Skip to playerSkip to main content
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong August 17, 2026


-PAGASA: Yellow Heavy Rainfall Warning sa Metro Manila at ilang karatig-lugar hanggang 12:45pm

-Flash flood sa mga kalsada, nagpahirap sa ilang motorista

-Ilang kalsada sa Metro Manila, binaha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan mula pa kagabi

-2-anyos na batang babae, nalunod sa kanal matapos aksidenteng maitulak ng 6-anyos na kapatid

-PBBM, iniutos na higpitan ang seguridad sa Bangsamoro kasunod sa pananambang sa convoy ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua

-Palarong boxing sa fiesta, nauwi sa riot; 3 sugatan

-Deadline sa paghahain at pagbabayad ng buwis, pinalawig ng BIR para sa mga apektado ng Habagat

-Malacañang: In-person classes sa ilang lugar sa Luzon, suspendido; trabaho sa gov't offices, alternative work arrangement muna

-Cellphone ng siklista, hinablot ng motorcycle rider; lisensya at P5,000 cash, natangay rin

-DOE-Visayas: Visayas Grid, inaasahang magbalik-normal na sa Sept. 11

-Martin Del Rosario, nakaramdam ng "restraint" sa pagganap bilang queer character sa Cinemalaya entry na "Tayo Lang ang Nakakaalam"

-58-anyos na babaeng wanted para sa kasong grave threat, arestado sa Oplan Galugad

-Hinihinging 2027 budget ng executive branch, dinidinig na ng House Appropriations Committee

-Kilo-kilong carrots at repolyo, itinapon sa gilid ng kalsada dahil umano sa oversupply

-Mga kawad ng Navotas Navigational Floodgate na mahalaga tuwing masama ang panahon at high tide, ninakaw

-Ilang cobra at sawa, nahuli sa ilang bahay


For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.

Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews

Category

🗞
News
Transcript
00:08Mga kapuso, bantay panahon tayo, patuloy na nakararanas ng pabungsu-bugsung ulan ng ilang lugar sa bansa, kabilang ang Metro
00:15Manila.
00:16Ang resulta niyan, baha at traffic at class suspensions.
00:20Iaatid namin ng mga detalye maya-maya.
00:25Nakasalang po ngayon sa Day 16 ng Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte, si dating OVP Dispersing Officer Gina
00:33Acosta.
00:34Batay sa naunang testimonya ng ilang branch managers ng land bank, si Acosta ang isa sa mga payi ng in
00:40-encash na confidential funds.
00:42Hostile witness po si Acosta. Ibig sabihin, ang pagharap niya ngayon sa impeachment trial ay labag sa kanyang kalooban.
00:50Ang latest sa impeachment trial, ihahatid din po namin maya-maya.
00:56Magandang tanghali po!
00:58Oras na para sa may iilit na balita.
01:12Pusok na sa balita.
01:14Biko sa balitangan.
01:17Nakataas po ngayon ang Yellow Heavy Rainfall Warning dito sa Metro Manila.
01:23Dahil pa rin po yan sa epekto ng habagat.
01:26Apektado rin ang zambales, bataan at ilampanig ng Pampanga, Tarlac, Cavite, Batangas, Rizal at Bulacan.
01:33Pusible ang pagbaha sa gitna ng malalakas na ulan na mararanasan hanggang 12.45 ngayong tanghali ayon sa pag-asa.
01:41Bahagyang nahahatak ang habagat ng low pressure area na pumasok sa Philippine Area of Responsibility nitong magdamaga.
01:47Namataan niyan mahigit 1,000 km silangan ng South and Northern Luzon.
01:52Sabi po ng pag-asa may medium chance ang nasabing LPA na maging bagyo sa loob ng dalawa hanggang tatlong
01:58araw.
01:58Sa ngayon, wala pa itong direkta epekto sa lagay ng ating panahon.
02:03Base po sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng magpaulan ang ulan dito po sa NCR hanggang mamayang hapon at
02:10gabi.
02:11Uuulanin din sa mga susunod na oras sa malaking bahagi ng Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
02:18May chance po ng heavy to intense rain sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
02:25Sa gitna ng masamang panahon, nagkaroon ng flash flood sa ilang lugar sa Benguet.
02:34Rumagasa ang tubig sa kalsadang iyan sa Pugis, Buya-Buyagan sa bayan ng La Trinidad nitong weekend.
02:40Kaya ang mga otoridad, maigpit na pinalalahanan ng mga biyahero na magdoble ingat, lalo't posible pa rin ang malakas na
02:46unan.
02:48Ganyan din ang sumalubong sa isang motorista sa Kapangan Road sa bayan naman ng Kibungan.
02:53May halong bato at putik ang bahang dumausdo sa kalsada.
03:00Nakaranas din po ng pagbahang ilang panig ng Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy ng pagulan mula pakagabi.
03:05Sa Quezon City, gutter deep ang baha sa bahagi ng Caliraya Street.
03:10Ang ilang residente, napapalusong sa baha.
03:13Mahirapan po ang pagbiyahe ng mga motorista.
03:15Sa Fairview Palitex Commonwealth Area, mabigat naman po ang trapiko sa Tandang Sora papuntang Quezon City Circle.
03:23Umagal din po ang mga sasakyan sa Buendia sa Pasay dahil sa gutter deep na baha.
03:28Nagmistula namang ilog ang ilang kalsada sa Mandaluyong.
03:38Patay ang isang batang babae matapos malunod sa isang kanal sa Kalasyao, Pangasinan.
03:44Ayon sa barangay ofisyal, nasa palayan noon ang dalawang taong gulang na bata,
03:49kanyang ina at kanyang kapatid na anim na taong gulang.
03:52Mangingis na rao noon sa lugar ang mag-iina.
03:55Habang naglalaro ang dalawang bata, aksidente rao na naitulak ng nakatatandang kapatid ang biktima sa drainage canal.
04:03Tumulong ang isa rin na mimingwip pero hinigop na pailalim sa tubig ang bata.
04:09Hindi rin lumabas sa kabila ang kanyang katawan dahil may nakabara sa canal.
04:15Dead on arrival sa ospital ang biktima.
04:19Patay matapos ding malunod ng isang lalaking labing pitong taong gulang sa Likab, Nueva Ecija.
04:25Aksidente rao siyang nahulog sa bangka habang nangingisda sa bahagi ng ilog sa barangay Aquino.
04:31Wala ng buhay na matagpuan ang binatilyo.
04:36Isang buwan bago ang Bangsamoro Parliamentary Elections,
04:40iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos na higpitan ang siguridad doon.
04:43Kasunod yan ang nangyaring pananambang sa konvoy ni Bangsamoro Interim Chief,
04:47Minister Abul Rauf Kaakwa sa datuodin si Suat, Maguindanao del Norte nitong Sabado.
04:54Ligtas si Makakwa at iba pang sakay ng konvoy na pabalik na saan ng Cotabato City.
04:59Galing silang kabuntulan kung saan nanumpa si Makakwa bilang chairman at president ng Bangsamoro Federalist Party.
05:07Patuloy ang amistigasyon ng Philippine Army, 6th Infantry Division at Philippine National Police.
05:12Ayon sa Malacanang nanawagan ng Pangulo na pairali ng pagiging mahinahon at rumispeto sa karapatang pagtao.
05:19Iniutos din niya ang malalimang imbestigasyon para mapanagot ang nasa likod ng ambush.
05:26Huli kam sa Valenzuela ang riot sa palarong boxing sa isang fiesta.
05:31Ang dahilan niyan, hindi raw kasi sports ang isang grupo.
05:35Balitang hatid ni Gabriel Gonzalez.
05:43Ang sanay masayang fiesta sa Sicho Kabatuhan, Barangay Gente de Leon sa Valenzuela kahapon na uwi sa rambulan.
05:51Nagkapikunan kasi umano ang ilang magkatunggali sa larong boxing na taon-taong tradisyon tuwing fiesta ni San Roque sa lugar.
06:01Nambato pa ng mga mapasaging bote ang ilang lalaki.
06:04Nang hampas naman ang isa pa.
06:06Inawat ng mga barangay tanod na nakapose sa lugar ang mga nag-aaway na mga lalaki.
06:12Tatlo ang nasugatan sa nangyaring gulo.
06:15Binugbog nga sila.
06:17Bali, 8-6 daw.
06:19Yung sinasabi nila.
06:20Walo yung nangbugbog.
06:226 yung magkakasama.
06:23Pero bali tatlo lang po yung nabugbog.
06:25Ayon sa barangay, maraming nakisali sa gulo noong mga oras na yun.
06:30Kaya nahirapan umawat ang mga nakaduti na barangay tanod.
06:34Ayon sa isa sa mga biktimang si Joel Balmes, natalo ng kanyang kapatid ang kalaban sa boxing.
06:39Pero hindi raw natanggap ng kanyang kalaban ang pagkatalo.
06:43Kayaan niya napikon nito.
06:45Pumagit na siya sa gulo.
06:46Pero pati siya ay nadamay.
06:48May sumuntok sir na hindi naman sila ang kalaban sa boxing.
06:52Mga nanonood lang.
06:54Kung baga parang dala siguro na dala sila sa hindi nila matanggap na talo.
07:00Mahirap ang batin sa dami.
07:02Tapos hindi kong mamalayan.
07:03May pumalo na rin sa likuran ko.
07:05Kayaan ito nga.
07:05Ay tama.
07:07Ay tama.
07:08Mamaga na nga eh.
07:10Pinakanapuruhan daw ang kanyang kapatid at pamangkin na nanonood lang sa laro.
07:14Yung dalawang yun, kapatid ko sa kapamangkin ko yung pinuntirya nila eh.
07:18Ilang binabanata nila eh.
07:20May mga sugat sila.
07:21May mga tama sa...
07:22May mga ano...
07:23May mga tama sa muka.
07:25Kaya magpapamedical siya.
07:26Desidido silang magsampan ang reklamo sa mga nambugbog sa kanila.
07:31Iniimbestigahan na rin ang pulisya ang insidente.
07:34Sinisikap ang kunan ng pahayag ang nakalaban sa boxing ng isa sa mga biktima.
07:39Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
07:45Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue ang deadline sa paghahain at pagbubayad ng buwi sa mga lugar
07:50na naapektuhan ng masamang panahon na dulot ng habagat.
07:54Para sa tax returns at payments na may deadline na August 10 hanggang 16,
07:59extended ang pag-file niyan hanggang August 18 ayon sa BIR.
08:03Ipatutupad yan sa Revenue District Offices sa ilang lugar sa Metro Manila,
08:07Elocosur, La Union, Pangasinan, Cordillera Region at ilan pang lalawigan sa Luzon.
08:14Extended din hanggang bukas ang deadline para sa taxpayers
08:17na naapektuhan ng technical issues sa EBIR Forms Offline Package.
08:21Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lang sa website o social media page ng BIR.
08:32Mainit na balita, suspendido ang in-person classes sa ilang lugar sa Luzon ngayong araw.
08:38Ayon sa Malacanang, efektibo alas 12 ng tanghali,
08:41alternative work arrangement muna sa mga tanggapan ng gobyerno.
08:44At shift muna sa alternative learning modes ang mga klase sa lahat ng antas,
08:49maliban kung may ibang utos ang LGU sa Metro Manila.
08:52Ngayon din sa Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija.
08:58Pati na rin sa Cavite, Matangas, Rizal, Laguna, Quezon Province at Occidental Mindoro.
09:04Nasa pagpapasyan naman raw ng pamunuan ng pribadong sektor
09:07kung magsususpindi rin ng pasok ngayong lunes.
09:12Huli ka amang paghahablot ng isang motorcycle rider sa cellphone ng isang siklista sa Marcos Highway sa Pasig.
09:19Kasama rin natangay ang lisensya at pera ng siklista.
09:22Balitang hatid ni EJ Gomez.
09:27Binapaybay ng dalawang biker at motorcycle rider
09:30ang Marcos Highway sa barangay de La Paz, Pasig City, umaga noong August 10.
09:35Lumipat ng linya ang motosiklo at sinabayan ng dalawang biker.
09:40May dinukot siya sa likod ng isa sa mga biker.
09:43Saka humarurot ng takbo ang rider na nakasuot ng helmet at kapote.
09:48Ayon sa 32-anyos na biktimang si Drew,
09:51tatlo silang magkakaibigang biker na nanggaling sa hinulugang taktak
09:55at pauwi na sana nang mangyari ang insidente.
09:58Natangay raw ang kanyang cellphone na abot sa 15,000 piso ang halaga.
10:03Tapos sa likod po ng cellphone, mayroon pong lisensya tapos 5,000 na cash po.
10:09Nakaipit doon sa likod ng cellphone.
10:11Napansin daw ng grupo ng mga biker na sumusunod sa kanila ang rider
10:15sa bahagi pa lang ng masinag sa Antipolo.
10:18Mahigit tatlong kilometro raw ang kanilang itinakbo hanggang makarating
10:21sa bahaging ito ng Marcos Highway sa Pasig.
10:25Nang tangayin ng rider ang mga gamit ng biktima.
10:29Hinabol po namin yung rider hanggang doon sa Pasig de La Paz.
10:32Kaya nga lang lalo po siyang bumilis.
10:34Hindi na po nakita.
10:36In-report nila ang insidente sa Barangay de La Paz
10:39at doon nakuha ang mga CCTV.
10:42Kitang-kita po sa CCTV yung pangyayari.
10:45Kaya lang, hindi talaga kayang plakahan dahil sobrang bilis po nila.
10:48Mabilis po yung takbo talaga ng rider.
10:50In-report na rin ang insidente sa Pasig City Police.
10:54Patuloy ang investigasyon ng polisya.
10:57E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
11:02Abiso po sa mga taga-Visayas.
11:04Isa sa ilalim po sa red at yellow alert muli ang Visayas Grid ngayong araw.
11:09Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines,
11:12pagsisimula ang yellow alert mamayang alas 4 hanggang alas 5 ng hapon.
11:16Red alert naman pagdating ng alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
11:21At yellow alert ulit mamayang alas 8 hanggang alas 9 ng gabi.
11:26Ayon sa NGCP, 26 na planta sa Visayas ang hindi gumagana.
11:31Labing apat na planta naman ang derated o limitado ang kapasidad.
11:36Ayon sa Department of Energy Visayas,
11:38posibleng babalik na sa normal ang Visayas Grid sa September 11.
11:43Dalawang coal-fired power plants kasi ang inaasahang magbabalik operasyon na.
11:47Tinitignan na rin ng ahensya ang iba pang power facilities na posibleng makabalik na sa operasyon bago matapos ang buwan
11:54ng Agosto.
12:00Buen naman ang latest this week!
12:03Happy at thankful si Sparkle star Martin Del Rosario sa positive reviews na natatanggap ng kanilang Cinemalaya 2026 entry na
12:11tayo lang ang nakakaalam.
12:14Chika ni Martin, pinaka-challenging part sa kanyang paganap bilang queer character sa pelikula,
12:19ang restraint na atake.
12:21Para daw siyang nakaramdam ng pagkasakal nang basahin niya ang script ng character na si Neil.
12:28Ang maganda, the more challenging ang isang role, mas bet daw yan ni Martin.
12:34Yung atake na patago, restraint kasi nanggaling ako sa TV, sa teatro, lahat kailangan na emosyon, ilalabas.
12:43Ito ang challenging dito, kailangan mo lahat itago, i-hold back.
12:47Present si Martin sa Quiapo Ilalim, pagsusulat ng ibat-ibang daan.
12:52Book launch ni National Artist for Film and Broadcast Arts, Ricky Lee.
12:57Kabilang si Martin sa mga artista ang nagbasa ng excerpt mula sa libro.
13:01Naroon din ang co-star niya sa Tayo Lang Ang Nakakaalam na si Epi Kizon.
13:05Nagbasa rin ang excerpt si Meryl Soriano na mapapanood soon sa kapuso comedy drama series na Delivery Boy.
13:16Ito na ang mabibilis na balita.
13:20Arrestado sa Gimbanoay Bae Siha, 58-anyos na babaeng may warrant of arrest para sa kasong grave threat.
13:26Ayon sa pulisyan, nangyari ang pagubanta ng suspect noong Hunyo.
13:29Wala silang ibinigay na detalye ukol sa biktima.
13:33Naaresto ang akusado sa Oplan Galugad ng pulisya sa Barangay Santa Veronica.
13:38Wala pang payag ang akusado na nasa kustudiya ng Gimba Police Station.
13:46Sumiklabag sunog sa isang residential area sa Valenzuela pasado alauna ng madaling araw kanina.
13:51Hindi bababa sa labindalawang firetruck ang rumisponde sa sunog na umabot sa ikatlong alarma.
13:56Basa sa inisyal na impormasyon, nasa 40 bahay at mahigit 80 pamilya ang apektado ng sunog.
14:04Patuloy pang iniimbestigahan ng Sanhi ng apoy.
14:10Tinatalakay na ng House Committee on Appropriations ang hinihinging 7.2 trillion pesos na 2027 budget ng gobyerno.
14:18Ngayon man, may naku na ang isang senado sa budget para sa infrastructure projects.
14:23Balitang hatid ni Jonathan Andali.
14:28Sinita ni Senator Pink Lacson ng anyay,
14:31Questionabling Lump Sum Appropriations sa isang proyektong pang-imprastruktura ng isang ahensya.
14:36Sa 7.2 trillion peso 2027 national budget na hiling ng Malacanang,
14:41hindi niya binanggit kung anong ahensya ito.
14:42Pero sa tingin niya, hindi ito dapat lump sum.
14:45Sabi ni Lacson sa isang pahayag,
14:47Pwede lang ang lump sum appropriations kung ang item o paglalaanan ng pondo
14:51ay hindi pa malinok kung paano gagastusan.
14:53Tulad ng calamity fund dahil hindi matutukoy kung kailan mangyayari ang calamidad.
14:57Sa lump sum para sa infrastructure projects,
15:00sabi ni Lacson, dapat nakabreakdown o nakahimay kung paano ito gagamitin.
15:04Ani Lacson, kaklaruhin niya ito sa briefing ng Development Budget Coordination Committee sa August 27.
15:11Sinilip din ang People's Budget Coalition ng 2027 national budget.
15:15Puna nila, 15% ng kabuoang pambansang pondo ay pambayad utang lang.
15:19Lumiliit po talaga yung espasyo para sa mga necessary na social services para sa ating mga kababayan.
15:25Ang naging problema, syempre, ay hindi natin na-manage ang ating finances.
15:30Pero yung government natin hindi nag-prioritize ng tax reform measures.
15:34Nasa sitwasyon tayo na tumataas po yung gastos natin,
15:37sabalit yung pag-collect natin ng revenue na dapat yun yung tutugon sa gastos natin,
15:42hindi yun na-address.
15:44So tumataas yung gastos, lumiliit yung revenue, lalaki talaga yung utang.
15:48Isa ang People's Budget Coalition sa mga nagsilbing observer
15:51sa pagdalakay ng 2026 national budget noong nakaraang taon.
15:55Sabi niyo Manila, Rep. Benny Abante, dapat ulitin ang ginawa noong 2025
15:59na naka-livestream ang BICAM.
16:01Walang dapat na sikreto sa budget.
16:05Walang dapat na sikreto sa budget.
16:06Whether it be unprogrammed funds o automatic appropriations,
16:11kinakailangan malaman ang taong bayan.
16:13Kung saan nagbumula yan, kung saan ang gagali yan,
16:17kung anong klaseng project yan, kung paano i-implement yan,
16:20at kung makano ng budget ibinigay dyan, at kung sino mag-implement.
16:25Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA News.
16:31Nagkalat ang kilokilong ripolyo at karot sa gilid ng Labay-Lakamen Road sa Tublay, Benguet.
16:37Kwento ni U.S. Cooper Grail Polig na pinita ng ilang magsasakan
16:40na itapon ang mga yan dahil sa oversupply.
16:44Mahaba raw ang pila ngayon sa trading center na inaabot daw ng dalawang araw.
16:48Sa tagal ng paghihintay, nabubulok din ang mga gulay at wala nang bumibili.
16:53Pinupulot na lang yan ng ilang residente para ipakain sa kanilang mga alagang hayop.
16:58Wala pang pahayag ang Department of Agriculture, Kaugnay rito.
17:04Hinakawa ng kawad ang Navotas Navigational Floodgate na mahalaga tuwing masama po ang panahon
17:09at may high tide doon.
17:12Ang nahulikam na pagnanakaw sa balitang hatid ni Darlene Kai.
17:19Nakita sa CCTV ang pag-aligid ng lalaking ito sa Navotas Navigational Floodgate sa Barangay Tangos North.
17:25Matapos maglakad-lakad, bigla siyang yumuko at may binigbit.
17:29Ninanakaw niya na pala ang mga kawad ng floodgate.
17:33Wala noon ang gwardyang si Dominic Pagaduan dahil bumili ng tanghalian.
17:37Maya-maya, biglang nagsumbong sa kanya ang mga bata sa lugar.
17:40Yung area namin, medyo, ano talaga, medyo risky.
17:48Pag abot ko doon sa area namin, ma'am, sinabis nila sa akin na nagnanakaw si Chris.
17:56Pumunta ko agad ma'am sa building na yon, lumapit ako agad sa building na yon,
18:02nakita ko na yung, may nakita ko doon na naragarin na.
18:06Bumalik paan niya ang kasamahan umano ng suspect na nakunan niya pa ng video.
18:21Yun pala, balak pa raw kunin ang natirang wire.
18:25Naman kaagad na, naku, kaagad lahat.
18:29So yun ang binalik-balikan, eh, siyempre andun na ako.
18:33Sampung metro ng gawad ang ninakaw.
18:36Tukoy na ng navotas polis ang pagkakakilanlan ng mga suspect.
18:40Yung tanso kasi, yun yung mahal eh.
18:43Sinusunog nila itong, ano, yung mga balat na ito.
18:47So yung copper wire doon, yun yung binibenta nila na mahal.
18:52We have our tracking team na nagano dito sa dalawang suspect
18:57and also we're preparing na rin yung case doon sa dalawa.
19:02Ikinagalit ni MMDA General Manager Nicola Story III ng insidente.
19:06Anya, ang ilang pirasong kikitain sa nakaw na kable,
19:09ay maaaring ikapahamak ng maraming tao at ari-arian.
19:13Nananawagan siya sa publiko na maging mas mapagmatsyag.
19:18Hinigpita na ang siguridad sa lugar.
19:19Dahil sa ninakaw ng mga kawad ayon sa LGU,
19:22naapektuhan ang flushing at stoplight ng nav gate
19:25pero hindi naapektuhan ang kakayahan nitong pigilan ng tubig
19:28mula sa Navotas River.
19:29Mahalaga pa naman ang Navotas Navigational Gate
19:32lalo na tuwing high tide o masamang panahon.
19:53Darlene Cai, nagbabalita para sa GME News.
20:01Ilang ahas ang nahuli ng mauturidad sa General Santos City.
20:05Sa barangay sa Lisidro, isang summer cobra ang nahuli sa isang bahay.
20:09Matapos ang kalahating oras, isa pang cobra ang namataan rin sa parehong barangay.
20:15Pinagahanap pa yan matapos magtago o sabutas.
20:18Ayon sa mauturidad, isang sawarin ang nahuli ng Bureau of Fire Protection noong nakaraang linggo.
20:24Sa Kawit-Kavite naman, isang cobra rin ang nahuli ng mga residente sa barangay Polvorista.
20:30Inaalam pa kung yan din ang cobra na nakita malapit sa isang skwelahan noong isang linggo.
20:36Tinurnover na sa City Environment and Natural Resources ang mga nasabing ahas.
20:40Ayon sa Department of Environment and Natural Resources,
20:43nagsisilabasa ng mga ahas dahil sa epekto ng mainit na panahon
20:47o kaya ay naapektuhan ng pag-ulan ng kanilang lungga.
20:50Paalala ng mga eksperto, sakaling makakita ng ahas,
20:53huwag itong hahawakan at sasaktan.
20:56Ipagbigay alam agad ito sa mga otoridad para ma-rescue.
21:01Pulikam ang banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Ponte Vedra Capiz.
21:06Diret-diretsyo ang takbo ng tricycle na iyan sa isang kalsada sa barangay.
21:10Binuntukan ng tumawid ang motor mula sa kabilang lane.
21:14Nagtamo ng minor injuries ang rider at dalawang pasahero ng tricycle.
21:18Nasa kustudian na po ng pulis siya ang tricycle driver.
21:22Sinusubukan pa silang makuhanan ng pahayag.
21:29Mainit na balita, iniakyat na sa Orange Rainfall Warning
21:33ang ilang bahagi ng Metro Manila ayon sa pag-asa.
21:36Kabilang po dyan ang Quezon City, Caloocan, Malabon, Valenzuela, Marikina at Navotas.
21:42Apektado rin po ang Zambales, Bataan at ilampanig ng Bulacan, Rizal at Pampanga.
21:47Mataas ang bantanang pagbaha sa mga nasabing lugar sa gitna ng matitindi o intense rains.
21:53Itinaas naman ang Yellow Rainfall Warning o posible rin ang pagbaha lalo sa mabababang lugar sa lungsod ng Maynila,
22:00Las Piñas, Muntindupa, Paranaque, Pasay, Taguig, Pateros, Makati, Mandaluyong, Pasig at San Juan.
22:09Apektado rin po ang ilan pang bahagi ng Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Cavite, Matangas, Laguna at Quezon Province.
22:18Tatagal ang Orange at Yellow Rainfall Warnings hanggang mamayang alas dos ng hapon.
22:26Dahil sa mga refund na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission, bahagyang mas mababang singil ng Neralco ngayong Agosto.
22:33Ito'y kahit tumaas ang transmission charge o yung sinisingil sa paghahatid ng kuryente mula sa mga planta papunta sa
22:39power distributors.
22:41Balita ng atin ni JP Soriano.
22:46Tumaas ng 22.22% ang transmission charge sa electricity bills ngayong Agosto.
22:53Mula sa 1 peso at 43 centavos per kilowatt hour, magiging 1 peso at 75 centavos per kilowatt hour ang
23:00singil.
23:00Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, pangunahing dahilan nito ang pagtaasang ancillary services o AS rates.
23:09Ito yung bayad sa reserbang kuryente mula sa power generators na ginagamit upang mapanatiling stable ang grid kapag may imbalance
23:18sa supply at demand.
23:19Paglilinaw ng NGCP, hindi nila kinikita ang ancillary service charges at napupuntaan nila sa power generators at reserve market providers.
23:29Mahigit 30% yung tinaas ng ancillary service rates.
23:34Very, very small percentage siya dun sa binagayaran ng consumers.
23:39Ang dagdag singil, katumbas ng mahigit 60 piso para sa mga household na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.
23:48Nauna nang sinabi ng Meralko na na-offset na nila ang pagtaas ng ilang charges dahil sa ERC-approved refund.
23:55Kaya sa kabuan, bumaba pa ng bahagya ang Meralko rate ngayong Agosto.
24:00Kung kailan naman tumasing kilowatts, bumaba naman yung kuryente namin.
24:05JP Soriano, nagbabalita para sa GMA News.
24:14Nagpabaharin po sa ilang kalsada sa Maynila ang malakas na ulang naranasan kaninang umaga.
24:20May ulot on the spot si Darlene Kai.
24:22Darlene?
24:27Connie, hanggang ngayon ay malakas yung buhos ng ulan dito sa Maynila.
24:30Kaya hindi nawawala yung baha sa ilang lugar.
24:33Tulad dito kung nasan ako ngayon, sa Taft Avenue, sa bahagi ng United Nations Avenue.
24:38Katulad po nang nakikita nyo ay baha pa rin dito.
24:40Gutter deep yung level ng tubig.
24:43Bandang alas 4 ng madaling araw, kanina nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan dito sa Maynila.
24:48Nagbaha tuloy sa iba't ibang bahagi ng lungsod, gaya sa Taft Avenue, Mabini Avenue, Calao at United Nations Avenue.
24:58Nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa Maynila.
25:02Hanggang sa mga oras na ito ay may gutter deep pa rin baha dito sa Taft sa bahagi ng UN.
25:08Walang magawa yung mga residente at commuter kung hindi lumusong sa baha.
25:12Pahirapan din ang pagdaan ng mga maliliit na sasakyan, motorsiklo, tricycle at mga pedicab.
25:20May mga kaunin ng DPWH na nakapost sa rito para mag-declogging,
25:24para masigurong hindi magbabara ang mga kanal na kung sakasakali ay lalo pang magpapalala sa baha rito.
25:31Narito po yung panayam namin sa ilang mga residente at commuter kanina.
25:35Sobra pong hirap sa mga ganito sa amin na pumapasok po sa araw-araw.
25:40May hirap po.
25:44Dahil marami po nalang gamit tapos malakas po lagi yung hangin at lagi po nababasa yung suot.
25:49Tapos pwede rin po magkasakit dahil dito po.
25:57Samantala isang lalaking 13 anyos ang patuloy na hinahanap na yun sa Ilog Pasig.
26:02Ayon kay Manila DRRMC Director Arnel Angeles,
26:05naligo sa ilog ang batak kasama ang kanyang mga kaibigan bandang alauna ng hapon kahapon.
26:12Bigla na lang daw siyang tinangay ng tubig at hindi na nakita hanggang sa mga oras na ito.
26:17Dahil halos 24 oras nang nawawala,
26:20search and retrieval operations na raw ang ginagawa ng mga otoridad.
26:25At hanggang ngayon, hindi pa rin siya natatagpuan pero puspusan ang operasyon ng Manila LGU
26:31kasama na rin ang Philippine Coast Guard.
26:34Connie, kanikanina lamang ay inanunsyo na ni Manila Mayor Isco Moreno
26:39na sinususpindi ang lahat ng afternoon classes sa lahat ng antas.
26:42Ito sa Maynila, public at private schools.
26:45Kuyan at magsuswitch na lang sila o lilipad sa alternative delivery mode.
26:49At katulad po nang nakikita nyo, mula ng sumahing papawid tayo kanikanina lamang
26:53ay lalo pang lumakas yung buhos ng ulan dito.
26:56Kaya pinaaalerto yung mga residente at lahat ng nagtatrabaho at naraan dito sa Maynila.
27:01Lalot inanunsyo na rin ng MDRRMC o NDRRMC na nasa ilalim na ng Orange Rainfall Warning
27:08ang Metro Manila kasama na itong lungsod.
27:11Connie?
27:11Yes, Darlene, pakikonfirm lamang kasi may mga natatanggap din tayong balita kanina
27:15na pati yung mga kawaninang gobyerno ng LGU ay work from home na lamang at pinauwi na daw.
27:27Connie, patuloy natin kinukumpirma yung impormasyon na yan.
27:31Pero nakakausap ako ng ilang kawaninang gobyerno kanina na uuwi na raw
27:37dahil hindi na nila maabot yung kanilang pupuntahan sa Manila City Hall
27:43dahil nga bahana dito sa ilang bahagi ng Maynila tulad dito sa kinaroonan ko sa Taft Avenue at UN.
27:50Connie?
27:50Marami salamat, Darlene Kai.
27:54Sa iba pang balita, bumuunan ng team ang DILG para imbestigahan
27:58ang hindi o manumaayos na pagresponde ng kanilang Unified 911 sa medical emergency
28:03ng isang pamilya sa Taguig.
28:06Sa viral Facebook post, sinabi ng netizen na sampung minuto raw siyang tumatawag sa 911
28:11pero wala o manong sumasagot.
28:13Inatake na raw sa puso ang kanyang tatay kaya kinailangan niyang mag-CPR.
28:17May dumating daw na sasakyan para rumisponde pero ang netizen pa rin daw
28:22ang patuloy na nag-CPR sa kanyang tatay hanggang madala sa ospital.
28:26Dead on arrival sa ospital ang kanyang ama.
28:29Sa isang bagong post, sinabi ng netizen na hindi ambulansyang ipinadala ng 911
28:33ang tumugon sa emergency.
28:35Anya, Patient Transport Vehicle o PTB yun ng kanilang barangay na tinawag ng kanyang kapatid.
28:42Ayong sa lokal na pamahalaan ng Taguig,
28:44nagpadala naman sila ng ambulansya sa barangay Maharlika Hall
28:47para mahanap ang bahay ng pasyente.
28:49Paulit-ulit daw kasing tumawag ang Taguig Command Center sa 911
28:52pero hindi na ibigay ang kanilang ang kailangang detalye
28:56para matukoy ang eksaktong lokasyon.
28:59Sa panayam sa unang balita sa unang hirit,
29:01pinabulaanan ni DILG Undersecretary Jed Patrick Mabilog
29:04ang umunoy naging call response time ng 911 sa insidente.
29:08Tatlong minuto pa lang daw ay nasagot na ang tawag ng caller.
29:13We know po that emotions are very high
29:16but our records will show that after the call was made
29:20mga 3 minutes bago po nasagot yung tawag.
29:24We know that hindi po yun substantial
29:30dahil po it's an emergency nga ho.
29:38Pasado alas 3 ng madaling araw nitong Sabado,
29:42kita sa CCTV ang paglapit ng dalawang lalaki
29:45sa mga vendo machine ng tubig sa Teachers Village
29:48sa Barangay 12, Kaloocan.
29:50Pinuntiriyan ng lalaking naka-grey na jacket
29:53ang lagayan ng bariya sa vendo machine
29:55gamit ang screwdriver.
29:57Ilang sandali pa, nabuksan na ang lagayan ng bariya
30:00at agad niyang nilimas ang laman nito.
30:03Tinarget naman ang kanyang kasama
30:05ang lagayan ng bariya ng katabi nitong
30:07hot and cold water vendo machine.
30:09Nang malimas ang laman nito,
30:11agad tumakas ang mga sospek.
30:14Tinatayang mahigit 2,000 piso
30:16ang halaga ng mga ninakaw
30:17ayon sa may-ari ng mga vendo machine.
30:20Hindi namin sinaway kasi kala namin magigiblo ng tubig.
30:22Ninakanon daw yung laman ng vendo,
30:25pati yung isa.
30:26Kinabukasan,
30:27nung pagising namin,
30:28nag-review na kami ng CCTV.
30:29Na-confirm nga namin na
30:31ninakawa na nga.
30:32Ayon po doon sa biktima,
30:34inuna ng dalawang sospek
30:35ito pong water-revealing vendo na ito.
30:38Ginamitan daw po ng tools
30:39itong pinakalagayan nila ng bayad
30:41at saka po tinangay
30:43yung coins dito po sa loob.
30:46Pagkatapos naman po,
30:47sinira itong padlock neto.
30:49Ngayon po, ipinalitan na lang nila
30:51pero sinira daw po ito
30:52ng dalawang sospek
30:53at saka po tinangay
30:55yung coins dito po sa loob
30:57ng hot and cold water vendo.
31:00Ipinose ng biktima
31:01ang video online
31:02at inireport sa barangay 8 at 12
31:05na pagalamang may iba pang
31:06na biktima ang mga sospek.
31:08Tapos may mga nag-comment,
31:10may mga nag-missage sa akin
31:11na kilala nga nila
31:12pasalagang barangay 8
31:13saka gawain daw talaga nila yan.
31:15Ang barangay 12,
31:17hinahanap na ang mga sospek.
31:19Actually, inaction lang naman po namin yan.
31:21Hinahanap lang po namin
31:22yung mga nagnakaw na yun.
31:25Ayon naman sa pulisya,
31:27naaresto nila ang lalaking
31:28naka-blue sa video
31:29na kinilala sa alias na Dodong
31:31ilang oras pagkatapos ang insidente
31:34dahil sa iba pang kaso.
31:36Matuloy naman ang pagtugi
31:37sa kasabwat niyang si alias Kakart.
31:40Nakakulong na sa sangandaan
31:41sa Station 4
31:42si alias Dodong
31:43na may dati ng kasong
31:44pagnanakaw.
31:46Sinusubukan pa namin siyang hingan
31:47ng pahayag.
31:49Gabriel Gonzalez,
31:50nagbabalita para sa GMA News.
31:54Nagsimula na
31:55ang pagtalakay ng kamera
31:56sa panukalang
31:577.2 trillion peso
31:592027 national budget
32:01ngayong araw.
32:02May ulot on the spot
32:03si Jonathan Andan.
32:04Jonathan?
32:05O ni nakasala ngayon
32:07ng economic team
32:08ng Administrasyong Marcos
32:09na DBCC
32:11o Development Budget
32:12Coordination Committee
32:13na binubuo ng
32:14Department of Budget,
32:15DEPTEV
32:16o Department of Economy
32:16Planning and Development,
32:18Department of Finance
32:19at Banko Sentral
32:20ng Pilipinas.
32:21Ipinapaalam ngayon
32:22ng DBCC
32:23sa mga kongresista
32:24kung paano po pondo
32:25ang 7.2 trillion
32:28na panukalang budget
32:30sa susunod na taon.
32:31Ang sabi ni DBM
32:32Secretary Kim Robert de Leon
32:33umabot ng 11 trillion pesos
32:35ang natanggap nilang
32:36budget proposal
32:37mula sa iba't ibang
32:38ahensya ng gobyerno
32:39pero di raw kayang
32:41pagbigyan lahat
32:42kaya tinapyasa nila
32:43at bumaba sa 7.2 trillion
32:45ang ipinasa nilang
32:46total expenditure program
32:48at panukalang budget
32:49sa 2027.
32:50Sa kanya namang
32:51opening statement
32:52tiniyak po
32:52ni House Appropriations Chair
32:54Representative Mika Sonsing
32:55na magiging bukas
32:56ang proseso
32:57ng pagbuo ng budget.
32:58Binowag na rin daw nila
32:59ang small committee
33:01at binuo ang kauna-unahang
33:03Budget Amendments Review
33:04Subcommittee.
33:05Ang NEP
33:06o National Expenditure Program
33:07ay binalangkas
33:08ng ehekutibo
33:09base sa pangangailangan
33:10ng bansa
33:11na sa tingin nila
33:11ay kailangang ponduhan
33:13sa susunod na taon.
33:14Day 1 ngayon
33:15ng 53-day timetable
33:16na target ng Kamara
33:18sa pag-aproba
33:18ng budget
33:19sa October 9.
33:20Sa mga oras na ito,
33:21Connie,
33:22ay nagsisimula
33:22ng magtanong
33:23yung mga kongresista
33:24sa mga economic managers
33:26ng Administrasyong Marcos.
33:27Alamin natin,
33:28maya-maya
33:29kung meron ba silang
33:30nasilip
33:31na kapunapuna
33:31doon sa budget
33:33kasi nung weekend
33:34sinabi ni Senator
33:35Ping Lakson
33:35may nasilip siya
33:36na may lump sum
33:37sa infrastructure project
33:39ng isang government agency
33:40daw hindi niya binanggit
33:41kung ano
33:41na yun ang kanyang
33:42kina-question.
33:43Kasi kapag lump sum
33:44daw,
33:45hindi daw pwede
33:46yung lump sum
33:46sa infrastructure project
33:47kasi kailangan may breakdown
33:49kung paano mo
33:49pupunduhan
33:50ang isang proyekto
33:51ng pa-imprastruktura.
33:53Yan muna ang latest
33:53mula rito sa Batasang Pambansa.
33:55Tapos si Jonathan Andal
33:56ng GMA News.
33:57Balik sa'yo Connie.
33:58Marami salamat
33:59Jonathan Andal.
34:05Exciting ang bigating
34:06collaboration
34:07na Kapuso Network
34:08kasama
34:09si Grammy Award winning
34:10Filipino-American artist
34:11Apple Diab.
34:13Pumilman ng distribution deal
34:15ang Black Eyed Peas
34:16co-founding member
34:17sa GMA Music
34:18para sa i-re-release niyang
34:20three-track extended play.
34:22Tampok dyan
34:23ang powerful showcase
34:24ng original Filipino music
34:26na may temang
34:27national pride
34:28at global Pinoy spirit.
34:30Present sa contract signing
34:31si GMA Network Inc.
34:33Executive Vice President
34:35at si Financial Officer
34:36at EVP and COO
34:39of GMA Music
34:40Felipe Esialo
34:41at si GMA Music
34:43Managing Director
34:44Renes Salta.
34:47Apple is the first
34:49foreign artist
34:50that will be
34:51that have signed
34:52with us.
34:53I want to make
34:54GMA Record
34:55a company
34:57that will be
34:58identified
34:59with quality
35:00as well as
35:03a home
35:04for talented
35:06Filipino artists.
35:09This is
35:09I think
35:10this is just
35:10the start
35:11of a
35:12more collaboration.
35:14Beyond music
35:15and performing
35:17around the world
35:18I always have
35:18our country
35:20our beloved country
35:21in back of my mind
35:22on how can I
35:24bridge
35:24my opportunity
35:26back home.
35:30Update tayo
35:31sa lagay ng panahon
35:32matapos bahain
35:33ng ilang lugar
35:33sa Metro Manila
35:34bunsod ng malakas na ulan.
35:36Makakakapanayim natin
35:37si pag-asa weather specialist
35:38Grace Castaneda.
35:40Magandang umag
35:41at welcome po
35:41sa Balitang Hali.
35:43Magandang umaga
35:44din po Sir Rafi.
35:45Magandang umaga
35:46din po sa inyong
35:46mga taga-surviver.
35:47Opo.
35:48Kahit wala pong bagyo
35:49mananatili bang
35:49malakas ang habagat
35:50ngayon pong linggo?
35:52Yes po Sir Rafi
35:54expect po natin
35:55ngayong linggo
35:56prevailing pa rin po
35:57yung habagat
35:58and then ngayon pong
35:59Monday hanggang
36:00Wednesday
36:00mas magiging
36:01malakas po yung
36:02mga pag-ulan
36:02na ina-expect
36:04po natin.
36:04Sa ngayon po
36:05wala tayong bagyo
36:06pero meron po tayong
36:07circulation
36:08or may LCA po tayo
36:10sa loob ng ating
36:11area of responsibility.
36:12Which is isa po ito
36:13sa nag-i-influence din
36:15ng habagat po natin
36:16ngayon.
36:16Ano po yung
36:17pinakamapektuhan?
36:19Sa ngayon po
36:20mostly yung
36:21buong bahagi pa rin
36:22po ng Luzon
36:22pero yung mga
36:23lalakas po na pag-ulan
36:25is concentrated
36:25over the western section.
36:27So 100 to 200
36:29millimeters of rainfall
36:30po for the area
36:31of Benguet,
36:31La Union,
36:32Pangasinan,
36:33Zambales,
36:34and Bataan.
36:35Well for nearby areas
36:36or sa Ilocosur,
36:38Abra,
36:38Tarlac,
36:38Pampanga,
36:39Bulacan,
36:40Metro Manila,
36:40Rizal,
36:41Cavite,
36:42Batangas,
36:42at Occidental,
36:43Mindoro.
36:43Possible naman po yung
36:4450 to 100 millimeters
36:46of rainfall.
36:47So malakas po talaga.
36:49Ganun po ba sa lahat
36:50ng mga maapekto
36:50ng habagat
36:51o may mga areas lang
36:52na ganito katindi
36:53yung buhos ng ulan?
36:54For the areas po na
36:56nabanggit natin kanina
36:57na may possible po
36:59na 100 to 200 millimeters
37:00of rainfall,
37:01mostly po mas frequent
37:03po yung buhos
37:04dyan ng mga malalakas
37:05na pag-ulan.
37:06For dito naman po
37:06sa Metro Manila
37:07and nearby areas,
37:09meron po tayong
37:10brief lang na
37:11pahinga po
37:12ng mga pag-ulan
37:13but any time of the day
37:14nandyan po yung
37:15mga biglaang buhos
37:17po ng malakas
37:17na pag-ulan
37:18lalong-lalo na po
37:18kapag may thunderstorm
37:20then due to habagat.
37:21Posible po bang
37:22tumagal muli
37:23hanggang weekend
37:23itong maulang panahon?
37:25Sa ngayon po
37:26Sir Rafi
37:27nakikita natin
37:28yung malakas po
37:29na ulan
37:30or enhanced na pag-ulan
37:32yung any time of the day
37:33po possible
37:33yung biglaang buhos
37:34is magtatagal
37:35hanggang Wednesday
37:36pero magdedepende pa po
37:38ito dito sa LPA
37:39din na minomonitor
37:41natin
37:41dahil kapag po
37:42mas naging
37:44naging
37:46defined po siya
37:47or mas
37:48naging bagyo po siya
37:49sa mga susunod na araw
37:50posibleng
37:51ma-influence niya po
37:52tuloy-tuloy yung habagat
37:53so kapag ganun po yung
37:54nangyari is
37:55yung buong weekend po
37:56natin is
37:57may mga ganito po tayo
37:58yung periods
37:59ng heavy rainfall pa rin
38:00for most parts of Luzon
38:02Kumusta po yung movement
38:03nitong low pressure area?
38:05Sa ngayon po
38:06medyo pabago-bago pa po
38:07yung paghilos niya
38:08or erratic pa po
38:09yung mess niya
38:10but generally
38:11nakikita natin
38:12west-north-westward po ito
38:13patungo sa area
38:14ng Taiwan
38:15in terms of
38:16direct effect
38:17possible po
38:18sa area po
38:19ng batanes
38:20and then habagat pa rin
38:21yung mag-preprevail po
38:24for most of Luzon
38:25saka western section
38:26ng Visayas
38:27Very quickly po
38:28baka may paalala po kayo
38:29sa ating mga kababayan
38:30ngayong malakas po ang ulan?
38:31Yes po
38:32So ngayon po
38:33meron pa rin tayong
38:34strong episode
38:35ng habagat
38:36na magpapatuloy po
38:37hanggang sa mga susunod na araw
38:39so may mga malalakas pa rin po
38:40tayong mga pagulan
38:41kaya pagiging alert
38:42pa rin po
38:42dahil magiging mataas po
38:44muli yung banta
38:45ng mga pagbaha
38:46at paguho ng lupa
38:47for most areas po
38:48ng Luzon
38:49lalong-lalo na
38:50sa western section
38:50po nito
38:51Maraming salamat po
38:52sa oras na binahagi nyo
38:53sa Balitang Halit
38:54Maraming salamat din po
38:56Yan po si pag-asa weather
38:57specialist
38:57Grace Castaneda
39:04Yes Rafi
39:05sa day 16 nga
39:06ng impeachment trial
39:07labang kay Vice President
39:08Sara Duterte
39:09hiniling ni
39:10Public Prosecutor
39:11Representative Joel Chua
39:13sa impeachment court
39:14na kumaari
39:15ay pagsalitain
39:16si Private Prosecutor
39:18Virgil Ligutan
39:19Kognito Rafi
39:20doon sa naging
39:21manifestation
39:22ni Atty. Sheila Sison
39:24ng depensa
39:25patungkol sa
39:26social media post
39:27ito nga
39:28si Ligutan
39:29ukol sa misleading
39:30questions
39:30pero hindi muna
39:31ito pinahintulutan
39:33ni Presiding Officer
39:34Chief Escudero
39:35dahil hindi pa
39:35maglalabas
39:36ng ruling
39:36ang korte
39:37sa unang kalahating
39:39oras ng trial
39:39Rafi
39:40natapos ang pagharap
39:41ni Maribig Pareja
39:42ng kamera
39:43at na-excuse na siya
39:44hindi nga siya
39:45nakapag-testamento
39:47mismo
39:47dahil nagkasundo
39:49ang magkabilang panig
39:49ukol sa mga
39:50ebidensya
39:50ipapa-identify
39:51sa kanya
39:52ukol sa mga
39:53naging pagdinig
39:53sa kamera
39:54patungkol sa
39:55confidential funds
39:56sunod na iniharap
39:58ng depensa
39:58si Gina Acosta
39:59ang dating
40:00Special Disbursing Officer
40:01ng OVP
40:02na nag-handle
40:03ng confidential funds
40:05ng OVP
40:05mula 2022
40:06hanggang 2023
40:08idineklara
40:09ni Atty.
40:10Virgil Liguta
40:11na magiging unang
40:12hostile witness
40:12nila si Acosta
40:13dahil sa posisyon niya
40:15sa OVP
40:16at dating trabaho
40:17bilang SDO
40:18naging SDO
40:19rin daw siya
40:20ni VP Sara Duterte
40:21nung alkalde siya
40:22ng Davao City
40:22kaya nais nilang
40:23patunayan
40:24na kaya siya
40:25naging SDO
40:25sa OVP
40:26ay dahil sa
40:26performance niya
40:27sa Davao City
40:28Tutol si Atty.
40:29Atty.
40:30Lindel Backel
40:32ng Depensa
40:34na talakayin
40:35ang pagiging SDO
40:36ni Acosta
40:37sa Davao City
40:38dahil hindi naman
40:38daw ito
40:39sa klaw
40:39ng habla
40:40sa impeachment trial
40:41pero sa ruling
40:42ni Presidenting Officer
40:43Jesus Scudero
40:44pinayagan niya
40:45na makasama
40:45sa tatalakayin
40:46ng prosekusyon
40:47ang pagiging SDO
40:48sa Davao ni Acosta
40:49para ma-establish
40:50lamang
40:50ang behavior pattern
40:52at hindi bilang
40:53bakagin ng impeachment trial
40:54at hindi rin
40:55idaragdad
40:56sa charge sa VP
40:57Ayon kay Backel
40:59hindi agad pwedeng
41:00gawing hostile witness
41:00si Acosta
41:01kailangan pa raw
41:02itong ma-establish
41:03ng prosecution
41:04git niligutan
41:05may counter-effidavit
41:06na si Acosta
41:07sa Office of the Ombudsman
41:08ukol sa reklamo
41:10patungkol sa
41:10confidential funds
41:11Si Presidenting Officer
41:12Jesus Scudero na
41:13ang nag-rule
41:14na gawing hostile witness
41:15si Acosta
41:17nakoterminus
41:18ang posisyon sa OVP
41:19kay VP Sara Duterte
41:20at kapag wala na nga
41:22sa OVP ang vice
41:23ay mawawala na rin siya
41:24ng trabaho
41:26pinayagan mang
41:26maging hostile witness
41:27sinabi ni Escudero
41:29kay Ligutan
41:29na maaari lamang
41:31magtanong
41:31ng leading question
41:32sa testigo
41:33pero hindi maaari
41:34ang leading question
41:37sa ngayon
41:38sa ngayon Rafi
41:38ay nagpapatuloy pa rin
41:40ang pagtatanong
41:41ni Atty. Ligutan
41:42sa hostile witness nila
41:44na si Gina Acosta
41:46at ina-expect din Rafi
41:48na magkakaroon ng break
41:49ngayong tanghali
41:50ang impeachment court
41:52at wala pa rin tayong
41:52naririnig
41:53ukol sa posibilidad
41:54o kung ano man
41:55ang magiging posibilidad
41:56dahil nga
41:57sasama ng panahon
41:59sa araw na ito
42:00balik sa iyo Rafi
42:02Maraming salamat
42:03Ian Cruz
42:05Update po tayo
42:06sa lagay ng kalsada
42:07at trapiko
42:08sa Metro Manila
42:08sa gitna ng malakas na ulan
42:10May ulot on the spot
42:11si Marise Umali
42:12Marise
42:13Pony, ginising ng malakas na ulan
42:15ang maraming nating kababayan
42:16sa iba't ibang panig
42:17ng Metro Manila
42:18ngayong lunes na umaga
42:19Halos walang pigil nga
42:20ang malakas na ulan
42:21gaya sa Quezon City
42:22na nagdulot ang mabigat
42:23na daloy ng trapiko
42:24sa EFSA
42:25Kinailangan nga namin
42:27humanap na ibang ruta
42:28papuntang Pasay
42:29pero pag-ikot namin
42:30sa may Gilmore Street
42:31sa New Manila
42:32mabagal din
42:32ang daloy ng mga sasakyan
42:34hanggang gutter deep
42:35ang baha sa ilang bahagi nito
42:36poor visibility rin
42:38ang sitwasyon
42:38dahil sa lakas ng ulan
42:39nagbaha rin
42:40sa iba't ibang panig
42:41ng Metro Manila
42:42sa Pasay City
42:43Connie
42:43sa Ed Sarojas
42:45northbound
42:46as of 7.26am
42:47bumaha hanggang gutter deep
42:49bagaman possible naman ito
42:50sa lahat ng klase
42:51ng sasakyan
42:52sa Andrews Avenue
42:53corner Aurora Boulevard
42:54both lanes
42:55gutter deep din
42:56ang baha
42:56at possible
42:57to all types of vehicles
42:59sa kanto ng Ed Sarojas Boulevard
43:00sa Pasay City
43:01hanggang gutter deep
43:03ang baha
43:03hanggang gutter deep din
43:04ang baha sa Rojas Boulevard
43:06kanto ng Libertad
43:06at Pasay
43:07mabagal ang daloy
43:08ng trapiko
43:09maging sa tapat
43:10ng World Trade Center
43:11sa Bendiya
43:11Pasay City
43:12hanggang gutter deep
43:13ang baha
43:14possible naman
43:15sa mga sasakyan
43:15sa Marikaban Pasay
43:17bagaman mabilis na
43:18tumaas ang baha
43:19nagsimula na rin
43:20itong humupa
43:20pasado alas 10
43:21ng umaga
43:22sa ngayon Connie
43:23dito sa Taft Pasay
43:24bumuusan naman
43:24ng malakas na ulan
43:25mabigat ang daloy
43:26ng trapiko
43:27at marami rin mga pasahero
43:28ang nag-aabang
43:29na masasakyan
43:30Connie?
43:31Maraming salamat
43:32Mariz Umali
43:35Ticket selling
43:36on another level
43:37ang paandar
43:38ni Delivery Boy
43:39lead star
43:40Will Ashley
43:41Pumwesto last week
43:42si Will
43:43sa isang booth
43:44sa Gezon City
43:45para personal
43:46na magbenta ng ticket
43:47para sa kanyang
43:48solo album launch
43:49this September
43:50All original songs
43:52daw ang ipe-perform niya
43:54mula sa kanyang
43:55debut album
43:56ng Liham
43:56Excited na raw siyang
43:58mapakinggan ng fans
43:59ang mga kanta niyang
44:00naging masusi
44:01ang pagpili
44:02sa kanyang album launch
44:04kailangan daw
44:04abangan
44:05ang surprise collab
44:09Speaking of collab
44:10tuloy
44:11ang pagsasama
44:12ng kapuso
44:13at kapamilya
44:14para sa Pinoy
44:15Big Brother
44:15collab 3.0
44:17This time
44:17mga ordinaryong
44:19Pilipino naman
44:19ang sasabak
44:21sa hamon
44:21ng pagpapakatotoo
44:23Basta 18 to 35 years old
44:25eligible
44:26maging housemate
44:27ni Kuya
44:27Sa mga bet
44:28mag-audition
44:29is scan lang
44:30ang QR code
44:31o pumunta
44:31sa PBB
44:32collab website
44:33Mag-fill out
44:34ng detalye
44:35at mag-upload
44:36ng 1-minute
44:37audition video
44:38ng self-introduction
44:39at kung bakit
44:40karapat dapat kang
44:41maging housemate
44:45Patuloy na nagdudulot
44:46ng pag-uho ng lupa
44:47at mga bato
44:48ang masamang panahon
44:48sa Benguet
44:49at ilan pang lugar
44:50sa Cordillera
44:51May ulat on the spot
44:52sa Cindy Salvasio
44:53ng GNA Regional TV
44:54Cindy
44:58Rafi, dahil patuloy pa rin
45:00ang nararanasang
45:01malakas na pagulan
45:01sa Cordillera Region
45:03ay patuloy din
45:04at kabikabilaan
45:05ang mga nararanasang
45:05mudslide, landslide
45:07at rockfall
45:08sa ilang mga probinsya
45:11Nangangamba pa rin
45:12ang mga residenteng
45:13nakatira
45:13sa Sicho Bayabas
45:14Barangay Pico
45:15at Trinidad Benguet
45:16na muling maranasan
45:17ang flash flood
45:17na nanalasa
45:18noong kasagsaga
45:19ng mga bagyo
45:19at habagat
45:20Ayon sa mga residente
45:21halos araw-araw
45:22nilang nararanasan
45:23ang malalakas na pagbagsak
45:25ng tubig
45:25na nagmumula sa bundok
45:26dahil sa walang tigil na ulan
45:28Hirap makauwi
45:29mga residente
45:29sa kanilang mga bahay
45:30Ang ilan
45:31naglagay ng mga tarpaulin
45:33sa harap ng kanilang mga bahay
45:34bilang pananggas
45:35sa bumababang tubig
45:36Umaasa ang mga residente
45:37na magiging maayos na
45:38ang daloy ng tubig
45:39kapag natapos
45:40ang ginagawang drainage canal
45:41Samantala
45:42nagbubungkal na sa bukid
45:43ang ilang magsasaka
45:44ng gulay sa la Trinidad
45:45para sa muling pagtatanim
45:47Nasira kasi ang karamihan
45:48sa kanilang first crop
45:49matapos mababat
45:50sa baha
45:51ang kanilang sakahan
45:52Lugi raw
45:52ang mga magsasaka
45:53Kabikabilaan
45:54ang nararanasang pagguho
45:56ng lupa
45:56sa ilang kakalsadahan
45:57sa Cordillera region
45:58Sa bilang bilis kapangan
46:00na ipaulat
46:01ang debris flow
46:01sa kahabaan
46:02ng Governor Bado Dangwa
46:03National Road
46:04Pinag-iingat
46:05ang mga residente
46:06motorista
46:07at iba pang mga biyahero
46:08na dumaraan
46:08sa naturang ruta
46:09Sa ukab itogon
46:11isang puno
46:11ang bumagsak
46:12sa gitna ng kalsada
46:13matapos gumuho
46:14ang lupa
46:14dahil sa tuloy-tuloy
46:15na pagulan
46:16Agad nagsagawa
46:17ng clearing operations
46:17ang lokal na pamahalaan
46:19Sa parehong barangay
46:20isinara sa mga motorista
46:21ang kalsada
46:22matapos gumuho
46:23ang lupa sa lugar
46:24Patuloy ang clearing operations
46:26ng mga otoridad
46:26sa mga kalsadang
46:28natabunan naman
46:28ng lupa
46:29sa bayan
46:29ng Bontoc Mountain Province
46:31Rafi Ayon
46:32sa Mines and Geosciences
46:33Bureau Cordillera
46:35ay umaabot
46:36sa 1,413 millimeters
46:38ang accumulated rainfall
46:40sa Baguio City
46:41at Benguet
46:41nitong August 1
46:42hanggang August 9
46:43Katumbas ito
46:44ng humigit kumulang
46:45isat kalahating buwan
46:46na nadami ng ulan
46:48na lubharaw na kababahala
46:49kaya naman patuloy
46:50ang kanilang pag-iingat
46:51sa mga residente
46:52lalo na
46:52mataas ang chance
46:53sa ngayon
46:54ng pagguho
46:54ng lupa
46:55sa ilang mga lugar
46:56Rafi
46:56Maraming salamat
46:58Sandy Salvaso
47:00Yan na may ilit na balita
47:01ngayong tanghali
47:02ako po si Connie Sison
47:04Rafi Tima po
47:05magpapatuloy
47:06ang livestream ng GMA News
47:07sa impeachment trial
47:07ni Vice President
47:08Sara Duterte
47:09Kasama nyo rin po ako
47:10Aubrey Caramper
47:11Ito po ang GMA News
47:12walang kinikilingan
47:13walang pinoprotektahan
47:15noon at ngayon
47:16serbisyong totoo
47:17GMA News
47:183
47:18Goal
47:18HНАЯ
47:193
47:25Goal
47:254
47:26Coal
47:266
47:277
47:2810
47:2910
Comments

Recommended