00:00Umangkat ng langis ang South Cotabato LGU sa isang Malaysian company.
00:04Kasabay nito ang pagpayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.
00:09na pinahintulutan ng national government ang probinsya para sa nasabing negosasyon.
00:14Yan ang report ni Janessa Felix ng PTV Davao.
00:19Upang makatulong sa epekto ng oil price hikes sa bansa dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa Middle East,
00:26lumapit ang pamahalaang panalawigan ng South Cotabato sa isang Malaysian oil company
00:31upang makakuha ng dagdag na fuel supply ang probinsya.
00:35Kinukompleto na ng provincial LGU ang mga kinakailangang dokumento
00:39para sa issuance ng letter of credit na siyang kinakailangan upang masimula ng shipment.
00:46April 20, nag-issue na ng invoice ang nasabing supplier
00:50kung saan naabot sa 30 million liters ng fuel supply ang idideliver.
00:55Nilinaw ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr.
00:59na pinahintulutan ng national government ang probinsya para sa nasabing negosasyon
01:04kung saan pinayagan ang mga lokal na opisyal na maghanap ng paraan
01:08upang makakuha ng supply ng produktong petrolyo.
01:12Ina-isol na natin yung mga documents.
01:14If magkakasundo na at makaka-issue na tayo ng LC sa kanila,
01:20eh baka magsimula na yung pag-ship ng fuel.
01:24Eh kung mangyari yun, talagang mababa yung presyo.
01:28Ang hakbang na ito ay nagpapakita anya ng matibay na koordinasyon
01:33sa pagitan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor.
01:36Ngunit sa kabila ng positibong hakbang na ito
01:39mula sa pamahalaang pandalawigan ng South Cotabato,
01:42wala pa rin impormasyon sa proseso ng distribution nito patungo sa mga consumer.
01:46Talagang ito'y effort rin ng national government natin.
01:51Bilang local government, eh gumagawa rin tayo ng parahin
01:53kung paano tayo makaka-augment para mas mapabilis pa natin
01:56yung pagbabaan ng presyo ng fuel.
01:59So may mga negosyasyon.
02:00Inalaw tayo.
02:01Inalaw tayo ng national government to negosyay.
02:05Siniguro ng provincial government ng South Cotabato
02:08na makapagbibigay ito ng short-term relief
02:10at makapagpapalakas ng supply ng produktong petrolyo sa Mindanao.
02:14Mula dito sa Davao City, Janessa Felix para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments