Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong September 11, 2026



-Arraignment para sa mga kasong grave threats ni VPSD sa QC RTC, ipinagpaliban dahil sa inihaing mosyon

-VPSD, naghain ng mosyon na may kaugnayan sa grave threats case na isinampa laban sa kanya

-PAGASA: 2 LPA sa labas ng PAR, walang epekto sa Habagat; Habagat, magpapaulan muli sa Luzon at Visayas

-Landslide, naitala sa Brgy. Abuyo

-PCG: 2 pasahero sa manifesto ng barko, hindi nakasakay nang maglayag ito pa-Coron, Palawan; 84, hinahanap

-2, sugatan sa karambola ng 3 truck at isang tricycle

-Nasa P45,000 halaga ng gadget at mahahalagang dokumento, ninakaw ng 2 lalaki mula sa nakaparadang sasakyan sa Brgy. San Isidro

-29-anyos na lalaking napaulat na nawawala, natagpuang patay sa loob ng isang kuweba sa Brgy. Gaswiling

-8-anyos na lalaki, nasa ICU matapos muntik na malunod; paa ng bata, na-stuck sa pool drain

-Rep. Martin Romualdez, ikukulong sa BJMP QC Male Dormitory sa Payatas, batay sa commitment order ng Sandiganbayan 3rd Division

-“From Vlog to Love" digital series nina Shuvee Etrata at Anthony Constantino, mapapanood na simula sa Sept. 18

-Lalaking messenger, inireklamo ng katrabaho matapos hindi i-deposit nang buo sa bangko ang P200,000 pera

-Visayas Grid, isasailalim sa Red at Yellow Alert; Mindanao Grid, isasailalim din sa Yellow Alert

-Mga tagasuporta ni VPSD, nagtipon sa labas ng Quezon City Hall; VPSD, nanawagan kay PBBM na mag-resign

-Seguridad kaugnay sa BARMM Parliamentary Elections, hinihigpitan na

-Pagpigil sa vote-buying, kabilang sa mga tututukan ng mga awtoridad

-INTERVIEW: COMELEC CHAIRMAN GEORGE ERWIN GARCIA

-"Kalurks," mapapanood na this Sunday, 8:30pm sa GTV

-Ika-25 anibersaryo ng 9/11 Terror Attacks, ginunita

-Mga kaanak ng sakay ng nasunog na barko, wala pa rin daw natatanggap na malinaw na impormasyon

-Big-time oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo

-Tigil-Pasada sa September 14-15, ikinakasa ng grupong MANIBELA

-175-taon na templo, lumubog sa ilog matapos bumigay ang lupa

-Bacoor LGU: Sumabog na tubo na nagdulot ng abot-dibdib na baha sa 2 subdivision, pinaiimbestigahan na

-Alden Richards sa kanyang guesting sa "Gandang Gabi Vice": "This is the best"

-Walang naka-schedule na immediate surgery o invasive procedure si Rep. Romualdez, ayon sa kanyang lead physician


CBB


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Category

🗞
News
Transcript
00:31Mailit na balita, ipinagpaliban ng Quezon City Regional Trial Court ang pagbasa ng sakdal kay Vice President Sara Duterte ngayong
00:39umaga.
00:39Kauwag na yan sa mga kasong grave threats na isinampa ng Department of Justice.
00:44Ayon sa abogado ng BISEN na si Attorney Paul Lawrence Lim, dahil po yan sa inihain nilang mosyon.
00:50Hindi idinitalya ni Lim kung ano ang mosyon pero kabilang daw dito ang hiling na ipagpaliban ang arraignment.
00:56Pinagbigyan daw ito ng WES habang pinag-aaralan ang mosyon.
01:00Maagang natapos ang pagdinig at sa paglabas ng BISEN ay nagbigay siya ng mensay sa kanyang mga taga-suporta na
01:06nagtipon sa labas ng Quezon City Hall of Justice.
01:10Mahal ko kayo, hindi ko magawang umalis.
01:18Hindi ko magawang tumahimik na lamang dahil nakikita ko kayong lumalangoy sa baha.
01:26Dahil nakikita ko kayong hirap na hirap para sa inyong pamilya.
01:33Patuloy tayong manawagan ng paglayas ng problema ng ating bayan na ang pangalan ay Bongbong Marcos.
02:01Sinusubukan pa namin kunan ng komento ang Pangulo o ang Malacanang tungkol sa pahayag na yan ng BISEN.
02:09Kumuha tayo ng iba pang update.
02:11Mula sa Quezon City Hall of Justice, may ulat on the spot si Marisol Aburaman.
02:16Marisol?
02:20Rafi, kasama nga ni Vice President Sara Duterte ang kapatid na si Congressman Paulo Duterte
02:25nang dumating kanina dito sa Quezon City RTC.
02:28Paliwanang ng abogano ni VP na si Attorney Paul Lawrence Lim,
02:31dumating dito ang BISEN dahil kailangan naman daw talagang humarap ang akusado sa mga arraignments.
02:36Sabi ni Lim, kahit naman daw pinakwestiyon nila ang jurisdiction ng korte,
02:40sa kaso ng Vice President, tumatalima naman daw sa batas ang BISEN.
02:44Isa raw sa mga rason ang kanilang sinabi sa QCRTC ay ang pagkwestiyon nila sa jurisdiction
02:49na nakahain sa Korte Suprema.
02:52Narito ang pahayag ni Attorney Lim.
02:55Medyo sensitivo rin kasi yung motion, out of respect na rin sa ating hukom,
03:00saka sa proseso ng korte.
03:02Hindi ko masasabi po yung nature ng emotion,
03:04pero kabilang na doon sa mga hiningin namin yung ipagpaliban muna or i-defer
03:09yung kanyang arrangement habang pinag-aaralan ng huwes yung motion.
03:13So pinagbigyan naman niya yung pag-defer.
03:19Sabi na Attorney Lim, naka-naghain na sila sa SC ng Petition for Saturary and Prohibition
03:25na may kasamang hiling para sa Temporary Restraining Order
03:28at Treat of Preliminary Mandatory Injunction para pigilan ang pagdinig dito sa QCRTC.
03:34Sabi naman ni DOJ Spokesperson Paulo Martinez,
03:37iginagalang nila ang desisyon ng RTC na ipagpaliban ang arraignments ng BC
03:41dahil sa nakahainmosyon ng depensa.
03:44Hahayaan daw nilang gumulong ang judicial process
03:46at hindi na muna magbibigay na yung mapang kumento.
03:50Dahil nga postpone ang arraignments,
03:51nakalabas din agad ng Quezon City Hall of Justice ang BC
03:54at kanina nga rapis ang panayam ng media sa kanya,
03:57sinabi niyang okay naman daw siya basta protektado lang ang kanyang ina at mga anak.
04:02Hanggang ngayon, hindi pa rin daw ligtas ang kanyang pakiramdam
04:04at patuloy daw na nakakaranas ang harassment na nagsimula pa rao noong 2023 pa.
04:10Natao ng BC sa reaksyon niya sa pagbasura nga ng office of the City Prosecutor's Office ng Taguig
04:16sa reklamo niyang perjury laban kay Ramil Madriaga.
04:19Sabi ni Duterte, makikita rao ang pattern na kapag nagsisinungaling rao ang tao
04:24o ang kidnapper ay okay lang daw basta makatutulong sa political harassment laban sa kanya.
04:31Sa issue naman ng threshold sa impeachment court,
04:34na-desisyon na na raw ito ayon kay VP noong una pa lang daw na susundin ang konstitusyon.
04:39Hinihinga namin ng komento ang BC sa sinabi ni DILD Secretary John Vic Rimulia na gusto niya ng drama.
04:44Sagot ng BC, si Rimulia raw ang may gusto ng drama
04:47at saka yung totoong drama raw ay yung pag-aresto kuno kay dating Speaker Martin Romualdez.
04:54Rafi, matapos ngayon ang ating mixing panayam ay saglit na kinausap ng BC ang kanyang mga taga-suporta
05:00na nagsagawa ng pagkilos dito sa harap mismo ng Hall of Justice
05:04pero itinaboy din sila ng mga pulis kasi naglatag sila ng mga banners na mahigpit na ipinagbabawal dito.
05:10Rafi.
05:12Maraming salamat, Marisol Abdo naman.
05:15Mga kapuso, magpapaulan pa rin po ang habagat sa Luzon at Visayas ayon sa pag-asa.
05:21Mas makakaasa naman ng maayos at maaron na panahon ang Mindanao
05:25pero posible pa rin po eh ang mga local thunderstorm.
05:29Wala namang epekto sa hanging habagat ang dalawang binabantayang low pressure area
05:33na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
05:36Ang isang LPA ay namataan po mahigit sang libong kilometro kanluran
05:40ng southwestern Luzon nasa West Philippine Sea.
05:44May katamtaman itong tsansa na maging isang bagyo pero patungo po ito ng Vietnam.
05:49Ang pangalawang LPA naman ay mahigit dalawang libong kilometro ang layo sa silangan ng Visayas.
05:55Mababa naman ang tsansa nitong maging bagyo.
05:57Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa ilang bahagi ng Palawan.
06:01Asahan ang thunderstorms hanggang pasado alas 12 ngayong tanghali.
06:06Inaalerto ang mga residente sa Bantanambaha o landslide.
06:10May thunderstorm watch naman sa Occidental Mindoro, Palawan, halos buong Visayas,
06:15Northern Mindanao at Davao Region.
06:17Posible ang mga biglaang ulan na may pagkulog, pagkidlat hanggang alas 10 mamayang gabi.
06:25Nagka-landslide sa Alfonso Castaneda, Nueva Biscaya kasunod ng pagulan.
06:30Kumambalam ang putik at mga nabual na puno sa kalsadang sakop ng sityo de Ballyagao sa barangay Abuyo.
06:36Walang naiulat na rasaktan sa insidente.
06:40Sa barangay Marikit, nasira ng rumaragas ang ilog ang overflow bridge.
06:44Kasunod ng malakas na ulan.
06:45Inaayos na yan ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
06:50Light vehicles muna ang pwedeng dumaan sa overflow bridge.
06:53Ayon sa pag-asa, malakas na habagat ang nagpaulan sa Nueva Biscaya.
07:00Dalawang pasaherong nakasulat ang pangalan sa manifesto ng nasunog na barkong M.V. June Astor
07:06ang hindi nakasakay na maglayat ito papuntang Koron, Palawan ayon sa Philippine Coast Guard.
07:12Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na si Commodore Noemi Kayab-Yab,
07:16nag-report sa mga otoridad ang sinasabing mga pasahero.
07:19Dahil diyan, 84 na lamang ang potentially missing mula sa inisyal na 86.
07:25Tuloy pa rin po ang search and rescue operations at pag-iimbestiga sa sanhi ng apoy.
07:30Sabi pa ni Kayab-Yab, lumanabas na hindi overloaded ang barko ng maglayag ito.
07:36Ayon naman sa Atienza Inter-Island Ferries Incorporated na shipping line ng barko,
07:41nakikipagtulungan na sila sa mga otoridad para matukoy ang nitsya ng apoy.
07:45Nangako rin sila ng full transparency.
07:48Hindi raw mapuputol ang paghahanap pa sa mahigit 80 nawawala.
07:52Binigyan na raw ng kaukulang atensyong medikal ang 43 nailigtas.
07:57Nag-deploy na rin daw sila ng specialized care teams
08:00para alalayan ang pamilya ng mga nakaligtas at nawawala.
08:08Sinalpok ng 10-wheeler ang close delivery van na yan sa National Highway
08:11sa Barangay Bagacay sa Dumaguete, Negros Oriental.
08:15Nabangga naman ng closed van ang isang nakaparadang truck
08:18na may kargang kahon-kahong bote ng soft drinks.
08:22Agad nagpulasan ang mga trabahador.
08:25Damay rin sa karambola ang isang tricycle.
08:27Nagkalat sa kalsada ang mga basag na bote ng soft drinks.
08:31Sa embestigasyon ng pulisya,
08:33nawala ng preno ang 10-wheeler na may kargang sako-sakong asin.
08:36Nagpapagaling sa ospital ang sugat ang driver nito
08:39at ang driver ng nabanggang close delivery van na naipit sa manibela.
08:43Wala pa silang pahayag.
08:46Puli kam naman sa Cainta Rizal,
08:49ang pagtangay ng dalawang lalaki sa libo-libong pisong halaga
08:52ng gadget at mga mahahalagang dokumento sa isang sasakyan.
08:57Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
09:01Mag-aalas 8 ng umaga noong September 3,
09:05iniwan saglit ng isang lalaki ang kanyang sasakyan
09:08bago pumunta sa kanilang coffee shop sa barangay San Isidro, Cainta Rizal.
09:13Maya-maya, lumapit ang dalawang lalaking nakaitim at sinilip ang loob ng sasakyan.
09:18Dahil naiwang hindi nakalakang sasakyan,
09:22nabuksan nila ang pinto sa likurang bahagi nito.
09:25May naispat ang gamit ang mga salarin sa passenger seat
09:28kaya't agad nila itong kinuha sa kaumalis.
09:31Hindi nakita sa CCTV pero ayon sa biktima,
09:35pouch na naglalaman ng mga halagang bagay ang tinangay ng mga salarin.
09:40Papalis kami, then nagpe-prepare ako noon,
09:44binababa ko yung mga gamit namin.
09:46Doon sila sumalis eh.
09:47Ang laman noon, isang tablet worth around 45,000.
09:52Then, ano, mga importanteng documents.
09:54Yung mga records namin, identifications, nandoon nakarecord.
09:59Ayon sa barangay, hindi sila pamilyar sa dalawa.
10:03Karamihan po kasi ang nagkakaroon dito is mga dayo.
10:07Kaya kailangan maging maingat tayo sa ating paligid.
10:11Ang amin pong barangay ay patuloy naman pong nag-susumikap sa pag-rooving.
10:18Patuloy ang backtracking ng pulisya sa mga CCTV
10:21para matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga salarin.
10:25Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
10:34Wala nang buhay ng matagpuan ng isang lalaki sa loob ng isang kuweba sa Kapangan, Benguet.
10:40Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office,
10:43nagtungo sa Manahongkong River sa Barangay Gaswiling ang biktima noong September 3,
10:48pero hindi na nakauwi sa kanilang bahay.
10:50September 5, ang maireport ito sa mga otoridad na nagsagawa ng search and rescue operation.
10:56Itong lunes na September 7, nakita ang bangkay ng 29 anyos na lalaki.
11:01Wala pang payag ang kanyang mga kaanak.
11:06Ligtas na mga natagpuan ang 80 anyos na lolong napaulat na nawawala sa Barangay Ang Pukaw sa Itogon, Benguet.
11:12Ayon sa pulisya, huling nakita ang biktimang may Alzheimer's disease nitong Sabado ng hapon.
11:18Mahigit isang araw hinanap ang biktima na nakita ang nakaupo sa tabi ng ilog
11:22na humigit kumulang isandang metro ang layo mula sa kanilang bahay.
11:26Nakitaan siya ng sugat sa noo at magkabilang hita.
11:29Ligtas siyang naibalik sa kanyang pamilya at sasailalim sa karagdagang medical attention.
11:34Wala silang pahayag.
11:38Nasa intensive care unit ng isang batang lalaki sa isang ospital sa Lapu-Lapu, Cebu,
11:43matapos na muntik malunod at mastak ang paasapul drain.
11:47Ayon sa nanay ng bata, nag-staycation sila sa isang condominium sa Barangay Look.
11:53Nang maligo ang bata sa pool, tila nagbiruraw na nalulunod kaya inanam ng kanyang nanay ang lagay nito.
12:00Tumalun siya sa pool at nang nahirapang hilahin ang bata ay humingi siya ng tulong sa gwardya roon.
12:06Nakuha ang bata ng patayin ang pinagagalingan ng tubig na gamit sa swimming pool.
12:11I-kinadismaya ng pamilya na walang lifeguard doon.
12:15Ang ama at pinsa nito ang nagtulungang bigyan ng CPR ang bata hanggang sa dumating ang ambulansya.
12:22Nakausap ng mga magulang ng biktima ang namamahala sa condominium.
12:26Nangako itong sasagutin ang pagpapagamot ng biktima.
12:29Sinubukan ng GMA News na kunin ng pahayag ang management ng condominium,
12:34pero tumanggi itong magbigay ng komento sa media.
12:44Naghihintay na lang ng medical clearance ang BGMP bago ilipat sa Queso City Jail Male Dormitory sa Payatas
12:50si dating House Speaker Martin Romualdez.
12:53Sa pagdinignan Sandigan Bayan kahapon,
12:55humarap ang isa sa mga pinasampi ng doktor ni Romualdez at sinabing
12:58hindi niya nasuri ang kongresista bago makonfine sa ospital.
13:03Balitang atin ni Maki Pulido.
13:08Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na ang may kustudiya
13:12kay dating House Speaker Martin Romualdez.
13:14Base sa inilabas na commitment order ng Sandigan Bayan 3rd Division,
13:19ikukulong si Romualdez sa BJMP Quezon City Male Dormitory sa Payatas, Quezon City,
13:24kung saan nakakulong din ng iba pang isinasangkot sa flood control scandal.
13:28Ang bilin ng anti-graft court, hindi maaaring ibiyahe, ilipat o palayain si Romualdez
13:34nang hindi nito iniuutos.
13:36Sabi ng BJMP sa isang pahayag, agad nilang ililipat si Romualdez
13:40oras na bigyan siya ng medical clearance.
13:43Hindi rin daw nila bibigyan ng special treatment ang kongresista.
13:47Hindi rin daw niya solo ang selda.
13:49Nakahanda lang po ang BJMP in any eventuality.
13:53Meron po, definitely may makakasama po siya doon.
13:56Kung ano meron doon sa flood control, accused, pati yung other high-profile PDL natin,
14:02same, pare-pareho lang kung ang design ng selda doon.
14:04At sakaling kailanganin ang dating speaker, meron naman daw silang medical facility sa city jail.
14:10Meron po talaga ang medical facility o ang tawag namin ay infirmary sa loob mismo ng jail.
14:15May in-house medical doctor tayo at nurses na 24-7.
14:20So ang dakla na sa facility naman din.
14:23Pumarap naman sa Sandigan Bayan ang ipinasubinang doktor ni Romualdez.
14:27Tinawag ni Dr. Kurt Allen Sibayan na unusual o hindi pang karaniwan ang nangyari.
14:33Kahit daw kasi siya ang nakalagdang admitting doctor, hindi niya raw na check up si Romualdez.
14:38Ipinagbawal umano ito ng main attending physician ni Romualdez na si Dr. Rosalio Torres.
14:44Ibinigay na lang daw sa kanya ni Dr. Torres kung anong isusulat sa medical abstract.
14:49At wala naman daw nakalagay doon na kailangan ng hospital confinement.
14:53Hindi rin daw emergency case si Romualdez.
14:56Nang dumating daw sa hospital si Romualdez, hindi siya dumaan sa emergency room.
15:00At dumerecho na lang ito sa kanyang hospital room.
15:03Ayon naman kay Dr. Torres, noong September 7, araw na inisyo ang arestwarang kay Romualdez,
15:08tumawag ang staff ng dating speaker bandang alas 9 hanggang alas 10 ng umaga dahil sumasakit daw ang dibdib nito.
15:15Alas 4 na ng hapon nang magpunta si Romualdez sa hospital.
15:19Within normal naman daw ang resulta ng mga tests.
15:22Pero pinaconfine daw nila ito para ma-evaluate ang kalusugan at maaaring anumang oras ay pwede umano siyang atakihin sa
15:28puso.
15:28Kailangan rin daw ng monitoring ng kanyang puso at mahalagang mabantayan ng psychiatrist dahil stress daw ang dating speaker.
15:37Pero inamin din niyang kung gagamit ng ambulansya, kakayanin naman itong bumiyahe.
15:42Makipulidon nagbabalita para sa GMA News.
15:50Pabakang latest for the weekend, ang real-life pakilig din na Sparkle star Shuvie Etrata at Anthony Constantino.
15:59Mapapanood na rin on screen.
16:02Sa susunod na biyernes na September 18 ang premiere ng kanilang digital series na From Vlog to Love.
16:09Gaganap si na Shuvie at Anthony bilang si na angge at bullet sa romcom serye.
16:15Mapapanood ang Sex Parts series sa official YouTube channel ng GMA Network every Fridays and Saturdays 7pm.
16:23Ano kaya ang dapat abangan ng viewers?
16:29Mas lovey-dovey.
16:33Secret! You guys have to watch for that one.
16:38Bukod sa digital series, mapapanood din ang tambalang Shuvie at Anthony sa telebisyon bukas.
16:45Bida sila sa first episode ng Barangay Love Stories on TV.
16:50Mapapanood yan sa GMA ng 4pm.
16:54Arestado ang isang lalaking mensahero sa Quezon City matapos hindi i-deposito ng buo sa bangko ang perang ipinakasuyo sa
17:02kanya ng katrabaho.
17:04Ang dapat sana'y 200,000 piso, 50,000 piso lang ang pumasok sa bangko.
17:10Balitang hatid ni Bam Alegre.
17:15Arestado ang isang lalaking sinampahan ng reklamong estafa ng kanyang katrabaho.
17:20Base sa investigasyon, messenger siya sa kanilang opisina.
17:23Pinakiusapan daw siya ng katrabaho na mag-deposit sa bangko ng halayang 200,000 pesos.
17:29Pakisuyo lang daw ito dahil personal na pera ito ng kanyang katrabaho at hindi sa kanilang kumpanya.
17:33Nung dineposit niya, inantay siya ng kumplainant para bumalik.
17:39Hindi na siya bumalik.
17:40Numingi rin sila ng assistance dun sa polis natin.
17:45At nung nakita siya sa bahay, nagkaroon sila ng confrontation.
17:52At dun niya i-prelisent yung transaction slip na nagkakahalaga ng 50,000 lang.
17:58So nung tinanong siya ni kumplainant, nasa inyong 150,000, dun niya inamin na sabi niya binayad daw niya dun
18:05sa mga personal niyang utang.
18:07Agad nagreklamo ang biktiman na makita na kulang ng 150,000 pesos ang pera ang indineposit ng messenger sa bangko.
18:15Ang suspect, hindi na nagbigay ng pahayag pero kinumpirma niya sa polis na ginamit niya ang pera sa pagbayad sa
18:20utang.
18:20Gipit lang daw siya matapos matalo ng malaki sa online sugal.
18:24Based dun sa lumalabas sa investigation namin, allegedly, binayad niya sa utang niya. Personal na utang.
18:32Pero nung tinanong pa namin, ongoing investigation, lumabas na ano rin siya. Inamin niya na nalulung siya sa online casino.
18:45Nakadetain niya yan sa QCPD Station 12 ang lalaki na nakatakdang isa ilalim sa inquest proceeding.
18:51Bama Lagro, nagbabalita para sa GMA News.
18:55Muling isa sa ilalim sa Red Alert ang Visayas Grid ngayong araw ayon sa National Grid Corporation of the Philippines.
19:01Mami ay ang alas 3 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi.
19:05Naka-yellow alert naman ang Visayas Grid mamay ang alauna hanggang alas 3 ng hapon.
19:09At mamay ang alas 9 hanggang alas 10 ng gabi.
19:14Isa sa ilalim din sa yellow alert ang Mindanao Grid mamay ang alauna ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
19:20Itinataas ang yellow alert kapag manipis ang reserbang kuryente na posibleng magkulang sakaling magka-emergency.
19:27Red Alert naman kung sagad o kulang na ang supply ng kuryente.
19:31Ayon sa NGCP, 31 planta sa Visayas ang hindi gumagana habang 33 planta sa Mindanao.
19:41Muling binakbakan ni Vice President Sara Duterte ang Administrasyong Marcos nang humarap sa kanyang mga taga-suporta.
19:47Hinimok din niya ang publiko na huwag kalimutan ang issue sa flood control projects.
19:52May ulit on the spot, si Juan Aquino.
19:54Juan?
19:58Conny, matapos ang kanyang arraignment sa Quezon City Regional Trial Court ay hinarap ni Vice President Sara Duterte ang kanyang
20:05mga taga-suporta na matyagang naging tayo sa kanya dito sa labas ng Quezon City Hall.
20:13Paglabas ng Regional Trial Court, agad na nagtungo si Vice President Sara Duterte, kasama ang kanyang kapatid na si Davao
20:20City 1st District Rep. Paulo Pulong Duterte sa harap ng Quezon City Hall kung saan nagtipon ang kanyang mga taga
20:26-suporta.
20:27Ayon sa QCPD Station 10, may permit ang kanilang pagtitipon mula alas 5 hanggang alas 10 ng umaga.
20:33Sabi naman ang organizer ng pagtitipon, may mga kasama silang mula Metro Manila, Bulacan, Cavite at Batangas.
20:39Sa kanyang talumpati, ipinanawagan ng Vice ang pagre-resign ni Pangulong Bongbong Marcos na Anya ay korap.
20:46Tinawag din niyang abusado ang Pangulo.
20:48Wala umanong drama sa paghahain ng kaso laban sa kanya at mga kaalyado ng mga Duterte.
20:53Pero meron Anyang drama sa pag-aresto at pagkulong kay dating Speaker Martin Romualdez.
20:59Wala Anyang ginawa ang administrasyong Marcos kundi habulin ang mga nagsasabi ng totoo.
21:03Ang totoong drama, Anya ay ang mag-file ng impeachment na walang ebidensya.
21:08Nagagamitin Anya ang Kongreso para maghanap ng ebidensya at babastusin ang konstitusyon para lang matanggal ang mga Duterte sa gobyerno.
21:16Hinimok niya ang publiko na huwag kalimutan ang isyo ng korupsyon sa flood control scandal na pilit Anyang tinatago.
21:22At ang isyo ng mali-malitang pera na kinuha ng mga politiko na hanggang ngayon, Anya ay wala pa rin
21:28napapanagot.
21:29Narito ang pahayag na bisepresidente.
21:33Ang laban natin wala sa social media.
21:40Dahil ang kalaban natin ay nasa loob ng mga gusali ng gobyerno.
21:50Na araw-araw nililimas ang pera ng bayan.
21:56Dahil hindi tayo tulad ng mga politiko na may mga bahay sa iba't ibang lugar sa mundo.
22:09Na kung lumubog ang bayan, ay napakadali para sa kanila na umalis at iwanan tayong lahat dito.
22:21Patuloy tayong makipaglaban sa mga abusado, sa mga adik at sa mga korap.
22:34Connie, sinusubukan pa natin kunin ang pahayag ng Malacanang kaugnay sa mga sinabi ni Vice President Sara Duterte.
22:40Samatala, matapos yung kanyang talumpati, ay agad ding umalis ang bisepresidente.
22:44At yung kanyang mga taga-suporta naman ay mapayapang nag-disperse mula rito sa labas ng Quezon City Hall.
22:50Connie?
22:50Maraming salamat, Von Aquino.
22:58Tatlong araw na lang bago ang kaunaunahang parliamentary elections sa Bangsa Moro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa lunes.
23:05Mahigpit na siguridad ang ipinatutupad sa mga checkpoint ng mga pulis at sundalo.
23:10Pase sa datos ng Commission on Elections itong Hulyo, 26 na lugar sa bar mang isinailalim sa red category na
23:16areas of concern.
23:17Ang mga nasabing lugar ay nakapagtala ng makailang beses na election-related incident at nahaharap sa seryosong armadong banta.
23:26Mahigit na loong po naman ang iba pang isinailalim sa orange category na areas of concern.
23:30Ibig sabihin, may mga seryosong banta rin mula sa mga armadong grupo.
23:35Mahigit apat na po ang nasa yellow category o mga lugar na may nakaraang insidente ng karahasan kaugnay sa eleksyon.
23:41Labing walo naman ang nasa green category o mga lugar na payapa at walang banta sa siguridad.
23:47Sa mga bovoto sa lunes, pwede na pong hanapin ang inyong voting precinct gamit ang Comelec Precinct Finder.
23:54Bumisita lamang sa precinctfinder.comelec.gov.ph
24:02Kabilang sa mga tututukan na mga otoridad sa BARMM elections, ang pagbabantay para maiwasan ang vote buying.
24:10Ang mainit na balita hatid ni Efren Mamak ng GMA Regional TV.
24:18Hanggang bukas na lang, September 12, ang campaign period para sa kauna-unahang parliamentary election sa Bangsa Moro Otonomous Region
24:25in Muslim Mindanao.
24:26Bawal ng mga panya sa linggo, September 13, lalong-lalo na sa araw ng botohan sa lunes, September 14.
24:32Todo bantay ang Comelec laban sa mga kandidatong bibili ng boto.
24:36Kaya bumuo na ito ng Committee on Contrabigay.
24:50Ayon sa Comelec, nauso ang pagbili ng boto noon kaya pinaigting nila ang pagbabantay laban dito.
24:55Actually, as of now, walang formally reported. Pero naging normal yan dito sa atin sa BARMM.
25:02Kung lalabag, pwede ma-disqualify ang kandidato. Pwede ding maharap sa election offense ang botante.
25:08The commission will initiate through the so-called motto proprio na against this candidate.
25:14Yung sa ating mga botante, of course, they can be charged of election offense.
25:18Hinihikayat ng Comelec ang publiko na saksihan ang final testing and sealing activity sa mga polling center bukas, September 12,
25:26kung kailan susubukan ang mga automated counting machine, pati ang connectivity nito.
25:31Ayon sa Comelec, may mahigit 12,000 na mga electoral board members ang magsisilbi sa eleksyon.
25:37Isang libo sa bilang na ito ang mula sa law enforcement agency na magsisilbi bilang special electoral board member kung
25:44kinakailangan.
25:44Paalala naman sa mga botante na simula sa bisperas ng eleksyon, September 13, ipatutupad na ang liquor ban.
25:52Sa lunes, September 14, magsisimula ang botohan ng alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
25:58Ang mga senior citizen, buntis at PWD pwedeng makaboto simula alas 5 ng umaga.
26:04Efren Mamak ng GMA Regional TV, nagbabalita para sa GMA News.
26:11Sa puntong ito, makakakapanayin natin si Comelec Chairman George Erwin Garcia.
26:15Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
26:18Magandang umaga po, Sir Rafi, Ma'am Connie. Magandang umaga rin po sa mga kababayan natin.
26:22Apo, kamusta po yung paghahandaan nyo para sa Barma elections?
26:26Nandito po tayo ngayon sa Cotabato City.
26:27Ako, napakatahimik pa naman po ang ating kalagayan.
26:30At yung ating mga tauhan ay kanya-kanyang verification po kasi sila ngayon
26:36ng mga balotang ipinadala sa bawat munisipyo.
26:39Inaalam kung yung mga balota ay sadyang para doon sa munisipyo.
26:43And at the same time, inaalam din kung baka may mga naligaw ng mga ibang balota.
26:47So far po, 100% maayos po lahat yung na-distribute nating mga kagamitan.
26:52Patuloy pa rin po yung deployment ng mga tauhan ng PNP at AFP
26:56at nagdadagdag po doon sa mga ilang lugar na sa ating palagay ay dapat na dagdagan.
27:00Pero at least po, saka sa lukuyan, wala pong untoward incident na nangyayari dito po sa Bangsamoro.
27:06Kahit po yung mga dating incident na mga vote-buying, wala po kayo na itatala ngayon?
27:12Wala pa rin po tayo natatanggap ng mga complaints dito at kahit sa main office ng komisyon,
27:16yung usually nagpapail ng mga petisyon to disqualify candidates
27:19o kaya naman kahit yung mga nagpapail na mga petisyon din para sa election offense na tinatawag.
27:25Kanina nga po, nung umikot tayo dito sa lunsob ng Cotabato City,
27:29ay talaga pong nakita natin sumunod.
27:31Yung mga politiko, yung mga kandidato, mga political parties,
27:35nagkabit lang sila ng mga campaign material sa mga pribadong lugar o ari-arian
27:39at wala halos doon sa mga public places.
27:42So yan po nakakatuwa kahit po yung issue ng vote-buying.
27:45Pero syempre, sa ating karanasan, lagi naman yung mga natin pinandalawang araw, yan ang kritikal
27:49at yan po yung medyo binabantayan nating mabuti.
27:52Dati po kasi mainit talaga yung politika dyan sa mga lugar na yan.
27:55Pero paano nyo po mailalarawan ngayon yung sitwasyon?
27:59Kakaiba po yan. Napakahistorik po yung nangyayari ngayon
28:02sapagkat alam nyo po, isa lang ang election-related incident simula pa nung Mayo
28:05dito po sa Bangsamoro at yun nga po na kumpiskahan ng mga barel
28:09sa ating po mga checkpoints, sa 23,000 checkpoints natin,
28:12ay tatlo lamang. Yan po ay pambihira sapagkat hindi po usually ganyan
28:17dito sa lugar na ito. Dati, pag mga gantong panahon,
28:21ang dami na mga insidente, ang dami na rin karahasan
28:23at syempre ang dami na rin mga armas na nakukumpis ka.
28:26So far po, nakikita natin yung mga kababayan natin sumusunod
28:30sa mga patakaran na pinapatupad ng komisyon ng eleksyon.
28:33Ano po kayong naging difference ngayon?
28:35Siguro po dahil nakakonsentrate ang buwing pwersa ng COMELEF
28:38at pati nga po yung ating mga kapatid sa media
28:41at yung mga international observers na andito na halos lahat.
28:44Pati yung ating mga citizens armed at civil society.
28:47So naandito sila and therefore,
28:49nahihirapang kumilos yung mga iba na lalo-lalo na
28:52yung gustong maghasik ng lagim.
28:54Siguro din, si Rafi, ang isang maganda rin
28:57yung hindi ito kasabay ng national or local elections.
29:00Ibig sabihin, yung kasing mga gobernador,
29:03mga busy gobernador, kasama yung mga mayors,
29:05wala silang eleksyon and therefore,
29:07hindi sila parte ng halala na ito technically.
29:11Ano pong palala nyo sa mga dapat nadalin o tandaan
29:13lalo na sa mismong araw po na mutuhan
29:15para sa mga boboto sa lunes?
29:17Ang mga kababayan natin, lalo na po yung mga nakatatanda,
29:20may kapansana, tagdadalan tao,
29:22exclusively pwede po kayong makaboto
29:23ng alas 5 ng umaga hanggang alas 7.
29:25At yung mga regular na botante naman,
29:27mula alas 7 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.
29:29Hindi nyo po kinakailang magdala
29:31ng kahit na anong uri ng pagkakakilalan
29:33basta ang pangalan po ninyo
29:34ay nakalista sa bakawat presinto.
29:36Kung kaya nga lang,
29:37minsan may mga nagkikwestiyon
29:39ng kanila pong identity,
29:40kaya maganda na rin naman na mayroong daladala.
29:43At yung pong mga tinatawag na mga campaign materials
29:45na pinamimahagi pa,
29:47huwag na lang po kayong umasa doon.
29:48Meron po kaming na-distribute sa rapi
29:50sa buong Bangsamoro
29:51na mga tinatawag na voters information sheets
29:54na yan ay naandyan yung mga pangalan
29:56ng mga kandidato,
29:57mga patakaran sa pagboto, panuntunan
29:59at yung mga dapat na bawal
30:01at hindi dapat nilang gagawin.
30:02So yun na lang po ang dalhin nila
30:04at yun ang pagbasihan
30:05ng kanilang pamimili
30:06sa araw ng eleksyon.
30:08Sana nga po magtuloy-tuloy
30:09yung tahimik na sitwasyon hanggang sa lunes.
30:11At dumaki naman po tayo
30:12sa Baranget S.K. Elections
30:13e sinusulong po sa Senado
30:15na ipagpaliban ito.
30:16Ano pong reaksyon nyo roon?
30:18Sa mababang kapulungan po,
30:19Sir Rafi,
30:20na-approve na po
30:20ang third and final reading
30:21sa Senado naman po,
30:23inaasahan nila
30:23na ito po'y ma-approve daw po
30:24sa susunod na linggo.
30:26Kung kaya nga lamang po,
30:27ang sinasabi po natin,
30:29nakiusap tayo sa Kongreso
30:30nung tayo humarap sa kanila,
30:31na baka po pwede naman
30:32na maging maliwanag po.
30:34Hindi lamang sa Komali
30:35kung hindi sa sambayanan
30:36kung sadyang marireset
30:37ang ating Baranget S.K. Elections
30:40dahil nga doon sa bilang
30:42ito ay nakatransition
30:43doon sa tinatawag na pagpifix
30:45ng termino mula apat na taon
30:47papuntang limang taon
30:48at two consecutive terms lamang.
30:51Ang sabi po natin,
30:52magpapailing po kasi
30:53ng kandidatura
30:53sa September 28 to October 5.
30:57Dapat po ay sana
30:58bago sumapit yung panahon na yun
31:00ay maging maliwanag
31:01sapagkat napakahirap po
31:02pag nag-file kasi ng kandidatura
31:04magkakaalaman na
31:05sa isang barangay
31:06kung sino magkakalaban
31:07and therefore baka po
31:08magkahinanakitan
31:09magkasamaan ng loob
31:11sa buong taon
31:12o kung kailanman matutuloy
31:13ang susunod na halala.
31:15Ilang porsyento na po bang
31:17paghahanda ng Komelec
31:18sa Baranget S.K. Elections?
31:20Sa level po ng 1 to 10
31:21na sanayin na po tayo
31:22na deliver na po sa atin
31:24yung mga kagamitan
31:24nakapag-imprinta na po tayo
31:25ng mga balota
31:26nakagastos na po tayo
31:28ng 8 billion piso
31:29sa ating pong
31:3019.57 billion
31:31na nakalaan
31:32para sa Baranget S.K. Elections.
31:34Yung natitira nga po na pondo
31:35although ito ay wala pa
31:36sa kamay ng Komelec
31:38ay para po yan
31:39sa mga training
31:39ng teachers
31:40pang-onorarya po
31:41ng mga guro
31:42at yung pag-distribute
31:44sa mga kagamitan
31:44sa buong Pilipinas.
31:45Kung kaya medyo
31:47tayo po ay
31:48handang-handa naman
31:49sa pagsasagawa
31:50ng ating halala
31:51kung sakasakaring ito
31:52ay matutuloy talaga
31:53ngayong November 2.
31:55Siyempre po
31:55hanggat wala pong
31:56bagong batas
31:57o wala pong
31:58restraining order
31:59mula sa Korte Suprema
32:00or whatever
32:01tayo po ay magtutuloy
32:03sa pag-prepare
32:04para sa Baranget S.K.
32:05election ng November 2.
32:06Paano po kung
32:07maaprobahan yung
32:07pagpapaliban dito?
32:08Masasayang ho ba
32:09yung 8 billion?
32:11In service naman po
32:12walang masasayang
32:12sapagkat katulad
32:13ng mga balota
32:14kahit ang date
32:15na nakalagay dyan
32:16ay November 2
32:17o yung mga papel
32:18o yung pang mga ibang gamit
32:20yan naman po
32:21ay pwedeng gamitin
32:22sa susunod na eleksyon
32:23kung sakali
32:23na ito'y mapagpaliban.
32:25Kung kaya nga lang
32:26meron po mga kagamitan
32:27na hindi muna namin
32:28pinapadeliver
32:29katulad ng indelible ink
32:30katulad na limbawa po
32:31ng thumb print takers
32:33o yung mga ball pen
32:33kasi kalimitan po
32:35ang expiry date
32:36ng mga yan
32:36ay isang taon
32:37and therefore
32:37may posibilidad
32:38Sir Rafi
32:39na baka biglang matuyo
32:40o makompromiso
32:41ang kalidad
32:42ng mga gamit po
32:43na iyan.
32:44Pero kahit paano
32:45meron talagang
32:47paghahanda kayo
32:48na mauwi sa wala
32:49kapag naipagpaliban pa
32:51itong Baranget SK Elections?
32:53Yes po Sir Rafi
32:54at basta po
32:55ang inyong Comelec
32:55hindi po naman kami
32:56pwede magsabing
32:57ayaw namin
32:58o gusto namin
32:58handa po kami
32:59kung magkakaroon man
33:00ng halalan
33:01sa November 2.
33:02Mahirap na po
33:03Sir Rafi
33:03dahil mahirap iasa
33:05kung panukalang batas pa lamang
33:07dahil kahit
33:07maging batas na nga yan
33:08meron meron pupunta
33:09sa Korte Suprema
33:11at hindi natin alam
33:11kung anong pwede
33:12ma-issue sa atin
33:13ng Korte Suprema.
33:15Okay, abangan po natin yan.
33:16Maraming salamat po
33:17Comelec Chairman
33:17George Irwin Garcia.
33:19Maraming salamat Sir Rafi
33:20mabuhay po kayo.
33:27May mga kapuso show
33:29na mapapanood
33:30ngayong weekend.
33:36Simula September 13
33:38sa linggo
33:39dito sa GTV
33:40mapapanood
33:41ang Kalurks
33:43your newest
33:44Sunday night
33:44kachismisan.
33:45Mangunguna
33:46sa chismis
33:47ng trending
33:48at hottest stories
33:49of the week
33:50ang Kalurker trio
33:51na sina Ashley Rivera,
33:53Baos Rufo
33:54at DJ Jaiho.
33:55Kaya naman
33:56kita-kits
33:57mga Kalurker
33:57this Sunday
33:588.30pm.
34:04Mga talented
34:05young artist
34:06ang muling bibida
34:07sa new season
34:08ng The Voice Kids
34:10na mapapanood na rin
34:11simula sa linggo.
34:12Kaya naman ready
34:14ang superstar coaches
34:15sa pangunguna
34:17ng nagbabalik coach
34:18na si Asia's
34:19Limitless star
34:20Julian San Jose.
34:21Makakasama niya
34:22ang bagong coaches
34:23na si Makata
34:25sa Pinas Glock 9
34:26at Pop Rock Royalty
34:28Yeng Constantino.
34:29Nagbabalik din
34:30bilang host
34:31si The Master Cutter star
34:32Ding Dong Dantes.
34:33Si Sparkle star
34:35Gabby Garcia
34:35naman ang journey host.
34:37Abangan ang The Voice Kids
34:38this Sunday
34:39sa GMA 7PM.
34:46Ginunita sa New York
34:47sa Amerika
34:48ay kadalawamputlimang
34:49anibersaryo
34:49ng September 11
34:51terror attacks.
34:522,977 na ilaw
34:54ang ginamit
34:55sa tulong
34:55ng mga pinalipad na drone
34:56sa New York Harbor.
34:59I-recreate na mga ito
34:59ang makasaysayang
35:00Twin Towers
35:01ng World Trade Center.
35:03Ang bawat ilaw daway
35:04para sa bawat isang
35:05nasawi
35:05sa pag-atake
35:06ng terrorist group
35:07na Al-Qaeda
35:07noong 2001.
35:10Nagsagawa naman
35:10ng memorial service
35:11ang New York City
35:12Fire Department
35:13para alalahanin
35:14ang mahigit
35:14300 membro nilang
35:15nasawi
35:16sa terror attack.
35:18Sa isang memorial wall
35:19naman,
35:19idinaanang
35:20New York Police Department
35:21ang pag-unita nila
35:22sa alaala
35:22ng 23 tauhan
35:24na namatay
35:25sa mismong pag-atake
35:26at ang mahigit
35:27400 tubulong
35:28sa rescue operations
35:29na nasawi
35:30kalaunan
35:30dahil sa mga sakit.
35:34Balik po tayo
35:35sa mga balita
35:36dito sa bansa.
35:37Wala pa rin daw
35:38natatanggap
35:38na malinaw na
35:39impormasyon
35:40sa kanilang mahal
35:41sa buhay
35:41ang mga kaanak
35:42na mga sakay
35:43ng nasunog
35:44na M.V. June Astor.
35:46May ulot on the spot
35:47si Oscar Oida.
35:48Oscar?
35:51Yes,
35:52Connie,
35:53galit na galit
35:53ngang napasugod
35:54dito sa tanggapan
35:55ng Atienza,
35:56Inter-Island
35:57Ferries Incorporated,
35:59ang ilan sa mga kaanak
36:00na mga pasahero
36:01ng nasunog na barko
36:03sa Curon, Palawan.
36:05Mangyari ilang araw
36:06na ano kasi
36:06ang lumipas
36:07pero hanggang
36:07sa mga sandan nito
36:08ay wala pa rin
36:09silang natatanggap
36:10na anumang impormasyon
36:11sa tunay na sitwasyon
36:13ng kanilang mga mahal
36:14sa buhay.
36:15Ayon naman
36:16sa kinatawan
36:17ng kumpanya
36:18nagsimula
36:19ng mamahagi
36:20ng assistance
36:21ang shipping lines
36:22gaya ng
36:23sponsored plane ticket
36:24pamuntang Palawan
36:25mula pa rin yan kahapon
36:27at hanggang sa mga sandan nito
36:28ay patuloy doon
36:29sinagpaproseso
36:30ng mga plane tickets
36:31para mapadalah
36:32yung mga kaanak
36:33doon sa Palawan.
36:34Sa ngayon patuloy
36:35ang search and rescue operations
36:37ng Philippine Coast Guard
36:3884 pa
36:40ang hinahanap
36:41na tinil namang
36:42nasa 43
36:43ang survivors
36:43at 5
36:44ang kumpirmadong
36:46nasawi.
36:46Connie?
36:47Maraming salamat
36:49Oscar Oida.
36:54Abiso po
36:55sa mga motorista
36:56may inaasahang
36:57big time
36:58taas presyo
36:58sa ilang produktong
36:59petrolyo
36:59sa susunod na linggo.
37:01Ayon sa Oil and
37:02the Pre-Source
37:02batay sa 4-day trading
37:044 pesos
37:04and 50 centavos
37:06hanggang 5 pesos
37:07ang inaasahang
37:08taas presyo
37:08sa kada litro
37:09ng gasolina
37:10habang 2 pesos
37:11hanggang 2 pesos
37:12and 50 centavos
37:13ang inaasahang
37:14taas presyo
37:15sa kada litro
37:16ng diesel.
37:17Sa panayam naman
37:18ang unang balita
37:19sa unang hirit
37:19kay Department of Energy
37:20Oil Industry Management
37:21Bureau Director
37:22Attorney Rino Abad
37:23aabot niya
37:24sa 4 pesos
37:25per liter
37:25ang dagdag
37:26presyo
37:27ng gasolina
37:27habang aabot
37:28naman ng 2 pesos
37:29per liter
37:30ang taas presyo
37:30ng diesel
37:31at kerosene.
37:32Nakakapekto
37:33para dyan
37:33ang delay
37:34sa shipping
37:34ng supply
37:35ng langis
37:35dahil sa
37:36crisis
37:37sa Middle East.
37:39Ang problem
37:40ay yung
37:41southernmost
37:42yung part
37:43ng exit
37:44papuntang
37:44Asia.
37:45Otherwise
37:46pag nasara
37:46yan
37:47lilibot
37:48na ho
37:48yung mga
37:49shipping
37:49company
37:50papuntang
37:50Africa
37:51papuntang
37:51Cape
37:52of Good
37:52Hope
37:52at akabababa
37:53dito
37:54sa
37:54Asia.
37:55Magiging
37:56twice
37:56na yung
37:57duration
37:57ng
37:58mga
37:59almost
37:5960
37:59days
38:00mga
38:002 months
38:00na
38:01instead
38:01of
38:0125
38:02days
38:02lang.
38:05Kasabay po
38:06ng inaasahang
38:07taas presyo
38:08na yan,
38:08may tigil pasada
38:10ang grupong
38:10Maribela
38:10sa susunod
38:11na linggo.
38:12Sa lunes
38:12at martes
38:13September
38:1314
38:14at 15
38:14ang itinakdang
38:15transport
38:16strike.
38:16Tanong
38:17ni Maribela
38:17President
38:18Mar Valbuena
38:19sa Department
38:19of Transportation
38:20at LTFRB
38:22kailan
38:22daw ba
38:23aaprubahan
38:24ang hiling
38:24nilang
38:24taas
38:24pasahe?
38:25Inire-reklamo
38:26din nila
38:27sa Department
38:28of Energy
38:29ang umano
38:29yung mga
38:29problema
38:30sa pamimigay
38:31ng fuel
38:31subsidy
38:32sa mga
38:32PUV driver.
38:33May mga
38:34tsuper
38:34parao
38:35na wala
38:35sa listahan,
38:36inaabutan
38:37ng cut-off
38:38o offline
38:39na sistema.
38:40May mga
38:41gasoline
38:41station din
38:42daw na
38:42nagsasabing
38:42hindi
38:43umano
38:43sila,
38:44binabayaran
38:44ng land
38:45bank,
38:45kaya
38:45hindi na nila
38:46binibigyan
38:47ng fuel
38:47subsidy
38:48ang mga
38:48PUV driver.
38:50Sinusubukan
38:50pang kuna
38:51na pahayag
38:51ang DOTR,
38:52LTFRB
38:53at DOE.
39:00Bunubog sa ilog
39:01ang isang
39:01templo sa
39:02India
39:02matapos
39:03bumigay
39:03ang lupa.
39:04Makikita
39:05sa video
39:05ang paglamo
39:06ng Ganges
39:07River
39:08sa halos
39:09dalawang
39:10siglong
39:10tanda
39:10na
39:11templo.
39:12Sinusubukan
39:12pa
39:13ng mga
39:13residente
39:14na isalba
39:14ang templo
39:15sa West
39:15Bengal
39:16sa pamamagitan
39:17ng paglalagay
39:18ng sandbags
39:18sa Pampang
39:19pero
39:20hindi na nito
39:21kinaya
39:22dahil
39:22bumigay
39:22ang lupa.
39:23Nasa sangdaang
39:24bahay
39:25na malapit
39:25sa ilog
39:26ang nasira
39:26ayon sa
39:27ibang ulat.
39:28Naranasan
39:29ang malakas
39:29na monsoon
39:30rain
39:30sa lugar
39:31na nagdulot
39:31ng pag-apaw
39:32ng ilog.
39:36Pinaiimbestigahan
39:37na ng Bacour
39:38City Hall
39:38ang sumabog
39:39na tubo
39:39ng Maynilad
39:40na nagdulot
39:41ang abot
39:41dibdib
39:41na baha
39:42sa dalawang
39:42subdivision
39:43doon
39:43nitong Martes.
39:44Ayon kay Bacour
39:45City Mayor
39:46Strike Reville
39:46ang City
39:47Engineering
39:48Office
39:48ang initasan
39:49niya
39:49sa imbestigasyon.
39:50Sakaling
39:51mapatunayang
39:52magnagpabaya
39:52ang water
39:53concessionaire
39:53maaari
39:54raw silang
39:55bawian
39:55ng permit
39:56at pagbayarin
39:56ng danyos.
39:58Naon na lang
39:58sinabi ng Maynilad
39:59na inimbestigahan
40:00nila
40:00ang sanhi
40:01ng insidente.
40:02Sa ngayon
40:03nalinis na
40:03ang pinsala
40:04ng pagsabog
40:05ng tubo
40:05kabilang
40:06ang pagpinaguhon
40:07nitong bakod
40:08at iniwang
40:08kalat
40:09at putik
40:09sa mga bahay.
40:11Inayos na rin
40:11ang mga baradong
40:12daluyan
40:12ng tubig
40:13doon.
40:20May patikim
40:21si Asia's
40:22multimedia star
40:23Alden Richards
40:24at Vice
40:24Ganda
40:25sa first episode
40:26ng new season
40:27ng Gandang Gabi
40:28Vice
40:29this Sunday.
40:30Isa sa mga
40:31pinakamaganda
40:32pinaka
40:33grounded
40:34pinaka humbling
40:35interview na
40:36naranasan ko
40:37in the past
40:38this is the best.
40:39There's a lot
40:40of unspoken
40:40words
40:41that was said
40:42with all sincerity
40:43and genuine
40:45intentions.
40:46Na at home
40:47siya doon
40:47sa studio
40:48at saka sa akin
40:50na hindi na niya
40:51nag-guard
40:51yung emosyon niya.
40:52Isa rin siya
40:53sa mga best
40:53na na-interview ko
40:54kaya abangan niya
40:56yung episode namin
40:57sa GMA
40:58sa Sunday
40:5910 o'clock.
41:00Chika ni Vice
41:01hands down siya
41:03sa sparkle actor
41:04na isa sa
41:05pinaka-generous
41:06interviewees niya.
41:07Grateful din daw siya
41:08kay Alden
41:09na nag-reach out
41:10sa kanya
41:10matapos malamang
41:12babalik sa ere
41:13ang GGV.
41:14Super saya
41:14naman daw
41:15ng experience
41:16ni Alden
41:16sa show
41:17na puro kulitan
41:18pero may puso.
41:21Yan at iba pang
41:21ganap
41:22sa first episode
41:23ng newest season
41:24ng Gandang Gabi Vice.
41:26Panoorin
41:27starting this Sunday
41:28September 13
41:2910pm
41:30sa GMA.
41:33Speaking of
41:34ganap,
41:35spotted ang ilang kapuso
41:36at sparkle star
41:37sa event
41:38at ng isang fashion
41:39and beauty magazine
41:40kagabi.
41:41All glammed up
41:42in their creative
41:42formal looks
41:43si Namarian Rivera,
41:45Kailin Alcantara,
41:47Michelle D,
41:48Janina Chan,
41:50Oni D. Guzman,
41:51Michael Sager,
41:52Josh Ford,
41:53at Tim Yap.
41:54Present din last night
41:56si It's Showtime host
41:57Anne Curtis
41:57at kapatid niyang
41:58si Jasmine Curtis-Smith.
42:03Sinabi ng lead physician
42:04ni dating house speaker
42:05Martin Romualdez
42:06na walang nakaschedule
42:07na immediate surgery
42:08o invasive procedure
42:09ang kongresista.
42:10Ayon yan kay Dr. Rosario Torres
42:12sa pangalawang araw
42:13ng pagdinig
42:14ng Sandigan Bayan
42:14sa Mosyon
42:15para manatili
42:16ang kongresista
42:17sa ospital.
42:18Hindi raw sang-ayon si Torres
42:19sa pahayag na walang
42:20seryosong banta
42:21sa kalusugan
42:22ng mababatas
42:23na nangangangailangan
42:24ng immediate intervention.
42:26Base raw yan
42:27sa evaluation
42:27at rekomendasyon
42:28ng mga doktor
42:29ni Romualdez.
42:30Sabi naman
42:31ng kardiologist
42:32ng kongresista
42:32kailangan nasa ospital siya
42:34na may angkop
42:35na pasilidad
42:35sakaling magka-heart attack siya.
42:37Matatanda ang inaresto
42:38ang mababatas
42:39habang nakakonfine
42:40sa Cardinal Santos
42:41Medical Center
42:42noong lunes.
42:44Kahapon,
42:44nag-issue naman
42:45ng commitment order
42:45ang Sandigan Bayan
42:46para sa kanya.
42:50Yan ang may init na balita
42:51ngayong tanghali.
42:52Ako po si Connie Cison.
42:53Rafi Tima po.
42:54Kasama nyo rin po ako,
42:56Aubrey Caramper.
42:56Ito po ang GMA News.
42:58Walang kinikilingan,
42:58walang pinaprotektahan.
42:59Noon at ngayon,
43:01serbisyong totoo.
Comments

Recommended