00:01Sa kabila ng pabago-bagong panahon at kondisyon ng lupang taniman,
00:06patuloy ang pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura para kayang makaangkop nito sa mga kalamidad.
00:12Sa ilalim ng DA Phil Rice, nakatutok ang Department of Agriculture o DA
00:16sa teknolohiya na nagsusulong sa pagkakaroon ng high yielding, cost reducing, at climate resilient farming technologies.
00:24Ayon kay Science Research Specialist 2 ng Phil Rice na si Jonathan Cabral,
00:28Kailangan po yung consider ng mga farmers natin yung technology sa paggamit po ng mga varieties na suitable for adverse
00:34conditions.
00:34So may mga varieties po tayo na para sa, halimbawa sa mga areas na walang tubig pero umaasa sa hudulan,
00:40may mga varieties po tayo ng ganyan.
00:42Also may varieties tayo na angkop po sa mga areas na palagi nakakaroon ng pagbaha.
00:48And syempre mga varieties na pwedeng magkop sa shattering losses or sa lodging losses
00:53na naidudulot po ng malalakas na hangin na daladalaan ng mga bagyo na dumadaan sa atin.
00:59Kabilang dito ang mga stress-tolerant rice varieties tulad ng Tubigan 18 o Submarino 1
01:05na kayang mabuhay ng hanggang labing apat na araw kahit nalubog sa baha.
01:09May mga idinisenyo rin binhi laban sa matinding tagtuyot at tubig alat, lalo na ang mga nasa coastal region na
01:16taniman.
01:17Ipinatuto pa din dito ang alternate wetting and drying technology gamit ang perforated o binutasan na PVC pipe
01:24na nakababawas ng hanggang 30% ng konsumption ng tubig at methane emissions.
01:29Sa pamamagitan ng palay check at site-specific nutrient system,
01:33mas natitiyak din ang crop management upang makapaglaan ng sapat na pataba sa mas murang gastusin.
01:39Gumagamit na rin ng mga digital application tulad ng Palay Check App at Rice Crop Manager Advisory Service
01:45ang ahensya na nagbibigay ng will-time at field level advice sa mga magsasaka.
01:50Para sa mag-iisang dekadang magsasaka na si Tatay Roberto,
01:54malaking tulong ang mga naituturo sa kanila, lalo't ito ang kanilang ikinabubuhay.
01:58Hindi na mahirap magkanya, magsaka. Nakaupo ka na lang.
02:03Ako kasi, gusto ko din matoto kaya nagpunta ako dito.
02:07Pinalakas pa ito ng smart farm program at drone technology
02:10na ginagamit ngayon sa mabilisang damage assessment, yield forecasting, at targeted spraying sa mga bukid.
02:17Ang lahat ng ito ay upang mapanatiling ligtas, sapat, at masaga na ang Pinoy rice bowl
02:22sa kabila ng mga external challenges sa pagtatanim.
02:26Ang tanimang ito sa Field Rice Nueva Ecija ay may laking 140 hectares
02:30na kung saan 110 ang nakalaan para sa seed production at data gathering.
02:34At dito nga pinapalaki yung mga variety ng palay para iangkop sa iba't ibang panahon sa Pilipinas.
02:40Elijah Ken Las, para sa bayan.
Comments