Skip to playerSkip to main content
AMPING, MINDANAO [pray emoji]


Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Mindanao 7:37am nitong June 8, 2026. Naitala ang epicenter niyan sa Maasim, Sarangani.


Kabi-kabila ang pinsala sa mga establisimyento, paaralan, bahay, tanggapan ng gobyerno, pati kalsada at tulay.


Ang ilan nga, tuluyang gumuho.


Sa pinakahuling tala, 19 ang napaulat na nasawi.
Dalawa sa kanila, nabagsakan ng gumuhong supermarket sa General Santos City.


May mga nasugatan din at hinimatay.


Kabilang sa nawalan ng malay ang ilang estudyante, lalo't sumakto sa unang araw ng pagbubukas ng klase ang lindol.


Nagbigay na ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos sa mga ahensya ng gobyerno para umaksyon.


Panoorin ang buong report.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinaguho ng magnitude 7.8 na lindol
00:02ang maraming istruktura sa iba't ibang bahagi ng Mindanao
00:06kahit sa labas po ng maasim sarangani
00:08kung saan naitala ang episentro ng pagyanig.
00:13Kabilang po sa kagimbal-gimbal na imahe,
00:16ang aktual na paguho na isang gusali na may fast food branch
00:20at tila natuklak din ang pader ng dalawang mall.
00:23Umabot na sa labing siyam ang naiulat na nasawi
00:26habang mahigit isang daang katao ang sugatan.
00:30Batay sa pinakahuling tala
00:32ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
00:39Mga kapuso, may mga hinimatay ding estudyante,
00:42lalot ang malakas na lindol
00:44na tapat sa unang araw ng pagbubukas ng klase.
00:47Narito ang aking pagtutok.
00:52Sa lakas ng magnitude 7.8 na lindol
00:55na yumanig pasado la 7.5 ng umaga kanina,
00:58animoy dinuduyan ang mga elementary student na ito
01:01ng Makayahay Elementary School sa Davao Occidental.
01:05Pilit silang pinakalma ng mga guru pero
01:10biglang bumagsak ang isang estruktura malapit sa kanila.
01:14Lingkod lang! Lingkod lang! Lingkod lang! Lingkod lang!
01:28Iyakan at sigawan din ang pumalakaw sa Demoloc Valley National High School
01:33habang nagsisilikas palabas ng kanilang mga silid sa gitna ng lindol.
01:37Lingkod lang! Lingkod lang!
01:44Habang naantala naman ang flag ceremony ng Davao del Sur School of Fisheries
01:48sa Bayan ng Malalag.
02:00Ang mga estudyante ng Matanaw National High School
02:03nagmamadaling umalis sa covered court at lumikas papuntang open area.
02:10Isang gusali na kanilang paralan ang lumundo at halos gumuho.
02:18Ayon sa pamunuan ng paralan, hindi na ginagamit dahil
02:21matagal nang inabando na ang gusali matapos ang magkakasunod na lindol noong 2019.
02:28Pero lalong malala ang sinapit na Jollibee sa General Santos City.
02:37Napulbos sa isang iglap ang gusali.
02:39Sabay sa paguho ang pagkasira ng kable ng kuryente.
02:45Maraming napaiyak at napahagulgol
02:47habang pilit na kinakalmang sarili sa tumamang kalamidad.
02:53Customer! Customer! Tao! Tao!
02:55Matapos ang paguho, agad rumesponde ang mga rescuer
02:58para alamin kung may mga na-trap sa loob.
03:01Tao! Tao! Tao!
03:02Bukwong! Bukwong! Bukwong! Bukwong nai-tao!
03:04Tao! Tao! Tao!
03:06Wasak na wasak ang mga pader at kisame.
03:08Sira-sira rin ang mga gamit.
03:11Ay, hindi.
03:12Tila natuklap naman ang dingding ng SMCT General Santos.
03:20Sa pagbagsak ng debris,
03:22nabalot na makapal na likabok ang labas ng mall.
03:26Ang parking area, wasak na wasak din.
03:30Nabagsakan pa ng tipak na mga pader
03:32ang ilang nakaparadang motorsikla at e-trike.
03:35Bukwong na.
03:37Wasak ng kalibutan.
03:39Tila nabalatan din ang KCC Mall of Jensen
03:42nang matuklap at bumagsak ang isang pader.
03:49Hindi rin nakaligtas ang gusaling ito ng isang universidad.
03:55Nasira rin ang isang branch ng McDonald's.
03:57Tipak-tipak ng kongkretong pader ang nagbagsakan na ikinawasak ng ilang motorsiklo.
04:03Gumuho pati ang kisame ng gusaling.
04:15Sa mga besa, upuan at dasal,
04:17napakapit ang ilang inabutan ng lindol sa ikawalong palapag ng isang gusaling.
04:25Sa lakas ng pagyanig, nagpagsakan ang ilang gamit.
04:31At tila nagsayawan din ang mga ilaw sa loob.
04:43Mga kapuso, sa General Santos City naman,
04:46kabilang po sa mong gumuho ang isang supermarket.
04:50Dalawa ang patay.
04:51Pero may pitong iba pang nasawi sa buong luson.
04:54Nakatutok live si Efren Mamak ng GMA Regional TV.
04:58Efren.
05:03Emila, as of 3pm na nasa Syamna ang naitalang patay dito sa General Santos City.
05:13Hindi ilang gusali at establishmento ang napruwan sa General Santos City ng 7.8 magnitude na lindol.
05:21Kasama sa mga napinsala, ang dalawang palapag sa supermarket na ito sa Barangay Kalumpang.
05:26Mga kapuso, sa aking likuran, makikita ninyo ang isang supermarket na gumuho punso ng nangyaring 7.8 magnitude na lindol
05:35kaninang umaga dito sa Barangay Kalumpang, General Santos City.
05:39At kung makikita ninyo, dahil sa tindi ng impact talagang bumagsak, bumigay ang pundasyon ng nasabing supermarket.
05:49Nakatagdang magsasagawa ng search and retrieval operation pa rin ang ating otoridad para tuluyan na marescue ang mga nasabing individual.
05:58May mga crack ang nakita sa mismong sangguniang panglungsod building sa General Santos City.
06:04Nasira rin ang harapang bahagi ng isang paaralan sa Barangay Lagaw.
06:08Nasira naman ang ilang sasakyan matapos malaglagan ng mga debris mula sa taas ng isang gusali.
06:13Matindi rin ang tama sa mismong episentro ng lindol sa Sarangani.
06:17Ang tulay naman na nagdudugtong sa General Santos City papunta sa Sarangani, bumigay kaya tuluyan nang isinara sa mga motorista.
06:25Sa bayan ng malapatan, may mga gusali at bahay na nasira sa lakas ng lindol.
06:30Sa Alabel, Sarangani, gumuho din ang ilang cottage sa Ladle Beach dahil sa lindol.
06:36Patuloy ang monitoring ng MDRR mo sa kondisyon ng mga residente at sa pinsala ng imprastruktura.
06:43Nanawagan rin sa mga residente na mag-ingat sa posibleng mga aftershocks.
06:47Naitala ang episentro ng lindol sa dagat malapit sa bayan ng Maasim.
06:51Dahilan kung bakit itinaas ng PBOX ang tsunami warning.
07:01Yes, Emil, ayon sa PBOX, ang paggalaw ng Cotabato Trench ang naging dahilan ng lindol kanina.
07:09At may kapabawan daw ang bahagi ng trench na gumalaw kanina na nasa 300 kilometers ang lalim.
07:17Kaya marami mga gusali at establishmento ang naapektuhan dito sa Mindanao.
07:22Emil.
07:23Maraming salamat, Efren Mamak ng GMA Regional TV.
07:27Mga kapuso, hindi po bababa sa isang bilyong piso ang halaga ng pinsala ng magnitude 7.8 na lindol sa
07:34General Santos City.
07:36Sa Davao Region na aking pong nadaanan, kabi-kabila ang nakita ko pong pinsala.
07:41Iyan ang aking tinutukan.
07:48Animong piano na tinipa ang mga natapyas at nagkaalasan ng mga salamin sa bintana ng gusaling ito sa Matina, Playa
07:56sa Davao City.
07:57Kasunod ng pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol kaninang pasado alas 7 ng umaga.
08:04Ang mga nabasag na salamin at debris ng gusali makikitang naglaglagan.
08:15Sa Matanao National High School naman dito sa Davao del Sur, bukod sa takot at pangambang dulot sa mga estudyante
08:22sa unang araw ng pasukan,
08:24may gusali pa sa eskwela ka na bumigay dahil sa pagyanig.
08:31Mga kapuso, ipakikita po namin sa inyo ngayon ang itsura ng isa sa mga gusali ng Matanao National High School
08:39na pinaluhod ng pagyanig kanina.
08:42Tuluyan ang hindi mapakikinabangan pa ang mga silid-aralan.
08:46Bumagsak ang mga kisame, sumayaw ang mga pader at nabaluktot ang mga poste at humalik po sa lupa ang second
08:53floor.
08:54Buti na lamang, hindi na po ginagamit ang gusaling ito mula po noong 2019 dahil una nang idereklara bilang structurally
09:01defective.
09:02Mga kapuso, ang gusaling ito kung nasaan po ako ngayon ang ginagamit ngayon ng mga mag-aaral.
09:09Hindi po ito kinakitaan ng anumang damages, kaya sa auras na ibalik na ang klase,
09:15ito pa rin ang papasukan at tuloy-tuloy ang magiging klase ng mga mag-aaral.
09:20Sa General Santos City naman, hindi raw bababa sa isang bilyong piso.
09:24Ang pinsalang dulot ng lindol.
09:26As to structural damages, naiulat kanina ng ating TPD Structure Resurrection Management topic, the RRMO,
09:36na at least ang kanilang estimated, kanina pa yung mga alas dos, dyan sa mga 1 billion na damages.
09:45Merong limang malls, merong seven hospitals, four hotels, limang schools, tatlong restaurant, dalawang banko, dalawang pharmacy, at saka dalawang simbahan.
09:58And then ang Jensan Airport din po ay merong structural damage.
10:03Dakil patuloy ang nararamdamang aftershocks, nagigintay pa ng ghost signal para makapagsagawa ng structural assessment sa lungsod.
10:11They are still waiting for a ghost signal from the TPD Structure Resurrection Management Office and other concerned agencies na
10:20magbibigyan na kira sa kanina na pwede na kakukil niyo ang mga buildings.
10:26Ramdam nga sa Davao Region ang lakas ng lindol kaya bumigay ang isang school building.
10:31At pinag-adja naman na nasa labas pa ang mga estudyante na maganap ang pagyanip.
10:36At nakatutok na si Argil Relator ng GMA Regional TV.
10:41Argil, kamusta dyan?
10:45Pia binulabog ng malakas na pagyanig ang unang araw ng balik-eskwela sa malaking bahagi ng Mindanao.
10:52Karamihan sa mga paaralan ay nagsasagawa ng kanilang flag racing ceremony nang maramdaman ang pagyanig.
11:04Nagsasagawa ng flag racing ceremony sa Matanao National High School sa Matanao Davao Dulsur.
11:15Nang bigla na lang naramdaman ang malakas na pagyanig.
11:22Ang mga estudyante, mabilis na lumika sa katabing open area.
11:26Pero sa lakas ng pagyanig, two-story school building na ito, bumigay.
11:35Sa sunod-sunod na lindol na naranasan noong taong 2019, nakitaan na umano ng mga bitak at danyos ang school
11:43building na ito.
11:44Kaya't simula noon ay hindi na nila ito ginamit pa at inabando na na.
11:48At sa nangyaring malakas na pagyanig kaninang umaga, pinadapa na ng lindol ang school building.
11:55Kasi facing yung mga bata natin sa flagpole, nasa likod po, medyo malayo po din sa mga bata.
12:01Ito po yung building natin na condemn na siya, hindi na siya pinapagamit since 2019 kasi nasira ito.
12:09In fact, naka-cyclone wire yan siya para hindi talaga mapasukan ng mga bata.
12:15Nakaschedule na rin umano ito para i-demolish.
12:18Agad na pinauwi ang mga sudyante at guro.
12:21Sinuspindi din ang klase.
12:22Sa awa ng Diyos, lahat po ng ating students ay safe.
12:27Meron lang yung iba mga iilan-ilan na medyo na nag-hyperventilate.
12:33Yun naman ay natugunan ng ating mga nurses at ng ating ambulance from the LGU.
12:44Binalot din ang takot ang unang araw ng balik-eskwela sa Santa Ana Central Elementary School sa Davao City.
12:50Nasa kalagitnaan sila ng kanilang flag-raising ceremony para sa opisyal na pagsisimula ng school year 2026-2027.
12:59Nang biglang...
13:11Agad na pinaupo ang lahat.
13:13Nagbigay naman ng instruction ang principal na maging kalmado.
13:17May ilang naiyak na lang sa sobrang takot.
13:19Ang lugar kung saan sila nag-flag-raising ceremony ay sharing evacuation area ng eskwelahan.
13:24Agad silang nag-alay ng nasal habang patuloy na nararamdaman ang tila pagduya ng paligid.
13:37Nang kumalma na ang sitwasyon, inayagan na makaubina ang mga sudyante na may kasama o sinundo ng kanilang magulang.
13:44Mabuti na lang at unang araw pa ng pasukan at karamihan ay sinamahan muna ng mga magulang ang kanilang mga
13:51anak sa eskwelahan.
13:53Sa Davao City National High School, agad na pumunta sa school grounds ang mga mag-aaral at guro.
13:59Ilang esudyante ang nahimatay at nahilo dahil sa takot.
14:04Agad naman silang binigyan ang paunang lunas ng responders.
14:09Napinsala rin ang bahagi ng pader na malapit sa gate ng Apolinario Mabini Elementary School sa Bangkal.
14:16Makikita rin ang malaking bitak sa pader ng isang kondominium building na ito.
14:21Agad na sinusmende ng City Government of Davao ang klase sa lahat ng level ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa
14:29Davao City,
14:30kabilang na ang mga opisina ng local at national government agencies.
14:40Nabulabog din ang flag racing ceremony sa Dimolok Valley National High School sa Davao Occidental.
14:46Agad na inilikas ang mga sudyante at mga guro.
14:54Pia, ayon sa alkalde ng Matanaw Davao del Sur, ay magsasagawa ng assessment.
14:57Ang kanilang municipal engineering office at MDRMO sa mga gusali,
15:02bago pa man ang pagbabalik ng pasok ng mga sudyante,
15:05gayon din ang maimplyado ng lokal na pamahalaan.
15:08Pia.
15:09Arjel, meron ba tayong ideya kung gaano katagal ang isasagawang assessment
15:14at para malaman ng mga estudyante kung kailan sila makakabalik sa eskwelahan.
15:21And so far, Pia, nakausap natin ang alkalde mismo ng Matanaw Davao del Sur kanina
15:25at sabi niya ay bukas ay magsasagawa ng assessment sa lahat ng mga gusali dito sa Matanaw,
15:30sa mga public schools, private schools at mga government agencies,
15:33ang kanilang ahensya upang masiguro ang structural integrity nitong mga gusali.
15:38At pagkatapos niya, ay magbibigay sila ng clearance as to the days kung ilang araw
15:42wala pa siya ibinigay ng concrete na araw.
15:45Ngunit sabi niya, as long as makapagbigay na ng clearance itong kanyang mga
15:49nasa municipal engineering office at MDRMO na structurally sound na ang mga gusali,
15:56ay ililift na niya ang kanyang suspension order at maglalabas ng bagong executive order
16:00sa resumption ng klase at pagbabalik ng trabaho ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan.
16:06Pia.
16:07Maraming salamat, Arjel Relator ng GMA Regional TV.
16:23At mga kapuso, makaraang padapain ng lindol ang maraming istruktura.
16:28Tila naparalisa naman ang mga motoristang nasa kalsada at ang mga nasa matataas na palapag.
16:35Doble naman ang pangamba sa mga baybayin dahil sa tsunami warning.
16:39Nakatutok si Maki Pulido.
16:51Takot na takot ang mga estudyante at guro ng Little Baguio Elementary School sa Davao Occidental.
16:59Sa lakas ng magnitude 7.8 na lindol, napaupo at napadapa na lang sila sa school grounds.
17:14Kanya-kanya ring yapos sa mga magulang na naghatid sa kanilang mga anak, papasok sa paaralang ito.
17:20Let's pray every month, power, power, and enable the conversation.
17:26Relax, relax.
17:27Dali-dali namang naglabasan ang eskwelahan ng mga mag-aaral na ito.
17:31Relax lang.
17:33Hindi lang, maki, maki.
17:35May mga estudyante pang hinimatay.
17:41May mga estudyante rin sinakluluhan sa Davao City National High School.
17:56Nasa ikawalong palapag ng kanilang condo unit naman ang babaeng ito, nang lumindol.
18:02Kasama niya ang kanyang anak sa kwarto habang yumayanig.
18:08Taro, come here.
18:09Hinanap po na nila ang kanilang alagang pusa bago lumabas ng gusaling.
18:17Sa gitna ng mga nagkalat na debris, dahan-dahan din gumaba ng fire exit.
18:22Ang ilang inabutan ng lindol sa isang mall sa Davao.
18:28Mababakas sa mga nagtuklapang pader ang lakas ng pagyanig.
18:36Mistulang dinuduya naman ang mga motorista sa South Potabato na inabutan ng lindol sa gitna ng kalsada.
18:45Ang isang residente na pahagulgol.
18:48Nagkalat din sa gilid ang mga nagbagsakang bote ng soft drinks.
18:54Sa isang barangay sa Koronadala, bubong na lang ang naaaninag sa bumigay na covered court.
19:00Marami rin bahay ang nasira.
19:05Pati tanggapan ng gobyerno.
19:09At mga kalsada at tulay.
19:17Kamari rin ang epekto ng pagyanig sa dagat.
19:20Ang mga barko at bankang ito sa isang pier sa Tawi-Tawi.
19:23Mistulang hinihila palayo sa Dalampasigan.
19:32Napansin din ang mga residente ang pagtaas ng tubig doon.
19:38Sa Basilan, tatlong bahay sa Dalampasigan ang nasira.
19:44Dagdagpangamba para sa mga residente ang malapit sa dagat ang inilabas na tsunami advisory ng FIVOX na kinansila rin kalaunan.
19:54Makipulido na katutok 24 oras.
20:14Mga kapuso, nagbigay ng direktiba si Pangulong Bongbong Marcos sa mga agensya ng gobyerno
20:19para umaksyon kauglay ng malakas na lindola sa Mindanao.
20:22Tiniyak din ang gobyerno na may sapat na pondo para sa pagtugon sa sakuna.
20:27Nakatutok si Ivan Mayrila.
20:33Unang araw pa naman ng klase ngayon, nang yanigin na malakas sa lindola ang maraming eskolahan sa Mindanao.
20:41Kaya pinasuspindi muna ni Pangulong Bongbong Marcos ang pasok sa mga pigtadong lugar para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.
20:50Makikipag-ugnayan ang DepEd sa mga lokal na pamahalaan para sa maayos na pagpapatupad ng klase sa Mindanao.
20:58Inatasan din ang Pangulo, ang Office of Civil Defense at ang National Disaster Risk Reduction and Management Council para pangunahan
21:05ang pagtugon sa sakuna.
21:06I-establish po natin ngayon ang National Interagency Coordinating Cell para po sa mga responses na gagawin natin doon sa
21:15naapektuhan na lugar.
21:16At tuloy-tuloy po ang coordination natin sa ating mga local DRRMOs.
21:22Ang Department of Social Welfare and Development pinaghanda ng mga paunang tulong sa mga pigtado, gayon din ang mga pansamantalang
21:28matutuluyan.
21:30Inutosan din ang Department of Public Works and Highways at tiyakin ang kaligtasan ng mga mahalaga infrastruktura kasunod ng pagyanig.
21:36Ipinag-utos din ang Pangulo sa ahensya na tiyaking madadaanan ang mga rutang kailangan para sa rescue at relief operations.
21:45Pagtitiyak ng pamahalaan may sapat na pondo para sa disaster response.
21:49Ayon sa Budget Department, nasa mahigit 13 billion pesos at quick response fund ng mga ahensya.
21:55At may mahigit 34 billion pesos naman sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund.
22:01Ivan Merina na Katutok, 24 Horas.
Comments

Recommended