00:00Sumailalim sa medical nagamutan at masusing observasyon ng Philippine Eagle na si Lakwe
00:05matapos mawalan ng kuko sa insidenteng mag-atake ng isang aso.
00:09Alamin po natin ang kondisyon ngayon ni Lakwe sa report ni Janessa Felix ng PTV Davao.
00:17Halos isang taon matapos pakawala ng Philippine Eagle na si Lakwe sa barangay Kagbana sa bayan ng Morawin Leyte noong
00:24September 2025.
00:26Ibinalik ito ng Philippine Eagle Foundation sa Davao City noong nakaraang linggo.
00:31Kinakailangan itong sumailalim sa masusing medical examination, treatment at mandatory disease screening sa pangasiwa ng team ng mga veterinaryo.
00:40Ito ay matapos mawala ng isang klo o kuko si Lakwe nang nakainkwentro ang isang aso malapit sa Marabong River
00:47sa Borawin Leyte noong 1 Agosto.
00:49Ang pagkawala ng klo o kuko ay isang malubhang injury para sa isang Philippine Eagle.
00:55Ngunit tiniyak ng Philippine Eagle Foundation na gagawin ng mga veterinaryo at rehabilitation team ang lahat ng mga kaya upang
01:02mabigyan si Lakwe ng pagkakataong makarecover.
01:05Kabilang dito ang pag-assess sa agility, balance, strength, coordination at pinakamahalaga ang kakayahan nitong maghunting.
01:13Ang goal talaga ng rehabilitation team natin ay ibalik yung hunting prowess, yung hunting skills ni Lakwe.
01:22Of course, yung claw is a very important tool for hunting prey items.
01:28So, i-explore namin yung mga options together with our vet consultants from other countries.
01:36Samantala, posibleng pa rin na tumubo muli ang kuko ni Lakwe.
01:39At kung hindi, susubukan ng ilang modernong procedure gaya ng paggamit ng prosthetic claw.
01:45Nakipagugnayan na rin ang PEF sa International Veterinarian para sa posibleng paggamot nito.
01:50At kung hindi magtatagumpay ang mga ito, mananatili si Lakwe sa the Philippine Eagle Center bilang breeding o educational bird.
01:58We would like to assure the public that our team of veterinarians and animal keepers are doing their best to
02:06find the best option and rehabilitation procedure for Lakwe.
02:11Kapag tuluyang gumaling si Lakwe, may posibilidad din na ibalik ito sa Leyte, kasama ang dalawa pang agla na planong
02:17i-release sa lugar sa susunod na taon.
02:19Mula dito sa Davao City, Janessa Felix, para sa Bayan.
Comments