Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, July 17, 2025
-Bulan MDRRMO, nakahanda sa pananalasa ng bagyo; maliliit na bangkang pangisda, pinag-iingat sa pagpalaot/Ilagan City LGU, naka-blue alert status sa posibleng epekto ng Bagyong Crising/
PCG: 122 na pasahero sa mga pantalan sa Eastern Visayas, stranded dahil sa bagyo/
Ilang lugar sa Quezon City, Pasig at Manila, inulan at binaha dahil sa ulang hatid ng Hanging Habagat
-PAGASA: Rainfall Advisory, nakataas sa Metro Manila at ilang karatig-lugar dahil sa Bagyong Crising
-Mga residente at motorista, naperwisyo ng baha sa ilang parte ng Cebu City dulot ng Hanging Habagat
-INDRIVE: Banned na ang driver na nahuli-cam na nakipagtalo sa mga pasahero at nagtangka pa umanong manaksak
-Ilang kabataan, nag-rambol sa Lacson Ave./ 6 sa mga nag-riot sa Lacson Ave., nahuli; 3 sa kanila, menor de edad/3 sa mga naaresto na nasa hustong gulang na, sinampahan ng reklamo
-Mag-ina, patay matapos mabangga ng ambulansiya ang sinasakyan nilang tricycle
-P200,000 halaga ng processed meat na pineke raw ang shipping permit, nasabat; 3 arestado
-Paghahanap ng PCG sa mga labi ng nawawalang sabungero sa Taal Lake, nasa ikawalong araw na
-Halos P22M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation; suspek, sa korte na lang daw magsasalita
-Motorsiklo, sumalpok sa railing sa highway; rider at kanyang angkas, sugatan
-Pickup, bumangga sa concrete barriers; mabilis ang takbo, ayon sa ilang saksi/Paliwanag ng driver sa pulisya: Namali siya ng tantiya sa pagliko sa kalsada
-Ilang klase, suspendido ngayong araw dahil sa masamang panahon
-VP Duterte: Tinawag ni FPRRD na preposterous o kalokohan ang tila pag-uugnay sa kanya sa missing sabungeros case
-Caltex, may oil price hike ngayong araw
-Babae, patay sa saksak; suspek na dati niyang kinakasama, tinutugis pa
-Ilang probinsya sa Luzon at Mindanao, binaha kasunod ng pag-ulang dulot ng Hanging Habagat
-INTERVIEW: DR. JOHN MANALO, WEATHER SPECIALIST, PAGASA
-Hanapbuhay ng mga nangisngisda sa Taal Lake, apektado ng paghahanap sa mga nawawalang sabungero
-DOH: Maituturing na mental health ang pagkalulong sa online gambling/DOH, suportado ang panukalang i-regulate o tuluyang ipagbawal ang online gambling
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-Bulan MDRRMO, nakahanda sa pananalasa ng bagyo; maliliit na bangkang pangisda, pinag-iingat sa pagpalaot/Ilagan City LGU, naka-blue alert status sa posibleng epekto ng Bagyong Crising/
PCG: 122 na pasahero sa mga pantalan sa Eastern Visayas, stranded dahil sa bagyo/
Ilang lugar sa Quezon City, Pasig at Manila, inulan at binaha dahil sa ulang hatid ng Hanging Habagat
-PAGASA: Rainfall Advisory, nakataas sa Metro Manila at ilang karatig-lugar dahil sa Bagyong Crising
-Mga residente at motorista, naperwisyo ng baha sa ilang parte ng Cebu City dulot ng Hanging Habagat
-INDRIVE: Banned na ang driver na nahuli-cam na nakipagtalo sa mga pasahero at nagtangka pa umanong manaksak
-Ilang kabataan, nag-rambol sa Lacson Ave./ 6 sa mga nag-riot sa Lacson Ave., nahuli; 3 sa kanila, menor de edad/3 sa mga naaresto na nasa hustong gulang na, sinampahan ng reklamo
-Mag-ina, patay matapos mabangga ng ambulansiya ang sinasakyan nilang tricycle
-P200,000 halaga ng processed meat na pineke raw ang shipping permit, nasabat; 3 arestado
-Paghahanap ng PCG sa mga labi ng nawawalang sabungero sa Taal Lake, nasa ikawalong araw na
-Halos P22M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust operation; suspek, sa korte na lang daw magsasalita
-Motorsiklo, sumalpok sa railing sa highway; rider at kanyang angkas, sugatan
-Pickup, bumangga sa concrete barriers; mabilis ang takbo, ayon sa ilang saksi/Paliwanag ng driver sa pulisya: Namali siya ng tantiya sa pagliko sa kalsada
-Ilang klase, suspendido ngayong araw dahil sa masamang panahon
-VP Duterte: Tinawag ni FPRRD na preposterous o kalokohan ang tila pag-uugnay sa kanya sa missing sabungeros case
-Caltex, may oil price hike ngayong araw
-Babae, patay sa saksak; suspek na dati niyang kinakasama, tinutugis pa
-Ilang probinsya sa Luzon at Mindanao, binaha kasunod ng pag-ulang dulot ng Hanging Habagat
-INTERVIEW: DR. JOHN MANALO, WEATHER SPECIALIST, PAGASA
-Hanapbuhay ng mga nangisngisda sa Taal Lake, apektado ng paghahanap sa mga nawawalang sabungero
-DOH: Maituturing na mental health ang pagkalulong sa online gambling/DOH, suportado ang panukalang i-regulate o tuluyang ipagbawal ang online gambling
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Thank you for joining us.
00:30Thank you for joining us.
01:00Sa ngayon, ramdam sa ilang probinsya ang bagyo.
01:03Malalakas na ulan ang naranasan sa Bulan, Sorsogon.
01:14Nakabantay na ang Municipal Risk Reduction and Management Office sa epekto ng Bagyong Grising sa bayan at pati na sa buong probinsya.
01:21Pinag-iingat din ang mga maliliit na bangkang pangisda sa malakas na hangin at mataas na alon sa laot.
01:28Sa ilagan ni Isabela, makulimlim na ang ilang lugar doon.
01:31Naka-blue alert status na rin ang lungsod bilang paghahanda sa posibling epekto ng Bagyong Grising.
01:37Nakataas din sa signal number one ang buong probinsya ng Isabela dahil sa Bagyong Grising.
01:42Ayon naman sa Philippine Coast Guard, mahigit isandaang pasahero ang stranded sa mga pantalan sa Eastern Visayas dahil sa Bagyong Grising.
01:49Dito naman po sa Metro Manila, halos mag-zero visibility ang ilang bahagi ng Quezon City dahil sa malakas na ulan kagabi.
02:02Binaharin ang bahagi ng Ortigas Avenue malapit sa EDSA.
02:06Sa Maynila, nagmistulang ilog ang bahagi ng Taft Avenue sa United Nations.
02:15Ayon sa pag-asa, ang naranasang pabugso-bugso ang pagulan sa Metro Manila ay dulot naman ng hanging habagat.
02:24Mainit-init na balita dahil po sa Bagyong Grising, isinailalim sa rainfall advisory ang Metro Manila.
02:31Ayon sa pag-asa, apektado rin niyan ang Laguna, Batangas, Cavite, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija at ilampanig ng Quezon Province.
02:40Tatagal ang rainfall advisory hanggang alas dos mamayang hapon.
02:45Itinaas naman ang storm surge warning sa ilang coastal areas ng Cagayan at Isabela.
02:50Maaari raw umabot sa isa hanggang dalawang metro ang taas ng raragasang tubig mula sa dagat.
02:56Ang posibleng storm surge o daluyong ay inaasahan sa loob ng 48 oras at kung aabot na sa Tropical Storm category ang Bagyong Grising.
03:08Ang latest bulletin ng pag-asa kaugnay sa Bagyong Grising, ihahatid namin maya-maya lamang.
03:14Pumupa na ang baha sa malaking parte ng Cebu, kasunod po ng naranasang malakas na pag-ulan doon.
03:21Umabot pa ng hanggang dibdib ang taas ng tubig sa ilang barangay.
03:26Balitang hatid ni Jomer Apresto.
03:28Humaragasa ang tubig sa pababang bahaging yan ang kalsada sa Cebu City kahapon.
03:37Ayon kay US Cooper Daisy Salyot, Manyalag, dahil yan sa walang tigil na ulan sa lungsod.
03:43Marami ang strande dahil sa baha.
03:45Ang isang motorcycle rider, itinulak na lang sa kalsada ang kanyang motor.
03:49Makikita rin sa mas mataas na bahagi ng kalsada ang mga motor na doon muna ipinarada.
03:54Sakuhan namang ito sa isa pang kalsada, kasabay ng agos ng baha ang mga basura.
03:59Hanggang dibdib naman ang tubig sa barangay Basak, Pardo.
04:03Binaharin ng Talisay City sa Cebu.
04:05Pinasok pa ng tubig ang ilang bahay at establishment roon.
04:08Mabagal naman ang daloy ng trafiko sa Magdawe Cebu dahil din sa baha.
04:12Ang ilang presidente, tulad ni US Cooper Hill Antecristo,
04:15sumilong na lang muna habang hinihintay ang pagtila ng ulan.
04:18Dahil sa baha, nag-abiso ang City Command Center sa mga motorista,
04:22kaugnay sa mga kalsada ang hindi muna nadaraanan.
04:25Malakas din ang ulan sa lapo-lapo Cebu na nagdulot din ang baha sa ilang kalsada.
04:29Ayon sa pag-asa, hanging habagat ang nagdulot ng malakas na pagulan sa iba't ibang bahagi ng Cebu.
04:36Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
04:43Band na sa ride-hailing app na in-drive ang driver na nahulikam na nakikipagtalo sa kanyang pasahero
04:48matapos sumuro silang ibaba sa maling lugar sa Binondo, Maynila.
04:51Kaya nga po kayo nag-aano sa akin, eh na kaya nga po may maps nga po kayo.
05:00Kaya yata nang kuha kayo siya yung mga diba?
05:02Nagkamali naman, nagkamali naman.
05:03Hindi nga ako.
05:04Okay yun.
05:06Huwag na magsasalita ng gonggong.
05:08Ano kayong...
05:09Ano?
05:10Parang ano?
05:11Ano po, pulay nga ba?
05:12Oh?
05:13May pulay nga ba?
05:15Kuya!
05:15Kasi nag-pin po ako, hindi kaya nga po hindi.
05:18Kaya nga, bakit po hindi po ngayon?
05:22Kaya nga, hindi po kayo.
05:30Bago pa buwaba, mainit na ang pagtatalo ng driver at mga pasahero niya tungkol sa maling pin ng destinasyon.
05:36Kita naman sa CCTV ng barangay 293, ang pagbabaan ng mga pasahero kahit hindi pa nakakaparada ng maayos ang sasakyan.
05:43Ayon sa babaeng pasahero, kahit naiabot na ng driver ang sukli, tuloy pa rin sila sa pagtatalo.
05:49Hanggang sa bumalik ng kotse ang driver at kumuha ng kutsilyo raw at iniambas sa kanila.
05:54Ang insidente, inawat na ilang naroon sa lugar kaya umalis na rin ang TNVS driver.
06:00Ayon sa in-drive, hindi na sumasagot sa kanila ang driver.
06:03Banned o pinagbabawalan na nila ang driver sa kanilang platform dahil malinaw na umiiwas siya sa responsibilidad at hindi tumutulong sa investigasyon.
06:13Napagalamang din nagmaneho sa iba pang ride-healing app ang sangkot na driver.
06:17Una nang sinuspindi ng LTO ng siyamnapung araw ang lisensya ng driver.
06:24Hulikam sa Maynila ang rambol ng ilang kabataan sa Lacson Avenue.
06:28Ayon kay Mayor Isco Moreno, anim sa mga nasa rambol ang binampot, kabilang ang tatlong minod na edad.
06:35Balitang hatid ni Jomer Apresto.
06:37Sa viral video na ito, kita ang batuhan at trambol na mga kabataan yan sa bahagi ng Lacson Avenue sa Sampaloc, Maynila nitong Martes.
06:49Ang ilan sa kanila, nakasuot ng school uniform at may hawak na pamalo.
06:54Ang iba, may hawak na bato at payong.
06:57Naabala ang mga motorista.
06:59Sabi ng uploader ng video, nahinto ang riot ng dumating ang mga pulis.
07:03Pero, makalipas ang mahigit isang oras, bumalik ang dalawang grupo at itinuloy ang away.
07:09Maririnig ang pagkabasag ng mga bote na inihahagis na magkabilang panig.
07:14Ayon sa mga taga-barangay 411, posibleng nagsimula ang gulo sa bahagi ng Jitwa Zonda kung alauna ng hapon.
07:21Hindi na raw bago sa kanila ang ganitong insidente dahil madalas nagagamit ang kanilang lugar bilang battleground na magkakaaway na kabataan.
07:28Agarang binugaw naman po namin.
07:31Mga ilang minuto ay nangyari na po yung sa Lacson.
07:35Doon na po natuloy yung away nila, mga riot.
07:37Sabi ng barangay 411, nasa dalawang po ang sangkot sa riot na hindi raw nila mga residente.
07:43Sabi naman ang katabing barangay, residente nila ang isa sa mga nasangkot sa gulo.
07:48Marami na raw record sa kanilang lalaki at minsan ang nasangkot sa robbery snatching.
07:52I think mga 19 or 20 na siya eh.
07:54Pasaway na rin talaga yung taong yun.
07:57Iginit naman ang parehong barangay na may mga pulis at mga tauon sila na nag-iikot sa lugar.
08:02Itinataon daw ng mga kabataan na walang bantay kapag nagsasagawa sila ng riot.
08:05Sa isang Facebook live ni Manila Mayor Esco Moreno, sinabi niya na 6 na lalaki ang dinampot na mga pulis.
08:12Tatlong minor de edad ang iniligtas at ibinalik sa kanila mga magulang habang ang tatlo ay mga nasa edad 20 hanggang 28.
08:18Pinailan po sila ng alarm and scandal.
08:22O yan, mga lahat ang kaso eh siyempre baba doon natin.
08:26Papapanagutin natin sila lalo't eh sila ay nasa usunggulan at may pananagutan sila.
08:35Nakiusap din ang alkalde sa mga magulang na bantayan at gabayan ang kanilang mga anak.
08:39Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:46Ito ang GMA Regional TV News.
08:51Mailit na balita mula sa Luzon hatid ng GMA Regional TV.
08:55Isang ambulansya ang bumanga sa isang tricycle sa Labo Camarines Norte.
09:01Chris, may mga nasaktan ba?
09:02Pony, nasawi sa ospital ang mag-inang sakay ng tricycle.
09:09Critical naman ang kanilang padre de familia na driver dito.
09:13Sa kuha ng CCTV kahapon ng tanghali,
09:15kita ang tricycle na tuloy-tuloy ang takbo hanggang sa mag-intersection sa bypass road sa barangay Bulhaw.
09:22Biglang sumulpot ang ambulansya at nabangga ang tricycle.
09:26Nagtulong-tulong ang mga rescuer, polis at residente para maitayo ito at mailabas ang mga sakay.
09:33Ayon sa maotoridad, sinundo sa paaralan ng mag-asawang biktima ang anak nilang babae.
09:38Maghahatid naman ang pasyente sa ospital ang ambulansya ng maaksidente.
09:42Ligtas naman ang mga sakay ng ambulansya.
09:45Wala pang pahayag ang driver nito.
09:47Habang patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
09:50Nasa 200,000 pisong halaga ng process meet na wala umanong kaukulang dokumento
09:56ang nasabat naman sa Tagudin, Ilocosur.
09:59Ayon sa polis, peke, ang shipping permit ng nasa 600 kilo ng karne.
10:04Maharap sa kaukulang reklamo ang driver at dalawang pahinante ng truck.
10:09Wala pa silang pahayag.
10:10Day 8 na po nitong paghahanap ng Philippine Coast Guard sa mga labi na mga nawawalang sabongero dito sa Taal Lake.
10:26Kanina, alas 8 na umaga na tumulak ang mga divers papunta sa search area malapit lang sa lugar kung saan sila nag-dive kahapon
10:34dala pa rin itong kanilang underwater remotely operated vehicle.
10:38Systematic daw ang ginagawang scanning ng kanilang ROV sa lake floor gamit ang 15,200 lumens na ilaw nito.
10:44Pumaabot sa 746 na talampakan ang tether nito o yung kabling nakakabit sa controller na nasa ibabaw ng bangka.
10:52Hindi raw nila pinalalagpas sa apat na oras ang operasyon ng ROV
10:55para mapanantili nito ang optimal performance ng underwater drone at maging ligtas ang operasyon nito.
11:02Hanggang ngayon, hinihintay pa natin kung maglalabas ang PCG ng video ng kanilang underwater operation.
11:08Makulilin pa rin ang panahon dito sa Laurel, Batangas pero kalmado naman itong lawa kaya inasang tuloy-tuloy ang dive operation ng PCG.
11:18Mahigit 20 milyong pisong halaga na hinihinalang siya buang nasa bat sa isang lalaki sa Pasig.
11:24Ang suspect sinabing sa korte na lang siya magsasalita.
11:28Balitang hatid ni EJ Gomez.
11:31Sa dilid ng kalsadang ito sa barangay pinagbuhatan sa Pasig City,
11:38pinosasan at inaresto ng pulisya ang lalaking nahuling may bit-bit na kilokilong kontrabando.
11:44Ayon sa pulisya, nakipag-beat up ang 25-anys na suspect sa kausap niyang buyer alas 11 kagabi.
11:51Sakay ng motosiklong ito ang high-value target.
11:54Nang mabilhan siya ng mga operatiba na nagpanggap na buyer sa drug by bust operation
11:58dito sa tabing kalsadang ito sa Kenneth Road siya, agad na inaresto.
12:03Ang modos nito ay meet-up.
12:06So ito ang action agent na gawa natin na nabilihan siya ng 100 grams na shabu.
12:15And then after yung pagkahuli sa kanya, yung search ay itpangot na may dala pa siya na 3 kilos na shabu.
12:26Nakalagay sa bag, tapos nakasupot sa isang tea bag.
12:30Abot sa 3.2 kilograms, nang umunoy shabu ang nakumpis ka ng mga operatiba.
12:35Nagkakahalagang mga ito ng mahigit halos 22 million pesos.
12:38Ang area of operation nito is Pasig at sa mga neighboring cities like Taguig, Taytay, and Cainta.
12:47Inaalam pa ng pulisya kung posibleng miyembro ng isang grupong nagbabagsak ng illegal na droga sa Pasig City at karating bayan ang sospek.
12:55Baka ito ay tip of the icebergs lang.
12:58So, expert natin. We will do some more operational research.
13:04Malaking supply reduction nito.
13:05Kasi 3 kilos ito. Isipin na lang natin kung ilang buhay ang sisirain nito.
13:12Tumangging magbigay ng pahayag ang sospek na si Alias Nader.
13:16Sa korte na po magsasalita.
13:17Kanino po sir yung droga na nakuha sa inyo?
13:22Hindi po masabi. Sa korte na po.
13:24Sa records ng pulisya, dati nang nakulong ang sospek dahil sa illegal na baril.
13:29Ngayong araw nakatakdang i-inquest ang sospek na nakadetain sa Pasig City Police Headquarters.
13:34Sasampahan siya ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
13:41EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:45Huli kam sa Cebu City. Sumalpok ang motosiklong niyan sa railing ng highway sa Barangay Busay.
13:56Sa lakas ng impact, pumilapon ang lalaking rider at ang kas niyang babae.
14:01Ayon sa mga saksi, pareho silang nagtamo ng sugat at binala sa ospital.
14:07Sabi naman ng Traffic Enforcement Unit sa lugar, hindi ni-report sa opisina nila ang insidente.
14:12Sumalpok naman sa concrete barrier sa Pasig ang isang pickup.
14:19Paliwanag ng driver na mali siya ng pagtansya sa pagliko sa kalsada.
14:24Balitang hatid ni EJ Gomez.
14:26Nasira at natumba ang ilang concrete barrier na iyan matapos salpokin ng isang pickup sa Siray Mundo Avenue sa Pasig City mag-aalas-dos ng madaling araw kanina.
14:38Sa lakas ng impact, wasak ang unahang bahagi ng sasakyan.
14:42Nayupi ang gilid at tumagilid ang gulong sa unahan.
14:45Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng sasakyan.
14:48Tumangging humarap sa kamera ang 58-anyos na driver ng pick-up na nakauniforme ng DPWH.
15:12Kwento niya, galing daw sila sa lamay at papuntang DPWH sa Barangay Rosario.
15:42Ito naman po yung rehestro, yung sasakyan po niya.
15:46Sakay ng driver ang tatlong babaeng kaanak nito. Wala namang nasaktan sa insidente.
15:51Naisuan po siya ng site vacation ticket po.
15:54Unang-una, kailangan po niyang bayaran yung property ng government of Pasig.
16:00At pwede na po niyang matubos yung kanyang lisensya.
16:03Hindi po, hindi po nakainom yung driver.
16:06At aksidente po niya, nasalpok po talaga yung concrete barrier.
16:09Pasato alas tres ng madaling araw nang naialis ang humambalang na sasakyan,
16:14naiayos sa mga tumumbang concrete barrier at muling nadaanan ang apektadong kalsada.
16:19EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:24Suspendido ang klase sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahong hatid ng bagyong krising at habagan.
16:30Walang pasok ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa Binalbagan at Calatrava sa Negros Occidental.
16:40Shift muna sa alternative delivery mode ang mga paaralan sa kawayan.
16:44Habang modular distance learning naman ang ipatutupad sa hinigaran at himamailan.
16:50Sa Dinalungan, Aurora, wala rin pong pasok ang lahat ng antas sa public at private schools doon dahil sa power interruption.
16:59Ito'y para bigyang daan ang pagsasayos ng NGCP sa mga poste ng kuryente sa lugar.
17:04Happy Thursday mga mari at pare ni Reveal ni Sparkle Opa Kim Jisoo ang favorite niyang katrabaho sa GMA Prime series na Sanggang Dikit for Real.
17:23Chika ni Jisoo, si Kapuso Drama King Dennis Trillo ang favorite niyang workmate sa series.
17:30Professional at funny raw ang aktor.
17:32Sabi naman ni Dennis na intimidate siya noong una kay Jisoo hanggang sa na-discover nila na makulit din ang Sparkle Opa.
17:41Nakakasan na rin daw ang TikTok collab ni na Dennis at Jisoo.
17:48Magaling siya mag-adjust at makisama sa mga katrabaho.
17:52Masaya kasi naka-adapt siya dito sa sistema ng mga Pilipino kung paano paggawa ng mga teleserye.
17:58Napapanood na si Jisoo bilang isang hired assassin sa Sanggang Dikit for Real.
18:05Aminado ang Sparkle Opa na nag-adjust siya sa kanyang character at pati na sa ilang fight scenes.
18:28He's totally bad guy. Fight scene is always hard. And during the hot weather, it's really made me exhausting.
18:37May mga hinukay na buto sa isang sementeryo dito sa Laurel, Batangas.
18:52Hinala ng mga otoridad, may kaugnayan sa kasian ng mga nawawalang sabongero.
18:57Balita hatid ni Ian Cruz.
18:58May nakitang mga buto ang mga otoridad sa kanilang paghukay sa isang bahagi ng public cemetery sa Laurel, Batangas.
19:08Hinala ng otoridad, mga buto ito ng tao.
19:12Ayon sa sepultorero na nakausap natin tatlong bangkay, yung nilibing niya sa bahaging ito ng public cemetery dito sa Laurel, Batangas.
19:20Ayon sa kanya, hindi magkakasabay yung paglilibing niya dahil magkakahiwalay daw na natagpuan doon sa isang bulbunduking bahagi ng bayang ito yung mga bangkay.
19:31At yung iba naman ay doon pa sa ibang area.
19:33At inatasan lamang daw siya na ilibinga dito sa lugar na ito yung mga bangkay.
19:39At sa ngayon naman ay aalamin ng mga otoridad kung yung bang mga inilibing na bangkay dito ay may koneksyon doon sa mga hinahanap na mga nawawalang sabongero.
19:48Ayon sa sepultorero, inilibing niya ang labi, may tatlo hanggang apat na taon na ang nakakaraan.
19:54At sa pagkakaalam niya, mga salvage victim ito. Tila matagal na rin daw patay nang sila ay matagpuan.
20:01Mabaho na.
20:01Mabaho na.
20:02So matagal na siyang natagpuan doon?
20:04No, na inood ng iba. Basta i-deliver lang sa akin yun.
20:10Inaabis na lang ako sa akin, pinirepress sa akin na mag-redicate mayroong salvage na ililibing tayo.
20:16Habang naguhukay, nakabantay sa lugar ang mga taga-forensic group ng PNP.
20:22Naroon din ang mga taga-CIDG ang pangunahin nag-iimbestiga at local police para sa siguridad.
20:28May dagdag pwersa pa ng Provincial Mobile Force Company ng Batangas Police na dumating para isecure ang lugar.
20:34Inilagay ng forensic team sa body bag ang mga nahukay na buto.
20:38Ipoproseso ito at kukuha na ng DNA profile para malaman ang pagkakakilanlan ng mga ito.
20:45Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulia, ang paghukay ay bahagi ng investigasyon sa nawawalang sabongero.
20:52There were some victims found in 2020 that were just buried by the police because nobody claimed them in the pulinaria.
21:02We are exhuming them now.
21:03We are setting up the DNA bank that we need to set up because precisely of those people are missing.
21:09Si Interior Secretary John Vic Remulia nangakong wala silang sasantuhin kaugnay ng kaso.
21:14Dahan-dahan talaga nilang tinatahi lahat yan.
21:17Pag may natahila nila, kami na Jen Haltoria mag-aarresto sa kanila kung siya naman sila.
21:22And I repeat, no sacred cows.
21:24Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
21:29Itinanggi ng tagapagsalita ng Office of the Vice President na konektado pa siya kay Charlie Atong Ang
21:34na itinuturong mastermind sa pagkawala ng mga sabongero.
21:37Pinalagan din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tila pag-uugnay sa kanya sa issue na mga nawawalang sabongero.
21:43Balita ang hatid ni Marisol Abduraman.
21:58Ito raw ang naging reaksyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
22:01nang sabihin sa kanya ni Vice President Sara Duterte
22:04na tila iniuugnay sa dating Pangulo ang issues and missing sabongero.
22:09Kasunod ng pahayag na ito ni Justice Secretary Crispin Remulia.
22:12May mga taong parehong involved sa pagpatay ng tao sa drug war at sa e-sabong.
22:19That's as far as we can trace right now, but we will have to establish clearer links to each other.
22:28Ang negosyanteng si Atong Ang ang itinuturo ng whistleblower na si Patidongan
22:32na mastermind sa pagpatay sa mga sabongero.
22:36Si Ang ay dating kliyente ni Attorney Ruth Castelo
22:38na takapagsalita na ngayon ng Office of the Vice President.
22:42Pero paglilinaw ni Castelo, matagal na siyang walang koneksyon kay Ang.
22:45Charlie Atong Ang was my client in 2007 for the crime of plunder.
22:53And then we went on probation.
22:55We succeeded in seeking for probation.
22:58And he was given a two-year period.
23:01In 2009, I just got him.
23:04I released him from the Bikutan where he stayed.
23:07As soon as he was released from Bikutan in 2009, that was the end of our lawyer-client relationship.
23:14He was never my lawyer again.
23:16Nasa The Hague sa The Netherlands ngayon si VP Sara
23:18para dalawin ang amang nakadetain sa International Criminal Court sa kasong Crimes Against Humanity.
23:24Ang Bise, nagpasalamat sa mga senador na nagsusulong ng interim release para sa kanyang ama.
23:30Kasama niya doon, ang kaalyalong si Senadora ay ni Marcos.
23:33Nitong lunes lang, inihain ni Marcos ang tinawag niya ang President Rodrigo Duterte Act.
23:39Panukalang batas ito na nagbabawal sa mga extraordinary rendition
23:43o ang sapilitang paglipat sa isang tao mula sa Pilipinas,
23:46pupunta sa ibang bansa, nang walang court order.
23:49Parusang pagkakakulong ng hanggang 20 taon at multang hanggang 10 milyong piso
23:54ang itinagdang parusa sa panukala.
23:57Kaugnay sa impeachment, handa naman daw ang busy na harapin ang kaso.
24:00Matapos dumambas sa resulta ng SWS na 66% ang Pilipino ang nagsabi
24:06na dapat harapin ito ang impeachment para masagot ang mga aligasyon laban sa kanya.
24:12Ipinauubayan na raw ng OVP sa Korte Suprema ang usapin sa impeachment.
24:16Pero ayon sa takapagsalita ng OVP, mas mainam daw kung hindi na ito itutuloy.
24:21We'll be very lucky actually as a country because we'll save millions and millions of people,
24:26of money on the trial that is technically defective from the beginning.
24:33Mas marami tayong kailangan na pagkagastahan kesa sa trial na matitechnical rin sa dulo.
24:40Ipanagmalaki naman ng OVP ang mga accomplishment ng tanggapan,
24:43kabilang ang libreng sakay na umaabot daw hanggang Tacloban City,
24:47lugar ni Speaker at later Representative Martin Rumualdez.
24:50In Tacloban in particular, the Office of the Vice President really needs to provide the help
24:57because we have been consistently asked, naghihihingi ang mga tao sa Office of the Vice President.
25:03Sinabi rin ni Castelo na ang hindi pagbibigay ng pondo para sa mga proyekto ng OVP
25:08at ang hindi pagsuporta sa BISE ay the service sa bansa.
25:12Tugo nito ng OVP sa sinasabing spare tire lang ang BISE.
25:15We need a Vice President who is always ready to assume.
25:20The services that are now being delivered by the Vice President through her office
25:24is a way of preparing herself just in case anything happens from now until 2028.
25:31And keeping her out of the loop, whoever the Vice President is,
25:36keeping her out of the loop or not being able to provide funds for her projects and programs,
25:44not being able to support the Vice President is a great disservice to the country.
25:49Marisol Abduramal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
25:53Bip, bip, bip, abisa sa mga motorista.
26:02May dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang Caltex Philippines ngayon pong araw.
26:07Batay sa anunsyo ng Caltex,
26:1020 centavos kada litro ang taas presyo sa gasolina.
26:14May dagdag namang 35 centavos ang kada litro ng diesel.
26:1720 centavos naman ang taas presyo sa kerosene,
26:21kabilang ang oil company sa mga nagtaas presyo na ng kanilang produksyon o produkto nito.
26:25Ito ang GMA Regional TV News.
26:35Connie, tinutugis pa rin ang 22 anyos na sospek matapos tumakas kasunod ng krimen.
26:41Nakahingi pa ng tulong ang biktima sa mga kapitbahay kaya dumating ang mga rescuer.
26:46Pero di na siya umabot ng buhay sa ospital.
26:48Ayon sa mga otoridad, posibleng ugat ng krimen ang pagtangging makipagbalikan ng 19 anyos na babae.
26:56Nakipaghiwalay raw kasi ang biktima dahil sinasaktan umano siya ng sospek.
27:00Wala pang komento ang pamilya ng biktima.
27:05Matinding pagbaha at pagulan pa rin ang nararanasan sa ilang probinsya sa bansa.
27:09Sa Tabuk, Kalinga, umabot na sa National Road ang tubig na mula sa bundok.
27:19Apektado po niya ng mga motorista sa kalsada sa barangay Kalanan.
27:23Naranasan niyan matapos ang ilang oras na pagulang dulot ng hanging habagat.
27:28Dahil din sa malakas na ulan, binaha ang ilang lugar sa Lebak Sultan, Kudarat.
27:34Maraming bahay ang pinasok ng tubig matapos tumaas ang antas ng tubig sa mga sapa.
27:39Nagsagawa ng rescue operations ang Coast Guard Station doon para iligtas ang ilang pamilyang na trap sa baha at dalhin sa evacuation center.
27:48Buwis-buhay namang, tinawid ng ilang motorista ang spillway bridge na iyan na boundary ng ilang lugar sa Cotabatos City.
27:56Umapaw kasi ang Marble River kasunod ng malakas na ulan.
28:01Ayon sa pag-asa, dulot ng hanging habagat ang naranasang pagulan sa Mindanao.
28:05Update po tayo sa efekto ng bagyong krising sa ilang lugar sa bansa.
28:11Kausapin na po natin si pag-asa weather specialist Dr. John Manalo.
28:15Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halit.
28:18Magandang umaga din po.
28:20Ano na po ang leita sa galaw at direksyong tinatahak ng bagyong krising?
28:23Kasalukuyan po na northwestward yung movement nitong Tropical Depression krising at dumagalaw po ito ng 25 km per hour.
28:32Ito ay sa kasalukuyan na nasa 520 km east-northeast ng Huban-Sorsogon o nasa ilagang eastern part ng Bicol region.
28:43Okay. At sa mga lugar po, ang patuloy na maapektuhan ng bagyong ito, sabi nyo nga, sa May-Sorsogon area, meron pa bang iba?
28:50Bukod po doon sa Bicol region, ay naapektuhan din po nito yung probinsya ng Aurora at Catanduanes at yung Northern Luzon.
29:01Okay. Ano ang mga lugar na posibleng sumailalim ngayon sa Storm Warning Signal?
29:06Kapag mas bumaba kasi yung movement po niya ng northwestward, natahakin po niya yung northeastern tip o yung dulo ng Luzon.
29:14At kapag nakarating na po siya dito bukas ng hapon, yung magiging movement niya ay westward.
29:20At kapag yung bahagyang mas bumaba pa yung track nitong Tropical Depression krising, ay maapektuhan din po yung northern part ng Central Luzon.
29:29Oho. Malaki-laki ho itong nakikita natin na scope niya.
29:33Na maaari pa daw lumakas ito. Ano ho ang ating nakikita ngayon? Makaka-apekto ba ito dun sa sinasabi nga na ngayon pa lamang?
29:41At nararanasan natin dito sa Metro Manila na pabugso-bugso pa rin mga ulan?
29:46Opo. Actually, yung development po niya na maging isang Tropical Storm from Tropical Depression, mas malakas na bagyo na po siya.
29:54Inaasahan natin yung development na yan sa susunod na mga oras within this day.
29:58And sa biyernes po, posibleng pa itong mag-intensify from Tropical Storm papuntang severe Tropical Storm.
30:05Okay. At base po sa inyong monitoring, hanggang kailan? Posibleng kaya maramdaman itong effect ng bagyong krising?
30:12Nananatili po sa loob ng Philippine Area of Responsibility itong si Tropical Depression krising.
30:16Kung hindi po magbabago yung pilis niya at yung track niya hanggang Saturday night, hanggang Sunday.
30:22Pero that doesn't mean na wala na po itong epekto sa ating bansa.
30:26Pwede pa rin po itong maka-apekto, lalo na sa northwestern part ng Luzon, hanggang sa Monday and Tuesday.
30:32Para lang po mas maging malinaw sa ating mga manonood, pag sinabi po natin maaari itong maging severe Tropical Depression, gano'ng kalakas ba yun?
30:40Maaari pong umabot ng 88 hanggang 117 km per hour yung mga lakas ng hangin.
30:46Ibig pong sabihin ay maaaring maka-apekto sa atin yung lakas ng hangin na yun.
30:50At kung unstable po yung ating mga bubong, ay mas okay po na ngayon pa lang, bago po pumunta sa atin yung pagyo, ay ma-reinforce natin yung mga bubong natin.
31:01O kung may infrastructure tayo na maaaring masira ng lakas ng hangin.
31:04Meron na rin ho ba kayong mga warning para dun sa mga maglalayag? Ano ho ba ang ating update dyan?
31:10Opo, mayroon po tayong itinaas na storm surge warning, lalo na sa north-eastern part ng northern dozon.
31:17At hindi po natin ina-advise na maglayag yung ating mga kababayan, lalo na kung maliit yung sasakyang pandagat na ginagamit natin or yung mga motorboat lang.
31:25Alright, marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa amin dito sa Balitang Hali.
31:31Maraming salamat din po.
31:31Yan po naman si Pag-asa Weather Specialist.
31:40Matapos magsalo-salo sa mga tilapya at bangus na hango mula dito sa Lawa ng Taal sa bahaging ito ng Larol Batangas kahapon,
31:47e namigay naman ng relief goods ang lokal na pamalaan ngayong araw sa mga apektadong manging isda.
31:53Naging matumal kasi ang demand sa mga isda mula dito sa Laurel mula ng magsimula ang paghahanap sa mga nawawalang sabongero dito sa Taal Lake.
32:00Nakakalungkot ayon sa mga manging isda na bagamat apat na taon na mula ng sinasabing itinapon dito sa Taal Lake ang mga nawawalang sabongero,
32:08natatakot pa rin ang mga tao na kumain ang isda na galing dito sa kanilang bayan.
32:12Kung totoo man daw na dito nga tinapon ang bangkay ng mga nawawalang sabongero sa ngayon,
32:17e hindi na raw ito nakakapekto sa kanilang mga isda.
32:20Paliwanag ng mga manging isda, nakalagay sa mga fish cages ang mga isda at mga feeds ang kinakain ng mga ito.
32:26Hindi sila nakawala sa lawa at kumakain ng kung ano ang narito.
32:29Kontrolado o mano ang environment sa mga fish cages.
32:33Kaya pakiusap nila, tangkilikin na sana muli ang kanilang mga isda dahil lubhan na raw apektado ang kanilang pamumuhay.
32:40Narito ang payag ng mga manging isda ang ating nakausap.
32:42Sa mga tagaibang lugar na namimili ng mga tilapia ay ligtas naman pong kainin ang aming produkto dito sa bayan ng laurel.
32:56Bihira na namimili.
32:58Hindi naman makakapektohan yung mga tilapia, bako, stawilis.
33:01Ang ating punghanap po ay medyo tumumal dahil sa mga isyong sabungirong yan.
33:08Kaya mag-tis-tis muna tayo.
33:09May tuturin daw na mental health problem ang pagkalulong sa online gambling o online sugal.
33:19Ayon kay Health Andrea Secretary Tedder Bosa, may epekto rin ito sa kakaya ng isang tao na magtrabaho
33:25at maaari rin daw magdulot ng kapahamakan sa iba.
33:28Ibinigay niya halimbawa ang nahulikam na pagsusugal ng ilang driver habang nagmamaneho ng public utility vehicle.
33:35Sa kaya naman ang DOH na i-regulate o kaya tuluyang ipagbawal ang online gambling sa bansa.
33:40Una ng inihay ni Congressman Benny Abante ang panukalang nagbabawal sa online gambling dahil sa masamang influensya nito sa mga Pilipino.
33:49Nakatakda rin maghahin ng panukalang total ban sa online sugal sa Sen. Rafi Tulfo.
33:54Sabi naman ng Malacanang, pag-aaralan ng Pangulo ang mga panawagan kaugnay niyan.
34:01Kung ako tatanungin, strictly regulate or if possible, i-ban na na ito.
34:06Ang bad effect ng gambling is habit-forming at behaviorals.
34:11Addiction to gambling is a mental health problem.
34:18Latest naman tayo sa International Showbiz.
34:24Na ban sa pagmamaneho sa loob ng 6 na buwan ang English actress na si Emma Watson.
34:31Yan ang naging hatol ng korte kaugnay sa speeding violation ng aktres noong July 31, 2024.
34:37Nahuli noon si Emma na nagmamanehong sasakyan sa Oxford sa bilis na 38 miles per hour.
34:4530 miles per hour lang ang speed limit doon.
34:48Pinagmumulta ngayon si Emma ng mahigit 1,000 pounds o katumbas ng halos 80,000 pesos.
34:55Wala pang pahayag ang kampo ng aktres.
34:58Hindi rin siya dumalo sa hearing kaugnay sa violation.
35:01Nagkagulo ang dalawang grupo na yan sa labas ng isang convenience store sa barangay San Pedro, Panabo, Davao del Norte.
35:15Ang insidente na uwi pa sa batuhan ng portable speaker at upuan.
35:20Nahinto lamang nang pumagitna na ang security guard.
35:23Batay sa investigasyon, nagumpisa ang gulo ng kuna ng video at larawan ng isang grupo ang kabilang grupo nang walang pahintulot.
35:30I-pinablotter na sa barangay ang insidente.
35:34Para naman sa mga nasirang gamit, pinagbabayad ng convenience store ang mga sangkot ng mahigit 10,000 piso.
35:40Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na kunin ang pahayag ng mga grupong sangkot.
35:46Matuloy man, posibleng sa Agosto raw simulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
36:01Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
36:03Kahit magbubukas na ang Kongreso sa July 28, posibleng magpalipas pa ng isang linggo o sa August 4 bago masimula ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
36:19Ayon yan kay Senator Judge Joel Villanueva.
36:22Once we were able to organize ourselves, naayos na yung leadership, probably yung mga committees, maka-elect ka na rin ng mga chairperson.
36:33At least give it two days, session days, maka-take ng oath yung mga bagong senator judges.
36:40Kinontra rin ni Villanueva ang giit ng House Prosecution Panel na no choice ang Senado kundi maglitis at magdesisyon sa trial.
36:49Pwede anya nilang i-dismiss ang complaint depende sa kung may humiling at makumbinsi sila.
36:54How would I vote? It depends on what I have heard already.
36:59It depends on what I have gotten as a senator judge.
37:05Kasi kung hindi pa ako ready mag-decide, then I will vote against it.
37:11Inihainan ang Senado ang tugon nito sa utos ng Korte Suprema na bigyan ito ng dagdag na impormasyon at dokumento
37:18para makapagdesisyon kung pagbibigyan ang hiling na ipatikil ang impeachment.
37:22Ayon sa tagapagsalita ng Impeachment Court, ang posisyon na ipinaabot ng Senado
37:27ay hindi ito magbibigay ng mga hinihinging impormasyon dahil Kamara ang nakakaalam ng mga ito.
37:34Sabi ng tagapagsalita ng House Prosecution Panel, magsusumita ito ng sagot bago matapos
37:40ang sampung araw na deadline.
37:42Sabi naman ni Akbayan Partylist Representative Chell Jokno
37:45na inaasahang magiging bahagi ng House Prosecution Panel,
37:49Kailangan mabalanse natin yung kapangyarihan ng Supreme Court.
37:54Nakalagay kasi sa konstitusyon natin, pagkan mag-convene ang ating Senate bilang impeachment court,
38:01sila lang ang may kapangyarihan.
38:03Idiniindi na mga kongresista ang SWS survey kung saan 66% ng respondents
38:09ay nagsabing dapat sagutin ni Vice President Duterte ang mga alagasyon sa kanya.
38:14Yung 66% na figure, malaki yun, malinaw, overwhelming majority yan.
38:22Sa pamamagitan lang ng impeachment trial, masesettle ito.
38:28Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
38:33Ito ang GMA Regional TV News.
38:48Nauwi sa trahedya ang masayasanang picnic ng magkaibigan sa San Vicente, Ilocosur.
38:55Ay sa pulisya, nagkakasiyahan noon ang grupo sa baybayin na sakop ng barangay San Sebastian
39:00ng maligo sa dagat ang isa nilang kasama.
39:04Makalipas ang ilang oras, nakarinig umano ng sigaw ang misis ng naligo sa dagat,
39:09pero hindi niya alam kung saan nang galing.
39:11Doon na raw rumesponde ang mga otoridad.
39:14Natagpuan nila sa 100 metro mula sa pampang ang wala ng malay at palutang-lutang nakatawa ng lalaki.
39:20I-denektera siyang dead-on arrival sa ospital.
39:23Walang pahayag ang kanyang asawa at mga kaibigan nakasama sa picnic.
39:27Makakapuso, narito ang ilang safety measures na dapat tandaan sa tuwing sasabak sa water activities.
39:35Kung may nalulunod, huwag magsayang ng oras.
39:38Ipagbigay alam agad ang sitwasyon sa lifeguard o otoridad na nasa lugar.
39:42Gawin ang mouth-to-mouth resuscitation at dalihin agad sa pinakamalapit na ospital o paggamutan ang biktima.
39:49Patay ang isang mag-asawang senior citizen matapos pagsasaksakin ang kanilang lalaking manugang sa San Lorenzo, Guimaras.
39:59Batay sa embisigasyon, napuno ang sospek na nakainom noon dahil laging pinagsasabihan ng mga biktima na huwag dalhin sa kanilang bahay ang kanyang bagong karelasyon.
40:09Namatay ang asawa ng sospek noong isang taon at naulila niya ang tatlong menor de edad na anak na nananatili sa bahay ng mga biktima.
40:17Dalawa naman ang sugatan sa insidente matapos umawat sa gulo.
40:21Arestado ang sospek na maaharap sa reklamong murder at attempted homicide. Wala siyang pahayag.
40:27Ito na ang mabibilis na balita.
40:37Arestado ang dalawang lalakit, isang babae sa drug by-bast na operasyon sa Taytay Rizal.
40:42Nakuha sa kanilang isang daan at dalawampung gramo ng hinihinalang shabu.
40:46Sa hiwalay na operasyon sa bayan ng Rodriguez, dalawang babae naman ang inaresto.
40:51Nakumpiskahan pa sila ng isang baril at mga bala.
40:53Sa kabuuan, mahigit isang milyong pisong halaga nang umunay shabu ang nasabat sa mga sospek sa dalawang operasyon.
41:01Walang pahayag ang limang na aresto.
41:06Sa Antipolo Rizal, nagkarambola ang tatlong sasakyan sa bandang Marcos Highway.
41:11Inararo ng jeep ang isang tricycle at tinamaan pa ang isang motorsiklo.
41:16Isa ang patay habang siya mangsugatan.
41:19Base sa imbesigasyon na wala ng treno ang jeep.
41:21Tumangging magbigay ng payag ang jeep ni driver na hawak ngayon ng pulis siya.
41:26Sasaguti naman daw ng operator ng jeep ang pagpapagamot sa mga sugatan,
41:30pati ang pagpapaayos sa pinsala sa mga sasakyan.
41:35Labing isang araw na lamang bago ang ika-apat na State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos.
41:41Kaya update na po tayo sa mga paghahanda dyan sa ulat on the spot ni Tina Panganiban Perez.
41:46Tina?
41:47Kani, toto na ang paghahanda ng kamera sa State of the Nation address sa July 28.
41:53Kanina muling ikinabit ang higanting watawat sa session hall.
41:57Tatlong araw itong sumailalim sa spot cleaning, wet cleaning sa isang industrial washing machine,
42:03pagpapatuyo at plancha.
42:05Pagka-deliver ng watawat sa kamera kanina,
42:08nilata nito sa session hall at muling tinansya ang mga busot.
42:11Ikinabit muna ang watawat sa kahoy na pinagagalaw ng isang makina
42:15para maayos itong maibalik sa regular na pwesto nito sa session hall.
42:20Iginabit muna ang pagpili sa kumpanya naglinis sa watawat.
42:25Nagsagawa naman ang Civil Disturbance Management Competition
42:27bilang paghahanda sa sonang iba't-ibang units ng polisya sa NPR.
42:32Sarasunang na sinaksihan ni PNP Chief General Nicolás Tore III
42:36at mga pinuno ng Commission on Human Rights.
42:38Kabilang dito ang paghahawak sa iba't-ibang senaryo o sitwasyon
42:42tulad ng demonstrasyon at iba't-ibang uri ng kaguluhan.
42:46Ayon kay General Tore, ito ay paghahanda o rehearsal na
42:49para sa darating na zona ni Pangulong Bongbong Marcon.
42:53Nagubili ni Tore sa polisya sa kabila ng inaasahang kabi-kabilang rally,
42:58siyaking protektado ang karapatang pantao
43:00at ipagupad lamang ang pwersa na naaayon sa sitwasyon.
43:04Connie?
43:05Maraming salamat, Tina Panganiban Perez.
43:08Latest bit ng netizens ang lip-sync aura videos ni Sparkle star Shubi Etrata.
43:28Pati nga sa behind the scene ng glam process, over pa rin daw ang beauty ni Shubi.
43:33E bukod sa pagiging pretty, hindi talaga mawawala ang pagiging komedya ng ex-PBB housemate.
43:40May entry na rin siya sa viral throwback audio ni Kapuso Big Winner Mika Salamanca.
43:46Literal na booked and busy ngayon ang island ate ng Cebu.
43:51At kanina lang, nasa unang hirit siya.
43:54Bago yan, may kwelang banteran sa social media ang Kapuso Morning Show with its showtime.
43:59Hiniram daw muna nila si Shubi as host for today's video.
44:03Sumingit din sa kulitan ng Kapuso infotainment show na pinasarap dahil sa kanila raw magigest si Shubes this Saturday.
44:13Ang host at certified fangirl na si Cara David may pasilip nga sa aabangang collab.
44:18Bida po natin for today ang isang alaga sa Bulacan na certified atapang-aaso.
44:46Pero tanggal aanas minsan dahil may kinatatakutan.
44:56Ay, parang malaking aso.
44:58Pag nasa bahay ready sa kanyang duty as bantay ang asong si Winter.
45:03Winner sa mga tahol at pagsilip sa bintana.
45:06Hashtag, shitsuna nakakakilabot.
45:08Pero pag ginala na sa klinik ng vet, napapalitan na yan ng takot.
45:14Nanginginig si Winter dahil takot daw sa mga tusok ni Doc.
45:19Ang doble karang aura ni Winter, halos 150,000 na ang views.
45:25Trending!
45:27Naku, nakakaawa talaga yung mga aso pag nanginginig.
45:30Parang mga bata rin yan, di ba?
45:32Alam nila pagbabakunahan, nasusokot na sila.
45:35O, ang kailangan talagang yakapin.
45:37Bukod pa siguro dahil malamig ang aircon.
45:39O, nanginginig si Winter.
45:41Alam nyo siguro na babakunahan na siya.
45:44Yes, tibali Winter, meron ka naman 100,000 views.
45:47150?
45:48Ay, 150 ma, o yan.
45:50At ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking mission.
45:53Ako po si Kwani Sito.
45:54Kasama nyo rin po ako, Aubrey Carampel.
46:00Live mula rito sa Batangas, Rafi Timo po, para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
46:05Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
Comments