Skip to playerSkip to main content
Mga Kapuso, maaga kaming bumabati ng Mother's Day para sa lahat ng nanay at syempre sa lahat ng tumatayong ina kahit sa mga hindi niya kadugo.
Gaya ng isang tampok natin ngayong gabi kumurot po sa puso ng marami ang video niya habang kausap ng anak.
Nalaman kasi ng anak ang isang sikreto tungkol sa kanyang pagkatao na imbes na ipagtampo ay nagpalalim pa ng paghanga at pasasalamat sa kanyang "Mama".
Nakatutok si Darlene Cay.




24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, maaga po kami bumabati ng Mother's Day para sa lahat ng nanay.
00:05Ayan, syempre kasama dyan, Tita Mel, at sa mommy, Emil.
00:09At syempre, sa lahat ng tumatay yung ina kahit sa mga hindi niya kadugo.
00:14Gaya ng isang tampok natin ngayong gabi, kumurot po sa puso ng marami ang video niya habang kausap ng anak.
00:21Nalaman kasi ng anak ang isang sekreto tungkol sa kanyang pagkatao
00:25na imbis na ipagtampo, ay nagpalalim pa ng paghanga at pasasalamat sa kanyang mama.
00:30Nakatutok si Darling Kai.
00:35Alam ko na na, ako ako.
00:40Awww, okay na.
00:44Alam kita.
00:46I love you.
00:50Salamat kasi nalagaan mo ko.
00:55Alam ko na.
00:56Kumurot sa puso ng netizens ang tagpong ito sa pagitan ni Nina at ng kanyang mama Toyang na bedridden at
01:02may Alzheimer's disease.
01:04Inamin kasi ni Nina na alam na niya ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao.
01:09Mahal na mahal kita, maa.
01:11I am adopted and then noong nakuha daw ako is from hospital.
01:17Bata pa lang daw siya, napansin niyang hindi niya kamuka ang tatlong kapatid at mga magulang.
01:22Bukod dyan, limampung taon ang agwat niya sa kanyang mama.
01:26Ang sinasabi nila is, menopausal baby ako.
01:29Sabi ko, sige.
01:31At dalawang linggo lang ang nakararaan, nabuhay ang kanyang kutob habang nakipagkwentuhan sa isang kaanak.
01:37Nagkwento siya ganyan. And during the conversation, nahagip ko yung word na nung nakuha nga si Nina.
01:44Sabi ko, nahagip mo yun sinabi, narinig mo yun nakuha.
01:47Tapos sabi niya, oo nga, bakit kayo nakuha? Siguro nga ampun ka talaga.
01:51Sabi nung husband ko.
01:53Kaya nagtanong-tanong si Nina sa kapatid sa Canada at ibang kaanak.
01:57Pinanganak ako, tinake in na ako nung mommy and daddy ko.
02:00Kaya sila na yun nakaperma doon sa birth certificate.
02:03And then from then on, hanggang sa inuwi ako sa bahay.
02:07Pero ni Minsan, hindi niya raw naramdaman na iba ang turing sa kanya ng kanyang mga bagulang at mga kapatid.
02:14Sobrang na-amaze din ako.
02:16Never silang naging ano sa akin.
02:19Yung talagang sobrang indifferent yung treatment.
02:23Tapos wala din, wala din sumbatan.
02:25Parang mas ako pa nga yung prinsesa talaga.
02:28Ang pinaka-fundest memory ko was every Sunday.
02:31Pag gigisingin ako ni mama ng maaga, nakaready na yung dress ko.
02:36Parang mas favorite talaga nila ako.
02:38Pakiramdam ni Nina, swak na swak ang timing kung paano at kailan niya nalaman ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao.
02:47Puno rin daw ng kapayapaan ang kanyang puso.
02:51Na naintindihan ang kanyang mama ang kanyang inilapit sa gitna ng iniindang karamdaman.
02:56Tumingin siya sa akin talaga. Iba yung respond nung eyes niya.
03:01Tumutulo yung luha niya.
03:02Kaya doon ako mas lalo na iyak.
03:04I am very thankful na this was revealed to me in God's perfect timing.
03:11Have I known it earlier?
03:12Siguro nung bata-bata ako.
03:14Dahil yun nga, limited lang yung capacity ng isip ko noon.
03:19On how will I process it and how will I take it.
03:22Baka nga nagalit ako sa kanila.
03:25Kaya pagtitiwalaan niya nalang daw muli ang timing ng Panginoon kung kailan niya malalaman ang katotohanan tungkol sa kanyang mga
03:32tunay na magulang.
03:33Para kay Nina, hindi kabawasan sa kanyang pagkatao na malamang inampun siya.
03:39Pakiramdam niya nga raw ay napakaswerte niya dahil lahat ng pagmamahal na ibinigay sa kanya ng kanyang mama Toyang,
03:46hindi nakatali sa pagiging magkadugo bagkos ay pinili at ibinigay ng buong puso.
03:52At ngayon na si mama Toyang naman ang nangangailangan ng kalinga, walang pag-aatubili niya raw itong ibibigay.
04:00Lord, maraming salamat kasi inilagay mo ko sa pamilya na nag-alaga sa akin at nagmahal sa akin.
04:07Sabi ko kay mama, ibabalik kita ng maayos kay God.
04:11Kaya hanggang sa huli, alagaan ko si mama.
04:14Sabi nga nila, yung mga adopted child was chosen and loved.
04:20So kami yung pinili talaga and pinag-effortan talaga na mahalin.
04:26Darlene Cai, nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended