00:00At kaugnay pa rin sa pagpapatawag ng special session ng Pangulo,
00:04posibleng maganap ang paghalal ng bagong Senate President.
00:09Ayon po yan sa ilang Senador.
00:11Sa gitna niyan, nangako naman si Sen. Joel Villanueva
00:15na dadalong sa naturang session.
00:19Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:24Nakasaad sa Proclamation No. 1318
00:27ang Priority Legislative Measures na nais ng Malacanang naaksyonan
00:31ng Kongreso sa ipinatawag na special session.
00:35Ang hindi nakasaad, ang posibilidad na makapaghalal ng bagong Senate President.
00:40Gayunpaman, pwede itong mangyari ayon sa ilang Senador.
00:43Maaari lang kasing maghalal ng Senate President kapag nakasesyon ang Senado.
00:48Ang pangako naman po ni Sen. Pagkaitan, bababa siya pag may 13.
00:53Sana nga, meron kaming 13 talaga bukas.
00:55Dahil ang alam ko dyan, yung pagkabasa ko,
00:58yung isa na mag-a-attend lang daw po, talagang gusto niya lang daw talaga
01:01para magkaroon po ng session.
01:02So mag-a-attend daw po siya pero no commitment yet na sasawa po sa amin.
01:08Matatanda ang sinabi ni dating Palace Press Officer Claire Castro
01:11na bago magkaroon ng special session,
01:14nais ng Pangulo na maayos muna ang Senado
01:17sa naharap na sigalot sa liderato.
01:2012 lang ang Senador na bumubuo sa new majority.
01:23Kulang pa ng isa para sa kinakailangan 13 para makapaglukluk ng Sen. President.
01:29Ang tanong, nagpatawag si Pangulong Marcos ng special session dahil
01:33naayos na ba ang gusot at may sapat na numero na ang new majority?
01:39Pumukaw pa sa atensyon ang video message ni Sen. Joel Villanueva kahapon.
01:44Sa pagkakataon po na magkaroon ng special session,
01:49tuto pa rin po natin ang ating sagradong tungkulin sa ilalim ng ating saligang batas.
01:55We will be there.
01:56Kabilang si Villanueva sa naghalal noon kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President.
02:02Pero siya na nga ba ang ikalabing tatlong senador ng mayorya?
02:06Hinihingan namin ang pahayag si Villanueva.
02:13Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, pinaghahandaan na rin nila ang ilang senaryo
02:18gaya halimbawa ng pakikipag-unahan ng kabilang paksyon sa pag-convening sesyon.
02:24I-capable niyang gawin yun. Kasi mahilig talaga siya sa ganyan.
02:28Sa House, kung natatandaan ninyo, nilockdown niyo yung buong Congress para hindi siya mapalitan.
02:34Lalo napakapangit pagka dalawa yung tatayo doon sa podium.
02:37Natanong din ang media ang tukos sa Senate Mace na simbolo na nagaganap ang lehitimong sesyon.
02:44May ilang pagkakataon kasi sa Kamara na itinago ang Mace para mapigilan ang sesyon at leadership change.
02:51Noong taong 1991, nawala ang Mace sa gitna ng banta sa posisyon,
02:55nino ay Sen. President Jovito Salonga kaya hindi mabuksan ang seksyon.
03:00Kalaunan, nakita rin ang Mace at inilukluk bilang bagong Sen. President si Neptali Gonzalez.
03:07Nag-uusapan ako ng senior leadership namin kung anong panggagawin.
03:12I don't know, marami pong mangyayari.
03:14Pero hopefully, baka sabihan na siya before the session ako, labing tatlo na kami.
03:19Hinihinga namin ang pahayag si Sen. Cayetano at kanyang mga kaalyado.
03:23Patuloy naman ang paghihigpit sa seguridad sa Senado.
03:26Kahit si Acting Sen. President Sherwin Gatchalian,
03:30idinaan pa sa X-ray machine ang kanyang bag nang dumating sa Senado kanina.
03:34Panay rin ang security check sa loob ng gusali.
03:39Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas.
Comments