00:00Siniguro ng Kongreso na prioridad nila ang pagpasa ng batas na magbabawal sa mga political dynasty.
00:06Mismong Korte Suprema na ang nagatas na gawin niyan agad-agad.
00:11Nakatutok si Ian Cruz.
00:15Tinawag ng Korte Suprema na grave abuse of discretion
00:18ang hindi pa rin pagpapasa ng Kongreso ng Anti-Political Dynasty Law.
00:231987 Constitution ang mismong nagbabawal sa mga political dynasty
00:28pero kailangan itong bigyang kahulugan sa pamamagitan ng isang batas na Kongreso dapat ang nagsusulat.
00:35Kaya ang atas ng Korte Suprema sa Kongreso, ipasa na yan agad-agad.
00:49Bilang tugon sa atas ng Korte Suprema, sinabi ni House Speaker Faustino Bocci D. III
00:55na prioridad talaga ng Kamara ang Anti-Political Dynasty Law.
00:59Sabay pagmamalaki sa ipinasan itong versyon ng panukala nitong Hunyo
01:04bago paan niya iniutos ng Korte Suprema.
01:07Mismong si D. ang isa sa mga nag-agad nito
01:09kasama si Presidential Sun at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.
01:15Sa Senado naman kung saan may walong magkakapatid na senador ang nakaupo
01:18nasa plenaryo na ang panukala ukol sa Anti-Political Dynasty.
01:23Hanggang second degree of consanguinity at affinity rin
01:27ang hindi papayagang makatakbo ng sunod-sunod o magkakasabay.
01:32Ang desisyon ng Korte Suprema, tinalakay sa sesyon ng Senado kagabi,
01:36sabi ni Senadora Risa Ontiveros,
01:38na dating may hawak ng Komite ng Luminig sa unang panukala.
02:03Ayon sa Malacanang, hanggat ng administrasyon na maisulong ang anti-political dynasty
02:08sa termino ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:11Ang timeline po ng mga kongreso ay nasa kanilang itong kamay.
02:17Ang nais lang ipalam ng Pangulo ay gusto po niya itong maipasa.
02:20Ayon sa political analyst na si Prof. Julio Tijanqui,
02:24malaki man ang chance ang kumasa,
02:26magkakatalo sa kung anong mga ipagbabawal talaga ng batas
02:29ukol sa political dynasty.
02:31Kung 80% ng ating mga elected officials sa national local
02:36ay galing sa dynasty, matatawag pa ba nating demokrasya ito?
02:41Obviously, hindi na.
02:43Katunayan, kinikwestiyon ng mga kritiko ang mga naunang panukala sa Kamara
02:47dahil pinabawalan lang nito ang magkakamag-anak
02:50hanggang second degree of affinity o consanguinity
02:53na magkakasabay tumakbo sa parehong posisyon
02:56sa isang jurisdiksyon o lokalidad.
02:58Alam natin yung kakulangan na hanggang second degree lang
03:02pero ito na rin ang compromise na nakikita
03:06kasi hindi mo rin naman maipapasayan kung walang buy-in ng ibang politiko.
03:11Sakaling maipasa na ng Senado,
03:13ang panukala ay pag-iisahin pa ito sa versyon ng Kamara.
03:16Nakita na nila ang epekto, ang masamang epekto,
03:20walang accountability at nakita natin yan sa flood control scandal.
03:24Kung walang accountability at hindi mapalitan
03:28kung sino ang nakaupo ng matagal na
03:31ay malaking problema at nagdudulot sa korupsyon.
03:35Ian Cruz, Nakatutok, 24 Horas.
Comments