Skip to playerSkip to main content
Lumulubog na rin ang kabuhayan ng mga mangingisda dahil sa nakakalunod na presyo ng petrolyo.


Libo-libo na sa kanila ang tumigil sa pagpalaot at humanap na lang ng ibang mapagkakakitaan.


May hakbang ba ang pamahalaan para maiahon sila?


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lumulubog na rin ang kabuhayan ng mga mangingisda dahil sa nakakalunod na presyo ng petrolyo.
00:08Libo-libo na sa kanila ang tumigil sa pagpalaot at humanap na lang ng ibang mapagkakakitaan.
00:16May hakbang ba ang pamahalaan para maiahon sila? Yan ang tinutukan ni Darling Kai.
00:25Maaga pa nang abutan namin ang mga mangingisdang ito sa Cavite City.
00:29Pero imbes na pumalaot, nakatanaw lang sila sa dagat.
00:33Hindi makapaglayag dahil lunod na sa labis-labis na taas ng presyo ng diesel para sa kanilang mga bangka.
00:40Nakihirap ang mga tao, yung mga magdaragat.
00:43Ipipit ng konti yung sinturon para kahit pa paano kumain.
00:46Ang 60 taong gulang na si Teroy, hindi na alam kung saan kukunin ang pangtusto sa tatlong nag-aaral na
00:53anak.
00:53Ito na yung talagang tinaka-worst na dumating sa buhay naming mangingisda na wala ka nang mahuli, mahal pa ang
01:01lahat ng bilihin.
01:02Ang mga pumapalaot pa rin, hanggang tatlong kilometro lang ang nararating kaya halos wala ring huli.
01:08Yung sulila namin, 200. Mabibenta 200, bawi lang. Wala lang pambigas.
01:16Bigo rin si na Michael na tatlong oras sa laot pero ilang pirasong alimango at isda lang ang nahuli.
01:22Mahal-mahal kasi ng gasolina eh.
01:24So walang kita sir ngayong araw?
01:26Wala ho.
01:27Paano ho yan?
01:29Guto, mabutin.
01:30Para pa matigil ang gaira na yan.
01:33Dahil?
01:33Dahil sobra po taas ng gasolina, laki, dahil sa langis na yan.
01:38Apetado rin tayo.
01:39Dahil talagang wala nang kinikita, nangangalakal, nagtatricycle at nagkokonstruksyon muna ang mga mangingisda para may maibili ng pagkain.
01:48Buti para wang iba, may ayuda.
01:50Kaya bago nga matulog, huwag mamuni-muni ka.
01:53Ba't ka nakakaganon eh.
01:54Wala namang, ang masaklap pa, wala kaming subsidy sa gasolina.
01:58Sila meron.
02:00Sana naman, maabutan din naman kayo para parehas naman.
02:04Binibenta na raw ng mga mangingisda yung kanilang mga bangka kaysa matuyo at masira dahil nga hindi na sila pumapalaot.
02:10Kaya kung dati punong-puno ng bangka, itong pampang ng Barangay 14, gayon ay kakaunti na lang ang matitira.
02:18Sa 10,000 mangingisda ang miyembro ng pangisda o pagkakaisa ng mga samahan ng mangingisda sa Pilipinas, 5,000 ang
02:25tumigil ng pumalaot.
02:27Pag kami ang nagbebenta ng produkto namin, bagsak ang presyo.
02:30Ang katuwiran, hindi maitransport kasi mataas ang gastos.
02:35Hindi na nila kayang mag-rent ng ban.
02:37Mula sa dati yung 15,000, ngayon ay 30,000.
02:40Patuloy nilang kinakalampag ang DA o Department of Agriculture at BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
02:46Ngayon, napakataas ng presyo ng gasto sa produksyon ng mga mangingisda.
02:51Ang gobyerno hindi kumikibo.
02:53Parang sa amin, hanggang kailan ba kami pababayaan ng gobyerno ito?
02:57Umaabot sa pamilihan ang problema sa karagatan.
03:01Sobrang mahal.
03:02Pero dahil kailangan bumili, kahit mahal, susugod.
03:07Talagang tag-ira pagbibenta.
03:10Matuman.
03:11Matasang bilin eh.
03:13Sinisiguro ng BFAR na sapat ang supply ng isda sa bansa ngayon.
03:17Patuloy raw ang pamimigay nila ng ayuda.
03:19Ngayong 2026, maigit 10,000 manging isda na raw ang nabigyan nila ng 3,000 pisong fuel subsidy.
03:26At gusto natin linawin,
03:28the priority natin dito ay yung nanggagaling sa mga fifth class municipality.
03:32Kasi following the principle of equity, mas gusto natin maabot yung mas nangangailangan.
03:39Ito yung mga local government unit na kung saan ang kanilang mga constituents na mga manging isda ay higit nangangailangan
03:47para sa fuel assistance habang hinaharap po nila itong krisis na ito.
03:51May karagdagang 50 milyong pisong fuel subsidy pa raw na ipamimigay sa nasa 15,000 manging isda ngayong Abril.
03:58Inaprobahan na rin daw ang paggamit ng 10 bilyong pisong Presidential Assistance for Farmers and Fisher Folk kung saan nakalaki
04:04pang ayuda na ipamimigay sa 399,000 manging isda.
04:08Pero ang ibig sabihin ito, marami pa rin sa kabuang 2 kalahating milyong fisher folk sa bansa ang hindi kasama
04:15sa inisyal na mabibigyan ng ayuda ng BFAR.
04:17Gaya ng mga nakausap naming manging isda sa Cavite City na hindi kasama sa prioridad sa ngayon.
04:24After na mabigyan natin at meron ding resources,
04:28hindi naman natin sinasabi na dapat sila ay hindi completely mabigyan.
04:33Kasi ang gusto natin inklusivo yung interventions na ginagawa ng pamahalaan.
04:38Pero sana raw, paspasa ng pagsaklolo sa mga manging isda bago pa sila tuluyang malunod sa kahirapan.
04:45Nag-iintay na lang, nananatiling umaasa.
04:48Pero kahit pa paano po, tuloy lang ang buhay kasi wala naman po kaming magagawa.
04:53Yun yung trabaho ang alam namin.
04:55Darlene Kai, Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended