Skip to playerSkip to main content
Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang siyam na senador mula sa Cayetano bloc para ibalik ang Senado sa dati nitong estado bago ang ikinasang sesyon noong June 3.


Iyan ang sesyon kung kailan binakante ng binansagang “new majority” ang lahat ng posisyon sa Senado.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naghahin ng petisyon sa Korte Suprema ang siyam na senador mula sa Cayetano Block
00:06para ibalik ang Senado sa dati nitong estado bago ang ikinasang sesyon noong June 3.
00:14Yan yung sesyon kung kailan binakante ng binansagak new majority ang lahat ng posisyon sa Senado.
00:22Nakatutok live si Sandra Aguinaldo.
00:25Sandra?
00:28Yes Mel, sa bisperas nga ng special session ay nagpapatuloy po ang tunggalian sa liderato ng Senado.
00:37At kayong araw nga po ay dumulog sa Supreme Court ang siyam na senador na kinabibilangan ni Senador Alan Peter
00:44Cayetano
00:45para ireklamo ang ilan nilang kasamahan na umunay lumabag sa saligang batas.
00:54Isang araw bago ang pinaplanong special session ng Kongreso bukas,
00:58dubulog sa Supreme Court ang ilang senador mula sa Cayetano Block
01:02para hilingin na maglabas ng status quo anti-order para ibalik ang Senado sa dating kondisyon nito
01:08bago ang June 3 proceedings kung saan nagsesyon ang grupo ng labindalawang senador na nauwi sa pagdadeklarang bakante
01:17ang lahat ng posisyon kabilang ang Senate President.
01:20Matatandaan noong araw na yun na luknok si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President pro tempore at acting Senate President.
01:28Nangyari ito matapos dumalo sa sesyon si Senador Cheez Escudero bilang ika-labindalawang senador na para sa Gatchalian Block
01:37ay sapat na bilang para magkaroon na ng korum.
01:40Respondents sa petisyon ang labindalawang senador ng Gatchalian Block,
01:45pati na ang itinalaga nitong Senate Secretary na si Renato Bantug at Sergeant at Arms na si Alfredo Corpus.
01:53Pinapadeklara sa petisyon na null and void ang ilang hakbang ng Gatchalian Block gaya ng sasyon noong June 3,
01:59ang pagdadeklarang may korum o sapat na bilang na senador noong araw na yun,
02:03at pagdadeklarang bakante ang lahat ng posisyon,
02:07maging ang pagluluklok ng ilang personalidad sa mga kumite,
02:10pati na si Senador Juan Miguel Zubiri bilang Majority Leader
02:13at maging ang pagluluklok ng Senate Secretary at Sergeant at Arms.
02:18Hiniling din nilang patigilin ang Supreme Court ang lahat ng respondent
02:21kabilang ang committee chairperson ng Gatchalian Block sa kanilang mga aktibidad,
02:25kaugnay sa mga nasabing posisyon at opisina.
02:28Pinapahinto rin ang respondent sa pagpapatupad ng mga resolusyon
02:32at pinababalik ang mga senador, officers at personnel sa kanilang mga posisyon at duty
02:38bago ang June 3 proceedings.
02:40Pinababasura rin ang ginawang adoption ng Senate Resolution 48
02:44na nag-ambyenda sa Rules of Procedure of Impeachment Trials
02:49na nagbibigay daan sa eleksyon ng presiding officer ng Impeachment Court.
02:54Hiniling din nila sa Supreme Court na ibalik si Cayetano bilang Senate President,
02:58si Loren Legarda bilang Senate President pro tempore,
03:02at maging ang Senate Secretary at lahat ng chairman ng committee.
03:06Kapansin-pansin naman na siyam na senador lang
03:08nang tinaguri ang Cayetano Block ang dumulog sa Korte Suprema.
03:12Hindi kasama sa petitioner si Sen. Joel Villanueva at Sen. Mark Villar
03:18na umuugong na posibleng umanib sa new majority.
03:22Hinihingan pa namin sila ng reaksyon.
03:24Katwiran pa ng petitioner sa Supreme Court,
03:27nararapat aksyonan agad ng Supreme Court ang kanilang petisyon
03:31dahil may genuine issues of constitutionality na dapat matugunan.
03:35We have faith that the issue is something that is very important not only now but in the future.
03:44The issue will determine our kind of democracy, our kind of government.
03:50Bukas nakatagdang magsagawa ng special session ng Senado at Kamara.
03:54May listahan ng legislative measures na nais ng Malakanyang na maipasa.
03:58Pero posible ring makapaglukluk ng bagong Senate President habang nakasesyon.
04:03Bukod kasi sa 12 Senators ng Gatchalian Block,
04:06nagsabi na si Villanueva na dadalo siya sa sisyon.
04:10Labing tatlong boto ang kailangan para makapaghalal ng bagong Senate President.
04:15Kung 13 na sa kanila, congratulations.
04:18We know how you got it sa pananakot, panunuhol, sasabihin, ikukulong.
04:23But sabi namin na anytime na 13 kayo, kayo na mamuno.
04:27Pero hindi magbabago principle namin.
04:29Walang katiyakan sa ngayon kung dadalo ang Kayetano Block sa special session.
04:34Special session, we continue to discuss.
04:36But obvious sa amin, ang target dito ay kunin ang Blue Ribbon Committee at isecure yung Senate Presidency.
04:44Patuloy namin hinihinga ng reaksyon si Gatchalian at mga Senador ng New Majority.
04:49Pero sa naon ng payag, sinabi ni Gatchalian na umaasa siyang dadalo ang Kayetano Block sa sesyon bukas.
04:55Tumanggi siyang magkomento kung 13 na ang kanilang hanay bukas.
04:59Magiging natin siyangin in special session dahil this is an opportunity sa atin na matapos yung mga nabimbin.
05:09So yeah, that's why important na yung mga Senators natin maka-attend.
05:14So paano kung hindi sila umattend yung block nila, makakapagpatuloy pa rin?
05:19Yes, because of yung Abelino case, may quorum tayo.
05:24Patuloy namang mahigpit ang seguridad sa Senado sa kita ng umunay banta na posibleng umunong may kaugnayan sa destabilization ng
05:32gobyerno.
05:33Nagsagawa rin ang Comprehensive Security Survey and Inspection ang pulisya.
05:38Based on our communication with AFP and PNP, it's just impossible na this tab related siya.
05:46But I won't go into the details.
05:53Mel, bukas 9am ang special session at maaasahan daw po na patuloy na mahigpit ang siguridad dito sa Senado.
06:02Mel?
06:02Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
06:08Reaksyon ni Senador Ping Lakson sa inihain petisyon sa Korte Suprema ng grupo ni Senador Alan Peter Cayetano,
06:17dapat daw mas maaga nila ito inihain.
06:21Anya, dapat binigyan ng sapat na panahon ng Korte para pag-aralan ng issue.
06:26Salit, inihain nito isang araw bago ang special session.
06:31Tanong ni Lakson, balak ba ni Cayetano na gumawa ng eksena bukas?
06:38At sabihin, nakabimbin pa ang kanyang petisyon sa Korte Suprema,
06:42kaya maaari pa siyang humilos bilang Senate President?
06:47Hindi na dapat umayag ang majority block na mangyari ito.
06:51Hãy subscribe cho kênh Ghiền Mì Gõ Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
06:56Hãy subscribe cho kênh Ghiền Mì Gõ Để không bỏ lỡ những video hấp dẫn
Comments

Recommended