na ICC,
13:11ang hiling ng dating Pangulo na hindi dumalo sa nasabing status conference.
13:15October 29 na payagan ito ng Trial Chamber at inutusan ng defense na gawing on record ang waiver na pirmado
13:23ng dating Pangulo.
13:24Kabilang sa mga tatalakayin sa ikalimang status conference,
13:27sa listahan ng mga testigo bilang ng oras para sa presentation of evidence ng prosekusyon
13:32at mga ebidensyang maaaring magpawalang sala sa dating Pangulo.
13:37Dumalo dati si Duterte sa ikatlo ay ikaapat na status conferences.
13:40Sa November 30, magsisimula ng pagliliti sa kaso ng dating Pangulo.
13:50Kinansila o kaya ni-reschedule ang Philippine Airlines sa ilang domestic at international flights
13:54mula November 14 hanggang 18 bilang paganda sa 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Maynila.
14:01Sa November 14, apektado ang flights na papuntat paalis ng Bacolod, Sambuanga, Butuan, Cagendeoro, Puerto Princesa,
14:09General Santos, Davao, Cebu, Iloilo at Legazpi sa Daraga.
14:14Apektado rin ang international flights na papuntat paalis ng Riyadh, Melbourne at Hong Kong.
14:20Sa November 15, apektado ang flights papuntat paalis ng Davao, Bacolod, Butuan,
14:25Tacloban, Dipolog, Sambuanga, Cebu, Iloilo, Legazpi sa Daraga at Cagayan de Oro.
14:32Apektado rin ang international flights na papuntat paalis ng Riyadh.
14:36At Jinjiang sa araw na yan.
14:39Sa November 16, ang mga apektadong flights ay ang papuntat paalis ng Bacolod, Butuan,
14:44Rojas, Puerto Princesa, Davao, Tacloban, Dipolog, Dumaguete, General Santos,
14:50Cagayan de Oro, Cebu, Iloilo at Legazpi sa Daraga.
14:56Apektado rin ang international flights na papuntat paalis ng Riyadh, Shaman, Sydney at Hong Kong.
15:02Sa November 17 naman, apektado ang mga biyahe papuntat paalis ng Bacolod,
15:06Cebu, Rojas, Cagayan de Oro, Zambuanga, Butuan, Tacloban, Cebu, Davao, General Santos,
15:13Lawag, Iloilo at Legazpi sa Daraga.
15:17Apektado ang international flights naman ay papuntat paalis ng Singapore, Riyadh, Jinja at Hong Kong.
15:24Sa November 18 naman, ang apektadong flights ay papuntat paalis ng Cebu, Davao, Bacolod, Butuan, Zambuanga,
15:31General Santos, Iloilo, Legazpi sa Daraga at Cagayan de Oro.
15:35Ngayon din ang international flights na Pariad, Sydney at Denpasar sa Bali, Indonesia.
15:43Papadalahan daw ng mensahe ng Philippine Airlines sa mga apektadong pasahero.
15:50Nasa 50,000 inaasahan bibisita sa mga sementeryo sa Angono Rizal ngayong All Souls Day.
15:57Silipin natin ang sitwasyon doon sa unang balita live ni Bam Alenyo.
16:01Bam!
16:05Ivan, good morning. Tradisyon ng mga taga Angono Rizal na November 2 ang punta sa mga sementeryo kaysa yung nakasanayan
16:12ng karamihan na November 1.
16:17Mula pa noon, dalaga ang 75 years old na si Lidia Sanvega.
16:20Tuwing November 2 ang tradisyon ng mga taga Angono Rizal na pumunta sa mga sementeryo at bisitahin ang puntod ng
16:27kanilang mga yumaong kaanak.
16:28Kasi yun ang araw doon ng mga kaluluwa, araw ng mga patay, ados.
16:34Yung Aono, araw ng mga poon. Wala na akin mapunta rito, yun na talaga.
16:40Nasa 50,000 ang inaasahan ng lokal na pamahalaan na pupunta sa mga sementeryo ng Angono sa buong maghapon.
16:46Nakahanda na ang mga otoridad para tiyakin ang seguridad ng lahat.
16:49May mga bilin na rin ng Angono Public Safety and Order sa lahat ng mga bibisita para hindi maabala.
16:54Bawal ang anumang uri ng droga, nakakalasing na inumin, may ingay na gadget, sandata at mga gamit sa pagsusugal.
17:01Matagal ang ginagawa ito. Sa tuwing Undas, maraming dumadating na tao sa mga mahal nila sa buhay na maano dito
17:10sa kanya-kanyang puntod nila at nakikidalam hatis.
17:15Sa ibang lugar po, Juan talaga po talaga. Kasi yung pong Juan ay parang araw po ng mga santo yun.
17:22Ito pong talagang Undas ay ados.
17:32Ivan, kasama natin si Mr. Bernard Laca ng Angono PIO.
17:36Sir, kung 50,000 yung crowd estimate today mula noong weekend, October 31, ilan na po yung foot traffic dito
17:41sa mga sementeryo niya?
17:42According sa ating MDRRMO, ang ating estimated crowd na dadagsa simula noong October 31 hanggang ng November 2 ay aabot
17:52ng 120,000.
17:53Paano po tiniyak yung seguridad dito sa mga sementeryo po natin?
17:57Prior to this commemoration ng All Souls Day at All Saints Day ay nagkaroon na ng pagpupulong kasama ang kapulisan,
18:08ang mga pamatay sunog, ang ating mga reservists, force multipliers, even ang mga medical team para matiyak yung magiging kaayusan
18:16ng ating mga himlayan.
18:19Ngayong araw na expected, nadadagsa ngayon dito sa bayan ng Angono.
18:23Maraming salamat, Mr. Bernard Laca po ng Angono PIO.
18:25And ito ang unang balita mula rito sa Angono Rizal.
18:27Bamalegre, GMA News.
18:36Spooktacular ang panibagong Halloween costume ni supermodel Heidi Klum na tinaguri ang Queen of Halloween.
18:43Hindi rin nagpahulay ang ilang kapuso stars na ipinamalas ang creativity sa kanilang Halloween costumes.
18:48May unang chika si Nelson Canlaas.
18:54Nagflex ng kanilang creativity ang ilang kapuso stars at sparkle artists sa kanilang pagdalo sa isang Halloween party.
19:02Gorgeous white dress ang attire ni Heart Evangelista.
19:06Pero ang likod, criminally studded with bloody red crystals at may nakasaksak na plastic knives.
19:13I'm here at myself.
19:18I'm here at myself.
19:20I'm here at myself.
19:20I'm here at myself.
19:21I'm here at myself.
19:21Happy Halloween!
19:23Dumating naman as an angel si Alden Richards pero leveled up ang look.
19:29Ang tinip ko na si Chet GVT, Ethereal Guardian Angel.
19:32Tapos ito lumabahan?
19:33Ito na yan.
19:34Nagala Cyclopes ang host ng event na si Tim Yap.
19:39Ang peg ni Lizelle Lopez, fashion na black butterfly.
19:44Naging scary clown naman si Ashley Sarmiento.
19:48Channeling Megan Fox naman sa Jennifer's Body si Sparkle Beauty Queen Gazzini Ganados.
19:54While Atisa Manalo arrived wearing a ball gown na hango sa isang painting.
20:00Sa Hollywood, supermodel Heidi Klum delivered as usual sa kanyang 25th Halloween party.
20:08Let's give a big hand to her spooky wear.
20:11Ang higating versyon ng putol na kamay.
20:15Ito ang unang balita.
20:16Nelson Candlas, GMA News.