Skip to playerSkip to main content
2 bahay na taguan umano ng pera ni Velasco, registered address ng kumpanya kung saan presidente ang asawa niya ayon sa NBI 


Bilang tugon kay Vice President Sara Duterte, sinabi ng Direktor ng National Bureau of Investigation o NBI, na maaaring dalhin ng bise sa kanilang tanggapan ang mga litrato at iba pang ebidensya para pabulaanana ang mga alegasyon ni Rodulfo Gracioso Jr.


Sa ngayon, ilang pahayag ng huli ang tumugma na sa mga ebidensyang nakita ng National Bureau of Investigation.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bilang tugon kay Vice President Sara Duterte, sinabi ng Direktor ng National Bureau of Investigation o NBI
00:06na maaring dalhin ng bise sa kanilang tanggapan ang mga litrato at iba pang ebedensya
00:12para pabulaanan ang mga aligasyon ni Rodolfo Gracioso.
00:16Sa ngayon, ilang pahayag ni Gracioso ang tumugmana sa mga ebedensyang nakita ng National Bureau of Investigation.
00:23At nakatutok si Chino Gaston.
00:29Sa patuloy na verifikasyon ng National Bureau of Investigation o NBI,
00:33sa mga aligasyon ni Rodolfo Gracioso Jr. sa kanyang affidavit,
00:36kasama sa tinitingnan ang dalawang bahay sa Metro Manila na ginawa-umanong taguan ng pera
00:42ng dating boss ni Gracioso na si dating house speaker Lord Alan Velasco.
00:46Ayon sa NBI, ang lupang kinatatayuan ng isang bahay sa personal assistant daw ni Rowena Velasco
00:52ang may bahay ng dating house speaker.
00:54Ito rin daw ang registered address ng Eagle Assets and Realty na ang presidente ay si Rowena Velasco.
01:00Ang pangalawang bahay, rehistrado din sa kaparehong kumpanya.
01:04Doon sa mga claims ni Mr. Gracioso ng bahay at pag-aaring ng mga Velasco, tumatama na.
01:12Especially, lalo na doon sa bahay because yung bahay it was named under Eagle Assets and Realty.
01:20Ang presidente nito si Ms. Rowena Velasco.
01:25Na-verify rin daw ng NBI ng Amara Resort and Velas sa Torrijos, Marinduque na nababamanggit.
01:32Ni Gracioso sa kanyang sinumpaang salaysay,
01:34nakarehistro sa Amara Equity Ventures na 80% ng shares ay pag-aaring ng mag-asawang Velasco.
01:41Majority owned din umano na mga Velasco ang kumpanyang nagmamayari ng Sara Resort and Cabanas sa Marinduque.
01:48Sa sinumpaang salaysay ni Gracioso, sinabi niyang naghahatin siya ng pera sa ilang personalidad,
01:53kabilang si Vice President Sara Duterte.
01:56Itinanggi na ito ni Vice President Sara Duterte, nilinaw ng NBI,
02:00na hindi lahat na isiniwalat ni Gracioso sa kanyang affidavit ay agad nilang pinaniniwalaan.
02:06Pero hamon nito sa BICE, dumalo sa fact-finding investigation para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.
02:15If she will participate and come here na inimbitahan namin and present to us ano yung 29 na sinasabing violation,
02:23then we'll be more than willing to investigate it and ibangga natin sa iba pang ebidensya.
02:28At the same way kung hindi naman din sila pumunta,
02:30we'll find ways to validate kung meron talagang perjurius doon sa mga sinasabi ni Mr. Gracioso.
02:36Isa sa mga binabangga ng NBI sa salaysay ni Gracioso,
02:40ang nasa affidavit ng nagpakilalang dating tauhan ni Duterte na si Jeffrey Tupas.
02:45Sinagot ni Matibag ang naunang pahayag ng abogado ni Tupas
02:49na dumating ang mga taga-NBI sa bahay ng kanilang kliyente sa North Cotabato noong September 29
02:55para mag-alok-umanoh ng protective custody.
02:57Pero ang laman ng papel pala ay sa pina.
03:00Si Tupas rin daw ang unang nagsiwalat na may banta sa kanyang buhay
03:04kaya inalok siya ng NBI ng protective custody.
03:08Sa verbal invitation, he was the one who insisted on asking for a sabwina.
03:13May mga pictures, nagkakapi pa sila, nag-uusap.
03:16Hindi totoo na madaling araw.
03:18So nung sinasabi niya na mayroong natatakot siya,
03:22ang sabi ng ahente, that's why we're here.
03:25We will protect you kung mayroong threat sa'yo.
03:28Sa kanya nang galing yun na natatakot siya sa buhay niya.
03:31Pero ayon sa abogado ni Tupas,
03:33ang mga taga-NBI raw ang nagsabing may banta laban sa kanya.
03:37Kaya sila nag-o-offer ng protective custody kay Jeffrey
03:40kasi mayroon daw ang information na may threat na ipapa-abduct siya.
03:46Samantala, ayon sa NBI, nakatakdang magtungo doon ang bise sa Huwebes.
03:51Habang sa October 12 naman,
03:53ang kapatid nitong si Davao City First District Representative,
03:56Paulo Duterte, bilang tugon sa imbitasyon ng ahensya
04:00sa kanila kaugnay sa isinasagawa nitong imbistigasyon
04:03sa mga isiniwala ni Gracioso.
04:05Sino gasto na katutok? 24 oras.

Recommended