00:00Pag-re-regulate sa social media platforms at pagpapanagot sa kanila ang nais ng ilang mababata sa Senado.
00:07Kasunod yan ang mga insidente ng karasan na napopost online.
00:10Nakatutok si Mark Salazar.
00:15Kasunod ng mga insidente ng pamamaril sa loob ng mga eskwelahan kung saan ilang estudyante na ang namatay at nasaktan,
00:23namumuro sa Senado ang mga social media platform dahil sa pagkalat ng mga content na nagtuturo ng karasan sa bata.
00:31Algorithms are deciding what they see next.
00:35One video leads to another. One search leads to another community.
00:38And for vulnerable child, sometimes one click is all it takes para ma-expose sa grooming, violent content, extremist material.
00:48Kailangan bang ipost yung larawan ng batang shooter sa Zambuanga na may mga mahal din sa buhay na duguan?
00:56Kailangan din bang ipakita yung mga batang perpetrators sa Tacloban?
01:00Policy written on a website means very little if your algorithms and moderators allow prohibited content to be uploaded online
01:10and remain there for millions of people, including children, to see it.
01:15Hindi maaaring ang kita ay privado, ngunit ang social cost ng kapabayaan ay pasan nating publiko.
01:23Sasabay na raw ang Senado sa pagkilo sa buong mundo laban sa masamang epekto ng SOCMED.
01:29Hindi man total ban ang mangyari. Dapat daw regulated ang platform sa bansa.
01:34Yung kanilang quote-unquote mga parental controls and self-regulation hindi effective or sinasadya dahil nga nagpa-viral.
01:45Pag nagpa-viral kasi pwede mong imonetize, pwede kang kumita doon at kawawa naman po yung mga batang makakakita po
01:55doon sa mga violent pictures.
01:58Para raw mapanagot ang mga social media platforms, dapat may country representatives sila rito.
02:03Mahalaga yung magkaroon talaga ng juridical entity.
02:08Importante po na ang bawat entity na iyon ay may opisina dito mismo sa Pilipinas para kung kailangan makipag-ugnain
02:16sa kanila,
02:17yung mga law enforcement authorities natin, yung mga investigators natin ay mas madali po nilang maisagawa.
02:25Ang Malacanang ipinunto rin ang mabagal daw na pagkilos ng mga online platform tuwing may reklamo.
02:30Kung hindi magkakaroon ng accountability ang anumang social media platform at para nababaliwala ang ating mga hiling para maproteksyonan ang
02:42ating mga kababayan laban sa karahasan, laban sa fake news,
02:47kung mabagal ang pagtugon, magandang pag-isipan at pag-aralan kung dapat silang manatili na parte ng ating sistema.
02:57Pero malayu-layu pang usapan ito. Ang mga diskusyon para rito, nirefer pa lang sa Committee on Public Information.
03:05Mark Salazar, Nakatutok 24 Horas.
Comments