Skip to playerSkip to main content
Rekomendasyon ng DBCC kung sususpindihin ang excise tax sa presyo ng langis, hinihintay; Malacañang, tiniyak na aaksyunan agad ito ni PBBM 


Hinihintay pa ang rekomendasyon mula Development Budget Coordination Committee kung babawasan o sususpindihin ang excise tax sa langis, pero aaksyunan agad ito ng Pangulo ayon ‘yan sa Malacañang.


Sa ngayon, sapat pa naman daw ang supply sa bansa at tuloy-tuloy ang tulong para ibsan ang epekto ng krisis sa Gitnang Silangan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hinihintay pa ang rekomendasyon mula Development Budget Coordination Committee
00:04kung babawasan o sususpindihin ang excise tax sa langis.
00:09Pero a-action na nga dito ng Pangulo ayon yan sa Malacanang.
00:14Sa ngayon, sapat pa naman daw ang supply sa bansa
00:17at tuloy-tuloy ang tulong para ibsan ang epekto ng krisis sa gitnang silangat.
00:23Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:28Maraming umaray sa pinakahuling oil price hike na ipinatupad kahapon
00:32lalo sa sektorang transportasyon.
00:34Ang diesel kasi na ginagamit ng mga jeepney tumuntong o lumumpas na sa isang daan piso kada litro.
00:41Paliwarag ng Department of Energy o DOE,
00:43bukod sa tuloy-tuloy na pagsirit ng presyo ng krudo sa world market
00:46dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East, mahihina rin ng piso kontra dolyar.
00:51Sa datos ng DOE, mula August 13 hanggang September 11 ay pumalo na sa mahigit $99 kada barilis ang crude
00:58oil.
00:59Ang presyo na yan, lampas na sa $80 per barrel,
01:02na itinatakda ng batas kung kailan pwedeng bigyan ng kapangirihan ng Pangulo
01:05na suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis.
01:08Sa ilalim ng Republic Act 12.316, kapag umabot o lumagpas sa $80 per barrel
01:17ang average ng presyo ng Dubai crude oil sa loob ng isang buwan,
01:21nagbibigay po ito ng legal na batayan para isa alang-alang
01:27ang pagsuspindi o pagbawas ng excise tax sa produktong petrolyo
01:32sa pamamagitan ng rekomendasyon ng DBCC or Development Budget Coordination Committee
01:40at sa koordinasyon ng DOE.
01:43Ang rekomendasyon yan ng Energy Department,
01:45inaabangan kung natalakay sa Economy Development Council ngayong hapon sa Malacanang.
01:49Alam po naman natin na lahat ng kailangang aksyonan agad
01:53ay mabilis naman po umaksyon ng ating Pangulo.
01:55Depende na po yan kung ano po ang magiging rekomendasyon.
01:58Kapag nandyan na po ang rekomendasyon, umaksyon naman agad ang ating Pangulo.
02:01Nitong Abril, naglabas ng kautosan si Pangulong Bongbong Marcos
02:05na nagtanggal sa excise tax sa LPG at kerosene,
02:08pero hindi sa gasolina at diesel.
02:10Paliwanag ng Pangulo noon,
02:12ang malilikom na pondo mula sa excise tax sa langis
02:15ay nagagamit para pondohan ng ibang proyekto ng pamahalaan,
02:18kabila ang pagbibigay ng suporta sa mga direktang tinatamaan
02:21ng krisis sa langis.
02:23Pagtiyak na Malacanang, nariyan pa rin ang uplift
02:26at tuloy ang paghahanap ng pondo para rito maging sa 2027 budget.
02:30Ang pondo po patungkol sa uplift ay hindi po kasi ito line item
02:35at ito po ay depende sa pangangailangan
02:39na maibibigay o mababanggit ng implementing agencies
02:44at titignan po kung merong savings
02:48at kung may mga proyekto po ang mga implementing agencies
02:51na hindi naipatupad,
02:53ito ay maaari maideklarang savings
02:55at maaari po magamit sa uplift.
02:57Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended