Skip to playerSkip to main content
Ilang Ayta Ambala, nagkasakit at nawalan ng tirahan matapos gawing tambakan ng basura ang bahagi ng kanilang ancestral land


Ang COVID-19 pandemic ang naging mitsa kung bakit ginawang tambakan ng basura ang ancestral land ng mga Aeta sa Subic sa Zambales na itinampok sa ‘I-Witness’ documentary ni Kara David.


Pero ang inakalang pansamantalang kasunduan ay hindi raw inakala ng mga miyembro ng Aeta community na magtatagal pala.


Ngayong nagkakasakit na ang mga miyembro ng komunidad, panawagan nila na matanggal na o hindi kaya ay matabunan na ng lupa ang basura sa kanilang paraiso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ang COVID-19 pandemic ang naging mitya kung bakit ginawang tambakan ng basura
00:05ang ancestral land ng mga Aita sa Subic sa Zambales,
00:09na itinampok sa eyewitness documentary ni Cara David.
00:13Pero ang inakalang pansamantala ang kasunduan ay hindi nang inakala ng mga miyembro
00:18ng Aita community na magtatagal pala.
00:22Ngayong nagkakasakit na mga miyembro ng komunidad,
00:25palawagan nila, matanggal na o di kayo matabunan na ng lupa ang basura sa kanilang paraiso.
00:33Nakatutok si Maris Umali.
00:38Sa gitna ng mayabong malago at lunti ang gubat na ito,
00:43kapansin-pansin ang namumuting bahagi ng bundok.
00:46Sa malapitan, ang namumuting bagay ay tambak-tambak ng basura.
00:51Ito ang kontrobersyana dump site sa ancestral land ng mga Aita
00:55sa barangay na Ugsol sa Subic Zambales
00:57na ibinunyag ng eyewitness documentary ng kapuso journalist na si Cara David.
01:02Ayon sa lokal na pamahalaan ng Subic Zambales,
01:052022 pa raw nila pinatigil ang operasyon ng dump site dito sa barangay na Ugsol.
01:10At November 2025 naman daw, tuluyang ipinasara ng DENR.
01:15Pero 2026 na, narito pa rin at nakatiwangwang ang gabundok na basura.
01:25Ang pamilya ni Gwen Pulagay nakatira raw noon sa paana ng ginawang dump site.
01:30Pero dahil sa masamang epekto sa kanilang kalusugan,
01:33wala na raw silang permanenteng matirhan ngayon.
01:35Na-off-off sa mga anak ko po eh, doon na po noobo, hinihika po sila.
01:42Minsan na po na-confine na po yung bunso ko eh dahil po sa ganyan po naamoy.
01:46Hindi na po kami nagpatuloy na tumira po doon.
01:49Karapatan lang po ang inaano ko lang po.
01:53Yung karapatan lang po na huwag pong tapunan ng basura po ang iriang tahimik po.
01:59Unang nag-operate ang dump site noong 2020 sa pagsisimula ng pandemic.
02:04Sa isang pahayag, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Subic
02:06na kinailangan daw nilang maghanap noon ng pansamantalang lugar
02:10para sa pamamahala ng basura sa gitna raw ng pambihirang hamong hatid ng COVID-19
02:15at mahigpit umanong limitasyon,
02:17lalo na sa transportasyon at pagdadala ng basura sa sanitary landfill.
02:21Pero dumaan daw sila sa proseso para maggamit ang lugar.
02:24Ang pasamantalang paggamit ng lugar noon ay may pahintulot ng pamilyang Tenoria
02:29na may karapatan sa lupa.
02:31Ngayon din ang tribal council ng Aita Ambala
02:34at ng mga opisyal ng barangay na Uksul.
02:37Ang mga basurang na itapo noon ay nasegregate na ng bawat barangay
02:42bago din nila sa lugar.
02:44Kaya wala naman itong mabahong amoy at hindi na rin pinamumugaran ng mga langaw.
02:49Sangayon dito ang tribal leaders na nagbigay pahintulot noon
02:52sa lokal na pamahalaang gawing dump site ang barangay na Uksul.
02:56Pero hindi rin nila inakalang magtatagal ito.
02:58Yung pagpagpayag po namin eh parang pag-concern din po namin sa buong subik.
03:08Kasi buong subik po yung top na basura po ng buong subik yan inilagay dyan.
03:15Hindi naman namin po alam na tatagal ay hindi.
03:20Hala kami magagawa kasi doon din po kami nanghihilipo ng tulong po sa kanya eh.
03:25Kung baga pansamantala lang po kasi nagkataon na pandemic yun ma'am,
03:29yun po yung nahingi na tulong ni Mayor.
03:31Kinumpirma ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP
03:35na bahagi ng ancestral domain ang lupang ginawang dump site
03:39at may karapatan sila sa lupang kanilang pag-aari.
03:41Pero giit ng NCIP.
03:44While we recognize po if na-compile man po ang LGU
03:47na doon dalit yung basura ng kanilang municipality,
03:52sana po na-consult po ang aming opisina para nakita po kung pumayag talaga,
03:57lalo na yung tribal leaders.
03:59Ang pamilya Tenoria naman na tinutukoy ng lokal na pamahalaan ng subik,
04:03sinasabing sila ang nagmamay-ari ng lupa.
04:06Sa kabila ng sinasabi ng NCIP na ito ay ancestral land.
04:09Na ipanalo po namin sa kaso po yun ma'am.
04:14Kasi area po namin ma'am, kami po nag-improve ma'am.
04:17Kumbaga yun yung hinahanaw lang namin na karapatan na mapayagan ng municipi ma'am.
04:22As far as our office is concerned po,
04:25wala pong record dito na private property po yan.
04:29And covered po yan ang social domain.
04:32So, ang community po ang may-ari niyan.
04:35Pero sabi ng DENR, kahit may usapan na ang pamahalaang lokal at mga may-ari ng lupa,
04:40may tamang panuntunan sa pagkakaroon ng open dump site.
04:43Open dumping per se, kahit sa pribadong lupa po yan,
04:47o sa lupang pagmamay-ari ng lokal na pamahalaan o ng national government,
04:52hindi po pinapayagan ng batas.
04:54Tanging hiling na lang ngayon ang mga ay taambala.
04:57Gusto na po ng mga tribo namin na yung mga basura po dyan ay tanggalin na po dyan.
05:03Kung hindi na po kayang tanggalin,
05:05napag-desisyonan na po ng buong tribo na tabunan na lang po ng lupa.
05:10Ayon sa lokal na pamahalaan,
05:12unti-unti na nilang pinapatupad ang safe closure and rehabilitation plan
05:16na una na nilang isinumite sa DENR.
05:19Unti-unti rin nililinis at inaayos ang dating dump site
05:23ayon sa kakayahan at pondong mayroon ang lokal na pamahalaan.
05:27Magmula nga po nung kwan,
05:30nagkaroon po ng order ang DENR.
05:33Siyempre po, hindi naman natin po pwedeng hindi susundin yung order.
05:39Hanggang sa naglagay na nga kami ng mga bantay dito sa baba
05:42para bantayan po kung wala pong makalusot na magtatapon.
05:46Maris Umali Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended