00:22It is one of the priority bills of the President.
00:30At gusto po niya hanggat maaari sa panahon po niya ay maipasa ang anti-political dynasty law.
00:38So tama po na sang-ayon ng Pangulo sa decision po ng Supreme Court na dapat po magkaroon ng batas
00:46patungkol sa political dynasty.
00:48Gayunman, hindi anya maaaring panghimasukan ng Malacanang ang timeline ng pagkakapasa nito dahil nasa kamay na ito ng Kongreso
00:56at kailangan din isaalang-alang ang trabahong ginagawa ngayon ng Kongreso.
01:00Ang nais lang ipalam ng Pangulo ay gusto po niya ito maipasa.
01:04Nagkakaroon lang po ng maraming trabaho, hindi natin mabiblame ang mga kinatawan dito sa Kongreso
01:12dahil alam din po natin na marami din silang ginagawang trabaho at marami silang tinututukan na dapat din unahin.
01:19Pero still, dumabas naman din po ang decision ng Supreme Court.
01:23Alam din po nila, gusto din po naman nila na makaroon po talaga ng anti-political dynasty.
01:28Sa desisyon ng SC, inobligan nito ang Kongreso na ipasa ang batas
01:32at sinabing ang tatlumput siyam na taong hindi pagkakapasa nito ay maituturing na grave abuse of discretion.
01:39Naiintindihan naman daw ng Kamara ang panawagan ng SC.
01:42Lalo't nakapaloob sa saligang batas ang pagbibigay depilisyon sa anti-political dynasty.
01:46Gayunman, binigyang diin ni House Assistant Majority Leader Congressman Zia Alonto Adyong
01:51na lusot na sa Kamara ang naturang panukalang batas.
01:55So nagaantay na nga po na tayo ng versyon ng Senado
01:59at handa naman po ang House of Representatives na maupumupo sa bicameral conference
02:05kung matatapos po ang versyon ng Senado sa kanilang anti-political dynasty measure.
02:11Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang mga mag-asawa at magkakamag-anak hanggang second degree of consanguinity
02:18or affinity na sabay na humawak o tumakbo sa mga posisyong nasa loob ng parehong political jurisdiction.
02:24Saklaw nito ang mga national at local positions.
02:27Nakapaloob din dito na kailangan magsumiti ang mga kandidato ng sinumpaang deklarasyon sa Commission on Elections
02:32na nagsasaad na ang kanilang pagtakbo sa halalan ay hindi magre-resulta sa isang political dynasty
02:38na ipinagbabawal ng batas.
02:40Kenneth
02:41Pasyente para sa bayan.
Comments